You are on page 1of 14

DALOY NG PITONG

HULING WIKA NI HESUS


PANIMULANG SALITA

Tagapagpadaloy:
Mga minamahal na mga kapatid,
sa ating dakilang pagdiriwang ng Misteryo Paskwal
ng ating Panginoong Hesukristo,
natitipon tayo ngayon upang pagnilayan
ang mga huling wika na kanyang binigkas
habang siya ay nakabayubay sa krus.
Ito ay mga salita ng kapatawaran,
kagalingan at pagmamahal.
Ang kanyang mga salita ang matibay nating katunayan
na ang pagmamahal na ito ni Hesus ay hanggang sa
kamatayan.

Sa hapong ito, samahan natin si Hesus


sa kanyang pag-aalay ng buhay para sa ating kaligtasan,
bilang pagtugon sa kalooban ng mapagmahal nating Ama.
Samahan natin siya sa kanyang pagdurusa at isama dito
ang bawat pagdurusa na ating binabata sa buhay.
Buksan natin ang ating puso, isip, at kalooban
upang ating lubusang maunawaan ang wagas niyang pag-
ibig para sa ating lahat.

Magsitayo po ang lahat at sumabay sa pambungad na awit.

PANIMULANG AWIT ( aawit ng angkop na kanta ang Koro)

1
PANIMULANG PANALANGIN

Lector:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Panginoon naming Hesukristo,


nagkatawang-taong Anak ng Diyos,
pag-ibig sa aming mga makasalanan
at pagtupad sa kalooban ng iyong Ama,
ang siyang dahilan ng iyong pagpapakasakit at kamatayan.
Tunghayan mo kaming bahagi ng iyong katawan
na natitipon ngayon upang magnilay
sa mga misteryo ng iyong pagpapakasakit,
pagkamatay at muling pagkabuhay.
Nawa’y sa muling naming paggunita
sa mga misteryong ito na nagdulot ng aming kaligtasan,
kami’y mapanibago ng iyong wagas na pagmamahal
ngayon at magpasalawang hanggan. Amen.

Tagapagdaloy:
Manatiling nakatayo para sa pagpapahayag ng Mabuting
Balita.

Unang Wika- ."Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi


nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”

Lector:
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lukas
23:33-34
Papuri sa Iyo, Panginoon.

Nang dumating sila sa isang bundok na tinatawag na


Bungo, ipinako nila si Jesus sa krus. Ipinako rin ang
dalawang kriminal, isa sa kanyang kanan at isa sa kaliwa.
At sinabi ni Jesus, "Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi
nila nalalaman ang kanilang ginagawa. Pinaghati-hatian ng
mga kawal ang damit ni Jesus. Sila'y nagpalabunutan
upang malaman kung kani-kanino mapupunta ang bawat
kasuotan niya.

2
Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon.
Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.

Tagapagdaloy: Magsiupo po ang lahat.

PAGNINILAY NG MAGBABAHAGI

Sa bahaging ito gaganapin ang 5-hanggang 7 minutong pagbabahagi.


Matapos ang pagbabahagi, magsisiluhod ang lahat.

Tagapagdaloy: Magsiluhod po ang lahat. Ang atin pong


itutugon:

IKAW AY BUTIHIN AT MAPAGPATAWAD, O PANGINOON.

Lector:
Ikaw ay butihin at mapagpatawad, O Panginoon,
sagana sa kagandahang loob sa lahat ng tumatawag sa iyo
makinig ka, O Panginoon, sa aking panalangin
at dinggin ang tinig ng aming sinakdal.

Lahat: Ikaw ay butihin at mapagpatawad, O Panginoon.

Lector:
Lahat ng bansang ginawa mo ay paririto at sasamba sa
Iyo at ipagdarangal ang pangalan mo, Panginoon
sapagkat ikaw ay dakila, gumawa ng mga kababalaghan
ikaw lamang ang Diyos.

Lahat: Ikaw ay butihin at mapagpatawad, O Panginoon.

Lector:
Ikaw, O Panginoon, ay isang Diyos na maawain at
mapagbigay banayad sa pagkagalit, sagana sa
kagandahang-loob at katapatan,
tunghayan ako at kahabagan.

Lahat: Ikaw ay butihin at mapagpatawad, O Panginoon.

3
Tagapagpadaloy: Magsiupo po ang lahat.

Aawit ang koro ng angkop na awitin matapos ang awit, magpapatuloy


ang pagdiriwang.

Tagapagdaloy: Magsitayo po ang lahat para sa


pagpapahayag ng Mabuting Balita.

Ikalawang Wika- Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon


sa Paraiso.

Lector:
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lukas
23:35-43
Papuri sa Iyo, Panginoon.

Ang mga tao nama'y nakatayo roon at nanonood, habang si


Jesus ay kinukutya ng mga pinuno ng bayan. Sinabi nila,
"Iniligtas niya ang iba; iligtas niya ngayon ang kanyang
sarili kung siya nga ang Cristo na hinirang ng Diyos!"
Nilait din siya ng mga kawal. Nilapitan siya ng isa at inalok
ng maasim na alak, kasabay ng ganitong panunuya, "Kung
ikaw nga ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong
sarili." Isinulat nila sa kanyang ulunan, "Ito ang Hari ng
mga Judio." Tinuya rin siya ng isa sa mga salaring
nakapako sa tabi niya, "Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas
mo ang iyong sarili at pati na rin kami."
Ngunit pinagsabihan naman ito ng kanyang kasama, "Wala
ka na bang takot sa Diyos? Ikaw ay pinaparusahan ding
tulad niya! Tama lamang na tayo'y parusahan nang ganito
dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito'y walang
ginawang masama." At sinabi pa nito, "Jesus, alalahanin
mo ako kapag naghahari ka na."
Sumagot si Jesus, "Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon
sa Paraiso."
Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon.
Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.

4
Tagapagpadaloy: Magsiupo po ang lahat.

PAGNINILAY NG MAGBABAHAGI

Sa bahaging ito gaganapin ang 5-hanggang 7 minutong pagbabahagi.


Matapos ang pagbabahagi, magsisiluhod ang lahat.

Tagapagpadaloy: Magsiluhod po ang lahat. Ang atin pong


itutugon:

NASA PANGINOON ANG AWA AT KALIGTASAN.

Lector:
Mula sa karimlan, ako’y dumaraing sa Iyo, Panginoon
Panginoon, dinggin mo ang aking tinig
Pakinggan mo sana ang tinig kong nagsusumamo

Lahat: Nasa Panginoon ang awa at kaligtasan.

Lector:
Kung tatandaan mo ang mga sala ng tao, sino ang
makatatagal?
Dahil ikaw ay mapagpatawad, paglilingkuran ka ng mga
takot.

Lahat: Nasa Panginoon ang awa at kaligtasan.

Lector:
Ako’y nananalig sa Pangioon
Nananalig ang aking kaluluwa sa kanyang Salita
Hinahangad ko ang Panginoon
Higit pa sa pananabik ng bantay sa bukang-liwayway.

Lahat: Nasa Panginoon ang awa at kaligtasan.

Tagapagpadaloy: Magsiupo po ang lahat.

Aawit ang koro ng angkop na awitin matapos ang awit,


magpapatuloy ang pagdiriwang.

5
Tagapagpadaloy: Magsitayo po ang lahat para sa
Pagpapahayag ng Mabuting Balita

Ikatlong Wika- “Babae, hayan ang iyong anak, at


sinabi niya sa kanyang alagad, hayan ang iyong Ina.”-

Lector:
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
19: 25-27
Papuri sa Iyo, Panginoon.
Nakatayo sa tabi ng Krus ni Hesus ang kanyang Ina at ang
kapatid nito na si Mariang asawa ni Cleofas at s atabi nito
ang minamahal niyang alagad, sinabi nya sa kanyang Ina,
babae, hayan ang iyong anak, at sinabi niya sa kanyang
alagad, hayan ang iyong Ina.” Buhat sa oras na yaon,
tinangap na siya ng alagad sa kanyang tahanan.
Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon.
Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.

Tagapagpadaloy:Magsiupo po ang lahat

PAGNINILAY NG MAGBABAHAGI

Sa bahaging ito gaganapin ang 5-hanggang 7 minutong pagbabahagi.


Matapos ang pagbabahagi, magsisiluhod ang lahat.

Tagapagpadaloy: Magsiluhod po ang lahat. Ang atin pong


itutugon:

Ang Panginoon ay maawain at mapagbigay.

Lector:
Purihin mo ang Panginoon, O aking kaluluwa
pupurihin ng buo kong katauhan ang banal niyang
pangalan, purihin mo ang Panginoon, O aking kaluluwa
Huwag limutin ang lahat niyang biyaya.

Lahat:

6
Ang Panginoon ay maawain at mapagbigay.
Lector:
Pinatatawad niya ang lahat mong kasalanan
Ginagamot ang lahat mong karamdaman,
Inililigtas niya ang iyong buhay sa kapahamakan
Ibinubuhos sa iyong ulo ang kabaitan at awa.

Lahat: Ang Panginoon ay maawain at mapagbigay.

Lector:
Ang Panginoon ay maawain at mapagbigay banayad sa
pagkagalit at sagana sa kagandahang-loob sa
pakikitungo sa atin, di isinasaalang-alang ang mga
kasalanan.

Lahat:
Ang Panginoon ay maawain at mapagbigay.

Tagapagpadaloy: Magsiupo po ang lahat.

Aawit ang koro ng angkop na awitin matapos ang awit, magpapatuloy


ang pagdiriwang.

Tagapagpadaloy: Magsitayo po ang lahat para sa


Pagpapahayag ng Salita ng Diyos.

Ikaapat na Wika- “"Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako


pinabayaan?"-

Lector:
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Markos
15:34
Papuri sa Iyo, Panginoon.

Nagdilim sa buong lupain mula sa tanghaling tapat


hanggang sa ikatlo ng hapon. Nang ikatlo na ng hapon,
sumigaw si Jesus, "Eloi, Eloi, lema sabachthani?" na ang
kahulugan ay, "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako
pinabayaan?"

7
Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon.
Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.

Tagapagpadaloy:Magsiupo po ang lahat

PAGNINILAY NG MAGBABAHAGI

Sa bahaging ito gaganapin ang 5-hanggang 7 minutong pagbabahagi.


Matapos ang pagbabahagi, magsisiluhod ang lahat.

Tagapagpadaloy: Magsiluhod po ang lahat. Ang atin pong


itutugon:

Ang Panginoon ay aking liwanag at kaligtasan.

Lector:
Ang Panginoon ay aking liwanag at kaligtasan, kanino ako
matatakot?
Ang Panginoon ang nagtatanggol sa aking buhay, kanino
ako masisindak?

Lahat: Ang Panginoon ay aking liwanag at kaligtasan.

Lector:
Isang bagay ang hinihiling ko sa Panginoon, ito ang aking
Hinahangad naa tumahan sa bahay ng Panginoon habang
ako’y nabubuhay Upang lasapin ang buti ng Panginoon, at
malasin ang kanyang buhay

Lahat: Ang Panginoon ay aking liwanag at kaligtasan.

Lector:
Naniniwala akong makikita ko ang kabutihan ng
Panginoon Sa lupain ng mga buhay
Masigasig mong hintayin ang Panginoon
Pasiglahin ang iyong puso at hintayin ang Panginoon

Lahat: Ang Panginoon ay aking liwanag at kaligtasan.

8
Tagapagpadaloy:: Magsiupo po ang lahat.

Aawit ang koro ng angkop na awitin matapos ang awit,magpapatuloy


ang pagdiriwang.

Tagapagpadaloy: Magsitayo po ang lahat para sa


Pagpapahayag ng Salita ng Diyos.

Ikalimang Wika- Ako’y nauuhaw”

Lector:
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
19:28-29
Pinupuri ka naming Panginoong Hesukristo

Pagkatapos nito, sapagkat nalalaman ni Hesu na naganap


na ang lahat ng kanyang winika, bilang katuparan ng
kasulatan, “Ako’y nauuhaw”. Mayroon doong isang sisidlan
na puno ng suka. Ikinabit nila sa isang sanga ng isopo, ang
isang esponghang pinigta sa suka at inilapit sa kanyang
bibig.

Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon.


Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.

Tagapagpadaloy: Magsiupo po ang lahat

PAGNINILAY NG MAGBABAHAGI

Sa bahaging ito gaganapin ang 5-hanggang 7 minutong pagbabahagi.


Matapos ang pagbabahagi, magsisiluhod ang lahat.

Tagapagpadaloy: Magsiluhod po ang lahat. Ang atin pong


itutugon:

Nauuhaw sa Iyo ang aking kaluluwa ,


O Panginoong kong Diyos

9
Lector:
O Diyos, ikaw ang aking Diyos, na sabik kong hinahanap
Nauuhaw sa iyo ang aking kaluluwa
Hinahangad ka ng aking puso, tulad ng lupang tigang
Uhaw at walang tubig

Lahat: Nauuhaw sa Iyo ang aking kaluluwa, O Panginoon


kong Diyos.

Lector:
Kaya pagmamasdan kita sa iyong kalangitan
Upang Makita ang iyong kapangyarihan at kaluwalhatian
Sapagkat higit pa sa buhay ang iyong awa
Ipagdarangal ka ng aking mga labi

Lahat: Nauuhaw sa Iyo ang aking kaluluwa, O Panginoon


kong Diyos.

Lector:
Pupurihin kita habang buhay ko Sa aking pagdalangin,
sasambitin ko ang iyong pangalan Ang aking kaluluwa’y
waring nabubusog Sa mataba at masarap na pagkain at
buong galak kang pupurihin ng aking bibig.

Lahat: Nauuhaw sa Iyo ang aking kaluluwa, O Panginoon


kong Diyos.

Tagapagpadaloy: Magsiupo po ang lahat.

Aawit ang koro ng angkop na awitin matapos ang awit,


magpapatuloy ang pagdiriwang.

Tagapagpadaloy: Magsitayo po ang lahat para sa


pagpapahayag ng Mabuting Balita.

Ika anim na Wika- “ Naganap na.”


Lector:
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

10
19-30.
Pinupuri ka naming Panginoong Hesukristo.

Nang masipsip na ni Jesus ang alak, kanyang sinabi


Naganap na!

Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon.


Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.

Tagapagpadaloy: Magsiupo po ang lahat

PAGNINILAY NG MAGBABAHAGI

Sa bahaging ito gaganapin ang 5-hanggang 7 minutong pagbabahagi.


Matapos ang pagbabahagi, magsisiluhod ang lahat.

Tagapagpadaloy:: Magsiluhod po ang lahat. Ang atin pong


itutugon:

ANG PANGINOON AY AKING PASTOL,


DI AKO AGDARAHOP

Lector:
Ang Panginoon ay aking pastol, di ako mangangailangan ng
anuman, inilalagay ako sa sariwang pastulan
inaakay ako sa tabi ng tubig na aking pahingahan
pinagiginhawa ang aking kaluluwa

Lahat: Ang Panginoon ay aking pastol, di ako magdarahop.

Lector:
Pinapatnubayan ako sa mga tumpak na landas
Alang-alang sa kanyang pangalan
Maglakad man ako sa madilim na libis,
Wala akong kinakatakutang masama sapagkat sumasaakin
Ka ang iyong pamalo at tungkod ay nagpapasigla sa akin

Lahat: Ang Panginoon ay aking pastol, di ako magdarahop.

11
Lector:
Pawang kabutihan lamang at kagandahang-loob
Ang taglay ko sa lahat ng araw ng aking buhay
Maninirahan ako sa bahay ng Panginoon magpakailanman.

Lahat: Ang Panginoon ay aking pastol, di ako magdarahop.

Tagapagpadaloy: Magsiupo po ang lahat.

Aawit ang koro ng angkop na awitin matapos ang awit,


magpapatuloy ang pagdiriwang.

Tagapagpadaloy: Magsitayo po ang lahat para sa


pagpapahayag ng Mabuting Balita.

Ikapitong Wika-"Ama, sa mga kamay mo'y


ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu!"-

Lector:
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lukas
Lk 23:44-46
Pinupuri ka naming Panginoong Hesukristo.

Nang magtatanghaling-tapat na, hanggang sa ikatlo ng


hapon, nagdilim sa buong lupain. Nawalan ng liwanag ang
araw at ang tabing ng Templo'y napunit sa gitna. Sumigaw
nang malakas si Jesus, "Ama, sa mga kamay mo'y
ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu!" At pagkasabi nito,
nalagot ang kanyang hininga.

Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon.


Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.

Tagapagpadaloy:Magsiupo po ang lahat

PAGNINILAY NG MAGBABAHAGI

12
Sa bahaging ito gaganapin ang 5-hanggang 7 minutong pagbabahagi.
Matapos ang pagbabahagi, magsisiluhod ang lahat.

Tagapagpadaloy: Magsiluhod po ang lahat. Ang atin pong


itutugon:

IPAKITA MO SA AKIN, PANGINOON, ANG LANDAS NG


BUHAY.

Lector:
Ingatan mo ako, O Diyos, sapagkat ako’y dumudulog sa iyo
Sinasabi ko sa Panginoon:
Ikaw lamang ang aking Panginoon,
Ikaw lamang ang tangi kong kayamanan
Ikaw ang aking pamana at kayamanan,
Ang nagpapatatag sa aking kapalaran.

Lahat: Ipakita mo sa akin, Panginoon, ang landas ng


buhay.

Lector:
Pinupuri ko ang Panginoong nagpapayo sa akin
Kahit sa gabi ginaganyak ako ng aking puso
Lagi kong naaalala ang Panginoon
Siya’y nasa aking kanan, di ako mababagabag.

Lahat: Ipakita mo sa akin, Panginoon, ang landas ng


buhay.

Lector:
Sapagkat di mo pinababayaan ang aking kaluluwa sa
Libingan Di mo itinulot na magdanas ng pagkabulok ang
iyong banal Ipakikita mo sa akin ang landas ng buhay
Ang ganap na kasayahan sa piling Mo
Ng walang hanggang kaligayahan sa kanan Mo.

Lahat: Ipakita mo sa akin, Panginoon, ang landas ng


buhay.

13
Tagapagpadaloy: Magsiupo po ang lahat.

Aawit ang koro ng angkop na awitin matapos ang awit,


magpapatuloy ang pagdiriwang.

Tagapagpadaloy: Magsitayo po ang lahat at sama sama


nating awitin ang panalangin na itinuro ni Hesus sa atin.

Aawitin ng koro ang Ama Namin.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Lector:
Hesus, na aming Panginoon at Tagapagligtas,
naririto kami sa paanan ng iyong krus
at pinagmamasdan ang iyong katawang tigmak ng dugo,
batbat ng pagdurusa at hirap
na idinulot ng lahat ng kasalanan ng mundo.
Basbasan mo kami ng iyong pagpapala
sa pagdaloy ng banal na dugo at tubig
mula sa iyong tagilirang sinibat
sa ikapaghihilom ng mga sugat ng aming bayan
at ikapagpapanibago ng aming buhay.
Hinihiling naming ito sa banal mong pangalan
at sa kapangyarihan ng Espiritung Banal.
Amen.

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen

Aawit ang koro ng pangwakas na awit..

14

You might also like