You are on page 1of 33

LITURHIYA NG UNANG PAKIKINABANG

Ika-13 Agosto 2022

Liturhiya ng Banal na Misa

Parokya ng Ina ng Laging Saklolo


Lupon ng Liturhiya

1
Sa itinakdag oras, habang natitipon ang sambayanan sa diwa ng panalangin
at ang lahat ay nasa kani-kanilang lugar, ang Misa ay magsisimula na.

PANIMULANG PANANALITA
Tagapagpadaloy: Isang magandang araw sa inyong lahat mga kapatid.
Tayo ngayon ay nagkakatipon bilang isang
sambayanan upang makiisa sa pagdiriwang ng Banal
na Eukaristiya sa ating pananalangin ay isama po
natin ang PASASALAMAT nina (babasahin ang mga
handog), NATATANGING KAHILINGAN nina
(babasahin ang mga handog) AT PARA SA YUMAO nina
(babasahin ang mga handog)
Ngayon ay babasahin ng tagapagpadaloy ang pagsamo ng panalangin mula sa
sambayanan ng mga tagapagtaguyod.
Pagkatapos basahin ang pasasalamat,natatanging kahilingan at panalangin para sa mga
kaluluwa ay ipahahayag ng tagapagpadaloy.

Isang napakalaking kagalakan ang inyong pagdalo


upang makiisa at saksihan sa unang pagkakataon na
ang inyong mga anak ay tatanggap ng Banal na
Komunyon. Isang pagkakataon ng pagpupuri at
pasasalamat dahil ang inyong anak ay magiging
kaisa sa bawa’t pagdiriwang ng Banal na Misa.
Ang Banal na Pagtanggap na ito ng Banal na Katawan
ng ating Panginoon ay sumasagisag sa rurok ng
ating Buhay Pananampalataya dahil matatanggap
niya ang biyaya ng buhay at pagkain ng kaluluwa sa
ating pananampalataya. Isang malaking biyaya ng
pasalamat sa Dakilang Panginoon.
Umaasa ang Inang Simbahan sa patuloy ninyong
pakiki-isa, patnubay at sa inyong pagdalo sa bawa’t
pagdiriwang lalo na sa araw ng Linggo at mga Banal
na Pagdiriwang.

Sa ating Banal na Pagdiriwang tayo ay


pangungunahan ng ating Kura Paroko.
Magsitayo na lahat at masiglang maki-isa sa Banal ng
Pagdiriwang.

2
PROSESYONAL
Pagsapit sa dambana, ang pari at mga tagapaglingkod ay magbibigay-galang alinsnod sa
hinihingin paraan. Magbibigay-galang ang pari sa dambana sa pamamagitan ng
paghalik sa ibabaw. Kung minabuti niya, maiinsensuhan niya ito. Pagkatapos ang pari
paroroon sa kanyang upuan.
Matapos ang awiting pambungad at pananalita, habang nakatayo ang lahat, ang pari at
ang mga tao ay makkrus. Ipapahag ng paring nakaharap sa tao:

PAMBUNGAD
Ipahahayag lamang kung walang awiting nakahanda.

ANTIPONA SA PAGPASOK
Pinakamabuting trigo ipinakaing totoo ng Diyos sa mga tao, sarap na kanilang gusto
tamis ng pulot sa bato.

PANIMULA SA PAGDIRIWANG
Ang tagapagdiwang ay maaaring magbigay ng maikling paliwanag tungkol sa buod ng
Misang ipagdiriwang sa pamamagitan ng sumusunod na panimula kasunod ang
pagsisisi:

Tagapagdiwang:

M ga minamahal ni Hesus, ang inyong mga magulang


ang nagsilang sa inyo sa mundong ito. Hindi naglaon,
kayo ay dinala nila sa simbahan para sa inyong binyag.
Maaring tawagin ninyo itong inyong ikalawang kaarawan.
Kayo ay ipinanganak na muli sa tubig at Espiritu Santo. Sa
pamamagitan ng Binyag, kayo ay naging kapatid ni Kristo
Hesus, ang kaisa-isa at pinakamamahal na Anak ng Ama.
Sa araw na ito, kayo ay inaayayahan ng Diyos sa unang
pagkakataon sa pampamilyang hapag. Kayo ay kakain ng
tinapay mula sa langit, si Kristo Hesus mismo. Sa dakilang
araw na ito ay buong puso ninyong pasalamatan ang
Diyos.

3
N gayon mga bata, ano ang nais ninyong hilingin sa
ating Inang Simbahan?
Mga Bata: Nais po naming tanggapin si Hesus.

A no ang gagawin ni Hesus sa inyo?


Mga Bata: Kami’y gagawin niyang matatag, masunurin at
masasayang kasapi ng kanyang pamilya, ang Simbahan.
Kung gayon, nais niyong mamuhay bilang tunay na anak
ng Diyos, mahalin siya’t paglingkurannang buong puso, at
mahalin ang inyong kapwa gaya ng sarili.

4
PAGBATI
Tagapagdiwang:

S a Ngalan ng  Ama, at ng Anak at ng Espiritu


Santo.

Sambayanan:

Amen.

Tagapagdiwang:

S umainyo ang Panginoon!


Sambayanan:

At sumaiyo rin.

5
PAGSISISI
Susunod na gaganapin ang pagsisisi sa kasalan. Aanyayahan ng pari ang mga tao:

Tagapagdiwang:

M ga kapatid, aminin natin ang ating mga


kasalanan upang tayo’y maging marapat sa
pagdiriwang. (tumahimik)
Magkakaroon ng saglit na katahimikan. Pagkatapos nito, lahat ay sabay-sabay na aamin
sa nagawang kasalan:

Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos


at sa inyo mga kapatid,
na lubha akong nagkasala
Ang lahat ay dadagok sa dibdib.
Sa isip, sa salita, sa gawa
at sa aking pagkukulang.
Kaya isinasamo ko
sa mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga banal
at sa inyo, mga kapatid,
na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

Tagapagdiwang:

K aawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,


patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

Sambayanan:

Amen.

6
May mga ibang paraan ng pagbati at pagsisisi sa mga kasalanan na magagamit.
Isusunod ang mga pagluhog na “Panginoon, kaawaan mo kami,” maliban kapag naganap
na ito kaugnay ng ibang paraan ng pagsisisi sa kasalanan.

Panginoon, kaawaan mo kami.


Panginoon, kaawaan mo kami.

Kristo, kaawaan mo kami.


Kristo, kaawaan mo kami.

Panginoon, kaawaan mo kami.


Panginoon, kaawaan mo kami.

PANALANGING PAMBUNGAD
Tagapagdiwang:

Manalangin tayo.

Sandaling katahimikan para sa panalangin

D iyos na totoo at tao namang totoo, Panginoon naming


Hesukristo, ang huling hapunan na inilagak mo para
kami’y magkasalu-salo sa alaala ng iyong pagpapakasakit
ukol sa mga tao. ipagkaloob mo ang aming kahilingang
ang iyong katawan at dugo ay aming idangal sa
pagdiriwang upang dulot mong kaligtasan ay lubos
naming mapakinabangan kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

R: Amen.

7
LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA 1 Cor 11:23-27

Pagbasa mula sa Unang Sulat ng Apostol San Pablo sa mga


Taga-Corinto

Ang sinumang kumain ng tinapay at uminom sa saro ng Panginoon ng di nararapat ay


nagkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon. Kaya dapat siyasatin ng tao ang
kanyang sarili bago kumain ng tinapay at uminom sa saro. sapagkat ang sinumang
kumakain at umiinom nang hindi pinahahalagahan ang katawan ng Panginoon, ay
kumakain at umiinom ng hatol sa kanyang sarili. Ito ang dahilan kung bakit mahihina at
masasakitin ang marami sa inyo at may ilang namatay na. Kung sisiyasatin muna natin
ang ating sarili, hindi tayo hahatulan ng panginoon. Ngunit kung hinahatulan tayo sa
Panginoon, tayo’y itinutuwid niya upang hindi tayo maparusahan kasama ng
sanlibutan.

Kaya mga kapatid, kapag nagkakatipon kayo upang kumain, maghintayan kayo. Kung
may nagugutom, sa bahay siya kumain upang hindi humantong sa hatol ng kaparusahan
ang inyong pagtitipon. tungkol naman sa ibang bagay, saka ko na aayusin pagdating ko
riyan.

Ang Salita ng Diyos.


R. Salamat sa Diyos.

8
SALMONG TUGUNAN Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6

T. Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop.

Panginoo’y aking Pastol, hindi ako magkukulang.


Ako’y pinahihimlay sa mainam na pastulan,
at inaakay niya ako sa tahimik na batisan,
binibigyan niya ako niyong bagong kalakasan.

T. Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop.

At sang-ayon sa pangako na kaniyang binitiwan


sa matuwid na landasi’y doon ako inaakay.
Kahit na ang daang iyo’y tumatahak sa karimlan,
hindi ako matatakot pagkat ika’y kaagapay;
ang tungkod mo at pamalo ang gabay ko at sanggalang.

T. Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop.

Sa harapan ng lingkod mo, ikaw ay may handang dulang,


ito’y iyong ginagawang nakikita ng kaaway;
nalulugod ka sa akin na ulo ko ay langisan
at pati na ang kalis ko ay iyong pinaaapaw.

T. Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop.

Tunay na ang pag-ibig mo at ang iyong kabutihan,


sasaaki’t tataglayin habang ako’y nabubuhay;
doon ako sa templo mo lalagi at mananahan.
T. Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop.

9
Pagkabasa ay tatayo na ang sambayan upang magbunyi sa Mabuting Balita

AWIT PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA


Aleluya! Aleluya! Pagkaing dulot ay buhay Si Hesus na Poong mahal,
Buhay natin s’ya kailanman. Aleluya! Aleluya!

Samantalang ginaganap ang pag-awit, maglalagay ng insenso sa insensaryo ang pari


kung minamabuting gamitin ito.

MABUTING BALITA Lucas 9, 11b-17

V. Sumainyo ang Panginoon


R. At sumaiyo rin.
V.  Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay
San Lucas
R. Papuri sa iyo, Panginoon.
Noong panahong iyon, nagsalita si Hesus sa mga tao tungkol sa paghahari ng
Diyos; pinagaling niya ang mga may karamdaman.
Nang dumidilim na’y nilapitan siya ng Labindalawa at sinabi sa kanya, “Paalisin
na po ninyo ang mga tao nang makaparoon sila sa mga nayon sa kabukiran sa
paligid upang humanap ng makakain at matutuluyan. Nasa isang ilang na lugar
po tayo.” Ngunit sinabi niya, “Kayo ang magbibigay sa kanila ng makakain.”
Sumagot sila, “Wala po tayo kundi limang tinapay at dalawang isda, kaya
kailangang bumili kami ng pagkain para sa mga taong ito. May limanlibong
lalaki ang naroon. Ngunit sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Paupuin ninyo
sila nang pulu-pulutong na tiglilimampu.” Gayun nga ang ginawa nila –
pinaupo ang lahat. Kinuha ni Hesus ang limang tinapay at dalawang isda,
tumingala sa langit, at nagpasalamat sa Diyos. Pinaghati-hati niya ang mga ito,
at ibinigay sa kanyang mga alagad upang ipamahagi sa mga tao. Nakakain ang
lahat at nabusog. Tinipon ng mga alagad ang lumabis; at nakapuno sila ng
labindalawang bakol.

V. Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


R. Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.
[

HOMILIYA
Matapos ang pangaral ay sisimulan ang Pagsasariwa sa mga Pangako sa
Binyag.

10
PAGSARIWA SA MGA PANGAKO SA BINYAG

Tagapagpadaloy: Atin ngayong masasaksihan ang pagpapanibago ng


pangako sa binyag ng mga batang sa unang
pagkakataon ay tatanggap ng Banal na Komunyon.
Sa pagpapanibago ng pangakong ito muli nating
sariwain ang biyayang natanggap natin noong tayo’y
binyagan. Tinanggap natin ang buhay ng Diyos, tayo
ay naging mga anak ng Diyos.
Magsitayo ang mga bata.
Inaanyayahan ang lahat na sinsihan ang inyong mga
kandila sa Kandila Paskwal.
Sisindihan ang kandila ng mga bata mula sa kandilang Paskuwal sa tulong ng mga
Lingkod ng Dambana

Ang liwanag na buhat sa nakasinding kandila ay


simbolo ng pagmamahal at pagggabay ng ating
Panginoon, Nawa ito ay patuloy na mag-alab sa
pamamagitan ng mga magulang na magiging
kaagapay ng mga bata sa pagsasabuhay ng kanilang
buhay pananampalataya.Nawa ang kandilang may
maysindi ay patuloy na magningas.

Tagapagdiwang:

M ga bata, nakahanda na ba kayong sagutin ang


mga katanungan ng ating Inang Simbahan?

Mga Bata: Opo, nakahanda po kami.

11
Tagapagdiwang:

K ung gayon ay sagutin ninyo ang mga katanungang


ito.
Itinatakwil ba ninyo si satanas, ang kanyang mga
gawain at panghihikayat sa masama?

Mga Bata: Opo, Itinatakwil po namin.

Tagapagdiwang:

S umasampalataya ba kayo sa Diyos Amang maka-


pangyarihan sa lahat na may likha ng langit at lupa?

Mga Bata: Opo, sumasampalataya po kami.

Tagapagdiwang:

S umasampalataya ba kayo kay Hesukristo, iisang


anak ng Diyos, Panginoon natin, ipinanganak ni Santa
Mariang Birhen, ipinako sa krus, namatay, inilibing,
muling nabuhay at naluluklok sa kanan ng Ama?

Mga Bata: Opo, sumasampalataya po kami.

12
Tagapagdiwang:

S umasampalataya ba kayo sa Espiritu Santo,


Panginoon at nagbibigay-buhay na bumaba sa mga
Apostol noong pentecostes, at ngayon ay inyong
tatanggapin sa Sakramento ng Komunyon?

Mga Bata: Opo, sumasampalataya po kami.

Tagapagdiwang:

S umasampalataya ba kayo sa Banal na simbahang


Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran
ng mga kasalanan, at muling pagkabuhay ng mga
nangamatay, at sa buhay na walang hanggan?

Mga Bata: Opo, sumasampalataya po kami.

Tagapagdiwang:

I to ang ating pananampalataya. ito ang pana-


nampalataya ng Banal na Simbahan. ito ang ikina-
rarangal nating ipahayag, kaisa ni Kristo Hesus na
ating panginoon.

Bayan: Amen.

13
PAGBABASBAS NG BANAL NA TUBIG
Ang pari ay lalapit sa mga bata at magbabasbas ng Banal na Tubig habang inaaawit ang
ISANG PANANAMPALATAYA
Tagapagpadaloy: Ang pari ay magbabasbas ng Banal na tubig. Ang
tubig ay nagpapahayag ng paglilinis at buhay. Sa
pagbababasbas ng Banal na tubig na kanyang
gagawin, inaalala natin ang paghuhugas ng ating
kasalanan sa Binyag at ang pagtanggap natin ng
bagong buhay kay Kristo.

Makaraang mawisikan ng Banal na Tubig ang mga bata ay sasambitin ng


Tagapagpadaloy ang mga sumusunod na kataga:
Mga Bata maari nyo nang patayin ang sindi ng
inyong mga kandila.
Pagkatapos ay papatayuin na ang Sambayanan para sa Panalanging Pangkalahatan.
Magsitayo ang lahat para sa Panalangin ng Bayan.

PANALANGIN NG BAYAN
Tagapagdiwang:

A ma naming mapagmahal, sa mahalagang araw na ito,


kami ay lumalapit sa iyo upang manalangin kasama ang
mga bata at kanilang pamilya. Sa bawat panalangin ang
ating itutugon:
Mapagmahal na Ama, diggin mo ang aming panalangin.

Para sa banal na simbahan, nawa’y patuloy siyang lumago sa kabanalan at


kabutihan, upang makasama ang lahat niyang kasapi sa walang hanggang
piging ng Diyos. Manalangin tayo:

Mapagmahal na Ama, diggin mo ang aming panalangin.


Nawa kami at ang aming pamilya ay laging tumugon sa paanyaya ng Diyos
na dumalo at makiisa sa pagdiriwang ng Banal na Misa. Manalangin tayo:

Mapagmahal na Ama, diggin mo ang aming panalangin.

14
Nawa kami at ang aming pamilya ay magsilbi bilang isang mabuting
halimbawa para sa aming kapwa. Manalangin tayo:

Mapagmahal na Ama, diggin mo ang aming panalangin.


Para sa aming mga magulang, katekista , Reberendo Padre Pedro Albino Jr. ,
Eucharistic Ministry at sa lahat na nagbigay ng oras upang ang araw na ito ay
maging kasiya- siya para sa aming bata, nawa’y ipagpatuloy po nila ang
pagbabahagi ng pag-ibig ng Diyos sa lahat, lalo na sa aming mga bata.
Manalangin tayo:

Mapagmahal na Ama, diggin mo ang aming panalangin.

Para sa mga batang tatanggap ng banal na komunyon, nawa ay maging


ispirasyon nila ang kanilang Unang Banal na Komunyon upang lumago ang
kanilang pag- ibig at pananampalataya sa Diyos. Manalangin tayo:

Mapagmahal na Ama, diggin mo ang aming panalangin.


Panginoon, taos- puso at buong galak naming iniaalay ang aming mga anak sa
iyo. Sinasamo naming na tulungan mo ang amig mga anak. Batid naming
napakaraming tukso at kasamaan ang nasa aming paligid. Kung kaya,
Panginoon , patnubayan mop o ang aming mga anak. Manalangin tayo:

Mapagmahal na Ama, diggin mo ang aming panalangin.


Sa ilang sandali ng katahimikan itaas natin sa Diyos ang ating personal na
kahilingan gayundin ang mga taong lubos na nangangailangan ng ating
panalangin (Tumahimik). Manalangin tayo:

Mapagmahal na Ama, diggin mo ang aming panalangin.

Tagapagdiwang:

O Panginoong Diyos, Inialay ng Iyong Anak ang


tinapay ng buhay at ang kalis ng kaligtasan para sa aming
lahat. Nawa matuto kaming mag- alay din ng aming sarili
sa aming kapwa at sa iyo. Hiniling naming ito sa
pamamagitan ng aming Panginoog Hesukristo.
R: Amen.

15
Tagapagpadaloy: Magsiupo ang lahat para sa paghahanda sa pag-
aalay.

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

PAGHAHANDA NG ALTAR
AT NG MGA HANDOG
Hahawakan ng pari ang pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana,
habang dinarasal niya nang pabulong

Kapuri-puri ka Diyos Amang lumikha sa sanlibutan. Sa iyong


kagandahang-loob narito ang aming maiaalay. Mula sa lupa at bunga
ng aming paggawa ang tinapay na ito para maging pagkaing
nagbibigay-buhay.

Sambayanan:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman.

Ang diyakono ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig habang dinarasal nang


pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo na nagpagindapat
makihati sa aming pagkatao.

Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal
niya nang pabulong:

Kapuri-puri ka Diyos Amang lumikha sa sanlibutan. Sa iyong


kagandahang-loob narito ang aming maiaalay. Mula sa katas ng ubas at
bunga ng aming paggawa ang alak na ito para maging inuming
nagbibigay ng iyong Espiritu.

16
Sambayanan:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman.

Yuyuko ang tagapagdiwang habang kanyang sinasambit nang pabulong:

Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan.


Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog upang kami’y
matutong sumunod sa iyo nang buong puso.

Maaring insensuhan ang altar at ang mga handog. Matapos ay iinsensuhan ng diyakono
ang tagapagdiwang at ang sambayanan.

Ang pari ay maghuhugas ng kanyang kamay habang dinarasal nang -pabulong

O Diyos kong minamahal, kasalanan ko’y hugasan at


linisin mong lubusan ang nagawa kong pagsuway.

Ang pari ay haharap sa dambana nang nakalahad ang mga kamay habang ipinahahayag

M analangin kayo mga kapatid upang ang


paghahain
natin ay kalugdan ng Diyos Amang
makapangyarihan.

Sambayanan:

Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong


mga kamay, sa kapurihan niya at karangalan, sa ating
kapakinabangan at sa buong sambayanan niyang banal.

17
PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY
Tagapagdiwang:

A ma naming Lumikha,
bigyan mo ngayon ang iyong sambayanan ng kaloob
na pagkakaisa at kapayapaan na ipinahihiwatig ng
mga alay namin sa paghahaing ipinagdiriwang sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

R: Amen.

PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PASASALAMAT II

PREPASYO (Ang mga idinudulot ng Hapunan ng Panginoon)

V: S umainyo ang Panginoon.


R: At sumaiyo rin.

V: I taas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


R: Itinaas na namin sa Panginoon.

V: P asalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


R: Marapat na siya ay pasalamatan.

18
A ma naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan sa
pamamagitan ni HesuKristo na aming Panginoon.

Noong Huling Hapunan siya’y nakisalo sa kanyang


alagad bilang alaala ng pagtubos na laging kasalukuyan
at walang wakas. Siya ang maamong tupang tumubos sa
tanan. Siya ang alay na lubos mong kinalulugdan. Sa
Huling Hapunan kami’y nagsasalo upang ganap kaming
mapalapit sa iyo. Sa pagkakaisa ng lahat ng tao na
pawang nananalig sa dakilang pag-ibig mo. Sa
pagsasalong ito, kami’y iyong nililingap upang sa iyong
Anak kami’y makatulad.

Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisi-awit


ng papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

SANCTUS
Santo, Santo, Santo Panginoong Diyos ng mga Hukbo, napupuno ang
langit at kupa ng kadakilaan mo, Osana sa Kaitaasan! Pinagpala ang
naparirito sa ngalan ng Panginoon, Osana sa Kaitaasan!

Sa lahat ng pagmimisa pinapayagan ang mga gumaganap na pari na awitin ang mga
talata ng Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat na maawit sa samasamang
pagmimisa.

Nakalahad ang kamay ng pari sa pagdarasal

Tagapagpadaloy: Magsiluhod ang lahat.

19
Sa lahat ng pagmimisa pinapayagan ang mga gumaganap na pari na awitin ang mga
talata ng Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat na maawit sa samasamang
pagmimisa.

Nakalahad ang kamay ng pari sa pagdarasal


Nagmimisa

Ama naming banal,


ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga
alay habang sya’y nagdarasal.
Nakikipagmisa at
Mga nakikipagmisa

kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu


gawin mong banal ang mga kaloob na ito
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis,
samantalang dinarasal.

upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo


 ng aming Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin nya ang kanyang mga kamay.

20
Bago nya pinagtiisang kusang loob
na maging handog,
Hahawakan ng pari ang tinapay ng bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang
kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT


KANIN:
ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.

Ipapamalas niya ang Ostiya. Luluhod sya pagktapos.


Ang pari ay magpapatuloy.

21
Gayundin naman, noong matapos ang
hapunan,
Hahawakan ng pari ang kalis ng bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang
kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT


INUMIN:
ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG
TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA
KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA
AKIN.
Ipapamalas niya ang Kalis. Luluhod sya pagkatapos.

22
Nagmimisa

ipagbunyi natin ang misteryo ng


pananampalataya.
B. Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik saw akas ng panahon!

Ilalahad ng pari ang kanayang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:


Nakikipagmisa at
Mga nakikipagmisa

ama,
ginagawa namin ngayon ang pag-alala
sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng
iyong Anak
kaya’t inaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.
kami’y nagpapasalamat
dahil kami’y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo
para maglingkod sa iyo.
Isinasamo naming kaming magsasalu-salo
sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
23
Nakikipagmisa

ama,
lingapin mo ang iyong Simbahang
laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni Francisco na aming Papa, at ni Roberto
na aming Obispo.
at ng tanang kaparian.
Nakikipagmisa

alalahanin mo rin ang mga kapatid naming


nahimlay
nang may pag-asang sila’y muling mabubuhay
gayundin ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawaan mo sila at patuluin sa iyong
kaliwanagan.
Kaawaan mo sila at pagindapatin kaming lahat
na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.
Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng
Diyos
gayundin ang kanyang kabiyak ng pusong si San
Jose.

24
Kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal
na namuhay dito sa daigdig nang kalugud-
lugod sa iyo,
maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri
sa ikararangal mo
Pagdadaraupin ng pari an kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng iyong Anak


na aming Panginoong Hesukristo.
Itataas ng pari ang pinggang may ostiya at kalis.

Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa itataas habang
kanyang ipinahahayag:

Nakikipagmisa at
Mga nakikipagmisa

S A PAMAMAGITAN NI KRISTO, KASAMA


NIYA AT SA KANYA ANG LAHAT NG
PARANGAL AT PAPURI AY SA IYO, DIYOS
AMANG MAKAPANGYARIHAN, KASAMA NG
ESPIRITU SANTO, MAGPASAWALANG
HANGGAN.

Magbubunyi ang sambayanan:

Amen.

25
PAKIKINABANG
Tagapagdiwang:

S a tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni


Hesus na Panginoon natin at Diyos ipahayag natin
nang lakas-loob:

Ilalahad niya ang mga kanyang mga kamay at kaisa ang sambayanan ay sasambitin o
aawitin

Ama namin
Sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo,
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw
At patawarin mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin]
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso at iadya mo kami sa lahat ng masama.

Magpapatuloy ang pari nang nakalahad ang mga kamay:

H inihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng
kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalang aming
pinananabikan ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng tagapagligtas naming si Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay
Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa ganitong pagbubunyi:

Sapagka’t sa iyo ang kaharian


at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailan man! Amen.

26
PAGBATI NG KAPAYAPAAN
Malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

P anginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya at huwag
ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay:

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


Tutugon ang sambayanan

Amen.

Sasabihin ng pari nang nakaharap sa sambayanan at nakalahad ang mga kamay

A ng kapayapaan ng Panginoon ay laging


sumainyo.
Tutugon ang sambayanan

At sumaiyo rin

27
Sasabihin ng diyakono o ng pari

M agbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t-isa.

Alinsunod sa kaugalian ay magbibigayan ng kapayapaan ang bawat isa.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan
at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito
ng Katawan at Dugo ng aming Panginoong Jesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.

PAGHAHATI NG TINAPAY
Samantala ay aawitin ng sambayanan

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan,


maawa ka sa amin
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng masama, gawin
mong ako’y makasunod lagi sa iyong mga utos, at huwag mong
ipahintulot na ako’y mawalay sa iyo kaylan man.

28
PAANYAYA SA PAKIKINABANG
Luluhod ang pari bilang pagsamba, hahawakan ang ostiya at bahagyang itataas sa
pinggan o sa kalis at sasambitin nang malakas nang nakaharap sa sambayanan:

I to ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng mga
kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang inaanyayahan
sa kanyang piging.
Kaisa ang sambayanan ay kanyang sasambitin

Panginoon hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo,


ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na


nagdarasal

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo para


sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo para


sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo


Matapos ito ay kanyang kukunin ang pinggan o ang sisidlan ng Katawan ni Kristo at
tutungo sa mga magkokomunyon. Itataas ng pari nang bahagya ang ostiya upang ipakita
sa tatanggap habang sinasabi:

Katawan ni Kristo.
Sasagot ang makikinabang Amen.

29
Tagapagpadaloy: Manatiling nakaluhod mga bata para sa inyong
panalangin bago tumanggap ng kumunyon.

PANALANGIN BAGO MAGKOMUNYON


Dadasalin sa pangunguna ng batang tatanggap ng Unang Pakinabang

Panginoon/ pagkalooban mo po kami ng mga pagpapala/ na


magdasal at palaging gumawa ng kabutihan. / Tulungan mo po
kaming tanggapin ka naming ng buong puso./ Iligtas mo kami sa
lahat ng kapahamakan at kasamaaan, / bigyan mo po kami ng sapat
na lakas/ upang ganap ka naming makilala at mahalin sa aming
unang komunyon,/ kasama ang aming magulang. Amen.

Makababalik ngayon sa upuan ang pari. Makapag-uukol ng ilang saglit na katahimikan o


makaaawit ng papuri o salmo.
Pagkaraan, ang pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana at paharap sa
mga nagsisimbang magpapahawag:

Tagapagpadaloy: Mga bata, magsiluhod ang lahat para sa panalangin


pagkatapos ng komunyon.

PANALANGIN PAGKATAPOS MAGKOMUNYON


Dadasalin sa pangunguna ng batang tatanggap ng Unang Pakinabang

Hesus, maraming salamat po sa pagkakataon na kami ay iyong


pinasasaya. Nagpapasalamat po kami sa iyong pakikiisa sa amin sa
napakahalagang araw na ito. Sa pamamagitan ng Tinapay at Alak ng
aming pinagsaluhan kasama ang aming mga magulang at mga
kaibigan. Tulugan mo po kaming makilala ka ng lubos at mahalin sa
bawat pakikiisa naming sa iyong banal na Eukaristiya. Amen.

30
ANTIPONA SA PAKIKINABANG
“Ang nagsasalo sa buhay ng sariling aking alay sa akin ay mananahan ako ay
makakapisan.” ani HesuKristong mahal.

Pagkaraan, ang pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana at paharap sa


mga nagsisimbang magpapahawag:

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Tagapagdiwang:

Manalangin tayo.
Sandaling katahimikan.

P anginoong HesuKristo,
hinihiling naming kami’y gawin mong makasalo
nang lubusan sa bunga ng banal na pakikinabang sa
iyong buhay na idinudulot sa piging ng paghahain ng
iyong Katawa’t Dugong banal kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.

R: Amen.

Magaganap pagkaraan ng Panalangin ang mga bagay na kinakailangan ng Pagdiriwang


kasama ng Pasasalamat, mga Panalangin, mga Paalala at mga Pabatid.

31
PANGWAKAS NA RITU
Tagapagdiwang:

S umainyo ang Panginoon.

Sambayanan:
At sumaiyo rin.

PAGBABASBAS

Tagapagdiwang:

M agsiyuko kayong lahat at hingin ang pagpapala ng


Diyos. (Tumahimik)

P agpalain nawa kayo ng kapayapaan ng Diyos na


pinagmumulan ng tanang kasiyahan sa buhay ngayon at
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

P agkalooban nawa kayo ng Diyos ng kalayaan mula sa


takot at pangamba, palakasin ang inyong loob sa
pagpapadama niya sa inyo ng pag-ibig niyang walang
hanggan.

Bayan: Amen.

32
P asaganain nawa niya sa inyo ang kaloob niyang
pananampalataya, pag-asa at pag-ibig upang lahat ng
inyong gawain araw-araw ay magbunga ng kaligayahan sa
buhay na walang hanggan.
Bayan: Amen.

Tagapagdiwang:

A t pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,

Ama, Anak at Espiritu Santo


Sambayanan:
Amen.

PAGHAHAYO
Tagapagdiwang / Diyakono:

T apos na ang Banal na Misa. Humayo kayong


taglay kapayapaan upang ang Panginoon ay mahalin
at paglingkuran.

Sambayanan:

Salamat sa Diyos.

Karaniwan, ang dambana ay bibigyang-paggalang sa paghalik dito ng pari at matapos


makapagbigay-piyagan ng mga tagapaglingkod, siya ay hahayo.

33

You might also like