You are on page 1of 22

Parokya ni San Juan Nepomuceno

Malibay, Lungsod ng Pasay

Kapistahan ng
Mahal na Poong
San Juan Nepomuceno
"San Juan Nepomuceno, Martir ng Kumpisal,
ang Sakramento ng Awa ng Panginoon"

Ika- 16 ng Mayo 2016


Lubhang Kagalang-galang Socrates Villegas, DD
Arsobispo ng Lingayen- Dagupan
Pangulo, Kapulungan ng mga Katolikong Obispo ng Pilipinas

MISA NG SAMBAYANAN
Tagapagdaloy: Magandang Umaga po sa ating lahat. Ngayon po ay

ang Kapistahan ng ating Mahal na Patron San Juan Nepomuceno.


Ang mamumuno po sa ating Banal na Pagdiriwang ay ang
Lubhang Kagalang-galang, Socrates Villegas, DD, Arsobispo ng
Lingayen- Dagupan at Pangulo ng Kapulungan ng mga
Katolikong Obispo ng Pilipinas, kasama ang ating Kura Paroko
Rev. Fr. Edgardo Coroza at ang mga kaparian ng Arkidiyosesis
ng Maynila. Magsitayo po ang lahat at sumabay sa koro para sa
pambungad na awit.
Kapag natitipon na ang sambayanan, ang Obispo, mga nakikipagdiwang na mga
pari at mga tagapaglingkod ay lalakad patungo sa dambana samantalang ang
awiting pambungad ay inaawit.
Pagsapit sa dambana, ang mga nakikipagdiwang na mga pari, ang obispo at mga
tagapaglingkod ay magbibigay-galang alinsunod sa hinihinging paraan.
Magbibigay-galang ang obispo sa dambana sa pamamagitan ng paghalik sa
ibabaw ng altar. Matapos nito, iinsensuhan ng Obispo ang altar. Bago simulan
ang Banal na Misa, gagawin ang pagbubukas at pagpapakita sa bagong luklukan
ng tabernakulo ng simbahan. Babanggitin ng naatasang magsalita ang mga
sumusunod na pangungusap bago buksan ang bagong luklukan.
Tagapagdaloy: Atin pong gaganapin ang pag-aalis ng tabing at

pagbabasbas ng bagong luklukan ng tabernakulo


Madre: Sa lalong ikadadakila ng Diyos kasama ang mga tulong panalangin ng
ating Mahal na Patron, San Juan Nepomuceno, at ng Mahal na Birheng Maria, ay
inihahandog ng Parokya ng Malibay ang bagong luklukan ng Tabernakulo na
syang sisidlan ng banal na katawan at dugo ng ating Panginoong Hesukristo.
Ang Obispo, Kura Paroko, at ilang miyembro ng sector ng lipunan ay ang mga
mangunguna sa pagbubukas ng bagong luklukan. Habang binubuksan ang tabing
ng luklukan, ang koro ay umaawit ng awitin ng pagpupuri sa Diyos.
Matapos ang pagbubukas ng tabing ng luklukan ng tabernakulo, babanggitin ng
Obispo ang panalangin ng pagbabasbas sa bagong luklukan:
Obispo:

Ang tumutulong sa atin ay ang Panginoon

Bayan:
Obispo:

Bayan:

Na may gawa ng langit at lupa.


Manalangin tayo
O Diyos Ama, basbasan Mo ang bagong luklukan na ito na
inilaan para sa iyong karangalan at kalooban. Loobin mong ang
lahat ng manalangin at dumulog sa dakong ito ay magkamit ng
iyong pagpapala at ipag-adya sa bawat panganib sa buhay,
yayamang kaming lahat ay umaasa sa Iyong biyaya at kagandahang
loob. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong aming
Panginoon, kaisa mo at ng Espiritu Santo, nabubuhay at naghahari,
magpasawalang hanggan.

Amen!

Wiwisikan ng Obispo ng banal na tubig ang bagong luklukan at iinsensuhan ito.


Matapos nito ay ilalagay ng Obispo ang siboryo na naglalaman ng katawan ni
kristo, isasara ang tabernakulo at magbibigay galang rito ayon sa kinaugaliang
paraan.
Pupunta ang Obispo sa kanyang upuan at sisimulan ang Banal na Misa sa
pamamagitan ng antanda ng krus.

Obispo:

Bayan:
Obispo:

Bayan:

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Amen!
Sumainyo ang kapayapaan!

At sumaiyo rin!

Obispo:
Mga Kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayoy
maging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang.
Sandaling katahimikan. Matapos, kasabay ng bayan ay wiwkain ng pari:

Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos, at sa inyo, mga kapatid,


na lubha akong nagkasala, sa isip, sa salita, at sa gawa, at sa aking
mga pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng
Maria, sa lahat ng mga anghel at mga banal, at sa inyo, mga
kapatid, na akoy ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

Obispo:
Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating
mga kasalanan at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

Bayan:

Amen!

Panginoon kaawaan mo kami


Panginoon kaawaan mo kami.
Kristo kaawaan mo kami.
Kristo kaawaan mo kami.
Panginoon kaawaan mo kami.
Panginoon kaawan mo kami.

PAPURI SA DIYOS
Pasisimulan ng punong tagapagdiwang ang pag-awit ng Papuri sa Diyos.
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
at sa lupay kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka
namin, pinasasalamatan ka namin
dahil sa dakila mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan
ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin.
Sapagkat ikaw lamang ang banal ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo, ang kataas-taasan,
kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Manalangin tayo.
Saglit na katahimikan.

Ama naming makapangyarihan, ipinagkaloob mo kay San Juan


Nepomuceno na makipagtunggalian sa kamatayan para sundin ang
loob mo. Bilang tugon sa kanyang pagdalangin, gawin mong
mapagtiisan namin ang lahat ng kahirapan alang-alang sa pag-ibig
sa iyo at buong sigasig na marating namin ikaw, na siyang tanging
buhay sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
4

Bayan:

Amen!
Tagapagdaloy: Magsiupo po ang lahat at tayoy buong
pusong makinig sa pagpapahayag ng salita ng Diyos.

PAGPAPAHAYAG NG
SALITA NG DIYOS
UNANG PAGBASA

2 Macabeo 7, 1. 20 23. 27b 29

Kahanga-hanga ang ina, hindi nasira ang kanyang loob


dahil nagtiwala siya sa Panginoon.

Pagbasa mula sa Ikalawang Aklat ng Macabeo


Noong mga araw na iyon, isang ina at ang kanyang
pitong anak na lalaki ay ipinahuli ng hari. Silay
pinahirapan para pilitin na kumain ng karneng baboy na
ipinagbabawal ng Diyos.
Ang di malilimot at higit na kahanga-hanga ay ang
ina. Nasaksihan nito ang sunud-sunod na pagpaparusang
ginawa sa kanyang anim na anak hanggang sa ang mga
itoy mamatay sa loob lamang ng isang araw. Ngunit
hindi nasira ang kanyang loob dahil nagtiwala siya sa
Panginoon. Malakas ang kanyang loob kahit na siyay
babae; kasintapang siya ng lalaki. Sa wika ng kanyang
mga ninuno, isa-isa niyang pinalakas ang loob ng
kanyang mga anak. Ganito ang sabi niya, Hindi ko alam
kung paano kayo naging tao sa aking sinapupunan. Hindi
ako ang naglagay ng ibat ibang sangkap ng inyong
katawan at nagbigay sa inyo ng buhay. Ang lumikha ng
buong santinakpan ay siya ring lumikha ng tao at lahat ng
bagay. Dahil sa kanyang kagandahang-loob ay ibabalik
niyang muli ang inyong hininga at buhay, yamang hindi
ninyo inaalintana ang sariling buhay dahil sa Kanyang
kautusan.
5

Anak, mahabag ka sa iyong ina na siyam na


buwang nagdala sa iyo sa kanyang sinapupunan. Tatlong
taon kitang pinasuso. Pinalaki kita, pinapag-aral at
inaruga hanggang ngayon. Masdan mo ang kalangitan at
ang daigdig at lahat ng bagay na naroon. Alam mong ang
lahat ng iyan ay nilikha ng Diyos, tulad din naman ng
sangkatauhan. Huwag kang matakot sa berdugong ito.
Ipakita mong karapat-dapat ka sa iyong mga kapatid na
nagdusa hanggang kamatayan, upang sa muling
pagkabuhay ay makapiling kita kasama nila.
Ang salita ng Diyos.
Salamat sa Diyos.

(kakantahin ng Koro ang tugon na Salamat sa Diyos pati


ang salmong tugunan)
SALMONG TUGUNAN

Awit 23

Tugon. Ang Panginoon ang aking pastol

Pinagiginhawa akong lubos.


Handog niyang himlayay sariwang pastulan
Ang pahingahan koy payapang batisan,
Hatid sa kalulwa ay kaginhawahan,
Sa tumpak na landas, Siya ang patnubay.
Tugon. Ang Panginoon ang aking pastol

Pinagiginhawa akong lubos.


Madilim na lambak man ang tatahakin ko,
Wala akong sindak, Siyay kasama ko.
Ang hawak niyang tungkod ang siyang gabay ko.
Tangan niyang pamalo, siglat tanggulan ko.
Tugon. Ang Panginoon ang aking pastol

Pinagiginhawa akong lubos.


6

IKALAWANG PAGBASA

Roma 8, 31b 39

Ang kamatayan o ang buhay ay hindi


makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma


Mga kapatid:
Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang laban sa
atin? Hindi niya ipinagkait ang sarili niyang Anak kundi
ibinigay para sa ating lahat. Kung naipagkaloob niya sa
atin ang kanyang Anak, hindi ba niya ipagkakaloob sa
atin ang lahat ng bagay, kasama ng kanyang Anak? Sino
ang maghaharap ng sakdal laban sa mga hinirang ng
Diyos, gayong ang Diyos ang nagpapawalang-sala sa
kanila? Sino ang hahatol ng kaparusahan? Si Kristo
Hesus bang nasa kanan ng Diyos? Siya pa nga ang
namatay at muling binuhay, at ngayoy namamagitan
para sa atin. Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa
pagmamahal ni Kristo? Ang paghihirap ba? Ang
kapighatian, ang pag-uusig, ang gutom, ang kahubaran,
ang panganib, o ang tabak? Ayon sa nasusulat,
Alang-alang sa iyo, nanganganib kaming
mamatay sa buong maghapon. Ibinibilang kami na mga
tupang papatayin
Hindi! Ang lahat ng itoy kayang-kaya nating
pagtagumpayan sa pamamagitan niya na nagmamahal sa
atin. Sapagkat natitiyak kong ang kamatayan, ang buhay,
ang mga anghel, ang mga pamunuan, ang mga bagay sa
kasalukuyan, ang mga bagay na darating, ang mga
kapangyarihan, ang kataasan, ang kalaliman, o ang
alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa

pag-ibig ng Diyos pag-ibig na ipinadama niya sa atin sa


pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon.
Ang salita ng Diyos.
Salamat sa Diyos

(kakantahin ng Koro ang tugon na Salamat sa Diyos)


Tagapagdaloy: Tayo po ngayon ay magbigay galang sa mabuting

balita
ALELUYA

Mateo 5,10

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang nagtitiis
Sa mabutiy inuusig
Tagapagmana ng langit
Aleluya! Aleluya!

PAGPAPAHAYAG NG MABUTING BALITA


Mateo 10, 17 22
Dahil sa akin, ihaharap kayo sa mga gobernador at mga hari,
at magpapatotoo kayo sa harapan nila at ng mga Hentil.
Sumainyo ang Panginoon
Tagapagdaloy: At sumaiyo rin.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo.


Tagapagdaloy: Papuri sa iyo Panginoon.
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang
mga apostol, Mag-ingat kayo sapagkat may mga taong
magkakanulo sa inyo sa hukuman; at hahagupitin nila
kayo sa mga sinagoga. Dahil sa akin, ihaharap kayo sa
mga gobernador at mga hari, at magpapatotoo kayo sa
harapan nila at ng mga Hentil. Kapag nililitis na kayo,
huwag kayong mabalisa tungkol sa sasabihin ninyo o
kung paano ninyo sasabihin. Pagdating ng oras, itoy
ipagkakaloob sa inyo. Sapagkat hindi kayo ang
magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang
magsasalita sa pamamagitan ninyo.
8

Ipagkakanulo ng kapatid ang kanyang kapatid


upang ipapatay; gayundin ang gagawin ng ama sa
kanyang anak.. Lalabanan ng mga anak ang kanilang mga
magulang, at ipapapatay. Kapopootan kayo ng lahat dahil
sa akin; ngunit ang manatiling tapat hanggang wakas ang
siyang maliligtas.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Tagapagdaloy: Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.
Tagapagdaloy: Manatili pong nakatayo para sa paggawad ng

pagbabasbas.
Iaabot ng diyakono ang Libro ng Mabuting Balita sa Obispo upang
igawad ang pagbabasbas sa lahat ng natitipon.
Tagapagdaloy: Magsi-upo po ang lahat.

HOMILIYA
Ang obispo ay magbibigay ng homiliya. Matapos ay maaaring magkaroon ng
sandaling katahimikan para sa pansariling pagninilay.

Maglaan po tayo
katahimikan para sa pagninilay.
Tagapagdaloy:

ng

ilang

minutong

Matapos ang pagninilay, ang lahat ay tatayo para sa pagpapahayag ng


pananampalataya.
Tagapagdaloy: Magsitayo po ang lahat.

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA.
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat na may gawa ng langit at
lupa.
Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo
iisang Anak ng Diyos Panginoon nating lahat.
Nagkatawang tao siya lalang ng Espiritu Santo.
Ipinanganak
ni
Santa
Mariang
Birhen,
pinagpakasakit ni Pontio Pilato ipinako sa krus,
9

namatay, inilibing, nanaog sa kinaroroonan ng mga


yumao.
Nang maikatlong araw nabuhay na mag-uli
umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos
Amang
makapangyarihan
sa
lahat,
doon
magmumulat paririto at huhukom sa nangabubuhay
at namamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu
Santo, sa Banal na Simbahang Katolika sa kasamahan
ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa
pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao at sa
buhay na walang hanggan
Amen.
PANALANGIN NG BAYAN
Aanyayahan ng obispo ang sambayanan sa pagluhog.
Obispo: Ang Diyos ng Awa ang siyang patuloy na nagpapa-agos

ng walang hanggang pagmamahal sa ating lahat. Hilingin natin sa


Panginoon, sa tulong ng panalangin ng Mahal na Patrong San Juan
Nepomuceno, na patuloy tayong pagpalain at palakasin sa
pananampalataya sa kabila ng ating pagiging makasalanan. Ang
ating itutugon:
Tugon. Sa pamamagitan ng mga panalangin ni San

Juan Nepomuceno, Panginoon pagpalain mo ang


Iyong bayan.
Lektor. Para sa Santo Papa, ang Pastol ng Awa ng Diyos, nawa ay
patuloy siyang patnubayan ng Banal na Espiritu Santo upang
katulad ng mga apostol ay walang takot na makapagpahayag ng
muling pagkabuhay ni Hesus saan man dako at sulok ng daigdig,
manalangin tayo sa Panginoon.
Tugon. Sa pamamagitan ng mga panalangin ni San

Juan Nepomuceno, Panginoon pagpalain mo ang


Iyong bayan.

10

Lektor. Para sa parokya ng Malibay, nawa ang halimbawang


ipinakita ng ating Patron San Juan Nepomuceno na pagiging
matipid at mapag-isip sa pangungusap, ay magsilbing ugat ng
panibagong kultura na magbubunsod sa kaayusan at mag-iiwas sa
iba't ibang alitan at hindi pagkakaunawaan, manalangin tayo sa
Panginoon.
Tugon. Sa pamamagitan ng mga panalangin ni San

Juan Nepomuceno, Panginoon pagpalain mo ang


Iyong bayan.

Lektor. Ang pamimintuho nawa sa ating Patron, San Juan


Nepomuceno ang magsilbing inspirasyon sa ating lahat sa Malibay
na maging banal sa isip, sa salita, at sa gawa nang sa gayon ay
magsilbing tagapagdala ng liwanag sa lipunang nadidimlan.
Manalangin tayo sa Panginoon.
Tugon. Sa pamamagitan ng mga panalangin ni San

Juan Nepomuceno, Panginoon pagpalain mo ang


Iyong bayan.

Lektor. Nasaksihan natin sa kwento ng pagkamartir ni San Juan


Nepomuceno, ang pagmamalabis ni Haring Wenceslao sa kanyang
kapangyarihan; maghari nawa sa puso ng mga namumuno sa bayan
ang pusong may tunay na paglilingkod sa Diyos at sa kapwa sa
pamamagitan ng pagiging tapat sa mga tungkulin. Manalangin tayo
sa Panginoon.
Tugon. Sa pamamagitan ng mga panalangin ni San

Juan Nepomuceno, Panginoon pagpalain mo ang


Iyong bayan.

Lektor. Tulad ni San Juan Nepomuceno na nagtiis ng hirap at sakit,


ang mga inuusig dahilan sa pagtalima sa paggawa ng kabutihan ay
biyayaan nawa ng lakas ng loob upang itaguyod ang tama
Manalangin tayo sa Panginoon.
11

Tugon. Sa pamamagitan ng mga panalangin ni San

Juan Nepomuceno, Panginoon pagpalain mo ang


Iyong bayan.
Punong Tagapagdiwang. Diyos Ama, ikaw ang nagbigay buhay sa

lahat ng mabuti, dinggin mo ang aming mga panalangin at gabayan


mo kami, habang ipinagdiriwang namin ang kapistahan ng martir
ng Sakramento ng iyong awa na si San Juan Nepomuceno.
Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon.

Bayan:

Amen!

Sisimulan ngayon ang paghahanda sa mga alay. Ang mga tao ay maaring
magprusisyon patungong altar upang ialay ang kanilang maitutulong para sa mga
dukha at sa simbahan.
Tagapagdaloy: Magsiupo po ang lahat. Tayo po ngayon ay

nasa bahagi na ng Liturhiya ng Eukaristiya, ang paghahain


ng ating mga alay.

12

PAGDIRIWANG NG
HULING HAPUNAN
PAGHAHANDA NG MGA ALAY
Ngayon ay tatanggapin ng tagapagdiwang ang iba pang mga alay, ang
tinapay at ang alak. Samantalang itoy ginaganap, ilalagay ng mga
tagapaglingkod ang telang patungan ng katawan ni Kristo, ang pamahiran ng
kalis, at ang aklat ng pagmimisa sa ibabaw ng dambana.
Ngayoy tatayo ang punong tagapagdiwang sa gawing gitna ng dambana,
hahawakan niya ang pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana,
habang dinarasal niya ng pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa


iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na
ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay.
Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!
Ang diyakono ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang
dinarasal nang pabulong.

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami naway makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na napagindapat makihati sa aming pagkatao.
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng punong tagapagdiwang
ang kalis nang bahagyang nakaangat sa dambana habang dinarasal niya nang
pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa


iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang
alak na ito para maging inuming nagbibigay ng iyong
Espiritu.
Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!
Pagkatapos yuyuko ang punong tagapagdiwang habang dinarasal niya ng
pabulong:

Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming


makasalanan. Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang
handog upang kamiy matutong sumunod sa iyo ng
13

buong puso.
linsesuhan ng punong tagapagdiwang ang mga alay at dambana; pagkaraay
iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at mga nagsisimba.
Pagkatapos tutungo ang tagapagdiwang sa gilid ng dambana, maghuhugas
siya ng mga kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal, kasalanan koy hugasan


at linisin mong lubusan ang nagawa kong pagsuway.
Pagbalik ng punong tagapagdiwang sa gitna ng dambana. Ilalahad niya ang
kanyang mga kamay sa mga tao at ipahahayag.

Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang paghahain


natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.
Tanggapin nawa ng Panginoon itong
paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at
karangalan sa ating kapakinabangan at sa buong
Sambayanan niyang banal.
Tagapagdaloy:

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY


Ama naming Lumikha, inihahain namin ang mga alay sa iyo
ngayong ginugunita ang banal mong martir na si San Juan
Nepomuceno na hindi naihiwalay ng anumang pang-akit na
talikdan ang pakikiisa sa iyong sambayanan sa pamamagitan ni
Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Tagapagdaloy: Amen.

14

IKATLONG PANALANGIN NG
PAGPUPURI AT PASASALAMAT
PREPASYO
Sumainyo ang Panginoon.
Tagapagdaloy: At sumaiyo rin.
ltaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
Tagapagdaloy: Itinaas na namin sa Panginoon.
Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
Tagapagdaloy: Marapat na siya ay pasalamatan.
Ama naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan ngayong
aming kagalakan na si San Juan Nepomuceno ay parangalan.
Siya kapanalig naming may paninindigan
na ikaw ay ipahayag kahit siyay mamatay
sapagkat minarapat mong kanyang matularan
ang iyong anak na naghain ng sariling buhay.
Tulad ng naganap sa iyong Anak
ang dugo ng mga martir ay dumanak
hindi dahil sa katatagang likas
kundi dahil sa iyong bigay na lakas.
Kaya kaisa ng mga anghel na nagpupuri sa iyo nang walang
humpay sa kalangitan ipinagbubunyi namin ang iyong kadakilaan:
Santo, Santo, Santo Panginoong Diyos ng mga hukbo!
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo.
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon!
Osana sa kaitaasan!

Tagapagdaloy: Magsiluhod po ang lahat

Nakalahad ang mga kamay na darasalin


Ama naming banal, dapat kang purihin ng tanang kinapal, sapagkat
sa pamamagitan ng iyong Anak na aming Panginoong Hesukristo

15

at sa kapangyrihan ng Banal na Espiritu, ang lahat ay bibibigyan


mo ng buhay at kabanalan.
Walang sawa mong tinitipon ang iyong sambayanan upang mula sa
pagsikat hanggang sa paglubog ng araw, maihandog ang malinis na
alay para sambahin ang iyong ngalan.
Pagdaraupin ng tagpagdiwang ang kanyang kamay at lulukuban ng mga
kamay niya ang mga alay habang siya ay nagdarasal.
Ama, isinasamo naming pakabanalin mo sa kapangyarihan ng
Banal na Espiritu ang mga kaloob na ito na aming inilalaan sa iyo.
Pagdaraupin ng tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at kukurusan niya
ang tinapay at kalis, samantalang kanyang dinarasal.
Ito nawa ay maging Katawan at Dugo ng iyong Anak at aming
Panginoong Hesukristo
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.
na nag-utos ipagdiwang ang misteriyong ito.
Noong gabing ipagkanulo siya,
Hahawakan ng tagapagdiwang ang tinapay ng bahagyang nakaangat sa
ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:
hinawakan niya ang tinapay, pinasalamatan ka niya, pinaghati-hati
niya iyon, iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang punong tagapagdiwang.
TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:
ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipapamalas niya ang tinapay, ipapatong niya ito sa pinggang patungan ng
katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.
Pagkatapos ipahahayag ng punong tagapagdiwang.
Gayun din naman, pagkatapos ng hapunan,
Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang nakataas
sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:
hinawakan niya ang kalis, muli ka niyang pinasalamatan, iniabot sa
kanyang mga alagad, at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang punong tagapagdiwang.
16

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng katawan
ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.
Tagapagdaloy: Manatili pong nakaluhod ang lahat.
Pagkatapos, ipahahayag ng punong tagapagdiwang:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.


Sa krus mo at pagkabuhay, kamiy natubos mong tunay.
Poong Hesus naming mahal, iligtas mo kaming tanan,
ngayon at magpakailan man.
Ilalahad ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay samantalang
siya ay nagdarasal.

Ama, ginugunita namin ang pagkamatay ng iyong Anak


na sa amiy nagligtas, gayun din ang kanyang muling
pagkabuhay at pag-akyat sa kalangitan samantalang ang
kanyang pagbabalik ay pinananabikan, kaya bilang
pasasalamat ngayoy aming iniaalay sa iyo ang buhay at
banal na paghahaing ito.
Tunghayan mo ang handog na ito ng iyong Simbahan.
Masdan mo ang iyong Anak na nag-alay ng kanyang
buhay upang kami ay ipagkasundo sa iyo. Loobin mong
kaming magsalu-salo sa kanyang Katawan at Dugoay
mapuspos ng Espiritu Santo at maging isang katawan at
isang diwa kay Kristo.
NAKIKIPAGDIWANG I

Kami nawa ay gawin niyang handog na habang panahong


nakatalaga sa iyo. Tulungan nawa niya kaming magkamit
ng iyong pamana kaisa ng Ina ng Diyos, ang Mahal na
Birhen, kaisa ng mga Apostol, mga Martir, at kaisa ng
lahat ng mga Banal na aming inaasahang laging
nakikiusap para sa aming kapakanan.
17

NAKIKIPAGDIWANG II

Ama, ang handog na ito na aming pakikipagkasundo sa


iyo ay magbunga nawa ng kapayapaan at kaligtasan para
sa buong daigdig. Patatagin mo sa pananampalataya at
pag-ibig ang iyong simbahang naglalakbay sa lupa,
kasama ang iyong lingkod na si Papa Francisco, ang
aming obispong si Luis Antonio, ng tanang mga Obispo
at buong kaparian at ng iyong piniling sambayanan.
Dinggin mo ang kahilingan ng iyong angkan na ngayo'y
tinipon mo sa iyong harapan.
Amang maawain, kupkupin mo at pag-isahin ang lahat ng
iyong mga anak sa bawat sulok at panig ng daigdig.
Kaawan mo at patuluyin sa iyong kaharian ang mga
kapatid naming yumao at ang lahat ng lumisan sa
mundong ito na nagtataglay ng pag-ibig sa iyo.
Kami ay umaasang makararating sa iyong piling at samasamang magtatamasa ng iyong kaningningang walang
maliw sapagkat aming masisilayan ang iyong
kagandahan
Pagdaraupin ang kanyang mga kamay.

Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo na


siyang pinagdaraanan ng bawat kaloob Mo sa aming
kabutihan.
Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang pinggang may ostiya at ang kalis
at kapwa niya itataas habang kanyang ipinapahayag:

Sa pamamagitan ni Kristo kasama niya, at sa kanya ang


lahat ng parangal at papuri ay sa iyo, Diyos Amang
makapangyarihan, kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Amen.
Tagapagdaloy: Magsitayo po ang lahat.

18

ANG PAKIKINABANG
Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus
na Panginoon natin at Diyos ipahayag natin nang lakasloob:
Ama namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo dito
sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng
aming kakanin sa araw-araw. At patawarin mo kami sa
aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa
nagkakasala sa amin At huwag mo kaming ipahintulot sa
tukso. At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Nakalahad ang mga kamay ng punong tagapagdiwang sa pagdarasal:

Hinihiling naming kamiy iadya sa lahat ng masama,


pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa
kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalang
aming pinananabikan ang dakilang araw ng
pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.
Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailan man! Amen.
Malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga Apostol:


Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking
kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo. Tunghayan mo
ang aming Pananampalataya at huwag ang aming mga
pagkakasala. Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at
pagkakaisa ayon sa iyong kalooban
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


Tagapagdaloy: Amen.
Ang kapayapaan ng Panginoong Hesukristo ay laging
sumainyo lahat.
Tagapagdaloy: At sumaiyo rin.
19

lpahahayag ng diyakono o ng pari

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isat isa.


Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw
ng pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang
dinarasal:

Sa pagsasawak na ito ng katawan sa dugo ng aming


Panginoong Hesukristo, tanggapin nawa namin sa
pakikinabang ang buhay na walang hanggan.
Matapos magbigayan ng kapayapaan, aawit ang koro habang nagdarasal
nang pabulong ang pari.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal.

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay, sa


kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo, binuhay mo
sa iyong pagkamatay ang sanlibutan. Pakundangan sa
iyong banal na katawan at dugo, iadya mo ako sa tanang
aking kasalanan at lahat ng masama, gawin mo akong
laging makasunod sa iyong mga utos, at huwag mong
ipahintulot na akoy mawalay sa iyo kailanman.
Luluhod ang tagapagdiwang at darasalin ng pabulong ang panalangin bago
magkomunyon. Pagtayo niya kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa
ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga


kasalanan ng sanlibutan. Mapapalad tayong nakikibahagi
sa kanyang banal na piging.
Tagapagdaloy: Panginoon, hindi

ako karapat-dapat na
magpatuloy sa iyo ngunit sa isang salita mo lamang ay
gagaling na ako.

20

Siya ay makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang


patuloy na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng katawan ni Kristo patungo


sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang katawan ni Kristo.
Kukunin niya ang kalis ng dugo ni Kristo.

Ipagsanggalang nawa ako ng dugo ni Kristo patungo sa


buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang dugo ng Kristo.
Pagkapakinabang bibigyan niya ang sambayanan ng katawan ni Kristo.
Makaaawit ang koro ng naaangkop na awit.
Matapos ang komunyon, maaaring mgakaroon ng ilang saglit ng katahimikan
para sa pansariling pananalangin at pagninilay.
Tagapagdaloy: Ang pagtanggap po ng Banal na Komunyon ay

gagawin po natin by row. Panatilihin po natin ang


katahimikan sa loob ng simbahan.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Manalangin tayo.
Saglit na katahimikan.

Ama naming mapagmahal, pagkatanggap namin sa banal na


pakikinabang, hinihiling naming sa pagtulad namin sa katatagan ni
San Juan Nepomuceno kami naway pagindapating magkamit ng
gantimpalang walang maliw para sa pananatiling matapat sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Tagapagdaloy: Amen.

PAGPAPASALAMAT NG KURA PAROKO / PAGLILIPAT


NG TUNGKULIN SA BAGONG HERMANO MAYOR
Ang lahat ay magsiupo.

21

Tagapagdaloy: Magsiupo po ang lahat para sa pasasalamat ng ating

minamahal na Kura Paroko at ang pagsasalin ng tungkulin sa


bagong Hermano Mayor.
Matapos ng pagsasalin ng tungkulin sa bagong hermano mayor, ang
lahat ay magsisitayo para sa pagbabasbas at paghahayo.
Tagapagdaloy: Magsitayo po ang lahat.

PAGBABASBAS AT PAGHAHAYO
Gagawin ang pagbabasbas nang nakasuot ang mitra ng obispo.

Sumainyo ang Panginoon


Tagapagdaloy: At sumaiyo rin.
Purihin ang ngalan ng Panginoon
Tagapagdaloy: Ngayon at magpakailanman.
Ang tumutulong sa atin ay ang Panginoon
Tagapagdaloy: Na may gawa ng langit at lupa.
Tatanggapin ng obispo ang kanyang pastoral staff.

Pagpalain nawa kayo ng butihin at makapangyarihang


Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo.
Tagapagdaloy: Amen.
Humayo kayong taglay ang
kapayapaan upang ang Panginoon at ang kapwa ay
mahalin at paglingkuran.
Diyakono o ang pari.

Tagapagdaloy: Salamat sa Diyos.


Lilisanin ng punong tagapagdiwang at mga tagapaglingkod ang santwaryo.

22

You might also like