You are on page 1of 36

diyosesis ng imus

mary immaculate parish


NIA ROAD, BRGY SALAWAG, LUNGSOD NG DASMARIÑAS, CAVITE

pagdiriwang ng banal na misa


kasma ang solemneng rito ng

Koronasyong Episkopal
ng ina at patrona ng sambayanan ng salawag
Maria Inmaculada, La Virgen de Salawag
SA PANGUNGUNA NG MAHAL NA OBISPO NG DIYOSESIS NG IMUS
ANG LUBHANG KAGALANG-GALANG

MONS. REYNALDO EVANGELISTA, D.D.


IKA-8 NG DISYEMBRE 2018
Ikaw ay totoong maganda, sinta ko;
at walang kapintasan sa iyo
Awit ng mga Awit 4:7

2
Pagdiriwang ng Banal na Misa
PANIMULA
Commentator: Magandang gabi sa inyong lahat. Ipinagdiriwang po natin
sa araw na ito ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang paglilihi sa
Mahal na Birheng Maria. Naniniwala tayong mga Kristyanong Katoliko
na si Maria ay pinaglihing walang kasalanan habang siya ay nasa sina-
pupunan ng kanyang inang si Santa Ana. Gayon na lamang ang pribili-
heyong ibinigay ng Diyos sa mahal na Birhen dahil siya ang itinakda ng
Ama upang maging Ina ng kanyang bugtong na Anak na si Hesukristo na
siyang nagligtas ng sangkatauhan.

Matutunghayan din natin sa Misang ito ang Solemneng Koronasyong


Episkopal o Coronacion Diocesana sa ating pinakamamahal na Ina at pin-
takasi ng Salawag: si Maria Inmaculada. Ang Koronasyong Episkopal ay
isang karangalang iginagawad ng Diyosesis, sa pangunguna ng kanyang
mahal na Obispo, bilang pagkilala sa isang Imahen ng Mahal na Birhen
na kinikitaan ng bukod-tanging pamimintuho ng sambayanang Kristya-
no sa isang komunidad. Tunay na mapalad ang sambayanan ng Salawag
ngayong hapon dahil sa natatanging biyaya na ipinagkaloob ng Maykapal,
isang rason upang tayo ay lubos na magdiwang!

Tayong lahat ay magsitayo upang salubungin natin ng buong puso ang


punong tagapagdiwang ng ating Banal na Misa: ang Obispo ng Diyosesis
ng Imus, ang kanyang lubhang kagalang-galang Reynaldo Evangelista.

Pansimulang Prusisyon at Awiting Pambugad


Kapag natitipon na ang sambayanan, ang pari at mga tagapaglingkod ay lalakad pa-
tungo sa dambana samantalang ang awiting pambungad ay ginaganap. Pagsapit sa
dambana, ang pari at mga tagapaglingkod ay magbibigay-galang alinsunod sa hini-
hinging paraan. Magbibigay-galang ang pari sa dambana sa pamamagitan ng pagha-
lik sa ibabaw. Kung minamabuti niya, maiinsensuhan niya ito. Pagkatapos, ang pari
ay paroroon sa kanyang upuan. Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo
ang lahat, ang pari at ang mga tao ay magkukrus.

3
Ang Tanda ng Krus
Obispo: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

Obispo: Sumainyo ang kapayapaan

Bayan: At sumainyo rin.


Ang pari o ang diyakono o sinumang angkop na tagapaglingkod ay makapagbibigay
ng maikling paliwanag tungkol sa buod ng Misang ipinagdiriwang

Pagsisisi sa Kasalanan
Susunod na gaganapin ang pagsisisi sa kasalanan. Aanyayahan ng pari ang mga tao:

Obispo: Mga kapatid,


aminin natin ang ating mga kasalanan
upang tayo’y maging marapat gumanap sa banal na
pagdiriwang.
Magkakaroon ng saglit na katahimikan. Pagkatapos nito, lahat ay sabay-sabay na
aamin sa nagawang kasalanan:

O. at B. Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos


at sa inyo, mga kapatid, na lubha akong nagkasala
(Ang lahat ay dadagok sa dibdib.)
sa isip, sa salita, sa gawa at sa aking pagkukulang.
Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga banal
at sa inyo, mga kapatid, na ako’y ipanalangin
sa Panginoong ating Diyos.

Obispo: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,


patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

Bayan: Amen.

4
Kyrie
Isusunod ang mga pagluhod, maliban kapag naganap na ito kaugnay ng pagsisisi sa
kasalanan.
P. Panginoon, kaawaan mo kami. B. Panginoon, kaawaan mo kami.

P. Kristo, kaawaan mo kami. B. Kristo, kaawaan mo kami.

P. Panginoon, kaawaan mo kami. B. Panginoon, kaawaan mo kami.

Gloria
Kapag nakatakdang ganapin, aawitin o darasalin ang awit:

Papuri sa Diyos sa kaitaasan


at sa lupa’y kapayaan
sa mga taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin
sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin
pinasasalamatan ka namin,
dahil sa dakila mong angking kapurihan.
Panginoon Diyos, Hari ng langit,
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.
Sapagkat ikaw lamang ang banal,
ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan,
kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama.
Amen.

5
Pambungad na Panalangin
Obispo: Manalangin tayo.

Tahimik na mananalanging saglit ang tanan.


Ama naming makapangyarihan,
para sa iyong Anak ay inilaan mong maging marapat
na tahanan ang Mahal na Birheng ipinaglihing walang
minanang kasalanan at siya’y ibinukod mo para
huwag madamay sa pagkamasuwayin ng lahat pakundangan sa
kamatayang aakuin ng iyong Anak.
Bilang tugon sa kanyang pagdalangin, loobin mong kami’y
maging dalisay upang kami’y maging dapat
na makadulog sa iyong harapan sa pamamagitan ni
Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen

6
Ako’y alipin ng Panginoon.
Mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.
Lucas 1:38

7
PAGpApAHAYAG NG SALITA NG DIYOs
Unang Pagbasa
(Gn 3:9-15, 20)

Tagapahayag: Pagbasa mula sa Aklat ng Genesis

PAGKAKAIN ni Adan sa bunga ng puno, tinawag siya ng Panginoon


at tinanong, “Saan ka naroon?”

“Natakot po ako nang marinig ko kayong nasa hardin; nagtago po ako


sapagkat ako’y hubad,” tugon ng lalaki.

“Sinong may sabi sa iyong hubad ka?” tanong ng Diyos. “Bakit, ku-
main ka ba ng bungang ipinagbabawal ko?”

“Kasi, pinakain po ako ng babaing ibinigay ninyo sa akin,” tugon ng


lalaki.

“Bakit mo naman ginawa iyon?” tanong ng Diyos sa babae.

“Mangyari po’y nilinlang ako ng ahas, kaya ako natuksong kumain,”


tugon naman niya.

At sinabi ng Panginoon sa ahas:

“Sa iyong ginawa’y may parusang dapat, na tanging ikaw lang yaong
magdaranas; ikaw ay gagapang, ang hatol kong gawad, at alikabok
ang pagkaing dapat. Kayo ng babae’y lagging mag-aaway, binhi mo’y
binhi niya’y laging maglalaban. Ito ang dudurog ng ulo mong iyan, at
ang sakong niya’y ikaw ang tutuklaw.” Eva ang itinawag ni Adan sa
kanyang asawa, sapagkat ito ang ina ng sangkatauhan.

Ang Salita ng Diyos.

B. Salamat sa Diyos.
8
Salmong Tugunan
(Salmo 97)

Tagapahayag: Umawit sa D’yos ng awa, ang gawain n’ya’y dakila

1. Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay, pagkat yaong ginawa


n’ya ay kahanga-hangang tunay! Sa sariling lakas niya at taglay na
kabanalan, walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay. (T)

2. Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag, sa harap ng


mga bansa’y nahayag ang pagliligtas. Ang pangako sa Israel lubos
niyang tinupad. (T)

3. Tapat siya sa kanila at ang pag-iba ay wagas. Ang tagumpay ng


ating Diyos kahit saan ay namalas! Magkaingay na may galak, yaong
lahat sa daigdig; ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit.
(T)

9
Ikalawang Pagbasa
(Ef 1:3-6, 11-12)

Tagapahayag: Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa


mga taga-Efeso

MAGPASALAMAT tayo sa Diyos at Ama ng ating Panginoon Hes-


ukristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espiritu-
wal dahil sa ating pakikipag-isa kay Kristo. At sa atin ngang pakiki-
pag-isang ito, hinirang na niya tayo bago pa nilikha ang sanlibutan
upang maging banal at walang kapintasan sa harapan niya. Dahil sa
pag-ibig ng Diyos, tayo’y kanyang itinalaga upang maging mga anak
niya sa pamamagitan ni Hesukristo. Iyan ang kanyang layunin at ka-
looban. Purihin natin siya dahil sa kanyang kahanga-hangang pagka-
linga sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak!

At dahil kay Kristo, kami’y naging bayan ng Diyos na nagsagawa ng


lahat ng bagay ayon sa kanyang panukala at kalooban. Nangyari ito
nang kami’y hirangin niya noon pang una – kaming mga unang uma-
sa kay Kristo – sa lalong ikadadakila niya.

Ang Salita ng Diyos.

B. Salamat sa Diyos.

10
Aleluya
Isusunod ang Aleluya o ang ibang awit.

Aleluya!
Aba, Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,
D’yos ay kapiling mo t’wina.
Kapag walang diyakono, ang paring nakayuko sa gawing dambana ay magdarasal
nang pabulong:
Pari: Makapangyarihang Diyos, gawin mong dalisay ang aking puso
at mga labi upang marapat kong maipahayag ang Mabuting Balita.
Ang diyakono o ang pari ay paroroon sa pook ng pagbasa. Magagawa ito nang pa-
prusisyon na nilalahukan ng mga tagapaglingkod na may dalang insensaryo at mga
kandila. Sa pook ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Mabuting Balita


(Lucas 1:26-38)
Pari: Sumainyo ang Panginoon.
Bayan: At sumainyo rin.

Pari: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas.


Bayan: Papuri sa iyo, Panginoon.

Noong panahong iyon, ang anghel Gabriel ay sinugo ng Diyos sa


Nazaret, Galilea, sa isang dalaga na ang pangala’y Maria. Siya’y na-
katakdang ikasal kay Jose, isang lalaki buhat sa lipi ng Haring David.
Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito. “Matu-
wa ka! Ikaw ay kalugud-lugod sa Diyos,” wika niya. “Sumasaiyo ang
Panginoon!” Nagulumihanan si Maria sa gayong pangungusap, at ini-
sip niyang mabuti kung ano ang kahulugan niyon. Kaya’t sinabi sa
kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat kinalulug-
dan ka ng Diyos. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng
isang lalaki, at siya’y tatawagin mong Hesus. Magiging dakila siya, at
tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoon
Diyos ang trono ng kanyang amang si David. Maghahari siya sa ang-
kan ni Jacob magpakailanman, at ang kanyang paghahari ay walang
hanggan.”
11
“Paanong mangyayari ito, gayong ako’y dalaga?” tanong ni Maria.
Sumagot ang anghel, “Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman
ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan. Kaya’t banal ang ipanganga-
nak mo at tatawaging Anak ng Diyos. Natatandaan mo ang iyong ka-
mag-anak na si Elisabet? Alam ng lahat na siya’y baog, ngunit naglihi
siya sa kabila ng kanyang katandaa, At ngayo’y ikaanim na buwan na
ng kanyang pagdadalantao – sapagkat walang hindi mapangyayari
ang Diyos.”

Sumagot si Maria, “Ako’y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang


iyong sinabi.” At nilisan siya ng anghel.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Bayan: Pinupuri ka namin, Panginoon Hesukristo.

Homiliya
Pagkaraan, gaganapin ang homiliya na dapat ilahad ng araw ng Linggo at sa mga
pistang pangilin. Ito ay kapuri-puring gawing sa iba pang araw.

12
...sa iyong kanan ay nakatayo ang reyna na
may ginto sa Ophir.
Mga Awit 45:9

13
RITO NG KOrONAsYONG EpIskOpAL
Commentator: Ngayon po tayo ay dadako sa Koronasyon ng ating Ma-
hal na Patrona, Maria Inmaculada La Virgen de Salawag. Tinatawagan
natin ang ....... upang basahin ang dekreto ng pagiiral ng Koronasyong
Episkopal. Magsitayo po ang lahat.

Sa puntong ito, babasahin ng Chancellor ang Decreto ng Pagpuputong ng Koronang


Episkopal sa Mahal na Patrona. Ito ay lalagdaan ng Obispo, ng Chancellor, at ng Kura
Paroko. Pagkatapos ng pirmahan ay tutungo ang Kura Paroko sa gitna at itataas ng
buong galak ang dekreto ng koronasyon habang ang Koro ay kakanta ng isang kan-
tang natatangi sa puntong ito ng selebrasyon.

Pasasalamat at Panalangin
Obispo: Pinupuri ka namin, Panginoon, Diyos ng langit at lupa, sapa-
gkat sa iyong habag at katarungan, ibinagsak mo ang mga makapang-
yarihan at itinaas ang mga nasa abang kalagayan; Ang kamang-
ha-mangha mong karunungan ay iyong pinamalas higit sa lahat sa
salitang Nagkatawang-tao at sa kanyang Birheng Ina:

Sapagkat siya, na iyong Anak, na malayang magpakababa maging


hanggang kamatayan sa Krus, ay nakaluklok ngayon sa iyong kanang
kamay at nagniningning sa walang hanggang kaluwalhatian, ang Hari
ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon; at siya, ang Birheng
nagnais na tawaging inyong lingkod, ay sadyang pinipili upang mag-
ing Ina ng Tagapagligtas at tunay na Ina ng lahat ng mga buhay, at
ngayon siya ay itinanghal na higit sa koro ng mga anghel at naghaha-
ri sa kaluwalhatian kasama ng kanyang Anak, nananalangin para sa
sangkatauhan, ang tagapagtaguyod ng biyaya at Reyna ng awa.

Kaya Panginoon, magiliw mong tunghayan ang iyong mga lingkod na


sa pamamagitan ng pagpuputong ng korona sa imaheng ito ng inyong
Ina, ay nagpapahayag sa iyong Anak bilang Hari ng sansinukob at
nagsusumamo sa Mahal na Birhen na Reyna.

Ipagkaloob mo sa amin ang pagpapala upang matularan sila sa paglil-


ingkod sa iyo upang gawin ang inaatas ng pag-ibig para sa kapakanan
14
ng aming kapwa: upang limutin at ilaan ang aming sarili, nang sa gay-
on ay maakit namin ang aming kapwa tungo sa iyo; upang magpak-
ababa sa daigdig, nang sa gayon ay maitaas sa kalangitan kung saan
ginagantipalaan mo ang mga tapat mong lingkod ng korona ng bu-
hay, Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Bayan: Amen

Babasbasan ng Obispo ang korona. Matapos ang panalangin at pagbabasbas ng koro-


na, ay tutungo na ang Obispo sa imahen ng Maria Inmaculada Salawag upang ito’y
koronahan.

Una munang ilalagay ang simbulo ng araw at buwan na ilalagay ng pinuno ng Mobi-
mento ng Kabataan, Sis. Jacklyn at isang Seminarista na taga- Salawag

Ikalawang ilalagay ang Doce Estrellas na ipuputong ng Kura Paroko at tutulungan


ng kanyang mga bise.

Ikatlo at huling ipuputong ang Koronang Episkopal sa pangunguna ng Mahal na


Obispo Reynaldo

Matapos itong makoronahan ay siyang iinsensuhan ng Obispo at habang ito ay isina-


sagawa ang mga tao ay await ng Himno sa Virgen de Salawag.

15
Himno sa Virgen de Salawag
(Titik ng MIP Steering Comitee, Musika ni S.M. Amamangpang)

1. Sa gabing malalim ng aming bayan


Dumating kang tulad ng talang gabay
Lahat ng aming hapis ay iyong pinaram
dahil sa’yong pusong maibigi’t maalam.

2. Buhay mong inialay sa Diyos na mahal


Inilaang handog sa dakilang Maykapal
Ina ng manunubos sa lupa’y dumatal
Esposa kang tunay ng Espiritung Banal.

CHORUS:

O Maria Inmaculada, la Virgen de Salawag


Inang sakdal ng linis, Ina ka ng habag!
Niloob mong manahan, tupdin ang pagtawag
sa lahat ng lahi, ikaw ay natanyag!

O Maria Inmaculada, la Virgen de Salawag


Aming sandigang singningning ng buwan
Kami nawa’y turuang tumugo’t umayon
kay Kristong ‘yong Anak, aming manunubos!

BRIDGE:
Ang bayang Salawag ngayo’y nagpupuri
Pagkat inampon, kinalinga mo kami.
Sa tanang panganib, kami’y inilayo.
Ina ng Salawag, Inang mahal ni Kristo.
(Chorus)

16
Sumasampalataya Ako
O at B: Sumasampalataya ako sa Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.

Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo,


iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang tao Siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay,
inilibing.
Nanaog sa karoroonan ng mga yumao.
Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos
Amang Makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto’t maghuhukom sa
nangabubuhay at nangamamatay na tao.

Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo,


Sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal;

Sa kapatawaran ng mga kasalanan,


Sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao,
At sa buhay na walang hanggan. Amen.

Panalangin ng Bayan
Obispo: Ngayon ay buong kababaang-loob tayong dumulog sa Di-
yos na ating Ama, na gumawa ng mga dakilang bagay para sa Mahal
na Birheng Maria at nagpapatulot sa kanyang mga kahanga-han-
gang gawa sa Simbahan:

Bayan: Panginoon, pakinggan mo ang Iyong bayan.

17
1. – Para sa Simbahan, upang kaisa ni Maria ay maipahayag nito
ang kamangha-manghang gawain ng Diyos at maipamansag ang
kanyang habag sa lahat ng mga bansa, sapagkat ibinabagsak nya
ang mga hari mula sa kanilang trono at itinataas ang mga nasa abang
kalagayan. Malanangin tayo sa Panginoon

2. Para sa pamahalaan, maging daan nawa ang kanilang paglil-


ingkod sa bayan ng pagbuo ng isang lipunang may malasakit, ma-
pagmahal, makadiyos at may galang sa isa’t isa. Nawa’y isa puso ng
bawat isa sa ating pamahalaan ang aral na binigay ng ating Ama at
isagawa ang pagmamahal katulad ng pagmamahal ng ating Inang
Maria. Manalangin tayo..

3. – Para sa lahat ng tao sa daigdig, upang sa udyok ng Espiritu Santo


sila ay magkatipon bilang isang sambayanan ng Diyossa ilalim ng
pamamahala ni Kristong Hari. Manalangin tayo sa Panginoon

4. – Para sa pagkakaisa sa mga bansa, upang sa pamamagitan ng


Reyna ng Kapayapaan, ang poot ay maisaintabi, ang mga digmaan
ay mawakasan, at ang lahat sa daigdig ay magtamasa ng kasaganaan
at kapayapaan. Manalangin tayo sa Panginoon.

5. – Para sa mamamayan ng Salawag nawa’y patatagin pa lalo ng Di-


yos ang aming pananampalataya sa iyo at buksan ninyo ang aming
puso’t isipan upang ipabatid sa iba pang mamamayan ng Salawag
ang mabuting balita na dulot ng Diyos, at nawa’y gabayan kami sa
lahat ng aming gawain sa pamamagitan ng Mahal na Ina na si Maria
ang aming patrona. Manalangin tayo sa Panginoon.

6. – Para sa mga kabataan, nawa’y liwanagan Mo ang kanilang mga


puso, upang katulad ni Maria, kanilang mabatid at bigyang tugon
ang iyong tawag patungo sa buhay na banal. Palakasin mo ang kanil-
ang kalooban na ialay ang kanilang buhay sa pagmamahal at paglil-
ingkod sa kanilang kapwa, sa bayan, at sa simbahan. Manalangin
tayo..

18
7. – Para sa ating pagdiriwang ng koronasyon ng ating pinakama-
mahal na Maria Inmaculada de Salawag, nawa’y magsilbing simbo-
lo ito ng patulad natin sa kababaang loob ni Maria at lubos na pa-
nanampalataya sa ating Panginoong maykapal. Nawa’y ang bawat
pamilya sa lokal ng Salawag at sa buong mundo ay mas tumibay
ang pananampalataya sa ating Panginoon sa pamamagitan ng ating
pamimintuho kay Maria. Manalangin tayo..

8. – Para sa mga nagtitiis sa karamdaman, kahirapan, kalumbayan,


pagkakabilango, o pag-uusig. upang sila ay palakasin ng Mahal na
Birhen, ang reyna ng awa, at mapasigla ng kanyang makainang pag-
kalinga. Manalangin tayo sa Panginoon

9. – Para sa ating nagkakatipon ngayon, upang sa pagkilala sa na-


tatanging karangalan ng Mahal na Birhen, matularan natin ang
kanyang kapakumbabaan at diwa ng paglilingkod, at higit siyang
mahalin sa araw-araw. Manalangin tayo sa Panginoon

10. – Para sa mga kapatid natin, lalong lalo na kina Leonardo, Car-
men, at Costancia ng Pamilya Paras na tumayong mga unang Ca-
marero ng Birhen ng Salawag , mga deboto ng Mahal na Birhen ng
Salawag at mga relihiyoso ng Sons of Holy Mary Immaculate, na
tumawid na sa kabilang buhay, na nawa makita nila ang mukha ng
Diyos at mapayapa magkapailan man kasama ang Mahal na Birhen
at iba pang mga banal, Manalangin tayo sa Panginoon.

Obispo: Panginoong Diyos, sa pamamagitan ng mga panalangin ng


Mahal na Birheng Maria, na ipinagkaloob mo sa amin bilang aming
Ina at reyna, itulot mo kami rin ay makasalo sa kaganapan ng iy-
ong grasya. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming
Panginoon.

Bayan: Amen.

19
...sinabi ng kaniyang ina sa mga
tagapagsilibi, “Gawin ninyo ang anomang sa
inyo’y kaniyang sabihin.”
Juan 2:5

20
PAGdIrIWANG NG HULING HApUNAN
Paghahanda ng mga Alay
Sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga tag-
apaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis, at
ang Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

Obispo: Kapuri-puri ka, Diyos Amang lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay
na ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

Bayan: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

Ang diyakono o ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang
dinarasal nang pabulong:
Obispo: Sa paghahalong ito ng alak at tubig kami nawa’y makasalo
sa pagka-Diyos ni Kristo na nagpagindapat makihati sa
aming pagkatao.

Obispo: Kapuri-puri ka, Diyos Amang lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa
ang alak na ito para maging inuming nagbibigay
ng iyong Espiritu.

Bayan: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!


Pagkatapos, yuyuko ang pari habang dinarasal niya nang pabulong:

Obispo: Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga


makasalanan. Tanggapin mo ang aming pagsisisi
bilang handog upang kami’y matutuong sumunod
sa iyo nang buong puso.
Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng pari ang mga alay at ang dambana; pag-
karaa’y iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisim-
ba. Pagkatapos, ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga
kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:

21
Obispo: O Diyos kong minamahal, kasalanan ko’y hugasan at
linsin mong lubusan ang nagawa kong pagsuway.
Pagbalik ng pari sag awing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga ka-
may sa mga tao at muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:

Obispo: Manalangin tayo, mga kapatid, upang ang paghahain


natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.

Bayan: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong


mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating
kapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang banal.

Panalangin ukol sa mga Alay


Obispo:
Ama namin Lumikha, ang handog na nagliligtas ay
aming inihahain sa iyong dambana ngayong dakilang
kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen.
Tanggapin mo ito at ipagkaloob mo pakundangan sa kanyang
kahilingan na katulad ng pagkasagip mo sa kanya sa
pagkasangkot sa pagsuway ng tanan kaming mga
sumasampalataya sa iyong kaloob sa kanya ay mahango sa
tanang kasalanan. Iniluluhog namin ito sa pamamagitan
ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen

22
Panalangin ng Paputi at Pasasalamat
Obispo: Sumainyo ang Panginoon.
Bayan: At sumainyo rin.

Obispo: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon.

Obispo: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


Bayan: Marapat na siya ay pasalamatan.

Prepasyo tungkol sa Mahal na Birheng Maria


Ama naming makapangyarihan tunay ngang marapat na ikaw
ay aming pasalamatan ngayong Dakilang Kapistahan ng
Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria.

Bukod mong pinagpala sa babaing lahat ang Mahal na Birheng


totoong mapalad na iyong piniling maging Ina ng iyong Anak
noong isugo mo siya bilang aming Mesiyas. Sa kapangyarihan ng
Espiritung Banal ang Birheng Maria ay naging Inang tunay ng
iyong Anak na kanyang isinilang bilang liwanag nitong
sanlibutan.

Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang


walang humpay sa kalangitan kami’y nagbubunyi sa iyong
kadakilaan:

Santo, Santo, Santo


Panginoong Diyos ng mga hukbo!
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo!
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon!
Osana sa kaitaasan!

23
Ikatlong Panalangin ng Papuri at
Pasasalamat
Obispo: Ama naming banal, dapat kang purihin ng tanang kinapal
sapagkat sa pamamagitan ng iyong Anak na aming Panginoong
Hesukristo at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu ang lahat ay
binibigyan mo ng buhay at kabanalan. Walang saw among
tinitipon ang iyong sambayanan upang mula sa pagsikat
hanggang sa paglubog ng araw maihandog ang malinis na alay
para sambahin ang iyong ngalan.
Panawagan sa Diyos

Ama, isinasamo naming pakabanalin mo sa kapangyarihan ng


Banal na Espiritu ang mga kaloob na ito na aming inilalaan sa iyo.
Ito nawa ay maging Katawan at Dugo X ng iyong Anak at aming
Panginoon Hesukristo na nag-utos ipagdiwang ang misteryong ito.
Pagsasalaysay at Pagtatalaga
Noong gabing ipinagkanulo siya, hinawakan niya ang tinapay,
pinasalamatan ka niya, pinaghati-hati niya iyon, iniabot sa
kanyang mga alagad at sinabi:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN NA IHAHANDOG PARA SA
INYO.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan, hinawakan


niya ang kalis, muli ka niyang pinasalamatan, iniabot niya ang
kalis sa kanyang mga alagad at sinabi:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO NG BAGO AT
WALANG HANGGANG TIPAN, ANG AKING DUGO NA
IBUBUHOS PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT SA IKA-
PAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALAALA SA AKIN.
24
Obispo: Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya

Bayan: Si Kristo ay gunitaing sarili ay inihain bilang pagkai’t


inumin pinagsasaluhan natin hanggang sa siya’y
dumating.
Panawagan sa Diyos

Ama, ginugunita namin ang pagkamatay ng iyong Anak na sa


ami’y nagligtas, gayun din ang kanyang muling pagkabuhay at
pag-akyat sa kalangitan samantalang ang kanyang pagbabalik ay
pinananabikan kaya bilang pasasalamat ngayo’y aming iniaalay
sa iyo ang buhay at banal na paghahaing ito.

Tunghayan moa ng handog na ito ng iyong Simbahan. Masdan


mo ang iyong Anak na nag-alay ng kanyang buhay upang kami ay
ipakipagkasundo sa iyo.
Panawagan sa Diyos
Loobin mong kaming magsasalu-salo sa kanyang Katawan at
Dugo ay mapuspos ng Espiritu Santo at maging isang katawan at
isang diwa kay Kristo.
Pagluhog

Kami nawa ay gawin niyang handog na habang panahong


nakatalaga sa iyo. Tulungan nawa niya kaming magkamit ng
iyong pamana kaisa ng Ina ng Diyos, ang Mahal na Birheng
Maria, kaisa ng mga Apostol, mga Martir
(ni N., ang banal na pinararangalan o pinipintuho)
at kaisa ng lahat ng mga Banal na aming inaasahang lagging
nakikiusap para sa aming kapakanan.

Ama, ang handog na ito ng aming pakikipagsundo sa iyo ay


magbunga nawa ng kapayapaan at kaligtasan para sa buong
daigdig. Patatagin mo sa pananampalataya at pag-ibig ang iyong
Simbahang naglalakbay sa lupa, kasama ang iyong lingkod na si
Papa N., ang aming Obispo N., ng tanang mga Obispo at buong
kaparian at ng iyong piniling sambayanan. Dinggin mo ang mga
kahilingan ng iyong angkan na ngayo’y tinipon mo sa iyong
25
harapan.

Amang maawain, kupkupin mo at pag-isahin ang lahat ng iyong


mga anak sa bawat panig at sulok ng daigdig.

Kaawaan mo at patuluyin sa iyong kaharian ang mga kapatid


naming yumao at ang lahat ng lumisan na sa mundong ito na
nagtataglay ng pag-ibig sa iyo. Kami ay umaasang makararating
sa iyong piling at sama-samang magtatamasa ng iyong
kaningningang walang maliw sapagkat aming masisilayang ang
iyong kagandahan sa pamamagitan ng aming Panginoong
Hesukristo na siyang pinagdaraanan ng bawat kaloob mo sa
aming kabutihan.
Pagbubunying Pangwakas

Obispo: Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya ang


lahat ng parangal at papuri ay sa iyo, Diyos Amang
makapangyarihan, kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

26
Ang Pakikinabang
Obispo: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni
Hesus na Panginoon natin at Diyos ipahayag natin
nang lakas-loob:

P. at B. Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon


ng aming kakanin sa araw araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasalaan sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Obispo: Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama,


pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas
sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan ang dakilang
araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming
si Hesukristo.

Bayan: Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan


at ang kapurihan magpakailan man! Amen.

27
Pagbibigay ng Kapayapaan
Obispo: Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa inyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang
ibinibigay ko sa inyo.” Tunghayan mo ang aming
pananampalataya at huwag ang aming pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa
iyong kalooban kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Bayan: Amen.

Obispo: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

Bayan: At sumainyo rin.

Obispo: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

Paghahati-hati sa Tinapay
Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng
pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Obispo: Sa pagsasawak na ito ng Katawan sa Dugo ng aming


Panginoong Hesukristo tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.

Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang paglu-


hog na ito:
B. Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,


maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,


Ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

28
Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na padarasal.

P. . Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay, sa kalooban


ng Ama kasama ng Espiritu Santo, binuhay mo sa iyong
pagkamatay ang sanlibutan. Pakundangan sa iyong banal na
Katawan at Dugo, iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at
lahat ng masama, gawin mong ako’y makasunod lagi sa iyong
mga utos, at huwag mong ipahintulot na ako’y mawalay sa iyo
kailan man.

Pagsasalo
Obispo: Ito ang Kordero ng Diyos.
Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

Bayan: Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo


ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Ang pari ay makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabu-


long na nagdarasal:

Obispo: Ipangsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo para sa


buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo. Pagkatapos, hahawakan niya
ang kalis at pabulong na magdarasal:

Obispo: Ipangsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo para sa


buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo. Habang nakikinabang ang pari
at mga nagsisimba, gaganapin ang awit sa pakikinabang. Pagkapakinabang, ang
mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na huhugasan ng pari
o diyakono o tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng pari, pabulong siyang
magdarasal:

P. Ama naming mapagmahal, aming tinanggap ngayon ay amin


nawang mapakinabangan at ang iyong ipinagkaloob ay magdulot
nawa sa amin ng kagalingang pangmagpakailan man.

29
Panalangin Pagkatapos ng Pakikinabang
Obispo: Manalangin tayo.

Tahimik na mananalanging saglit ang tanan.


Ama naming mapagmahal,
ang tinanggap namin ngayong banal na pakikinabang
ay lumunas nawa sa mga sugat na likha ng kasalanan
na di mo itinulot manahin ni Mariang Birheng mahal
na ipinaglihing may tanging kadalisayan
sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng
Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen

Pagpaparangal sa Mahal na Birhen


Pangungunahan ng Obispo ang pagkanta ng -”Salve Regina” habang iniinsensuhan
ang imahen ng Mahal na Birhen ng Salawag.

Obispo: Salve Regina…


Bayan: Mater misericordiæ,
vita, dulcedo, et spes nostra, salve.
Ad te clamamus exsules filii Hevæ,
Ad te suspiramus, gementes et flentes
in hac lacrimarum valle.
Eia, ergo, advocata nostra, illos tuos
misericordes oculos ad nos converte;
Et Jesum, benedictum fructum ventris tui,
nobis post hoc exsilium ostende.
O clemens, O pia, O dulcis Virgo Maria.

Obispo: Ora pro nobis, sancta Dei Genitrix.

Bayan: Ut digni efficamur promissionibus Christi.

30
Obispo: Oremus.

Omnipotens sempiterne Deus, qui gloriosae Virginis Matris Mariae


corpus et animam, ut dignum Filii tui habitaculum effici mereretur,
Spiritu Sancto cooperante, praeparasti, da, ut cuius commemoratione
laetamur; eius pia intercessione, ab instantibus malis et a morte per-
petua liberemur. Per eundem Christum Dominum nostrum.

Bayan: Amen

Mga Patalastas at mga Mensahe


Kung mayrron mang patalastas, mga mensahe mula sa Obispo, sa Kura Paroko, atb.
sa punto na ito idadaos.

Pagbabasbas
Obispo: Sumainyo ang Panginoon.
Bayan: At sumainyo rin.

Obispo: Purihin ang ngalan ng Panginoon


Bayan: Ngayon at kailanman.

Obispo: Ang tumutulong sa atin ay ang Panginoon


Bayan: Na may gawa ng langit at lupa

PAGBABASBAS
Obispo: Magsiyuko kayo habang iginagawad ang pagbabasbas
(Tumahimik)

Obispo: Ang Anak ng Diyos na isinilang ng Birheng Maria ang tu-


mubos sa sangkatauhan. Nawa’y puspusin niya kayo ng kanyang
mga pagpapala

Bayan: Amen.

Obispo: Tinanggap ninyo ang may-akda ng buhay sa pamamagitan


ni Maria. Patuloy nawa ninyong ipagbunyi ang kanyang pagkalin-

31
ga.

Bayan: Amen.

Obispo: Nagkatipin kayo upang ipagbunyi ang kapistahan ni Ma-


ria. Basbasan nawa kayo ng ligayang nagmumula sa Espiritu Santo

Bayan: Amen.

Obispo: At Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,


Ama (+), Anak (+) at Espiritu Santo.(+)

Bayan: Amen.

PAGHAYO

Obispo: Humayo kayong taglay ang kapayapaan upang ang Pangi-


noon ay mahalin at paglingkuran.

Bayan: Salamat sa Diyos.

Karaniwan, ang dambana ay bibigyang-paggalang sa paghalik dito ng pari at mat-


apos makapagbigay pitagan kaisa ng mga tagapaglingkod, siya ay hahayo habang
nagaganap ang awiting pangwakas.

32
RITONG PANGWAkAs
(Pagkatapos ng Prusisyon)

Commentator: Ang Tota Pulcha es Maria ay isang himno alay sa Mahal na


Birhen na isinulat noong ika-apat na siglo na naglalarawan sa misteryo ng
kalinis-linisang paglilihi sa kanya. Sa kantang ito ating ipinapahayag na
ang tunay na kagandahan ni Maria ay nasusukat sa kalinisan ng kanyang
budhi at sa laki ng biyaya na iginawad sa kanya ng Diyos. Ating kantahin
ng buong puso itong solemneng himno na ito.

Tota Pulchra es, Maria


V. Tota pulchra es, Maria.
R. Tota pulchra es, Maria.

V. Et macula originalis non est in te.


R. Et macula originalis non est in te.

V. Tu gloria Ierusalem.
R. Tu laetitia Israel.

V. Tu honorificentia populi nostri.


R. Tu advocata peccatorum.

V. O Maria.
R. O Maria.

V. Virgo prudentissima.
R. Mater clementissima.

V. Ora pro nobis.


R. Intercede pro nobis ad Dominum Iesum Christum.

V. In conceptione tua, Immaculata fuisti.


R. Ora pro nobis Patrem cuius Filium peperisti.

33
Pari: Oremus,

SANCTA Maria, regina caelorum, mater Domini nostri Iesu Chris-


ti, et mundi domina, quae nullum derelinquis, et nullum despicis:
respice me, domina, clementer oculo pietatis, et impetra mihi apud
tuum dilectum Filium cunctorum veniam peccatorum: ut qui nunc
tuam sanctam et immaculatam conceptionem devoto affectu recolo,
aeternae in futurum beatitudinis, bravium capiam, ipso, quem vir-
go peperisti, donante Domino nostro Iesu Christo: qui cum Patre et
Sancto Spiritu vivit et regnat, in Trinitate perfecta, Deus, in saecula
saeculorum.

Bayan: Amen.

Pamamaalam sa Mahal na Birhen


Commentator: Ngayon po ay dadako tayo sa dulo ng ating pagdiriwang,
ang Pamamaalam sa Mahal na Birhen o ang tinatawag na Despedida a la Vir-
gen. Sa pamamagitan nitong solemneng rito na ito, tayo ay namamaalam sa
mahal na Birhen at hinihingi ang kanyang bendisyon at panalangin upang
atin itong baunin sa paguwi sa ating mga sari-sariling tahanan. Magsilu-
hod po ang lahat habang ginagawa ang yugtong ito ng ating págdiriwang.

Paalam Inang Birhen


Tradisyunal

Paalam Inang Birhen,


Kasing ningning ng buwan!
Paalam na paalam
Kami ay bendisyunan
Kami ay bendisyunan

Kami ay pagpalain
Birheng maawain
Kami at kalingain
Mahal na ina namin

34
Pasasalamat
Ang Pasasalamt ng Kura Paroko / PPC Coordinator ay gagawin sa yugto na ito ng
pagdiriwang

VIvA LA VIrGeN de SALAWAG!

35

You might also like