You are on page 1of 2

PAgpapahid ng Langis 

sa
Maysakit 
 
+Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen. 

Pari:  Sumainyo ang Panginoon.


Bayan: At sumainyo rin. 

 
1.PAGWIWISIK NG BANAL NA TUBIG 
     Ang banal na tubig nawang ito + ay magpaalaala ng ating pakikiisa sa kamataya’t pagkabuhay
ni Kristo sa Sakramento ng Binyag.

P
Manalangin tayo.
anginoong Hesukristo, Sinabi mo sa amin sa Pamamagitan ng iyong Apostol
na si Santiago: “Mayroon bang maysakit sa inyo? Ipatawag niya ang mga
pari sa simbahan, upang ipanalangin siya at pahiran ng langis, sa ngalan ng
Panginoon. Pagagalingin ang maysakit dahil sa panalanging may
pananampalataya. Ibabangon siya ng Panginoon, at patatawarin kung siya’y
nagkasala.” Kami’y nagtitipon ngayon sa Iyong Ngalan. Dinggin mo po ang aming
panalanging may pananampalataya. Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig,
lingapin mo po itong si N. ang aming may sakit na kapatid. Sumaamin nawa ang
kapayapaan at kaligayahan ng iyong kaharian ngayon at magpasawalang hanggan. 
 
2.PAGSISISI 
   Panginoong Hesus, kami’y iyong iniligtas sa pamamagitan ng iyong kamatayan at muling
pagkabuhay. Panginoon, kaawan mo kami....
Panginoong Hesus, kami’y binibigyan mo ng pag-asa, bagong buhay, at lakas bilang
bunga ng iyong mga tiniis na pagdurusa. Kristo, kaawaan mo kami....
Panginoong Hesus, Kami’y iyong ginagawang kahati sa iyong paghahain ng sarili sa
Diyos Ama sa pamamagitan ng aming pagtanggap sa iyo. Panginoon, kaawaan mo kami....
Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, Patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at
patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan. Amen. 
 
3. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS (Marcos 6, 7. 12-13) 

T
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos 
inawag ni Hesus ang labindalawa, at sinugong dala-dalawa. Binigyan niya
sila ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu. Kaya’t
humayo ang labindalawa at nangaral sa mga tao na pagsisihan nila at
talikadan ang kanilang mga kasalanan. Pinalayas nila ang maraming demonyo sa
mga inaalihan nito; pinahiran nila ng langis at pinagaling ang maraming maysakit.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon. 
 
4. PANGARAL AT PANALANGIN 
Panginoong Hesus, Inako mo ang aming kahinaan at pinagtiisan mo ang aming mga
karamdaman. Panginoon, kaawaan mo kami....
Panginoon Hesus, ikaw ay naaawa sa mga tao at nakipamuhay ka sa amin upang
maghatid ng kabutihan at kagalingan sa mga may karamdaman. Kristo, kaawan mo kami....
Panginoong Hesus, iniutos mo sa iyong mga apostol na ipatong ang kanilang mga kamay
sa mga maysakit at gawin nila ito sa iyong ngalan. Panginoon, kaawaan mo kami.... 
 
5. PAGPAPATONG NG KAMAY 
   Tahimik na ipapatong ng pari ang kanyang mga kamay sa ulo ng maysakit. 
 
6. PAGPAHID NG BANAL NA LANGIS 
   Panginoon, gawaran mo ng pagpapala + itong langis na iyong nilikha at gayun din itong aming
kapatid na papahiran nito.

S A BISA NITONG PAGPAHID NG BANAL NA LANGIS AT ALANG-ALANG SA


PAG-IBIG AT AWA SA IYO NG PANGINOON, TULUNGAN KA NAWA NIYA SA
PAMAMAGITAN NG BIYAYA NG ESPIRITU SANTO.

Tugon: Amen. 

   TINUBOS KA NG PANGINOON MULA SA KASALANAN. GAWARAN KA NAWA


NIYA NG KAGALINGAN, LAKAS AT KALIGTASAN.

P
Manalangin tayo.
anginoong Hesukristo, aming manunubos, sa kapangyarihan ng Espiritu
Santo, pagaanin mo ang mga tinitiis nitong aming kapatid na maysakit (at
siya’y pagalingin). Alang-alang sa iyong pag-ibig at awa, patawarin mo ang
kanyang mga kasalanan at pagkalooban mo siya ng ganap na kalusugan (upang
muli siyang makabalik sa paglilingkod sa iyo), Panginoong nabubuhay at naghahari
magpasawalang hanggan. Amen.

Ama Namin...  
Aba Ginoong Maria... 
 
7. PAGBABASBAS. + 

You might also like