You are on page 1of 1

Panalangin para kay Niña Maria

Kalinis-linisang Nina Maria at Mapagkandiling Ina; Buhat


sa aming abang kalagayan at pagkakasadlak sa kasalanan
ay ipinagmamakaamo namin sa iyo na pagdalitaang
dinggin ang aming mga karaingan at tapunan kami ng
sulyap ng mga mata mong maawain. O batis ng Awa,
marapatin mo pong dinggin ang pagsisiyam naming ito
upang maging daan ng ipagtatamo namin ng iyong
masaganang biyaya, hindi lamang para sa aming katawan
kundi lalung-lalo na para sa aming kaluluwa, para sa
ipagbabalik-loob ng mga makasalanan at ikapapanuto
nitong aming bayan, alang-alang sa walang hanggang
kaluwalhatian ng Diyos. Amen.

Dadasalin ang Tatlong Aba Ginoong Maria


La Nina Maria, Ipanalangin mo kami

You might also like