You are on page 1of 10

BANAL NA ORAS

Linggo ng Dakilang Awa ng Diyos (Divine Mercy)


Pagluhog upang masupil ang COVID19

Diyosesis ng Malolos
PAROKYA NI SAN JOSE, MANGGAGAWA
Panasahan, Lungsod ng Malolos, Bulacan

Ad Usum Privatum
A.D. MMXX
Kapag natitipon na ang sambayanan, at nakahanda na rin ang pari at ang iba pang tagapaglingkod,
tatayo ang lahat at pupunta ang pari sa gawi ng tabernakulo at kukunin ang Banal na Sakramento. Sa
pagbukas ng pinto ng tabernakulo, luluhod ang lahat at sisimulan ang pag awit ng O Salutaris Hostia.
Matapos itanghal ang Banal na Sakramento sa dambana, luluhod rin ang pari at iinsensuhan ito.

PAGTATANGHAL SA KABANALBANALANG SAKRAMENTO (Luluhod ang lahat)

O SALUTARIS HOSTIA

O salutaris Hostia
Quae caeli pandis ostium.
Bella premunt hostilia,
Da robur fer auxilium.

Uni trinoque Domino


Sit sempiterna gloria:
Qui vitam sine termino,
Nobis donet in patria.
Amen.

PAANYAYA SA PAGSAMBA

Pari: Purihin natin ang Amang Makapangyarihan, na pinagmumulan ng lahat ng biyaya.


Bayan: Karapat-dapat na awitan ng papuri at dakilain magpakailanman.

Pari: Purihin natin si Kristo, bukal ng lahat ng pagpapala.


Bayan: Karapat-dapat na awitan ng papuri at dakilain magpakailanman.

Pari: Purihin natin ang Banal na Espiritu, Panginoon at tagapagbigay ng buhay at kabanalan.
Bayan: Karapat-dapat na awitan ng papuri at dakilain magpakailanman.

PANALANGING PAMBUNGAD (Tatayo ang lahat)

Pari: Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan,


ikaw ang aming maaasahang malalapitan sa mga kagipitan,
kaya't pagbigyan mo ang iyong bayan
upang sa pagtitiis sa parusang karampatan dahil sa pagsuway
sa wakas ang iyong awa ay makamtan din naman
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

TAHIMIK NA PAGSAMBA (Luluhod ang lahat)


MGA DALANGIN NG AWA
(Darasalin sa mga butil ng Rosaryo)

Darasalin ng lahat ang sumusunod ang panalangin:

Pumanaw ka, Hesus,


subalit ang Bukal ng Buhay ay bumalong para sa mga kaluluwa
at ang Karagatan ng Awa ay bumugso para sa sanlibutan.
O Bukal ng Buhay, Walang Hanggang Awa ng Diyos,
yakapin mo ang sangkatauhan
at ibuhos mong ganap ang Iyong sarili para sa aming lahat.

tatlong ulit na sasambitin:

O Banal na Dugo at Tubig


na dumaloy mula sa Puso ni Hesus,
bilang bukal ng awa para sa aming lahat,
kami ay nananalig sa iyo.

Isang Ama Namin, Isang Aba Ginoong Maria, at Sumasampalataya.

Sa lahat ng butil ng Ama Namin, darasalin ang sumusunod:

Ama na Walang Hanggan, iniaalay ko po sa Iyo


ang Katawan at Dugo, Kaluluwa at Pagka-Diyos
ng Kamahal-mahalan mong Anak na si Hesukristo,
na aming Panginoon at Manunubos.

Tugon: Para sa ikapagpapatawad ng aming mga sala


at sa sala ng buong sansinukob.

Sa lahat ng butil ng Aba Ginoong Maria, darasalin ang sumusunod:

Alang-alang sa mga tiniis


na hirap at kamatayan ni Hesus,

Tugon: Kaawaan mo po kami at ang buong sansinukob.

Darasalin ng tatlong ulit matapos ang mga butil ng rosaryo:

Banal na Diyos, Banal na Puspos ng Kapangyarihan,


Banal na Walang Hanggan,
Maawa po kayo sa amin at sa buong sansinukob.
Dalanging Pangwakas:

Lahat: Walang Hanggang Panginoon,


na nasa Iyo ang walang katapusang pagka-awa
at ang kayamanan ng iyong awa na di nauubos,
tingnan Mo kami ng may buong paggiliw
at dagdagan Mo po ang Iyong awa sa amin,
upang sa mga kagipitan kami'y di mawalan ng pag-asa,
ngunit nang may malaking tiwala ay isuko ang aming mga sarili
sa Iyong banal na kalooban,
na siyang Pag-ibig at Pagka-awa mismo.

MGA PAPURI NI SANTA FAUSTINA SA MABATHALANG AWA

Namumuno: Ang pag-ibig ng Diyos ang Bulaklak, ang pagka-awa ang Bunga!
Pabayaan na ang mga nag-aalinlangan na mga kaluluwa
ay basahin ang mga pakundangan na ito
sa Mabathalang Awa at maging mapagtiwala.

Mabathalang pagka-awa, dumadaloy buhat sa dibdib ng Ama,


Tugon: Ako'y nananalig sa Iyo.
Mabathalang pagka-awa, pinakadakilang katangian ng Diyos, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, di maunawaang hiwaga, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, bukal na bumabalong buhat sa misteryo ng Banal na Santisima Trinidad, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, di masayod ng ano mang katalinuhan, maka-tao man o maka-anghel, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, higit na mainam kaysa kalangitan, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, pinagbubuhatan ng mga milagro at awa, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, pinalilibutan ang buong mundo, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, nananaog sa lupa sa katauhan ng Salitang Nagkatawang-tao, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, na umagos mula sa bukas na sugat ng puso ni Hesus, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, nakapaloob sa Puso ni Hesus,
para sa atin, lalo't higit para sa mga makasalanan, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, di maunawaan sa institusiyon ng banal na katawan ni Hesus, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, sa pagtatatag ng Santa Iglesya, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, sa Sakramento ng Banal na Pagbibinyag, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, sa ating pagkakaroon ng katuwiran sa pamamagitan ni Hesukristo, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, sinasamahan kami sa buong buhay namin, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, niyayakap kami lalo't higit sa oras ng kamatayan, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, pinagkakalooban kami ng buhay na walang hanggan, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, sinasamahan kami sa lahat ng sandali ng aming buhay, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, sinasanggahan kami sa apoy ng impiyerno, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, sa pagpapabalik-loob sa mga matitigas na makasalanan, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, di masayod sa lahat ng Misteryo ng Diyos, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, iniiangat Mo kami sa lahat ng hirap, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, pinagbubuhatan ng lahat ng kasayahan at kaligayahan, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, na kami'y Iyong tinatawag sa kabuhayan buhat sa wala, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, niyayakap ang lahat ng mga ginawa ng kanyang kamay, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, korona ng lahat ng mga ginawa ng Diyos, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, na tayong lahat ay dito nakalubog, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, matamis na ginhawa para sa mga naghihirap na puso, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, tanging pag-asa na lamang ng mga kaluluwang nawawalan ng pag-asa, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, pahingahan ng mga puso, kapayapaan sa gitna ng pangamba, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, kaluguran at kasiyahan ng mga banal na kaluluwa, (Tugon)
Mabathalang pagka-awa, nagbibigay diwa sa pag-asa laban sa pag-asa, (Tugon)

SA MABATHALANG AWA

Lahat: Ako ay lumalapit sa Iyong awa, Mahabaging Diyos,


na tanging ikaw lamang ang mabuti.
Kahit ang aking mga paghihirap ay malaki at ang aking pagkakasala ay marami,
ako ay nagtitiwala sa Iyong awa sapagkat Ikaw ang Diyos ng pagka-Awa
at hindi narinig kailan pa man, o natatandaan man ng langit at lupa
na mayroong kaluluwang nagtitiwala sa Iyong awa na iyong tinanggihan.

O Diyos ng Awa, Ikaw lamang ang makapagbibigay tuwid sa akin


at hindi mo ako tatanggihan kapag ako, nang may mataimtim na pagsisisi,
ay lumapit sa Iyong Mahabaging Puso,
kung saan wala pang tinanggihang sinuman,
kahit na siya pa ang pinakamakasalanan,
pagkat ang Iyong Anak ay tiniyak sa akin:
"Sa lalong madaling panahon na mawala man ang langit at lupa,
ang aking awa ay hindi makalilimot sa yumakap sa isang nananalig na kaluluwa.

Hesus, kaibigan ng mapanglaw na puso,


Ikaw ang aking pahingahan, ikaw ang aking kaligtasan,
ikaw ang aking katahimikan sa panahon ng aking pakikipaghamok
at sa gitna ng karagatan ng pag-aalinlangan.
Ikaw ang lahat sa isang mapanglaw na kaluluwa.
Naiintindihan mo ang kaluluwa kahit na ito'y tahimik.
Nalalaman mo ang aming kahinaan at, tulad sa isang magaling na maggagamot,
ikaw ay nagbibigay ng ginhawa at lunas, nag-aalis ng aming paghihirap,
ikaw na Siyang bihasa sa bagay na ito. Amen.

ORATIO IMPERATA

LAHAT: Amang makapangyarihan


Lumalapit kami sa iyo sa aming pangangailangan
Ingatan mo kami laban sa COVID19
na lumalaganap sa kasalukuyan
at nagiging sanhi ng kamatayan.
Tulungan mo ang mga nagsisipag-aral
sa kalikasan at pinagmumulan ng virus na ito
at kung paano masusugpo ang paglaganap ng sakit na dulot nito.

Gabayan mo ang mga kamay at isipan ng mga eksperto sa medisina


nang mapaglingkuran nila na may puso at kakayahan
ang mga may karamdaman.
At sa mga sangay ng pamahalaan at mga pribadong ahensya
na makatagpo ng lunas at solusyon sa salot na ito.

Isinasamo naming ang mga dinapuan ng sakit na ito


ay mabalik sa kalusugan sa madaling panahon.

Kumilos nawa kami sa ikabubuti ng lahat


at matulungan ang lahat ng nangangailangan.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo


kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Maria, takbuhan ng mga Kristiyano


- ipanalangin mo kami.
San Rafael Arkanghel,
- ipanalangin mo kami.
San Jose,
- ipanalangin mo kami.
San Roque,
- ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz,
- ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod,
- ipanalangin mo kami.

(tatayo ang lahat, maaaring umawit ng Aleluya bilang pambungad sa Mabuting Balita)

MABUTING BALITA (Juan 20, 19-31)

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.


Papuri sa iyo, Panginoon.

Kinagabihan ng Linggo ding iyon, ang mga alagad ay nagkakatipon.


Nakapinid ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan
dahil sa takot nila sa mga Judio.
Dumating si Hesus at tumayo sa gitna nila.
“Sumainyo ang kapayapaan!” sabi niya.
Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran.
Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita ang Panginoon.
Sinabi na naman ni Hesus, “Sumainyo ang kapayapaan!
Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo.”
Pagkatapos, sila’y hiningahan niya at sinabi,
“Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo.
Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawad na nga;
ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.”

Ngunit si Tomas na tinaguriang Kambal, isa sa Labindalawa,


ay wala roon nang dumating si Jesus.
Kaya’t sinabi sa kanya ng ibang alagad,
“Nakita namin ang Panginoon!”
Sumagot si Tomas, “Hindi ako maniniwala hangga’t di ko nakikita
ang butas ng mga pako sa kanyang mga kamay,
at naisusuot dito ang aking daliri,
at hangga’t hindi ko naipapasok ang aking kamay sa kanyang tagiliran.”
Makalipas ang walong araw,
muling nagkatipon sa loob ng bahay ang mga alagad;
kasama nila si Tomas. Nakapinid ang mga pinto,
ngunit pumasok si Hesus at tumayo sa gitna nila.
Sinabi niya, “Sumainyo ang kapayapaan!”
Saka sinabi kay Tomas,
“Tingnan mo ang aking mga kamay at ilapit dito ang iyong daliri.
Ipasok mo ang iyong kamay sa aking tagiliran.
Huwag ka nang mag-alinlangan, maniwala ka na.”
Sumagot si Tomas, “Panginoon ko at Diyos ko!”
Sinabi sa kanya ni Hesus,
“Naniniwala ka na ba sapagkat nakita mo ako?
Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.”

Marami pang kababalaghang ginawa si Jesus


na nasaksihan ng mga alagad, ngunit hindi natatala sa aklat na ito.
Ang mga natala rito’y sinulat
upang sumampalataya kayong si Hesus ang Mesias, ang Anak ng Diyos,
at sa gayo’y magkaroon kayo ng buhay sa pamamagitan niya.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

TAHIMIK NA PAGNINILAY
LITANYA NG MGA PAGLUHOG
Hango sa Natatanging Urbi et Orbi ni Papa Francisco

Unang Tugon: PINUPURI KA NAMIN, PANGINOON!

Diyos na totoo at taong totoo, na tunay na nananahan sa Banal na Sakramento, (Tugon)


Aming Manunubos, Diyos na sumaatin, tapat at puno ng awa, (Tugon)
Aming Hari, Panginoon ng sannilikha at ng kasaysayan, (Tugon)
Ikaw na nagwagi laban sa kasalanan at kamatayan, (Tugon)
Kaibigan ng sangkatauhan, ikaw na nabuhay sa mag-uli at naluluklok sa kanan ng Ama, (Tugon)

Ikalawang Tugon: SUMASAMPALATAYA KAMI, PANGINOON!

Bugtong na Anak ng Ama na nanaog mula sa kalangitan para sa aming kaligtasan, (Tugon)
Banal na Manggagamot, na ibinaba ang sarili sa aming karalitaan, (Tugon)
Korderong Hari, inialay upang tubusin kami mula sa sala, (Tugon)
Mabuting Pastol, na nag-alay ng kanyang buhay para sa minamahal niyang kawan, (Tugon)
Tinapay ng Buhay na siyang nagbibigay ng buhay na walang hanggan, (Tugon)

Ikatlong Tugon: IADYA MO KAMI, PANGINOON!

Mula sa kapangyarihan ni Satanas at sa mga pang-aakit ng mundo, (Tugon)


Mula sa kapalaluan at sa pag-aakalang makakayanan namin nang hindi ka kapiling, (Tugon)
Mula sa panlilinlang ng takot at dalamhati, (Tugon)
Mula sa kawalan ng pananampalataya at pag-asa, (Tugon)
Mula sa katigasan ng puso at sa kawalang kakayahang magmahal, (Tugon)

Ikaapat na Tugon: ILIGTAS MO KAMI, PANGINOON!

Mula sa lahat ng kasamaang nagpapasakit sa sangkatauhan, (Tugon)


Mula sa gutom, tagsalat, at pagkamakasarili, (Tugon)
Mula sa mga sakit, epidemya, at sa takot makisalamuha sa aming kapwa, (Tugon)
Mula sa mga kahangalan, mga malulupit na interes, at kasamaan, (Tugon)
Mula sa kasinungalingan, sa mga fake news, at sa pagsupil sa mga konsensya, (Tugon)

Ikalimang Tugon: ALIWIN MO KAMI, PANGINOON!

Masdan mo ang iyong Simbahang naglalakbay sa isang disyerto, (Tugon)


Masdan mo ang sangkatauhang binabalot ng takot at dalamhati, (Tugon)
Masdan mo ang mga maysakit at mga malapit nang mamatay na sinisiil ng kalungkutan, (Tugon)
Masdan mo ang mga doktor at iba pang nagsisilbi sa larangan ng kalusugan na napapagod at
napapagal, (Tugon)
Masdan mo ang mga pulitiko at iba pang nasa katungkulan, na pasan ang tungkulin ng wastong
pagpapasya, (Tugon)
Ikaanim na Tugon: ISUGO MO ANG IYONG ESPIRITU, PANGINOON!

Sa mga oras ng pagsubok at pagkatalo, (Tugon)


Sa mga panahon ng tukso at kahinaan, (Tugon)
Sa paglaban sa kasamaan at kasalanan, (Tugon)
Sa paghanap sa kabutihan at tunay na kaligayahan, (Tugon)
Sa pagpapasyang manatili sa iyo at sa iyong pakikipagkaibigan, (Tugon)

Ikapitong Tugon: GAWIN MO KAMING BUKAS SA PAG-ASA, PANGINOON!

Kapag sinisiil kami ng kasalanan, (Tugon)


Kapag isinasara ng galit ang aming mga puso, (Tugon)
Kapag dinadalaw kami ng panglaw, (Tugon)
Kapag sumasagi sa aming isipan ang panlalamig sa pangangailangan ng aming kapwa, (Tugon)
Kung tutupukin na kami ng kamatayan, (Tugon)

AMA NAMIN (Aawitin, aanyayahan ng namumuno ang lahat:)

Buong pananalig tayong dumulog sa Ama sa pamamagitan ng panalanging itinuro ni Hesus sa atin.

PAGBABASBAS (Luluhod ang lahat)

TANTUM ERGO

Tantum ergo Sacramentum Genitori, Genitoque


Veneremur cernui; Laus et iubilatio.
Et Antiquum documentum Salus, honor, virtus quoque
novo cedat ritui. Sit et benedictio:
Praestet fides supplementum Procedenti ab utroque
Sensuum defectui. Compar sit laudatio.
Amen. Amen.

Pari: Binigyan Mo sila ng tinapay buhat sa langit.


Lahat: Na naglalaman sa kanyang sarili ng lahat ng katamisan.

Pari: Manalangin tayo.

O Diyos, na sa ilalim ng Kamangha-manghang Sakramento,


ay iniwan Mo sa amin ang ala ala ng Iyong hirap at sakit;
ipagkaloob Mong sa pamamagitan ng pagsamba namin
sa Banal na Misteryo ng Iyong Katawan at Dugo,
madama namin sa aming sarili ang bisa ng pagtubos Mo sa amin;
Ikaw na nabubuhay at naghaharing
kasama ng Ama at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.
Magsusuot ang pari ng humeral veil, itatanghal ang Banal na Sakramento sa kanyang kamay at
babasbasan sa pamamagitan nito ang sambayanan. Matapos ay babalik siya sa kanyang lugar sa harap ng
dambana at aanyayahan ang sambayanan sa pagpupuri sa Diyos.

PAGPUPURI

Purihin ang Diyos.


Purihin ang Kanyang Santong Ngalan.
Purihin si Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo.
Purihin ang Ngalan ni Hesus.
Purihin ang Kanyang Kamahal-mahalang Puso.
Purihin ang Kanyang Kamahal-mahalang Dugo.
Purihin si Hesukristo sa Santisimo Sakramento sa altar.
Purihin ang Espiritu Santo, ang Mang-aaliw.
Purihin ang Dakilang Ina ng Diyos na si Maria Santisima.
Purihin ang santa’t ‘di narungisang paglilihi sa kanya.
Purihin ang maluwalhating pag-aakyat sa langit kay Santa Mariang Birhen.
Purihin ang Ngalan ni Maria, Birhen at Ina.
Purihin si San Jose, ang kanyang kalinis-linisang esposo.
Purihin ang Diyos sa Kanyang mga anghel at sa Kanyang mga santo.

PAGBABALIK SA BANAL NA SAKRAMENTO SA TABERNAKULO

Tatayo ang pari. Ilalagay ulit ang Banal na Sakramento sa siboryo at isasauli iyon sa tabernakulo,
habang inaawit ng sambayanan ang sumusunod:

O Sakramentong Mahal,
na sa langit buhat,
papuri ng santinakpan,
Iyong iyong lahat; Iyong iyong lahat.

O Sakramentong Banal,
Hiwagang dalisay,
Kami’y Iyong bendisyunan,
at laging ingatan; at laging ingatan.

Tatayo na ang lahat matapos isara ang pinto ng tabernakulo. Maaaring umawit ng isang awit
patungkol kay Maria matapos ang lahat ng ito.

You might also like