You are on page 1of 20

Ika-25 ng Marso

DAKILANG KAPISTAHAN NG PAGPAPAHAYAG


NG MAGANDANG BALITA TUNGKOL SA
PANGINOON

Noong dumating si Kristo


sa sandaigdigang ito,
sabi n’ya: “Narito ako
upang sundin ang loob mo,
D’yos na Ama kong totoo.”

PASIMULA

Pari: ✠ Sa ngalan ng Ama,


at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Bayan: Amen.

Pari: Sumainyo ang Panginoon!


Bayan: At sumaiyo rin.

Mga kapatid,
ngayon ay ipinagdiriwang natin
ang Dakilang Kapistahan ng Pagpapahayag
ng Magandang Balita tungkol sa Panginoon.
Ipanalangin natin sa pagdiriwang na ito ang
bawat-isa, nawa’y sa tulong at halimbawa ng
Mahal na Birheng Maria tayo din ay tumalima sa
plano ng Diyos ng may kababang-loob at buong
pagtitiwala sa kanyang kapangyarihan.
PAGSISISI

Pari: Mga kapatid,


aminin natin ang ating mga kasalanan
upang tayo’y maging marapat gumanap
sa banal na pagdiriwang.
Tumahimik sandali.

Pari: Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos


at sa inyo, mga kapatid,
na lubha akong nagkasala,
Ang lahat ay dadagok sa dibdib.

sa isip, sa salita, sa gawa


at sa aking pagkukulang.
Kaya isinasamo ko Mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo,
mga kapatid, na ako’y ipanalangin
sa Panginoong ating Diyos.

Pari: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,


patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na
walang hanggan.
Bayan: Amen.
KYRIE ELEISON

Pari: Panginoon, kaawaan mo kami.


Bayan: Panginoon, kaawaan mo kami.

Pari: Kristo, kaawaan mo kami!


Bayan: Kristo, kaawaan mo kami.

Pari: Panginoon, kaawaan mo kami.


Bayan: Panginoon, kaawaan mo kami.
PAPURI SA DIYOS

Pari: Papuri sa Diyos sa kaitaasan.


Ang lahat ay aawit.

at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.


Pinupuri ka namin,
dinarangal ka namin, sinasamba ka namin,
ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin,
dahil sa dakila mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Diyos, Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.

Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,


maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.

Sapagka’t ikaw lamang ang banal,


ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan,
kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.
PANALANGING PAMBUNGAD

Pari: Manalangin tayo.


Tumahimik sandali.

Ama naming makapangyarihan,


niloob mong ang iyong Salita
ay maging totoong tao
sa sinapupunan ng Mahal na Birheng Maria.
Kaming sumasampalataya na Diyos na totoo
at tao ring totoo ang aming Tagapagligtas
ay pagindapatin mong makasalo
sa kanyang pagka-Diyos
sa pamamagitan niya
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA
Isaias 7, 10-14; 8, 10

Tagapagpahayag: Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Noong mga araw na iyon,


ipinasabi ng Panginoon kay Acaz:
“Humingi ka sa akin ng palatandaan,
maging sa kalaliman ng Sheol o sa kaitaasan ng langit.” Sumagot si
Acaz: “Hindi po ako hihingi.
Hindi ko susubukin ang Panginoon.”

Sinabi ni Isaias:
“Pakinggan mo, sambahayan ni David,
Kulang pa ba ang galitin ninyo ang mga tao
Na pati ang aking Diyos ay inyong niyayamot?
Kaya nga’t ang Panginoon na rin
ang magbibigay ng palatandaan:
Maglilihi ang isang dalaga
At manganganak ng lalaki
At ito’y tatawaging Emmanuel.
Sapagkat ang Diyos ay sumasaatin.”

Ang Salita ng Diyos!

Bayan: Salamat sa Diyos.


SALMONG TUGUNAN
Salmo 39, 7-8a. 8b-9. 10. 11

Tugon: Handa akong naririto upang sundin ang loob mo.

Ang mga paghandog, pati mga hain,


at mga hayop na handang sunugin
hindi mo na ibig sa dambana dalhin,
upang yaong sala’y iyong patawarin;
sa halip, ang iyong kaloob sa akin
ay ang pandinig ko upang ika’y dinggin. (Tugon)

Kaya ang tugon ko, “Ako’y naririto;


nasa kautusan ang mga turo mo.
Ang nais kong sundi’y iyong kalooban;
aking itatago sa puso ang aral.” (Tugon)

Ang pagliligtas mo’y aking inihayag


saanman magtipon ang ‘yong mga anak;
di ako titigil ng pagpapahayag. (Tugon)

Ang pagliligtas mo’y ipinagsasabi,


di ko inilihim sa aking sarili;
pati pagtulong mo’t pag-ibig na tapat,
sa mga lingkod mo’y isinisiwalat. (Tugon)
IKALAWANG PAGBASA
Hebreo 10, 4-10

Tagapagpahayag: Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, ang dugo ng mga toro at ng mga kambing


ay hindi makapapawi ng mga kasalanan.
Dahil diyan, nang si Kristo’y manaog sa sanlibutan,
sinabi niya sa Diyos,

“Ang mga hain at handog na mga hayop ay hindi mo ibig, kaya’t


inihanda mo ang aking katawan upang maging hain.
Hindi mo kinalugdan ang mga handog na susunugin
at ang mga handog dahil sa kasalanan.
Kaya’t aking sinabi, ‘Narito ako, O Diyos,
upang tupdin ang iyong kalooban’
—Ayon sa nasusulat sa Kasulatan tungkol sa akin.”
Sinabi muna niya, “Hindi mo inibig o kinalugdan ang mga hain
at handog na mga hayop, mga handog na susunugin
at mga handog dahil sa kasalanan”
–bagamat ito’y inihahandog ayon sa Kautusan.

Saka niya sinabi, “Narito ako upang tupdin ang iyong kalooban.”
Inalis ng Diyos ang unang handog
at pinalitan ng handog ni Kristo.
At dahil sa kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos,
nilinis tayo ni Hesukristo sa ating mga kasalanan
sa pamamagitan ng minsang paghahandog ng kanyang sarili at
iyo’y sapat na.

Ang Salita ng Diyos!

Bayan: Salamat sa Diyos.


Awit-pambungad sa Mabuting Balita

Purihin ang Poong Hesus,


salita ng Amang Diyos,
mula sa langit nanaog.
Naging tao sa pagsakop
sa sala ng sansinukob.

MABUTING BALITA
Lucas 1, 26-38

V: Sumainyo ang Panginoon.


R: At sumaiyo rin.

V: ✠ Ang Mabuting Balita ng Panginoon


ayon kay San Lucas
R: Papuri sa iyo, Panginoon.

Noong panahong iyon,


ang anghel Gabriel ay sinugo ng Diyos
sa Nazaret, Galilea,
sa isang dalaga na ang pangala’y Maria.
Siya’y nakatakdang ikasal kay Jose,
isang lalaki buhat sa lipi ni Haring David.
Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, binati
niya ito. “Matuwa ka!
Ikaw ay kalugud-lugod sa Diyos,” wika niya.
“Sumasaiyo ang Panginoon!”
Nagulumihanan si Maria sa gayong pangungusap,
at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan
niyon.
Kaya’t sinabi sa kanya ng anghel,
“Huwag kang matakot, Maria,
sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos. Makinig ka!
Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at
siya’y tatawagin mong Hesus.
Magiging dakila siya,
at tatawaging Anak ng Kataas-taasan.
Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos
ang trono ng kanyang amang si David. Maghahari
siya sa angkan ni Jacob magpakailanman,
at ang kanyang paghahari ay walang hanggan.”

“Paanong mangyayari ito, gayong ako’y dalaga?”


tanong ni Maria.

Sumagot ang anghel,


“Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng
kapangyarihan ng Kataas-taasan.
Kaya’t banal ang ipanganganak mo
at tatawaging Anak ng Diyos.
Natatandaan mo ang iyong kamag-anak na si
Elisabet?
Alam ng lahat na siya’y baog,
ngunit naglihi siya sa kabila ng kanyang katandaan.
At ngayo’y ikaanim na buwan na ng kanyang
pagdadalantao – sapagkat walang hindi
mapangyayari ang Diyos.”

Sumagot si Maria, “Ako’y alipin ng Panginoon.


Mangyari sa akin ang iyong sinabi.”
At nilisan siya ng anghel.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon!


R: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo!

HOMILIYA
PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

Sumasampalataya ako
sa Diyos Amang Makapangyayari sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.

Sumasampalataya ako kay Hesukristo,


iisang Anak ng Diyos, Panginoón nating lahat.
Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espíritu Santo, ipinanganak
ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Póncio Pilato,
ipinakò sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.
Nang may ikatlong araw, nabuhay na mag-ulî.
Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos
Amang Makapangyayari sa lahat.
Doon magmumulang paririto’t maghuhukom
sa mga nangabubuhay at nangamatay na tao.

Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espíritu Santo; sa


Banal na Simbahang Katólika;
sa kasamahan ng mga Banal;
sa kapatawaran ng mga kasalanan;
sa pagkabuhay na mag-ulî ng mga nangamatay na tao; at sa
buhay na walang-hanggan.

Amen.
PANALANGIN NG BAYAN

Pari: Dahil sa tapat na pagsunod


ng Pinagpalang Birhen Maria,
nagkatawang-tao ang Diyos sa piling natin.
Tinatawag tayo ng misteryo ng Pagkakatawang-tao
upang lumapit sa ating mapagmahal na Ama
sa pamamagitan ng Anak na naging tao.
Ating idulog:

Lahat: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.


o kaya
Panginoon, pagpalain mo kami sa araw-araw.

* Ang Simbahan nawa’y makita bilang


kumikilos na buhay na Katawan ni Hesukristo,
manalangin tayo sa Panginoon. (Lahat)

* Ang mga taong may mabubuting kalooban


nawa’y maunawaan na nakipag-isa si Kristo
sa bawat tao nang siya ay nakipamuhay sa ating piling,
manalangin tayo sa Panginoon. (Lahat)

* Ang mga siyentipiko at teknologo


nawa’y magsikap nang may dakilang layuning
itaguyod ang dangal at kaligayahan ng tao,
manalangin tayo sa Panginoon. (Lahat)
* Ang mga inang nagdadalantao
nawa’y masayang tanggapin ang bagong buhay
sa kanilang sinapupunan
katulad ng pagtanggap ni Maria sa kanyang Anak,
manalangin tayo sa Panginoon. (Lahat)

* Ang mga yumao nawa’y mapatawad


sa kanilang mga kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon. (Lahat)

* Tahimik nating ipanalangin


ang ating mga sariling kahilingan.
(Tumahimik sandali.)
manalangin tayo sa Panginoon. (Lahat)

Pari: Ama ng Salitang Nagkatawang-tao,


inilalapit namin sa iyo ang aming mga kahilingan,
ang balangkas ng aming pang-araw-araw na buhay,
na ginawang banal ng iyong Anak,
na aming kapatid sa pananampalataya,
na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Pari:

Ama naming Lumikha,


marapatin mong tanggapin ang paghahaing ito
ng iyong Sambayanan
upang ang kinikilalang pagsisimla ng pag-iral nito
noon pa mang ang iyong Anak
ay magkatawang-tao ay siyang ikagalak
sa pagdiriwang nito ngayong dakilang kapistahan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

PAGBUBUNYI O PREPASYO

Ang Misteryo ng Pagkakatawang-tao

Pari: Sumainyo ang Panginoon.


Bayan: At sumaiyo rin.

Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon.

Pari: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


Bayan: Marapat na siya ay pasalamatan.
Ama naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat
sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon.

Siya’y naging di na naiiba sa amin


noong lukuban ng Espiritu Santo
ang Mahal na Birheng nanalig
sa pagbabalita ng anghel.
Siya’y dinala sa sinapupunan
ng maibiging Inang si Maria
kaya’t natupad ang iyong pangako
sa sambayanan mong unang hinirang
at naganap ang higit pa sa inaasam ng lahat
ng mga bansa ng sangkatauhan.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan.
Kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

SANTO
Santo, Santo, Santo Osana sa kaitaasan!
Panginoong Diyos Pinagpala ang naparirito
Ng mga hukbo! Sa ngalan ng Panginoon!
Napupuno ang langit at lupa Osana sa kaitaasan!
Ng kadakilaan mo!
Samantalang nakikinabang ang pari, sisimulan ang awit sa pakikinabang.

Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na huhugasan ng pari o diyakono o
tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng Pari, pabulong siyang magdarasal:

Ama naming mapagmahal,


ang aming tinanggap
ngayon ay amin nawang mapakinabangan
at ang iyong ipinagkaloob
ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingang pangmagpakailanman.

Makababalik ngayon sa upuan ang Pari. Makapag-uukol ng ilang saglit na katahimikan o makaaawit ng papuri o
salmo.

Pagkaraan, ang Pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana paharap sa mga nagsisimbang
magpapahayag:
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Pari: Manalangin tayo.

Tumahimik sandali.

Ama naming mapagmahal,


patibayin mo sa aming kalooban
ang aming pinagsasaluhang pananda
ng pananampalatayang tunay.
Ang pinananaligan naming Diyos
na totoo at taong totoo
na ipinagdalang-tao ni Maria sa kanyang sinapupunan
ay siya nawang magpagindapat na kami’y sumapit
sa kaligayahan ng walang maliw na buhay
sa bisa ng kanyang nagliligtas na pagkabuhay
sa pamamagitan niya
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.
MARINGAL NA PAGBABASBAS

Pari: Sumainyo ang Panginoon.


Bayan: At sumaiyo rin.

Pari: Magsiyuko kayo samantalang iginagawad


ang pagpapala.

Pagpalain nawa kayo ng Diyos


na sa pagsilang ng Anak niya
mula sa Mahal na Birhen
ay naghatid sa daigdig ng katubusang
walang hanggan.
R Amen.

Pasiglahin nawa kayo sa malasakit


ng Mahal na Birhen na siyang nagbigay sa inyo
ng tagapaghatid ng buhay na walang hanggan.
R Amen.

Puspusin nawa ng kagalakan ng Espiritu Santo


ang mga nagdiriwang sa pagpaparangal
sa Mahal na Birheng Maria upang sa ganitong diwa
kayo ay sumapit sa kalangitan na siyang tahanan ng
tanan magpasawalang hanggan.
R Amen.
Pari: At pagpalain nawa kayo ng Makapangyarihang Diyos:
Ama at Anak ✠ at Espiritu Santo.
R Amen.

Pari: Humayo kayong taglay ang kapayapaan


at pag-ibig ni Kristo
upang ang Diyos ay mahalin at paglingkutan.

Pari at Bayan:

Salamat sa Diyos.

You might also like