You are on page 1of 11

MASS OF THE DAY

ANG MISA NG SAMBAYANAN


Sa labi ng kamatayan
hahanton ang aking buhay.
Sa gipit kong katayuan
ako’y iyong saklolohan
mula sa temple mong banal.
PANIMULA
Obispo Tobias:

Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu


Santo.
Bayan: Amen!

Obispo Tobias:

Sumainyo ang Panginoon!


Bayan: At Sumainyo rin!

Obispo Tobias:

Mga kapatid, aminin natin ang ating mga


kasalanan upang tayo’y maging marapat na
gumanap sa banal na pagdiriwang. (Tumahimik
sandali.)
Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos
at sa inyo, mga kapatid,
nalubha akong nagkasala
sa isip, sa salita at sa gawa
at sa aking pagkukulang.

1
MASS OF THE DAY

Kaya isinasamo ko
sa Mahal na Birheng Maria,
at sa lahat ng mga anghel at mga banal
at sa inyo, mga kapatid,
na ako’y ipinalangin sa Panginoong ating Diyos.

Obispo Tobias:
Kaawan tayo ng makapangyarihang Diyos,
patawarin
tayo sa ating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na walang
hanggan.
Bayan: Amen!

KỲRIE
Obispo Tobias: Panginoon, Kaawaan mo Kami.
Bayan: Panginoon, Kaawaan mo Kami!

Obispo Tobias: Kristo, Kaawaan mo Kami.


Bayan: Kristo, Kaawaan mo Kami!

Obispo Tobias: Panginoon, Kaawaan mo Kami.


Bayan: Panginoon, Kaawaan mo Kami!

2
MASS OF THE DAY

PAPURI SA DIYOS
(Aawitin kung kinakailangan)

Obispo Tobias/ Bayan: Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y


kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin,
dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka
namin, pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila mong angking
kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat. Panginoong Hesukristo, Bugtong na
Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama. Ikaw
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.
Ikaw na nag aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo
ang gaming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw
lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-
taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama.
Amen!

PANALANGING PAMBUNGAD

Obispo Tobias:

Manalangin tayo. (Tumahimik sandali)


Ama naming makapangyarihan, itaguyod mo
ang aming kalooban pakundangan sa iyong
pagmamahal sapagka’t hindi ka namin
mabibigyang-kasiyahan kapag kami ay hindi mo
kinakatigan sa pamamagitan ni Hesukkristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.
Bayan: Amen!

3
MASS OF THE DAY

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

UNANG BAGBASA
Jeremias 11, 18-20

Pagpapahayag mula sa aklat ni Propeta Jeremias

Ipinabatid sa akin ng Panginoon ang


masamang balak laban sa akin ng mga kaaway ko.
Ako’y parang maamong tupang dinadala sa
patayan at hindi ko nalalamang may masamang
balak pala sila sa akin.
Wika nila, “Putulin natin ang puno habang
malusog; patayin natin siya nang wala nang
makaalala pa sa kanya.”
At dumalangin si Jeremias, “Panginoon, ikaw
ay hukom na makatarungan. Nababatid mo ang
isipan at damdamin ng bawat tao. Ikaw ang
maghiganti sa mga taong ito; ipinauubaya ko po sa
iyo ang aking gagawin.”

Ang Salita ng Diyos.


Bayan: Salamat sa Diyos!

4
MASS OF THE DAY

SALMONG TUGUNAN
Salmo 7, 2-3 9bk-10. 11-12
(Tugon: 2a)

Tugon: Panginoon, aking Diyos, pag-asa ko sa’yo’y


lubos.

* Panginoon, aking Diyos, sa iyo ko natagpuan


yaong aking minimithi at hangad na kaligtasan;
iligtas mo sana ako, hindi sila naglulumbay. Kapag
ako ay inabot, sila’y leon ang katulad, tatangayin
nila ako, sa malayo itatakas; at kung ito ang
mangyari, pihong walang magliligtas, dudurugin
nila ako, luluyaring walang habag. (Tugon)

* Humatol ka sa panig ko yamang ako’y di masama.


Pigilin ang di matuwid sa kanilang mga gawa, yaon
namang mabubuti ay bigyan ng gantimpala;
yamang ikaw, Panginoon ay ang Diyos na dakila, at
sa iyo ay di linggid ang laman ng puso’t diwa.
(Tugon)

* Ikaw rin po, Panginoon, ang sa aki’y nag-iingat,


ang lahat ng masunurin sa iyo ay naliligtas; Ikaw
ang Diyos na matuwid, isang Hukom na matapat,
laging handing magparusa sa sinumang gawa’y
linsad. (Tugon)

5
MASS OF THE DAY

Awit-pambungad sa Mabuting Balita


Lucas 8, 15

Luwalhati at Papuri Panginoong Hesukristo!


Mapalad ang nag-iingat
sa kanyang pusong matapat
ng Salitang nagbubuhat
sa Poong D’yos ng liwanag,
sa t’yaga’y aaning ganap.
Luwalhati at Papuri Panginoong Hesukristo!

MABUTING BALITA
Juan 7, 40-53

Obispo Tobias:
Sumainyo ang Panginoon.
Bayan: At Sumainyo rin!

Obispo Tobias:

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San


Juan
Bayan: Papuri sa Iyo Panginoon!

Noong panahong iyon, marami sa mga


nakarinig kay Hesus ang nagsabi, “Tunay ngang ito
ang Propetang hinihintay natin!” Ito nga ang
Mesiyas!” sabi ng iba. Ngunit sumagot naman ang
iba pa,” Maaari bang magmula sa Galilea ang
Mesias? Hindi ba sanabi ng kasulatan na
6
MASS OF THE DAY

magmumula ang Mesias sa lipi ni David, at sa


betlehem na bayan ni David ipanganaganak?”
Magkakaiba ang palagay ng mga tao tungkol sa
kanya. Ibig ng ilan na dakpin siya, ngunit wala
namang nangahas humuli sa kanya.
Ang mga kawal na bantay sa Templo ay
nagbalik sa mga punong saserdote at sa mga
Pariseo. “Bakit hindi ninyo siya dinala rito?”
tanong nila sa mga bantay. Sumagot sila, “Wala pa
pong nagsalita nang gaya niya!” “Kayo man ba’y
nalinlang din?” tanong ng mga Pariseo. “Mayroong
bang pinuno o Pariseong naniniwala sa kanya?
Wala! Mga tao lamang na walang nalalaman sa
kasulatan ang naniniwala sa kanya—mga
sinumpa!” Isa sa mga naroon ay si Nicodemo, na
nagsadya kay Hesus noong una. Tinanong niya sila,
“Labag sa ating kautusan na hatulan ang isang tao
nang di muna nililitis at inaalam kung ano ang
kanyang ginawa hindi ba?” Sumagot sila, “Ikaw
ba’y taga-Galilea rin? Magsaliksik ka’t makikita mo
na walang Propetang magmumula sa Galilea.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Bayan: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo!

HOMILIYA

7
MASS OF THE DAY

PANALANGIN NG BAYAN
Obispo Tobias:

Mga kapatid, taimtim tayong manalangin sa


Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Pag-
isahin natin ang ating mga pagsamo sa kanya tulad
ng ating pagkakaisa sa pananampalataya, pag-asa
at pag-ibig na kaloob ng Espiritu Santo. Sa bawat
panalangin ang ating itutugon:

Tugon: Panginoon, Dinggin Mo ang aming


Panalangin!

1.Para sa ating Santo Papa Francisco, ating


Obispo Antonio, tanang mga Obispo at
kaparian at lahat nang bumubuo sa Simbahan
Katolika, Nawa maitaguyod nila ang
pagkakaisa’t pagmamahalan ng mga taong
pinagbubuklod ng Espiritu Santo hanggang sa
maningning na pagbabalik ni Hesukristo,
Manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)

2.Para sa ating mga kapatid na bagong kumpil,


upang ang kanilang buhay ay mapuspos ng
pananampalataya at pag-ibig at maging mga
tapat silang saksi ni Kristo, Manalangin tayo sa
Panginoon. (Tugon)

3.Para sa kanilang mga magulang, mga ninong at


ninang na umaakay sa kanila sa
pananampalataya, upang mapatnubayan ng
kanilang magagandang payo at mabubuting

8
MASS OF THE DAY

halimbawa ng pamumuhay ang kanilang mga


inaanak na naaayon sa landas ng Panginoong
Hesukristo, Manalangin tayo sa Panginoon.
(Tugon)

4.Para sa lahat ng mga tao, lipi, at bansa, Nawa


ang bawat isa ay magkaroon tapang na
magpalaganap ng Ebanghelyo sa lahat ng dako
na mayroong pagmahalan at pagkakaisa na na-
aayon sa mga turo at aral ni Hesus,
Manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)

5.Para sa mga maysakit, mga bilanggo, mga


matatanda, at mga may kapansanan, Nawa’y
palakasin at puspusin sila ng Espiritu Santo at
ng nakapagpapaginhawang Salita ng Diyos,
Manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)

Obispo Tobias:
O Diyos na aming Ama, isinugo mo ang Espiritu
Santo sa mga Apostol. Sa pamamagitan nila at ng
kanilang mga kahalili, patuloy mong isinusugo ang
Espiritu Santo sa amin.
Ang aral na sinimulang ipahayag noong
Pentecostes ay patuloy nawang maihatid sa
kabatiran ng lahat. Hinihiling namin ito sa
pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen!

9
MASS OF THE DAY

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Obispo Tobias:

Manalangin tayo. (Tumahimik sandali)


Ama naming mapagmahal, kami nawa’y
gawing dalisay ng banal na pakikinabang na
nagpapagindapat na kami’y kalugdan mo sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen!

PAGWAWAKAS

Obispo Tobias:

Sumainyo ang Panginoon.


Bayan: At sumainyo rin.

Obispo Tobias:

Pagpalain nawa kayo ng Makapangyarihang


Diyos:
 Ama, Anak at Espiritu Santo.
Bayan: Amen!

Obispo Tobias:

10
MASS OF THE DAY

Humayo kayo sa kapayapaan ni Kristo!


Bayan: Salamat sa Diyos!

11

You might also like