You are on page 1of 21

SAN VICENTE FERRER

Propesor ng Pilosopiya, Misyonero, Anghel ng


Paghuhukom

Sa isang sanggol na sumilang sa Valencia,


Espanya noong 1350 (isang libo, tatlong daan, at
limampu) ay inihasik sa kanyang mga magulang
ang tatlong bagay: ang matimyas na pagmamahal
sa Diyos, sa Mahal na Birhen at sa maralita. Ang
ibinunga nito’y si San Vicente Ferrer, ang
mapaghimalang propeta at “anghel ng
paghuhukom.” Ang isang daigdig na lipos na
karangalan at kayamanan ay kanyang tinalikdan
upang maging kasapi sa Orden ni Santo Domingo
at pagkaraa’y naging propesor ng pilosopiya sa
pinakatanyag na Universidad ng Lerida, Catalonia.
Naging konsehero rin siya nina Haring Juan ng
Aragon at Pedro de Luna (Papa sa Avignon).
Samantala, ang katanyagan ni Vicente ay
lumaganap sa lahat ng panig. Dinudumog siya ng
mga tao para sa kanyang pangangaral.

Noong ika-3 ng Oktubre, 1398 (isang libo,


tatlongdaan, at siyamnapu’t walo), nagkaroon siya
ng isang pangitain; nagpakita sa kanya ang
Panginoon, kasama sina Santo Domingo de
Guzman at San Francisco ng Assisi, na inuutusan
siyang mangaral sa mga tao.

1
Naglakbay siya sa mga bayan sa Espanya,
Pransiya, Inglatera, Ireland, Scotland, Flanders
at Italya upang ipangaral ang apat na huling
hantungan ng tao — ang kamatayan,
paghuhukom, impyerno, at langit. Maraming
Hudyo, Moro at erehe ang nagbalik-loob sa
Diyos at nagsisi sa kanilang pagkakasala.

Sa Granada, may 8,000 Moro ang naging


Kristiyano; sa Salamanca, ang isang Templong
Hudyo ay ginawa niyang templong Kristiyano.
Sinasabi na minsa’y binuhay niya ang isang
patay upang mapatunayan lamang ang kanyang
sinasabing katotohanan. Bago siya pumanaw ay
nasaksihan pa niya ang katapusan ng Great
Schism at ang pagkakahalal kay Papa Martin V.

Dahil sa dami ng nagawa niya para sa


pagpapatatag sa Santa Iglesiya, siya ay
kinikilala bilang pintakasi ng mga tagapagtayo
(builders).

Namatay si San Vicente sa Pransiya


noong Abril 5, 1419 (isang libo, apat na raan,
at labing siyam).

2
DALAW PATRON NI
SAN VICENTE FERRER

PANALANGIN NG PAGTANGGAP SA MAHAL NA


POONG SAN VICENTE FERRER

+Sa ngalan ng Ama ng Anak at ng Espiritu Santo


Ama naming makapangyarihan kami ngayon ay nagagalak
na tanggapin sa aming tahanan ang imahen ni San Vicente
Ferrer. Sa pagdalaw niyang ito sa amin, kami nawa ay
iyong pagpalain, gabayan at ingatan sa araw-araw ng aming
buhay. Si San Vicente nawa ang siyang aming maging
huwaran na dapat naming tularan lalong higit sa buhay
kabanalan habang kami ay umiiral sa mundong ito. Ang
aming pamilya nawa ay pagyamanin ng pagmamahalan,
pagkakaisa, pagtutulungan at kapayapaan. Matuto nawa
kami kumilala sa iyo Panginoon na ikaw ang Diyos na
kaylanman ay hindi nakakalimot, nagpapabaya o
nangiiwan, na ikaw ay aming kapiling sa aming mga tuwa
at ligaya maging sa mga hapis at pag-subok. Bigyan mo
kaming pag-asa at lagging ipadama na ikaw ay lagi naming
kasama. Mamalagi ka sa aming tahanan, sa aming puso at
sa aming kaluluwa. Amen.

1 Ama Namin
1 Aba Ginoong Maria
1 Luwalhati

San Vicente Ferrer, Ipanalangin mo kami!

3
N: Ilagay natin ang ating mga sarili sa presensya ng ating
Panginoon. Tumayo ang lahat at awitin ang pambungad
na awit.

Pambungad na Awit:
Inang Sakdal Linis

ANG STO. ROSARYO


Signus Crusis
N: Sa ngalan ng Ama , ng
Anak at ng Espirutu Santo
L: Amen

Credo
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa
lahat, na may gawa ng langit at lupa.Sumasampalataya naman
ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating
lahat.Nagkatawang tao Siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.Pinagpakasakit ni Poncio
Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing.Nanaog sa karoroonan
ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-
uli.Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang
Makapangyarihan sa lahat.Doon magmumulang paririto't
maghuhukom sa nangabubuhay at nangamamatay na
tao.Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo,Sa
Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal; Sa
kapatawaran ng mga kasalanan, Sa pagkabuhay na mag-uli ng
nangamatay na tao,At sa buhay na walang hanggan. Amen.

Ama Namin
N: Ama namin, sumasalangit Ka. Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo Sundin ang loob mo dito
sa lupa para nang sa langit.

4
L: Bigyan mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-
araw At patawarin Mo kami sa aming mga sala Para nang
pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. At
huwag mo kaming ipahintulot sa tukso At iadya mo kami
sa lahat ng masama Amen.

Aba Ginoong Maria


N: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasiya, ang
Panginoong Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa
babaeng lahat at pinagpala rin naman ang anak mong
si Hesus.
L: Santa Maria, Ina ng Diyos Ipanalangin mo kaming
makasalanan ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen.

Luwalhati
N: Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
L: Kapara noong unang-una, ngayon, at magpakailanman,
at magpasawalang hanggan. Amen.

Pagninilay sa Misteryo ng Sto. Rosaryo


Misteryo ng Hapis (Martes, Biyernes)
1. Ang pananalagin ni Hesus sa halamanan ng Getsemani.
2. Ang paghahampas kay Hesus na nakagapos sa haliging bato.
3. Ang pagpuputong ng koronang Tinik.
4. Ang pagpapasan ng Krus patungong Calvario.
5. Ang pagpapako at pagkamatay ni Hesus sa Krus.

Panalangin ng Fatima
O Hesus ko, patawarin mo kami sa aming mga sala. Iligtas mo
kami sa apoy ng impiyerno. Hangunin moa ng mga kaluluwa
sa purgatoryo ,lalong higit na nangangailangan ng iyong awa.

5
Halukatoryo
O Maria mahal naming ina, sumasamo kami sa iyo pagkalooban
mo ng kapayapaan at kaligtasan ang bawat pamilya ang aming
Parokya, ang aming bansa at ang buong daigdig.

Salve Regina
Aba Po Santa Mariang Hari, Inang ng Awa. Ikaw ang
kabuhayan at katamisan; Aba pinananaligan ka namin. Ikaw nga
ang tinatawagan namin, pinapanaw na taong anak ni Eva. Ikaw
rin ang pinagbunbuntuhang hininga namin ng aming pagtangis
dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay aba, pintakasi ka
namin, ilingon mo sa amin, ang mga mata mong maawain, at
saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin, ipakita mo sa
amin ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos,
maawain, maalam at matamis na Birhen.
N: Ipanalangin mo kami o Santang Ina ng Diyos.
L: Nang kami ay maging karapat dapat makinabang sa
mga pangako ni Hesukristong aming Panginoon

Manalangin tayo
Diyos at Panginoon namin, na ang bugtong na Anak Mo ay siyang
ipinapagkamit namin ng kagalinga't buhay na walang hanggan sa
pamamagitan ng kanyang pagkakatawang-tao, pagkamatay at
pagkabuhay mag-uli, ipagkaloob Mo, hinihiling namin sa Iyo, na sa
pagninilay-nilay namin nitong mga misteryo ng Santo Rosaryo ni
Santa Mariang Birhen ay hindi lamang matularan namin ang mga
magagaling na halimbawang nalalarawan sa amin; kundi naman
makamtan namin ang mga kagalingang ipinangako sa amin; alang-
alang kay Hesukristo Panginoon namin; na kapisan Mo at ng
Espiritu Santo nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan.
Amen.

6
PAMIMINTUHO KAY
SAN VICENTE FERRER

Pagsisi
L: O Makapangyarihang Diyos, lubhang maawain at
walang hanggan ang Iyong kabutihan.
Naninikluhod kami humihingi ng awa’t tulong Mo
na kaming mga makasalanan na dahil sa pagsunod
sa hilig ng aming mga katawan ay kinalimutan Ka
namin at namuhay sa pagkakasala at dahilan din ng
mga kamaliang ito, kung kaya’y nabayubay Ka sa
krus. O Diyos at Panginoon namin, nagsisisi
kaming lubos sa mga nagawang naming kasalanan
sa Iyo. Bigyan mo ng liwanag ang aming pag-iisip
upang lubusang Kang makilala at mahalin alang-
alang sa dugong binuhos Mo sa krus dahilan sa
amin. Amen.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Aming Tagapagtanggol San Vicente Ferrer,


ipinagkaloob sa iyo ng walang hanggang Diyos ang di
mabilang na mga biyaya at katangian ng gawang
kabanalan. Pakinggan mo aming taimtim na
panalangin. Tulungan mo kami sa aming ninanasa.
Ipamagitan mo kami sa oras ng aming mga
pangangailangan.

(bangitin ang sariling kahilingan)


7
O maluwalhating santo huwag mo pong hayaang kami
ay mabigo, ipakita mo sa amin ang Banal na
Kamalayan, papatagin ang aming mga loob sa mga
pagsubok, bigyan kami ng kaaliwan sa aming pag iisa
at kami ay iyong samahan sa oras na kami ay haharap
sa Paghuhukom. Hanggang kami ay makarating sa
kaluwalhatihan sa langit.

Amen.

LITANYA SA KARANGALAN NI
SAN VICENTE FERRER

N: Panginoon maawa ka sa amin


L: Panginoon maawa ka sa amin
N: Kristo maawa ka sa amin
L: Kristo maawa ka sa amin
N: Panginoon maawa ka sa amin
L: Panginoon maawa ka sa amin
N: Kristo pakinggan mo kami
L: Kristo pakapakingan mo kami

N: Diyos Ama sa Langit


L: Maawa ka sa amin
N: Diyos Anak na Tumubos sa sanlibutan
L: Maawa ka sa amin

8
N: Diyos Espiritu Santo
L: Maawa ka sa amin
N: Santisima Trinidad iisang Diyos
L: Maawa ka sa amin

Santa Maria
*Ipanalangin mo kami

Santa Mariang Ina ng Diyos*


Santa Mariang Birhen ng mga Birhen*
Reyna ng Kasantusantusantuhan Rosaryo*
Ama naming Sto. Domingo de Guzman*
Ama naming San Francisco de Assisi*

San Vicente, Kaluwalhatian ng Valencia*


San Vicente, Dangal ng Espanya*
San Vicente, Liryo ng Kadalisayan*
San Vicente, Himala ng kabanalan*
San Vicente, Perlas ng Pagkabirhen*
San Vicente, Maningas na Ilaw ng kawang
gawa* San Vicente, Salamin ng Pagsisi*
San Vicente, Trumpeta ng Walang hanggang kaligtasan*
San Vicente, Bulaklak ng Makalangit na karunungan*
San Vicente, Makapangyarihan sa salita at gawa*
San Vicente, Apostol ng Sansinukob*
San Vicente, Propeta ng Pagbabalik ni Kristo*
San Vicente, Higit na Mapagbigay sa Mahihirap*
San Vicente, Lubhang Maalam na Guro*

9
San Vicente, Pinakabanal na Mangangaral*
San Vicente, Hindi magapi ng Tukso*
San Vicente, Tanyag dahil sa mga Himala*
San Vicente, Nagniningas na Kaligtasan ng kaluluwa*
San Vicente, Huwaran ng Kababang loob*
San Vicente, Tapat na Umiibig sa Diyos *
San Vicente, Guro ng Nagbabalik loob*
San Vicente, Kinatatakutan ng mga Demonyo*
San Vicente, Kayamanan ng Kabutihan*
San Vicente, Aliw ng mga Nag-iisa*
San Vicente, Tagapangaral ng Ebanghelyo*
San Vicente, Kalusugan ng may Sakit*
San Vicente, Maykakayahang Buhay ng Patay*
San Vicente, Pag-asa ng aming Buhay*
N: Kordero ng Diyos na nag aalis ng mga Kasalanan ng
Sanlibutan,
L: Iligtas mo kami Panginoon
N: Kordero ng Diyos na nag aalis ng mga Kasalanan ng
Sanlibutan,
L: Pakapakinggan mo kami Panginoon
N: Kordero ng Diyos na nag aalis ng mga Kasalanan ng
Sanlibutan
L: Maawa ka sa amin Panginoon

N: Ipanalangin mo kami o maluwalhating San Vicente Ferrer


L: Nang kami’y maging dapat makinabang sa
mga pangako ni Hesukristo aming Panginoon.

10
N: Manalangin tayo
L: Panginoon naming Diyos na nakaaakit ng puso’t
kalooban nang mga taong di mabilang sa pagkilala
nang iyong mahal na pangalan, dahilan sa mga
kagila-gilalas na sermon ni San Vicente Ferrer,
magdalita ka at kami’y tulungan mo ng marapat
kaming makinabang sa pagharap diyan sa langit sa
mahal na mukha ng Anak mong si Hesukristo
paririto’t huhukom sa nangangamatay na tao, na
nakikibuhay at nakikipaghari sa iyo, kasama ng
Espiritu Santo, tatlong Persona at iisang Diyos
magparating man saan. Amen.

ANTIPONA
N: Magkamit na sana kami ng kaginhawahan parati
na mga aliping yari sa tulong ni San Vicente.

N: Kami’y ipanalangin mo Vicente mahal na Santo.


L: Nang pasaaming totoo ang mga pangako
ni Hesukristo.

11
PANALANGIN KAY POONG
SAN VICENTE FERRER SA ARAW ARAW

Ama naming kinalulugdan masakit at pinakasi naming


mapag ampon sa akin at Poon kong San Vicente Ferrer,
yayaman dati kang mapagaliw sa mga deboto mong
nagpaaampon sa iyo, ako’y iyong idalagin sa Diyos
nitong hinihinging kong awa sa pamimintuho sa iyo.
Tuloy ipananalangin ko sa iyo, Mahal na Santo, ang
pagpapala sa Santa Iglesia, ang pagkapawi ng aral ng
mga erehes, ang pagkakasundo ng mga Haring
Kristiano, ang pagkakilala sa Diyos ng mga taong di
binyagan; at ang lahat na kawalan at kahirapan nitong
bayan at ng mga abang mga kaluluwa sa Purgatorio, at
ako’y ihingin mo naman sa Diyos ng makakagaling sa
Kaluluwa’t Katawan ko ng ako’y makapagpuri’t
makapagpasalamat sa kaniya magparating man saan.
Siya Nawa.

DALIT NA AAWITIN KAY


SAN VICENTE FERRER

N: Kalarang walang Kapara ng mga taong lahat na.

Estribillo (Tugon)
L: Vicente, Magdalita ka, sa Diyos mo
Ikalara ang hingi namin sa Kaniya.
12
IV
I Ama mong si Sto.
Hinulaan ka ng Una, Domingo napakita sa iyo.
Ni San Juan Evanghelista. ng nabubuhay ka pa sa mundo,
Nang kaniyang pakita, larawan ka ngang totoo
Anghel na kaliga-ligaya. asal niya’t pagka Santo.
Sa Pathmos tahanan niya, Halal ka ni Kristong Ama,
ng paglabas mo sa Ina. Sugo’t Predicador niya.
Vicente Magdalita ka… Vicente Magdalita ka…

II V
Pinanuntan ka ng Diyos Pitong laksa ang hudios
ng Grasiang mapag- at isang laksang mga Moros,
milagros mapag-utos sa erejes sila’y nauubos
elementos bukod sa lahat ng nagbalikloob sa Diyos nang
Santos. At ang Impyerno pa iyong aral na talos. Wika
ay kinatatakutan ka mong parang Espada Tumaos
Vicente Magdalita ka… sa puso nila.
Vicente Magdalita ka…
III
Siyam ka pang taon lamang, VI
muling binigyan mong buhay, Bagaman wika mong
isang batang kababayan, dati ipinagsermon parati
tanda rin ng kabagsikan bigay Sa kahariang marami
ng Diyos na mahal. Ang walang di tanto ang sabi
gawa mong ito pala, Nahayag Para sa wikang sarili.
kapagkaraka. Anghel kang katakataka,
Vicente Magdalita ka… Sa sang mundo’y sinasamba.
Vicente Magdalita ka…

13
X
VII Yaong is among larawan
Isang babaing nauulol nagsermon ng walang tahan
pinatay na walang tutol labing limang araw minsan
yaong anak niyang sanggol tantong kinamanghaan
sa palayok ay idinoon ng mga Erejes na tanan.
pagsisilit ng malamon. Walang di nangagkaiba
At bagama’t naluto na, at sa Diyos nagsisamba.
Binuhay mo kapagdaka. Vicente Magdalita ka…
Vicente Magdalita ka…
XI
VIII Nang ang kampana ay tugtugin
Tatlong libong mahigit iyong gawang milagro rin, ang
pa pinakain mo sa una lahat ng masasakitin sabihin at
tinapay na labinglima ay bilangin
nabusog na lahat na pawa mong pinagaling.
bagsik na walang kapara Walang di guminhawa,
Tanan loob ay nakilala. awa mo sa kanila.
ginoo’t mga iba pa. Vicente Magdalita ka…
Vicente Magdalita ka…
XII
IX Ang bulag, bingi’t pipi man
Anghel ang bansag mong tunay pilay umpo’t kalagnatan,
sa sang Salamangkang bayan ng hika’t nababalian,
isang patay at bangkay sinaulian Balang sangkap sa katawan,
mo ng buhay. Ginamot at kinaawaan,
Ang lahat ay nangagitla At iyong Prelado pa,
sa gayong kataka-taka. pinagmilagro mo na.
Vicente Magdalita ka… Vicente Magdalita ka…

14
XIII katawan mong kasantusan.
Sa Buntis na manganganak ang O mahal na Poong Ama
pagtulong mo’y di hamak, ang tingni ang aking panata.
baog ay nag-aanak, dukha’y Vicente Magdalita ka…
nawawalang salat sa saklolo
mo’t paghawak. Apat na pung XV
patay na sinaulian mong Pinangangalanang kang Santo
hininga saan mang bayan sa mundo
Vicente Magdalita ka… Anghel, Profeta’t Maestro
Virgen Apostol ni Kristo
XIV kaniyang kasi at katoto.
Laman ng kanilang tiyan At may kapangyarihan ka
nabuhay at nuli naman damhin Sa lupa man at sa Gloria
ang Reliquias lamang. Vicente Magdalita ka…

PAGBABASBAS SA MGA DEBOTO NI


SAN VICENTE FERRER

Makapangyarihan Ama, kami ay naniniwala sa Iyong


kabutihan at kapangyarihan na ipanagkaloob Mo sa
mga Banal. Basbasan Mo at pagpalain ang mga taong
nagsususmamo sa Iyong Mahal na harapan. Kaya’t sa
tulong ng Mahal na Patron San Vicente Ferrer, ilayo
mo sila sa ano mang sakit at kapahamakan,
pagkalooban ng mapayapa at maunlad na pamumuhay,
hiniling namin ito sa iyo sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo. Amen.

15
PANGWAKAS NA PANALANGIN
Manalangin tayo
O Diyos, sa pamamagitan ng mga ka gila-gilalas na
sermon ni San Vicente Ferrer ang iyong matapat na
Angel ng Paghuhukom. Nawa’y kami ay silayan ng
liwanag ng iyong pag-ibig. Nagsusumamo kami sa
pamamagitan niya ay marapat kaming tumayo ng
ligtas sa oras ng nakakakilabot na Hatol ng
Paghuhukom na makamit namin ang walang hanggang
Kaligayahan sa Langit kapiling niya, sa pamamagitan
ni Hesukristong aming Panginoon. Amen.

PANALANGIN NA PAMAMAALAM KAY SAN


VICENTE FERRER

Ama naming mapagmahal, dumating na ang sandali ng


paglisan sa aming tahanan ang imahen ni San Vicente
Ferrer, bagamat kami ay nalulumbay, tigib ang aming
puso ng pasasalamat dahil sa mga biyaya at pagpapala
na iyong ipinagkaloob sa aming pamilya at aming
pamayanan. Patuloy nawa kaming makasunod sa
kanyang mga halimbawa upang katulad ni San
Vicente, kami'y maging kalugod-lugod sa Iyo.

Sa iyong paglisan, maluwalhating Apostol at


mangangaral, baunin mo ang aming mga panalangin at
mga hangarin. Makintal nawa sa amin ang iyong mga

16
aral, na siyang magpapalalim ng aming
pananamanpalataya at magpapatibay ng aming
pananalig sa Diyos. Muli kaming mananabik at aming
hihintayin ang iyong pagbabalik sa aming piling.
Mahal na Patron San Vicente Ferrer samahan mo kami
sa araw-araw ng aming pamumuhay, maging sa oras ng
aming kamatayan. Amen.

(Pagbabahagi ng may bahay)

N: O maluwalhati at magpagpagaling na Patron San


Vicente Ferrer
L: Ipanalangin mo kami!
N: Sumaatin nawa ang Banal na Pagtulong
L: Siya nawa.
N: Sumapayapa nawa ang kaluluwa ng lahat ng yumao
sa grasya ng Panginoon
L: Siya nawa.
N: Pagpalain at manatili nawa sa’tin ang biyaya ng
Makpangyarihang Diyos Ama, Anak, at Espiritu
Santo
L: Amen.

17
AWIT KAY SAN VICENTE FERRER

Mahal naming San Vicente!


Kami'y ipanalangin mo
Ng mapasa'ming totoo
Pangakong langit ni Hesukristo
Yaong mga tanan
Mahirap man o mayaman
Masayang sinasambit
Ang matamis mong pangalan

Vicente magdalita ka
Sa Diyos mo ikalara
ang hiling namin t'wina
Walang hanggang ligaya
(ulitin)

Masayang sinasambit
Ang matamis mong pangalan!

18

You might also like