You are on page 1of 1

Diyosesis ng Malolos

Parokya ng Santiago Apostol


Kapilya ni San Isidro Labrador
Paombong, Bulacan

Ika-12 ng Pebrero, 2021

Reb. P. ANACLETO IGNACIO


Kura Paroko
Itong Parokya

Thru: FRANCIS BARTOLOME

Minamahal na Fr. Ety:

Kapayapaan kay Kristo!

Ngayong panahon ng Kuwaresma, isa sa tradisyon nating mga Pilipino ang PABASA,
kung saan ating ginugunita ang buhay, pagpapakasakit, kamatayan at muling
pagkabuhay ng ating Panginoong Jesukristo. Kaugnay nito, ang Kapilya ng San Isidro I
ay humihingi ng pahintulot na maipagpatuloy ang nasabing tradisyon para sa
taong ito, bagaman sa gitna ng ating dinaranas na pandemya upang patuloy na
makapagbigay pag-asa na si Kristo ang siyang ating tagapagligtas.

Narito po ang ilan sa aming mga inihandang gabay para sa mga babasa sa aming
kapilya:

1. Pagsunod sa health and safety protocol na pinaiiral ng IATF at ng ating


pamahalaan.
2. Tanging mga miyembro ng SPPC lamang at ang mga pinahintulutan
nitong mga tao ang babasa.
3. Ang trompa at speaker ay bubuksan upang patuloy pa ring makaisa at
makapakinig ang mga mananampalataya na nasa kani-kanilang mga
tahanan.
4. Pagsapit ng ika-9 ng gabi ay tatapusin ang pabasa alinsunod sa ating
curfew hours.
5. Magkakaroon ng kanya kanyang mic na itatalaga sa bawat babasa at
ito ay idididisinfect matapos na gawain ang nasabing pabasa.
6. Ang mga aklat na gagamitin ay ibibilad sa araw matapos na ito ay
gamitin.

Umaasa po kaming inyong pahihintulutan ang aming munting kahilingan upang mas
lalong mapagtibay ang ating pananampalataya sa gitna ng ating mga nararanasan
ngayon. Maraming salamat po at pagpalain kayo ng ating Panginoon!

Lubos na gumagalang,

RICARDO JUMAQUIO
SPPC Coordinator

TERESITA SULUETA
SPPC – Commission on Liturgy

ROBERTO VALENCIA
PPC – Commission on Liturgy

You might also like