Professional Documents
Culture Documents
1
PAANYAYA SA PAGSAMBA
Paring Tagapagdiwang:
Paring Tagapagdiwang:
2
Paring Tagapagdiwang:
Paring Tagapagdiwang:
Manalangin tayo.
Ama naming makapangyarihan,
akayin mo kami upang kami’y mapabilang
sa mga maliligayang kapiling mo sa kalangitan
upang sa pagsunod namin bilang abang kawan
kami’y makarating sa sinapit ng pastol na idinangal
na siyang namamagitan
kasama ng Espirito Santo magpasawalang hanggan.
R. Amen.
4
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS
R. Salamat sa Diyos.
5
SALMONG TUGUNAN (22, 1-3a. 3b-4. 5. 6.)
KATAHIMIKAN
Magkakaroon ng saglit ng katahimikan upang pagnilayan at namnamin ang Salita ng Diyos.
6
AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA Juan 10, 27
Aleluya! Aleluya!
Ang tinig ko’y pakikinggan
ng kabilang sa ‘king kawan,
ako’y kanilang susundan.
Aleluya! Aleluya!
Nahabag siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol.
7
PAGNINILAY
Ang Paring Tagapagdiwang ay maaring magbigay ng pagninilay patungkol sa mga pagbasa.
Maaaring gamitin ang mensahe ng Kanyang Kabanalan Papa Francisco para sa2021
Pandaigdigang Araw ng mga Bokasyon (“San Jose: Ang Pangarap ng Bokasyon,” isinulat noong
ika-25 ng Abril 2021).
Pagkaraan ay magkakaroon ng ilang sandali ng katahimikan.
KATAHIMIKAN
Magkakaroon ng saglit ng katahimikan upang pagnilayan at namnamin ang Salita ng Diyos.
Maaaring gumamit ng anumang naaangkop na awitin.
8
Pari: Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan,
Bayan: kaawaan mo kami.
Pari: Diyos Espiritu Santo,
Bayan: kaawaan mo kami.
Pari: Banal na Santatlo, iisang Diyos,
Bayan: kaawaan mo kami.
Sa mga sumusunod na pagluhog ng parangal, ang itutugon ng sambayanan ay “Kaawaan mo kami.”
9
Sa gitna ng mga asong-gubat,
Sa mga mababangis na asong-gubat na nakadamit-tupa
Sa mga huwad na pastol,
Sa madilim na libis ng kamatayan,
Mula sa kasalanan,
Mula sa kahalayan ng isip at katawan,
Mula sa pagkamakasarili,
Mula sa mga kasalanang sumisira sa mga pamilya,
Mula sa hindi kalugod-lugod na pangangasiwa sa iyong Simbahan,
Mula sa pag-ibig sa mundo at mga pang-aakit nito,
Mula sa hindi karapat-dapat na pagdiriwang ng iyong mga misteryo,
Sa pamamagitan ng iyong walang hanggang pagkapastol,
Sa pamamagitan ng banal na pagpapahid sa iyo ng Ama na nagtanghal sa
iyo na maging pastol,
Sa pamamagitan ng iyong maka-pastol na Espiritu,
Sa pamamagitan ng iyong paglilingkod na nagbigay-parangal sa Ama,
Sa pamamagitan ng madugong pag-aalay ng iyong sarili,
Sa pamamagitan ng sakripisyong sinasariwa sa araw-araw,
Sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan na ginagamit sa paglilingkod,
Sa mga sumusunod na pagluhog ng parangal, ang itutugon ng sambayanan ay “Dinggin mo ang iyong
kawan.”
AMA NAMIN
Paaanyayahan ng paring tagapagdiwang ang sambayanan sa pag-awit ng Ama namin.
PANGWAKAS NA PANALANGIN
Pari: Manalangin tayo.
O Diyos na makapangyarihan,
manunubos at pastol ng mga kaluluwa,
akayin mo kami sa landas ng kabanalan
upang makarating sa kaligayahang makalangit
at kami ay hatian ng iyong maluwalhating tagumpay
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
KATAHIMIKAN
Magkakaroon ng ilang sandali ng katahimikan bilang tanda ng maringal na pagsamba. Kung
mamarapatin, maaaring iprusisyon ang Banal na Sakramento sa loob ng simbahan.
12
MARINGAL NA PAGBABASBAS
Ang lahat ay magsisiluhod. Ang paring tagapagdiwang ay luluhod sa harap ng Banal na
Sakramento, iinsensuhan ito habang inaawit ang sumusunod:
13
Igagawad ng paring tagapagdiwang ang pagbabasbas gamit and Banal na Sakramento.
Pagkaraan ay luluhod muli at pangungunahan ang pagsambit ng mga pagpupuri..
Habang ginaganap ang reposisyon, ang sambayanan ay nakaluhod habang inaawit ang
sumusunod:
14
Pagkaraan, aawitin ang Salve Regina bilang pagpaparangal at pagdulog sa panalangin ng
Mahal na Birhen.
Magtutungo ang paring tagapagdiwang sa kanyang upuan upang ganapin ang paghahayo.
15
PAGHAYO
Sa puntong ito, maaaring magbigay ang pari ng ilang pahayag.
Pagkaraan, ang paghahayo ay gaganapin sa pamamagitan ng mga sumusunod na salaysay:
R. Salamat sa Diyos.
Tahimik na lilisanin ng Paring Tagapagdiwang ang dambana.
16