You are on page 1of 98

2 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

IKA-6 NG MAYO
Huwebes sa Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

PANALANGING PAMBUNGAD

A
ma naming Makapangyarihan,
sa iyong kagandahang-loob pinabubuti mo ang masasama
at ginagawa mong maging banal ang mga dating alibugha.
Makapiling ka nawa namin sa lahat ng iyong ginagawa.
Makapiling ka nawa namin sa iyong mga handog na kusa.
Ang iyong mga pinabuti ay huwag nawang magsawa
sa pagiging matatag sa banal na adhika
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 3

UNANG PAGBASA Mga Gawa 15, 7-21

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, pagkatapos ng mahabang pagtatalo,


tumindig si Pedro at sinabi sa mga apostol at sa matatanda:

Mga kapatid, nalalaman ninyo na noong nakaraang mga araw,


hinirang ako ng Diyos upang iparangal sa mga Hentil ang Mabuting
Balita, at sila nama’y sumampalataya. At ang Diyos na
nakasasaliksik ng puso ang nagpatotoo na, tulad natin, sila’y
tinatanggap niya nang pagkalooban sila ng Espiritu Santo. Iisa ang
tingin ng Diyos sa kanila’t sa atin; nilinis din niya ang kanilang
puso sapagkat nanalig sila kay Hesukristo. Bakit ba marunong pa
kayo sa Diyos? Ba’t ninyo ipinapapasan sa mga alagad ang isang
dalahing mabigat na hindi natin napasan, ni ng ating mga
magulang? Sumampalataya tayo at naligtas sa pamamagitan ng
kagandahang-loob ng Panginoong Hesus, gayun din naman sila.”

Tumahimik ang buong kapulungan. Nakinig sila kina Bernabe at


Pablo habang isinasalaysay nila ang kababalaghang ginawa ng
Diyos sa mga Hentil sa pamamagitan nila. Pagkatapos, si Santiago
naman ang nagsalita, “Mga kapatid, pakinggan ninyo ako.
Katatapos pa lamang isalaysay ni Simon ang unang pagkatawag ng
Diyos sa mga Hentil upang sila rin ay maging bayan niya, ayon sa
hula ng mga propeta:

‘Pagkatapos nito ay babalik ako,


at muli kong itatayo ang bumagsak na tahanan ni David.
Muli kong ibabangon mula sa kanyang pagkaguho,
upang ang Panginoo’y hanapin ang ibang tao,
ng lahat ng bansang tinawag ko upang maging akin.
4 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

Gayun ang sabi ng Panginoon na nagpahayag ng mga bagay na ito


mula pa noong una.’

“Kaya’t ang pasiya ko’y huwag nating ligaligin ang mga Hentil na
lumalapit sa Diyos. Sa halip, sulatan natin sila na huwag kakain ng
anumang inihandog sa diyus-diyusan; huwag makikiapid; huwag
kakain ng hayop na binigti, at ng dugo. Sapagkat mula pa nang
unang panahon, ang Kautusan ni Moises ay binabasa sa mga
sinagoga tuwing Araw ng Pamamahinga, at ipinangangaral ang
kanyang salita sa bawat bayan.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN Salmo 95, 1-2a. 2b-3. 10

T. Sa lahat ay pinahayag
gawa ng Poong nagligtas.
o kaya: Aleluya!

Purihin ang Panginoon, awitan ng bagong awit;


Panginoo’y papurihan nitong lahat sa daigdig!

T. Sa lahat ay pinahayag
gawa ng Poong nagligtas.
o kaya: Aleluya!

Awitan ang Panginoon, ngalan niya ay purihin;


araw-araw ang ginawang pagliligtas ay banggitin.
Kahit saa’y ipahayag na ang Poon ay dakila,
sa madla ay ipapahayag ang dakila niyang gawa.

T. Sa lahat ay pinahayag
gawa ng Poong nagligtas.
o kaya: Aleluya!
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 5

“Panginoo’y siyang hari,” sa daigdig ay sabihin,


“sanlibuta’y matatag na, kahit ito ay ugain;
sa paghatol sa nilikha, lahat ay pantay sa paningin.”

T. Sa lahat ay pinahayag
gawa ng Poong nagligtas.
o kaya: Aleluya!

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA

T. Aleluya! Aleluya!
Ang tinig ko’y pakikinggan
ng kabilang sa ‘king kawan,
ako’y kanilang susundan.
T. Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA Juan 15, 9-11

 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad:


“Kung paanong iniibig ako ng Ama, gayun din naman, iniibig ko
kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig. Kung tinutupad ninyo ang
aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig; tulad ko,
tinutupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako’y nananatili sa
kanyang pag-ibig.

“Sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang makahati kayo sa


kagalakan ko at malubos ang inyong kagalakan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


6 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

PANALANGIN NG BAYAN

Sinabi ni Kristo, “Kung mamamalagi kayo sa akin at mamamalagi


sa inyo ang mga pananalita ko, hingin ninyo ang anumang loobin
n’yo at magkakagayon sa inyo.” Manalangin tayo nang may
pagtitiwala dahil sa mga salita niyang nakapagpapasigla ng loob.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang ating Simbahan nawa’y maging isang tunay na pamayanang


namumunga ng pag-ibig at kapayapaan,
manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang mga hindi sumasampalataya nawa’y makakilala sa Diyos sa


pamamagitan ng pag-iibigan ng mga Kristiyano, manalangin tayo
sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang mga mag-asawa nawa’y maging tapat sa kanilang pag-ibig sa


isa’t isa na nagpapatunay sa kanilang pananampalataya bilang
Kristiyano, manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang mga maysakit nawa’y maging matatag sa kanilang


pananampalataya at manatiling kaisa ni Hesus kahit sa kanilang
pagdurusa. Ipinapanalangin rin namin ang mga may sakit dahil sa
Covid-19, sa tulong at panalangin ni San Isidro, nawa’y agaran
silang gumaling at makapiling na nila ang kanilang mga pamilya,
manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.


NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 7

Ang mga lumisan na sa buhay na ito nawa’y magdiwang nang


walang katapusan sa tahanan ng Diyos sa Langit, manalangin tayo
sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Diyos na aming Ama, dinggin mo ang aming mga panalangin at


puspusin mo ang aming mga puso ng iyong pag-ibig upang
makapamuhay kami sa paraang kalugud-lugod sa iyo. Hinihiling
namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

A
ma naming Lumikha,
sa paghahain ng banal na pagpapalitan
ng iyong mga kaloob at ng aming alay
kami’y pinapagsalo mo sa iyong buhay na
namumukod-tangi at walang kapantay.
Ipagkaloob mong ang aming pakikinabang
sa iyong pakikisamang aming maaasahan
ay siya ring umiral sa aming pamumuhay araw-araw
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
8 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

A
ma naming Mapagmahal,
manatili kang kapiling ng iyong sambayanan
na ngayo’y pinapakinabang mo sa iyong sariling buhay
at gawin mong kami’y pasulong na makahakbang
mula sa dati naming pagkamakasalanan
patungo sa pagbabagong nagdudulot ng iyong kabutihan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 9

IKA-7 NG MAYO
Biyernes sa Ikalimang Linggo sa Pasko ng Pagkabuhay

PANALANGING PAMBUNGAD

A
ma naming Makapangyarihan,
ipagkaloob mong kami’y maging marapat
sa pagkabuhay na aming kinamtan sa binyag
upang ang ipinagdiriwang naming ngayon nang buong galak
ay siya laging maging lakas para kami ay maligtas
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

UNANG PAGBASA Mga Gawa 15, 22-31

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, minabuti ng mga apostol, ng matatanda,


at ng buong simbahan na pumili ng ilan sa kanila upang suguin sa
Antioquia, kasama nina Pablo at Bernabe. At sinugo nila ang mga
pangunahin ng mga kapatid: si Judas na tinatawag na Barsabas, at
si Silas. Ipinadala nila ang sulat na ganito ang nilalaman:

“Kaming mga apostol at matatanda ay bumabati sa mga kapatid na


Hentil sa Antioquia, sa Siria at Cilicia. Nabalitaan naming ginugulo
kayo ng ilang kasamahang galing dini, bagamat hindi namin sila
inutusan. Di-umano’y binabagabag kayo sa pamamagitan ng
kanilang sinasabi.
10 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

Kaya’t napagkaisahan naming magpadala sa inyo ng mga sugo.


Kasama sila ng ating minamahal na Bernabe at Pablo, na di nag-
atubiling itaya ang kanilang buhay sa paglilingkod sa ating
Panginoong Hesukristo. Sinusugo nga namin sa inyo sina Judas at
Silas upang ipaliwanag sa inyo ang nasasaad sa sulat na ito. Sa
udyok ng Espiritu Santo, ang naging pasiya namin ay huwag na
kayong atangan ng iba pang pasanin maliban sa mga bagay na
talagang kailangan: huwag kayong kakain ng anumang inihandog
sa mga diyus-diyusan, ng dugo, at ng hayop na binigti. Huwag
kayong makikiapid. Layuan ninyo ang mga bagay na ito, at
mapapabuti kayo. Paalam.”

Pinayaon ang mga sugo. Pagdating sa Antioquia, tinipon nila ang


mga kapatid at ibinigay ang sulat. Pagkabasa sa liham, ang mga
tao’y nagalak dahil sa kanilang narinig.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN Salmo 56, 8-9. 10-12

T. Sa gitna ng mga bansa


sabihing “D’yos ay Dakila!”
o kaya: Aleluya!

Naghahanda ako, O Diyos, ako ngayon ay handa na,


purihin ka at awitan, ng awiting masisigla.
Gumising ka, katawan ko, gumising ka, kaluluwa,
gumising ka’t tugtugin mo yaong lumang lira’t alpa;
tumugtog ka at hintayin ang liwayway ng umaga.

T. Sa gitna ng mga bansa


sabihing “D’yos ay Dakila!”
o kaya: Aleluya!
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 11

Sa gitna ng mga bansa kita’y pasasalamatan;


Poon, ika’y pupurihin sa gitna ng mga hirang.
Pag-ibig mong walang maliw ay abot sa kalangitan,
nadarama sa itaas ang lubos mong katapatan.
Ihayag mo sa itaas ang taglay mong kabantuga’t
dito naman sa daigdig ay ang iyong kaningningan!

T. Sa gitna ng mga bansa


sabihing “D’yos ay Dakila!”
o kaya: Aleluya!

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA

T. Aleluya! Aleluya!
Aking mga kaibigan,
alam na ninyo ang tanan
na mula sa Amang mahal.
T. Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA Juan 15, 12-17

 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad:

“Ito ang aking utos: mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig ko sa inyo.


Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-aalay
ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.

Kayo’y mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang mga utos ko.
Hindi ko na kayo inaaring alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang
ginagawa ng kanyang panginoon.
12 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

Sa halip, inaari ko kayong mga kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo


ang lahat ng narinig ko sa aking Ama. Hindi kayo ang pumili sa
akin; ako ang pumili at humirang sa inyo upang kayo’y humayo at
mamunga, at manatili ang inyong bunga. Sa gayun, ang anumang
hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ipagkakaloob sa inyo. Ito
ang inuutos ko sa inyo: mag-ibigan kayo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Tinatawag tayo ni Kristo na kanyang mga kaibigan at inuutusan


tayong ibigin ang isa’t isa. Ipakita natin ang ating pag-ibig sa
katapatan ng ating mga panalangin.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang mga tinawag upang mangaral ng Ebanghelyo sa anumang


paraan nawa’y magpahayag ng Mabuting Balita ng pag-ibig ng
Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang mga namumunong pulitiko nawa’y matakot sa Diyos at gawin


ang nararapat ayon sa mga Salita ni Kristo, manalangin tayo sa
Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang mga mag-asawa nawa’y isapuso ang utos ng Diyos na mag-


ibigan kahit sa mga pagkakataon ng pagsubok, manalangin tayo sa
Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.


NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 13

Ang mga maysakit at may kapansanan nawa’y makatagpo ng


pagmamahal sa mga nangangalaga sa kanila, manalangin tayo sa
Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang mga kapatid nating yumao, lalo na yaong mga binawian ng


buhay dahil sa sakit na dulot ng Covid-19, nawa’y pagkalooban ng
Diyos ng walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa
Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Panginoong Diyos, dinggin mo ang aming mga panalangin at loobin


mong lumago sa amin ang iyong pag-ibig. Hinihiling namin ito sa
pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

A
ma naming Lumikha,
para mo nang awa, gawin mong banal
ang mga alay naming iyo sanang kalugdan
at kami’y gawin mong haing sa iyo’y laging nakalaan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
14 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

A
ma naming Mapagmahal,
sa pinagsaluhan naming banal na pakikinabang
ang amin nawang pag-ibig ay lalong madagdagan
na ginawa namin sa pag-alala sa Anak mong mahal
na nag-utos ipagdiwang ang Huling Hapunan
sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 15

IKA-8 at IKA-9 NG MAYO

IKAANIM NA LINGGO SA PASKO NG PAGKABUHAY

Aawitin ang Papuri sa Diyos.

PANALANGING PAMBUNGAD

A
ma naming Makapangyarihan,
gawin mong sa masasayang araw na ito
ng aming pagdiriwang sa pagkabuhay ni Kristo
kami’y makaganap ng pagdiriwang na wagas
upang ang aming ginugunita
ay lagi naming matupad sa gawa
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

UNANG PAGBASA Mga Gawa 10, 25-26. 34-35. 44-48

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Sinalubong ni Cornelio si Pedro at nagpatirapa sa harapan nito at


sumamba. Ngunit sinabi ni Pedro, “Tumindig kayo. Ako’y tao ring
tulad ninyo. Ngayon ko lubusang natanto na walang itinatangi ang
Diyos. Nalulugod siya sa sinumang may takot sa kanya at
gumagawa ng matuwid, kahit saang bansa.”

Nagsasalita pa si Pedro nang bumaba ang Espiritu Santo sa mga


nakikinig ng salita. Namangha ang mga mananampalatayang Judio
16 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

na kasama ni Pedro, sapagkat ang mga ito ay pinagkalooban din ng


Espiritu Santo.

Narinig nila ang mga Hentil na nagsasalita sa iba’t ibang wika at


nagpupuri sa Diyos. Kaya’t sinabi ni Pedro, “Tulad natin, sila’y
pinagkalooban din ng Espiritu Santo. Sino pa ang makahahadlang
na binyagan sila sa tubig?” At iniutos niyang binyagan sila sa
pangalan ni Hesukristo. Pagkatapos, hiniling nila kay Pedro na
manatili roon ilang araw.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4

T. Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.
o kaya: Aleluya!

Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,


pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

T. Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.
o kaya: Aleluya!

Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag,


sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.

T. Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.
o kaya: Aleluya!
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 17

Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.


Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit!

T. Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.
o kaya: Aleluya!

IKALAWANG PAGBASA 1 Juan 4, 7-10

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan

Mga pinakamamahal: Mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang


pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos, at kumikilala sa
Diyos. Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang
Diyos ay pag-ibig.

Inihayag ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang suguin niya


ang kanyang bugtong na Anak upang magkaroon tayo ng buhay sa
pamamagitan niya. Ito ang pag-ibig: hindi sa inibig natin ang Diyos
kundi tayo ang inibig niya at sinugo ang kanyang Anak upang
maging handog sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan.

Ang Salita ng Diyos.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA

T. Aleluya! Aleluya!
Ang sa aki’y nagmamahal,
tutupad sa aking aral,
Ama’t ako’y mananahan.
T. Aleluya! Aleluya!
18 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

MABUTING BALITA Juan 15, 9-17

 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon: Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad:


“Kung paanong iniibig ako ng Ama, gayon din naman, iniibig ko
kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig. Kung tinutupad ninyo ang
aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig; tulad ko,
tinutupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako’y nananatili sa
kanyang pag-ibig.

“Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang makahati kayo sa


kagalakan ko at malubos ang inyong kagalakan. Ito ang aking utos:
mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig ko sa inyo. Walang pag-ibig na
hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay
para sa kanyang mga kaibigan. Kayo’y mga kaibigan ko kung
tinutupad ninyo ang mga utos ko. Hindi ko na kayo inaaring alipin,
sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang
panginoon. Sa halip, inaari ko kayong mga kaibigan, sapagkat
sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama. Hindi kayo
ang pumili sa akin; ako ang pumili at humirang sa inyo upang
kayo’y humayo at mamunga, at manatili ang inyong bunga.

Sa gayon, ang anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay


ipagkakaloob sa inyo. Ito ang inuutos ko sa inyo: mag-ibigan kayo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Ipapahayag ang Sumasampalataya.


NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 19

PANALANGIN NG BAYAN

Manalangin tayo sa Ama taglay ang kababaang-loob at pagtitiwala


tulad ng kay Jesus upang manatili tayong ganap sa kanyang pag-
ibig. Sabihin natin:

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Para sa mga may katungkulan sa Simbahan at pamahalaan:


maglingkod nawa sila alinsunod sa pag-ibig ng Diyos upang umiral
ang katarungan, kapayapaan, at katotohanan. Manalangin tayo:

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Para sa mga hindi nakaranas ng pagmamahal, at mga nasaktan


dahil sa karahasan: hilumin nawa ng Panginoon ang mga sugat sa
kanilang puso upang maranasan nila ang galak na dulot ng
kanyang wagas na pag-ibig. Manalangin tayo:

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Para sa mga pamilya: matutunan nawa nilang umunawa,


magpatawad, at magbigayan sa isa’t isa. Manalangin tayo:

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Para sa mga relihiyoso at relihiyosa: maging daluyan nawa sila ng


lakas at galak lalo na para sa mga nagdurusa dulot ng kahirapan at
karahasan. Manalangin tayo:

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.


20 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

(Para sa Ika-8 ng Mayo na Intensyon)

Para sa mga namumuno sa aming pamahalaan, nawa’y


mapagtuunan nila ng pansin ang mga naghihikahos ngayon sa
buhay at makabuo ng konkretong programa na makakatugon sa
pangangailangan ng tao lalo’t nasa gitna pa rin tayo ng pandemiya.
Manalangin tayo:

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

(Para sa Ika-9 ng Mayo na Intensyon)

Para sa mga laykong naglilingkod sa simbahan, nawa’y makatugon


pa sila sa mga gawaing pangmisyon sa kani-kanilang Parokya at
nawa ay maging mga apostol sila ng pagkakawanggawa at
tagapagpalaganap ng habag at mapagkalingang kamay ng Diyos,
manalangin tayo:

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Para sa mga yumao: makapiling nawa nila ang Diyos sa kanyang


kaharian sa langit. Manalangin tayo:

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ama naming mapagmahal, dinggin mo ang aming mga panalangin


upang lumago kami sa pag-ibig at maging karapat-dapat na
tawaging mga anak mo. Sa pamamagitan ni Kristong aming
Panginoon.
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 21

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

A
ma naming Lumikha,
paakyatin mo sa iyong piling sa kalangitan
ang aming mga panalanging kalakip ng haing mga alay
upang ang mga pinagindapat mong gawing Dalisay
ay maging marapat na makasalo
sa piging ng iyong pagmamahal
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

A
ma naming Mapagmahal,
kaming pinapagsalo mo sa pagkabuhay ng iyong Anak
ay papakinabangin mong lagi sa kanyang lakas
bilang bungang masagana ng dulot mong pagliligtas
sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
22 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

IKA-10 NG MAYO
Lunes sa Ikaanim na Linggo sa Pasko ng Pagkabuhay

PANALANGING PAMBUNGAD

A
ma naming Makapangyarihan,
ipagkaloob mong lagi naming maranasan
ang pamumunga ng aming ginagampanan
ngayong Pasko ng Pagkabuhay
na iyong ibinigay upang aming ipagdiwang
sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 11-15

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Mula sa Troas, tuluy-tuloy kaming naglayag patungong Samotracia,


at kinabukasa’y sa Neapolis. Mula roo’y nagtungo kami sa Filipos,
isang kolonyang Romano at pangunahing lungsod sa dakong iyon
ng Macedonia. Nanatili kami roon ng ilang araw. At nang Araw na
Pamamahinga, lumabas kami ng lungsod at nagpunta sa tabing-
ilog, sa isang pook na inakala naming dakong panalanginan ng mga
Judio.

Naupo kami at nakipag-usap sa mga babaing nagkakatipon doon.


Kabilang dito ang isang nagngangalang Lydia, taga-Tiatira at
mangangalakal ng mga telang purpura. Siya’y may takot sa Diyos.
Binuksan ng Panginoon ang kanyang isip at siya’y naniwala sa
ipinangangaral ni Pablo. Nagpabinyag siya, at ang mga kasambahay
niya.
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 23

Pagkatapos, sinabi niya, “Kung itinuturing po ninyo akong tapat na


lingkod ng Panginoon, doon na kayo tumuloy sa amin.” Mahigpit
ang kanyang anyaya kaya’t hindi namin napahindian.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN Salmo 149, 1-2. 3-4. 5-6a at 9b

T. Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.
o kaya: Aleluya!

Ang Panginoo’y purihin, awitan ng bagong awit,


purihin sa pagtitipon ng tapat sa pananalig.
Magalak ka, O Israel, dahilan sa Manlilikha;
dahilan sa iyong hari, ikaw Sion ay matuwa.

T. Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.
o kaya: Aleluya!

Purihin sa pagsasayaw, purihin ang kanyang ngalan;


alpa’t tambol ay tugtugin at siya ay papurihan.
Panginoo’y nagagalak sa kanyang mga hirang.
Sa nangagpapakumbaba’y tagumpay ang ibibigay.

T. Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.
o kaya: Aleluya!

Sa tagumpay na natamo, magalak ang mga hirang.


Sa kanilang pagpipista ay magsaya’t mag-awitan.
Sa pagpuri sa Panginoon, ay bayaang magsigawan.
Ang tatanggap ng tagumpay, ay ang kanyang mga hirang.
24 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

T. Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.
o kaya: Aleluya!

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA

T. Aleluya! Aleluya!
Kayo at ang Espiritu
ang s’yang magpapatotoo
tungkol sa aral ni Kristo.
T. Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA Juan 15, 26 – 16, 4a

 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad:

“Ngunit ang Patnubay, ang Espiritu ng Katotohanan, ang paparito


mula sa Ama. Susuguin ko siya sa inyo buhat sa Ama, at siya ang
magpapatotoo tungkol sa akin. At magpapatotoo rin kayo tungkol
sa akin, sapagkat sa pasimula pa’y kasama ko na kayo.

“Sinasabi ko ito sa inyo upang huwag kayong mawalan ng


pananalig sa akin. Palalayasin nila kayo sa mga sinagoga. Darating
ang panahon na ang sinumang pumatay sa inyo ay mag-aakalang
naglilingkod siya sa Diyos. At gagawin nila ito sapagkat hindi nila
ako nakikilala ni ang Ama. Ito’y sinasabi ko sa inyo upang,
pagdating ng oras na gawin nila, maalaala ninyong ipinagpauna ko
na ito sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 25

PANALANGIN NG BAYAN

Marami ang nagpapatotoo sa kanilang pananampalataya sa


pamamagitan ng kanilang buhay. Dahil sa kanilang halimbawang
nagdudulot ng inspirasyon sa atin, tumawag tayo sa Diyos na ating
Ama at sabihin natin sa kanya:

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y walang patid na magsikap sa


paghahatid ng mensahe ng Diyos ng pagsisisi sa kasalanan sa mga
taong may pusong tapat na naghahanap sa Diyos, manalangin tayo
sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang mga pulitiko at mga taong tinitingala sa larangan ng pulitika


nawa’y maging mga kasangkapan ng katotohanan ni Kristo sa
pamamagitan ng marangal nilang pamumuhay, manalangin tayo sa
Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang mga pagsubok na dinaranas natin araw-araw nawa’y hindi


magpahina ng ating loob at sa halip ay magpalago ng ating
pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang mga maysakit nawa’y maging matatag sa kanilang


pananampalataya at masigasig sa kanilang mithiin, manalangin
tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.


26 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

Ang mga frontliners na nagbubuwis-buhay, nagbubuhos lakas at


tiyaga sa mga kababayan nating tinamaan ng sakit na Covid-19, sa
ating mga panalangin sa kanila, nawa’y mabiyayaan at
magantimpalaan ang kanilang mga pagmamalaskit, ilayo nawa sila
sa panganib na dulot ng pandemiya at nawa’y hindi na sila
madiskrimina dahil sa kanilang paglilingkod sa bayan, manalangin
tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng kapanatagan at kaligayahan


sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ama, pagkalooban mo kami ng karunungan at katatagan sa


pamamagitan ng Banal na Espiritu upang kami ay maging
malalakas at matatapat na saksi sa iyong pag-ibig sa bawat yugto
ng aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na
aming Panginoon. Amen.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

A
ma naming Lumikha,
tanggapin mo ang mga alay
ng iyong sambayanang natutuwa.
Ang pagkabuhay ng iyong Anak na niloob mong
aming ikatuwa ngayon ay papanibaguhin mo ng galak
na manatili sa amin habang panahon
sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 27

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

A
ma naming Mapagmahal,
tunghayan mo at lingapin ang iyong sambayanan
na minarapat mong makinabang
sa piging na pangmagpakailanman.
Ipagkaloob mong kami’y maluwalhating makarating
sa pagkabuhay na magtatampok sa amin sa iyong piling
sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
28 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

IKA-11 NG MAYO
Martes sa Ikaanim na Linggo sa Pasko ng Pagkabuhay

PANALANGING PAMBUNGAD

A
ma naming Makapangyarihan,
lagi nawang magalak ang iyong sambayanan
sa pagkakaroon ng bagong kalooban
upang sa kadakilaang dulot ng pag-anib sa iyong angkan
ang araw ng pagkabuhay ay maging pag-asa sa pagdiriwang
sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 22-34

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, dinaluhong sina Pablo at Silas ng mga


tao, at matapos pahubaran ng mga pinuno, sila’y paulit-ulit na
ipinahagupit, saka ipinabilanggo at pinabantayang mabuti.
Ipinasok sila ng batay sa kaloob-looban ng bilangguan at ipinangaw
ang mga paa.

Nang maghahatinggabi na, sina Pablo at Silas ay nananalangin at


umaawit ng mga imno, at nakikinig naman ang ibang mga
bilanggo. Di-kaginsa-ginsa’y lumindol nang napakalakas, anupat
nayanig pati ang mga pundasyon ng bilangguan. Pagdaka’y
nabuksan ang mga pinto, at nakalag ang mga tanikala ng mga
bilanggo.

Napabalikwas ang bantay-bilangguan at nang makitang bukas ang


mga pinto, hinugot ang kanyang tabak at tangkang magpakamatay
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 29

sa akalang nakatakas ang mga bilanggo. Ngunit sumigaw si Pablo,


“Huwag mong saktan ang iyong sarili! Narito kaming lahat!”
Humingi ng ilaw ang bantay, patakbong pumasok at nanginginig na
nagpatirapa sa harapan nina Pablo at Silas.

Inilabas niya ang mga ito at sinabi, “Mga ginoo, ano po ang dapat
kong gawin upang ako’y maligtas?” Sumagot sila, “Sumampalataya
ka sa Panginoong Hesus, at maliligtas ka – ikaw at ang iyong
sambahayan.” At ang salita ng Panginoon ay ipinahayag nila sa
kanya at sa lahat ng nasa kanyang bahay.

Nang gabi ring iyon, hinugasan ng bantay ang kanilang mga sugat,
at nagpabinyag siya pati ang buo niyang sambahayan. Pagkatapos,
sila’y isinama niya sa kanyang tahanan at hinainan ng pagkain.
Galak na galak siya at ang kanyang buong sambahayan, sapagkat
sila’y natutong sumampalataya sa Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN Salmo 149, 1-2. 3-4. 5-6a at 9b

T. Ligtas ako sa ‘yong piling,


lakas ko’y sa ‘yo nanggaling.
o kaya: Aleluya!

Ako, Poon, buong pusong aawit ng pasalamat,


sa harap ng mga anghel, pupurihin kitang ganap.
Sa harap ng iyong templo ay yuyuko at gagalang,
pupurihin kita roon, pupurihin ang ‘yong ngalan.

T. Ligtas ako sa ‘yong piling,


lakas ko’y sa ‘yo nanggaling.
o kaya: Aleluya!
30 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

Dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong katapatan,


ika’y tunay na dakila, pati iyong kautusan.
Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo,
sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako.

T. Ligtas ako sa ‘yong piling,


lakas ko’y sa ‘yo nanggaling.
o kaya: Aleluya!

Nahahandang harapin mo mapupusok kong kaaway,


ligtas ako sa piling mo, sa takas na iyong taglay.
Yaong mga pangako mo ay handa mong tupding lahat,
ang dahilan nito Poon, pag-ibig mo’y di kukupas,
at ang mga sinimulang gawain mo’y magaganap.

T. Ligtas ako sa ‘yong piling,


lakas ko’y sa ‘yo nanggaling.
o kaya: Aleluya!

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA

T. Aleluya! Aleluya!
Espiritung isusugo
totoo ang ituturo,
pangako ni Kristong Guro.
T. Aleluya! Aleluya!
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 31

MABUTING BALITA Juan 16, 5-11

 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad:

“Ngayo’y paroroon na ako sa nagsugo sa akin. Wala isa man sa


inyong nagtatanong sa akin kung saan ako pupunta. At ngayong
sabihin ko sa inyo, natigib kayo ng kalungkutan.

Ngunit dapat ninyong malaman ang katotohanan: ang pag-alis ko’y


sa ikabubuti ninyo, sapagkat hindi paparito sa inyo ang Patnubay
kung hindi ako aalis. Ngunit kung aalis ako, susuguin ko siya sa
inyo. Pagdating niya ay kanyang patutunayan sa mga tao sa
sanlibutan na mali ang pagkakakilala nila sa kasalanan, at
ipakikilala niya kung ano ang matuwid, at kung ano ang kahatulan.

Mali sila tungkol sa kasalanan, sapagkat hindi sila nanalig sa akin;


tungkol sa matuwid, sapagkat ako’y paroroon sa Ama at hindi na
ninyo makikita; tungkol sa matuwid, sapagkat ako’y paroroon sa
Ama at hindi na ninyo makikita; tungkol sa kahatulan, sapagkat
hinatulan na ang pinuno ng sanlibutang ito.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


32 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

PANALANGIN NG BAYAN

Bago umakyat sa Langit, ipinangako sa atin ni Jesus ang isa pang


Katulong na makakapiling natin tulad niya. Manalangin tayo sa
bawat pagluhog:

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang ating mga pastor nawa’y magtalaga nang lubusan ng kanilang


buhay sa pangangaral ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng kanilang
pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang mga magulang at guro nawa’y maging mga buhay na


halimbawa ng pananampalataya para sa mga taong nasa kanilang
pangangalaga, manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Atin nawang pagsikapang mabuti na gawin ang anumang nararapat


upang ang Salita ng Diyos ay maging isang buhay na
kapangyarihang magiging kaakibat ng lahat ng ating ikikilos,
manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Sa mga matatanda, mga nangungulila, at mga may karamdaman


nawa’y ating ipadama ang ating habag, manalangin tayo sa
Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.


NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 33

Para sa mga namumuno sa simbahan, nawa’y makatugon sila sa


mga espiritwal na pangangailangan ng mga tao na ibinigay sa
kanilang pangangalaga. Nawa’y makatugon rin sila sa mga hikahos
ng bayan ng Diyos ngayong panahon ng pandemiya, manalangin
tayo:

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng kapahingahan at bagong


buhay sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ama, tagapagbigay ng lahat ng biyaya, masagana mong ipagkaloob


sa amin ang iyong Espiritu upang makapamuhay kami nang may
kabanalan at magsikap para sa pagdating ng iyong Kaharian.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming
Panginoon. Amen.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

A
ma naming Lumikha,
ipagkaloob mong kami ay laging magalak
sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay ng iyong Anak
upang ang ginagawang patuloy na pagsagip sa amin
ay maging sanhi ng aming ligayang walang maliw
sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
34 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

A
ma naming Mapagmahal,
ang aming mga pagluhog ay iyong pakinggan
para sa pagkakamit ng iyong tulong sa amin araw-araw
at para sa pagkakaloob ng ligayang walang katapusan
na pawang idinudulot ng banal na pakikinabang
sa pagdiriwang ng pagpapalitan ng iyong bigay at aming alay
sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 35

IKA-12 NG MAYO
Miyerkules sa Ikaanim na Linggo sa Pasko ng Pagkabuhay

PANALANGING PAMBUNGAD

A
ma naming Makapangyarihan,
pahintulutan mong kami’y maging dapat lumigaya
kapag ang iyong Anak ay nagpapakita
kasama ng mga Banal sa piling niya
pakundangan sa aming pagdiriwang na masaya
sa pagkabuhay niyang amin ngayong sinasamba
sa pamamagitan niya
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

UNANG PAGBASA Mga Gawa 17, 15. 22 – 18, 1

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, ang mga naghatid kay Pablo ay sumama
sa kanya hanggang sa Atenas. Pagkatapos, nagbalik sila sa Berea,
taglay ang bilin ni Pablo kina Silas at Timoteo na sumunod sa
lalong madaling panahon. At si Pablo ay tumayo sa harap ng
kapulungan ng Areopago at nagsalita, “Mga taga-Atenas,
napapansin kong buhos na buhos ang inyong kalooban sa relihiyon.
Sapagkat sa paglalakad ko sa lungsod at pagmamasid sa mga
sambahan ninyo, nakakita ako ng isang dambanang may nakasulat
na ganito: ‘Sa Diyos na hindi nakikilala.’ Ang inyong sinasamba
kahit hindi ninyo kilala ang siya kong ipinapahayag sa inyo.
36 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

Ang Diyos na gumawa ng sanlibutan at ng lahat ng naroroon ang


siyang Panginoon ng langit at lupa, kaya’t hindi siya tumatahan sa
mga templong ginawa ng tao. Hindi sa siya’y nangangailangan ng
anuman kaya siya pinaglilingkuran ng tao; sapagkat siya ang
nagbibigay ng buhay, hininga, at ng lahat ng bagay sa
sangkatauhan. Mula sa isa’y nilikha niya ang lahat ng lahi sa balat
ng lupa. Itinakda niya ang kanya-kanyang panahon at hangganan.
Ginawa niya ito upang hanapin nila ang Diyos, baka sakaling sa
kanilang pag-aapuhap ay matagpuan siya. Ang totoo, hindi naman
siya malayo sa bawat isa sa atin; sapagkat

‘Hawak niya ang ating buhay, pagkilos at pagkatao.’


Tulad ng sinabi ng ilan sa inyong mga makata,
‘Tayo nga’y mga anak niya.’

Yamang tayo’y mga anak ng Diyos, huwag nating akalain na siya ay


tulad ng larawang ginto, pilak, o bato na pawang likha ng isip at
kamay ng tao. Mahabang panahong di pinansin ng Diyos ang di
pagkakilala sa kanya ng tao, ngunit ngayo’y iniuutos niya na
magsisi sila’t talikdan ang kanilang masamang pamumuhay.
Sapagkat itinakda na niya ang araw ng paghuhukom sa sanlibutan
at ito’y buong katarungan niyang gagawin sa pamamagitan ng
kanyang hinirang. Pinatunayan niya ito sa lahat, nang buhayin
niyang muli ang taong iyon!”

Nang marinig nila ang sinabi ni Pablo tungkol sa muling


pagkabuhay, tinuya siya ng ilan ngunit sinabi naman ng iba, “Ibig
namin kayong mapakinggan uli tungkol dito.” At umalis doon si
Pablo. May ilang sumama sa kanya at sumampalataya sa Diyos;
kabilang dito si Dionisio na isa sa mga bumubuo ng kapulungan ng
Areopago. May sumama ring babaing nag-ngangalang Damaris, at
mga iba pa.

Pagkatapos, umalis si Pablo sa Atenas at nagtungo sa Corinto.

Ang Salita ng Diyos.


NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 37

SALMONG TUGUNAN Salmo 148, 1-2. 11-12ab. 12k-14a. 14bkd

T. Ang kadakilaan ng D’yos


sa lupa’t langit ay lubos.
o kaya: Aleluya!

Purihin ang Diyos, nitong kalangitan,


kayo sa itaas siya’y papurihan.
Ang lahat ng anghel, magpuri’t magdiwang,
kasama ang hukbo roong karamihan!

T. Ang kadakilaan ng D’yos


sa lupa’t langit ay lubos.
o kaya: Aleluya!

Pupurihin siya ng lahat ng tao,


hari at prinsipe, lahat ng pangulo,
babae’t lalaki, mga kabataan,
matatandang tao’t kaliit-liitan.

T. Ang kadakilaan ng D’yos


sa lupa’t langit ay lubos.
o kaya: Aleluya!

Sa ngalan ng Poon lahat ay magpuri,


ang kanyang pangala’y pinakamaigi;
sa langit at lupa’y walang kasimbuti.

T. Ang kadakilaan ng D’yos


sa lupa’t langit ay lubos.
o kaya: Aleluya!

Siya’ng nagpalakas sa sariling bansa,


kaya pinupuri ng piniling madla,
ang bayang Israel, mahal niyang lubha!
38 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

T. Ang kadakilaan ng D’yos


sa lupa’t langit ay lubos.
o kaya: Aleluya!

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA

T. Aleluya! Aleluya!
Hihilingin ko sa Ama
Espiritu’y isugo n’ya
upang sumainyo’t t’wina.
T. Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA Juan 16, 12-15

 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad:

“Marami pa akong sasabihin sa inyo, ngunit hindi pa ninyo kayang


unawain ngayon. Pagdating ng Espiritu ng katotohanan,
tutulungan niya kayo upang maunawaan ninyo ang buong
katotohanan. Sapagkat magsasalita siya hindi sa ganang kanyang
sarili; sasabihin niya sa inyo ang kanyang narinig, at ipapahayag
ang mga bagay na darating. Pararangalan niya ako, sapagkat sa
aking magmumula ang ipapahayag niya sa inyo. Ang lahat ng sa
Ama ay akin; kaya ko sinabing sa akin magmumula ang ipapahayag
niya sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 39

PANALANGIN NG BAYAN

Hindi tayo iniwang ulila ng ating Amang nasa Langit, bagkus


ipinadala niya sa atin ang kanyang Banal na Espiritu. Sambitin
natin ang ating sama-samang panalangin sa kapanyarihan ng
Espiritu ng Katotohanan.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang Simbahan nawa’y maging masigasig sa paghahatid ng mensahe


ni Jesus sa lahat ng tao, manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang mga namamahala at maykapangyarihan nawa’y maghatid ng


kapayapaan at katarungan sa mga bansa, manalangin tayo sa
Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang mga hinahamak, mga itinatakwil o mga walang nagmamahal


sa ating lipunan nawa’y makaranas sa kanilang buhay ng
pangangalaga ng Diyos sa pamamagitan ng ating mabubuting gawa,
manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang mga maysakit at nagdurusa nawa’y makakita at makadama ng


mapagmahal na presensya ng Diyos, manalangin tayo sa
Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.


40 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

Buong kababaang loob kaming sumasamo sa iyo, O Diyos Ama, at


buong pagsisisi kaming naninikluhod sa iyo na nawa’y matapos at
magapi na ang pandemiyang nagpapahirap at bumabalot ng
kalungkutan at kamatayan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Tunghayan mo ang mga naghihinagpis na mga mata ng mga
nagdurusa dahil sa pandemiyang ito at pakinggan mo ang mga
bulong ng mga puso ng mga taong humihingi ng tulong at awa at
kagalingan sa iyo. Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang mga namayapa nawa’y muling buhayin alang-alang sa Muling


Pagkabuhay ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Panginoon, loobin mong lalo pang ihayag sa amin ng Banal na


Espiritu ang mga katotohanang inihayag ni Jesus na nabubuhay na
kasama mo ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

A
ma naming Lumikha,
sa paghahain ng banal na pagpapalitan
ng iyong mga kaloob at ng aming alay
kami’y pinapagsalo mo sa iyong buhay
na namumukod-tangi at walang kapantay.
Ipagkaloob mong ang aming pakikinabang
sa iyong pakikisamang aming maaasahan
ay siya ring umiral sa aming pamumuhay araw-araw
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 41

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

A
ma naming Mapagmahal,
manatili kang kapiling ng iyong sambayanan
na ngayo’y pinapakinabang mo sa iyong sariling buhay
at gawin mong kami’y pasulong na makahakbang
mula sa dati naming pagkamakasalanan
patungo sa pagbabagong nagdudulot ng iyong kabutihan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
42 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

IKA-13 NG MAYO
Paggunita sa Mahal na Birhen ng Fatima

PANALANGING PAMBUNGAD

A
ma naming Makapangyarihan,
ipagkaloob mong kami’y magkamit kailanman
ng kalusugan at kagalingan sa aming katawan at kalooban.
Pakundangan sa pagdalangin ng laging Birheng
si Santa Mariang mahal
kami nawa’y mahango sa hapis sa kasalukuyan
at makinabang sa kaluwalhatiang walang hanggan
sa pamamagitan niya
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

UNANG PAGBASA Mga Gawa 18, 1-8

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, umalis si Pablo sa Atenas at nagtungo sa


Corinto. Natagpuan niya roon si Aquila, isang Judiong taga-Ponto.
Kararating pa lamang nito mula sa Italia, kasama ang kanyang
asawang si Priscila. Umalis sila roon sapagkat pinalayas ni Claudio
ang lahat ng Judio sa Roma. Nakipagkita sa kanila si Pablo, at doon
na nakitira sapagkat sila’y manggagawa ng tolda, tulad niya.

At siya’y tumulong sa kanila. Tuwing Araw ng Pamamahinga,


nakikipagpaliwanagan siya sa sinagoga, at sinikap niyang
mahikayat sa pananampalataya ang lahat, maging Judio o Griego.
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 43

Nang dumating sina Silas at Timoteo mula sa Macedonia, iniukol na


ni Pablo ang buo niyang panahon sa pangangaral at pagpapatotoo
sa mga Judio na si Hesus ang Kristo. Nang siya’y salungatin nila at
laitin, pinagpag niya ang alikabok sa kanyang damit bilang babala
sa kanila. Sinabi niya, “Kasalanan na ninyo kung kayo’y
mapahamak! Hindi ko na sagutin iyon! Mula ngayoy’y tutungo ako
sa mga Hentil.”

Kaya’t umalis siya roon at tumira sa bahay ng isang nagngangalang


Ticio Justo, isang taong may takot sa Diyos; karatig ng sinagoga ang
kanyang bahay. Si Crispo na tagapamahala ng sinagoga at ang
kanyang sambahayan ay sumampalataya sa Panginoon.
Sumampalataya rin naman at nagpabinyag ang marami sa mga
taga-Corintong nakikinig kay Pablo.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4

T. Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.
o kaya: Aleluya!

Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,


pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

T. Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.
o kaya: Aleluya!

Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag,


sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.
44 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

T. Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.
o kaya: Aleluya!

Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.


Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit!

T. Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.
o kaya: Aleluya!

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA

T. Aleluya! Aleluya!
Kayo’y di ko inulila,
babalik akong talaga,
magdudulot ng ligaya.
T. Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA Juan 16, 16-20

 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad:

“Kaunting panahon na lamang at hindi na ninyo ako makikita; at


pagkaraan ng kaunting panahon pa, ako’y inyong makikita uli.”
Nag-usap-usap ang ilan sa mga alagad, “Ano kaya ang ibig niyang
sabihin? Bakit niya sinabing kaunting panahon na lang at hindi na
natin siya makikita at pagkaraan ng kaunti pang panahon ay
makikita uli? Sabi pa niya’y ‘Sapagkat ako’y paroroon sa Ama.’ Ano
kaya ang ibig sabihin ng, ‘kaunting panahon na lamang?’ Hindi
natin maunawaan!” Naramdaman ni Hesus na ibig nilang
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 45

magtanong, kaya’t sinabi niya, “Nagtatanungan kayo tungkol sa


sinabi kong kaunting panahon na lamang at hindi ninyo ako
makikita; at pagkaraan ng kaunting panahonn, ako’y inyong
makikita uli.

Sinasabi ko sa inyo: tatangis kayo at magdadalamhati, ngunit


magagalak ang sanlibutan. Matitigib kayo ng kalungkutan, subalit
ito’y magiging kagalakan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Inihandog sa atin ng Diyos ang kapayapaan ng pakikipagkasundo


sa pamamagitan ni Jesus, ang Anak ni Maria. Ipanalangin natin na
manatili sa atin ang kapayapaan.

T. Diyos ng Kapayapaan, basbasan mo kami.

Ang mga pinuno ng Simbahan, sa ilalim ng pagtangkilik ng Birhen


ng Fatima, nawa’y higit na mailapit ang Bayan ng Diyos kay Kristo
at sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

T. Diyos ng Kapayapaan, basbasan mo kami.

Ang mga pinuno sa buong mundo nawa’y patnubayan ni Maria, ang


Birhen ng Fatima, sa kanilang pagsisikap na magkaroon ng
pangmatagalang kapayapaan ang mga bansa, manalangin tayo sa
Panginoon.

T. Diyos ng Kapayapaan, basbasan mo kami.


46 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

Ang mga Kristiyanong pamayanan nawa’y magsikap na makamit


ang kapayapaan ni Kristo sa pamamagitan ng pagpapakita ng
pagmamahal at malasakit sa isa’t isa, manalangin tayo sa
Panginoon.

T. Diyos ng Kapayapaan, basbasan mo kami.

Ang mga nagdurusa sa mga espiritwal o pisikal na kahinaan nawa’y


kahabagan ni Maria, manalangin tayo sa Panginoon.

T. Diyos ng Kapayapaan, basbasan mo kami.

Nawa’y maranasan ng mga mahihirap at kinakapos sa pamumuhay


ang kaginhawaan na dulot ng Muling Pagkabuhay ni Hesukristo, at
nawa ay unti-unti masugpo ang kahirapan na sanhi ng mga iba’t
ibang problema at pasakit sa buhay, manalangin tayo sa
Panginoon.

T. Diyos ng Kapayapaan, basbasan mo kami.

Tayo nawa’y lukuban ng kapanyarihan ng Banal na Espiritu upang


makita sa ating mundo ang handog ng kapayapaan, manalangin
tayo sa Panginoon.

T. Diyos ng Kapayapaan, basbasan mo kami.

Ama, nalalaman namin na nagmumula sa iyo ang lahat ng


mabubuting bagay. Ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan sa
tulong ng makapangyarihang pamamagitan ni Maria. Hinihiling
namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 47

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

A
ma naming Lumikha,
ang iyong nagkatawang-taong Anak
ay tumulong nawa sa aming ginagawa
upang siya na iniluwal ni Maria
nang di bumawas kundi lalo pang nagpaganap sa pagkabirhen,
ay magpagindapat na kalugdan mo ang aming paghahain
sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan
sapagkat siya ang Panginoong kasama mo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
48 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

UNANG PAGBUBUNYI O PREPASYO


TUNGKOL SA MAHAL NA BIRHENG MARIA
Si Maria ang Ina ng Diyos

V. Sumainyo ang Panginoon.


R. At sumainyo rin.

V. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


R. Itinaas na namin sa Panginoon.

V. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


R. Marapat na siya ay pasalamatan.

A
ma naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan
ngayong ginugunita ang Mahal na Birhen ng Fatima.

Bukod mong pinagpala sa babaing lahat


ang Mahal na Birheng totoong mapalad
na iyong piniling maging Ina ng iyong Anak
noong isugo mo siya bilang aming Mesiyas.
Sa kapangyarihan ng Espiritung Banal
ang Birheng Maria ay naging Inang tunay
ng iyong Anak na kanyang isinilang
bilang liwanag nitong sanlibutan.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

Santo, Santo, Santo …


NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 49

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

A
ma naming Mapagmahal,
sa pagsasalo naming sa banal na pakikinabang
ang iyong kagandahang-loob ay aming hinihiling
upang ang pagpaparangal naming sa Mahal na Birhen
at pagtulad naming sa kanya
ay magpagindapat na aming paglingkuran
ang pagganap sa kaloob mong kaligtasan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
50 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

IKA-14 NG MAYO
DAKILANG KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR
Pagmimisa sa Bisperas

Aawitin ang Papuri sa Diyos.

PANALANGING PAMBUNGAD

A
ma naming Makapangyarihan,
Ikaw ang may-ari sa tanang kinapal
At Ikaw ang tumatawag sa aming paglilingkod
para pangasiwaan ang tanang umiiral sa sansinukob.
Ang maaasahang pagganap ni San Isidro sa kanyang pagsasaka
ay amin nawang matularan sa lahat ng aming pagsisikap
na magkaroon ng makakain ang lahat
sa masaganang hapag ng buhay
at maglingkod sa kapakanan ng aming kapwa-tao
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

UNANG PAGBASA Santiago 5, 7-8. 11. 16-18

Pagbasa mula sa Sulat ni Apostol Santiago

Mga kapatid, magtiyaga kayo hanggang sa pagdating ng


Panginoon. Tingnan ninyo ang magsasaka. Buong tiyaga niyang
hinihintay ang mahalagang bunga ng kanyang bukirin, at ang
pagpatak ng una at huling ulan. Dapat din kayong magtiyaga.
Tibayan ninyo ang inyong loob, sapagkat nalalapit na ang
pagdating ng Panginoon.
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 51

Sinasabi nating mapalad ang mga nagtitiyaga at nagtitiis. Narinig


na ninyo ang tungkol sa pagtitiis ni Job, at ang ginawa sa kanya ng
Panginoon sa bandang huli. Ito’y nagpapakilalang mabuti at
mahabagin ang Panginoon.

Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong kapwa ang inyong mga


kasalanan at ipanalangin ang isa’t isa, upang kayo’y gumaling.
Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid. Si Elias ay
taong tulad din natin. Mataimtim niyang idalangin na huwag
umulan, at sa loob ng tatlong taon, anim na buwan ay hindi nga
umulan. Muli siyang nanalangin at bumagsak ang ulan, at
namunga ang mga halaman.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6

T. Mapalad ang umaasa


sa Panginoon tuwina.

Mapalad ang taong hindi naaakit niyong masasama,


upang sundan niya ang kanilang payo’t maling halimbawa;
hindi sumasama sa sinumang taong ang laging adhika’y
pagtawanan lamang at hamak-hamakin ang Diyos na dakila.
Nagagalak siyang laging magsaliksik ng banal na aral
ang utos ng Poon siyang binubulaybulay sa gabi at araw.

T. Mapalad ang umaasa


sa Panginoon tuwina.

Ang katulad niya’y isang punongkahoy sa tabing batisan,


sariwa ang daho’t laging namumunga sa kapanahunan,
at anumang gawin ay nakatitiyak na magtatagumpay.

T. Mapalad ang umaasa


sa Panginoon tuwina.
52 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

Ngunit ibang-iba ang masamang tao; ipa ang kawangis,


siya’y natatangay at naipapadpad kung hangi’y umihip.
Sa taong matuwid ay Panginoon ang s’yang mag-iingat,
nguni’t kailanman ang mga masasama ay mapapahamak.

T. Mapalad ang umaasa


sa Panginoon tuwina.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA

T. Aleluya! Aleluya!
Magalak kayo’y magdiwang
malaki ang nakalaang
gantimpala ninyong tanan
T. Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA Juan 15:1-7

 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad:

“Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang tagapag-
alaga. Pinuputol niya ang bawat sangang hindi namumunga; at
kanya namang pinuputulan at nililinis ang bawat sangang
namumunga upang lalong dumami ang bunga. Nalinis na kayo sa
pamamagitan ng saluting sinabi ko sa inyo. Matanili kayo sa akin
at mananatili ako sa inyo. Hindi makapamumunga ang sangang
hindi nananatiling nakakabit sa puno. Gayon din naman, hindi
kayo makapamumunga kung hindi kayo mananatili sa akin.

”Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa
akin, at ako sa kanya, ang siyang namumunga nang sagana;
sapagkat wala kayong magagawa kung kayo’y hiwalay sa akin. Ang
hindi nananatili sa akin ay itatapon at matutuyo, gaya ng sanga.
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 53

Ang gayong mga sanga ay titipunin at susunugin. Kung nananatili


kayo sa akin at nananatili sa inyo ang mga salita ko, hingin ninyo
ang inyong maibigan at ipagkakaloob sa inyo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Ipapahayag ang Sumasampalataya.

PANALANGIN NG BAYAN

Si San Isidro na ating patron ay maasahan ng mga dukha. Bilang


isang dukha, ipinakita niya ang pagpapahalaga sa mga katulad
niyang dukha. Ikatlong bahagi ng kanyang kita ang nakalaan sa
mga ito at nagpapakain siya sa kanila ng ilang beses sa isang taon.
Sa tulong at panalangin ni San Isidro, dumulog tayo sa Panginoon
na lagi nating lingapin ang mga nangangailangan, lalo na ang mga
dukha sa ating parokya. Ang ating itutugon:

T. Sa tulong at mga panalangin ng aming patrong si San Isidro, dinggin mo


kami, O Panginoon.

Para sa mga Obispo at Pari at mga naglilingkuran sa Simbahan;


maging daluyan nawa sila ng kagandahang loob ng Diyos sa
mundong naghihirap. Madama nawa ng mga dukha ang tunay na
pagkalinga sa pamamagitan nila. Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Sa tulong at mga panalangin ng aming patrong si San Isidro, dinggin mo


kami, O Panginoon.

Para sa mga lider ng pamahalaan;


maging sandigan nawa ng kanilang paglilingkod ang pagbabahagi
ng yaman ng bansa nang makatarungan ayon sa pangangailangan
at kakayahan upang ito ay linangin para sa lahat. Manalangin tayo
sa Panginoon.
54 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

T. Sa tulong at mga panalangin ng aming patrong si San Isidro, dinggin mo


kami, O Panginoon.

Para sa mga taong naglilingkod sa mga dukha;


bigyan nawa sila ng Panginoon ng ibayong lakas upang
maipagpatuloy ang magagandang gawain bilang pagpapatuloy ng
gawaing pagliligtas ng Panginoon. Mapukaw nawa tayong lahat sa
pakikiisa sa pagkakawang-gawang ito. Manalangin tayo sa
Panginoon.

T. Sa tulong at mga panalangin ng aming patrong si San Isidro, dinggin mo


kami, O Panginoon.

Para sa ating mga kapatid na dukha;


mabatid nawa nila na may pananagutan sila sa kapwa, at tulad ni
San Isidro na ating patron, maasahan rin nawa ang mga dukha na
hindi lamang tumanggap ng tulong kundi tumulong rin sa mga
higit na nangangailangan Manalangin tayo sa Panginoon.

Para sa aming parokya na nagdiriwang ng ika-pitongpung taon


anibersaryo ng pagiging parokya, nawa’y patuloy kaming lumago
sa pag-ibig sa paglilingkod sa iyo at sa aming kapwa. Nawa’y
maisabuhay naming ang pagiging Hari, Pari at Propeta ng iyong
Anak na si Hesus sa aming paglilingkod, manalangin tayo sa
Panginoon.

T. Sa tulong at mga panalangin ng aming patrong si San Isidro, dinggin mo


kami, O Panginoon.

Para sa mga yumao; nawa katulad ni Lazarong dukha, magtamasa


nawa sila ng yaman sa kalangitan na hindi naipagkaloob ng daigdig
sa kanila. Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Sa tulong at mga panalangin ng aming patrong si San Isidro, dinggin mo


kami, O Panginoon.
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 55

Panginoon, dinggin Mo nawa ang aming mga panalangin.


Mabuklod nawa kami at maging kaisa ni San Isidro sa pagkalinga
sa mga dukha. Gawin Mo kaming kasangkapan Mo upang maihatid
ang Mabuting Balita lalung-lalo na sa mga nangangailangan.

Hinihiling namin ito sa ngalan ni Hesukristong aming Panginoon.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

A
ma naming Lumikha,
pagpalain Mo ang mga alay
na bunga ng pagtatanim at pag-aani
ng mga magsasakang kagaya ni San Isidro.
Ang pinagpaguran nila sa tag-ulan at tag-araw
ay siya nawang maging pagkain at inuming
sa amin ay nagbibigay-buhay
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
56 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

IKALAWANG PAGBUBUNYI O PREPASYO


TUNGKOL SA MGA BANAL NA LALAKE AT BABAE
Ang ginagawa ng mga Banal

V. Sumainyo ang Panginoon.


R. At sumainyo rin.

V. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


R. Itinaas na namin sa Panginoon.

V. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


R. Marapat na siya ay pasalamatan.

A
ma naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan.

Ang pagpaparangal sa Iyong kabutiha’y


lagi Mong pinaaalingawngaw sa Iyong sambayanan
sa pagkakaroon ng mga kaanib na maasahan
at tapat, tulad mo, sa pananagutan.
Upang magbunga ang punyagi ng Iyong Anak
na sa Iyong pag-ibig kami’y makatulad
ang mga banal na tayo’y tumutulong sa lahat
sa pagbibigay-halimbawa’t pananalanging wagas.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

Santo, Santo, Santo …


NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 57

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

A
ma naming Mapagmahal,
Ipinagpapasalamat namin itong aming pagsasalo
sa tanim at ani
ng mga magsasakang katulad ni San Isidro
na Iyong idinangal.
Ang kanyang malasakit na paglingkuran Ka at ang kapwa
ay siya nawang umiral sa aming pagsisikap na hainan
ang lahat ng Iyong bigay na kakanin sa araw-araw
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
58 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

IKA-15 AT IKA-16 NG MAYO

DAKILANG KAPISTAHAN NG PAG-AKYAT


NI HESUS SA LANGIT

Aawitin ang Papuri sa Diyos.

PANALANGING PAMBUNGAD

A
ma naming Makapangyarihan,
gawin mong kami ay magkaroon
ng banal na kagalakan at makapagdiwang
nang may utang na loob sapagkat ang iyong Anak
na aming Manunubos ay siyang tagapaghanda
ng aming pananahanan na kanyang pinanggalingan
upang kami’y panguluhan at kanyang tinunguhan
upang maging pag-asa kailan man ng sambayanan niyang
kanya ring katawan bilang Tagapamagitan
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

UNANG PAGBASA Mga Gawa 1, 1-11

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng mga Apostol

Mahal na Teofilo:
Isinalaysay ko sa aking unang aklat ang lahat ng ginawa at itinuro
ni Hesus buhat sa pasimula hanggang sa araw na siya’y umakyat sa
langit. Bago siya umakyat, tinagubilinan niya sa pamamagitan ng
Espiritu Santo ang mga apostol na kayong hinirang. Pagkatapos ng
kanyang pagbabata, maraming ulit siyang napakita sa kanila. Sa
gayon, napatunayang siya’y buhay.
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 59

Napakita siya sa kanila sa loob ng apatnapung araw at nagturo


tungkol sa paghahari ng Diyos. At samantalang siya’y kasama-sama
pa nila, kanyang tinagubilinan sila: “Huwag muna kayang aalis sa
Jerusalem. Hintayin ninyo roon ang ipinangangako ng Ama na
sinabi ko na sa inyo. Nagbinyag nga sa tubig si Juan, ngunit di na
magtatagal at bibinyagan kayo sa Espiritu Santo.”

Kaya’t nang magkasama-sama si Hesus at ang mga alagad,


nagtanong ang mga ito, “Panginoon, itatatag na ba ninyong muli
ang kaharian ng Israel?” Sumagot siya, “Ang mga panahon at
sandali ay itinakda ng Ama sa kanyang sariling kapangyarihan, at
hindi na kailangan pang malaman ninyo kung kailan iyon. Ngunit
bibigyan kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo,
at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at
Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.” Pagkasabi nito, siya’y
iniakyat sa langit samantalang nakatingin sila sa kanya; at
natakpan siya ng ulap.

Habang sila’y nakatitig sa langit, dalawang lalaking nakaputi ang


biglang tumayo sa tabi nila. “Mga taga-Galilea,” sabi nila, “Bakit
kayo narito’t nakatingala sa langit? Itong si Hesus na umakyat sa
langit ay magbabalik tulad ng nakita ninyong pag-akyat niya.”

Ang Salita ng Diyos.


60 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

SALMONG TUGUNAN Salmo 46, 2-3. 6-7. 8-9

T. Habang umaakyat ang D’yos,


ang tambuli’y tumutunog.
o kaya: Aleluya!

Magdiwang ang lahat ng mga nilikha,


pumalakpak kayong may awit at tuwa!
Bilang pagpupuri sa Diyos na Dakila!
Ang Diyos na Poon, Kataas-taasan,
ay dakilang haring dapat katakutan,
Siya’y naghahari sa sangkatauhan.

T. Habang umaakyat ang D’yos,


ang tambuli’y tumutunog.
o kaya: Aleluya!

Umakyat sa trono ang Panginoong Diyos,


hatid ng tambuling malakas ang tunog;
masayang sigawan ang ipinansuob.
Purihin ang Diyos, siya ay awitan,
awitan ang hari, siya’y papurihan!

T. Habang umaakyat ang D’yos,


ang tambuli’y tumutunog.
o kaya: Aleluya!

Ang Diyos, siyang hari ng lahat ng bansa,


awita’t purihin ng mga nilikha!
Maghahari siya sa lahat ng bansa,
magmula sa tronong banal at dakila.

T. Habang umaakyat ang D’yos,


ang tambuli’y tumutunog.
o kaya: Aleluya!
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 61

IKALAWANG PAGBASA Efeso 1, 17-23

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

Mga kapatid:

Hinihiling ko sa Diyos ng ating Panginoong Hesukristo, ang


dakilang Ama, na pagkalooban niya kayo ng espiritu ng
karunungan at ng tunay na pagkakilala sa kanya. Nawa’y
liwanagan ng Diyos ang inyong mga isip upang malaman ninyo ang
ating inaasahan sa kanyang pagkatawag sa atin. Ito’y ang
kaluwalhatiang inilaan niya sa kanyang mga hinirang, at ang
walang hanggang kapangyarihan niya sa atin na mga nananalig sa
kanya. Ang kapangyarihan ding iyon ang muling bumuhay kay
Kristo at nagluklok sa kanya sa kalangitan, sa kanan ng Diyos.

Kaya’t nasa ilalim ng kapangyarihan ni Kristo ang lahat ng


paghahari, kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan. Higit ang
kanyang pangalan kaysa lahat ng pangalan, hindi lamang sa
panahong ito kundi pati sa darating. Ipinailalim ng Diyos sa
kapangyarihan ni Kristo ang lahat ng bagay, at siya ang ginawang
ulo ng Simbahan. Ito ang katawan ni Kristo, ang kapuspusan niya
na pumuspuspos sa lahat-lahat.

Ang Salita ng Diyos.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA

T. Aleluya! Aleluya!
Humayo’t magturo kayo
palaging kasama ako
hanggang sa wakas ng mundo.
T. Aleluya! Aleluya!
62 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

MABUTING BALITA Markos 16, 15-20

 Ang Wakas ng Mabuting Balita ng Panginoon


ayon kay San Markos

Noong panahong iyon: Napakita si Hesus sa Labing-isa alagad at


sinabi sa kanila, “Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral
ninyo sa lahat ang Mabuting Balita. Ang sumampalataya at
mabinyagan ay maliligtas, ngunit ang hindi sumampalataya ay
parurusahan. Ang mga sumasampalataya ay magtataglay ng
ganitong tanda ng kapangyarihan: sa pangalan ko’y magpapalayas
sila ng mga demonyo at magsasalita ng ibang wika; sila’y hindi
maaano dumampot man ng ahas o uminom ng lason; at gagaling
ang mga maysakit na mapatungan ng kanilang kamay.”

Pagkatapos magsalita sa kanila, ang Panginoong Hesus ay iniakyat


sa langit, at lumuklok sa kanan ng Diyos. Humayo nga ang mga
alagad at nangaral sa lahat ng dako. Tinulungan sila ng Panginoon
sa gawaing ito. Pinatotohanan niya ang Salitang kanilang
ipinangangaral sa pamamagitan ng kapangyarihang gumawa ng
himala, na ipinagkaloob niya sa kanila.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Ipapahayag ang Sumasampalataya.

PANALANGIN NG BAYAN

Ang maluwalhating pag-akyat ni Jesus sa kalangitan ay


hudyat ng kanyang patuloy na pamamagitan sa Diyos at sa
tao. Idulog natin sa Amang nasa langit ang ating mga panalangin
at ang pangangailangan ng Simbahan. Ating sabihin:

T. Panginoon ng kaluwalhatian, dinggin mo kami.


NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 63

Patuloy nawang magpatotoo ang Santo Papa, mga obispo,


mga pari, at mga diyakono sa Magandang Balita ni Jesukristo lalo
na sa panahon ng karahasan, mga pang-aabuso at kasinungalingan.
Manalangin tayo:

T. Panginoon ng kaluwalhatian, dinggin mo kami.

Gampanan nawa ng mga namumuno sa pamahalaan ang


kanilang tungkuling magpahayag ng katotohanan nang may
paggalang sa mga karapatang pantao. Manalangin tayo:

T. Panginoon ng kaluwalhatian, dinggin mo kami.

Puspusin nawa ng Espiritu ng Panginoon ang mga mamamahayag


na dumaranas ng panggigipit dahil sa tapat nilang pagtupad sa
kanilang tungkulin. Manalangin tayo:

T. Panginoon ng kaluwalhatian, dinggin mo kami.

Maging aktibo nawa ang mga relihiyoso at relihiyosa


sa paggamit ng makabagong pamamaraan ng pagpapatotoo nila sa
Salita ng Diyos. Manalangin tayo:

T. Panginoon ng kaluwalhatian, dinggin mo kami.

Para sa aming parokya na nagdiriwang ng ika-pitongpung taon


anibersaryo ng pagiging parokya, nawa’y patuloy kaming lumago
sa pag-ibig sa paglilingkod sa iyo at sa aming kapwa. Nawa’y
maisabuhay naming ang pagiging Hari, Pari at Propeta ng iyong
Anak na si Hesus sa aming paglilingkod, manalangin tayo sa
Panginoon.

T. Panginoon ng kaluwalhatian, dinggin mo kami.


64 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

Mapuspos nawa ng galak at kapanatagan ng loob ang mga


nanay sa kanilang patuloy na paglilingkod sa kanilang pamilya
at maging matatag nawa sila sa gitna ng mga pagsubok.
Manalangin tayo:

T. Panginoon ng kaluwalhatian, dinggin mo kami.

Dakilang Ama, bumalik na ang iyong Anak upang


makibahagi sa kaluwalhatian mo. Patuloy nawa namin siyang
makikilala at mapaglingkuran sa aming pagpapahayag ng
Mabuting Balita sa lahat ng tao, lalung-lalo na sa tulong ng
makabagong teknolohiya.

Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

A
ma naming Lumikha,
pakundangan sa pag-akyat ng Anak mong mahal
ginaganap namin ang paghahain
nang may kapakumbabaan at ipagkaloob mong
sa ganitong pagpapalitan ng mga kaloob
at ng aming mga alay kami ay makasalo
sa pagkabuhay at pag-akyat sa kalangitan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 65

UNANG PAGBUBUNYI O PREPASYO


TUNGKOL SA MGA BANAL NA LALAKE AT BABAE
Ang misteryo ng Pag-akyat

V. Sumainyo ang Panginoon.


R. At sumainyo rin.

V. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


R. Itinaas na namin sa Panginoon.

V. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


R. Marapat na siya ay pasalamatan.

A
ma naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan.

Kasamaa’t kamatayan matapos na lupigin


ng Anak mong si Hesus na Panginoon namin,
siya ngayo’y umakyat sa iyong piling
bilang Haring dakilang sinasamba ng mga anghel.
Siya ang aming tagapamagitang nakikiusap
sa iyo para sa tanan.

Siya ang tagapasya sa lupa’t kalangitan.


Hindi niya iwinaksi ang aba naming pagkatao
sa pagluklok sa kanan mo.
Sapagkat kami ang katawan at siya ang ulo,
ang pag-akyat niya’y katiyakang sasapit kami sa iyo

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

Santo, Santo, Santo …


66 MGA PANALANGIN AT PAGBASA SA MISA

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

A
ma naming Mapagmahal,
pinagkakalooban mo kami ng pagkakataon
na akuin sa lupa ang ginagawa mo at nilalayon.
Gawin mong ang loobin namin
ay matuon sa iyong pinagluluklukan
sa Anak mo ngayon upang kaparis naming tao sa piling mo
siya’y mamagitan kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
68 HANAY NG PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA

ANG MISA NG SAMBAYANAN

Kapag natitipon na ang sambayanan, ang pari at mga tagapaglingkod ay lalakad patungo sa
altar, samantalang ang awiting pambungad ay ginaganap.

Pagsapit sa dambana, ang pari at mga tagapaglingkod ay magbibigay-galang alinsunod sa


hinihinging paraan. Magbibigay-galang ang pari sa dambana sa pamamagitan ng paghalik sa
ibabaw ng altar. Kung minamabuti niya, maiinsensuhan niya ito. Pagkatapos, ang pari ay
paroroon sa kanyang upuan.

Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari at ang mga tao ay
magkukrus. Ipahahayag ng pari nakaharap sa mga tao:

S a ngalan ng Ama
at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Sasagot ang mga tao:

Amen.
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay bilang pagbati sa mga tao, habang ipinahahayag:

Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo,


ang pag-ibig ng Diyos Ama,
at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo
nawa’y sumainyong lahat.
Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.
Ang pari o ang diyakono o sinumang angkop na tagapaglingkod ay makapagbibigay ng maikling
paliwanag tungkol sa buod ng Misang ipagdiriwang.
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 69

Susunod na gaganapin ang pagsisisi sa kasalanan. Aanyayahan ng pari ang mga tao:

Mga kapatid,
aminin natin ang ating mga kasalanan
upang tayo’y maging marapat gumanap
sa banal na pagdiriwang.
Magkakaroon ng saglit na katahimikan. Pagkatapos nito, lahat ay sabay-sabay na aamin sa
nagawang kasalanan:

Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos


at sa inyo, mga kapatid,
na lubha akong nagkasala
Ang lahat ay dadagok sa dibdib.

sa isip, sa salita, sa gawa


at sa aking pagkukulang.
Kaya isinasamo ko
sa Mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga banal
at sa inyo, mga kapatid,
na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.
Ipahahayag ng pari ang pagpapatawad:

Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,


patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
70 HANAY NG PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA

KYRIE
Isusunod ang mga pagluhog na ”Panginoon, kaawaan mo kami,” maliban kapag naganap na ito
kaugnay ng ibang paraan ng pagsisisi sa kasalanan:

V. Panginoon, kaawaan mo kami.


R. Panginoon, kaawaan mo kami.

V. Kristo, kaawaan mo kami.


R. Kristo, kaawaan mo kami.

V. Panginoon, kaawaan mo kami.


R. Panginoon, kaawaan mo kami.

PAPURI SA DIYOS
Kapag nakatakdang ganapin, aawitin o darasalin ang awit:

Papuri sa Diyos sa kaitaasan


at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka namin,
dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin,
ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin,
dahil sa dakila mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Diyos, Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 71

Sapagka’t ikaw lamang ang banal,


ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan,
kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama.
Amen.

PANALANGING PAMBUNGAD
Pagkaraan, magkadaop ang mga kamay na ipahahayag ng pari:

Manalangin tayo.
Ang lahat kaisa ng pari ay tahimik na mananalangin nang saglit. Pagkalipas ng ilang sandali,
ilalahad ng pari ang kanyang kamay at ipahahayag ang panalanging pambungad. Sa katapusan
nito’y sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:

Amen.
72 HANAY NG PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA

UNANG PAGBASA

Paroroon sa pook ng pagbasa ang maglalahad ng Salita ng Diyos. Habang ipinahahayag


niya ang unang pagbasa, ang lahat ay nakaupong makikinig. Upang ipahiwatig ang
katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.

Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN

Ang tagapaglahad ng salmo o taga-awit ay magpapahayag ng akda mula sa Aklat ng mga


Awit at ang mga tao ay tutugon ng kaukulang taludtod.

IKALAWANG PAGBASA

Pagkatapos, kung mayroong ikalawang pagbasa, ipahahayag din ito sa pook ng pagbasa
katulad ng nauna. Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng
tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.

Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 73

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA

Isusunod ang Aleluya o ang ibang awit.

Samantalang ginaganap ang pag-awit, maglalagay ng insenso sa insensaryo ang pari


kung minamabuting gamitin ito. Pagkaraan, ang diyakonong magpapahayag ng
Mabuting Balita ay yuyuko sa harap ng pari at hihilingin niya ang pagpapala sa
mahinang tinig:

Padre, ako po ay inyong gawaran ng pagpapala.

Ang pari ay mangungusap nang mahina:

Sa iyong puso at sa iyong mga labi


manahan nawa ang Panginoon
upang marapat mong maipahayag
ang kanyang Mabuting Balita,
sa ngalan ng Ama at ng Anak  at ng Espiritu Santo.

Ang diyakono ay sasagot:

Amen.

Kapag walang diyakono, ang paring nakayuko sa gawing dambana ay magdarasal nang
pabulong:

Makapangyarihang Diyos,
gawin mong dalisay ang aking puso at mga labi
upang marapat kong maipahayag ang Mabuting Balita.
74 HANAY NG PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA

MABUTING BALITA

Pagkaraan, ang diyakono o ang pari ay paroroon sa pook ng pagbasa. Magagawa ito ng
paprusisyon na nilalahukan ng mga tagapaglingkod na may dalang insensaryo at mga
kandila. Sa pook ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Sumainyo ang Panginoon.


Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.

Ihahayag ng diyakono o pari:

 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay N.

Samantala’y kukrusan niya ang aklat, ang kanyang noo, ang kanyang bibig, at ang
kanyang dibdib.

Magbubunyi ang mga tao:

Papuri sa iyo, Panginoon.

Pagkaraan, iinsensuhan ng diyakono o ng pari ang aklat kung ginagamit ang insenso at
ipahahayag niya ang Mabuting Balita.

Sa katapusan, ihahayag niya:

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Magbubunyi ang lahat:


Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

Hahalikan ang aklat habang dinarasal ng pabulong:

Magbunga nawa itong pagpapahayag ng Mabuting Balita


ng pagkapawi ng mga kasalanan.
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 75

HOMILIYA

Pagkaraan, gaganapin ang homiliya na dapat ilahad sa lahat ng araw ng Linggo at sa mga pistang
pangilin. Ito ay kapuri-puring gawin sa iba pang araw.

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Kasunod ng homiliya ang pagpapahayag ng pananampalataya kapag ito ay nakatakda.

Sumasampalataya ako
sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Hesukristo,
iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.
Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit.
Naluluklok sa kanan ng Diyos
Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto
at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako
sa Diyos Espiritu Santo,
sa banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao
at sa buhay na walang hanggan.
Amen.

PANALANGIN NG BAYAN
Pagkatapos ay gaganapin ang panalangin ng bayan o panalanging pangkalahatan.
76 HANAY NG PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA

Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga
tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis, at ang
Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon ng


pag-aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa mga dukha.

Ngayon nama’y tatayo ang pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng
tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

K
apuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa
ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.


Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang
malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!


Ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.

Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakaangat sa
dambana habang dinarasal niya nang pabulong:

K
apuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas
at bunga ng aming paggawa ang alak na ito
para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 77

Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!


Pagkatapos, yuyuko ang pari habang dinarasal niya nang pabulong:

Diyos Amang Lumikha,


nakikiusap kaming mga makasalanan.
Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso.
Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng pari ang mga alay at ang dambana pagkaraa’y
iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisimba.

Pagkatapos, ang pari ay pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay
samantalang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal,


kasalanan ko‘y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.
78 HANAY NG PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA

Pagbalik ng pari sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga kamay sa mga tao at
muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:

Manalangin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin
ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.

Sasagot ang mga tao:

Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay sa
kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY


Pagkaraa’y, ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at darasalin niya ang panalangin
ukol sa mga alay. Sa katapusan nito’y sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:

Amen.
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 79

UNANG PAGBUBUNYI O PREPASYO


SA PASKO NG PAGKABUHAY

V. Sumainyo ang Panginoon.


R. At sumainyo rin.

V. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


R. Itinaas na namin sa Panginoon.

V. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


R. Marapat na siya ay pasalamatan.

A
Ama naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat na ikaw
ay aming pasalamatan
lalo ngayong ipinagdiriwang ang paghahain ng Mesiyas,
ang maamongtupa na tumubos sa aming lahat.

Ang iyong Anak na minamahal


ay naghain ng sarili niyangbuhay.
Siya ang tupang maamong umako sa kaparusahan
upang mapatawad ang kasalanan ng sanlibutan.
Sa pagkamatay niya sa banal na krus
ang kamatayan namin ay kanyang nilupig.
Sa pagkabuhay niya bilang Manunubos
pag-asa’t pagkabuhay ay aming nakamit

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

Santo, Santo, Santo …


80 HANAY NG PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA

IKALAWANG PAGBUBUNYI O PREPASYO


SA PASKO NG PAGKABUHAY

V. Sumainyo ang Panginoon.


R. At sumainyo rin.

V. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


R. Itinaas na namin sa Panginoon.

V. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


R. Marapat na siya ay pasalamatan.

A
Ama naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat na ikaw
ay aming pasalamatan
lalo ngayong ipinagdiriwang ang paghahain ng Mesiyas,
ang maamongtupa na tumubos sa aming lahat.

Sa paghahain ng sariling buhay


at sa pagkabuhay ng Anak mong mahal,
nabuksang ganap ang iyong tahanan
at kaming pinaghaharian mo’y naging kasambahay.
Sa pagkamatay niya sa krus,
nalupig ang kamatayan.
Sa kanyang pagkabuhay,
naging buhay siya ng tanan.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

Santo, Santo, Santo …


NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 81

IKATLONG PAGBUBUNYI O PREPASYO


SA PASKO NG PAGKABUHAY

V. Sumainyo ang Panginoon.


R. At sumainyo rin.

V. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


R. Itinaas na namin sa Panginoon.

V. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


R. Marapat na siya ay pasalamatan.

A
Ama naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat na ikaw
ay aming pasalamatan
lalo ngayong ipinagdiriwang ang paghahain ng Mesiyas,
ang maamongtupa na tumubos sa aming lahat.

Naghahaing walang humpay


ang Anak mong minamahal
upang magkasalu-salo ang tanan
sa piging ng iyong buhay.
Hindi na mamamatay ang inihain sa krus.
Ang sa krus ipinako’y buhay lagi bilang handog.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

Santo, Santo, Santo …


82 HANAY NG PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA

IKAAPAT NA PAGBUBUNYI O PREPASYO


SA PASKO NG PAGKABUHAY

V. Sumainyo ang Panginoon.


R. At sumainyo rin.

V. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


R. Itinaas na namin sa Panginoon.

V. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


R. Marapat na siya ay pasalamatan.

A
Ama naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat na ikaw
ay aming pasalamatan
lalo ngayong ipinagdiriwang ang paghahain ng Mesiyas,
ang maamongtupa na tumubos sa aming lahat.

Siya’y talagang maaasahan


at ang katapatan niya sa pananagutan
ay siyang bumago sa dating pamumuhay
sa sangkatauhang namihasa sa pagkasalawahan.
Ang dangal ng tao ay ganap na itinampok
upang mamana namin
sa pakikipagkapatid kay Hesus

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

Santo, Santo, Santo …


NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 83

IKALIMANG PAGBUBUNYI O PREPASYO


SA PASKO NG PAGKABUHAY

V. Sumainyo ang Panginoon.


R. At sumainyo rin.

V. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


R. Itinaas na namin sa Panginoon.

V. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


R. Marapat na siya ay pasalamatan.

A
Ama naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat na ikaw
ay aming pasalamatan
lalo ngayong ipinagdiriwang ang paghahain ng Mesiyas,
ang maamongtupa na tumubos sa aming lahat.

Ang katawan ng Anak mong sa krus nabayubay


ay handog ng pag-ibig na walang kapantay.
Ito ang paghahaing ganap mong kinalugdan.
Ito ang nilunggati ng dating pag-aalay.
Ang buong sarili ng Anak mong si Jesus
ay inihain sa iyo upang kami’y matubos.
Siya ang dambana at paring naghahandog.
Siya pa rin ang tupang handog na ibinukod.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

Santo, Santo, Santo …


84 HANAY NG PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA

IKALAWANG PANALANGIN
NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

A ma naming banal,
ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay
habang siya’y nagdarasal.

Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu


gawin mong banal ang mga kaloob na ito
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang
kanyang dinarasal:

upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo 


ng aming Panginoong Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag nang malinaw at
nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Bago niya pinagtiisang kusang loob


na maging handog,

Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang
kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 85

Bahagyang yuyuko ang pari.

T ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan at Dugo ni Kristo, ipapatong niya ito sa
pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.

Magpapatuloy ang pari.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang
patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis,


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis
sa kanyang mga alagad at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.

T ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.


Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at
luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng pari:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.


86 HANAY NG PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA

Ang mga tao ay magbubunyi:

Aming ipinahahayag
na namatay ang ‘yong Anak,
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat.

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

A ma,
ginagawa namin ngayon ang pag-alala
sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak
kaya’t iniaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.
Kami’y nagpapasalamat
dahil kami’y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo
para maglingkod sa iyo.

Isinasamo naming kaming magsasalu-salo


sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Isa sa mga nakikipagmisa:

A
ma,
lingapin mo ang iyong Simbahang
laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni N., na aming Papa
at ni N., na aming Obispo,
at ng tanang kaparian.
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 87

Isa sa mga nakikipagmisa:

A
lalahanin mo rin
ang mga kapatid naming nahimlay
nang may pag-asang sila’y muling mabubuhay
gayun din ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan.

Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat


na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.
Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos,
ng kanyang Kabiyak ng puso, si San Jose,
kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal
na namuhay dito sa daigdig nang kalugud-lugod sa iyo,
maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri sa ikararangal mo.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng iyong Anak


na aming Panginoong Hesukristo.
Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas habang kanyang
ipinahahayag.

S A PAMAMAGITAN NI KRISTO,
KASAMA NIYA, AT SA KANYA
ANG LAHAT NG PARANGAL AT PAPURI AY SA IYO,
DIYOS AMANG MAKAPANGYARIHAN,
KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.
Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.
88 HANAY NG PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA

IKATLONG PANALANGIN
NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

A
ma naming banal,
dapat Kang purihin ng tanang kinapal
sapagkat sa pamamagitan ng Iyong Anak
na aming Panginoong Hesukristo
at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang lahat ay binibigyan Mo ng buhay at kabanalan.
Walang sawa Mong tinitipon ang Iyong sambayanan
upang mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw
maihandog ang malinis na alay
para sambahin ang Iyong ngalan.

Panawagan sa Diyos.

A
ma,
Isinasamo naming pakabanalin Mo
sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang mga kaloob na ito
na aming inilalaan sa Iyo.
Ito nawa ay maging Katawan at Dugo 
ng Iyong Anak at aming Panginoong Hesukristo
na nag-utos ipagdiwang ang misteryong ito.

Pagsasalaysay at Pagtatalaga.

N
oong gabing ipinagkanulo Siya,
Hinawakan Niya ang tinapay,
pinasalamatan Ka Niya,
pinaghati-hati Niya iyon,
iniabot sa Kanyang mga alagad at sinabi:
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 89

Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas habang kanyang patuloy na inihahayag:

T ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.

lpamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito sa pinggan, at
luluhod siya bilang pagsamba.

Ang pari ay magpapatuloy.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy
na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis,


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis
sa kanyang mga alagad at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang pari:

T
ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:
ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.

Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang
pagsamba. Pagkatapos, ipahahayag ng pari:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.


90 HANAY NG PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA

Ang mga tao ay magbubunyi:

Aming ipinahahayag
na namatay ang ‘yong Anak,
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat.

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

A
ma,
ginugunita namin
ang pagkamatay ng Iyong Anak
na sa ami’y nagligtas,
gayun din ang Kanyang muling pagkabuhay
at pag-akyat sa kalangitan
samantalang ang Kanyang pagbabalik ay pinananabikan,
kaya bilang pasasalamat
ngayo’y aming iniaalay sa Iyo
ang buhay at banal na paghahaing ito.
Tunghayan Mo ang handog na ito
ng Iyong Simbahan.
Masdan Mo ang Iyong Anak
na nag-alay ng Kanyang buhay
upang kami ay ipagkasundo sa Iyo.

Panawagan sa Diyos

L
oobin Mong kaming magsasalu-salo
sa Kanyang Katawan at Dugo
ay mapuspos ng Espiritu Santo
at maging isang katawan at isang diwa kay Kristo.

Pagluhog

K
ami nawa ay gawin Niyang handog
na habang panahong nakatalaga sa Iyo.
Tulungan nawa Niya kaming magkamit ng Iyong pamana
Kaisa ng Ina ng Diyos, ang Mahal na Birheng Maria,
kaisa ng mga Apostol, mga Martir
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 91

ni San Isidro Labrador na aming patrón


at kaisa ng lahat ng mga Banal
na aming inaasahang laging nakikiusap
para sa aming kapakanan.

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

A
ma,
ang handog na ito
ng aming pakikipagkasundo sa Iyo
ay magbunga nawa ng kapayapaan at kaligtasan
para sa buong daigdig.
Patatagin Mo sa pananampalataya at pag-ibig
ang Iyong Simbahang naglalakbay sa lupa,
kasama ng Iyong lingkod na si Papa Benito,
ang aming Obispo na si Luis Antonio,
ng tanang mga Obispo
at buong kaparian
at ng Iyong piniling sambayanan.
Dinggin Mo ang mga kahilingan ng Iyong angkan
na ngayo’y tinipon Mo sa Iyong harapan.

A
mang maawain,
kupkupin Mo at pag-isahin ang lahat ng Iyong mga Anak
sa bawat panig at sulok ng daigdig.
Kaawaan Mo at patuluyin sa Iyong kaharian
ang mga kapatid naming yumao
at ang lahat ng lumisan na sa mundong ito
na nagtataglay ng pag-ibig sa Iyo.
Kami ay umaasang makararating sa Iyong piling
at sama-samang magtatamasa
ng Iyong kaningngingang walang maliw
sapagkat aming masisilayan ang Iyong kagandahan
sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo
na Siyang pinagdaraanan
ng bawat kaloob Mo sa aming kabutihan.
92 HANAY NG PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA

Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas habang kanyang
ipinahahayag.

S A PAMAMAGITAN NI KRISTO,
KASAMA NIYA, AT SA KANYA
ANG LAHAT NG PARANGAL AT PAPURI AY SA IYO,
DIYOS AMANG MAKAPANGYARIHAN,
KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.
Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.

Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 93

ANG PAKIKINABANG
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang may magkadaop na mga
kamay:

S
a tagubilin ng mga nakagagaling na utos
at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas-loob:
Illalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon


ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iIigtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
94 HANAY NG PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa
ganitong pagbubunyi:

Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan


at ang kapurihan magpakailanman! Amen.
Pagkatapos, malakas na darasalin ng pari nakalahad ang mga kamay:

P
anginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya at
huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


Sasagot ang mga tao:

Amen.
Ang pari ay paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa pagpapahayag.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.


Sasagot ant mga tao:

At sumaiyo rin.
Maidaragdag, kung minabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o pari:

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t-ibang pook, ang mga nagsisimba ay mabigbigyan ng


kapayapaan. Ang pari at ang mga tagapaglingkod ay makapagbibigayan ng kapayapaan.
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 95

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at
isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito
ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.
Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog na ito.

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Kordero
ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Kordero
ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, ipagkaloob mo sa
amin ang kapayapaan.

Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling, pag-uulit saka pa
lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.”

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal.

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalananat lahat ng masama,
gawin mong ako’y makasunod lagi sa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot na ako’y mawalay sa iyo kailanman.
o kaya:

Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,


Panginoong Hesukristo,
ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom at
parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig
nawa’y aking matanggap
ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.
96 HANAY NG PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA

Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng
pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo


ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga nakikinabang,
bahagyang itataas ang ostiya para sa bawat nakikinabang habang sinasabi:

Katawan ni Kristo.
Ang nakikinabang ay tutugon:

Amen.
Samantalang nakikinabang ang pari, sisimulan ang awit sa pakikinabang.
NOBENARYO AT KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR 97

Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na huhugasan ng
pari o diyakono o tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng pari, pabulong siyang
magdarasal:

Ama naming mapagmahal,


ang aming tinanggap
ngayon ay amin nawang mapakinabangan
at ang iyong ipinagkaloob
ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingang pangmagpakailanman.

Makababalik ngayon sa upuan ang pari. Makapag-uukol ng ilang saglit na katahimikan o


makaaawit ng papuri o salmo.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Pagkaraan, ang Tagapagdiwang ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana paharap sa
mga nagsisimbang magpahayag:

Manalangin tayo.
Kung di pa nagganap ang tahimik na pagdalangin, ito ay gagawin ngayon, at pagkaraan,
ang panalangin pagkapakinabang ay ipapahayag ng Tagapagdiwang nakalahad ang mga
kamay.
98 HANAY NG PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA

Maisusunod kapag may ipagbibigay-alam, ang mga maiiksing patalastas na sasabihin sa mga
tao.

Pagkatapos, gaganapin ang paghayo. Ang pari na nakalahad ng mga kamay sa mga tao ay
magpapahayag:

Sumainyo ang Panginoon.


Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.
Babasbasan ng pari ang mga tao habang kanyang ipinahahayag.

Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,


Ama at Anak  at Espiritu Santo.

Sasagot ang mga tao:

Amen.

Ang diyakono o ang pari na magkadaop ang mga kamay ay magpapahayag ng paghayo sa
sambayanan:

H
umayo kayong taglay ang kapayapaan
upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.
Sasagot ang mga tao:

Salamat sa Diyos.

Karaniwan, ang dambana ay bibigyang-paggalang sa paghalik dito ng pari at matapos


makapagbigay-pitagan kaisa ng mga tagapaglingkod, siya ay hahayo

You might also like