You are on page 1of 16

|1

Ang Pagdiriwang ng Banal na


Eukaristiya
PAGGUNITA KAY SAN ISIDRO LABRADOR
PANIMULA

PAGBATI

Obispo: Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu


Santo.
Lahat: Amen.

Obispo: Sumainyo ang Kapayapaan.


Lahat: At sumainyo rin.

PAGSISISI

Obispo: Mga kapatid, aminin natin ang ating mga


kasalanan upang tayo’y maging marapat
gumanap sa banal na pagdiriwang.
(sandaling katahimikan)
Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at
sa inyo mga kapatid na lubha akong
nagkasala sa isip, sa salita at sa gawa at
sa aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko
sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng
mga anghel at mga banal at sa inyo mga
kapatid na ako’y ipanalangin sa
Panginoong ating Diyos.

Obispo: Kaawaan tayo ng makapangyarihang


Diyos, patawarin tayo sa ating mga
kasalanan at patnubayan tayo sa buhay na
walang hanggan.
Lahat: Amen.
|2

Obispo: Panginoon, kaawaan mo kami.


Lahat: Panginoon, kaawaan mo kami.

Obispo: Kristo, kaawaan mo kami.


Lahat: Kristo, kaawaan mo kami.

Obispo: Panginoon, kaawaan mo kami.


Lahat: Panginoon, kaawaan mo kami.

Obispo: Gloria in excelsis Deo!

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Obispo: Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan,


ikaw ang may-ari sa tanang kinapal at
ikaw ang tumatawag sa aming
paglilingkod para pangasiwaan ang
tanang umiiral sa sansinukob. Ang
maaasahang pagganap ni San Isidro sa
kanyang pagsasaka ay aming nawang
matularan sa lahat ng aming pagsisikap na
magkaroon ng makakain ang lahat sa
masaganang hapag ng buhay at
maglingkod sa kapakanan ng aming
kapwa-tao sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
mapasawalang hanggan.

Lahat: Amen.
|3

LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA
SALMONG TUGUNAN
MABUTING BALITA
HOMILIYA

PANALANGIN NG BAYAN

Obispo: Binigyan tayo ng Diyos ng isang butihing


patnubay at huwaran sa katauhan ni San
Isidro. Buong kababaang-loob tayong
lumuhog sa ating Diyos at ibulong sa
kanya ang ating mga dalangin. Buong
pagtitiwala nating sabihin:

SA PAMAMAGITAN NI SAN ISIDRO,


PANGINOON, DINGGIN MO KAMI.

Namumuno: Para sa ating Papa Francisco, lahat ng mga Obispo, at mga pari:
Patnubayan nawa sila ng Panginoon at panatilihing banal upang
tulad ni San Isidro, mapangalagaan nila ang sambayanang
ipinagkatiwala sa kanila. Ipanalangin natin sila sa Panginoon. (T)

Namumuno: Para sa lahat ng mga mga pinuno ng ating pamahalaan: manatili


nawa ang tunay na diwa ng kapayapaan sa bawat isa upang
maiwasan ang paghahangad sa kasarinlan at kayamanan ng iba.
Ipanalangin natin sa Panginoon. (T)

Namumuno: Para sa lahat ng mga magulang: Mahalin nawa nila ang kanilang
pamilya at maging mga tunay na saksi ni Kristo sa kanilang
pagtupad sa kanilang tungkulin. Ipanalangin natin sa Panginoon.
(T)

Namumuno: Para sa ating Kristiyanong pamayanan: Pamalagiin nawa natin


ang pagkakaisa at kabanalan na bunga ng inspirasyon natin sa
ating pintakasi upang higit na maging mabunga ang ating
Damayang Kristiyano. Ipanalangin natin sa Panginoon. (T)

Namumuno: Para sa ating lahat na sumasampalataya sa kagandahang-loob ng


Diyos: Tulad ni San Isidro na nanatiling tapat sa Diyos, maging
daan nawa tayo ng pagbibigay-galang sa kapwa at tumingin nawa
tayo hindi sa panlabas kundi sa kagandahan ng kalooban.
Ipanalangin natin sa Panginoon (T)
|4

Obispo: Panginoon naming Diyos, sa iyong pag-ibig


kami umaasa. Patuloy mo kaming kalingain
alang-alang sa mga panalangin ng iyong
lingkod na si San Isidro. Hinihiling namin ito
sa pamamagitan ni Kristong Anak mo at
aming Panginoon.
Lahat: Amen.

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN


PAGHAHAIN NG MGA ALAY

Hahawakan ng pari ang pinggan ng tinapay nang bahagyang


nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong
Obispo: Kapuri-puri ka Diyos Amang lumikha sa sanlibutan. Sa
iyong kagandahang-loob narito ang aming maiaalay. Mula
sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito
para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

Lahat: Kapuri-puri ang Poong Maykapal, ngayon at kailanman

Ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig habang dinarasal


nang pabulong

Obispo: Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo na
nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.

Obispo: Kapuri-puri ka Diyos Amang lumikha sa sanlibutan. Sa


iyong kagandahang-loob narito ang aming maiaalay. Mula
sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na
ito para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.

Lahat: Kapuri-puri ang Poong Maykapal, ngayon at kailanman

Obispo: Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga


makasalanan. Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang
handog upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang
buong puso.

Ang pari ay maghuhugas ng kanyang kamay habang dinarasal nang


pabulong

O Diyos kong minamahal, kasalanan ko’y hugasan at


linisin mong lubusan ang nagawa kong pagsuway.
|5

Ang pari ay haharap sa dambana nang nakalahad ang mga kamay


habang ipinahahayag

Obispo: Manalangin kayo mga kapatid upang ang


paghahain natin ay kalugdan ng Diyos
Amang makapangyarihan.
Lahat: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga
kamay, sa kapurihan niya at karangalan, sa ating
kapakinabangan at sa buong sambayanan niyang banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Obispo: Ama naming lumikha


pagpalain mo ang mga alay na bunga ng
pagtatanim at pag-aani ng mga
magsasakang kagaya ni San Isidro. Ang
pinagpaguran nila sa tag-ulan at tag-araw
ay siya nawang maging pagkain at
inuming sa amin ay nagbibigay-buhay
sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng
Espiritu Santo mapasawalang hanggan.

Lahat: Amen.

PREPASYO

Obispo: Sumainyo ang Panginoon.

Lahat: At sumainyo rin.

Obispo: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa


|6

Lahat: Itinaas na namin sa Panginoon.

Obispo: Pasalamatan natin ang Panginoong ating


Diyos.
Lahat: Marapat na siya ay pasalamatan.

Obispo: Ama naming makapangyarihan, tunay


ngang marapat na ikaw ay aming
pasalamatan.

Ang pagpaparangal sa iyong kabutiha’y


lagi mong pinaaalingawngaw sa iyong
sambayanan sa pagkakaroon ng mga
kaanib na maaasahan at tapat, tulad mo,
sa pananagutan. Upang magbunga ang
punyagi ng iyong Anak na sa iyong pag-
ibig kami’y makatulad ang mga banal na
tao’y tumutulong sa lahat sa pagbibigay-
halimbawa’t panalanging wagas.

Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisi-awit


ng papuri sa iyo nang walang humpay sa
kalangitan, kami’y nagbubunyi sa iyong
kadakilaan:
(AAWITIN ANG SANTO)
|7

IKALAWANG PANALANGIN NG PAGPUPURI AT


PASASALAMAT

Nakalahad ang kamay ng pari sa pagdarasal

Ama naming banal,


ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng


mga kamay niya ang mga alay habang siya’y nagdarasal

Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu


gawin mong banal ang mga kaloob na ito
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya
ang tinapay at kalis samantalang kanyang dinarasal

upang para sa ami’y maging Katawan at


Dugo  ng aming Panginoong Jesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod ng


pangungusap ay ipahahayag nang malinaw at nauunawaan ng
tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito

Bago niya pinagtiisang kusang loob


na maging handog

Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa


ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy ng inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon.
iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang pari:


|8

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT


KANIN: ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan at
Dugo ni Kristo, ipapatong niya ito sa pinggan, at luluhod siya
bilang pagsamba.

Ang pari ay magpapatuloy

Gayun din naman, noong matapos ang


hapunan,
Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa
ibabaw ng dambana habang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis


muli ka niyang pinasalamatan
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga
alagad at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang pari:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT


INUMIN: ITO ANG KALIS NG AKING
DUGO NG BAGO AT WALANG
HANGGANG TIPAN, ANG AKING DUGO
NA IBUBUHOS PARA SA INYO AT PARA
SA LAHAT SA IKAPAGPAPATAWAD NG
MGA KASALANAN. GAWIN NINYO ITO
SA PAG-ALALA SA AKIN.
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang
patungan ng Katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang
pagsamba.

Pagkatapos ay ipahahayag ng pari

Obispo: Ipagbunyi natin ang misteryo ng


pananampalataya.
|9

(Si Kristo’y namatay, si Kristo’y nabuhay, si Kristo’y babalik sa wakas ng


panahon)

Ilalahad ng Obispo ang kanyang mga kamay samantalang siya ay


nagdarasal

Ama, ginagawa namin ngayon ang pag-


alala sa pagkamatay at muling
pagkabuhay ng iyong Anak kaya’t iniaalay
namin sa iyo ang tinapay na nagbibigay-
buhay at ang kalis na nagkakaloob ng
kaligtasan. Kami’y nagpapasalamat dahil
kami’y iyong minarapat na tumayo sa
harap mo para maglingkod sa iyo.

Isinasamo naming kaming magsasalu-salo


sa Katawan at Dugo ni Kristo ay mabuklod
sa pagkakaisa sa pamamagitan
ng Espiritu Santo

Ama, lingapin mo ang iyong Simbahang


laganap sa buong daigdig. Puspusin mo
kami sa pag-ibig kaisa ni N. na aming
Papa, ni N. na aming Obispo
at ng tanang kaparian.

Alalahanin mo rin ang mga kapatid naming


nahimlay nang may pag-asang sila’y
muling mabubuhay gayundin ang lahat ng
mga pumanaw. Kaawaan mo sila at
patuluyin sa iyong kaliwanagan. Kaawaan
mo at pagindapatin kaming lahat na
| 10

makasalo sa iyong buhay na walang


wakas.

Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng


Diyos at ng kabiyak ng pusong si San Jose,
kaisa ng mga apostol, ni San Isidro at ng
lahat ng mga banal na namuhay dito sa
daigdig nang kalugud-lugod sa iyo,
maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri
sa ikararangal mo sa pamamagitan ng
iyong Anak na aming Panginoong
Hesukristo.

Itataas ng pari ang pinggang may Ostiya at ang kalis habang


kanyang binibigkas

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya at


sa kanya ang lahat ng parangal at papuri
ay sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang
hanggan.
Lahat: Amen

PAKIKINABANG
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari
nang may magkadaop na kamay

Obispo: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at
Diyos ipahayag natin nang lakas-loob:

AMA NAMIN

Magpapatuloy ang pari nang nakalahad ang mga kamay.

Obispo: Hinihiling naming


kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng
| 11

kapahamakan samatalang aming


pinananabikan ang dakilang araw ng
pagpapahayag ng tagapagligtas naming si
Hesukristo.

Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa ganitong


pagbubunyi:
Lahat: Sapagka’t sa iyo ang kaharian
at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailan man! Amen.

Malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

Obispo: Panginoong Jesukristo,


sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko
sa inyo.” Tunghayan mo ang aming
pananampalataya at huwag ang
aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay:

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang


hanggan.

Lahat: Amen.

PAGBATI NG KAPAYAPAAN

Obispo: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging


sumainyo.
Lahat: At sumaiyo rin.

Obispo: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t-


isa.
| 12

Alinsunod sa kaugalian ay magbibigayan ng kapayapaan ang


bawat isa.
Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya
ito sa ibabaw ng pinggan at
isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang
dinarasal:

Obispo: Sa pagsasawak na ito


ng Katawan at Dugo ng aming Panginoong Jesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.

(AAWITIN ANG KORDERO NG DIYOS)

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal

Obispo: Panginoong Jesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng
masama, gawin mong ako’y makasunod lagi sa iyong
mga utos, at huwag mong ipahintulot na ako’y
mawalay sa iyo kaylan man.
o kaya:
Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,
Panginoong Jesukristo,
ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom at
parusa sa kasalanan ko. Alang-alang sa iyong
dakilang pag-ibig nawa’y aking matanggap ang
pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.

Luluhod ang pari at pagkatayo niya ay kanyang hahawakan ang


ostiya na itataas sa ibabaw ng pinggan, haharap sa tao at
malakas na sasabihin:

Obispo: Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-


aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
| 13

Mapapalad ang tumatanggap sa kanyang


piging.

Lahat: Panginoon hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo,


ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana


habang pabulong na nagdarasal

Obispo: Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo para


sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo


Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na
magdarasal

Obispo: Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo para sa


buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo
Lahat: Amen.

PAKIKINABANG

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Obispo: Manalangin tayo.

Ama naming mapagmahal,


ipinagpapasalamat namin itong aming
pagsasalo sa tanim at ani ng mga
magsasakang tulad ni San Isidro na iyong
idinangal. Ang kanyang malasakit na
paglingkuran ka at ang kapwa ay siya
nawang umiral sa aming pagsisikap na
Hainan ang lahat ng iyong bigay na
kakanin sa araw-araw sa pamamagitan ni
Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
mapasawalang hanggan.
| 14

Lahat: Amen.

Namumuno: Magsiluihod po ang lahat at ating ating dasalion


ang panalangin para kay San Isidro Labrador ang ating Butihing
patron.

Panalangin para kay San Isidro Labrador


Patron ng Magsasaka

Ama naming makapangyarihan,


Ikaw ang may-ari sa tanang kinapal at ikaw ang
tumawag sa aming paglilingkod para pangasiwaan ang
tanang umiiral sa Sansinukob.Ang may kababaang-loob at
maaasahang paganap ni
San Isidro sa kanyang pagsasaka ay amin nawang
matularan sa lahat ng aming pasisikap
na mag karoon ng makakain ang lahat sa masaganang
hapag ng buhay at maglingkod sa kapakanan ng aming
kapwa tao ipahintulot mo na ang aming gawain sa araw-
araw at maging panalangin ng papuri sa iyong karangalan sa
| 15

pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo


magpasawalang hanggang.

Lahat: Amen.

Tutungo ang Obispo at ang mga tagapaglingkod ng Dambana upang basbasan


ang Imahen ni Apu San isidro

Namumuno: Magsi upo po ang lahat para sa ilang pabatid


at pasasalamat.

MARINGAL NA PAGBABASBAS

Obispo: Sumainyo ang Panginoon.


Lahat: At sumainyo rin

Obispo: Yumuko kayo at hingin ang pagpapala ng


Diyos. (Tumahimik)
Ama naming mapagpala,pagkalooban mo
ng tatag ng kalooban ang iyong
sambayanan upang mamalaging tapat sila
sa pagsunod sa iyo katulad ni San Isidro
at maligayang magkamit ng gantimpala sa
kaharian mo sa pamamagitanh ni
Jesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
| 16

Lahat: Amen.

Obispo:

Obispo: Pagpalain kayo ng makapangyarihang


Diyos,  Ama at Anak at Espiritu Santo.

Lahat: Amen.

PAGWAWAKAS
Obispo: Tapos na ang misa, humayo kayong
mapayapa.

Lahat: Salamat sa Diyos.

You might also like