You are on page 1of 21

1

PASIMULA

Kapag natitipon na ang sambayanan, ang pari at mga tagapaglingkod ay lalakad


patungo sa dambana samantalang ang awiting pambungad ay ginaganap.

Pambungad: Pahayag 21, 2

Nakita ko’t napagmasdan


ang bagong lunsod na banal
lunsod ng kapayapaan
na galing sa kalangitan
bilang kabyak ng Maykapal

Ipahahayag ng paring nakaharap sa mga tao:

Sa ngalan ng (+) Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Sasagot ang mga tao:

Amen.

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay bilang pagbati sa mga tao, habang
ipinahahayag:

Sumainyo ang Panginoon.

Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.

Ang pari o ang diyakono o sinumang angkop na tagapaglingkod ay


makapagbibigay ng maikling paliwanag tungkol sa buod ng Misang ipagdiriwang.

Mga kapatid, tuwing sasapit ang ikawalo ng Setyembre, isa


sa pinakamahalagang araw para sa atin bilang isang
sambayanan ay ang taunang paggunita sa pagtatalaga sa
dambana at bahay-dalanginan ng Simbahan ng ating
Parokya para sa Diyos, para sa ikababanal ng kanyang
sambayanan.

Bakit mahalaga ito? Sapagkat ito'y patotoo na tayong lahat


bilang isang simbahan ay itinatalaga sa Panginoon, tayo ang
katawan at siya ang ulo. Ang simbahang gusali ay simbolo
lamang ng tunay na simbahan -- ang mga tao, ang mga
2
biyagan, ang buong sambayanang nagkakatipun-tipon sa
ngalan ng Panginoon.

PAGSISISI SA KASALANAN

Susunod na gaganapin ang pagsisisi sa kasalanan. Aanyayahan ng pari ang mga


tao:

Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang


tayo’y maging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang.

Magkakaroon ng saglit na katahimikan. Pagkatapos nito, lahat ay sabay-sabay na


aamin sa nagawang kasalanan.

Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos,


at sa inyo, mga kapatid,
na lubha akong nagkasala

Ang lahat ay dadagok sa dibdib.

sa isip, sa salita, sa gawa


at sa aking pagkukulang.
Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo,
mga kapatid, na ako’y ipanalangin
sa Panginoong ating Diyos.

Ipahahayag ng pari ang pagpapatawad:

Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo


sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na
walang hanggan.

Sasagot ang mga tao:

Amen.

Isusunod ang mga pagluhog na ”Panginoon, kaawaan mo kami,” maliban kapag


naganap na ito kaugnay ng ibang paraan ng pagsisisi sa kasalanan:

Pari: Panginoon, kaawaan mo kami.


Bayan: Panginoon, kaawaan mo kami.

3
Pari: Kristo, kaawaan mo kami.
Bayan: Kristo, kaawaan mo kami.

Pari: Panginoon, kaawaan mo kami.


Bayan: Panginoon, kaawaan mo kami.

Pagkatapos nito, kapag nakatakda, aawitin o darasalin ang awit na Papuri sa


Diyos sa kaitaasan.

PAPURI

Papuri sa Diyos sa kaitaasan


at sa lupa’y kapayapaan
sa mga taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin,
dahil sa dakila mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos,
Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos,
Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan, maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.
Sapagka’t ikaw lamang ang banal,
ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo,
ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.

PANALANGING PAMBUNGAD

Pagkaraan ng awit, magkadaop ang mga kamay na ipahahayag ng pari:

Manalangin tayo.

4
Ang lahat kaisa ng pari ay tahimik na mananalangin nang saglit. Pagkalipas ng
ilang sandali, ilalahad ng pari ang kanyang kamay at ipahahayag ang panalanging
pambungad.

Ama naming makapangyarihan,


mula sa mga buhay at piniling bato
ikaw ay nagtayo ng dakila at walang maliw na tahanan mo
Pag-ibayuhin mo ang paglukob
ng Espiritu ng iyong kagandahang-loob
sa iyong sambayanan
upang kami’y lalong sumulong
bilang iyong lunsod ng kapayapaan sa kalangitan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:

Amen.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Sa Unang Pagbasa, ipinapahayag ni Haring Solomon ang kadakilaan at katapatan


ng Panginoon sa mga taong nanatiling tapat sa kanya, kasabay ng panalangin na
huwag iwaglit sa paningin ang templong kanyang itinayo yamang ang Panginoon
na din ang may sabi na ang pangalan niya ay mamalagi roon.

Pagbasa I 1 Hari 8, 22-23. 27-30

Ang Salita ng Diyos mula sa unang aklat ng mga Hari

Noong mga araw na iyon, tumindig si Solomon sa harap ng


dambana ng Panginoon. Itinaas niya ang mga kamay, at nanalangin ng
ganito: “Panginoon, Diyos ng Israel, sa langit at sa lupa’y walang ibang
Diyos na tulad ninyo. Tapat kayo sa inyong mga pangako sa inyong
mga alipin; walang maliw ang pag-ibig na ipinadadama ninyo sa kanila
habang sila’y nananatiling tapat sa inyo.
Maari bang manirahan sa lupa ang Diyos? Kung ang langit, ang
kataas-taasang langit, ay di sapat na maging tahanan ninyo, ito pa
kayang hamak na tahanang aking itinayo! Gayunman, dinggin ninyo
ang dalangin at pagsamo ng inyong alipin, O Panginoon, aming Diyos.
Dinggin ninyo sa araw na ito ang panawagan ng inyong alipin. Huwag
ninyong iwaglit sa inyong paningin araw-gabi ang Templong ito,
yamang kayo ang may sabi na ang pangalan ninyo’y mamamalagi rito.

5
Sa gayun maririnig ninyo ang bawat dalangin ng inyong alipin tuwing
mananalangin sa pook na ito.
“Dinggin ninyo ang inyong alipin at ang inyong bayan tuwing
kami’y mananalangin sa lugar na ito. Dinggin ninyo kami buhat sa
inyong luklukan sa langit at patawarin ninyo kami!”

Ang Salita ng Diyos.

Sasagot ang lahat

Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 83, 3. 4. 5-6a at 8a (Tugon: Pahayag 21, 3b)

Tugon (1a): Ang Diyos ay nananahan sa piling ng kanyang bayan.

Nasasabik ang lingkod mong sa patyo mo ay pumasok,


Ang buo kong pagkatao’y umaawit na may lugod,
Sa masayang pag-awit ko pinupuri’y buhay na Diyos,

Tugon (1a): Ang Diyos ay nananahan sa piling ng kanyang bayan.

Panginoon, sa templo mo, mga maya’y nagpupugad, maging ibong


layang-layang sa templo mo’y nagagalak.
May inakay na kalinga sa tabi ng iyong altar;
O Poon, hari namin at Diyos na walang kupas.

Tugon (1a): Ang Diyos ay nananahan sa piling ng kanyang bayan.

Mapalad na masasabi, silang doo’y tumatahan


At palaging umaawit, nagpupuring walang hanggan. Basbasan mo,
Panginoon, yaong hari naming mahal, pagpalain mo po siya yamang
ikaw ang humirang.

Tugon (1a): Ang Diyos ay nananahan sa piling ng kanyang bayan.

Kahit isang araw lamang, gusto ko pa sa templo mo, kaysa isang libong
araw na iba ang tahanan ko.
Gusto ko pang maging bantay sa pinto ng iyong templo, kaysa ako’y
mapasama sa masasamang mga tao.

6
Tugon (1a): Ang Diyos ay nananahan sa piling ng kanyang bayan.

Sa Ikalawang Pagbasa, ipinahahayag sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-


Efeso na sa pamamagitan ng Panginoon, nagkakaugnay-ugnay ang bawat bahagi
ng gusali at nagiging isang templong banal.

Pagbasa II Efeso 2, 19-22

Ang Salita ng Diyos mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga


taga-Efeso

Mga kapatid, hindi na kayo dayuhan o taga-ibang bansa, kundi


kababayan ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang
sambahayan. Kayo’y itinayo rin sa saligan ng mga apostol at mga
propeta, na ang batong panulukan ay si Kristo Hesus. At sa
pamamagitan niya, nagkakaugnay-ugnay ang bawat bahagi ng gusali at
nagiging isang templong banal. Dahil din sa inyong pakikipag-isa sa
kanya, kayo ma’y kasama nilang naging bahagi sa tahanan ng Diyos sa
pamamagitan ng Espiritu.

Ang Salita ng Diyos.

Sasagot ang lahat

Salamat sa Diyos.

Tatayo ang lahat at aawitin ang Aleluya.

ALELUYA: Isaias 66:1

Aleluya! Aleluya!
Ang trono ko’y kalangitan
daigdig aking tuntungan,
templo ko ang sanlibutan.
Aleluya! Aleluya!

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay bilang pagbati sa mga tao, habang
ipinahahayag:

Sumainyo ang Panginoon.

Sasagot ang mga tao:

7
At sumaiyo rin.

Ipapahayag ng pari:

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Samantala’y kukrusan niya ang aklat, ang kanyang noo, ang kanyang bibig, at ang
kanyang dibdib.

Sasagot ang mga tao:

Papuri sa iyo, Panginoon.

Mabuting Balita Juan 2: 13-22

MALAPIT na ang Paskuwa ng mga Judio kaya’t pumunta si


Hesus sa Jerusalem. Nakita niya sa templo ang mga nagbibili ng baka,
mga tupa, at mga kalapati, at ang namamalit ng salapi. Gumawa siya ng
isang panghagupit na lubid at ipinagtabuyang palabas ang mga
mangangalakal, pati mga baka at tupa. Isinabog niya ang ang salapi ng
mga namamalit at pinagtataob ang kanilang mga hapag. Sinabi niya sa
mga nagbibili ng kalapati, “Alisin ninyo rito ang mga iyan! Huwag
ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama! Naalaala ng
kanyang mga alagad na sinasabi ng Kasulatan, “Ang aking malasakit sa
iyong bahay ay parang apoy na nag-aalab sa puso ko.”
Dahil dito’y tinanong siya ng mga Judio, “Anong tanda ang
maiibigay mo upang patunayang may karapatan kang gawin ito?”
Tumugon si Hesus, “Gibain ninyo ang templong ito at muli kong
itatayo sa loob ng tatlong araw.” Sinabi ng mga Judio, “Apatnapu’t
anim na taon na ginawa ang templong ito, at itatayo mo sa loob lamang
ng tatlong araw?”
Ngunit ang templong tinutukoy ni Hesus ay ang kanyang
katawan. Kaya’t nang siya’y muling mabuhay, naalaala ng kanyang
mga alagad na sinabi niya ito; ay naniwala sila sa Kasulatan at sa mga
sinabi ni Hesus.

Ipapahayag ng pari:

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Sasagot ang mga tao:

Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

8
Hahalikan ang aklat habang dinarasal ng pabulong:

Magbunga nawa itong pagpapahayag ng Mabuting Balita ng


pagkapawi ng mga kasalanan.

HOMILIYA

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa


lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya ako
kay JesuKristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating
lahat.

Ang lahat ay yuyuko.

Nagkatawang tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak


ni Santa Mariang Birhen.

Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay,


inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may
ikatlong araw nabuhay na maguli. Umakyat sa langit.
Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa
lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa
nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya
naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang
Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng
mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na
tao at sa buhay na walang hanggan. Amen.

PANALANGIN NG BAYAN

Sisimulan ng pari ang Panalangin mula sa kanyang upuan:

Sa pamamagitan ni Hesus na nag-aanyaya sa atin na lumapit


sa Ama sa espiritu at katotohanan, ilapit natin sa Diyos ang
ating mga panalangin. Buong pagtitiwala nating idalangin:
PANGINOON, DINGGIN ANG IYONG SAMBAYANAN.

Ang mga luhog ay ihahayag sa ambo.

9
L – Para sa Simbahan, walang pagod nawa niyang ipakilala si
Hesukristo sa sambayanan upang pawiin ang kanilang pagkauhaw sa
pananampalataya at katotohanan. Manalangin tayo sa Panginoon:

T - PANGINOON, DINGGIN ANG IYONG SAMBAYANAN.

L – Para sa mga namumuno sa gobyerno ibalik nawa nila ang tiwala sa


pamahalaan sa pamamagitan ng mahusay at tapat na paglilingkod.
Manalangin tayo sa Panginoon:

T - PANGINOON, DINGGIN ANG IYONG SAMBAYANAN.

L – Para sa pamilya sa buong mundo, ingatan nawa ng mga magulang


ang kapakanan ng kanilang mga anak. Nawa ang kanilang pagkauhaw
sa modernong kaalaman ay hindi humantong sa kanilang pagkaligaw
ng landas. Manalangin tayo sa Panginoon:

T - PANGINOON, DINGGIN ANG IYONG SAMBAYANAN.

L – Para sa lahat ng kristiyano, sila nawa tumulong at ipadama ang


pagdamay at pagkalinga sa mga matatanda, mga may kapansanan, mga
nangungulila at mga walang pag-asa. Manalangin tayo sa Panginoon:

T - PANGINOON, DINGGIN ANG IYONG SAMBAYANAN.

L – Para sa lahat ng naglaan ng kanilang oras, talino at yaman sa


paglilingkod at pagsasaayos ng simbahang ito, sila nawa ay
gantimpalaan ng Panginoon sa kanilang pagpapagal . Manalangin tayo
sa Panginoon:

T - PANGINOON, DINGGIN ANG IYONG SAMBAYANAN.

L– Para sa mga yumao nating kapatid, kamag-anak, kaibigan at mga


tagapagtangkilik sa pangangailangan. Sila nawa ay gantimpalaan sa
langit dahil sa kanilang kabutihan. Manalangin tayo sa Panginoon:

T - PANGINOON, DINGGIN ANG IYONG SAMBAYANAN.

L– Para sa ating lahat na natitipon ngayon, iwaksi natin ang


kasinungalingan ng mundong ito upang matagpuan natin ang
katotohanan ng Panginoon sa gayon ang ating espiritu ay maging banal
tulad niya. Manalangin tayo:

10
T - PANGINOON, DINGGIN ANG IYONG SAMBAYANAN.

Wawakasan ng pari ang panalangin:

Amang Mapagmahal, pakinggan mo ang panalangin ng


iyong sambayanan, manatili nawa kaming sumasamba sa
espiritu at katotohanan bilang mga tunay na simbahan na
naglalakbay patungo sa tahanan namin sa piling mo sa
pamamagitan ni Jesukristo kasama ng Epiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Sasagot ang mga tao:

Amen.

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

Pagbalik ng pari sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang kamay
sa mga tao at muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:

Manalangin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang
makapangyarihan.

Sasagot ang mga tao:

Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga


kamay sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Ama naming Lumikha,


tanggapin mo ang paghahaing ito
at ipagkaloob mo sa mga nananalangin sa iyo
ang lakas na dulot ng pakikinabang sa mga inaalay dito
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Sasagot ang mga tao:

Amen.

11
PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT II

Pari: Sumainyo ang Panginoon


Bayan: At sumaiyo rin.

Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon.

Pari: Pasalamatan natin ang Panginoong


ating Diyos.
Bayan: Marapat na siya ay pasalamatan.

PAGGUNITA SA LABAS NG SIMBAHANG ITINALAGA


(Ang Misteryo ng Sambayanan ang Kabyak ng Dibdib ni Kristo at tahanan ng
Espiritu)

Ama naming makapangyarihan,


tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan.
Minarapat mong manahan sa bahay dalanginang
itinayo para sa iyo upang kami’y mahubog mo bilang
tahanan ng iyong Espiritu
na maikapagkakapuri mo sa pagtataglay
in iyong sariling kariktan.
Itinalaga mo sa iyong kabanalan ang gusaling kababanaagan
ng iyong tinipong sambayanang
kaisa ng Anak mo palagi
nang makapagluwal ng mga kasapi
na sa iyo’y sasapit ng maluwalhati.
Kaya kaisa ng mga anghel
na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan.

Magbubunyi ang mga tao:

Santo santo santo


Diyos makapangyarihan
Napupuno ang langit at lupa
ng kadakilaan mo
Hosana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito

12
sa ngalan ng Panginoon
Hosana sa kaitaasan!

IKALAWANG PANALANGIN NG PAGPUPURI AT


PAGPAPASALAMAT

Nakalahad ang mga kamay ng punong tagapagdiwang sa pagdarasal.

Ama naming banal,


Ikaw bukal ng tanang kabanalan

Pagdaraupin ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at lulukuban ng


mga kamay niya ang mga alay habang siya’y nagdarasal.

Kayat sa pamamagitan ng iyong Espiritu


gawin mong banal ang mga kaloob na ito

Pagdaraupin ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at kukrusan


niya ang tinapay at kalis, samantalang kanyang dinarasal.

Upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo +


ng aming Panginoong Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag


nang malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga
ito.

Bago niya pinagtiisang kusang-loob na maging handog

Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang tinapay nang bahagyang nakaangat sa


ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang punong tagapagdiwang.

13
TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:
ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.

Ipapamalas niya ang tinapay, ipapatong niya ito sa pinggang patungan ng


katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos ipahahayag ng punong tagapagdiwang.

Gayun din naman, pagkatapos ng hapunan,

Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang nakataas sa


ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis,


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya iyon sa kanyang mga alagad,
at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang punong tagapagdiwang.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN: ITO


ANG KALIS NG AKING DUGO NG BAGO AT WALANG
HANGGANG TIPAN, ANG AKING DUGO NA
IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT SA
IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN. GAWIN
NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.

Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng katawan
ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba. Pagkatapos, ipahahayag ng
punong tagapagdiwang:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

Ang mga tao ay magbubunyi:

Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

Ilalahad ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay samantalang siya ay


nagdarasal:

14
Ama,
Ginagawa namin ngayon ang pag-alalala
Sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak Kaya’t
inaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.

Kami’y nagpapasalamat dahil kami’y iyong minarapat na


tumayo sa harap mo para maglingkod sa iyo.
Isinisamo naming kaming magsasalo-salo Sa katawan at
dugo ni Kristo ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo

Ama,
lingapin mo ang iyong simbahang laganap sa buong daigdig
puspsusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni Francsico na aming Papa
at ni Dennis na aming Obispo at ng tanang kaparian.

Alalahanin mo rin ang kapatid


naming nahimlay nang may pag-asang sila’y muling
mabubuhay gayun din ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan.
Kaawan mo’t pagindapatin kaming lahat na makasalo sa
iyong buhay na walang wakas.
Kaisa ng mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos,
si San Jose na kabiyak ng kanyang puso
kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal na nabuhay
dito sa daigdig, nang kalugod-lugod sa iyo, maipagdiwang
nawa namin ang pagpupuri sa ikararangal mo.

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo


na siyang pinagdaraanan
ng bawat kaloob mo sa aming kabutihan.

Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang patena at kalis at itataas habang


binabanggit.

Sa pamamagitan ni Kristo kasama niya, at sa kanya ang


lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,

15
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.

ANG PAKIKINABANG

Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng tagapagdiwang nang


may magkadaop na mga kamay:

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na


Panginoon natin at Diyos ipahayag natin nang lakas-loob:

Ilalahad ng tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng


lahat

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan
mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At
patawarin mo kami sa aming mga sala para nang
pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin. At huwag mo
kaming ipahintulot sa tukso. At iadya mo kami sa lahat ng
masama.

Nakalahad ang mga kamay ng tagapagdiwang sa pagdarasal:

Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama,


pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalang aming
pinananabikan ang dakilang araw ng pagpapahayag ng
Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang


panalangin sa ganitong pagbubunyi:

Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang


kapurihan magpakailanman! Amen.

Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

16
Panginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya at huwag ang
aming mga pagkakasaIa. Pagkalooban mo kami ng
kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawaIang hanggan.

Sasagot ang mga tao:

Amen.

Ang tagapagdiwang ay paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng


mga kamay sa pagpapahayag.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.

Maidaragdag, kung minabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o


tagapagdiwang:

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t-ibang pook, ang mga nagsisimba ay


mabigbigyan ng kapayapaan. Ang tagapagdiwang at ang mga tagapaglingkod ay
makapagbibigayan ng kapayapaan.

Pagkatapos, hahawakan ng tagapagdiwang ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa


ibabaw ng pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang
dinarasal:

Sa pagsasawak na ito ng Katawan sa Dugo ng aming


Panginoong Hesukristo tanggapin nawa namin sa
pakikinabang ang buhay na walang hanggan.

Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang


pagluhog na ito.

17
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling


pag-uulit saka pa lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin ang
kapayapaan.”

Magkadaop ang mga kamay ng tagapagdiwang sa pabulong na pagdarasal.

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay, sa


kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo, binuhay mo sa
iyong pagkamatay ang sanlibutan. Pakundangan sa iyong
banal na Katawan at Dugo, iadya mo ako sa tanang aking
kasalanan at lahat ng masama, gawin mong ako’y
makasunod lagi sa iyong mga utos, at huwag mong
ipahintulot na ako’y mawaIay sa iyo kailanman.

Luluhod ang tagapagdiwang at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na


itataas sa ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga


kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa
kanyang piging.

Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo ngunit


sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Siya’y makikinabang ng magalang at nakayuko sa dambana habang patuloy na


nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng katawan ni Kristo patungo sa


buhay na walang hanggan.

18
Mapitagan niyang tatanggapin ang katawan ni Kristo.

Ipagsanggalang nawa ako ng dugo ni Kristo patungo sa


buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang dugo ng Kristo.

Pagkapakinabang bibigyan niya ang sambayanan ng katawan ni Kristo.

Katawan ni Kristo.

Sasagot ang tao:

Amen.

Pagkapakinabang ng lahat ipahahayag ng punong tagapagdiwang ang panalangin


pagkatapos ng komunyon.

PAKIKINABANG

Pakikinabang: 1 Pedro 2,8

Waring mga batong buhay


ng tahanan ng Maykapal
kayo ay pinanahanan
ng Diyos Espiritung Banal
upang Ama’y paglingkuran.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Ang pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana at paharap sa mga


nagsisimbang magpapahayag:

Manalangin tayo.

Kung di pa nagaganap ang tahimik na pagdalangin, ito ay gagawin ngayon, at


pagkaraan, ang Panalangin Pagkapakinabang ay ipahahayag ng paring
nakalahad ang mga kamay.

Ama naming mapagmahal,


niloob mong ang lunsod ng kapayapaan sa langit
ay aming mabanaagan
sa nakikita naming Sambayanan mo sa lupang ibabaw.
Ipagkaloob mong sa aming pakikinabang
19
kami'y panahanan ng iyong kagandahang-loob
at ang tahanan ng iyong kadakilaan
sa langit ay aming mapasok
sa pamamagitan ni Jesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Sasagot ang tao:

Amen.

PAGHAYO SA PAGWAWAKAS

Maisusunod, kapag may ipagbibigay-alam, ang mga maikling patalastas na


sasabihin sa mga tao.

Pagkatapos, gaganapin ang paghayo. Ang paring nakalahad ng mga kamay sa


mga tao ay magpapahayag:

Sumainyo ang Panginoon.

Sasagot ang mga tao.

At sumaiyo rin.

Ang diyakono o ang pari na rin kapag walang diyakono ang magpapahayag ng
paanyaya:

Magsiyuko tayo habang iginagawad ang pagbabasbas.

Babasbasan ng pari ang mga tao habang kanyang ipinahahayag:

Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, Ama at Anak +


at Espiritu Santo.

Sasagot ang mga tao.

Amen.

Ang diyakono o ang paring magkadaop ang mga kamay ay magpapahayag ng


paghayo sa sambayanan:

Taglayin ninyo sa inyong pag-alis ang kapayapaan ni Kristo.

Sagot ng mga nagsisimba.

20
Salamat sa Diyos.

21

You might also like