You are on page 1of 7

ANG PAGDRIWANG NG DAAN NG KRUS

(TRADISYUNAL)

(Amen, amen dico vobis: Nisi granum frumenti cadens in terram mortuum fuerit, ipsum solum manet; si autem mortuum
fuerit, multum fructum affert.)

PASTORAL MINISTRY FOR LITURGICAL AFFAIRS


CATHOLIC SCHOOL OF PACITA

CSP-NBL Education System


Minadanao Drive, Stage V, Macaria Village,

Binan, Laguna

2015

MAIKLING PALIWANAG
Ang Daan ng Krus ay matagal nang tradisyon ng Inang Simbahan. Sa Jerusalem, lalo na sa kapanahunan ng mga Mahal
na Araw, ang mga tao ay humihimpil sa mga lugar kung saan ang Panginoon ay nangaral, nagpakasakit, namatay, at
muling nabuhay. Ang mga halimbawa nito ay ang mga ritwal ng prusisyon sa pagbabasbas ng mga palaspas tuwing
Domingo de Ramos nagmula sa matandang kaugalian sa Jerusalem na kung saan kanilang muling binabagtas ang landas
ng Panginoon.
Sa Roma ang mga Simbahang Himpilan (Stational Churches) ay itinakda sa ibat-ibang araw ng Kuwaresma upang
puntahan ng mga tao at mamintuho sa mga relikya ng mga martir na nakalagay sa mga dambana ng mga simbahang ito.
Ang mga banal na nagpakita ng kabayanihan at tatag sa pananampalataya ay tila muling nangungusap sa mga
mananampalataya sa makabagong panahon upang sila man ay sumaksi sa pananampalataya tulad ng mga banal na
kanilang kinikilala.
Magmula noong ikalabingdalawang siglo, may mga salaysay ukol sa mga sundalong nanggaling sa Krusada sa Jerusalem
na nagtatayo ng mga istasyon ng Krus sang-ayon sa mga lugar na kanilang namasdan sa Palestina. Sa kanilang
pagbabalik sa lupang pinanggalingan, nais nilang maipagpatuloy ang debosyon ng paggunita at pagdalaw sa mga banal
na lugar sa pamamagitan ng paglalagay ng mga krus maging sa kanilang mga sariling parokya. Ang paglalagay ng mga
istasyon ng krus sa mga pader ng simbahan ay resulta ng pagnanais na ito upang maging ang ordinaryong tao ay
makarating sa mga lugar na di nila kayang marating.
Ang tradisyunal na istasyon ng Krus ay nagsisimula sa paghatol ni Pilato hanggang sa paglilibing ng Panginoon. Ito ang
malimit na ginagamit sa napakatagal na panahon bagaman maari pa ring gamitin ngayon. Sa pagdating ng Ikalawang
Konsilyo Vaticano at sa pagnanais na tunay na maipahayag ang nilalaman ng banal na kasulatan, nagkaroon ng mga sipi
ng istasyon na nagsisimula sa Huling Hapunan at nagtatapos sa muling pagkabuhay upang mabigyang-diin ang buong
Misteryo Paskal ng Panginoon.

Pinapaalalahanan na sa dalawang uri ng pagkakahanay ng istasyon ng krus na dapat na bigyang-diin na ang krius ang
mas importante sa pagtatayo ng mga kubol para dito sapagkat ang mga larawan ay pantulong lamang sa pagninilay ng
mga mananampalataya at ang krus ang tunay na mahalaga. Ang ating pagdiriwang ng istasyon ng krus ay napapanahon
sapagkat ito ay paalala sa atin na sa gitna ng anumang sigalot at krisis na ating pinagdadaanan, may pag-asa tayong
hihintayin. May isang Diyos na nauna na sa atin. ECCE LIGNUM CRUCIS IN QUO SALUS MUNDI PEPENDIT. Masdan ninyo
ang Krus, dito nakabayubay ang kaligtasan ng mundo.

PASIMULA
Aawitin ng lahat.

Dakilang pag-ibig saan man manahan


Diyos ay naroroon walang alinlangan.
Hinirang tayo sa pagmamahal ng ating Poong si Hesus.
Lahat tayo ay lumigaya sa pagkakaisa sa Haring nakapako sa
Krus.
Namumuno:
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo
R. Amen.
Sa pag-asa tayo ay naligtas. Ang pag-asang ito ay sumilang sa Misteryo Paskal ng Dakilang Tgapagligtas. Sa panahon ng mga
Mahal na Araw, muli nating binabagtas ang yapak ng ating Manunubos. Atin muling sasariwain ang mga kaganapan sa mga huling
sandali ng paglalakbay ng Anak ng Diyos na lumabas dala ang kanyang krus tungo sa lugar na kung tawagin ay lugar ng bungo na
sa wikang Hebreo ay Golgotha (Jn 19:17). Naririto tayo sapagkat tayo ay nananalig na ang daan ng krus ng Anak ng Diyos ay hindi
lamang paglalakbay sa lugar ng kamatayan. Nananalig tayo na sa bawat hakbang ng hinatulang si Hesus ang kanyang bawat gawa at
salita pati na ang lahat ng unang nakasaksi sa mga pangyayari ay patuloy na nangungusap sa atin. Sa pamamagitan ng kanyang
pagpapakasakit at kamatayan, ipinapahayag sa atin ni Kristo na may pag-asa sa gitna ng pagpapakasakit. Sa mga sandaling ito nais
nating pagnilayan ang tunay na kahulugan ng kaganapang iyon upang kung anuman ang naganap ay muling umantig sa ating mga
puso at maging pinagmumulan ng biyaya sa lahat ng nakikibahagi dito.

Namumuno:
Manalangin tayo.
Panginoong Hesukristo, puspusin mo ang aming mga puso ng liwanag ng iyong Espiritu, upang sa aming pagsunod sa mga
huling sandali ng iyong paglalakbay, matanto nawa namin ang kabayaran para sa aming katubusan at kamiy mapagindapat
sa bunga ng iyong pagpapakasakit, kamatayan, at muling pagkabuhay. Ikaw na nabubuhay at naghahari ngayon at
magpakailanman.
R. Amen.
UNANG ISTASYON
SI HESUS AY HINATULANG MAMATAY
V/. Adoramus te, Christe, et benedicimus tibi.
R/. Quia per sanctam crucem tuam redimisti mundum.
PAGBASA (Mateo 27:22-23,26)
Sinabi sa kanila ni Pilato, Kung gayon, ano ang gagawin ko kay Hesus na tinatawag na Kristo? Sumagot ang lahat, Ipako sa krus!
Bakit? Anong masama ang ginawa niya? tanong ni Pilato. Ngunit lalo pa nilang isinigaw, Ipako sa krus! At pinalaya niya si
Barrabas, ngunit ipinahagupit si Hesus at ibinigay sa kanila upang ipako sa krus.
PAGNINILAY
Ang hukom ng daigidig na siyang nagmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao, ngayoy walang
laban at kahiyahiyang nasasakdal sa makalupang hukom. Si Pilato ay hindi ganap na masama. Alam niya na ang nasasakdal ay
inosente, at hinanapan niya ng paraan na itoy mapalaya. Ngunit ang puso niya ay hati. At sa huli, hinayaan niya na ang sarili
niyang katungkulan- ang kanyang makasariling interes- ang mangibabaw laban sa tama. Kahit na ang mga tao na sumisigaw at
humihingi ng kamatayan para kay Hesus ay hindi tahasang masama. Marami sa kanila ang nakaramdam ng pagkahiwa ng puso
(Gawa 2:37 : compuncti sunt corde), noong si Pedro ay nagsalita sa kanila: Si Hesus na taga-Nazaret ay sinugo ng Diyos... ipinapako
ninyo at ipinapatay sa mga makasalanan (Gawa 2:22ff). Ngunit sa sandaling iyon, sila ay nadala ng mga tao. Sumisigaw sila dahil
sumisigaw ang lahat. At sa ganitong pamamaraan, ang katarungan ay tinapakan ng kahinaan, karuwagan at takot sa mundo ng
pananaw ng nakararami. Ang tahimik na tinig ng kunsensiya ay nalunod ng tinig ng karamihan. Ang kasamaan ay kumukuha ng
lakas sa kawalan ng pagpapasya at pakialam sa iniisip ng iba.
PANALANGIN (Lahat)

Panginoon, ikaw ay nahatulang mamatay dahil pinangunahan ng pagkatakot sa sasabihin ng iba ang tinig ng kunsensiya. Gayundin
naman, sa kasaysayan, maraming mga inosente ang palagiang nilalapastangan, hinahatulan at pinapatay. Sa ganang amin, ilang
beses na ba naming pinili ang sariling tagumpay laban sa katotohanan, ang reputasyon laban sa katarungan? Patatagin mo ang
tahimik na tinig ng aming kunsensiya. Tignan mo kami katulad ng pagtingin mo kay Pedro matapos ka niyang ipagtatwa. Hayaan mo
na tumagos ang iyong paningin at ituro sa amin ang tamang daan. Sa araw ng Pentekostes, binuhay mo ang puso ng mga taong
humihiling ng iyong kamatayan noong Biyernes Santo, at sila ay iyong pinagbagong-buhay. Sa ganitong pamamaraan, binigyan mo
ang lahat ng pag-asa. Ipagkaloob mong muli sa amin ang biyaya ng pagbabagong-buhay. Amen.
Ama Namin....
Aba Ginoong Maria....
Luwalhati sa Ama....
IKALAWANG ISTASYON
PINASAN NI HESUS ANG KRUS
V/. Adoramus te, Christe, et benedicimus tibi.
R/. Quia per sanctam crucem tuam redimisti mundum.
PAGBASA (Mateo 27:27-31)
Si Hesus ay dinala ng mga kawal ng gobernador sa pretoryo, at nagkatipon ang buong batalyon sa paligid niya. Hinubaran nila siya
at sinuutan ng isang balabal na pulang-pula. Naglikaw sila ng halamang matinik at ipinutong sa kanya, saka pinapaghawak ng
isang tambo sa kanyang kanang kamay. At palibak siyang niluhud-luhuran at binate: Mabuhay ang Hari ng mga Judio! Siyay
pinaglulurhan, kinuha nila ang tambo at siyay pinaghahampas sa ulo. At matapos, kutyain, kanilang inalisan siya ng balabal,
sinuutan ng sariling damit, at inilabas upang ipako sa krus.
PAGNINILAY
Hinahatulan ng isang huwad na hari, si Hesus ay nilibak. Ngunit ang panlilibak na ito ay nagpapakita ng isang masakit na
katotohanan. Gaano kadalas na hinahamak ng mga may kapangyarihan ang katotohanan! Ilang ulit na ang dingal at tayog ng
kanilang pananalita ay pawing isang malaking kasinungalingan, isang paghamak sa kanilang banal na obligasyon na maglingkod
para sa ikabubuti ng marami! Si Hesus ay tunay na hari dahil siya ay nilibak at pinutungan ng korona ng paghihirap. Ang kanyang
setro ay katarungan (Salmo 45:7). Ang halaga ng katarungan sa mundo ay paghihirap: si Hesus, ang tunay na Hari, ay naghahari
hindi dahil sa pamamagitan ng dahas, bagkus sa pamamagitan ng pag-ibig na nagbabata ng hirap para sa atin at kasakasama

natin. Pinasan niya ang kanyang Krus, ang hirap ng pagiging tao, ang bigat ng mundo. Kung kayat nangunguna siya sa atin upang
ituro ang daan tungo sa pagkakaroon ng tunay na bahay.
PANALANGIN (Lahat)
Panginoon, buong puso mong ipinahintulot na ikaw ay hamakin at libakin. Ipag-adya mo kami sa mga taong minamaliit ang kapwa,
lalo na ang mga mahihina at naghihirap. Tulungan mo kaming kilalanin ang iyong mukha sa mga aba at itinatakwil ng lipunan.
Huwag nawa kaming panghinaan ng loob sa tuwing kamiy haharap sa pag-aalipusta dito sa daigdig, na nangungutya sa pagsunod
naming sa iyong kalooban. Pinasan mo ang iyong Krus at hinihiling mo na sundin naming ang iyong daan (Mt 10:38). Tulungan mo
kaming pasanin ang Krus at huwag itong ipagwalang-bahala. Huwag nawa kaming magreklamo at panghinaan ng loob sa mga
pagsubok sa buhay. Tulungan mo kaming sumunod sa daan ng pag-ibig, at sa pagsunod sa iniaatas nito na matagpuan naming ang
tunay na nagdudulot ng kaligayahan. Amen.
Ama Namin....
Aba Ginoong Maria....
Luwalhati sa Ama....

IKATLONG ISTASYON
ANG UNANG PAGKADAPA NI HESUS
V/. Adoramus te, Christe, et benedicimus tibi.
R/. Quia per sanctam crucem tuam redimisti mundum.
PAGBASA (Isaias 53:4-6)
Tiniis niya ang hirap na tayo ang dapat magbata, gayon din ang kirot na tayo sana ang lumasap; akala natin ang dinanas niyay
parusa sa kanya ng Diyos. Dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating mga kasamaan. Tayo
ay gumaling dahil sa pahirap na tinamo niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap. Tayong lahat ay parang mga tupang naligaw;
nagkanya-kanya tayo ng lakad. Ngunit inibig ng Panginoon na sa kanya ipataw ang parusang tayo ang dapat tumanggap.
PAGNINILAY
Ang tao ay nadapa, at patuloy siyang nadarapa: malimit siyang nagiging larawan ng kanyang sarili; hindi na larawan ng Diyos;
bagkus isang paghamak sa Diyos. Hindi bat ang lalaki, sa kanyang paglalakbay mula sa Jerusalem patungong Jerico, ay bumagsak
sa kamay ng mga kawatan na naghubad sa kanya at nang-iwan sa kanyang nakahandusay sa daan at nagdurugo? Ito ang higit na

larawang ng sangkatauhan! Ang pagbagsak ni Hesus sa ilalim ng Krus ay hindi lamang pagbagsak ng taong si Hesus na napagod sa
paghahagupit ng latigo. Mayroong mas malalim na kahulugan ang kanyang pagbagsak. Ayon kay San Pablo sa kanyang Sulat sa mga
taga-Filipos: Kahit siya ay Diyos, hindi siya nagpumilit na manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip ay kusa niyang binitawan ang
karapatan niyang ito, at namuhay na isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng isang karaniwang tao, siyay
PANALANGIN (Lahat)
Panginoon, buong puso mong ipinahintulot na ikaw ay hamakin at libakin. Ipag-adya mo kami sa mga taong minamaliit ang kapwa,
lalo na ang mga mahihina at naghihirap. Tulungan mo kaming kilalanin ang iyong mukha sa mga aba at itinatakwil ng lipunan.
Huwag nawa kaming panghinaan ng loob sa tuwing kamiy haharap sa pag-aalipusta dito sa daigdig, na nangungutya sa pagsunod
naming sa iyong kalooban. Pinasan mo ang iyong Krus at hinihiling mo na sundin naming ang iyong daan (Mt 10:38). Tulungan mo
kaming pasanin ang Krus at huwag itong ipagwalang-bahala. Huwag nawa kaming magreklamo at panghinaan ng loob sa mga
pagsubok sa buhay. Tulungan mo kaming sumunod sa daan ng pag-ibig, at sa pagsunod sa iniaatas nito na matagpuan naming ang
tunay na nagdudulot ng kaligayahan. Amen.
Ama Namin....
Aba Ginoong Maria....
Luwalhati sa Ama....

You might also like