0% found this document useful (0 votes)
419 views6 pages

Ap Novena

Ang dokumento ay isang koleksyon ng mga dalangin at awitin na nagpupuri at sumasamba sa Mahal na Puso ni Hesus. Ito ay naglalaman ng mga panalangin para sa kapatawaran, kaligtasan, at pagpapalakas ng pananampalataya. Ang dokumento ay naghahayag ng paghanga at pag-ibig sa Puso ni Hesus na nag-alay ng buhay para sa kaligtasan ng tao.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
419 views6 pages

Ap Novena

Ang dokumento ay isang koleksyon ng mga dalangin at awitin na nagpupuri at sumasamba sa Mahal na Puso ni Hesus. Ito ay naglalaman ng mga panalangin para sa kapatawaran, kaligtasan, at pagpapalakas ng pananampalataya. Ang dokumento ay naghahayag ng paghanga at pag-ibig sa Puso ni Hesus na nag-alay ng buhay para sa kaligtasan ng tao.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

(Babasahin ng Maybahay)

P A G T A N G A P
Oh! Kamahal-mahalang Puso ni Hesus./ Gaanong
lugod at tuwa ang mag-hahari sa aming tahanan./
Ikinalulugod at ipinagkakapuri namin/ ang
pagdalaw mong ito./ At kamiy pinaging dapat na
maging pugad/ ng iyong pag-ibig./ Sa loob ng mga
araw na ipamamalagi mo sa aming piling,/ turuan mo
kaming maalala ang aming mga tungkulin/ bilang mga
anak ng Diyos./ Upang mabigay sa amin ng lakas/ sa
aming kahinaan laban sa mga tukso,/ ng liwanag sa
oras ng pag-aalinlanggat pagkakawanggawa sa
kapwa./ Mahal na puso ni Hesus/ pag-alabin po Ninyo/
ang aming mga tahanan/ at ang buong angkan namin
upang kamiy mamuhay ng malinis/ bilang alinsunod
sa iyong kalooban./ Nabubuhay at naghaharing
kasamo Mo/ magpasawalang hanggan./ Siya Nawa.

P A N A L A N G I N
Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Siya
Nawa.
Namumuno: Oh, Panginoon Hesukristo/ Ikaw ang
nangako/ kung mayroon dalawa o tatlo/ na
nagkakasama upang magdasal/ Ikaw ay
Lahat: Nasa aming piling./ Ibaling Ninyo/ ang tingin
sa aming Inyong mga anak/ na nagkakatipon sa
Inyong harapan/ upang parangalan ang Inyong kamal-
mahalang puso./ At upang makilala kayo at mahalin
naming lahat./ Lumapit kayo sa aming piling./ Oh,
matamis na Hesus/ punuin Ninyo ang Inyong pag-ibig
ang aming mga puso.
Namumuno: Oh, Hesus/ ang aming mga dalangin ay
Inyong tugunin/ sa aming pagkaluhod sa Inyong
harapan.
Lahat: Oh, Panginoon Hesukristo nagsabi/ Humingi
ka at ikaw ay tatanggap,/ humanap ka at ikaw ay
makatatagpo, kumatok ka at ikaw at bubuksan,/
ipagkaloob Mo ang aming pamanhikan/ sa aming
nagsisihingi ng Inyong Mabathalang biyaya,/ Upang
kayo ay ibigin namin ng buong puso/ sa lahat ng
aming mga salita at gawa./ At upang purihin naming
lagi kayo/ na nabubuhay at naghahari/
magpasawalang hanggan. Siya Nawa.
Namumuno: Oh, Hesus/ ang aming mga dalangin ay
Inyong tugunin/ sa aming pagkaluhod sa Inyong
harapan.
Lahat: Oh, Puso ni Hesus/ dinggin at ipagkaloob sa
amin/ ang aming mga panalangin./ Puso ni Hesus/
pusong napakabanal/ maalab na maalab sa pag-ibig
sa akin./ Gawin Ninyo akong mahinhin,/ gawin Ninyo
akong tulad sa Inyo.

O, SACRED HEART OF LOVE DIVINE
O Sacred Heart! O Love Divine!
Do keep us near to Thee;
And make our love so like to Thine
That we may holy be.
Heart of Jesus hear!
O heart of Love Divine!
Listen to our Prayer;
Make us alway Thine.

O Temple pure! O House of gold!
Our heaven here below
What sweet delight, what wealth untold,
From Thee do ever flow.

Heart of Jesus hear!
O heart of Love Divine!
Listen to our Prayer;
Make us alway Thine.


MAHAL NA PUSO

Mahal na Puso ni Hesus,
Kami ay kupkupin;
Akitin ang puso namin,
Nang grasya Moy kamtin.

O, Kristoy dinggin
Aming panalangin
Laging angkinin
Ang puso namin.

Banal na templot tahanan,
Ditoy kalangitan.
Aliw namint kayamanan,
Ang tangi Mong laan.

Mga Pusoy ipininid,
Alaalay sa iyo.
At ang sala ng taoy batid,
Sugat sa Iyong dibdib.


DALANGIN PANG-UNA SA LAHAT NG ARAW

Napakatamis na Hesus,/ Mananakop ng
Sangkatauhan,/ tapunan kami ng iyong paningin/ sa
buong kapakumbabang nangangayupapa at
nakaluhod sa harapan ng iyong altar./ Kami ay Iyo/ at
nagnanais kaming maging Iyo sa tuwina;/ ngunit
lalong makaanib at makaisa Mo,/ malasin ang bawat
isa sa amin/ na matamis sa puso at maluwag sa
kalooban/ na naghahain ng sarili sa araw na ito/ sa
Inyong kamahal-mahalang puso./ Marami rin naman
ang humahamak ng Inyong mga utos/ na hindi man
pumansin at ikaw ay itinatakwil./ Silang lahat ay Iyong
kaawaan./ Oh, napakamaawaing Hesus/ at silay itatak
Mo sa Iyong kamahal-mahalang puso. Maging Hari Ka
Nawa/ Oh, Panginoon,/ hindi lamang ang mga tapat/
na kailanman ay hindi tumalikod sa Iyo; kung hindi,
yaong palamara/ at taksil na anak, na nag-iwan sa
Iyo; pahintulutan Mo Nawa/ silang magmadaling
manumbalik/ sa tahanan ng kanilang Amang walang
hanggan,/ nang huwag mangamatay sa kasamaan/ at
sa gutom./ Maging Hari Ka Nawa,/ niyong mga
naupatan/ at napatangay sa maling akala at aral/
niyong sa kanila ay humukayat/ likha ng kanilang
kapootan/ at pagsalungat sa pagkakaisa ng
pananampalataya,/ nang upang sa madaling panahon/
ay magkaroon lamang ng isang pagkakapatiran o
kawan/ sa ilalim ng pamamahala ng isang pastor
lamang./ Pagkalooban Mo, O Panginoon ang Iyong
Iglesia/ ng katibayang kalayaan at kaligtasan/ ang
lahat ng mga bansa at pagigilapatin Mo nawa/ na sa
apat na sulok ng daigdig/ ay isa lamang ang madinig
na sigaw;/ Luwalhati sa kamahal-mahalang Puso/ na
siyang nagsasakatuparan ng ating kaligtasan/ purihin
Siya at parangalan/ magpasawalang hanggan./ Siya
Nawa.


HEART OF JESUS

Heart of Jesus meek and mild,
Hear, oh hear thy feeble child,
When the tempest's most severe,
Heart of Jesus hear.

Sweetly we'll rest on thy Sacred Heart,
Never from Thee, oh, let us part,
Hear then thy loving children's pray'r,
Heart of Jesus hear.


LITANYA NG MAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

Panginoon, maawa Ka sa amin.
Kristo, maawa Ka sa amin.
Panginoon, maawa Ka sa amin.
Kristo, pakinggan Mo kami.
Kristo, pakapakinggan Mo kami.
Diyos Ama sa Langit, maawa Ka sa amin.
Diyos Ama na tumubos sa sanlubutan,
Diyos Espiritu Santo,
Santisima Trinidad na iisang Diyos,
Puso ni Hesus, Anak ng Amang walang hangan,
Puso ni Hesus, nilalang ng Espiritu Santo sa tiyan ng
Inang Birhen,
Puso ni Hesus, na nakikipag-isang tunay sa Verbo ng
Diyos,
Puso ni Hesus, na walang hanggan ang kamahalan,
Puso ni Hesus, Templong Banal ng Diyos,
Puso ni Hesus, tahanan ng Kataastaasan,
Puso ni Hesus, Bahay ng Diyos at Pinto ng Langit,
Puso ni Hesus, maalab na siga ng Pag-ibig,
Puso ni Hesus, sisidlan ng katuwiran at pag-ibig,
Puso ni Hesus, puspos ng kabutihan at Pag-ibig,
Puso ni Hesus, kalaliman ng lahat ng kabanalan,
Puso ni Hesus, karapat-dapat purihin ng buong
pagpupuri,
Puso ni Hesus, Hari at takbuhan ng lahat ng mga
puso,
Puso ni Hesus, sisidlan ng dilang kayamanan, ng
karunungan at katalinuhan,
Puso ni Hesus, tahanan ng buong pagka-Diyos,
Puso ni Hesus, kinalulugdang lubos ng Diyos Ama,
Puso ni Hesus, sa iyong kasaganaan ay
nababahaginan kaming lahat,
Puso ni Hesus, pinagnaisan ng mga burol na walang
hanggan,
Puso ni Hesus, matiisin at lubhang maawain,
Puso ni Hesus, nakakapagpayaman sa lahat ng mga
tumatawag sa Iyo,
Puso ni Hesus, bukal ng buhay ay kabanalan,
Puso ni Hesus, ipinagtamo namin ng kapatawaran sa
aming mga kasalanan,
Puso ni Hesus, tinigib ng karuwahaginan,
Puso ni Hesus, nasugatan dahil sa aming mga
kasalanan,
Puso ni Hesus, naging masunurin hanggang sa
kamatayan,
Puso ni Hesus, pinaglagusan ng sibat,
Puso ni Hesus, batis ng tanang kaaliwan,
Puso ni Hesus, buhay at pagkabuhay naming mag-uli,
Puso ni Hesus, kapayapaan namin at ipinagkakasundo,
Puso ni Hesus, inihain dahil sa aming mga kasalanan,
Puso ni Hesus, kaligtasan ng mga umaasa sa Iyo,
Puso ni Hesus, pag-asa ng mga namamatay sa Iyo,
Puso ni Hesus, ligaya ng lahat ng mga Santo,
Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan
ng Sanlibutan,
Patawarin Mo po kami, Panginoon.
Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan
ng Sandaigdigan,
Pakapakinggan Mo po kami, Panginoon.
Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan
ng Santinakapang Langit,
Maawa ka sa amin.

Namumuno: Hesus, maamo at mababang Puso

Lahat: Gawin Mo po na ang aming mga puso ay
matulad sa Puso Mo.

Namumuno: Manalangin tayo.

Lahat: Makapangyarihan at walang hanggang Diyos,/
tingnan Mo po ang Puso ng Sinta Mong Anak/ at ang
mga nagpupuri at kabayaran na inihahandog Niya sa
Iyo/ sa ngalan nga mga makasalanan/ at marapatin
Mong ipagkaloob ang kapatawaran sa nagmamakaawa
sa Iyo/ sa ngalan ni Hesukristo ring Anak Mo,/ na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo/
magpasawalang hanggan./ Siya Nawa.


ISANG PAGBABAYAD PURI SA BANAL NA PUSO
NI HESUS

Lahat: O nakagigiliw na Puso ni Hesus,/ nagliliwanag
sa pag-ibig dahil sa amin,/ at nag-aalab sa sikap para
sa aming kaligtasan;/ O pusong lagi nang
maramdamin sa aming kahirapan/ at sa kalunos-lunos
na bunga ng aming kasalanan,/ mayaman sa awang
walang hanggan/ upang pagalingin ang sugat ng
aming kaluluwa:/ Marapating malasin kami/ na buong
kapakumbabaang naninikluhod sa Inyong harapan,/
nagpapahayag ng aming lumbay/ na galing sa aming
mga puso,/ dahil sa kalamigan at pagwawalang
bahala,/ ng aming ganti sa mga di mabillang na
pakinabang/ na ipinagkaloob Ninyo sa amin./ Dala ng
isang malalim na pagdaramdam/ sa mga kadustaang
isinalansan sa Inyo/ ng aming mga kasalanan/ at
kasalanan ng iba,/ kami ay pumarito/ upang gumawa
ng isang pagbabayad-puri/ sa Inyong Pinakabanal na
kadakilaan./ Ang aming mga kasalanan/ ang
pumuspos sa Inyong Puso ng kapaitan/ yaong bigat ng
aming pagkakasala/ ang nagdiin sa Inyong mukha/ sa
lupa roon sa Halamanan ng Oliba/ at ipinangyari na
Kayo ay mamatay sa paghihirap at dalita sa krus./
Ngunit ngayon nagsisisi at namamanglaw,/ kamiy
nagpapatirapa sa Inyong paanan/ at namamanhik sa
Inyong kapatawaran./

O kagiliw-giliw na Puso ni Hesus,/ Siyang pinagmulan
ng totoong pagsisisi/ at laging mahabagin sa
nagsisising makasalanan,/ ipagkaloob Mo sa aming
mga puso/ ang diwa ng pagdurusa/ at ibigay Mo sa
aming mga mata ang bukal ng luha/ upang aming
tangisan ng taos sa loob/ ang aming mga kasalanan/
ngayon at hanggang sa katapusan ng aming mga
buhay,/ O, kung maaari lamang naming katkatin/
yaong mga kasalanan/ sa pamamagitan ng aming
dugo:

Patawrin mo sila,/ O Panginoon/ sa Inyong habag,/
patawarin at akitin sa inyo/ ang lahat ng gumawa ng
kawalang pitagan/ at kapaslangan laban sa Inyo/ sa
Sakramento ng Inyong pag-ibig,/ at sa ganitong
paraan/ ay magbigay ng isa pang katunayan/ na
Inyong awa/ ay higit sa lahat ng Inyong mga gawain./
O Mabathalang Hesus,/ nasa Inyo ang awa at
saganang katubusan./ Iadya Ninyo kami sa aming
mga kasalanan./ Tanggapin Ninyo/ ang nasang tapat
na loob/ na ngayon ay aming inaaliw,/ at ang banal na
pagtalaga/ na pamula ngayon/ kamiy magiging
matapatin sa Inyo./ At, upang husayin namin,/ ang
aming mga pasiya/ na magbagong-loob,/ nang
pagkilala ng utang na loob,/ ipinagdadalamhati ng
Inyong pinakamagiliwing Puso,/ pinagpapasiyahan
namin/ na sa panahong darating/ iibigin at laging
pararangalan namin kayo sa pinakarapatdapat
sambahin sa sakramento ng Dambana,/ na lagi
kayong doroon/ upang dinggin at ipagkaloob/ ang
aming mga kaluluwa./ O Hesus na maawain,/ maging
Taga-paggunita namin Kayo/ sa Inyong Mabathalang
Ama/ aming mabigat na pinag-kasalanan,/ pagtibayin
ninyo ang aming mga pasiya/ na magbagong-loob,/ at
yayamang ang Inyong Banal na Puso/ ay aming taga-
pagkupkop at pag-asa kung kamiy nagkasala at alalay
ng aming pagsisisi,/ upang walang anumang bagay/
sa kabuhayan/ O sa kamatayan/ ang muling
maghihiwalay sa amin sa Inyo./ Siya Nawa.


P A A L A M

O Hesus na mahal,/ dumating na ang sandali/ ng
Iyong paglisan sa aming tahanan/ na naging tahanan
mo na rin sa tatlong araw na pananatili Mo sa aming
piling./ Hindi kayang banggitin ng aming mga labi/
ang pasasalamat na nag-uumapaw sa aming mga
puso./ Udyok ng Iyong mapagmahal na puso,/
minarapat sa aming kahit sumandali./ Salamat Ama
ko,/ Salamat./ Basbasan Mo po kami bago Kayo
lumisan./ Basbasan Mo po ang aming tahanan,/ ang
aming mga gawain./ Basbasan Mo po ang mga mahal
sa buhay/ pati ang umaaway sa amin/ upang maakit
sa aming maalab na pagmamahal/ na ipinagkaloob Mo
sa amin/ pati ang magtumibay sa pananampalataya/
at manatili kaming nagmamahal sa Iyo/ hanggang sa
kabilang buhay./ Huwag mo po kaming itulot na
makalimot/ at mawalay sa Iyong mapagmahal na
Puso/ kailan man,/ magpasawalang hanggan./ Siya
Nawa.


3 Ama Namin
3 Kamahal-mahalang Puso ni Hesus
3 Maawa Ka sa Amin


NO MAS AMOR QUE EL TUYO

No mas amor que el Tuyo
O Corazon Divino,
El pueblo Filipino,
Te da su Corazon.
En templos y en hogares,
Te envoque nuestra lengua,
Tu reinaras sin mengua
De Aparri hasta Jolo.


Ha tiempo que esperamos
Tu imperio en el Oriente,
La fe de Filipinas
Es como el sol ardiente,
Como la roca firme,
Inmensa como el mar.
La iniquidad no puede
Ser de estas islas duena
Que izada en nuestros montes,
Tu celestial ensena,
Las puertas de infierno
No prevaleceran.

You might also like