You are on page 1of 20

Imprimatur:

+ DENNIS C. VILLAROJO, D.D.


Obispo ng Malolos

Disenyo ng pabalat likha ng

Guhit ng larawan ng Tatlong Patron likha ni


Noel Buslon Arriola, Jr.
Sa tulong mo at halimbawa ay mapapurihan nawa namin si
Hesukristong ating Panginoon, kasama ng Ama at Espiritu Santo,
iisang Diyos magpasawalang hanggan. Amen.
Namumuno: Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Lahat: Amen

36 | Nobena sa Tatlong Patron: Mahal na Birhen ng Salambao,


Sa iyong tulong at halimbawa ay mapapurihan nawa namin si
Hesukristong Panginoon, kasama ng Ama at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos magpasawalang hanggan. Amen.

PANALANGIN KAY SAN PASCUAL BAYLON


Araw ng Kapistahan: Mayo 17
Lahat: Mahal na Patrong San Pascual, kami’y nagpupuri at
nagpapasalamat sa Ama dahil ibinigay ka sa amin upang maging
gabay sa pang-araw-araw naming buhay. Itinalaga mo ang iyong
sarili sa pagmamahal sa banal na Eukaristiya upang ang biyaya ng
buhay na kaloob ng Diyos ay maipalaganap sa pamamagitan ng
iyong paglilingkod.
Tulungan mo kami upang ang iyong pagpapahalaga at pagmamahal
sa Sakramento sa Altar ay lalong pumukaw sa isip at damdamin ng
bawat isang kabahagi ng mag-anak; Upang ang pamimintuho sa
Santisimo Sakramentong ito ay magbunga ng tunay na pagkakaisa,
pagkakabuklod-buklod, at pagmamahalan sa sambayanan; at nang
lalo kaming makapaglingkod sa Diyos at sa aming kapwa sa bawat
sandali ng aming buhay. Dinggin mo rin ang wagas na panalangin
ng mga taong umaasa at nananalig sa iyong tulong. Nawa ang
iyong mga halimbawa ang maging susi ng ikababanal ng bawat
mag-anak at ng buong sambayanan.

34 | Nobena sa Tatlong Patron: Mahal na Birhen ng Salambao,


PAMBUNGAD NA AWIT
Nakatayo ang lahat.

ARAW-ARAW KAY MARIA


(Maaari rin ang ibang awitin sa Mahal na Birhen)

Araw-araw kay Maria


Kami ay nagdarasal
Si Maria aming Reyna
Ibig nami’y marangal.
Kanyang tulong lagi-lagi
Kami ay humihingi
Pupurihin namin siya
Tuwing araw at gabi
Kung kami’y nasa panganib
Kay Maria tatakbo
Tatawagin namin siya
Kung lalapit ang tukso.
O Maria, tutulungan
Kaming nangangabuhay
Kami ay ipanalangin
Kung kami’y mamamatay.

Luluhod ang lahat.

4 | Nobena sa Tatlong Patron: Mahal na Birhen ng Salambao,


PANGWAKAS NA PANALANGIN SA ARAW-ARAW NA
PAGNONOBENA
Magnificat (Lucas 1:46 – 56)
Tatayo ang lahat at mag-aantanda ng Krus sa pasimula ng Magnifi-
cat.
Namumuno: Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon at nagagalak
ang aking espiritu dahil sa Diyos na aking
tagapagligtas.
Lahat: Sapagkat nilingap Niya ang Kanyang abang alipin!
At mula ngayon, ako’y tatawaging mapalad ng lahat
ng salinlahi.
Namumuno: Dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng
Makapangyarihan, Banal ang Kanyang pangalan!
Lahat: Kinahabagan Niya ang mga may takot sa Kanya sa
lahat ng sali’t saling lahi.
Namumuno: Ipinakita niya ang lakas ng Kanyang bisig, pinangalat
Niya ang mga palalo ang isipan.
Lahat: Ibinagsak ang mga hari mula sa kanilang trono, at
itinaas ang mga nasa abang kalagayan.
Namumuno: Binusog Niya ang mabubuting bagay ang mga
nagugutom, at pinalayas Niyang wala ni anuman ang
mayayaman.
Lahat: Tinulungan Niya ang kanyang bayang Israel bilang
pagtupad sa pangako Niya sa ating mga magulang,

32 | Nobena sa Tatlong Patron: Mahal na Birhen ng Salambao,


tatamo namin ng iyong masaganang biyaya, hindi lamang para sa
aming katawan kundi lalung-lalo na para sa ikapagbabalik-loob ng
mga ma kasalanan at ikakapanuto nitong aming bayan, alang-
alang sa walang hanggang kadakilaan ng Diyos.
O Maria, aming Ina at Ina ni Hesus, tigib ng pananalig sa iyo, wa-
lang maliw na ipakita mo sa pamamagitan ng iyong mga himala at
biyaya, kami na mga nagmamahal at nananalig na mga anak mo, ay
humihiling sa Iyo na ipagkamit mo kami sa Diyos ng mga biyayang
hinihiling namin sa pagsisiyam na ito ____________________
(sandaling katahimikan para banggitin ang biyayang hinihiling), na
lakas-loob naming hinihiling sa mapag bigyan ayon na rin sa iyong
kabutihan.
Ipagkamit mo rin kami, O aming Ina, sa Diyos ng diwa ng pana-
langin at pagpapasakit upang sa pamamagitan nito’y mabawi namin
ang mga biyayang nawala dahil sa kasalanan.
Nawa, sa tulong ng iyong mga panalangin ay makarating kami sa
walang hanggang tahanan, na doo’y kasama mo at nina San Pascu-
al Baylon at Santa Clara ng Assisi na nagpupuri sa iyong bugtong na
Anak. Amen.

6 | Nobena sa Tatlong Patron: Mahal na Birhen ng Salambao,


agham, teknika at sining, wala sa kaninumang nilalang kundi sa
Diyos lamang ang bukal ng lahat ng kaligayahan. Sa bisa ng
Salita ni Kristo, unti-unti tayong nagdudulot ng mga bunga sa
ikararangal ng Diyos.
Habang lumalaki ang anak tungo sa wastong gulang at pagiging
makasarili sa kaluluwa at katawan, ang kanyang bokasyon na
nagmumula sa Diyos ay lumilitaw ng lalong maliwanag at
malakas. Ang mga magulang ay dapat igalang ang ganitong ta-
wag at katigan ang kanilang mga anak sa pagsunod nito.
Kailangang itanim sa kalooban na ang unang bokasyon ng Kristi-
yano ay sundin si Hesus (Mt 16:25). Dapat katigan at igalang ng
mga magulang ng masaya at may pasasalamat ang tawag ng
Panginoon sa isa sa kanilang mga anak, upang sumunod sa
pagkabirhen alang-alang sa kaharian, sa buhay na konsagrada o
sa pagpapari. Ang maging alagad ni Hesus ay tanggapin ang
paanyayang sumanib sa angkan ng Diyos, mabuhay alinsunod
sa uri ng kanyang pamumuhay: “Ang tumutupad sa kalooban
ng aking Ama sa langit, ito ay aking kapatid na lalaki, kapa-
tid na babae at aking ina.” (Mt 12:49).
PANALANGIN
Lahat: Ama naming mapagmahal, tinatawagan Mo kami upang
tumulad sa Iyo: sa Iyong kabutihan, sa Iyong kabanalan at sa
Iyong walang maliw na pag-ibig. Nagpapasalamat po kami sa

30 | Nobena sa Tatlong Patron: Mahal na Birhen ng Salambao,


UNANG ARAW
PAGBASA: Lucas 11:1-4 (Ang Turo ni Hesus Tungkol sa Pana-
langin)
Namumuno: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lu-
cas.
Lahat: + Papuri sa Iyo, Panginoon
Minsan, nananalangin si Hesus. Pagkatapos Niya, sinabi ng isa sa
Kanyang mga alagad, “Panginoon, turuan po ninyo kaming mana-
langin, katulad ng ginawa ni Juan sa kanyang mga alagad.” Sinabi
ni Hesus, “Kung kayo’y mananalangin, ganito ang sasabihin ninyo:
‘Ama, sambahin nawa ang pangalan mo. Magsimula na sana ang
inyong paghahari. Bigyan mo kami ng aming makakain sa araw-
araw. At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan. Sapagkat
pinatatawad naming ang bawat nagkasala sa amin. At huwag mo
kaming iharap sa mahigpit na pagsubok.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Lahat: Pinupuri Ka namin, Panginoong Jesukristo.
PAGNINILAY: Ang Panalangin
Namumuno: Ang Espiritu Santo ay nangangaral tungkol sa buhay
panalangin, naghahayag ng mga pangungusap ng panibagong-loob
sa pamamagitan ng mga palagiang panalangin: pagbabasbas, ka-
hilingan, pagsusumamo, pasasalamat at pagpupuri. Sa bawat pan-

8 | Nobena sa Tatlong Patron: Mahal na Birhen ng Salambao,


inaasahan Mong amin ding pangangalagaan ang mga nilikha
Mo bagama’t kami ay manlalakbay lamang sa mundong ito.
Humihingi kami ng kapatawaran sa lahat ng pagmamalabis
namin sa kalikasan, gayundin sa aming pagwawalang-bahala sa
kapakanan ng aming bayan, sa pag-iisip na kami ay nakalaan
lamang upang sumamba sa Iyong kapurihan.
Nawa, sa tulong ng mga panalangin ng Mahal na Birhen,
gayundin nina San Pascual Baylon at Santa Clara ng Assisi,
tunay kaming maging maka-Diyos sa aming pagiging maka-
kalikasan at makabayan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan
ni Hesukristo na aming Tagapagligtas. Amen.
Pangwakas na Panalangin sa Araw-araw na Pagnonobena, p. 32

IKASIYAM NA ARAW
PAGBASA: Marcos 3:13-19 (Ang Pagpili ni Hesus sa Labindala-
wang Apostol)
Namumuno: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mar-
cos.
Lahat: + Papuri sa Iyo, Panginoon.
Pagkatapos ay umahon si Hesus sa kaburulan, kasama ang kanyang
mga pinili. Humirang siya ng labindalawa [na tinawag niyang mga
apostol] upang maging kasa-kasama niya, suguing mangaral, at
bigyan ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo. [Ito ang

28 | Nobena sa Tatlong Patron: Mahal na Birhen ng Salambao,


PANALANGIN
Lahat: Ama naming mapagmahal, nagpapasalamat kami sa Iyo da-
hil binigyan mo kami ng kaalaman upang matantong sa Iyo lamang
nanggagaling ang lahat ng namamalas naming sa daigdig na ito.
Ikaw ang pinagmulan ng lahat ng biyaya at pinagbukalan ng aming
buhay. Ikaw ang pinagmulan ng aming buhay. Ikaw rin ang nagka-
loob sa amin ng Iyong Espiritu noong kami ay binyagan, na siyang
nag-uudyok sa amin upang Ikaw ay aming kilalanin at tawagin
bilang aming mapagmahal at mapagkalingang Ama.
Pangwakas na Panalangin sa Araw-araw na Pagnonobena, p. 32

IKALAWANG ARAW
PAGBASA: Mateo 26:26-28 (Ang Banal na Hapunan)
Namumuno: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San
Mateo.
Lahat: + Papuri sa Iyo, Panginoon
Samantalang sila’y kumakain, dumampot ng tinapay si Hesus, at
matapos magpasalamat sa Diyos, kanyang pinagpira-piraso at ibi-
nigay sa mga alagad. “Kunin ninyo ito at kanin; ito ang aking ka-
tawan,” wika niya. Hinawakan niya ang saro, nagpasalamat sa
Diyos at ibinigay sa kanila.”Uminom kayong lahat nito,” sabi niya.
Sapagkat ito ang dugo ng tipan, ang aking dugo na mabubuhos da-
hil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.”

10 | Nobena sa Tatlong Patron: Mahal na Birhen ng Salambao,


IKAWALONG ARAW
PAGBASA: Genesis 1:26-31 (Ang Kasaysayan ng Paglikha)
Namumuno: Ang Salita ng Diyos mula sa Aklat ng Genesis.
Pagkatapos likhain ang lahat ng ito, sinabi ng Diyos: “Ngayon, la-
langin natin ang tao. At gagawin siyang kalarawan natin. Siya ang
mamamahala sa mga isda, mga ibon at lahat ng hayop, maging
maamo o mailap, malaki o maliit.” Nilalang nga ng Diyos ang tao
ayon sa kanyang larawan. Lumalang siya ng isang lalaki at isang
babae, at sila’y pinagpala. Wika niya, “Magpakarami kayo at
punuin ng inyong mga supling ang buong daigdig, at pamahalaan
ito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda, sa mga ibon,
at sa lahat ng maiilap na hayop, maging malalaki o maliliit. Bibig-
yan ko rin kayo ng lahat ng uri ng butil at mga bungangkahoy na
inyong makakain. Ang lahat ng halamang luntian ay ibibigay ko
naman sa maiilap na hayop, malaki man o maliit, at sa lahat ng
mga ibon.” At ito nga ang nangyari. Pinagmasdan ng Diyos ang la-
hat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan.
Ang Salita ng Diyos.
Lahat: Salamat sa Diyos.
PAGNINILAY: Ang Bayan at Kalikasan
Namumuno: Ang pahayag tungkol sa paglalang ay di maaaring
ihiwalay sa pahayag ng Diyos at sa Kanyang kasunduan sa
kaisa-isa Niyang bayan.

26 | Nobena sa Tatlong Patron: Mahal na Birhen ng Salambao,


maliliit na kasalanan at lakas upang mapaglabanan o masugpo ang
masamang hilig.
Ang pagdalaw sa Santisimo Sakramento ay isang tanda ng pasasala-
mat, pag-ibig at tungkuling pagsamba kay Kristong ating Panginoon.
Ang Eukaristiya ay ang kabuuan at hantungan ng ating pananam-
palataya. Sa pamamagitan nito, tayo ay nabubuklod at pinag-iisa
kay Kristo, na sa atin ay nagbibigay ng makalangit na buhay. Ang
Eukaristiya ay isang sangla at katumbas ng buhay na walang hang-
gan.
Si Hesus na isinugo ng Ama sa daigdig na ito, ay nagkaloob sa atin
ng Eukaristiya bilang tanda ng kaluwalhatian natatamuhin natin sa
piling Niya; sa paglahok sa banal na sakripisyo ay pinag-iisa tayo sa
Kanyang puso, pinagsisigla at nagbibigay ng lakas ng loob sa pagla-
lakbay sa buhay na ito, niloloob Niyang nasain natin ang buhay na
walang hanggan at pinipisan tayo mula ngayon sa Simbahan sa
langit, kasama ng kabanal-banalang Birheng Maria, ni San Pascual
Baylon, at ni Santa Clara ng Assisi, at ng lahat ng mga Santo.
PANALANGIN
Lahat: Ama naming mapagmahal, napakalaking biyaya nang loobin
mong magkatawang-tao ang Iyong Anak upang makapiling ng
sangkatauhang nananabik sa pagdating ng kaligtasan sa aming pil-
ing. Niloob Mo na Siya ay aming maranasan bilang katawan at du-
go na aming nakikita at tinatanggap. Niloob Mong Siya ay

12 | Nobena sa Tatlong Patron: Mahal na Birhen ng Salambao,


langit at nagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-piraso niya ang mga tina-
pay at iniutos sa mga alagad na ipamigay iyon sa mga tao. Kumain
silang lahat at nabusog. Tinipon ng mga alagad ang lumabis, at si-
la’y nakapuno ng labindalawang bakol ng pira-pirasong tinapay.
May 5,000 lalaki ang kumain, bukod pa sa mga babae at mga bata.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Lahat: Pinupuri Ka namin, Panginoong Hesukristo.
PAGNINILAY: Ang Simbahan Bilang Isang Mag-anak
Namumuno: Sa daigdig na ito, ang Simbahan ay sakramento
ng kaligtasan, ang tanda at kasangkapan ng pagkakaisa ng
Diyos at mga tao sa isa’t isa. Ang pagsampalataya sa Iglesia
ay di maaaring ihiwalay sa pananampalataya sa Diyos Ama,
Anak, at Espiritu Santo bilang “Isa, Banal, Katolika, at Apostoli-
ka”. Sa simbulo ng mga Apostol, inihahayag natin ang pagsam-
palataya na may iisang Simbahang Banal, at hindi tayo
sumasampalataya sa Simbahan para maiba sa pagsampalataya
sa Diyos, sampu ng Kanyang mga gawa at upang ikapit sa
kabutihan ng Diyos ang lahat ng mga kaloob na inilagay
sa simbahan.
Mula pa sa simula, isinasama na ni Hesus ang Kanyang mga
alagad sa kanyang buhay (Mk 1:16-20; 3:13-19); inihayag sa
kanila ang Misteryo ng kaharian (Mt 13:10-17); binabahaginan

24 | Nobena sa Tatlong Patron: Mahal na Birhen ng Salambao,


IKATLONG ARAW
PAGBASA: Mateo 5:21-26 (Ang Turo Tungkol sa Pagkagalit)
Namumuno: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San
Mateo.
Lahat: + Papuri sa Iyo, Panginoon
Sinabi ni Hesus, “Narinig ninyo na noong una’y iniutos sa mga tao,
‘Huwag kang papatay, ang sinumang makapatay ay mananagot sa
hukuman.’ Ngunit ngayo’y sinasabi ko sa inyo: ang mapoot sa
kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman; ang humamak sa
kanyang kapatid ay mananagot sa Sanedrin, at sinumang magsabi
sa kanyang kapatid ‘Ulol ka!’ ay mapapasaapoy ng impiyerno.
Kaya’t kung naghahandog ka sa Diyos, at maalala mo na may sama
ng loob sa iyo ang kapatid mo, iwan mo muna ang iyong handog sa
harap ng dambana at makipagkasundo ka sa kanya. Saka ka
magbalik at maghandog sa Diyos.”
Kung may magsakdal laban sa iyo sa hukuman, makipag-ayos ka sa
kanya habang may panahon, bago ka niya iharap sa hukom. At
kung hindi’y ibibigay ka niya sa hukom, na magbibigay naman sa
iyo ng tanod, at ikaw ay mabibilanggo. Sinasabi ko sa iyo: hindi ka
makalalabas doon hangga’t hindi mo nababayaran ang kahuli-
hulihang kusing.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Lahat: Pinupuri Ka namin, Panginoong Hesukristo.

14 | Nobena sa Tatlong Patron: Mahal na Birhen ng Salambao,


atas, dunong at grasya. “Igalang mo nang buong puso ang
iyong ama at huwag kalimutan ang mga hirap ng iyong ina.
Alalahanin mong kung hindi sa kanila ay hindi ka magiging
tao; ano ang iyong igaganti sa lahat ng kanilang ginawa sa
iyo?” (Sir 7:27 – 28).
Ang paggalang ng anak ay nakikita sa tunay na pagsunod at
pagtalima, “Tupdin mo sana, anak ko, ang tagubilin ng iyong
ama at huwag siphayuin ang pangaral ng iyong ina – sa iyong
paggising kakausapin ka.” (Kaw 6:20-22).
Sa paggalang sa anak, itinataguyod ang pagkakaisa ng buong
mag-anak; gayon din ang magandang ugnayan ng mga magka-
kapatid. Ang paggalang sa mga magulang ay tumatanglaw at
nagpapainit sa buong mag-anak. “Korona ng matatanda ang mga
anak” (Kaw 17:6). “Katigan natin ang isa’t isa nang may pag-
mamahal, kababaang-loob, kaamuan at pagtitiis” (Ef 4:2).
PANALANGIN
Lahat: Ama naming mapagmahal, tunay ka naming magulang. Ikaw
ang pinagmulan naming lahat. Ikaw rin ang nagbibigay sa amin ng
ikabubuhay araw-araw. Nagpapasalamat kami sa Iyo sa lahat
ng mga biyayang walang sawa Mong ipinagkakaloob sa amin.
Hinihiling namin ngayon na kami ay turuan at Iyong gabayan
upang maging mabuting anak Mo; mga anak na kumikilala sa
Iyo bilang aming Ama, mga anak na sumusunod sa lahat ng

22 | Nobena sa Tatlong Patron: Mahal na Birhen ng Salambao,


ipagtanggol ang aming buhay at buhay ng aming kapwa. Makita
nawa namin ang Iyong mukha sa buhay ng lahat ng tao.
Aming Ama, tumulad nawa kami sa Mahal na Ina sa kanyang kabu-
kasan sa buhay na Iyong kaloob, sa tulong ng mga panalangin nina
San Pascual Baylon at Santa Clara ng Assisi. Hinihiling namin ito sa
pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo, magpasawa-
lang hanggan. Amen.
Pangwakas na Panalangin sa Araw-araw na Pagnonobena, p. 32

IKAAPAT NA ARAW
PAGBASA: Exodo 20:12 (Ang Ikaapat na Utos)
Namumuno: Ang Salita ng Diyos mula sa Aklat ng Exodo
“Igalang ninyo ang inyong ama at ina. Sa gayo’y mabubuhay kayo
ng matagal sa lupain na ibinigay ko sa inyo.”
Ang Salita ng Diyos.
Lahat: Salamat sa Diyos.
PAGNINILAY: Ang Mag-anak o Pamilya
Namumuno: Ang mga ugnayan sa loob ng mga-anak ay kinapapa-
looban ng pagkakaisa ng damdamin, pagmamahalan at kapayapaan
na nagbubuhat sa pagitan ng kaisahan ng Banal na Mag-anak. Ang
pamilya ay “isang pamayanang natatangi”, na may layuning mag-
tulungan upang upang mas mapalalim ang ugnayan ng mag-anak.
16 | Nobena sa Tatlong Patron: Mahal na Birhen ng Salambao,
Ang mga magulang ay dapat maging unang tagapangaral ng
pananampalataya sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng salita at
halimbawa, at kailangang itaguyod ang bokasyon para sa buhay na
banal at pinagpala. Ang tahanan ay unang paaralan ng buhay-
Kristiyano at paaralan ng pinakamayamang pagkatao. Dito, natutu-
tunan ang pagtitiis nang walang sukat, at higit sa lahat, ang pag-
samba sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin at paghahandog ng
kanilang buhay.
PANALANGIN
Lahat: Ama naming mapagmahal, Ikaw ang bukal ng buhay at pag-
ibig. Ikaw ang nagtanim ng pagmamahal sa aming mga puso bilang
isang malinaw na tanda at patunay na pagkalikha sa amin bilang
Iyong kawangis at kalarawan. Ikaw din ang nagkaloob na kami ay
maging lalaki at babae, at makatagpo ng kaganapan sa Sakramento
ng Pag-iisang–dibdib.
Lumalapit kami sa Iyo ngayon upang higit Mo pang pagtibayin ang
pagsasamahan ng mga mag-asawa. Nawa, ang sumpaang kanilang
ginampanan noong sila ay humarap sa Iyo, ay lalo pang lumalim at
tumibay. Lagi nawa nilang madama ang Iyong pag-ibig na nag-
uumapaw sa kanilang pagmamahal sa isa’t isa; dumulog ang mga
mag-asawa nang may kapakumbabaan sa Iyong harapan, may kata-
patan sa isa’t isa at may paggalang sa kapwa; sikaping iparanas sa
lahat ang pakikipag-isa ng Simbahan sa Iyo sa pamamagitan ng
busilak na pag-ibig ng mga mag-asawa.

20 | Nobena sa Tatlong Patron: Mahal na Birhen ng Salambao,


Tumulad nawa kami sa Mahal na Birheng Ina naming lahat na si-
yang pangunahing huwaran ng pagsunod sa Iyong Banal na Kaloo-
ban, kaisa nina San Pascual Baylon at Sta. Clara ng Assisi sa kanil-
ang maka-anak na pagmamahal sa Iyo. Hinihiling namin ito sa pa-
mamagitan ni Hesukristong aming kapatid at Panginoon. Amen.
Pangwakas na Panalangin sa Araw-araw na Pagnonobena, p. 32

IKALIMANG ARAW
PAGBASA: Efeso 5:21-33 (Mga Tagubilin sa Mag-asawa)
Namumuno: Ang Salita ng Diyos mula sa Sulat ni San Pablo sa mga
taga-Efeso
Pasakop kayo sa isa’t-isa tanda ng inyong paggalang kay Kristo.
Mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa tulad ng
pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng
kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng Iglesiya, na
kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito. Kung paanong
nasasakop ni Kristo ang Iglesia, gayundin naman, ang mga babae’y
dapat pasakop nang lubusan sa kani-kanilang asawa.
Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni
Kristo sa Iglesiya. Inihandog niya ang kanyang buhay para rito,
upang ang Iglesiya’y italaga sa Diyos matapos linisin sa pamamagi-
tan ng tubig at ng salita. Ginawa niya ito upang maiharap sa

18 | Nobena sa Tatlong Patron: Mahal na Birhen ng Salambao,

You might also like