You are on page 1of 14

PAGSISIYAM SA KARANGALAN NI MARIANG INIAKYAT SA LANGIT

UNANG ARAW NG NOVENA SA KARANGALAN NG MAHAL NA BIRHENG


INIAKYAT SA LANGIT

Ang Salita ng Diyos mula sa

Aklat ng Genesis

(Genesis 3:9-15,20)

Noong panahong iyon, tinawag ng

Diyos ang lalaki at tinanong, “Saan

ka naroroon?” “Natakot po ako nang

marinig kong kayo’y nasa halamanan;

nagtago po ako sapagkat ako’y hubad” sagot ng lalaki, Nagtanong muli ang
Diyos, “Sinong may sabi sa iyong hubad ka? Bakit kumain ka ba ng
bungang ipinagbabawal Ko?” “Kasi pinakain po ako ng babaing ibinigay
Ninyo sa akin” tugon ng lalaki. “Bakit mo ginawa ang bagay na iyon?”
Tanong ng Panginoon sa babae “Mangyari po’y nilinlang ako ng ahas, kaya
ako natuksong kumain” sagot naman nito.

At sinabi ng Panginoon sa ahas; “Sa Iyong ginawa’y may parusang dapat,


na ikaw lang sa lahat ng hayop ang magdaranas; mula ngayon ikaw ay
gagapang, at ang pagkain mo’y alikabok lamang. Kayo ng babae’y aking
pag-aawayin, binhi mo’t binhi nya’y lagi kong paglalabanin. Ang binhi niya
ang dudurog sa iyong ulo, at sa sakong niya’y ikaw ang tutuklaw.” “Eva”
ang itinawag ni Adan sa kanyang asawa, sapagkat siya ang Ina ng
sangkatauhan.

Pagnilayan natin sa unang araw ang kauna-unahang biyayang tinanggap ng


Mahal na Birhen mula sa Diyos na walang iba kundi ang kalinis-linisang
paglilihi sa kanya. Ang ibig sabihin nito’y si Maria ay ipinaglihing walang
bahid dungis ng kasalanan sa sinapupunan ng kanyang Ina na si Sta. Ana,
hindi siya nagmana ng kasalanang orihinal na tulad ng lahat ng tao.
Kailanman ay hindi siya napailalim sa kapangyarihan ni Satanas.
Ipinagkaloob sa kanya ng Diyos ang biyaya na ipaglihing walang bahid
dungis ng kasalanan sapagkat siya ay magiging buhay na tahanan ng Diyos
na magkakatawang tao. Hingin natin sa Diyos na ang ating hamak na
katawan at kaluluwa ay maging buhay na tahanan ng Diyos sa malimit na
komunyon.

(Sandaling katahimikan)

N. Magpuri tayo sa Diyos Ama na humirang kay Maria na ipinaglihing


walang bahid dungis ng kasalanan, na maging Ina ng kanyang Anak at
niloob niyang tawagin si Maria na pinagpala sa lahat ng babae. Dumulog
tayo kay Maria

Bayan: O Mariang ipinaglihing walang kasalanan, ipanalangin mo kaming


dumudulog sa iyo.

N. Amang makapangyarihan, gumawa ka ng dakilang bagay sa Mahal na


Birhen, iniligtas mo ang kanyang kaluluwa at katawan sa kasalanan mula
pa sa kanyang pagiging tao. Dumulog tayo kay Maria.

Bayan: O Mariang ipinaglihing walang kasalanan, ipanalangin mo kaming


dumudulog sa iyo.

N. Sa bisa ng mga panalangin ng Mahal na Birhen, aming Ina, lunasan Mo


ang mga maysakit aliwin ang mga nalulumbay, patawarin ang mga
makasalanan, saklolohan ang mga naghihikaos. Dumulog tayo kay Maria.

Bayan: O Mariang ipinaglihing walang kasalanan, ipanalangin mo kaming


dumudulog sa iyo.

N. Tinawag Mo si Maria na maging Ina ng tahanan sa Nazaret, sa piling


nina Hesus at Jose. Alang-alang sa iyong tahanan sa nazaret, pagkalooban
ang lahat ng Ina ng kapayapaan at pagmamahalan. Dumulog tayo kay
Maria.
Bayan: O Mariang ipinaglihing walang kasalanan, ipanalangin mo kaming
dumudulog sa iyo.

(Ngayon po ay ating banggitin ang ating mga natatanging intensyon at


kahilingan)

N. Amang mapagmahal, ipinagdarangal naming ang tanging biyaya na


ipinagkaloob mo kay Maria dahil sa biyaya ng Mananakop at iinhanda siya
na maging Ina ng manunubos. Itulot Mong matamo ang aming hinihiling sa
pagsisiyam na ito pakundangan sa mga karapatan ni Maria na ipinaglihing
walang bahid dungis ng kasalanan. Sa pamamagitan ni Hesukristo kasama
ng Espiritu Santo. Amen

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Lahat: O Mahal na Birhen ng Asuncion, aming kaibig-ibig na Ina,


pinasasalamatan Ka namin sa mga biyayang ipinagkaloob Mo sa aming
tahanan at bayan. Ipagpatuloy Mo sana ang iyong paglingap sa aming
buhay na umiral sa aming piling ang mga kaugaliang Kristiyano, ang
pagdarasal nang sama-sama, ang pagmamahalan ng mga magkasambahay
at ang pagtutulungan ng mga magkakapit-bahay. Ilayo sa amin ang tukso,
sakuna, sakit, at kamalian pakundangan sa paglilihi sa iyong walang bahid
dungis kasalanan, sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon ngayon at
magpasawalang hanggan. Amen

PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LA ASUNCION

Lahat: Ama naming makapangyarihan sa Iyong kaningningan naakit ang


Mahal na Birheng Maria, sa tulong ng iyong mga biyaya, namuhay Siyang
kalinis-linisan at karapat-dapat sa Iyong mga itinakda kaya’t pinagpala Mo
Siyang iniakyat sa kalangitan taglay ang kaluluwa at katawan. Ibinigay Mo
siya sa aming Ina at huwaran, sa tulong ng kanyang mga panalangin at sa
pagsasaloob namin ng mga bagay sa kaitaasan, pagindapatin Mong kami’y
mamuhay rin sa kalinisan at karapat-dapat sa Iyong mga itinakda at kaisa
Niya’y magtamasa sa Iyong piling ng kaningningang walang maliw sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan. Amen

N.: (Mag-antanda ng Krus) Pagpalain nawa tayo ng Makapangyarihang


Diyos, ilayo sa lahat ng kapahamakan at ihatid sa buhay na walang
hanggan

L.: Amen

Namumuno: Nuestra Señora de La Asuncion

Lahat: Ipanalangin mo kami!

N.: Sa ‘Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo

L.: Amen
•| IKAPITONG ARAW (Agosto 12) |•

(Hango sa Pagsisiyam na ginagamit sa Bayan ng Bulakan, Bulacan)

Orihinal na Akda ni +Reb. Mons. Jose C. Abriol

Isinaayos ni Reb. Mons. Andres Valera HP SLL

Nihil Obstat: Reb. Padre Reynaldo San Juan Jr.

(Censor Deputatus)

Imprimatur: +Lub. Kgg. Jose F. Oliveros DD

(+ Yumaong Obispo ng Malolos) (August 2007)

Pambungad na Awit

Araw-araw kay Maria kami ay nagdarasal

Si Maria Ina namin ibig naming marangal

Kanyang tulong lagi-lagi kami ay humihingi

Siya'y aming pupurihin tuwing araw at gabi

Kung kami'y nasa panganib kay Maria tatakbo

Siya'y aming tatawagin kung lalapit ang tukso

O Maria tutulungan kaming nangabubuhay

Kami ay ipanalangin kung kami'y mamamatay

PANIMULA

Namumuno: Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo

Lahat: Amen

PAGSISISI

(Nakaluhod)
Lahat: Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo,
gumawa at sumakop sa akin pinagsisisihan kong masakit sa tanang loob ko
ang dilang pagkakasala ko sa Iyo. Ikaw nga ang Diyos ko, Panginoon ko at
Ama ko, na iniibig ko nang higit sa lahat.

Nagtitika akong matibay na di na muling magkakasala sa iyo at nagtitika


naman akong magkukumpisal ng dilang kasalanan ko.

Umaasa akong patatawarin Mo rin alang-alang sa tulong ng Mahal na


Pasyon at Pagkamatay mo sa Krus dahilan sa akin. Amen.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

O Mahal na Birhen ng Asuncion, kaibig-ibig na Anak ng Diyos Ama, kalinis-


linisang Ina ng Diyos Anak at kabanal-banalang Esposa ng Diyos Espiritu
Santo, inihahandog namin sa Iyo ang pagsisiyam na ito bilang parangal sa
mga biyayang ipinagkaloob sa Iyo ng Diyos, lalong-lalo na ang
maluwalhating pag-aakyat sa Iyo sa langit.

Loobin mong magunita namin at isabuhay ang iyong tuwa, liwanag, hapis,
at luwalhati sa mga misteryo ng Panginoong Hesukristo. Itulot mong
matularan namin ang iyong kalinisan at

kabanalan upang makamit ang iyong awa at kalinga sa ikararangal ng


Diyos at ikabubuti ng aming kaluluwa. Sa pamamagitan ni Hesukristo na
aming Panginoon ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

MAGNIFICAT

(Nakatayo)

Lahat:

"Marilag at maganda ang anak na dalagang ito ng Herusalem habang siya'y


iniaakyat sa langit tulad ng pagsikat ng araw sa bukang liwayway"

Kanan:

Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon


at nagagalak ang aking Espiritu

dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas.

Sapagkat nilingap Niya ang kanyang abang lingkod!

Kaliwa:

At mula ngayon, ako'y tatawaging mapalad ng lahat ng salinlahi.

Dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan,

Banal ang Kanyang Pangalan!

Kanan:

Kinahahabagan Niya ang mga may takot sa Kanya, sa lahat ng sali't saling
lahi.

Ipinakita Niya ang lakas ng kanyang mga bisig,

pinangalat Niya ang mga palalo ang isipan!

Kaliwa:

Ibinagsak Niya ang mga hari mula sa kanilang trono

at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.

Binusog Niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom

at pinalayas na walang anuman ang mayayaman!

Kanan: Tinulungan Niya ang kanyang bayang Israel,

bilang pagtupad sa pangako Niya sa ating mga magulang

kay Abraham at sa kanyang lahi Magpakailanman!

Namumuno: (Yumuko ng bahagya)

Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo

Lahat: Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.


Lahat:

"Marilag at maganda ang anak na dalagang ito ng Herusalem habang siya'y


iniaakyat sa langit tulad ng pagsikat ng araw sa bukang liwayway"

PANALANGIN SA TAKDANG ARAW

- IKAPITONG ARAW (Agosto 12) -

Nasalubong ni Maria si Hesus na pasan ang Krus

N. + Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lukas

B. Papuri sa Iyo Panginoon.

Si Jesus ay dinala ng mga kawal. Nasalubong nila sa daan si Simon na taga-Cirene na


noon ay galing sa bukid. Pinigil nila ito at ipinapasan dito ang krus habang
pinapasunod si Jesus. Sinusundan si Jesus maraming tao, kabilang ang ilang babaing
nag-liyakan at tumatangis dahil sa kanya, Nilingon sila ni Jesus at sinabi, "Mga
kababaihan ng Jerusalem, huwag ninyo akong iyakan. Ang tangisan ninyo'y ang inyong
sarili at ang inyong mga anak. Tandaan ninyo, darating ang mga araw na sasabihin
nila, 'Mapalad ang mga baog, ang mga sinapupunang hindi nagdalang tao, at ang mga
dibdib na hindi nagpasuso.' Sa mga araw na iyo'y sasabihin ng mga tao sa mga
bundok, Tabunan ninyo kami! at sa mga burol, Itago ninyo kami!' Sapagkat kung
ganito ang ginagawa sa kahoy na sariwa, ano naman kaya ang gagawin kapag ito'y
tuyo na?"

Ang Mabuting Balita ng Panginoon

Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo

Pagninilay: (nakaupo)

Pagnilayan natin ang malungkot na tagpo nina Hesus at Maria sa


lansangan ng Jerusalem noong unang Biyernes Santo, sa gitna ng hiyawan
at palibak ng mga tao. Ang pinasan ni Kristo na mabigat na krus ay may
katumbas na hirap at sakit sa puso ni Mariang kaibig-ibig. Ang lahat ay
tiniis ni Maria upang makihati at makiisa sa pagdurusa ng kanyang Anak,
alang-alang sa pagtubos sa sangkatauhan. Kung ang anak ay naghirap, ang
Ina ay dapat ding maghirap. Tularan natin si Maria sa kanyang pakikisa sa
hirap ng Manunubos, bilang bayad ng ating mga kasalanan at ng ibang tao.
Humingi tayo ng lakas ng loob para huwag umurong sa harap ng mga tiisin.

(Sandaling katahimikam)

Panalangin: (Lumuhod)

N. Sa mula't mula pa, hinirang ng Diyos si Maria upang maging Ina ni


Kristo. Kaya't Siya ay higit sa lahat ng kinapal maging sa langit at sa lupa.
Dumulog tayo kay Maria.

Bayan: O Mahal na Ina, patnubayan Mo kami sa aming mga lakad.

N. Amang maawain, ibinigay ng Iyong Anak ang kanyang Ina bilang


huwaran ng Simbahan. Kami sana'y maging matatag sa pananampalataya,
pag-asa at pag-ibig tulad Mahal na Ina, dumulog tayo kay Maria.

Bayan: O Mahal na Ina, patnubayan Mo kami sa aming mga lakad.

N. Si Maria ay nakihati sa lyong mga tiisin at krus bilang pagtupad sa


kalooban ng Ama, kami sana'y dumamay din sa kanyang mga

hapis at kalungkutan, sa ikapagbabalik-loob ng mga makasalanan.


Dumulog tayo kay Maria

Bayan. O Mahal na Ina, patnubayan Mo kami sa aming mga lakad.

N. Dininig ni Maria ang Iyong tawag at sinilang ang Mananakop. Loobin


mong dinggin namin ang Iyong tawag sa Apostolado upang isilang si Kristo
sa puso ng mga kasambahay at kapitbahay sa pamamagitan ng aming mga
halimbawa. Dumulog tayo kay Maria

Bayan. O Mahal na Ina, patnubayan Mo kami sa aming mga lakad.

N. O Panginoong winika Mo na ang ibig maging alagad Mo ay kailangang


magpasan ng kanyang sariling Krus araw-araw at limutin ang sarili. Ang
lahat ng ito ay tinupad ni Maria. Kami sana ay matutong umibig sa Diyos at
sa kapwa bilang tanda ng aming pagsang-ayon sa iyong kalooban at nang
sa gayon ay makamit ang banal na kaligayahan sa buhay na ito sa kabila.
Dumulog tayo kay Maria.

Bayan: O Mahal na Ina, patnubayan mo kami sa aming mga lakad.

(Ngayon po ay ating banggitin ang ating mga natatanging intensyon at


kahilingan)

N. O Mahal na Ina, sa aming paglakad patungong langit makiisa sana kami


sa layunin at tuntunin ng Inang Simbahan, ang kinatawan ni Kristo sa lupa.
Huwag mong itulot na mahulog kami sa kasalanan. Ang aming mga hirap
at sakit ay palitan Mo ng iyong awa, pagmamahal at kalinga, upang
pagkatapos ng buhay na ito ay makapiling ka namin sa langit sa
pamamagitan ni Kristo ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Lahat: O Mahal na Birhen ng Asuncion, aming kaibig-ibig na Ina,


pinasasalamatan Ka namin sa mga biyayang ipinagkaloob Mo sa aming
tahanan at bayan. Ipagpatuloy Mo sana ang iyong paglingap sa aming
buhay na umiral sa aming piling ang mga kaugaliang Kristiyano, ang
pagdarasal ng sama-sama, ang pagmamahalan ng magkasambahay at ang
pagtutulungan ng mga magkakapit-bahay. Ilayo sa amin ang tukso, sakuna,
sakit, at kamalian pakundangan sa paglilihi sa iyong walang bahid dungis
kasalanan, sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon ngayon at
magpasawalang hanggan. Amen.

PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DELA ASUNCION

Lahat:

Ama naming makapangyarihan, sa Iyong kaningningan. Naakit ang Mahal


na Birheng Maria, sa tulong ng Iyong biyaya. Namuhay siyang kalinis-
linisan at karapat-dapat sa Iyong itinakda, kaya't pinagpala Mo siyang
iniakyat sa kalangitan taglay ang kaluluwa't katawan.
Ibinigay Mo sa amin siyang Ina at huwaran, sa tulong ng kanyang mga
panalangin at sa pagsasaloob namin ng mga bagay sa kaitaasan.
Pagindapatin Mo na kami'y mamuhay rin sa kalinisan at karapat-dapat sa
Iyong mga itinakda, at kaisa niya'y magtamasa sa Iyong piling ng
kaningningang walang maliw sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng
Espiritu Santo magpasawalang hanggan. AMEN

N. (Mag-antanda ng Krus) Pagpalain nawa tayo ng Makapangyarihang


Diyos, ilayo sa anumang kapahamakan at ihatid sa buhay na walang
hanggan.

L. Amen.

N. Nuestra Señora de la Asunción,

L. Ipanalangin mo kami!

N. +Sa ngalan ng Ama...

L. Amen.

DALÍT NG GALAK

Kung saklolo ang ating nais,

sa paghihingalong mahigpit

Koro: Si Maria ang S'yang tawagin sa Pag-aaakyat Niya sa langit. (2 beses)

Ang buong sangkalangitan,

sa laking inaasam-asam,

na ang Reynang sakdal Mahal

ilipad ng pailanglang;

'Di lingap ang masasapit,


nang malalim na hibik.

(Koro)

II

Pagdakang mangamanmanan

nang mga ibong tanan;

na sila ay papanawan,

ng aliw ng kalumbayan.

Ang panambitang masakit,

bendisyon sila'y mag-kamit.

(Koro)

III

Mang-aagnas na sa lubha,

ang tanang mga nilikha,

'pagkat ang Ina ng awa,

mahihiwalay na sa lupa;

Ngunit huwag isa-isip,

ampon Niya'y ikakait.

(Koro)

IV

Si Mariang sakdal paham,

tanging bahagi hinirang,

'di nga naman nalahiran;


nang saklap ng kamatayan.

At sa ligaya'y taiktik,

na namatay sa pag-ibig.

(Koro)

Ang alab ng panininta,

ang nitil ng buhay niya;

at lipos ang kaluluwa,

ng biyayang mahalaga.

Nalipat lamang humilig,

sa karurukan ng langit.

(Koro)

VI

Sandali nga, sumapit na;

nang ipapanaw ni Maria,

O araw na kakaiba;

liwayway di nakakita!

Pagka sa iba ng panig;

nang Diyos at Hari natin.

(Koro)

VII

Likha itong sino't alin,


bango'y tumigmak sa hangin?

At nakalikmo sa piling;

Ng Diyos at Hari natin?

Ito ang Birhen ng sakit

di masyadong ipagsulit.

(Koro)

You might also like