You are on page 1of 3

ANG SUMASAMPALATAYA

1. Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyayari sa lahat, na may gawâ


ng langit at lupa.
2. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoón
nating lahat.
3. Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espíritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang
Birhen.
4. Pinagpakasakit ni Póncio Pilato, ipinakò sa krus, namatay, inilibing.
5. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw, nabuhay na
mag-ulî.
6. Umakyat sa langit, náluluklók sa kanan ng Diyos Amang Makapangyayari sa
lahat.
7. Doon magmumulang paririto't maghuhukom sa mga nangabubuhay at
nangamatay na tao.
8. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espíritu Santo,
9. sa Banal na Simbahang Katólika;
10. sa kapisanan ng mga Banal;
11. Sa kapatawaran ng mga kasalanan,
12. Sa pagkabuhay na mag-ulî ng mga nangamatay na tao,
13. At sa buhay na walang-hanggán. Amen.

ANG LUWALHATI

Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.


Kapara noong unang-una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggan.
Amen.
ABA GINOONG MARIA

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,


Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman ang 'yong anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay.
Amen
AMA NAMIN

Ama namin, sumasalangit Ka


Sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang kaharian Mo
Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa, para nang sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin Mo ang aming mga sala,
Para ng pagpapatawad namin
Sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.
Sapagkat Iyo ang kaharian, at kapangyarihan,
At ang kadakilaan, magpakailanman. Amen.

ANG PAGSISISI

Panginoon kong Hesukristo, ako’y nagkasala sa Iyong


Kabutihang walang hanggan. Ako’y nagsisisi ng buong puso at nagtitika na di na
muling magkakasala sa tulong ng Iyong mahal na grasya. Amen.

ABA PO, SANTA MARIANG BIRHEN

Aba po Santa Mariang Reyna, Ina ng Awa,


Ikaw ang kabuhayan at katamisan.
Aba pinanaligan ka naming ikaw nga ang tinatawag namin, pinapanaw na taong
anak ni Eba. Ikaw rin ang pinagbubuntuhang hininga namin ng aming pagtangis
dini sa lupang baying kahapis hapis. Ay aba pintakasi ka naming, ilingon sa amin
ang mga mat among maawain at saka kung natapos yaring pagpanaw sa amin,
ipakita mo sa amin ang iyong anak na si Jesus. Santa Maria, Ina ng Diyos,
maawain, maalam at matamis na Birhen.

PANALANGIN NG FATIMA

O Hesus ko, patawarin Mo an gaming mga sala. Iligtas mo kami sa apoy ng


impiyerno.
Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa purgatory. Lalong-lalo na yaong mga
nangangailangan ng Iyong tulong at awa.

You might also like