You are on page 1of 23

ANG MISA NG SAMBAYANAN

PASIMULA
Kapag natitipon na ang sambayanan, ang Tagapagdiwang at ang mga tagapaglingkod ay
lalakad patungo sa altar, samantalang ang awiting pambungad ay ginaganap.

Pagsapit sa dambana, ang Tagapagdiwang at mga tagapaglingkod ay magbibigay-galang


alinsunod sa hinihinging paraan. Magbibigay-galang ang pari sa dambana sa pamamagitan ng
paghalik sa ibabaw ng altar. Kung minamabuti nya, maiinsensuhan niya ito. Pagkatapos, ang
pari ay paroroon sa kanyang upuan.

Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari at ang mga tao ay
magkukrus. Ipapahayag ng Tagapagdiwang nakaharap sa mga tao:

Sa ngalan ng Ama
at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Sasagot ang mga tao:

Amen.
Tagapagdiwang:

Sumainyo ang Panginoon.


Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.
Ang pari o ang diyakono o sinumang angkop na tagapaglingkod ay makapagbibigay ng maikling
paliwanag tungkol sa buod ng Misang ipagdiriwang.
Susunod na gaganapin ang pagsisisi sa kasalanan. Aanyayahan ng pari ang mga tao:

Mga kapatid,
aminin natin ang ating mga kasalanan
upang tayo’y maging marapat
gumanap sa banal na pagdiriwang.
Magkakaroon ng saglit na katahimikan. Pagkatapos nito, lahat ay sabay-sabay na aamin sa
nagawang kasalanan.

Inaamin ko sa makapangyarihang
Diyos at sa inyo mga kapatid, na lubha
akong nagkasala
Ang lahat ay dadagok sa dibdib.

sa isip, sa salita, at sa gawa


at sa aking pagkukulang.
Kaya isinasamo ko
sa Mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga banal
at sa inyo mga kapatid,
na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

Tagapagdiwang:

Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,


patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
KYRIE
Panginoon, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami.
Kristo, kaawaan mo kami.
Kristo, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami.

PANALANGING PAMBUNGAD
Tagapagdiwang:

Manalangin tayo.

Ang lahat kaisa ng Tagapagdiwang ay tahimik na mananalangin nang saglit.

Ama naming makapangyarihan,


ikaw ang nagdudulot ng tanang pagdamay at
kasiyahan. Ang Anak mong nakabayubay noon sa krus
na banal ay nagbigay ng kanyang Ina upang maging Ina
naming tanan.
Ipagkaloob mo pakundangan sa Inang
mapagmahal na ang iyong Sambayanan ay magalak
araw-araw sa ibayong kabanalang kinakamit ng
mga kaanib mong isinilang
upang sa kandungan nito ay maakit ang
sangkatauhan sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Lahat:

Amen.
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG
DIYOS UNANG PAGBASA
Genesis 3, 9-15. 20
Kayo ng babae‘y laging mag-aaway,
binhi mo‘t binhi niya’y laging maglalaban.

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Pagkakain ni Adan sa bunga ng puno, tinawag siya ng


Panginoon at tinanong, “Saan ka naroon? “ “Natakot po ako
nang marinig ko kayong nasa hardin; nagtago po ako sapagkat
ako’y hubad,” tugon ng lalaki. “Sinong may sabi sa iyong
hubad ka?” tanong ng Diyos. “Bakit, kumain ka ba ng bungang
ipinagbabawal ko?” “Kasi, pinakain po ako ng babaing
ibinigay ninyo sa akin,” tugon ng lalaki. “Bakit mo naman
ginawa iyon?” tanong ng Diyos sa babae. “Mangyari po’y
nilinlang ako ng ahas, kaya ako natuksong kumain,” tugon
naman niya. At sinabi ng Panginoon sa ahas: “Sa iyong
ginawa’y may parusang dapat, na tanging ikaw lang yaong
magdaranas; Ikaw ay gagapang, ang hatol kong gawad, at
alikabok ang pagkaing dapat. Kayo ng babae’y laging mag-
aaway, binhi mo’t binhi niya’y laging maglalaban. Ito ang
dudurog sa ulo mong iyan, at ang sakong niya’y ikaw ang
tutuklaw.” Eva ang itinawag ni Adan sa kanyang asawa,
sapagkat ito ang ina ng sangkatauhan.

Ang Salita ng Diyos.

Sasagot ang Lahat:

Salamat sa Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Judith 13, 18bkde. 19
(Tugon: 15, 9d)

Dinggin ang ulat sa iyong mabubuting bagay, O lungsod ng Diyos.

Sa Bundok ng Sion,
itinayo ng Diyos ang banal na lungsod,
ang lungsod na ito’y higit niyang mahal sa alinmang
bayan ng angkan ni Jacob. (Tugon)

Kaya’t iyong dinggin ang ulat sa iyong mabubuting bagay,


O lungsod ng Diyos.
At tungkol sa Sion,
yaong sasabihi’y, "Ang lahat ng bansa ay masasakupan,
siya’y palalakasin at patatatagin ng Kataas-taasan." (Tugon)

Ang Poon ay gagawa,


ng isang talaan ng lahat ng taong doo’y mamamayan,
ang lahat ng ito ay magsisiawit at pawang sasayaw. (Tugon)

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Birheng Mariang mapalad,
dapat magpuri ang lahat
sa iyo at sa ‘yong Anak.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Juan 19, 25-34

Narito ang iyong anak. Narito ang iyong ina.

P: Sumainyo ang Panginoon.


B: At sumaiyo rin.

P:  Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.


B: Papuri sa iyo, Panginoon.

Noong panahong iyon: Nakatayo sa tabi ng krus ni


Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria,
na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang
makita ni Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang
alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, “Ginang, narito ang iyong
anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon,
siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.
Alam ni Hesus na naganap na ang lahat ng bagay; at bilang
katuparan ng Kasulatan ay sinabi niya, “Nauuhaw ako!” May
isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Itinuhog nila
rito ang isang espongha, ikinabit sa sanga ng isopo at idiniit sa
kanyang bibig. Nang masipsip ni Hesus ang alak ay kanyang
sinabi, “Naganap na!” Iniyukayok niya ang kanyang ulo at
nalagot ang kanyang hininga.
Noo’y Araw ng Paghahanda, at ayaw ng mga Judio na
manatili sa krus ang mga bangkay sa Araw ng Pamamahinga
sapagkat dakila ang Araw ng Pamamahingang ito. Kaya’t
hiniling nila kay Pilato na ipabali nito ang mga binti ng mga
ipinako sa krus, at alisin doon ang mga bangkay. Naparoon nga
ang mga kawal at binali ang mga binti ng dalawang ipinakong
kasabay ni Hesus.
Ngunit pagdating nila kay Hesus at makitang patay na
siya, hindi na nila binali ang kanyang binti. Subalit inulos ng
sibat ng isa sa mga kawal ang tagiliran ni Hesus, at biglang
dumaloy ang dugo at tubig.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Bayan:

Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.

HOMILIYA
PANALANGIN NG BAYAN
Tagapagdiwang:

Dumalangin tayo sa Ama nating Diyos upang ibuhos


niya ang biyaya ng Espiritu Santo, ang ating gabay at lakas.
Buong pagtitiwala nating sambitin:

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Mapuspos nawa ang Simbahan ng biyaya ng Banal na Espiritu


upang maging huwaran siya ng pagkakaisa sa kabila ng
pagkakaiba-iba. Manalangin tayo sa Panginoon!

Nawa ang Santo Papa, mga Obispo, mga pari, at mga diyakono
ay makapaglingkod nang buong katapatan at pagmamahal sa
mga mahihirap at maysakit. Manalangin tayo sa Panginoon!

Maging tapat at mahusay nawa ang mga pinuno ng ating bansa


sa paggamit ng kanilang kapangyarihan para sa kapakanan ng
mga dukha at mga inaapi. Manalangin tayo sa Panginoon!

Maging masigasig nawa ang mga relihiyoso at relihiyosa sa


kanilang misyon na ipahayag ang Mabuting Balita sa lahat ng
tao at panahon. Manalangin tayo sa Panginoon!

Makamit nawa ng lahat ng mga yumao ang tunay na


kapayapaan sa tulong ng Espiritu Santo.
Manalangin tayo sa Panginoon!
Sa katahimikan ng ating mga puso, idulog natin sa Panginoon
ang ating mga pansariling kahilingan at mga kahilingang
ipinagdarasal sa Banal na Misang ito. (Tumigil sumandali)
Tagapagdiwang:

Ama naming mapagmahal,


ipagkaloob mo ang mga
kahilingan ng iyong sambayanan,
sa kapangyarihan ng Espiritu Santo alang-
alang kay Kristong aming Panginoon.

Bayan:

Amen.
PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN
Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga
tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis, at ang
Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon ng


pag-aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa mga dukha.
Ngayon nama’y tatayo ang Tagapagdiwang sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang
pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang
pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha ng sanlibutan.


sa iyong kagandahang-loob,
narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa
ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay.
Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.
Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang
malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!


Ang Tagapagdiwang ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang
pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.

Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng Tagapagdiwang ang kalis nang


bahagyang nakaangat sa dambana habang dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha ng sanlibutan.


sa iyong kagandahang-loob,
narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas
at bunga ng aming paggawa ang alak na ito
para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.
Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.
Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang
malakas ng Tagapagdiwangat sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!


Pagkatapos, yuyuko ang Tagapagdiwang habang dinarasal niya nang pabulong:

Diyos Amang Lumikha,


nakikiusap kaming mga makasalanan. Tanggapin
mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso.
Kung minabuting gawin, iinsensuhan ng Tagapagdiwang ang mga alay at ang dambana;
pagkaraa’y iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisimba.

Pagkatapos, ang Tagapagdiwang ay pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga


kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal,


kasalanan ko’y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.

Pagbalik ng Tagapagdiwang sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga
kamay sa mga tao at muli niyang pagdaraupin habang ipinahahayag:

Manalangin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.
Sasagot ang mga tao:

Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal.
PANALANGING UKOL SA MGA ALAY

Tagapagdiwang:

Ama naming Lumikha,


tanggapin mo ang aming mga alay na nasa dambana
at gawin mong maging paghahain ng katubusang dakila
upang sa pag-ibig ni Mariang Birheng Ina ng
Sambayanan kami ay maalab na makapamuhay
at sa pakikipagkaisa sa pagtubos sa tanan
kami ay sa kanya makipagtulungan sa
pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Lahat:

Amen.
PAGBUBUNYI O PREPASYO
P: Sumainyo ang Panginoon
B: At sumaiyo rin.
P: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
B: Itinaas na namin sa Panginoon.
P: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
B: Marapat na siya ay pasalamatan.
Tagapagdiwang:

Ama naming makapangyarihan,


tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan
ngayong pinararangalan namin
ang Mahal na Birhen.

Minarapat mong siya’y itampok


bilang Inang nagluwal sa pangakong Manunubos
at bilang unang kaanib sa sambayanan mong
kinukupkop. Sa krus, inihabilin ni Hesus kay Maria
ang sangkatauhang pinagmamalasakitan niya
upang magkamit ng muling pagsilang sa iyong
pamilya. Kapiling ng mga alagad na nilukuban ng
Espiritu Santo si Mariang nagdarasal ay huwaran
ng sambayanang dumadalangin sa iyo.
Iniakyat mo si Maria sa langit
tanda ng sambayanang sa iyo’y sasapit kapag
itinampok ng iyong Anak ang daigdig.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang
walang humpay sa kalangitan, kami’y
nagbubunyi sa iyong kadakilaan:
SANTO
IKALAWANG PANALANGIN
NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT
Nakalahad ang mga kamay ng Tagapagdiwang sa pagdarasal.

Ama naming banal,


ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.
Pagdaraupin ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang
mga alay habang siya’y nagdarasal.

Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu


gawin mong banal ang mga kaloob na ito
Pagdaraupin ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at
kalis, samantalang kanyang dinarasal:

upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo ng
aming Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.
Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag nang
malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Bago niya pinagtiisang kusang loob na maging handog,


Hahawakan ng Tagapagdiwang ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana
habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang Tagapagdiwang.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito sa
pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.
Magpapatuloy ang Tagapagdiwang:

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng Tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana
habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis,


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis
sa kanyang mga alagad at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang Tagapagdiwang.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG
TIPAN, ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.


Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at
luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipapahayag ng Tagapagdiwang:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.


Ang mga tao ay magbubunyi:

Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!
Ilalahad ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

Ama,
ginagawa namin ngayon ang pag-alala
sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong
Anak kaya’t iniaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.

Kami’y nagpapasalamat
dahil kami’y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo
para maglingkod sa iyo.
Isinasamo naming kaming magsasalu-
salo sa Katawan at Dugo ni Kristo ay
mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Nagmimisa o isa sa Nakipagmisa:

Ama,
lingapin mo ang iyong Simbahang
laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni Francisco, na aming Papa
at ni Luis Antonio, na aming Obispo
at ng tanang kaparian.
Nagmimisa o isa sa Nakipagmisa:

Alalahanin mo rin
ang mga kapatid naming nahimlay
nang may pag-asang sila’y muling mabubuhay
gayun din ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan.
Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat
na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.

Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng


Diyos, ng kaniyang Kabiyak ng puso, si San Jose,
kaisa ng mga apostol,
at ng lahat ng mga banal
na namuhay dito sa daigdig
nang kalugud-lugod sa iyo,
maipagdiwang nawa namin
ang pagpupuri sa ikararangal mo
Pagdaraupin ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng iyong Anak


na aming Panginoong Hesukristo.
Hahawakan ng Tagapagdiwang ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas
habang kanyang ipinahahayag:

SA PAMAMAGITAN NI KRISTO,
KASAMA NIYA, AT SA KANYA
ANG LAHAT NG PARANGAL AT PAPURI
AY SA IYO, DIYOS AMANG
MAKAPANGYARIHAN, KASAMA NG ESPIRITU
SANTO MAGPASAWALANG HANGGAN.
Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.
Susunod ang yugto ng pakikinabang.
ANG PAKIKINABANG
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng Tagapagdiwang nang may
magkadaop na mga kamay:

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at
Diyos ipahayag natin nang lakas-loob:
Ilalahad ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat:

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon


ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga
sala para nang pagpapatawad namin sa
nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Nakalahad ang mga kamay ng Tagapagdiwang sa pagdarasal:

Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-
araw, iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan ang
dakilang araw ng pagpapahayag ng
Tagapagligtas naming si Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin
sa ganitong pagbubunyi:

Sapagka’t iyo ang kaharian at ang kapangyarihan


at ang kapurihan magpakailan man! Amen.

Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

Panginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


Sasagot ang mga tao:

Amen.
Ang Tagapagdiwang ay paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa
pagpapahayag.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.


Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.
Maidaragdag kung minamabuti, ang paanyayang ipahayag ng diyakono o Tagapagdiwang:

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t ibang pook, ang mga nagsisimba ay magbibigayan ng kapayapaan.
Ang Tagapagdiwang at ang mga tagapaglingkod ay makapagbibigayan ng kapayapaan.
Pagkatapos, hahawakan ng Tagapagdiwang ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw
ng pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito
ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong
Hesukristo tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.
Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog na ito.

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan, maawa Ka sa amin.

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan, maawa Ka sa amin.

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
Ito ay mauulit- ulit habang ginaganap ang paghahati- hati sa tinapay. Sa huling pag- uulit saka
pa lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.”
Magkadaop ang mga kamay ng Tagapagdiwang sa pabulong na pagdarasal.

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na


buhay, sa kaloob ng Ama kasama ng Espiritu
Santo, binuhay mo sa iyong pagkamatay ang
sanlibutan. Pakundangan sa iyong banal na
Katawan at Dugo, iadya mo ako sa tanang aking
kasalanan at lahat ng masama,
gawin mong ako’y makasunod lagi sa iyong mga
utos, at huwag mong ipahintulot
na ako’y mawalay sa iyo kailanman.
Luluhod ang Tagapagdiwang at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa
ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi nang malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo


nguni’t sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni


Kristo para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.
Pagkatapos, hahawakan ng Tagapagdiwang ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni


Kristo para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga nakikinabang,
bahagyang itataas ang ostiya para sa bawat nakikinabang habang sinasabi:

Katawan ni Kristo.
Ang nakikinabang ay tutugon:

Amen.
Samantalang nakikinabang ang Tagapagdiwang, sisimulan ang awit sa pakikinabang.
138. Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na
huhugasan ng pari o diyakono o tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng Tagapagdiwang,
pabulong siyang magdarasal:

Ama naming mapagmahal,


ang aming tinanggap
ngayon ay amin nawang
mapakinabangan at ang iyong
ipinagkaloob ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingang pangmagpakailanman.
139. Makababalik ngayon sa upuan ang Tagapagdiwang. Makapag-uukol ng ilang saglit na
katahimikan o makaaawit ng papuri o salmo.

Pagkaraan, ang pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana at paharap sa mga
nagsisimbang magpapahayag:

PANALANGING PAGKAPAKINABANG
Tagapagdiwang:

Manalangin tayo.
Kung di pa nagaganap ang tahimik na pagdalangin, ito ay gagawin ngayon, at pagkaraan, ang
panalangin pagpapakinabang ay ipahahayag ng paring nakalahad ang mga kamay.

Ama naming mapagmahal,


kaming mga nakinabang
sa dulot mong katubusan at buhay
ay dumadalanging sa tulong ni Mariang
Ina at Birheng banal
ang Mabuting Balita ay mailaganap sa tanan
at ang Espiritu Santo ay lubos na manahan sa
sanlibutan sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Ang sambayanan ay tutugon:

Amen.

[MENSAHE / PATALASTAS]
PAGHAYO SA PAGWAWAKAS
Pagkatapos, gaganapin ang paghayo. Ang Obispo nakalahad ng mga kamay sa mga tao ay
magpapahayag:

Sumainyo ang Panginoon.


Sasagot ang tao:

At sumaiyo rin.
Babasbasan ng pari ang mga tao habang kanyang ipinahahayag:

Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,



Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Sasagot ang tao:

Amen.
Ang diyakono o ang Tagapagdiwang na makadaop ang mga kamay ay magpapahayag
ng paghayo sa sambayanan:

Humayo kayong taglay ang kapayapaan


upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.
Sasagot ang mga tao:

Salamat sa Diyos.
Kakantahin ang Pangwakas na Awit.

You might also like