You are on page 1of 16

Ang Misa sa Pag- iisang Dibdib

PASIMULA

NAMUMUNO:
Isang maganda umaga po sa lahat Tayo ngayo’y nagkakatipon bilang isang Kristyanong
komunidad, upang masaksihan itong mahalagang yugto sa buhay nina N. at N. Sama-sama
nating pasalamatan ang Panginoon sa pagsasama sa kanila sa pag-ibig at ating idalangin na
nawa’y basbasan at pabanalin ang kanilang magiging buhay mag-asawa.

Magsitayo po tayong lahat.

PAGBATI

PARI: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo +.


BAYAN: Amen.

PARI: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos


Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyong lahat.
BAYAN: At sumaiyo rin.

PARI: Minamahal na **Kasal Groom** at **Kasal Bride**, ang Diyos ay pag-


ibig at sa kanyang dakilang kapangyarihan at pagmamahal ay pinagsama
niya kayo sa pag-ibig. Binigyan niya kayo ng kalayaan upang palaguin ang
pag-ibig na ito. Ang Diyos din ang tutulong sa inyo upang pagtibayin ang
kinabukasan ng inyong pag-ibig kung inyong ibabahagi at kusang-loob
kayong magmamahalan at gumagalang sa isa’t-isa sa kaginhawahan at
kahirapan, sa karamdaman at kalusugan, sa panahon ng mabuti at
masama sa isang tipan na sa ilang sandali ay inyong tatanggapin.

PAGSISISI NG KASALANAN

PARI: Ngayon, mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’y
maging marapat sa banal na pagdiriwang.
Magkakaroon ng saglit na katahimikan. Pagkatapos nito, lahat ay sabay-
sabay na aamin sa nagawang kasalanan

PARI at BAYAN:
Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa inyo, mga kapatid, na lubha
akong nagkasala

1
Ang lahat ay dadagok sa dibdib.
sa isip, sa salita, sa gawa at sa aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa
Mahal na Birheng Maria, sa lahat
ng mga anghel at mga banal at sa inyo, mga kapatid, na ako’y ipanalangin
sa Panginoong ating Diyos.

PARI: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga


kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

BAYAN: Amen.

PARI: Panginoon, kaawaan mo kami.


BAYAN: Panginoon, kaawaan mo kami.

PARI: Kristo, kaawaan mo kami.


BAYAN: Kristo, kaawaan mo kami.

PARI: Panginoon, kaawaan mo kami.


BAYAN: Panginoon, kaawaan mo kami.

PARI: Manalangin tayo.


Ama naming makapangyarihan, iyong itinalaga na ang pag-iisang dibdib
ay maging sagisag ng pag-ibig ni Kristo sa kanyang banal na Sambayanan.
Sa ipinagdurugtong na buhay ni ** Groom** at ** Bride**, na ngayo’y
umaako sa banal na tipan ng kasal nawa’y mangibabaw ang ipinahahayag
nilang pagmamahalan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.
BAYAN: Amen.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

NAMUMUNO: Magsiupo tayong lahat at makinig sa Salita ng Diyos.

UNANG PAGBASA: Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga Efeso (5,29.21-33)

Mga kapatid, mamuhay kayong puspos ng pag-ibig ni Kristo; dahil ang pag-ibig sa atin,
inihandog niya ang kanyang buhay bilang mahalimuyak na hain sa Diyos. Pasakop kayo sa isa’t-
isa tanda ng inyong paggalang kay Kristo.

Mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon.
Sapangkat ang lalaki ang ulo ng kayang asawa, tulad na siyang ulo ng simbahan, na kanyang

2
katawan, at siyang tagapagligtas nito. Kung papaanong nasasakop ni Kristo ang simbahan,
gayon din naman, ang mga babae’y dapat pasakop nang lubusan sa kani-kanilang asawa.

Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni Kristo sa simbahan.
Inihandog niya ang kanyang buhay para rito, upang ang simbaha’y italaga sa Diyos matapos
linisin sa pamamagitan ng tubig at salita. Ginawa niya ito upang maiharap sa kanyang sarili ang
simbahan, marilag, banal, walang batik at walang anumang dungis o kulubot. Dapat mahalin ng
mga lalaki ang kani-kanilang asawa tulad ng sarili nilang katawan. Ang lalaking nagmamahal sa
kanyang asawa ay nagmamahal sa kanyang sarili. Walang taong namumuhi sa sarili niyang
katawan, bagkus ito’y pinakakain at inaalagaan, gaya ng ginagawa ni Kristo sa simbahan. Tayo’y
mga bahagi ng kanyang katawan. “Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina at
magsasama sila ng kanyang asawa; at sila’y magiging isa.” Isang dakilang katotohanan ang
inihahayag nito – ang kaugnayan ni Kristo sa simbahan ang tinutukoy ko. Subalit ito’tumutukoy
rin sa bawat isa sa inyo: mga lalaki, mahalin ninyo ang inyu-inyong asawa gaya ng inyong
sarili:mga babae, igalang ninyo ang inyu-inyong asawa.

Ito ang mga salita ng Diyos.

BAYAN: Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN

NAMUMUNO: Ang ating itutugon ay: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa
Diyos.

NAMUMUNO: Mapalad ang bawat taong sa Panginoo’y may takot. Ang maalab na
adhika’y sumunod sa kanyang utos. Hindi siya magkukulang sa anumang
kailangan. Ang buhay ay maligaya’t uunlad ang kanyang buhay.

TUGON: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos.

NAMUMUNO: Sa tahanan, ang asawa’y parang ubas na mabunga. Bagong tanim na olibo
sa may dulang ang anak n’ya. Ang sinuman kung PANGINOON ay kusang
susundin, buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain.

TUGON: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos.

NAMUMUNO: Mula sa Sion, pagpapala nawa ng Diyos ay tanggapin, at makita habang


buhay, pag-unlad ng Jerusalem; Ang inyong magiging apo nawa, ikaw ay
abutin, nawa’y maging mapayapa itong bayan ng Israel!

TUGON: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos.

3
NAMUMUNO: Magsitayo taoyng lahat sa paggalang sa Mabuting Balita:

LAHAT:
ALELUYA! ALELUYA!
Diyos ay pag-ibig na tunay,
kaya tayo’y magmahalan
at siya’y ating tularan.
ALELUYA! ALELUYA!

MABUTING BALITA

PARI: Sumainyo ang Panginoon.


BAYAN: At sumainyo rin.

PARI: + Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo (19:3-6).
BAYAN: Papuri sa iyo Panginoon.

PARI: Noong panahong iyon, may mga Pariseong lumapit kay Hesus at
tinangkang siluin siya sa pamamagitan nag tanong na ito: “Naaayon ba sa Kautusan na
hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa kahit anong kadahilanan?” Sumagot si Hesus: “Hindi
pa ba ninyo nababasa sa Kasulatan na sa pasimula’y nilalang sila ng Maykapal, lalaki at babae?
At sinabi, ‘Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina, at magsasama sila ng kanyang
asawa; at sila’y magiging isa.’ Kaya’t hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay
huwag paghiwalayin ng tao.”

Ito ang Mabuting Balita ng Panginoon.

BAYAN: Pinupuri ka naming, Panginoong Hesukristo.

HOMILIYA

RITU NG PAG-IISANG DIBDIB

NAMUMUNO: Manatiling nakaupo para sa pag-iisang dibdib. Sisindihan ang kandila sa


magkabilang gilid ng luruhan ng ikakasal.

PARI: Minamahal kong **Groom** at **Bride**, sa Binyag at Kumpil, nakiisa


kayo sa buhay at pananagutan ng Panginoon, at sa pagdiriwang ng Huling
Hapunan muli’t muli kayong nakisalo sa hapag ng kanyang pagmamahal.
Ngayon nama’y kusang-loob na kayo’y dumudulog sa Sambayanang ito at
humuhiling na panalangin upang ang inyong panghabambuhay na
pagbubuklod ay pagtibayin ng Panginoon.

4
At kayo naman, mga kapatid, na natitipon ngayon, ay manalangin para
kina ** Groom** at ** Bride** at bukas palad silang tanggapin bilang
magkaisang-dibdib sa ating sambayanang Kristiyano.

PARI: Hinihiling ko ngayon na buong katapatan ninyong ipahayag ang inyong


damdamin sa isa’t-isa.

PARI: (sa babae) ** Bride**, bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang-
dibdib si **Groom**na iyong pakamamahalin at paglilingkuran
habambuhay?

BABAE: Opo, Padre

PARI: (sa lalake) ** Groom**, bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang
makaisang-dibdib si **Bride**na iyong pakamamahalin at paglilingkuran
habambuhay?

LALAKI: Opo, Padre

PARI: (sa magkasintahan) Nakahanda ba kayong gumanap sa inyong pananagutan sa Simbahan


at sa bayan na umaasang inyong aarugain ang mga supling na ipagkaloob
ng Poong Maykapal upang sila ay inyong palakihin mabubuting
mamamayang Kristiyano?

BABAE at LALAKI: Opo, Padre.

PARI: (sa magkasintahan) Minamahal kong ** Groom** at **Bride** sa harap ng Diyos at ng


kanyang Sambayanan, pagdaupin ninyo ang inyong mga palad at
ipahayag ninyo ang mithiing magtipan sa banal na sakramento ng kasal.

Magdadaup-palad ang magkasintahan.

Tatanungin ng Pari ang Babae:


**Bride**, sumasang-ayon ka ban a maging asawa si **Groom**, na
naririto ngayon, alinsunod sa batas at mga alintuntunin ng ating banal na
Simbahan?

BABAE: Opo, Padre.

PARI: Buong puso ba ang pagkakaloob mo sa kanya ng iyong sarili bilang


kanyang maybahay?

BABAE: Opo, Padre.


5
PARI: Nakalaan ka bang balikatin sa piling niya ang pananagutan ng buhay may-
asawa?

BABAE: Opo, Padre.

Tatanungin ng pari ang lalaki:


**Groom**, sumasang-ayon ka ban a mahing asawa si **Bride**, na
naririto ngayon, alinsunod sa batas at mga alintuntunin ng ating banal na
Simbahan?

LALAKI: Opo, Padre.

PARI: Buong puso ba ang pagkakaloob mo sa kanya ng iyong sarili bilang


kanyang asawa?

LALAKI: Opo, Padre.

PARI: Nakalaan ka bang balikatin sa piling niya ang pananagutan ng buhay may-
asawa?

LALAKI: Opo, Padre.

Magdarasal ang magkasintahang ikinakasal:


Ama namin,
kami po ay inyong loobing
magkaisa ng kalooba’t damdamin
mula ngayon sa kaginhawahan at kahirapan
sa karamdaman at kalusugan
sa lahat ng araw ng aming buhay.

PARI: Bilang tagapagpatunay ng Simbahan, pinagtitibay ko’t binabasbasan


ang pagtataling-puso na inyong pinagtipan, sa ngalan ng Ama + at ng
Anak at ng Espiritu Santo.

BAYAN: Amen.

PAGBABASBAS AT PAGBIBIGAYAN NG MGA SINGSING AT ARAS

PARI: Ama naming maawain, basbasan mo’t kupkupin ang iyong mga + lingkod
na sina ** Groom** at **Kasal Bride**. Pagkalooban mo sila ng sapat na
kabuhayang sinasagisag ng mga aras na ito sa ikapagkakamit ng buhay na

6
walang hanggan. Iniluluhog namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu S anto magpasawalang hanggan.

BAYAN: Amen.

PARI: Ama naming mapagmahal, basbasan mo’t lingapin ang iyong + mga
lingkod sa sina **Groom** at **l Bride**. Pagindapatin mo na silang
magsusuot ng mga singsing na ito ay maging kawangis mo sa iyong wagas
na pag-ibig at walang maliw na katapatan. Iniluluhog naming ito sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

BAYAN: Amen.

LALAKI: **Bride**, kailanma’y di kita pagtataksilan. Isuot mo at pakaingatan ang


singsing na ito na siyang sangla ng aking pag-ibig at katapatan. Sa ngalan
ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen

BABAE: ** Groom**, kailanma’y di kita pagtataksilan. Isuot mo at pakaingatan


ang singsing na ito na siyang sangla ng aking pag-ibig at katapatan. Sa
ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen

LALAKI: **Bride**, kailanma’y di kita pababayaan. Inilalagak ko sa iyo itong mga


aras na tanda ng aking pagpapahalaga at pagkalinga sa kapakanan mo (at
ng ating magiging anak.) Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu
Santo. Amen.

BABAE: Tinatanggap ko ito at nangangako akong magiging iyong katuwang sa


wastong paggamit at pangangasiwa ng ating kabuhayan.
Matapos ang pagbibigayan ng singsing at aras, babatiin ng pari ang mag-
asawa. Sila’y papalakpakan ng sambayanan bilang tanda ng pagbati.

PANALANGING PANGKALAHATAN

PARI: Mga minamahal kong kapatid, halinang magkaisa sa pagdalangin sa Diyos


para sa ating mga bagong kasal na sina **Groom** at **Bride** at para
sa buong Simbahan, sanlibutan, at sa ikapagkakaisa ng tanan.

NAMUMUNO: Para sa Kristiyanong Sambayanan upang ito ay umunlad sa


pagpapakasakit araw-araw, manalangin tayo sa Panginoon.

BAYAN: Isinasamo naming kami’y iyong dinggin.

7
NAMUMUNO: Para sa mga nagtitiis at nagpapakasakit upang sila’y tuwangan ng Diyos sa
dinadalang hapis, manalangin tayo sa Panginoon.

BAYAN: Isinasamo naming kami’y iyong dinggin.

NAMUMUNO: Para sa kapayapaan ng buong daigdig upang ang lahat ay makatulong sa


pamumuhay na walang ligalig, manalangin tayo sa Panginoon.

BAYAN: Isinasamo naming kami’y iyong dinggin.


NAMUMUNO: Para sina **Groom** at **Bride** at ang lahat ng mag-asawa ay bigyan
ng Espiritu Santo ng ibayong pag-ibig at ligaya, manalangin tayo sa
Panginoon.

BAYAN: Isinasamo naming kami’y iyong dinggin.

NAMUMUNO: Para sa lahat ng mga tahanan upang loobin ng Panginoon ang


pamamayani ng kapayapaan sa mga anak at sa kanilang mga magulang,
manalangin tayo sa Panginoon.

BAYAN: Isinasamo naming kami’y iyong dinggin.

PARI: Ama naming makapangyarihan, kaawaan mo sina **Groom** at


**Bride** at pagbigyan sa kahilingang magkamit ng iyong kaloob sa
ikapagkakaisa sa pagmamahal at sa ikapagkakaroroon ng ligaya sa
kalangitan kaisa ng kanilang mga supling at mga mahal sa buhay sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama ang Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

BAYAN: Amen.

NAMUMUNO: Magsiupo tayong lahat.

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

NAMUMUNO: Inaanyayahan po ang magsisindi ng kandila, ang maglalagay ng belo at


kordon na sisindihan na ang kandila at ilalagay na ang belo at kordon.

PAGHAHANDA SA MGA ALAY

PARI: Kapuri-puri ka, Diyos Amang lumikha sa sanlibutan. Sa iyong


kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa lupa at bunga ng
aming paggawa ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay-
buhay.
8
NAMUMUNO at BAYAN: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman.

PARI: Sa paghalong ito ng alak at tubig kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos


ni Kristo na nagpagindapat makihati sa aming pagkato.
Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa
Katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito para maging
inuming nagbibigay ng inyong Espiritu.

NAMUMUNO at BAYAN: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman.


PARI: Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan. Tanggapin
mo ang aming pagsisisi bilang handog upang kami’y matutong sumunod
sa iyo nang buong puso.

O Diyos kong minamahal, kasalanan ko’y hugasan at linisan mong


lubusan ang nagawa kong pagsuway.

PARI: Manalangin tayo, mga kapatid, upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.

BAYAN: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong kamay sa


kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinabangan at sa buong
sambayanan niyang banal.

NAMUMUNO: Magsitayo po ang lahat.

PARI: Ama naming lumikha, iyong pagdamutan at tanggapin ang aming handog
para sa pag-iisang dibdib nina **Groom** at **Bride**. Ang pag-ibig
mong kanilang tinataglay ay loobin mong kanilang maihandog sa iyo sa
kanilang pagmamahalan araw-araw sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

BAYAN: Amen.

IKALAWANG PAGBUBUNYI O PREPASYO


Ang Dakilang Sakramento ng Pag-iisang-dibdib

PARI: Sumainyo ang Panginoon.


BAYAN: At sumaiyo rin.

PARI: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


BAYAN: Itinaas na namin sa Panginoon.

9
PARI: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
BAYAN: Marapat na siya ay pasalamatan.

PARI: Ama naming makapangyarihan, tunay ngang marapat na ikaw ay aming


pasalamatan sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon.
Sa kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay ang iyong bagong tipan sa
iyong sambayanan ay naghahain sa amin ng iyong buhay at pakikipag-
ugnayan bilang mga kasalo sa iyong kadakilaang walang hanggan.
Sa dakilang pag-ibig nah ain ng iyong Anak pinagbuklod mo ang mga
magsing-ibig upang sa pagsasama habang panaho’y mailahad
ang iyong katapatan at pagmamalasakit.
Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan kami’y nagbubunyi sa iyong
kadakilaan.

NAMUMUNO at BAYAN:
Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo!
Napupuno ang langit at lupa
ng kadakilaan mo!
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito
sa ngalan ng Panginoon.
Osana sa kaitaasan.

NAMUMUNO: Magsiluhod tayong lahat.

PARI:
Ama naming banal, ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.
Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu
gawin mong banal ang mga kaloob na ito upang para sa ami’y maging Katawan st Dugo +
ng aming Panginoong Hesukristo.

Bago niya pinagtiisang kusang-loob na maging handog, hinawakan niya ang tinapay,
pinasalamatan ka niya, pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA INIHAHANDOG PARA SA INYO.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan, hinawakan niya ang kalis,
muli ka niyang pinasalamatan, iniabot niya ang lais sa kanyang mga alagad
10
at sinabi:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN.


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALAALA SA AKIN.

NAMUMUNO: Magsitayo po tayong lahat para sa pagbubunyi ng ating


pananampalataya.

PARI: Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

BAYAN:
Si Kristo’y namatay
Si Kristo’y nabuhay
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

PARI: Ama, ginagawa naming ngayon ang pag-alaala sa pagkamatay at muling


pagkabuhay ng iyong Anak kaya’t iniaalay naming sa iyo ang tinapay na
nagbibigay-buhay at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.

Kami’y nagpapasalamat dahil kami’y iyong minarapat na tumayo sa harap


mo para maglingkod sa iyo. Isinasamo naming kaming magsasalu-salo sa
Katawan at Dugo ni Kristo ay mabuklod sa pagkakaisasa pamamagitan ng
Espiritu Santo.

Ama,lingapin mo ang iyong Simbahang laganap sa buong daigdig.


Puspusin mo kami sa pag-big kaisa ni Francisco na aming Papa at ni
Honesto na aming obispo, at ng tanang mga kaparian.

Alalahanin mo rin ang mga kapatid naming nahimlay nang may pag-asang
sila’y muling mabubuhay gayun din ang lahat ng mga pumanaw.

Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan. Kaawaan mo at


pagindapatin kaming lahat
na makasalo sa iyong buhay na walang wakas. Kaisa ng Mahal na Birheng
Maria na Ina ng Diyos
Kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal na namuhay dito sa
daigdig nang kalugud-lugod sa iyo, maipagdiwang nawa naming ang

11
pagpupuri sa ikararangal mo sa pamamagitan ng iyong Anak na aming
Panginoong Hesukristo.

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya ang lahat ng parangal


at papuri ay sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan, kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.

LAHAT: Amen.

ANG PAKIKINABANG

PARI: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na Panginoon


natin at Diyos ipahayag natin nang lakas-loob:

LAHAT:
Ama namin, sumasalangit ka.
Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.

PARI: Mga kapatid, halina’t ipanalangin sa Ama nating banal ang mga bagong
kasal na nangangakong magmamahalan bilang mga magkasalo sa
katawan at Dugo ng Poong mahal.

Ama naming banal, nilikha mo ang tao bilang lalaki’t babaing iyong
kalarawan upang sa kaugnayan sa pag-iisang dibdib ay maisakatuparan
ang iyong layunin sa lupang ibabaw.
Ama naming mapagmahal, niloob mong sa pamumuhay ng mga mag-
asawa sa pagmamahalan ay mabanaagan ang tipan ng iyong paghirang na
iyong minarapat ipagkaloob sa iyong sambayanan upang ipinahihiwatig
mong lubusan ay maglahad ng pag-iisang dibdib ni Kristo at ng
Sambayanan kaya naman hinihiling naming na sina **Groom** at**
Bride** ay gawaran ng pagbabasbas ng iyong kanang kamay. Ipagkaloob
mong sa pagsasama nila habang buhay kanilang mapagsaluhan ang pag-
12
ibig mong bigay at sa isa’t-isa ay kanilang maipamalas ang iyong
pakikipisan at pagkakaisa ng damdamin at isipan. Bigyan mo rin sila ng
matatag na tahanan at mga anak na huhubugin sa Mabuting Balita ng
Anak mong mahal para maging maaasahang kaanib ng iyong angkan.

Marapatin mong mapuspos ng pagpapala ang babaing ito na si **


Bride**, upang bilang asawa ni **Groom**, (at bilang ina ng magiging
mga anak nila) kanyang maganap nang may pagmamalasakit, ang
tungkulin sa tahanan. Gayun din naman, pangunahan mo ng iyong
pagbabasbas ang lalaking ito na si **Groom**, upang kanyang
magampanang marapat ang tungkulin ng asawang matapat ni **Bride**,
(at amang maaasahan ng kanilang magiging mga anak.)

Ama naming banal, pagbigyan mo sila sa pagdulog sa iyong hapag bilang


mga pinagbuklod sa pag-ibig na wagas upang kanilang mapagsaluhan ang
piging na di magwawakas sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng
Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

NAMUMUNO at BAYAN: Amen.

PARI: Panginoong Hesukristo sinabi mo sa iyong mga Apsotol: “Kapayapaan ang


iniwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya at huwag ang aming mga
pagkakasala. Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa
iyong kalooban. Kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

NAMUMUNO at BAYAN: Amen.

PARI: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

NAMUMUNO at BAYAN: At sumaiyo rin.

PARI: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t-isa.


Sa pagsasawak na ito ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong
Hesukristo tanggapin nawa naming sa pakikinabang ang buhay na
walang hanggan.

NAMUMUNO at BAYAN: Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng


Sanlibutan, maawa ka sa amin. Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga
kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Kordero ng Diyos na nag-
aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, ipagkaloob mo sa amin ang
kapayapaan.

13
NAMUMUNO: Magsiluhod po tayo.

PARI: Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay, sa kalooban ng Ama


kasama ng Espiritu Santo binuhay mo sa iyong pagkamatay ang
sanlibutan. Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo, Iadya mo
ako sa tanang kasalanan at lahat ng masama. Gawin mong ako’y
makasunod lagi sa iyong mg utos at huwag mong ipahintulot na ako’y
mawalay sa iyo kailan man.

PARI: Ito ang kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.


Mapalad ang mgainaanyayahan sa kanyang piging.

NAMUMUNO at BAYAN: Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo, ngunit sa


isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

PARI: Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo para sa buhay na walang


hanggan.
Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo para sa buhay na walang
hanggan.

NAMUMUNO: Lahat ng gustong makinabang, gumawa lamang po tayo ng dalawang pila


sa gitna.

PAKIKINABANG NG BAYAN:

PARI: Katawan ni Kristo.

(Matapos ang pakikinabangng lahat:)


NAMUMUNO: Inaanyayahan po ang magtatanggal ng belo at kordon na tanggalin na ang
belo at ang kordon.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG:

PARI: Manalangin tayo.


Ama naming mapagmahal, ang iyong loobing makiisa ay panatilihin mong
umiiral sa mga nagsalo sa haing nagbibigay-buhay. Pamalagiin mong
nagmamahalan at nagkakaisa ng kalooba’t kaisipan sina **Groom** at
**Bride** na pinagbuklod mo sa banal na pagsasama at iyong pinagsalo
sa pagkai’t inuming pagkakaisa ang ibinibigay sa pamamagitan ni
Hesukristo kasama ang Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

NAMUMUNO at BAYAN: Amen.

14
PAGHAHAYO SA PAGWAWAKAS

PARI: Habilin ko sa inyo, mga bagong kasal: mamuhay kayong lagi sa pag-ibig at
katapatan.

** Bride**, pag-ibig mo’y patunayan sa pagiging butihing maybahay na


may pananampalataya, kabanalan at pag-ibig sa Maykapal.
** Groom**, maybahay mo’y ibigin gaya ng malasakit ni Kristo sa
Simbahan bilang pagsunod sa kalooban ng Diyos Ama sa kalangitan.

PARI: Sumainyo ang Panginoon.


BAYAN: At sumaiyo rin.

PAGBABASBAS

PARI: Inaanyayahan ko kayong dalawa (Groom & Bride) at ang sambayanan na


iyuko ang inyong mga ulo para sa pagbabasbas.
Ang Diyos Amang makapangyarihan ay siya nawang magbigay ng
kagalakang dulot ng mga anak na sa inyo’y sisilang at ng kanyang
kasiyahan ngayon at magpasawalang hanggan.

BAYAN: Amen.

PARI: Ang Bugtong na Anak ng Diyos ay siya nawang sa inyo’y tumuwang sa


kahirapan at kaginhawahan ngayon at magpasawalang hanggan.
BAYAN: Amen.

PARI: Ang Espiritu Santo ay siya nawang magdulot ng pagmamahal na nag-


uumapaw sa inyo ngayon at magpasawalang hanggan.

BAYAN: Amen.

PARI: At kayong lahat na nagtitipun-tipon dito ay pagpalain nawa ng


makapangyarihang Diyos Ama at Anak + at Espiritu Santo.

BAYAN: Amen.

PARI: Humayo kayong taglay ang kapayapaan upang ang Panginoon ay mahalin
at paglingkuran.

BAYAN: Salamat sa Diyos.

15
PARI: Nais ko pong ipakilala sa inyo ang bagong kasal na sina G. at Gng.
____________. (Groom) ____ maaari mo ng halikan ang iyong kabiyak.

NAMUMUNO: Bilang tanda ng ating pagtanggap sa mga bagong kasal, pasalubungan po


natin sila ng masigabong palakpakan.

Magsiupo po tayong lahat habang nagkukuhanan ng litrato.

+ ++

16

You might also like