You are on page 1of 26

Mga Magulang:

Primary Sponsors:

Secondary Sponsors:

Candle Sponsors

Veil Sponsors:

Cord Sponsors:
Pagpasok sa Simbahan
Sa saliw ng tugtugin, magsisimula nang pumasok ang mga ikakasal kasama ng mga abay at mga saksi. Kapag nasa
kani-kanilang luklukan na ang lahat, magsisimula na ang Banal na Misa.

Panimulang Rito
Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari at ang mga tao ay magkukrus.
Ipapahayag ng Pari na nakaharap sa tao:

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo.


Sasagot ang mga tao:
Amen.
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay bilang pagbati sa mga tao, habang ipinahahay

Sumainyo ang Panginoon.


Sasagot ang mga tao:
At sumainyo rin.

Pagsisisi ng mga kasalanan


Susunod na gagawin ang pagsisisi sa kasalanan. Aanyayahan ng pari ang mga tao:

M ga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’y


maging marapat na gumanap sa banal na pagdiriwang.

Magkakaroon ng saglit na katahimikan. Pagkatapos nito, lahat ay sabay-sabay na aamin sa nagawang


kasalanan.

Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos


at sa inyo mga kapatid,

Ang lahat ay dadagok sa dibdib.

na lubha akong nagkasala sa isip, sa salita, sa gawa at sa aking


pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa mahal na Birheng Maria, sa lahat ng
mga anghel at mga banal at sa inyo, mga kapatid, na ako’y ipanalangin sa
Panginoong ating Diyos.

Ipahahayag ng pari ang pagpapatawad:

Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin


tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa
sa buhay na walang hanggan.

Sasagot ang mga tao:

Amen.

Aawitin o darasalin

KYRIE
Panginoon, kaawaan mo kami.
B. Panginoon, Kaawaan mo kami.

Kristo, kaawaan mo kami.


B. Kristo, kaawaan mo kami.

Panginoon, kaawaan mo kami.


B. Panginoon, Kaawaan mo kami.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Pagkatapos ng awit, magkadaop ang mga kamay at ipahahayag ng pari:

Manalangin tayo.
Ang lahat kaisa ng pari ay tumahimik na mananalangit ng saglit. Pgkalipas ng ilang sandali, ilalahad
ng pari ang kanyang kamay at ipapahayag ang panalangin pambungad.

A
ma naming makapangyarihan,
iyong itinalaga na ang pag-iisang dibdib
ay maging sagisag ng pag-ibig ni Kristo sa kanyang banal na
Sambayanan. Sa pinagdurugtong na buhay nina N. at N. na
ngayo’y umaako sa banal na tipan ng kasal nawa’y mangibabaw ang
ipinahayag nilang pagmamahalan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama
ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Sa katapusan nito’y sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:

Amen.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS


Paroroon sa pook ng pagbasa ang maglalahad ng Salita ng Diyos. Habang ipinahahayag niya ang unang
pagbasa, ang lahat ay nakaupong makikinig.
UNANG PAGBASA

Tobit 8,4b-8
Pagbasa mula sa aklat ni Tobit

N oong gabi ng kasal, bumangon si Tobias at sinabi sa asawa.


“Bumangon ka, mahal ko, at manalangin tayo. Dumalangin tayo
sa Panginoon na tayo’y kahabagan at ingatan.” Bumangon nga si
Sara, at nanalangin si Tobias:

“Kapuri-puri ka at dapat pasalamatan,


Diyos na sinasamba ng aming mga magulang,
Kapuri-puri ang iyong pangalan,
Dakila at banal magpakailanman.
Ikaw ay pinipuri ng sangkatauhan,
Ipinagbubunyi ng tanang kinapal.
Si Adan ay tao na iyong nilikha,
Asawa n’yang Eva ikaw ang gumawa
At ibinigay mong katuwang sa paggawa;
Ang sangkatauha’y sa kanila nagmula.
‘Di dapat mag-isa ang tao,’ ‘yong wika,
“Gawin nati’y katuwang na kanyang kamukha.”
Ang pag-aasawang pinasok ko ngayo’y
Di udyok ng nasa, Diyos na Panginoon,
Tunay na matapat aking nilalayon,
Itong aming buhay nawa’y magkaroon
Ng awa mo’t lakas sa habang panahon,
Nang hanggang pagtanda kami’y magkatulong.”
Sabay silang nagsabi; “Amen! Amen!”
Sila’y natulog pagkapanalangin.

Ang Salita ng Diyos

SALMONG TUGUNAN 32, 12, at 18, 20-21, 22


Ang tagapaglingkod ng salmo o taga-awit ay magpapahayag ng akda mula sa aklat ng mga Awit at ang
mga tao ay tutugon ng kaukulang taludtod.

Tugon: Laganap sa sansinukob ang pagmamahal ng Diyos

Mapalad ang bansang ang Panginoon ang Diyos,


Mapalad ang bayang kanyang ibinukod.
Ang may takot sa Diyos, at nagtitiwala
Sa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga.

Tugon: Laganap sa sansinukob ang pagmamahal ng Diyos

Ang ating pag-asa’y nasa Panginoon;


Siya ang sanggalang natin at katulong.
Dahilan sa kanya, kami’y natutuwa,
Sa kanyang ngalan ay nagtitiwala.

Tugon: Laganap sa sansinukob ang pagmamahal ng Diyos

Ipagkaloob mo na aming makamit,


Panginoon, ang ‘yong wagas na pag-ibig,
Yamang ang pag-asa’y sa’yo nasasalig.

Tugon: Laganap sa sansinukob ang pagmamahal ng Diyos

Isusunod ang Aleluya o ang ibang awit.

1 Juan 4, 8, at 11
Aleluya! Aleluya
Diyos ay Pag-ibig na tunay
Kaya’t tayo ay magmahalan
At siya’y ating tularan!
Aleluya! Aleluya!

Kapag panahon ng Kuwaresma

Awit Pambungad 1 Juan 5, 7b


Ang lahat ng nagmamahal
ay sa Diyos sumilang
Bilang lubos n’yang kaugnay.

MABUTING BALITA

Ihahayag o aawitin ng pari:

Sumainyo ang Panginoon


Sasagot ang mga tao:

At sumainyo rin.

Ihahayag ng pari:

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos


Magbubunyi ang mga tao:

Papuri sa iyo, Panginoon.

N oong panahong iyon,


sinabi ni Hesus:
“Sa pasimula pa, nang likhain ng Diyos ang sanlibutan:
‘Nilalang niya silang lalaki at babae.
Dahil dito’y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina,
at magsasama sila ng kanyang asawa, at sila’y magiging isa.’
Kaya’t hindi na sila dalawa kundi isa.
Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Magbubunyi ang lahat:

Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

HOMILIYA

ANG PAG-IISANG DIBDIB


Sisindihan ang mga kandila sa magkabilang gilid ng luhuran ng mga ikinakasal. Ang mga sumusunod
na pangungusap o anumang katumbas nito ay ipahahayag ng pari sa ngalan ng Sambayanan ng Diyos

Ang sindi ng kandila ang sumisimbulo ng Liwanag ni Kristo. Nawa’y


paningningin ng Panginoong Hesukristo ang kanyang liwanag sa buhay
nina Joey at Rose upang tunay na nilang makilala ang kanilang mga sarili
at sa pamamagitan nito ay maihatid sa kapwa ang pagmamahal ng Diyos
sa kanilang kakaibang pagiging isa sa kanilang pagmamahalang walang
kondisyon.

Matapos sindihan ang mga kandila sa magkabilang gilid ng luhuran ng ikakasal. Titindig ang ikakasal.
Aanyayahan ang mga magulang,ninong at ninang na tumayo rin upang sumaksi sa pag-iisang dibdib. Sa
kanilang kinaroroonan, sabay sabay nilang sasabihin.

Mga Magulang: Mga kapatid, aming ikinagagalak na sa inyo’y iharap si


sina N. at N. sa sambayanang tanggapin
ninyo silang bukas-palad magkaisang-dibdib mula
ngayon hanggang wakas.
Sa ngalan ng Sambayanan ng Diyos, ang pari ay tutugon:

Pari: Minamahal kong N. at N.


sa Binyag at Kumpil, nakiisa kayo
sa buhay at sa pananagutan ng Panginoon,
at sa pagdiriwang ng Huling Hapunan
muli’t muli kayong nakisalo
sa hapag ng kanyang pagmamahal.
Ngayon nama’y kusang-loob
na kayo’y dumudulog
sa Sambayanang ito
at humihiling ng panalangin
upang ang inyong panghabambuhay
na pagbubuklod
ay pagtibayin ng Panginoon.
At kayo naman, mga kapatid,
na natitipon ngayon,
ay manalangin para kina N. at N.
at bukas-palad silang tanggapin
bilang magkaisang-dibdib
sa ating sambayanang Kristiyano.

Sa katapusan ng parangal, ang pari ay maglalahad ng mga katanungan samga ikakasal upang kanilang
maipahayag ang kanilang kusang-loob at tapat na pag-ibig sa isa’t isa at ang pagiging handing tanggapin
at hubugin ang kanilang magiging anak. Makahaharap sa bayan ang mga ikakasal hanggang sa
pagpapatibay ng kanilang kasal. Kapag sila’y lampas na sa gulang na pagkakaroon ng anak,
malalaktawan ang huling tanong.

Pari: Hinihiling ko ngayon


na buong katapatan ninyong ipahayag
ang inyong damdamin sa isa’t isa.

Pari (sa babae): N., bukal ba sayong loob ang iyong


pagparito upang makaisang
dibdib si N., na iyongpakamamahalin
at paglilingkuran habambuhay?

Babae: Opo Padre.

Pari (sa lalake): N., bukal ba sayong loob ang iyong


pagparito upang makaisang
dibdib si N., na iyong pakamamahalin
at paglilingkuran habambuhay?

Lalaki: Opo Padre.

Pari (sa magkasintahan): Nakahanda ba kayong gumanap


sa inyong pananagutan
sa Simbahan at sa bayan
na umaasang inyong aarugain
ang mga supling na ipagkakaloob ng Poong
Maykapal upang sila ay inyong
palakihin bilang mabubuting
mamamayang Kristiyano?

Magkasintahan: Opo Padre.

PAGTITIPAN
Aanyayahan ng pari ang magkasintahan upang ipahayag ang kanilang pagtitipan.

Pari (sa magkasintahan): Minamahal kong N. at N.


sa harap ng Diyos at ng kanyang sambayanan,
pagdaupin ninyo ang inyong mga palad at
ipahayag ninyo ang mithiing magtipan sa
banal na sakramento ng kasal.

Magdadaup-palad ang magkasintahan.

Sasabihin ng lalaki: N., sa harap ng Diyos at ng


Kanyang sambayanan, tinitipan kitang
Maging aking maybahay sa hirap at
ginhawa, sa dusa at ligaya.
Ikaw lamang ang aking iibigin at
itatanging karugtong ng buhay
ngayon at kailanman.
(*Personal Vows)

Sasabihin ng babae: N., sa harap ng Diyos at ng


Kanyang sambayanan, tinitipan kitang
Maging aking asawa sa hirap at
ginhawa, sa dusa at ligaya.
Ikaw lamang ang aking iibigin at
itatanging karugtong ng buhay
ngayon at kailanman.
(*Personal Vows)

Alinsunod sa pasya ng mga ikakasal, kanilang maipapahayag ang pagtitipan nila sa pamamagitan ng
pagtugon sa mga tanong ng pari o kaya’y sa pamamagitan ng pagsasabi nila ng kanilang panata sa isa’t
isa. Anumang paraan ang mapili, ang pagtitipan ay gaganapin ng mga ikinakasal habang sila’y
magkadaup-palad.

Tatanungin ng pari ang babae:

Pari (sa babae): N., sumasang-ayon ka ba


na maging asawa si N.,
na naririto ngayon,
alinsunod sa batas at mga alituntunin
ng ating banal na Simbahan?

Babae: Opo, Padre.

Pari: Buong puso ba ang pagkakaloob mo sa kanya ng


inyong sarili bilang kanyang may bahay?

Babae: Opo, Padre.

Pari: Nakalaan ka bang balikatin sa piling niya ang


pananagutan ng buhay may asawa?

Babae: Opo, Padre.

Tatanungin ng Pari ang lalaki:

Pari (sa lalaki): N., sumasang-ayon ka ba


na maging maybahay si N.
na naririto ngayon,
Alinsunod sa batas at mga alituntunin
ng ating banal na simbahan?

Lalaki: Opo, Padre

Pari: Buong puso ba ang pagkakaloob mo sa kanya ng


inyong sarili bilang kanyang asawa?

Lalaki: Opo, Padre.

Pari: Nakalaan ka bang balikatin sa piling niya ang


pananagutan ng buhay may-asawa?

Lalaki: Opo, Padre.

Magdarasal ang magkasintahang ikinakasal:

Magkasintahan: Ama namin,


kami po ay inyong loobing
magkaisa ng kalooba’t damdamin
mula ngayon at sa kaginhawahan
at kahirapan sa karamdaman at
kalusugan sa lahat ng araw ng aming
buhay.
Ang ninong at ninang ay tutugon ng kanilang pagsaksi sa pagtitipan:

Ninong at Ninang: Minamahal naming N. at N.,


ang langit at lupa ay saksi sa inyong
pagtitipan. Sa ngalan ng Sambayanang
naririto, kami’y nagpapatunay na kayo’y
mag-asawa na sa mata ng Diyos at sa mata
ng tao. Bukas palad naming kayong
tinatanggap at makaaasa kayo sa aming
tangkilik at panalangin.

Ang pagtitipan ng nag-iisang-dibdib ay tatanggapin ng pari:

Pari: Bilang tagapagpatunay ng Simbahan,


pinagtitibay ko’t binabasbasan
ang pagtataling-puso na inyong pinagtipan,
sa ngalan ng Ama,
at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Lahat: Amen.

Pagbabasbas at Pagbibigayan ng mga


Singsing at Aras
Lalapit ang maydala ng singsing at aras upang ito’y panalanginan ng pari bilang pagbibigay –kahulugan
sa mga sagisag na ito ng kasal. Wiwisikan ng pari ang mga singsing at aras ng banal na tubig.

Pari: Ama naming maawain,


basbasan m’t kupkupin
ang iyong mga lingkod
na sina N. at N.
Pagkalooban mo sila
ng sapat na kabuhayang
sinasagisag ng mga aras na ito
sa ikapagkakamit
ng buhay na walang hanggan.
Iniluluhog namin ito
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Lahat: Amen.
Sa halip na mga salapi, ang mga aras at maaaring sagisag ng kabuhayan tulad ng bigas, mga kwintas at
pulseras alinsunod sa umiiral na kaugalian.

Pari: Ama naming mapagmahal,


basbasan mo’t lingapin
ang iyong mga lingkod
na sina N. at N.
Pagindapatin mo na silang magsusuot
ng mga singsing na ito
ay maging kawangis mo
sa iyong wagas na pag-ibig
at walang maliw na katapatan.
Iniluluhog naming ito
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
Magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.

Isusuot ng lalaki sa kinauukulang daliri ng babae ang singsing habang kanyang sinasabi:

Lalaki: N., kailanmay di kita pagtataksilan.


Isuot mo at pakaingatan ang singsing na ito
na siyang tanda ng ating pag-ibig at katapatan.
Sa ngalan ng Ama at ng Anak
At ng Espiritu Santo
Amen.

Isusuot ng babae sa kinauukulang daliri ng lalaki ang singsing.

Babae: N. , kailanma’y di kita pagtataksilan.


Isuot mo at pakaingatan ang singsing na ito
na siyang tanda ng aking pag-ibig at katapatan.
Sa ngalan ng Ama at ng Anak
At ng Espiritu Santo
Amen.

Ilalagak ng lalaki ang mga aras (mga salapi o kaya bigas, kuwintas o pulseras) upang ipagkatiwala ito
sa babae habang kanyang sinasabi.

Lalaki: N., kailanma’y di kita pababayaan.


Inilalagak ko sa iyo itong mga aras
na tanda ng aking pagpapahalaga
at pagkalinga sa kapakanan mo
(at ng ating magiging anak).
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Amen.

Babae: Tinatangap ko ito at nangangakong magiging katuwang


mo sa wastong paggamit at pangangasiwa ng ating
kabuhayan.

Matapos ang pagbibigayan ng singsing at aras maaring batiin ng mag-asawa ang isa’t isa sa pamamagitan
ng masuyong paghalik. Sila’y magmamano sa kanilang mga magulang, ninong at ninang. Sila’y
papalakpakan ng sambayanan habang tinutugtog ang mga batingaw.

PAGTANGGAP NG SAMBAYANAN SA BAGONG


KASAL
Matapos ang pagbibigayan ng singsing at aras, maaaring batiin ng mag-asawa ang isa’t isa sa
pamamagitan ng masuyong paghalik.

Pari: Bilang pagtanggap natin na sina N. at N., ay mag-asawa na sa


ating sambayanan, pasalubungan natin sila ng masigabong
palakpakan.

PANALANGIN NG BAYAN
Pari: Mga minamahal kong mga kapatid, halinang magkaisa sa
pagdalangin sa Diyos para sa ating mga bagong kasal na
sina N. at N., at para sa buong Simbahan,
sanlibutan at sa ikapagkakaisa ng tanan.

Tugon: Isinasamo naming kami’y iyong dinggin.

Namumuno: Para kina N. at N., na ngayo’y


pinagbuklod sa pag-iisang dibdib upang sila’y
mamuhay sa kalusugan at maligtas sa panganib,
manalangin tayo sa Panginoon.

Tugon: Isinasamo naming kami’y iyong dinggin.

Namumuno: Para sina N. at N. ay puspusin ng


pag-ibig, pagkakasundo at pagtutulungang matalik,
manalangin tayo sa Panginoon.

Tugon: Isinasamo naming kami’y iyong dinggin.


Namumuno: Para sina N. at N. ay panatilihing
matibay sa katapatan, kasiyahan, at kristiyanong
pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Tugon: Isinasamo naming kami’y iyong dinggin.

Namumuno: Para sa lahat ng mga tahanan upang loobin ng


Panginoon ang pamamayani ng kapayapaan
sa mga anak at sa kanilang mga magulang,
manalangin tayo sa Panginoon.

Tugon: Isinasamo naming kami’y iyong dinggin.

PARI: Ama naming makapangyarihan, kaawaan mo


sina N. at N. at pagbigyan sa kahilingang
magkamit ng iyong kaloob sa ikapagkakaisa
sa pagmamahal at sa ikapagkakaroon
ng ligaya sa kalangitan kaisa ng kanilang
nga supling at mga mahal sa buhay sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama
ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN


Sisimulan ang awit ng pag-aalay. Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa
pamamagitan ng prusisyon ng pag-aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at
para sa mga dukha.

Sa prusisyon ng mga alay, ang bagong kasal ay makagaganap ng tagapagdala ng tinapay at alak na
kanilang pagsasaluhan.

Ang belo at kurdon bilang sagisag ng pagsusukob at pagbibigkis ng mag-asawa sa buhay ng pag-iibigan
ay ilalagay ng mga abay kapag nakaluhod na ang mag-asawa.

PAGSUSUKOB AT PAGBIBIGKIS

Namumuno: Inaanyayahan po sina N. at N. upang ilagay ang belo sa


magkabilang balikat ng mag-asawa, tanda ng kanilang
pagtuwang sa pamumuno sa kanilang pamilya,
pagtutulungan ang anumang susuugin sitwasyon ng
buhay bilang mag-asawa at mga haligi at ilaw ng kanilang
pamilya.
Namumuno: Inaanyayahan po sina N. at N. upang ilagay ang kurdon.
Ang kurdon na ito ay nagsisimbulo ng lakas ng kaisahan
at kapangyarihan ng pagbubuklod sa Sakramento ng
Kasal. “Ang pinagsama ng Diyos ay huwag
paghihiwalayin ng tao.” Nawa’y manatili kayong matatag
at isa sa pananalig sa Diyos at tapat sa isa’t isa at
maligayang magtutuwang sa anumang hirap ng buhay.

Matapos maisagawa ang mga nabanggit, lalapit sa altar ang may dalang alay upang ilahad sa pari.
Matapos na sila ay mabasbasan, sila’y babalik sa kanlang upuan. Magsisimula na ang paghahain ng
alay.

K apuri-puri ka, Diyos Amang lumikha ng sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito
para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal ng malakas ng
pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

B. Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

Ang diyakano o ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang
pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak tubig


Kami nawa’y magkasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.
Pagbalik sag awing gitna ng dambana, hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakaangat sa
dambana habang dinarasal niya nang pabulong:

K apuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha ng sanlibutan. Sa


iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa
katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito para
maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.
Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang malakas
ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

B. Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

Pagkatapos, yuyuko ang pari habang dinarasal niya nang pabulong:

Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga


makasalanan. Tanggapin mo ang aming pagsisisi
bilang handog upang kami’y matutong sumunod
sa iyo ng buong puso.

Pagkatapos ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay samantalang
pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal


kasalanan ko’y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.

Pagbalik ng pari sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga kamay sa mga tao at muli
niyang pagdaraupin habang ipinahahayag:

M
analangin kayo, mga kapatid,
upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.

Magsitayo ang lahat.

Sasagot ang mga tao:

Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga


kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal.

Pagkaraa’y ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at darasalin niya ang panalangin ukol sa mga
alay.

A
ma naming Lumikha,
iyong pagdamutan at tanggapin ang aming handog
para sa pag-iisang dibdib nina N. at N.
Ang pag-ibig mong kanilang ay maihandog sa iyo
sa kanilang pagmamahalan araw-araw sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Sasagot ang mga tao:

Amen
PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT

Ngayo’y sisimulan ng pari ang Panalangin ng Pagpupuri at Papapasalamat. Ilalahad niya ang kanyang
mga kamay habang kanyang sinasabi:

Sumainyo ang Panginoon.


Sasagot ang mga tao:
B. At sumainyo rin.

Pagkaraa’y isusunod niya habang itinataas niya ang kanyang mga kamay:
P. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa

Sasagot ang mga tao


B. Itinaas na namin sa Panginoon.

Habang nakataas ang mga kamay, kanyang ipahahayag:


P. Pasalamatan natin ang Panginoon ating Diyos.

Sasagot ang mga tao:


B. Marapat na siya ay pasalamatan.

IKALAWANG PAGBUBUNYI O PREPASYO SA PAGIISANG


DIBDIB

A ma naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat
na ikaw ay pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon.

Sa kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay


ang inyong bagong tipan sa iyong sambayanan
ay naghahain sa amin ng iyong buhay at pakikipag-ugnayan
bilang mga kasalo sa iyong kadakilaang walang hanggan.
Sa dakilang pag-ibig na hain ng iyong Anak
Pinagbubuklod mo ang mga magsing-ibig
upang sa pagsasama habang panaho’y mailahad
ang iyong katapatan at pagmamalasakit.

Kaya kaisa ng mga anghel


nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan.

Ipagpapatuloy ng pari ang Pagbubunyi o Prepasyo nang nakalahad ang mga kamay. Sa katapusan nito,
pagdaraupin niya ang mga kamay niya samantalang kanyang pinaaabot sa hantungan ang Pagbubunyi o
Prepasyo ngayong kaisa ng sambayanan kanyang inawit o binibigkas nang malakas:

Santo, Santo, Santo


Panginoong Diyos ng mga hukbo!
napupuno ang langit at lupa
ng kadakilaan mo!
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito
sa ngalan ng Panginoon!
Osana sa kaitaasan!

IKALAWANG PANALANGIN NG PAGPUPURI


AT PAGPAPASALAMAT

Ang lahat ay luluhod. Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

A ma naming banal,
ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay habang
siya’y nagdarasal.

Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu


gawin mong banal ang mga kalooban na ito
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang
kanyang dinarasal:

Upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo


ng aming Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag nang malinaw at
nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Bago niya pinagtiisang kusang loob


na maging handog,
Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang
patuloy na inihahayag:

Hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang pari

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:

ITO ANG AKING KATAWAN


NA INIHAHANDOG PARA SA IYO.

Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito sa pinggan, at
luluhod siya bilang pagsamba.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang
patuloy na inihahayag:

Hinawakan niya ang kalis,


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang pari:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:

ITO ANG KALIS NG AKING DUGO


NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.

Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at luluhod siya
bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng pari:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

Ang mga tao ay tatayo at magbubunyi:

Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

Ama, ginagawa namin ngayon ang pag-alala


sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak
kaya’t inialay naming sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan
Kami’y nagpapasalamat
dahil kami’y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo para maglingkod sa iyo.

Isinasamo naming kaming magsalu-salo


sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay magbuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Ama,
lingapin mo ang iyong Simbahang
laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni N. na aming Papa
at ni N., na aming Obispo*
at ng tanang kaparian.

Alalahanin mo rin ang mga kapatid naming nahimlay


nang may pag-asang sila’y muling mabuhay gayun din ang lahat
ng mga pumanaw. Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong
kaliwanagan. Kaawaan mo at pagindapitan kaming lahat na
makasalo sa iyong buhay na walang wakas.

Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos


kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal
na namumuhay dito sa daigdig nang kalugud-lugud sa iyo,
maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri sa ikakararangal mo.

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng iyong Anak


na aming Panginoong Hesukristo.

Hahawakan ng pari ang pinggang my ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas habang kanyang
ipinahahayag:

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya


ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.
Susunod ang yugto ng pakikinabang.

ANG PAKIKINABANG
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang may magkadaop na mga kamay:

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin ng lakas-loob:

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat: (Aawitin)
Ama namin, sumasalangit ka
Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon


ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad naming
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masasama.

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa paanyaya

P. Mga kapatid,
halina’t ipanalangin sa Ama nating banal
ang mga bagong kasal na nangangakong magmamahalan
bilang mga magkasalo sa Katawan at Dugo ng Poong mahal.

Ama naming mapagmahal,


niloob mong sa pamumuhay ng mag-asawa sa
pagmamahalan ay mabanaagan ng tipan ng iyong paghirang
na iyong minarapat ipagkaloob sa Iyong sambayanan
upang ang ipinahihiwatig mong lubusan
ay maglahad ng pag-iisang dibdib ni kristo at ng
Sambayanan kaya naman hinihiling naming sina
N. at N. ay gawaran ng pagbabasbas ng
iyong kanang kamay.

Ipagkaloob mong sa pagsasama nila habang buhay


kanilang mapagsaluhan ang pag-ibig mong bigay
at sa isa’t isa’y kanilang maipamalas ang Iyong pakikipisan
sa pagkakaisa ng damdamin at isipan.
Bigyan mo rin sila ng matatag na tahanan,
(at mga anak na huhubugin na Mabuting Balita ng Anak mong
mahal para maging maaasahang kaanib ng Iyong angkan.)

Marapatin mong mapuspos ng pagpapala ang babaing ito na si


N. upang bilang asawa ni N. (at bilang ina ng magiging mga anak
nila) kanyang maganap nang may pagmamalasakit ang tungkulin
sa tahanan.
Gayundin naman, pangunahan mo ang iyong pagbabasbas
ang lalaking ito na si N., upang kanyang magampanang marapat
ang tungkulin ng asawang matapat ni N., (at amang maaasahan
ng kanilang magiging anak.)

Ama naming banal,


pagbigyan mo sila sa pagdulog sa iyong hapag
bilang mga pinagbuklod sa pag-ibig na wagas
upang kanilang mapagsaluhan ang piging na di
magwawakas sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Sasagot ang mga tao:


B. Amen.

Sa ikatlo at ikaapat na talata, ang pangungngusap na nasa panaklong ay nalalaktawan


kapag lampas na sa gulang ng pagkakaanak ang mag-asawa.

Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

Panginoon Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming pagkakasala. Pagkalooban
mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay:


Kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Sasagot ang mga tao:


Amen.

Ang pari’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa pagpapahayag.


Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

Sasagot ang mga tao:


At sumainyo rin.

Maidaragdag, kung minamabuti, ang paanyayang ipahayag ng diyakono o pari:


Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

At alinsunod sa kaugalian ng iba’t ibang pook, ang mga nagsisimba ay magbibigayan ng kapayapaan.
Ang mga bagong kasal at ang lahat ay makapagbibigay ng pagbati ng kapayapaan.
Sa pagwawasak na ito
ng katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa naming sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.
Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog na ito.

Kordero ng Diyos
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati ng tinapay. Sa huling paguulit saka pa lamang
idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.” Matapos awitin o dasalin ang “Kordero ng
Diyos,” ang lahat ay magsisiluhod.

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal:

Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,


Panginoong Hesukristo,
ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom,
at parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig
nawa’y aking matanggap ang pagkupkop mo sa akin at kaloob
mong lunas.

Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng pinggan.
Paharap sa mga tao siyang magsasabi nang malakas:

Ito ang kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo


ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

PANALANGIN NG PAGKAPAKINABANG
Samantalang nakikinabang ang pari, sisimulan ang awit sa pakikinabang.

Habang nililinis ng pari ang kalis at siborya, aalisin ang kurdon at belo sa mga ikinasal. Mauupong
panandali ang bagong kasal, hanggang anyayahan ang lahat na ‘magsitayo.’
Pagkaraan, ang pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana at paharap sa mga
nagsisimbang magpahayag:

Manalangin tayo.

Kung di pa nagaganap ang tahimik na pagdalangin, ito ay gagawin ngayon, at pagkaraan, ang
panalangin pagkapakinabang ay ipahahayag ng paring nakalahad ang mga kamay.

Ama naming mapagmahal,


patibayin nawa ng paghahain
na aming ginaganap at pinagsasaluhan
ang pagtataling puso nina N. at N.
Ang bingkis ng pag-ibig na iyong ibinigay
ay patuloy nawang humigpit at tumibay
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Sasagot ang mga tao:


Amen.

PAGHAHAYO SA PAGWAWAKAS
Tatayo ang bagong kasal para sa tagubilin at pagbabasbas. Bilang tagubilin, sasabihin ng pari sa bagong
kasal:
Habilin ko sa inyo, mga bagong kasal:
mamuhay kayong lagi sa pag-ibig at katapatan.
Sasabihin ng pari sa maybahay:

N., pag-ibig mo’y patunayan sa pagiging butihing maybahay na


may pananampalataya, kabanalan at pag-ibig sa Maykapal.

Sasabihin ng pari sa asawang lalaki:


N., maybahay mo’y ibigin gaya ng malasakit ni Kristo sa
Simbahan bilang pagsunod sa kalooban ng Diyos Ama sa
kalangitan.

Ang paring nakalahad ang mga kamay sa mga tao ay magpapahayag:


P. Sumainyo ang Panginoon.

Sasagot ang mga tao:


B. At sumainyo rin.

Igagawad ng pari ang marangal na pagbabasbas. Yuyuko ang mag asawa

P. Ang Diyos Amang makapangyarihan ay siya nawang


magbigay ng kagalakang dulot ng mga anak na sa inyo’y
sisilang at ng kanyang kasiyahan ngayon at magpasawalang
hanggan.
Sasagot ang mga tao:
B. Amen.

Pari: Ang bugtong na anak ng Diyos ay siya nawang sa inyo’y


tumuwang sa kahirapan at kaginhawahang ngayon at
magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.

Pari: Ang Espiritu Santo ay siya nawang magdulot ng


pagmamahal na nag-uumapaw sa inyo ngayon at
magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.

Pari: At kayong lahat na nagtipun-tipon dito


ay pagpalain nawa ng makapangyarihang Diyos
Ama at Anak + at Espiritu Santo.

Lahat: Amen.

Ang diyakano o ang paring magkadaop ang mga kamay ay magpapahayag ng paghayo sa
sambayanan.

Humayo kayong taglay ang kapayapaan


upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.

Sasagot ang mga tao:

Salamat sa Diyos.

Karaniwan, ang dambana ay bibigyang-paggalang sa paghalik dito ng pari at matapos makapagbigay-


pitagan ng mga tagapaglingkod, siya ay hahayo.

Gaganapin sa wakas ang paglagda ng mga kasulatan tungkol sa kasal.

You might also like