You are on page 1of 5

Patnubay Sa Misa

Marso 19, 2012


“Dakilang Kapistahan Ni San Jose, Esposo ni
Maria”
Taong B

PASIMULA

Pambungad

Ito ang katiwalang tapat at matalino, na ilalagay ng


Panginoon sa kanyang sambahayan! Lc. 12:42

Pari: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo!

Bayan: Amen!

Pari: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesuskristo,


ang pag – ibig ng Diyos Ama, at Ang pakikipagkaisa
ng Espiritu Santo nawa’y sumainyo ang kapayapaan!

Bayan: At sumaiyo rin!

Pari: Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan


upang tayo’y maging marapat na gumanap sa Banal na
Pagdiriwang.

Pari At Bayan: Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa


inyo, mga kapatid, na lubha akong nagkasala
( Ang lahat ay dadagok sa dibdib.) sa isip,

Propeta. “Tandaan mo, ang Birhen ay manganganak ng isang


lalaki, na tatawaging Emmauel”; na ang ibig sabihin ay
“Sumasaatin ang Diyos.” Nang magising si Jose ay tinupad
niya ang iniutos sa kanya ng anghel.

P – Ang Mabuting Balita ng Panginoon!

B – Pinupuri ka naming, Panginoon Hesukristo!

Homiliya

Panalangin ng Bayan

PARI: Kasama ni San Jose na isang lalaking marangal at may


dakilang pananampalataya, ilapit natin sa Ama, bilang
pamilya, ang lahat ng ating kahilingan.

BAYAN: DIYOS NA TAGAPAGBIGAY NG LAHAT NG


AMING PANGANGAILANGAN, NAGTITIWALA KAMI
SA IYO.

NAMUMUNO: Ang Simbahan naglalakbay nawa’y humikayat sa


mga tao sa ganap na pagpapanibago ng kanilang buhay Kristo sa
pamamagitan ng kanilang tapat na pagpapatotoo sa salita at gawa,
manalangin tayo sa Panginoon.

BAYAN: DIYOS NA TAGAPAGBIGAY NG LAHAT NG


AMING PANGANGAILANGAN, NAGTITIWALA KAMI
SA IYO.
NAMUMUNO: Tulad ni San Jose, ang mga pinuno ng
pamahalaan nawa’y hindi mabigo sa kanilang tungkuling
pangalagaan ang kapakanan ng kanilang mga nasasakupan,
manalangin tayo sa Panginoon.

BAYAN: DIYOS NA TAGAPAGBIGAY NG LAHAT NG


AMING PANGANGAILANGAN, NAGTITIWALA KAMI
SA IYO.

NAMUMUNO: Ang mga mag-asawa nawa’y magsama nang


may pagkakasundo sa pamamagitan ng tiwala at pag-unawa sa
isa’t-isa, manalangin tayo sa Panginoon.

BAYAN: DIYOS NA TAGAPAGBIGAY NG LAHAT NG


AMING PANGANGAILANGAN, NAGTITIWALA KAMI
SA IYO.

NAMUMUNO: Ang mga nangangailangan sa mga maysakit,


mga matatanda, mga may kapansanan, mga nangungulila o
namimighati nawa’y palakasin sa kanilang mga pagsisikap,
manalangin tayo sa Panginoon.

BAYAN: DIYOS NA TAGAPAGBIGAY NG LAHAT NG


AMING PANGANGAILANGAN, NAGTITIWALA KAMI
SA IYO.

NAMUMUNO: Sa pamamagitan ni San Jose, ang mga


namayapa ay magtamasa ng walang katapusang kapayapaan ng
Diyos sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.
BAYAN: DIYOS NA TAGAPAGBIGAY NG LAHAT NG
AMING PANGANGAILANGAN, NAGTITIWALA KAMI
SA IYO.

NAMUMUNO: Tahimik natin ipanalangin ang ating mga


pangsariling kahilingan (Tumahimik sandali.) Manalangin tayo
sa Panginoon.

BAYAN: DIYOS NA TAGAPAGBIGAY NG LAHAT NG


AMING PANGANGAILANGAN, NAGTITIWALA KAMI
SA IYO.

PARI: Ama naming nasa Langit, sa iyong kagandahang –loob


at sa pamamagitan ni San Jose, ipagkaloob mo an gaming
hinihingi dala n gaming pananampalataya. Hinihiling naming
ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon.

BAYAN/NAMUMUNO: AMEN!

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

P- Kapuripuri ka, O Diyos amang lumikha sa sanlibutan sa


iyong kagandahang loob narito ang aming maiaalay mula sa
lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito para
maging pagkaing nagbibigay buhay.

B - Kapuri - puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!

P - Sa paghahalong ito ng alak at tubig kami nawa’y makasalo


sa pagka Diyos ni Kristo na nagpagindapat makihati sa
aming pagkatao.
P – Kapuri - puri ka, O Diyos Amang lumikha sa sanlibutan sa
iyong kagandahang loob narito ang aming maiaalay.mula
sa katas ng ubas at bunga ng aming bunga sa aming
paggawa ang alak na ito para maging inuming nagbibigay
ng iyong Espiritu.

You might also like