You are on page 1of 13

Huwebes

UNANG LINGGO sa karaniwang panahon

Sa nakaluklok sa langit
Mga anghel umaawit,
“Hari naming iniibig
Ngalan mo’y kaakit-akit,
Walang hangga’t walang patid.”

PASIMULA

Pari: ✠ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


Bayan: Amen.

Pari: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristong


ang pag-ibig ng Diyos Ama,
at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo
nawa’y sumainyong lahat.

Bayan: At sumaiyo rin.


PAGSISISI

Pari: Mga kapatid,


tinipon tayo bilang kaanib ng angkan ng Diyos,
kaya dumulog tayo sa maawaing Diyos
na nagpapatawad ng lubos.
Tumahimik sandali.

Pari: Sinugong tagapagpagaling sa mga nagsisisi,


Panginoon, kaawaan mo kami.
Bayan: Panginoon, kaawaan mo kami.

Pari: Dumating na Tagapag-anyayang mga


makasalana’y magsisi,
Kristo, kaawaan mo kami!
Bayan: Kristo, kaawaan mo kami.

Pari: Nakaluklok ka sa kanan ng Diyos Ama


para ipamagitan kami.
Panginoon, kaawaan mo kami.
Bayan: Panginoon, kaawaan mo kami.

Pari: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,


patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
at dalhin tayo sa buhay na walang hanggan.
Bayan: Amen.
PANALANGING PAMBUNGAD

Pari: Manalangin tayo.

Tumahimik sandali.

Ama naming makapangyarihan,


Ang iyong dumadalanging sambayanan
Ay matapat mo nawang lingapi’t subaybayan
upang makita naming ang dapat gampanan
at para rito’y magkaroon kami ng kakayanan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA
Hebreo 3, 7-14

Tagapagpahayag:
Pagpapahayag mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, gaya ng sabi ng Espiritu Santo,


“Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos,
Huwag maging matigas ang inyong ulo,
tulad noong maghimagsik kayo at subukin siya sa ilang.
‘Doo’y tinukso ako at sinubok ng inyong mga magulang,’
sabi ng Diyos, ‘Gayong nakita nila ang mga ginawa ko
sa loob ng apatnapung taon.
Kaya’t kinapootan ko ang lahing iyon,
At sinabi ko, Lagi silang nagpapakaligaw,
Hindi na nila natutuhan ang aking mga daan.
Kaya’t sa galit ko’y aking isinumpang
Hinding-hindi sila makapapasok
at makapamamahinga sa piling ko.’”

Mga kapatid, ingatan ninyong huwag sumama


ang sinuman sa inyo at mawalan ng pananampalataya hanggang sa
talikdan ang Diyos na buhay.

Sa halip, magpaalalahanan kayo araw-araw,


habang may panahon pa,
upang ang sinuman sa inyo’y di madaya
at maging alipin ng kasalanan.
Sapagkat tayong lahat ay kasama ni Kristo, kung mananatili
tayong matatag hanggang wakas sa ating pananalig sa kanya.

Ang Salita ng Diyos!

Bayan: Salamat sa Diyos.


SALMONG TUGUNAN
Awit 21

Tugon: Panginoo’y
inyong dinggin,
huwag n’yo s’yang salungatin.

Tayo ay lumapit, sa kanya’y sumamba at magbigay-galang,


lumuhod sa harap nitong Panginoong sa ati’y lumalang.
Siya ang ating Diyos, tayo ay kalinga niyang mga hirang,
mga tupa tayong inaalagaan. (Tugon)

Ang kanyang salita ay ating pakinggan:


“Iyang inyong puso’y huwag patigasin,
tulad ng ginawa ng inyong magulang nang nasa Meriba,
sa ilang ng Masa.
Ako ay tinukso’t doon ay sinubok ng inyong magulang,
bagamat nakita aking aking ginawang sila’ng nakinabang.”
(Tugon)

Apatnapung taon, sa inyong ninuno ako ay nagdamdam,


ang aking sinabi,
“Sila ay suwail, walang pakundangan
at ang mga utos ko ay sinusuway!”
Dahil sa galit ko, ako ay sumumpang di sila daratal,
sa lupang pangakong aking inilaan. (Tugon)

Awit-pambungad sa Mabuting Balita


Aleluya! Aleluya!

Ipinangaral ni Hesus
ang paghahari ng Diyos.
Sakit ay kanyang ginamot.
MABUTING BALITA
Marcos 1, 40-45

Pari: Sumainyo ang Panginoon.


Bayan: At sumaiyo rin.

Pari: ✠ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos


Bayan: Papuri sa iyo, Panginoon.

Noong panahong iyon,


may isang ketonging lumapit kay Hesus,
nanikluhod at nagmakaawa:
“Kung ibig po ninyo’y mapagagaling ninyo ako.” Nahabag si
Hesus at hinipo siya,
sabay ang wika, “Ibig ko. Gumaling ka!”
Noon di’y nawala ang ketong at gumaling ang tao. Pinaalis
siya agad ni Hesus
matapos ang ganitong mahigpit na bilin:
“Huwag mong sasabihin ito kaninuman.
Sa halip ay pasuri ka sa saserdote.
Pagkatapos, maghandog ka ayon sa iniutos ni Moises, upang
patunayan sa mga tao na ikaw ay magaling na.”
Ngunit umalis siya at bagkus ipinamalita ang nangyari,
anupat hindi na hayagang makapasok ng bayan
si Hesus. Naroon na lamang siya sa labas,
sa mga ilang na pook, at doon pinagsasadya ng mga tao buhat
sa iba’t ibang dako.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon!


Bayan: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo!

HOMILIYA
PANALANGIN NG BAYAN

Pari: Naniniwala sa habag ng Panginoon,


lumapit tayo nang may pananalig sa ating Amang
nasa Langit na ang ating mga panalangin ay pakikingan,
ating sambitin:

Lahat: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.


o kaya
Amang Mahabagin, Panginggan.

* Ang Simbahan nawa’y hindi magkulang


sa kanyang tungkulin na tanggapin ang mga napapabayaan
at mga itinuturing na yagit ng lipunan,
manalangin tayo sa Panginoon! (Lahat)

* Ang ating gobyerno nawa’y makapagbigay ng mahusay


na programang pangkalusugan at paigtingin pa
ang kanilang pagsusulong ng malusog na kapaligiran,
manalangin tayo sa Panginoon! (Lahat)

* Bilang isang komunidad tayo nawa’y tumulong


nang may pag-ibig at malasakit sa mga binabalewala ng lipunan,
manalangin tayo sa Panginoon. (Lahat)

* Ang mga mahihirap at mga maysakit


nawa’y makatagpo ng atensyon at tulong-medikal
mula sa mga may mabubuting kalooban,
manalangin tayo sa Panginoon. (Lahat)
* Ang mga yumao kay Kristo nawa’y mabuhay
sa tunay na kalayaan at kaligayahan ng Langit,
manalangin tayo sa Panginoon. (Lahat)

Pari: Maawaing Ama, palalimin mo ang aming diwa ng habag


at pang-unawa sa mga nagdurusa.
Itulad nawa namin ang aming buhay kay Jesus
na humanap ng kalayaan, kagalingan,
at kapayapaan para sa bawat tao.
Hinihiling namin ito
sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Bayan: Amen.
PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Pari:
Ama naming Lumikha,
ang paghahaing ito ng iyong sambayanan
ay iyong marapatin ngayong paunlakan.
Pakundangan dito mapasaamin nawa ang iyong kabanalan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

UNANG PAGBUBUNYI O PREPASYO SA ARAW-ARAW


Pinagkaisa kay Kristo ang lahat ng bagay

Pari: Sumainyo ang Panginoon.

Bayan: At sumaiyo rin.

Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.

Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon.

Pari: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.

Bayan: Marapat na siya ay pasalamatan.

Ama naming makapangyarihan,


tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon.
Ikinalugod mong sa kanya’y baguhing mabuti ang lahat
At sa pamamagitan niya’y aming tinatangap
ang iyong abut-abot na kaloob at paglingap.
Kahit na siya ay hindi naiiba sa iyo
minabuti niyang maging di rin naiiba sa mga tao.

Hamak siyang tulad namin sa kamatayang totoo


noong inihain niya ang sarili nang kami’y makasundo mo.
Kaya naman iyong idinangal siya
at iyong itinampok upang sa lahat siya’y manguna.
Ngayon nga’y lahat ng sa kanya’y nakikiisa
ay talagang magkakamit ng iyong buhay at ligaya

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan.
Kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

SANTO
Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos
Ng mga hukbo!
Napupuno ang langit at lupa
Ng kadakilaan mo!
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito
Sa ngalan ng Panginoon!
Osana sa kaitaasan!
Samantalang nakikinabang ang pari, sisimulan ang awit sa pakikinabang.

Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na huhugasan ng pari o diyakono o
tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng Pari, pabulong siyang magdarasal:

Ama naming mapagmahal,


ang aming tinanggap
ngayon ay amin nawang mapakinabangan
at ang iyong ipinagkaloob
ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingang pangmagpakailanman.

Makababalik ngayon sa upuan ang Pari. Makapag-uukol ng ilang saglit na katahimikan o makaaawit ng papuri o
salmo.

Pagkaraan, ang Pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana paharap sa mga nagsisimbang
magpapahayag:

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Pari: Manalangin tayo.

Tumahimik sandali.

Ama naming mapagmahal,


hinihiling naming kami’y pagbigyan
pakundangan sa iyong dulot na pakikinabang.
Ipagkaloob mong ikaw ay aming paglingkuran
sa pamumuhay naming sa paraang iyong kinalulugdan
sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.
MARINGAL NA PAGBABASBAS

Pari: Sumainyo ang Panginoon.


Bayan: At sumaiyo rin.

Iuunat ng pari ang kanyang mga kamay para sa paggawad ng pagbabasbas

Pari: Iyuko ang inyong mga ulo habang iginagawad ang pagbabasbas:

Pagpalain nawa kayo at ingatan ng Panginoon


ngayon at magpasawalan hanggan.

Amen.

Pari: Nawa’y kahabagan niya kayo at subaybayan


ngayon at magpasawalan hanggan.

Amen.

Pari: Lingapin nawa niya kayo at bigyan ng kapayapaan


ngayon at magpasawalan hanggan.

Amen.

Pari: Pagpalain nawa kayo ng Makapangyarihang Diyos:


Ama at Anak ✠ at Espiritu Santo.
Amen.

Pari: Humayo kayong taglay ang kapayapaan


at pag-ibig ni Kristo
upang ang Diyos ay mahalin at paglingkutan.

Pari at Bayan: Salamat sa Diyos.

You might also like