You are on page 1of 2

ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG

PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY
THE SACRED PASCHAL TRIDUUM
Ito ang pinakamahalagang pagdiriwang sa taon ng liturhiya. Ito ang taunang
pagdiriwang sa Pagpapakasakit, Kamatayan, at Muling Pagkabuhay ng Panginoon.
Dito patungo ang paghahandang ginagawa sa panahon ng Kuwaresma. Nagsisimula
ito sa Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon ng Huwebes
Santo ng gabi, nagpapatuloy sa Pagdiriwang ng Pagpapakasakit ng Panginoon ng
ikatlo ng hapon ng Biyernes Santo, at nagwawakas sa Magdamagang Pagdiriwang
ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon sa gabi ng Sabado de Gloria. Ang tatlong
yugto na ito ay bumubuo ng iisang pagdiriwang lamang at dapat daluhan ng lahat.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON
Ginugunita ng Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon ang
pagkakatatag ng Eukaristiya noong gabing ipagkanulo ang Panginoon. Itinatag ng
Panginoon ang Eukaristiya para maging tanda at paggunita ng kanyang magiging
pag-aalay sa krus at muling pagkabuhay. Itinatag din niya ang Banal na Orden na
siyang magpapatuloy ng paggunitang ito. Ibinilin din niya ang dakilang utos na
magmahal tayo gaya ng pagmamahal niya sa atin - pagmamahal na ipinakita niya
sa krus.
PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON
Sa pagdiriwang na ito ginugunita ang dakilang pag-aalay ni Kristo sa krus.
Inaalala natin ang pag-aalay na ito sa pagpapahayag ng salaysay ng Pagpapakasakit
ng Panginoon. Ito ang pag-aalay na ating itinataas sa Diyos Ama sa ating pagdarasal
para sa kapakanan ng sanlibutan. Sinasamba natin ang Panginoong nag-alay ng sarili
sa krus. Pinagsasaluhan natin ang pag-aalay na ito sa ating pagtanggap sa kanyang
sakramental na Katawan.
DIOCESE OF CUBAO
DIOCESAN MINISTRY FOR
LITURGICAL AFFAIRS
MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG NG
MULING PAGKABUHAY NG PANGINOON
Ito ang ina ng lahat ng mga magdamagang pagdiriwang. Bilang Simbahan, nag-
aabang tayo at nananalangin sa pagbangon ng Panginoon mula sa kamatayan.
Nagsisimula ang pagdiriwang na ito sa pagpaparangal sa Ilaw kung saan inihahanda
at binabasbasan ang kandila na siyang tanda ng Panginoong muling nabuhay.
Maringal na ipahahayag ang Muling Pagkabuhay ng Panginoon at babalikan ang
mga pangyayari sa kasaysayan ng kaligtasan, kung paanong niligtas ng Diyos ang
kanyang bayan. Ang kaligtasang ito ay naging ganap sa muling pagkabuhay ni Hesus
at naranasan ng bawat isa sa atin sa binyag. Sa gabing ito, mararanasan din ito ng
mga bibinyagan sa gabing ito. At ang rurok ng pagdiriwang ay ang pagsasalu-salo
ng mga anak ng Diyos na bumubuo sa Simbahan sa Eukaristiya.
D
apat makibahagi ang bawat Katoliko sa pagdiriwang na ito. Ito
ang pinakamahalaga, pinakabanal, at pinakamakahulugang
pagdiriwang sa buong taon ng ating Simbahan. Maipagdiwang
nawa natin ang Banal na Tatlong Araw na ito ng marapat at mahusay
sapagkat sa tuwing ipinagdiriwang ang alaala ng Panginoong nag-alay,
ang pagliligtas niya sa tanan ay nangyayari upang ating pakinabangan.
Ang Liturhiya ang bukal at rurok
ng buhay Kristiyano (SC 10).
Sa liturhiya nagaganap
ang kaligtasan natin (SC 2).
JJTV

You might also like