You are on page 1of 7

GABAY SA PANALANGIN NG SANTO ROSARYO Pinagpakasakit ni Ponsio Pilato; ipinako sa krus, namatay at

ibinaon. Nanaog sa mga impiyerno; nang may ikatlong araw


Pambungad na Awit: Ang Puso Ko’y Nagpupuri nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit; naluluklok sa kanan
Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen ng Diyos Amang makapangyayari sa lahat. Doon
magmumula't pariritong huhukom sa nangabubuhay at
Panimulang Panalangin nangamatay na tao.
N: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, na
Panginoong Diyos ay sumasaiyo. may Santa Iglesya Katolika; may kamsamahan ng mga
Santo, may ikawawala ng mga kasalanan; at mabubuhay na
L: Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat, at pinagpala mag uli ang nangamatay na tao, at may buhay na walang
naman ang iyong Anak na si Hesus. hanggan.
N: Panginoon, buksan mo ang aking mga labi. Ama Namin
L: At purihin ka ng aking bibig. Ama namin, sumasa-langit Ka. Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasa amin ang Kaharian Mo. Sundin ang loob Mo dito sa
N: Diyos ko tulungan moa ko. lupa para nang sa langit.
L: Panginoon, magmadali ka sa pagsaklolo sa akin. Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At
N: Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo. patawarin Mo kami ng aming mga sala, para nang
pagpapatawad namin sa mg nagkakasala sa amin. At huwag
L: kapara noong una, ngayon at magpakailanman at Mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya Mo kami sa dilang
magpasawalang hanggan. Amen. masama.
Sumasampalataya Aba Ginoong Maria
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapanyayari sa Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang
lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa
naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si
Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao Siya lalang ng Hesus.
Espiritu Santo; ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming
makasalanan, ngayon at kung kami y mamamatay.
Luwalhati
PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN DEL PILAR
Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo.
Kapara nang sa una, gayon din ngayon at magpakailan pa Ama naming makapangyarihan, ipagkaloob mo sa amin ang
man sa walang hanggan. Siya nawa. lakas upang alalayan kaming mga mahihina. Pakundangan
sa banal na panalangin ng mahal na birhen del pilar.
O Hesus Ko (Manahimik at idalangin ang mga biyayang nais makamtan)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo
Palakasin mo ang aming pananampalataya, patatagin ang
kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga kaluluwa aming pag-asa, at pag-alabin ang aming pag-ibig sa
sa purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
nakakaalaala. magpasawalang hanggan. Amen.
Aba po Santa Mariang Reyna
Mahal na Birhen del Pilar, aming lakas at kagalakan.
Aba Po Santa Mariang Reyna, Ina ng Awa. Ikaw ang
Ipanalangin mo Kami.
kabuhayan at katamisan; Aba pinananaligan ka namin. Ikaw
nga ang tinatawagan namin, pinapanaw na taong anak ni
Eva. Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang hininga namin ng AWIT SA MAHAL NA BIRHEN DEL PILAR
aming pagtangis dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay
O Birhen naming mahal, Patrona ng aming bayan
aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin, ipakita mo sa
Ikaw ang kadahilanan nitong aming pagdiriwang
amin ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng
kaya kami’y dumudulog, dinadalangin ‘yung kupkop.
Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen.
Tulungan mo kami’t. Ina ng Diyos, del Pilar (2x)
(Dasalin ang Panalangin sa Mahal na Birhen del Pilar)
Haligi ng kaligtasan, pag-asa ng aming buhay
Huwag mo kaming pabayaan, magapi ng kasamaan
Sa aming pangangailangan, pangkaluluwa’t pangkatawan.
Tulungan mo kami’t. Ina ng Diyos, del Pilar (2x)
MGA MISTERYO NG SANTO ROSARYO pagpakitaan ng kanyang Mahal na Anak. Tigib ng dalamhati
sa mga kaganapan ng mga huling araw, hindi maibulalas ang
Mga Misteryo ng Luwalhati (Tuwing Miyerkules at Linggo) tuwa na naramdaman ni Maria sa pagkakita sa kanyang
1. Ang Pagkabuhay na muli ng ating Panginoong Anak. Sa kanyang pakikiisa sa paghihirap na ito, siya rin
Hesukristo naman ay nakikiisa ngayon sa kagalakang dulot ng kanyang
Umagang-umaga sa araw ng Linggo, tatlong araw muling Pagkabuhay. “Nabuhay akong muli, aleluya, ako’y
matapos ang pagpapakasakit, kamatayan, at paglilibing sa laging na sa’yo, aleluya!” Naihain na ang tupang
ating Panginoong Hesukristo, mayroong hiwagang Pampaskuwa, halina’t sambahin siya!
nagaganap sa sepulcuro. Siyang Panginoon ng buong (Tumahimik Sandali)
‘sangtinakpan ay nagtagumpay na. Nayanig ang buong
sangkalupaan, ang lahat ng mga anghel ay nangag-aawitan.
Ang buong kalupaan, bagama’t balot pa sa kadiliman at Ama namin, 10 Aba Ginoong Maria, Luwalhati
nahihimbing pa sa higaan ay unti-unti nang nagigising sa Oh, Hesus Ko…
isang bagong araw kung kailan ipinagkamit tayong lahat ni
Hesukristong Panginoon natin ng tagumpay at kaligtasan.
Mabuti nga’ng pagbulay-bulayan natin sa ating mga isip at 2. Maluwalhating Pag-akyat sa Langit ng ating
puso ang misteryong ito ng ating pananampalataya. Binali Panginoong Hesukristo – Matapos ang apatnapung (40)
na ng ating Panginoon ang mga bakal rehas na nagkukulong araw na pamamalagi ng Panginoon dito sa lupa matapos ang
sa atin sa kadiliman; winasak na niya ang mga matatandang kanyang Pagkabuhay, siya ay “lumabas ng lungsod, itinaas
tanikala ng kasalanan. Binuksan na niya para sa atin ang niya ang kanyang mga kamay at binasbasan ang mga alagad.
pintuan ng kalangitan, ang makalangit na Eden na sinar’han Habang binabasbasan niya sila, humiwalay siya sa kanila at
ng ating pagkamasuwayin. “Si Hesus ay ipinako ng mga dinala siya sa langit. Sinamba naman nila Siya. Nagbalik
Hudyo sa Krus ngunit muli siyang binuhay ng Diyos sa ang mga Apostol sa Herusalem na puspos ng galak …”
ikatlong araw” (Gawa 10:39-40). Si Hesus ay muling (Lucas 24:50-52) Sa maraming mga pagkakataon, ang mga
nabuhay upang maging mga anak tayo ng Ama. Tayo na paglisan ay ating sinasamahan ng luha at hibi. Naroroon ang
mga tinubos sa pamamagitan ng kanyang Dugo ang lubos na dalamhati sapagkat hindi na natin makakapiling ang isang
dapat magalak sa kanyang muling pagkabuhay sapagkat minamahal; ngunit nakita natin na ang mga alagad ay puspos
nabibigyan tayo ng kasiguraduhang tayong nakiisa sa ng galak na bumalik sa lungsod. Ipinamamalas sa atin ng
pagkamatay ni Kristo ay makakaisa rin naman balang araw Panginoong Hesukristo na sa bawat paglisan ay mayroong
sa kanyang maluwalhating pagkabuhay. Sa unang maliwanag na kinabukasang kinakaharap ang bawat isa. Sa
misteryong ito ng Santo Rosaryo ng Mahal na Birheng loob ng apatnapung araw na pagtigil ni Hesus dito sa lupa,
Maria, ibinabaling din ang ating atensyon sa katuwaan at siya ay nagturo, nangaral, at nagpatatag ng loob ng kanyang
kagalakang natamo ng Mahal na Birhen noong siya’y mga alagad upang ihanda sila sa misyon na kanyang iaaatas
sa kanila. Binuksan niya ang kanilang mga isipan upang ipinangako ni Hesus sa kanila, upang magsilbing gabay at
lubos na maunawaan ang mga Kasulatan, itinalaga nila sila mang-aaliw. Noong sumapit ang araw ng Pentecostes, silang
na mga saksi sa kanyang mga gawa, pagpapakasakit, lahat ay muling magkakasama sa silid na yaon at bigla na
kamatayan at muling pagkabuhay. Isinugo niya sila bilang lamang silang nakarinig ng isang malakas na ugong mula sa
mga tagapamalita ng Ebanghelyo upang masaklaw niya ang langit na parang malakas na hangin at pinuno nito ang
lahat ng sulok ng daigdig. Kasama nito, ang Mahal na bahay na kanilang tinutuluyan. May nakitang parang dilang-
Birheng Maria din naman ay nakikiisa sa kagalakan ng apoy na naghiwa-hiwalay at tumigil sa bawat isa. Napuspos
buong kalikasan sa pagluluwalhati sa kanyang Anak at sila ng Espiritu Santo at nagsimulang magsalita sa ibang
Panginoon. Itinataas niya rin ang kanyang puso at diwa sa mga wika ayon sa ipinagkaloob sa kanila… (cf. Gawa 2:1-
kanyang Anak at nangangako siya na magsisilbing Ina rin 4). Tumayo si Pedro at nangaral sa mga tao. Sa araw na yaon
nating mga kaanib sa Sambayanang Kristiyanong ay tatlong libo ang mga naking sa kanyang pangangaral at
nagsisimula nang lumago. Sa pagbubulay-bulay natin sa sumampalataya kay Kristo. Ang malawakang pagpapahayag
ikalawang misteryong ito ng Santo Rosario, binibigyang diin sa Salita ng Diyos ay bunsod ng inspirasyon ng Espiritu na
sa atin ang dakilang kapangyarihan ni Hesukristo bilang lumukob sa kanilang lahat. Sa mga mga unang yugtong ito
Diyos at Panginoon ng sangnilikha. Itaas na ang mga mata ng Santa Iglesia, ipinakikita kung paanong ang mga unang
sa Panginoong lumikha ng mga lupa at tala, ng gabi at ng mga Obispo – ang mga Apostol – ay nagkakaisa kasama ang
umaga. Si Hesukristo’y umakyat na sa langit, halina, Mahal na Birheng Maria sa pananalangin, pagsamba at
papurihan natin siya! pamamahayag ng Ebanghelyo. Sinasalamin nito ang
kalagayan natin sa Simbahan ngayon – ang pagkakaisa ng
(Tumahimik Sandali) diwa at intensyon: ang pagpapakabanal sa pagbabahagi ng
Mabuting Balita. Hilingin natin sa Panginoon sa ikatlong
Ama namin, 10 Aba Ginoong Maria, Luwalhati misteryong ito, na sa pangangaral ng Papa, mga Obispo, at
Oh, Hesus ko… mga Pari, na bunsod ng pag-uudyok ng Espiritu, ang tanang
hindi pa sumasampalataya kay Kristo ay makatagpo ng
katotohanan sa kanyang Iglesia. Ang Espiritu Santo’y
3. Ang Pagpanaog ng Espiritu Santo sa Labindalawang pumanaog na. Halina, Espiritu Santo, tanggapin ang mga
Apostoles at sa Mahal na Birheng Maria – “Espiritu handog naming ito.
mo’y suguin, Poon tana’y ‘yong baguhin.” Sinasabi sa Banal
na Kasulatan na ang mga Apostol ay bumalik sa Jerusalem (Tumahimik Sandali)
at pumahik sa isang silid sa bahay na kanilang tinutuluyan
… at nagkaisa sila ng diwa at patuloy na nanalangin, kasama
Ama namin, 10 Aba Ginoong Maria, Luwalhati
… si Mariang ina ni Hesus ” (Gawa 1:12-14) Hinihintay nila
ang pagsusugo sa Espiritu Santo, ang Paraklito na Oh, Hesus ko…
Tinuturuan tayo nito na palagi tayong dumulog kay Maria,
ating Ina at Reyna, na hindi kailanman pinahndian ni Hesus
4. Ang Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birhen – Ang na kanyang Anak. Si Maria’y iniakyat sa langit, parangalan
Mahal na Birheng Maria, matapos ang kanyang makalupang natin siyang itinampok sa babaeng lahat!
buhay dito sa daigdig, ay hindi pinahintulutan ng Panginoon
na makaranas ng pagkabulok ng katawan sapagkat sa tanang (Tumahimik Sandali)
Anak ni Eba, siya ang pinaka mahusay, pinaka malinis, at
pinaka kaibigibig, kung kaya naman sa dakilang
kapangyarihan ng niya ay iniakyat ng mga koro ng mga Ama namin, 10 Aba Ginoong Maria, Luwalhati
Angheles ang kanyang Ina sa kalangitan upang lumuklok sa Oh, Hesus ko…
trono ng kaluwalhatian. Siya na kalinislinisan at kabanal-
banalan, bukod na pinagpala sa babaeng lahat, ay minarapat
niyang makihati sa kanyang luningning. Kung ating 5. Ang Pagkokorona sa Mahal na Birhen bilang Reyna
susuriing mabuti ang mga banal na Ebanghelyo, ang ng Langit at Lupa – Matapos siyang iakyat sa kalangitan,
Panginoon ay nagbibigay ng mga pahiwatig sa atin kung ang mga tanang koro ng mga angheles, mga propeta at
bakit gayon na lamang kadakila ang kanyang Inang si Maria magulang nating sinauna; lahat ng mga banal at martir ay
at minarapat niya itong iakyat sa langit. Sa una pa lamang, nagkatipon tipon upang ibigay sa Mahal na Virgen ang
sa pagbati ng Arkanghel Gabriel kay Maria upang ipahayag nararapat na pagkilala at paggalang – ang siya’y putungan
ang pagkakatawang tao ng Anak ng Diyos, kanyang ng Korona ng luwalhati bilang reyna ng Langit at lupa, ng
ibinulalas: “Ave Maria!”. Kung babaliktarin ang pahayag na mga anghel at mga tao. Siya na masunuring Anak ng Diyos
iyon ng Arkanghel, ang Ave ay magiging EVA. Itinakda ng Ama, Ina ng Diyos Anak, at Esposa ng Espiritu Santo ay
Diyos na si Maria ang maging bagong Eva. Kung papaanong nararapat lamang na parangalan ng ganitong uri ng
ang pagsuway ni Eva ang nagdala ng kasalanan at pagkilala. “May lumitaw na dakilang tanda sa langit: Isang
kamatayan sa daigidig, si Maria naman, ang bagong Eva, babaeng nararamtan ng araw; nasa kanyang paanan ang
ang nagdala ng liwanag at buhay sa ating lahat sa kanyang buwan, at korona naman sa kanyang ulo ang labindalawang
pagsilang sa Diyos at Taong si Hesukristo na araw ng bituin” (Apoc 12:1) Ang tagumpay na ito ng kalinis-linisang
Kaligtasan. Dahil sa kanyang mga dakilang karapatan, Anak ni Eba ay tagumpay nating lahat na mga Kristiyano
minarapat ng Diyos na siya ay huwag mabulok sa libingan laban sa matandang ahas o dragon – si Satanas, na ibinulid
sapagkat sa kanyang banal na sinapupunan nanirahan si na ni San Miguel Arkanghel sa kailaliman ng impiyerno sa
Hesus sa loob ng siyam (9) na buwan. Ipinamamalas ng ika- kapangyarihan ng Diyos. Dahil sa babaeng ito, si Maria,
apat na misteryong ito ng Santo Rosaryo ang malapit na tayong mga binyagan ay binigyan na ng Panginoon ng
ugnayan ni Hesus at ng kanyang Ina. Sa buhay na ito at sa karapatang tawagin siyang Ama. Sa Ikalimang misteryong
kabila, ang kanilang mga puso’y di mapaghihiwalay. ito ng Luwalhati muli nating natutunghayan si Maria, ang
abang alipin ng Panginoon, na buong pusong nagbigay ng
kanyang pag sang-ayon sa plano ng Diyos, ay ginagawaran
na ng parangal na makalangit. Matapos siyang
magpasailalim sa kalooban ng Diyos, matapos niyang PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN DEL PILAR
arugain at kalingain ang Anak niyang si Hesus, matapos na Ama naming makapangyarihan, ipagkaloob mo sa amin ang
siya ay matapang na tumayo sa paanan ng Krus nito sa lakas upang alalayan kaming mga mahihina. Pakundangan
Kalbaryo, matapos niyang magabayan ang mga Apostol sa sa banal na panalangin ng mahal na birhen del pilar.
kanilang misyon, tapos na ang kanyang gawaing makalupa
kung kaya naman kung paapaanong ipinahayag niya sa (Manahimik at idalangin ang mga biyayang nais makamtan)
kanyang awit na Magnificat : “ituturing akong mapalad ng
lahat ng salinlahi, dakila ang ginawa sa akin ng Palakasin mo ang aming pananampalataya, patatagin ang
Makapangyarihan, banal ang kanyang Pangalan … aming pag-asa, at pag-alabin ang aming pag-ibig sa
Pinatalsik niya sa luklukan ang mga makapangyarihan at pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
itinampok ang mga nasa abang kalagayan…” ay naganap din magpasawalang hanggan. Amen.
naman ito sa kanya. Siya ngayon ay niluluwalhati dahilan sa
kanyang kababaang loob at tunay na pagmamahal sa Diyos. Mahal na Birhen del Pilar, aming lakas at kagalakan.
Nawa ay sa pagtatapos ng ating pagninilay nilay sa Santo Ipanalangin mo Kami.
Rosario ng Mahal na Virgen, ang ating mga puso ay
mapukaw sa lubos at buong kapakumbabaang pagsunod sa
kagustuhan ng Panginoon, ang Diyos na haring mataas. Si AWIT SA MAHAL NA BIRHEN DEL PILAR
Maria’y pinutungan na ng Korona ng Luwalhati, tanang mga
Kristiyano, awitan ang ang iyong Reyna ng awit ng Papuri! O Birhen naming mahal, Patrona ng aming bayan
Ikaw ang kadahilanan nitong aming pagdiriwang
Ama namin, 10 Aba Ginoong Maria, Luwalhati kaya kami’y dumudulog, dinadalangin ‘yung kupkop.
O, Hesus ko… Tulungan mo kami’t. Ina ng Diyos, del Pilar (2x)
Aba po Santa Mariang Reyna
Panalangin sa Mahal na Birhen del Pilar Haligi ng kaligtasan, pag-asa ng aming buhay
Awit sa Mahal na Birhen del Pilar Huwag mo kaming pabayaan, magapi ng kasamaan
Sa aming pangangailangan, pangkaluluwa’t pangkatawan.
Tulungan mo kami’t. Ina ng Diyos, del Pilar (2x)

You might also like