You are on page 1of 7

PAGDARASAL NG SANTO ROSARYO

OUR LADY QUEEN OF PEACE PARISH


SALINAS, BACOOR, CAVITE

ANG MGA MISTERYO NG STO. ROSARYO

I. MGA MISTERYO NG TUWA (Lunes at Sabado)

1. Ang Pagbati ng Anghel kay Birheng Maria


2. Ang Pagdalaw ni Birheng Maria kay Sta. Isabel
3. Ang Pagsilang ng ating Panginoon
4. Ang Paghahain kay Hesus sa Templo
5. Ang Pagkakita kay Hesus sa loob ng Templo

II. MGA MISTERYO NG LIWANAG (Huwebes)

1. Ang Pagbibinyag kay Hesus sa Ilog Jordan


2. Ang Paghihimala ni Hesus sa Kasalan sa Cana
3. Ang Pagpapahayag ng Kaharian ng Diyos
4. Ang Pagbabagong-anyo ni Hesus
5. Ang Pagtatatag ni Hesus ng Eukaristiya

III. MGA MISTERYO NG HAPIS (Martes at Biyernes)

1. Ang Paghihirap sa Halamanan ng Hetsemani


2. Ang Paghampas kay Hesus sa Haliging Bato
3. Ang Pagpuputong ng Koronang Tinik
4. Ang Pagpapasan ng Krus
5. Ang Pagkapako at Pagkamatay ni Hesus

IV. MGA MISTERYO NG LUWALAHATI (Miyerkules at Linggo)

1. Ang Pagkabuhay na Mag-uli ng ating Panginoon Hesukristo


2. Ang Pag-akyat sa Langit ng ating Panginoon Hesukristo
3. Ang Pagpanaog ng Espiritu Santo sa mga Apostoles
4. Ang Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria
5. Ang Pagpuputong ng Korona sa Mahal na Birhen Bilng Reyna ng Langit at Lupa
Namumuno: Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Expiritu Santo.
Lahat: Amen

PANALANGIN NG PAGTANGGAP
(darasalin ng kinatawan ng pamilyang aakyatan ng Mahal na Birhen)

O Ina ng Diyos at Ina namin, Mariang pinagpala, ikinalulugod at ipinagkakapuri namin ang
pagdalaw mong ito sa aming tahanan na iyong pinagindapat na maging pugad ng iyong pag-ibig
sa loob ng pitong (7) araw. Sa iyong pamamalagi sa aming piling, igawad mo sa amin, Inang
sinisinta, ang iyong pagpapala. Basbasan mo kaming lahat sa tahanang ito, at huwag mong
itulot na kami ay makagawa ng anumang ikalulumbay mo. Kami ay iyo, aming Reyna at aming
Ina. Ingatan mo kaming lagi bilang pag-aari mong tunay magpakailanman. Amen.

PANIMULANG PANALANGIN

Namumuno: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoon Diyos ay sumasaiyo.
Lahat: Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat, at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus.
Namumuno: Panginoon, buksan mo ang aking mga labi.
Lahat: At purihin ka ng aking bibig.
Namumuno: Diyos ko, tulungan mo ako.
Lahat: Panginoon, magmadali ka sa pagsaklolo sa akin.
Namumuno: Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
Lahat: Kapara noong una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggan. Amen.

ANG SUMASAMPALATAYA

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao Siya lalang ng Diyos Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay at inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga
yumao. Nang may ikatlong araw ay nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Diyos
Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto’t maghuhukom sa nangabubuhay at
nangamatay na tao. Sumasampalataya ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa
kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay
na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen.

AMA NAMIN

Namumuno: Ama namin, sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo, mapasaamin ang kaharian Mo,
sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit.
Lahat: Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, at patawarin Mo kami sa aming
mga sala para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin, at huwag Mo
kaming ipahintulot sa tukso, at iadya Mo kami sa lahat ng masama. Amen.
ABA GINOONG MARIA

Namumuno: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo; bukod
kang pinagpala sa babaeng lahat, at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus.

Lahat: Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami’y
mamamatay. Amen.

LUWALHATI

Namumuno: Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.


Lahat: Kapara noong una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggan. Amen.

PANALANGIN NG FATIMA

Lahat: O katamis-tamisang puso ni Hesus, iligtas mo po kami, pagkalooban mo po ng kapayapaan ang


buong daigdig, lalung-lalo na po ang bansang Pilipinas. At papagbalik-loobin mo po ang mga
taong makasalanan, at ituro mo po sa kanila ang landas patungo sa iyong kaharian, O
Panginoon.
O Hesus ko, patawarin mo po kami sa aming mga sala, iligtas mo po kami sa apoy ng impiyerno,
hanguin mo po ang mga kaluluwa sa purgatoryo, lalong-lalo na po ang mga kaluluwang walang
nakaka-alala.

ABA PO, SANTA MARIANG REYNA


Lahat: Aba po, Santa Mariang Reyna, Ina ng Awa, ikaw ang kabuhayan at katamisan. Aba pinananaligan
ka namin. Ikaw nga ang tinatawagan namin, pinapanaw na taong anak ni Eva. Ikaw rin ang
pinagbubuntuhang-hininga namin ng aming pagtangis dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay
aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain, at saka kung
matapos yaring pagpanaw sa amin, ay ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus. Santa
Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam, at matamis na Birhen.

Namumuno: Ipanalangin mo kami, Reyna ng Kasantu-santuhang Rosaryo;


Lahat: Nang kami’y maging dapat makinabang sa mga pangako ni Hesukristong aming
Panginoon.

MANALANGIN TAYO
Lahat: O Diyos, na ang kaisa-isa mong Anak, sa pamamagitan ng kanyang buhay, pagkamatay at
pagkabuhay na mag-uli ay ipinagtamo sa amin ang gantimpalang buhay na walang hanggan,
ipagkaloob mo po, isinasamo namin, na sa pagninilay nitong mga misteryo ng kabanal-banalang
Rosaryo ng Pinagpalang Birheng Maria, matularan namin ang kanilang nilalaman, at makamtan
namin ang kanilang ipinangangako. Alang-alang kay Kristong aming Panginoon. Amen.
LITANYA SA MAHAL NA BIRHENG MARIA

Namumuno: Panginoon, maawa ka sa amin.


Lahat: Panginoon, maawa ka sa amin.
Namumuno: Kristo, maawa ka sa amin.
Lahat: Kristo, maawa ka sa amin.
Namumuno: Panginoon, maawa ka sa amin.
Lahat: Panginoon, maawa ka sa amin.
Namumuno: Kristo, pakinggan mo kami.
Lahat: Kristo, pakinggan mo kami.
Namumuno: Kristo, pakapakinggan mo kami.
Lahat: Kristo, pakapakinggan mo kami.
Namumuno: Diyos Ama sa langit,
Lahat: Maawa ka sa amin.
Namumuno: Diyos Anak, na tumubos sa sanlibutan,
Lahat: Maawa ka sa amin.
Namumuno: Diyos Espiritu Santo,
Lahat: Maawa ka sa amin.
Namumuno: Kabanal-banalang Tatlong Perona sa Iisang Diyos,
Lahat: Maawa ka sa amin.

Santa Maria, *
Santang Ina ng Diyos, *
Santang Birhen ng mga Birhen,*
Ina ni Kristo,*
Inang Puspos ng Biyaya ng Diyos, *
Inang Kalinis-linisan,*
Inang Walang Kamalay-malay sa Kasalanan,*
Inang Kasakdal-sakdalan,*
Inang Walang Bahid,*
Inang Pinaglihing Walang Kasalanan,*
Inang Kaibig-ibig,*
Inang Kahanga-hanga,*
Ina ng Laging Saklolo,*
Ina ng Mabuting Kahatulan,* *ipanalangin mo kami
Ina ng Maylikha,*
Ina ng Mananakop,*
Ina ng Banal na Iglesya,*
Birheng Kapaham-pahaman,*
Birheng Dapat Igalang,*
Birheng Lalong Dakila,*
Birheng Makapangyarihan,*
Birheng Maawain,*
Birheng Matibay na loob sa Magaling,*
Salamin ng Katuwiran,*
Luklukan ng Karunungan,*
Simula ng Tuwa Namin,*
Sisidlan ng Kabanalan,*

Sisidlan ng Bunyi at Bantog,*


Sisidlang Bukod ng Mahal na Loob na Makusaing
Sumunod sa Panginoong Diyos,*
Rosang Bulaklak na di Mapuspos
Ng Bait ng Tao ang Halaga,*
Tore ni David,*
Toreng Garing,*
Bahay na Ginto,*
Kaban ng Tipan,*
Pinto ng Langit,*
Talang Maliwanag,*
Mapagpagaling sa mga Maysakit,*
Tanggulan ng mga Makasalanan,*
Mapag-aliw sa mga Nagdadalamhati,* *ipanalangin mo kami
Mapag-ampon sa mga Kristiyano,*
Reyna ng mga Anghel,*
Reyna ng mga Patriarka,*
Reyna ng mga Propeta,*
Reyna ng mga Apostol,*
Reyna ng mga Martir,*
Reyna ng mga Kumpesor,*
Reyna ng mga Birhen,*
Reyna ng Lahat ng mga Santo,*
Reynang Ipinaglihi na Di-nagmana ng Salang Orihinal,*
Reynang Iniakyat sa Langit,*
Reyna ng Kasantu-santuhang Rosaryo,*
Reyna ng Kapayapaan,*

Namumuno: Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,


Lahat: Patawarin mo kami, Panginoon.
Namumuno: Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sandaigdigan,
Lahat: Pakapakinggan mo kami, Panginoon.
Namumuno: Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng santinakpan,
Lahat: Maawa ka sa amin.

Manalangin Tayo:
Lahat: Hinihiling namin sa Iyo, Diyos namin at Panginoon, na ipagkaloob mo po sa amin na Iyong mga
lingkod, na tamasahin namin ang walang maliw na kalusugan ng kaluluwa at katawan; at
maligtas kami sa pamamagitan ng mapalad na laging Birheng Maria, sa mga kalungkutan ng
buhay na ito, at magkaroon ng kasiyahang makamtan ang mga katuwaan ng buhay na walang
hanggan. Alang-alang kay Hesukristo na aming Panginoon. Amen.
PANALANGIN PARA SA KAPAYAPAAN

Panginoon, sa panahon ng pangangailangan ay humihingi kami ng tulong bunga ng aming pagkamulat sa


nagbabantang pagkawasak ng kapaligirang ipinagkaloob Ninyo sa amin, bunga ng malawakang
paglalaban ng ideolohiya sa iba’t ibang panig ng mundo.
Pagkalooban Ninyo kami ng sapat na lakas upang maipalaganap ang kabutihan, katarungan,
pagmamahalan, at kapayapaan.
Sa gitna ng labanan, ituro Ninyo sa amin ang pagtutulungan;
sa kasaganaan, ang pagbibigayan;
sa karalitaan, magkaroon po sana ng maayos na pamumuhay.
Kung mangingibabaw ang pagkamakasarili, ituro Ninyo sa amin ang kababaang-loob; sa kawalan ng
katarungan, matutunan sana namin ang pagsisisi at pagbabalik-loob sa Diyos.
Kung may di pagkakaunawaan, magkaroon po sana ng pagkakasundo at pagkakaisa; sa kawalan ng pag-
asa, maihatid po sana namin ang Mabuting Balita.
Turuan Mo kaming kumalinga sa halip na kalingain; maglingkod sa halip na paglingkuran. Huwag po
sana kaming maghangad ng karangyaan at punuin Ninyo kami ng Inyong pag-ibig at kaluwalhatian.
Pahintulutan Ninyo kaming maging katulad Ninyo sapagkat sa ganitong paraan lamang namin
matatagpuan ang tunay na kahulugan ng buhay na makapagbibigay sa amin ng bagong pag-asa.
Amen.

O Maria, Reyna ng Kapayapaan.


Ipanalangin Mo kami

Namumuno: Sumaatin nawa ang tulong ng Maykapal.


Lahat: Amen.
Namumuno: Sumapayapa nawa ang mga kaluluwa ng mga yumao sa grasya ng Diyos.
Lahat: Amen.
Namumuno: Manatili nawa sa atin ang mga biyaya ng Diyos Ama, at Anak, ay Espiritu Santo.
Lahat: Amen.

PANALANGIN SA PAGPAPAALAM
(darasalin ng kinatawan ng pamilya)

O Inang Kaibig-ibig, dumating na ang sandali ng iyong paglisan sa aming tahanan, na naging
tahanan mo rin sa loob ng pitong (7) araw. Hindi kayang banggitin ng aming mga labi ang
pasasalamat na nag-uumapaw sa aming mga puso. Udyok ng iyong pagmamahal, Ina,
minarapat mong makiisa sa aming piling kahit sumandali. Salamat, Ina, salamat. Magbalik kang
muli sa aming piling sa ibang araw. Dito at hihintayin ka namin nang buong pananabik. Sa iyong
pagpanaog, baunin mo ang aming pagmamahal. Isama mo ang aming puso at huwag mong
itulot na kami ay makalimot at mawalay sa iyong pag-aaruga kailanman. Siya nawa.
Lahat: Amen.

You might also like