Professional Documents
Culture Documents
PANALANGIN SA
MAHAL NA INA NG KAPAYAPAAN
AT MABUTING PAGLALAKBAY,
ANG BIRHEN NG ANTIPOLO
IKALIMANG ORAS
HIMNO
Commentator:
Magsitayo ang lahat.
PANIMULA
Namumuno:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Bayan: Amen.
PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng
langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang tao Siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa
kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat
sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon
magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
AMA NAMIN
Ama namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
B: Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin mo kami
sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin. At huwag
mo kaming ipahintulot sa tukso. At iadya mo kami sa lahat ng masama.
LUWALHATI
Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo,
B: Kapara noong unang-una, ngayon at magpakailanman. Amen.
PANALANGIN NG FATIMA
O Hesus ko, patawarin mo ang aming mga sala. Iligtas mo kami sa apoy ng impiyerno.
Hanguin mo ang mga kaluluwa sa Purgatoryo lalung-lalo na yaong mga walang
nakakaalaala.
LUWALHATI
Aba po, Santa Mariang Reyna, Ina ng awa, ikaw ang kabuhayan, pag-asa’t katamisan;
aba, pinananaligan ka namin. Ikaw ang tinatawag namin, pinapanaw na anak ni Eva.
Ikaw rin ang pinagbubuntuhang-hininga namin sa aming pagtangis dini sa lupang
bayang kahapis-hapis. Ay, aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga mata
mong maawain, at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin, ipakita mo sa amin
ang iyong anak na si Hesus. O magiliw, mahabagin, matamis na Birheng Maria.
ASCENSION OF OUR LORD PARISH • PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LA PAZ Y BUEN VIAJE • 4
Pagkatapos dasalin ang “Aba Po Santa Mariang Reyna’ o ang pag-awit ng ‘Salve Regina,’ susundan ng
Litanya.
Prinsipe ng Kapayapaan,
B: dinggin Mo kami.
Namumuno:
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
B: maawa ka sa amin.
Namumuno:
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
B: maawa ka sa amin.
Namumuno:
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
B: ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
Namumuno:
Ipanalangin mo kami, Birhen ng Antipolo,
B: Nang kami ay maging dapat makinabang sa mga pangako
ni Hesukristong aming Panginoon
Namumuno:
Manalangin tayo.
Commentator:
Magsiluhod ang lahat.
Namumuno:
Mga kapatid, tayo ay nagtitipon ngayon upang parangalan ang ating Mahal na Ina
bilang Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay. Sama-sama tayong manalangin
at dumulog upang makamit ang mga biyayang minimithi natin sa buhay.
Sandaling katahimikan.
Mahal na Ina, yayamang ang iyong pangalan ay dakila sa harap ng Diyos, lumalapit
kami sa iyo upang kami ay samahan sa pagdulog sa Kanya upang ang aming
minimithi sa buhay ay makamit namin sa pamamagitan ng pagtitipong ito.
Namumuno:
Halina, Espiritu Santo, puspusin Mo ang mga puso ng mga tapat sa Iyo at pagningasin
sa kanila ang apoy ng Iyong pag-ibig. Isugo Mo ang Iyong Espiritu at malilikha ang
lahat ng bagay.
B: At babaguhin Mo ang anyo ng mundo.
ASCENSION OF OUR LORD PARISH • PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LA PAZ Y BUEN VIAJE • 8
Namumuno:
Manalangin tayo.
ANG PAGSISISI
Namumuno:
Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at tao naman totoo, gumawa at sumakop sa
akin. Pinagsisisihan kong masakit sa tanang loob ko, ang dilang pagkakakasala ko sa
iyo. Panginoon ko’t Ama ko, iniibig kong lalo sa lahat; nagtitika akong matibay na
matibay na di na muli-muling magkakasala sa iyo, lalayuan ko na’t pangingilagan ang
balang nakapagdadala ng loob ko sa masama at nagbabalik ng dating sakit ng kaluluwa
ko, at nagtitika naman akong magkumpisal ng dilang kasalanan ko, umaasa akong
patatawarin mo rin alang-alang sa mahal na Pasyon mo at pagkamatay mo sa Krus
dahilan sa akin.
B: Amen.
PANIMULANG PANALANGIN
Namumuno:
Pinagpalang Reyna ng langit at lupa, Mahal na Birhen ng Antipolo, yayamang ang iyong
kadakilaan ay malaki sa harap ng Diyos na Panginoon natin, isamo mo sa Kaniyang
Kamahalan na kami ay magkamit ng biyayang ninanais namin at hinihingi sa pagtitipon
na ito lalo na ang kapayapaan ng buong mundo, kung nararapat sa kaniyang
kaluwalhatian at ikagagaling ng kaluluwa, at kung sakaling hindi nararapat, igawad mo
sa amin ang lalo mong ikalulugod, kalakip ang isang dakilang pagsunod sa kaniyang
banal na kalooban.
B: Amen.
ASCENSION OF OUR LORD PARISH • PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LA PAZ Y BUEN VIAJE • 9
IKALIMANG ORAS
Maria, Ina ng mga Pari
Commentator:
Magsitayo ang lahat.
Namumuno:
Pagbasa sa Ebanghelyo ayon kay San Mateo (1: 18 – 21)
Ganito ang pagkapanganak kay Hesukristo. Si Maria, ang kanyang ina at si Jose ay
nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Maria’y natagpuang nagdadalang-
tao. Ito’y sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Isang taong matuwid itong si Jose na
kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya ipinasiya
niyang hiwalayan ito nang lihim. Samantalang iniisip ni Jose ito, napakita sa kanyang
panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, “Jose, anak ni David,
huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siya’y naglihi sa
pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at ito’y
pangangalanan mong Hesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa
kanilang mga kasalanan.”
PANALANGIN
Namumuno:
Maria, Ina ng mga Pari, Reyna at Ina ng mga Pilipino, ikaw ang kanlungan at patnubay
ng aming mga pari. Isinasamo namin sa iyo na ipag-adya ang lahat ng mga pari sa mga
kaaway ng katawan at kaluluwa. Tulungan mo sila nang hindi sila mahikayat ng mga
kasalanan at masasamang hibo ng katawan. Tulungan mo nawa silang talunin ang lahat
ng ito at sila ay magsikap tumulad sa kababaan ng iyong kalooban at kabanalan. Higit
sa lahat, Mahal na Birhen, akayin mo sila na maging tapat at masunurin sa iyong anak
na si Hesus at sa Simbahan. Tulungan mo po ang lahat ng pari na maging mabuting
katiwala ng yaman ng Simbahan lalo na ng katotohanan at Mabuting Balita. Gayon din
naman, isinasamo namin na igawad mo sa amin ang aming ninanasa at hinihingi sa
pagtitipong ito, kung ito’y ukol sa kapurihan ng Diyos at kagalingan ng kaluluwa
namin.
B: Amen.
ASCENSION OF OUR LORD PARISH • PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LA PAZ Y BUEN VIAJE • 10
PANALANGIN SA ARAW-ARAW
Namumuno:
O Birheng kalinis-linisan at Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay, yayamang
sumasaiyo itong dalawang dakilang karangalan, ipakilala mo sa bawat pamilyang
Pilipino ang kapayapaan na hindi maibibigay ng sino man, kapayapaang lubos at
sadyang ipinagbilin ng iyong Anak sa kaniyang mga alagad, kapayapaang lubos na
magbibigay sa amin ng lakas na patawarin namin ang aming mga kaaway sa lahat ng
nagawa nila sa amin. Igawad mo sa aming puso at kaluluwa ang kapayapaang totoo,
lumalaban sa nais ng katawan at mga katuwiran na huwag lumaban sa Diyos. Isinasamo
din namin sa iyo Mahal na Birhen ng Antipolo, Ina ng Simbahan, ang buong Simbahang
Katolika na maging laging tapat sa mga turo at utos ng iyong anak na si Hesus.
Tulungan mo din kaming magdasal na marami pang mga bokasyon sa pagpapari at
pagmamadre. At habang kaming naglalakad at nangingibang bayan dito sa bayang
kahapis-hapis, pangunahan mo kami sa landas ng kadiliman na aming binabagtas
gayundin sa madaming kapanganibang nakaligid sa amin, at matutuhan sana namin
nang lubos ang landas ng pag-asa, at pagtalima sa utos ng Diyos, ituro mo at dalhin
kami sa kagalingan, sa anumang aming gagawin at iisipin, ilayo mo kami sa mga silo
ng demonyo at nang sa iyong tulong at saklolo ay makamtan namin sa oras ng
kamatayan ang iyong kaluwalhatian.
B: Amen.
Namumuno:
Alalahanin mo, O Birheng maawain, na kailan man hanggang sa ngayon ay wala pa isa
mang lumapit sa iyo na napasaklolo o humingi ng tulong na hindi mo kinaawaan. Kaya
sa pananalig naming ito ay lumalapit kami sa iyo, Birhen ng mga birhen at Ina namin;
dumudulog kami sa harap mo, at wala nga kaming ibang alay, kung hindi mga
karaingan at panalangin. Huwag mong ipagwalang bahala ng iyong maawaing loob at
malaking nais sa pakikinig at pagtingin sa amin at madali mong ipagkaloob ang mga
idinudulog namin.
B: Amen.
ASCENSION OF OUR LORD PARISH • PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LA PAZ Y BUEN VIAJE • 11
Namumuno:
Tayo ay manalangin para sa lahat ng intensyon ng Santo Papa, para sa mga kaluluwa sa
Purgatoryo, para sa kapayapaan at pagkakasundo ng lahat ng bansa, lalo na ang ating
Bayang Pilipinas.
Tatlong (3) beses uulitin ang Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati.
Namumuno:
Ama namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
B: Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin mo kami
sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin. At huwag
mo kaming ipahintulot sa tukso. At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Namumuno:
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo,
bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si
Hesus.
B: Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan
ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen.
Namumuno:
Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo,
B: Kapara noong unang-una, ngayon at magpakailanman. Amen.
PANALANGIN SA BOKASYON
Namumuno:
Hesus, Anak ng Diyos, sa Iyo nananahan ang kaganapan ng pagka-Diyos. Inaanyayahan
Mo ang mga binyagan na pumalaot at tahakin ang landas tungo sa kabanalan. Pukawin
Mo sa puso ng mga Kabataan ang pagnanais na maging saksi sa kapangyarihan ng
Iyong pag-ibig sa mundo ngayon. Puspusin Mo sila ng Iyong Espiritu ng katatagan at
mabuting pagpapasya upang matuklasan nila ang kaganapan ng katotohanan tungkol
sa kanilang sarili at tawag sa buhay. Aming tagapagligtas, sinugo ka ng Ama upang
ipahayag ang Kanyang maawaing pag-ibig. Biyayaan Mo ang Simbahan ng mga
kabataang handang pumalaot at maging tanda sa iba ng Iyong presensyang
nagpapanibago at nakapagliligtas. Mahal na Birhen, Ina ng aming Manunubos, tiyak na
gabay sa landas patungo sa Diyos at kapwa, Ikaw na nagnilay sa Kanyang Salita sa
kaibuturan ng Iyong puso, patatagin mo sa pamamagitan ng Iyong matiyagang
panalangin at pagkalinga ang aming mga pamilya at mga pamayanang Kristiyano
upang matulungan nila ang mga kabataan sa pagtugon nang lubos sa tawag ng
Panginoon.
B: Amen.
PANALANGIN SA KAPAYAPAAN
Namumuno:
O Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay, kaming iyong mga anak
ay natitipon dito upang parangalan at papurihan ka. Marapatin mong ipagkaloob sa
amin ang iyong tulong bilang Birhen ng Kapayapaan sa ikaluluwalhati at ikararangal
ng Diyos Ama. Ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan ng puso at kaluluwa na
makatutulong sa amin na madaig ang aming pagnanasa sa mga bagay ng daigdig na ito.
Ikaw nawa ang maging taga-akay at pananggalang namin sa gitna ng kahinaan namin
sa buhay. Ipag-adya mo kami Mahal na Ina sa bingit ng kamatayan; akayin ang buong
sangkatauhan sa kapayapaan at pag-ibig upang sa pamamagitan ng iyong tulong at
biyaya ay magtamasa kaming lahat ng kapayapaan at ng walang hanggang buhay.
B: Amen.
ASCENSION OF OUR LORD PARISH • PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LA PAZ Y BUEN VIAJE • 13
PANALANGIN NG MANLALAKBAY
Namumuno:
O Banal na Ina ng Diyos, aming kamahal-mahalang Ina ng Kapayapaan at Mabuting
Paglalakbay, tingnan mo po kami na may buong pagpapakumbabang humihingi ng
iyong pag-gabay at patnubay sa paglalakbay na aming gagawin sa buhay. Ipanalangin
mo po kaming mga naglalakbay na laging magkaroon ng kaligtasan at matiwasay na
lakad. Kasama ng Iyong Anak, lagi mo kaming ipag-adya sa kapahamakan at
ipagtanggol sa mga taong may hatid na masamang balak at gawain. Tulungan kami sa
aming mahabang paglalakbay sa buhay, tanglawan ang aming landas na tinatahak
upang mapayapa kaming makarating sa lugar na aming pagtutunguhan at saan man
kami maparoon.
B: Amen.
Namumuno:
Masintahin at milagrosang Ina, sumasamo at dumudulog kami sa iyo. Tulungan mo
kaming magpasalamat sa Panginoon sa lahat ng mga grasya at pagpapalang
ipinagkaloob Niya sa amin.
Sa tulong at awa mo, lingapin mo po ang mga naglalakbay, lalo na ang mangingibang
bansa, upang maluwalhating makarating sa kanilang paroroonan.
Kami rin pong lahat ay iyong gabayan at akayin sa aming paglalakbay sa buhay. Sa
aming pagtahak sa buhay na puno ng pag-aalinlangan at pangamba, pagkalooban po
ninyo kami ng lakas at tapang na tahakin ang landas ng iyong Mahal na Anak na si
Hesus.
Nawa'y sa tulong at biyaya mo Mahal naming Ina, ang buong mundo ay kupkupin ng
iyong Mahal na Anak at ilagay Niya kami sa ilalim ng Kanyang pagkakandili at huwag
kaming iwanan sa paglalakbay sa buhay, lalung-lalo na sa oras ng sakuna at kagipitan.
Namumuno:
Mahal na Birhen ng Antipolo, Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay,
B: Ipanalangin mo kami.
Namumuno:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
B: Amen.
PANGWAKAS NA AWIT
Birhen ng Antipolo