You are on page 1of 14

ASCENSION OF OUR LORD PARISH • PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LA PAZ Y BUEN VIAJE • 1

PANALANGIN SA
MAHAL NA INA NG KAPAYAPAAN
AT MABUTING PAGLALAKBAY,
ANG BIRHEN NG ANTIPOLO
IKAAPAT NA ORAS

HIMNO

Maaaring umawit ng ibang awitin ukol sa Mahal na Birheng Maria.

Commentator:
Magsitayo ang lahat.

Awit kay Maria (Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay)

Birhen Mahal aming tanglaw, gabay ng buhay


Dinggin itong pagsamo at panalangin
Ikaw ang Siyang kanlungan
Sa bawat aming paglalakbay.

Dalisay mong pagmamahal, dulot sa ami’y lakas


Sa iyong kaningningan ay ang pag-asa
Birhen ng kapayapaan, pinagpala kang tunay
Sa aming sambayanan.

Liwanag ng sanlibutan, iyong ihasik


Kadiliman nitong buhay, huwag ng sapitin
Tunay ngang ikaw ang Birhen ng Kapayapaan
At Mabuting Paglalakbay…….

Ihatid mo ng tanaw, ang angkin naming buhay


Sa landasin mo’t gabay, tao’y di maliligaw
ASCENSION OF OUR LORD PARISH • PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LA PAZ Y BUEN VIAJE • 2

PANIMULA

Namumuno:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Bayan: Amen.

PANANALANGIN NG SANTO ROSARYO

Maaaring nakaluhod o nakaupo sa pagdarasal ng Santo Rosaryo tulad ng nakagawian.

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng
langit at lupa.

Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang tao Siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa
kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat
sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon
magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.

Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika,


sa kasamahan ng mga banal; sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na mag-
uli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen.

MGA MISTERYO SA TUWA


1. Ang Pagbati ng Arkanghel San Gabriel kay Santa Maria.
2. Ang Pagdalaw ni Santa Maria kay Santa Isabel.
3. Ang Pagsilang kay Hesus sa bayan ng Belen.
4. Ang Pag-aalay kay Hesus sa Templo.
5. Ang Pagkakita kay Hesus sa Templo.
ASCENSION OF OUR LORD PARISH • PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LA PAZ Y BUEN VIAJE • 3

AMA NAMIN
Ama namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
B: Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin mo kami
sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin. At huwag
mo kaming ipahintulot sa tukso. At iadya mo kami sa lahat ng masama.

ABA GINOONG MARIA


Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo,
bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si
Hesus.
B: Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan
ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen.

LUWALHATI
Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo,
B: Kapara noong unang-una, ngayon at magpakailanman. Amen.

PANALANGIN NG FATIMA
O Hesus ko, patawarin mo ang aming mga sala. Iligtas mo kami sa apoy ng impiyerno.
Hanguin mo ang mga kaluluwa sa Purgatoryo lalung-lalo na yaong mga walang
nakakaalaala.

LUWALHATI
Aba po, Santa Mariang Reyna, Ina ng awa, ikaw ang kabuhayan, pag-asa’t katamisan;
aba, pinananaligan ka namin. Ikaw ang tinatawag namin, pinapanaw na anak ni Eva.
Ikaw rin ang pinagbubuntuhang-hininga namin sa aming pagtangis dini sa lupang
bayang kahapis-hapis. Ay, aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga mata
mong maawain, at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin, ipakita mo sa amin
ang iyong anak na si Hesus. O magiliw, mahabagin, matamis na Birheng Maria.
ASCENSION OF OUR LORD PARISH • PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LA PAZ Y BUEN VIAJE • 4

Pagkatapos dasalin ang “Aba Po Santa Mariang Reyna’ o ang pag-awit ng ‘Salve Regina,’ susundan ng
Litanya.

LITANYA SA INA NG KAPAYAPAAN AT MABUTING PAGLALAKBAY

Panginoon, maawa ka sa amin.


B: Panginoon, maawa Ka sa amin.

Kristo, maawa ka sa amin.


B: Kristo, maawa Ka sa amin.

Panginoon, maawa ka sa amin.


B: Panginoon, maawa Ka sa amin.

Prinsipe ng Kapayapaan,
B: dinggin Mo kami.

Ikaw ang daan, katotohanan at buhay,


B: dinggin Mo kami.

Santa Maria, *ipanalangin mo kami


Santa Mariang Ina ng Diyos, *
Santa Mariang pinaglihing walang bahid ng kasalanan, *
Birhen ng Antipolo, *
Birhen ng mga Galeon, *
Birheng tagapagtanggol sa mga masasamang mananakop, *
Birheng lapitan ng mga maysakit, *
Birheng malapit sa aming puso, *
Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay, *
Ina ng Sambayanang Pilipino, *
Ina ng mga dukha, *
Ina ng mga mahihina, *
Ina ng mga tumatangis, *
Ina ng mga nangangamba, *
ASCENSION OF OUR LORD PARISH • PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LA PAZ Y BUEN VIAJE • 5

Ina ng mga nababagabag, *


Ina ng mga naguguluhan, *
Ina ng mga walang mapagsumbungan, *
Ina ng mga walang makapitan, *
Ina ng mga walang mauwian, *
Ina ng mga di makarating sa kanilang paroroonan, *
Ina ng mga nangingibang bayan, *
Ina ng mga lumilikas patungo sa ligtas na lugar, *
Ina ng mga naghahanapbuhay sa ibang bansa, *
Ina ng mga naghahanapbuhay sa karagatan at himpapawid, *
Ina ng mga naghahanapbuhay sa pamamagitan ng paglalakbay, *
Ina ng mga nawawalan ng pag-asa,
Ina ng mga naghahanap ng daan pabalik sa Diyos,
Ina ng Katotohanan,
Ina ng Pananampalataya,
Ina ng Pag-asa,
Ina ng Pag-ibig,
Ina ng Awa ng Diyos,
Ina ng Grasya ng Diyos,
Ina ng Simbahan,

Reyna naming kayumanggi, **samahan mo kami.


Reyna naming katangi-tangi, **
Reyna naming mapagkandili, **
Reyna namin sa panahon ng sakit at sakuna, **
Reyna namin sa pangangalaga sa mga nilikha ng Ama, **
Reyna ng mga pinaghaharian ng iyong Anak, **
Reyna ng mga nakikinig sa Banal na Espiritu, **
Reyna ng mga binyagan, **
Reyna ng mga tinatawag sa paglilingkod, **
Reyna ng mga nag-aalay ng sarili, **
Reyna ng mga bayani, **
Reyna ng aming lahi, **
Reyna ng aming mag-anak, **
Reynang tagapagtanggol namin sa kaaway, **
Reynang tinutularan namin sa kabanalan, **
ASCENSION OF OUR LORD PARISH • PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LA PAZ Y BUEN VIAJE • 6

Reynang gumagabay sa amin sa kabutihan, **


Reynang dinadala kami sa pagtulong sa kapwa, **
Reyna at tala ng Bagong Ebanghelisasyon, **
Reyna at tala ng pakikipagdiyalogo at pakikipagkasundo, **
Reyna at tala ng katarungan, **
Reyna at tala ng lahat ng sa iyo ay namimintuho, **

Namumuno:
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
B: maawa ka sa amin.

Namumuno:
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
B: maawa ka sa amin.

Namumuno:
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
B: ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

Namumuno:
Ipanalangin mo kami, Birhen ng Antipolo,
B: Nang kami ay maging dapat makinabang sa mga pangako
ni Hesukristong aming Panginoon

Namumuno:
Manalangin tayo.

Makapangyarihang Diyos, sa pamamagitan ng mga panalangin ng Mahal na Ina ng


iyong Anak, dinggin Mo ang pagsamo ng lahat ng namimintuho sa kanya. Sa kanyang
pananalangin, nawa ay magkaroon kami ng tunay na pananampalataya, matibay na
pag-asa, at di nagmamaliw na pagmamahal na magdadala sa amin sa Iyong kaharian.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon.
B: Amen.
ASCENSION OF OUR LORD PARISH • PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LA PAZ Y BUEN VIAJE • 7

PANALANGIN SA MAHAL NA INA NG KAPAYAPAAN


AT MABUTING PAGLALAKBAY,
ANG BIRHEN NG ANTIPOLO

Maliban sa pambungad na awit at pagbasa ng Ebanghelyo na babasahing nakatayo, lahat ng panalangin ay


darasalin ng nakaluhod.

Commentator:
Magsiluhod ang lahat.

Namumuno:
Mga kapatid, tayo ay nagtitipon ngayon upang parangalan ang ating Mahal na Ina
bilang Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay. Sama-sama tayong manalangin
at dumulog upang makamit ang mga biyayang minimithi natin sa buhay.

Sandaling katahimikan.

B: Dakila at mapagmahal na Ama, pinupuri at pinasasalamatan ka namin sa mga


pagpapala at biyayang patuloy Mong ipinagkakaloob sa amin. Dinggin Mo ang
aming mga pagsusumamo at pagdulog sa pamamagitan ng aming Ina, ang Birhen ng
Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay.

Mahal na Ina, yayamang ang iyong pangalan ay dakila sa harap ng Diyos, lumalapit
kami sa iyo upang kami ay samahan sa pagdulog sa Kanya upang ang aming
minimithi sa buhay ay makamit namin sa pamamagitan ng pagtitipong ito.

PANALANGIN SA ESPIRITU SANTO

Namumuno:
Halina, Espiritu Santo, puspusin Mo ang mga puso ng mga tapat sa Iyo at pagningasin
sa kanila ang apoy ng Iyong pag-ibig. Isugo Mo ang Iyong Espiritu at malilikha ang
lahat ng bagay.
B: At babaguhin Mo ang anyo ng mundo.
ASCENSION OF OUR LORD PARISH • PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LA PAZ Y BUEN VIAJE • 8

Namumuno:
Manalangin tayo.

O Diyos, na nagturo sa mga puso ng mga tapat na binyagan sa pamamagitan ng liwanag


ng Espiritu Santo, ipagkaloob Mo sa amin na sa Espiritu ding ito ay makamit ang tunay
na kahatulan sa lahat ng bagay at palaging magdiwang sa Kanyang banal na kalinga,
alang-alang kay Kristong aming Panginoon.
B: Amen.

ANG PAGSISISI

Namumuno:
Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at tao naman totoo, gumawa at sumakop sa
akin. Pinagsisisihan kong masakit sa tanang loob ko, ang dilang pagkakakasala ko sa
iyo. Panginoon ko’t Ama ko, iniibig kong lalo sa lahat; nagtitika akong matibay na
matibay na di na muli-muling magkakasala sa iyo, lalayuan ko na’t pangingilagan ang
balang nakapagdadala ng loob ko sa masama at nagbabalik ng dating sakit ng kaluluwa
ko, at nagtitika naman akong magkumpisal ng dilang kasalanan ko, umaasa akong
patatawarin mo rin alang-alang sa mahal na Pasyon mo at pagkamatay mo sa Krus
dahilan sa akin.
B: Amen.

PANIMULANG PANALANGIN

Namumuno:
Pinagpalang Reyna ng langit at lupa, Mahal na Birhen ng Antipolo, yayamang ang iyong
kadakilaan ay malaki sa harap ng Diyos na Panginoon natin, isamo mo sa Kaniyang
Kamahalan na kami ay magkamit ng biyayang ninanais namin at hinihingi sa pagtitipon
na ito lalo na ang kapayapaan ng buong mundo, kung nararapat sa kaniyang
kaluwalhatian at ikagagaling ng kaluluwa, at kung sakaling hindi nararapat, igawad mo
sa amin ang lalo mong ikalulugod, kalakip ang isang dakilang pagsunod sa kaniyang
banal na kalooban.
B: Amen.
ASCENSION OF OUR LORD PARISH • PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LA PAZ Y BUEN VIAJE • 9

IKAAPAT NA ORAS
Maria, Ina ng mga Kabataan

Commentator:
Magsitayo ang lahat.

Namumuno:
Pagbasa sa Ebanghelyo ayon kay San Lucas (2: 15 – 20)

Nang makaalis na ang mga anghel, pabalik sa langit, ang mga pastol ay nag-usap-usap,
“Tayo na sa Betlehem! Tingnan natin itong ibinalita sa atin ng Panginoon.” At
nagmamadali silang lumakad, at nakita nila sina Maria at Jose at ang sanggol na
nakahiga sa sabsaban. Kaya’t isinaysay nila ang mga sinabi ng mga pastol. Natanim sa
isip ni Maria ang mga bagay na ito at kanyang pinagbulay-bulay. Umalis ang mga pastol
na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng
narinig nila at nakita ay ayon sa ibinalita sa kanila ng anghel.

PANALANGIN

Namumuno:
Maria, Ina ng mga Kabataan, Reyna at Ina ng mga Pilipino, pangalagaan at
ipagsanggalang mo ang mga kabataan na kinabukasan ng Simbahan. Ilayo mo sila sa
tukso at kasalanan at bigyan ng lakas ng loob upang mapaglabanan ang mga ito. Akayin
at ihanda mo sila, Mahal na Birhen ng Antipolo, sa tapat na pagmimisyon at paghahayag
ng Mabuting Balita. Turuan mo sila, Mahal na Ina, sa kanilang kamusmusan na gamitin
ang kanilang mga talento para sa paglilingkod sa Simbahan at kapwa nila kabataan.
Ipadala mo ang banal na Espiritu upang mahubog sila sa mga utos ng Panginoong
Hesukristo at gayon din naman igawad mo sa amin ang ninanasa namin at hinihingi sa
pagtitipong ito. Kung ito’y ukol sa kapurihan ng Diyos at kagalingan ng kaluluwa
namin.
B: Amen.
ASCENSION OF OUR LORD PARISH • PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LA PAZ Y BUEN VIAJE • 10

PANALANGIN SA ARAW-ARAW

Namumuno:
O Birheng kalinis-linisan at Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay, yayamang
sumasaiyo itong dalawang dakilang karangalan, ipakilala mo sa bawat pamilyang
Pilipino ang kapayapaan na hindi maibibigay ng sino man, kapayapaang lubos at
sadyang ipinagbilin ng iyong Anak sa kaniyang mga alagad, kapayapaang lubos na
magbibigay sa amin ng lakas na patawarin namin ang aming mga kaaway sa lahat ng
nagawa nila sa amin. Igawad mo sa aming puso at kaluluwa ang kapayapaang totoo,
lumalaban sa nais ng katawan at mga katuwiran na huwag lumaban sa Diyos. Isinasamo
din namin sa iyo Mahal na Birhen ng Antipolo, Ina ng Simbahan, ang buong Simbahang
Katolika na maging laging tapat sa mga turo at utos ng iyong anak na si Hesus.
Tulungan mo din kaming magdasal na marami pang mga bokasyon sa pagpapari at
pagmamadre. At habang kaming naglalakad at nangingibang bayan dito sa bayang
kahapis-hapis, pangunahan mo kami sa landas ng kadiliman na aming binabagtas
gayundin sa madaming kapanganibang nakaligid sa amin, at matutuhan sana namin
nang lubos ang landas ng pag-asa, at pagtalima sa utos ng Diyos, ituro mo at dalhin
kami sa kagalingan, sa anumang aming gagawin at iisipin, ilayo mo kami sa mga silo
ng demonyo at nang sa iyong tulong at saklolo ay makamtan namin sa oras ng
kamatayan ang iyong kaluwalhatian.
B: Amen.

PANALANGIN NI SAN AGUSTIN SA MAHAL NA BIRHEN

Namumuno:
Alalahanin mo, O Birheng maawain, na kailan man hanggang sa ngayon ay wala pa isa
mang lumapit sa iyo na napasaklolo o humingi ng tulong na hindi mo kinaawaan. Kaya
sa pananalig naming ito ay lumalapit kami sa iyo, Birhen ng mga birhen at Ina namin;
dumudulog kami sa harap mo, at wala nga kaming ibang alay, kung hindi mga
karaingan at panalangin. Huwag mong ipagwalang bahala ng iyong maawaing loob at
malaking nais sa pakikinig at pagtingin sa amin at madali mong ipagkaloob ang mga
idinudulog namin.
B: Amen.
ASCENSION OF OUR LORD PARISH • PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LA PAZ Y BUEN VIAJE • 11

Namumuno:
Tayo ay manalangin para sa lahat ng intensyon ng Santo Papa, para sa mga kaluluwa sa
Purgatoryo, para sa kapayapaan at pagkakasundo ng lahat ng bansa, lalo na ang ating
Bayang Pilipinas.

Tatlong (3) beses uulitin ang Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati.

Namumuno:
Ama namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
B: Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin mo kami
sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin. At huwag
mo kaming ipahintulot sa tukso. At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Namumuno:
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo,
bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si
Hesus.
B: Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan
ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen.

Namumuno:
Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo,
B: Kapara noong unang-una, ngayon at magpakailanman. Amen.

Ama namin… B: Bigyan mo kami …


Aba Ginoong Maria, … B: Santa Maria, …
Luwalhati … B: Kapara …. Amen.

Ama namin… B: Bigyan mo kami …


Aba Ginoong Maria, … B: Santa Maria, …
Luwalhati … B: Kapara …. Amen.
ASCENSION OF OUR LORD PARISH • PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LA PAZ Y BUEN VIAJE • 12

PANALANGIN SA BOKASYON

Namumuno:
Hesus, Anak ng Diyos, sa Iyo nananahan ang kaganapan ng pagka-Diyos. Inaanyayahan
Mo ang mga binyagan na pumalaot at tahakin ang landas tungo sa kabanalan. Pukawin
Mo sa puso ng mga Kabataan ang pagnanais na maging saksi sa kapangyarihan ng
Iyong pag-ibig sa mundo ngayon. Puspusin Mo sila ng Iyong Espiritu ng katatagan at
mabuting pagpapasya upang matuklasan nila ang kaganapan ng katotohanan tungkol
sa kanilang sarili at tawag sa buhay. Aming tagapagligtas, sinugo ka ng Ama upang
ipahayag ang Kanyang maawaing pag-ibig. Biyayaan Mo ang Simbahan ng mga
kabataang handang pumalaot at maging tanda sa iba ng Iyong presensyang
nagpapanibago at nakapagliligtas. Mahal na Birhen, Ina ng aming Manunubos, tiyak na
gabay sa landas patungo sa Diyos at kapwa, Ikaw na nagnilay sa Kanyang Salita sa
kaibuturan ng Iyong puso, patatagin mo sa pamamagitan ng Iyong matiyagang
panalangin at pagkalinga ang aming mga pamilya at mga pamayanang Kristiyano
upang matulungan nila ang mga kabataan sa pagtugon nang lubos sa tawag ng
Panginoon.
B: Amen.

PANALANGIN SA KAPAYAPAAN

Namumuno:
O Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay, kaming iyong mga anak
ay natitipon dito upang parangalan at papurihan ka. Marapatin mong ipagkaloob sa
amin ang iyong tulong bilang Birhen ng Kapayapaan sa ikaluluwalhati at ikararangal
ng Diyos Ama. Ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan ng puso at kaluluwa na
makatutulong sa amin na madaig ang aming pagnanasa sa mga bagay ng daigdig na ito.
Ikaw nawa ang maging taga-akay at pananggalang namin sa gitna ng kahinaan namin
sa buhay. Ipag-adya mo kami Mahal na Ina sa bingit ng kamatayan; akayin ang buong
sangkatauhan sa kapayapaan at pag-ibig upang sa pamamagitan ng iyong tulong at
biyaya ay magtamasa kaming lahat ng kapayapaan at ng walang hanggang buhay.
B: Amen.
ASCENSION OF OUR LORD PARISH • PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LA PAZ Y BUEN VIAJE • 13

PANALANGIN NG MANLALAKBAY

Namumuno:
O Banal na Ina ng Diyos, aming kamahal-mahalang Ina ng Kapayapaan at Mabuting
Paglalakbay, tingnan mo po kami na may buong pagpapakumbabang humihingi ng
iyong pag-gabay at patnubay sa paglalakbay na aming gagawin sa buhay. Ipanalangin
mo po kaming mga naglalakbay na laging magkaroon ng kaligtasan at matiwasay na
lakad. Kasama ng Iyong Anak, lagi mo kaming ipag-adya sa kapahamakan at
ipagtanggol sa mga taong may hatid na masamang balak at gawain. Tulungan kami sa
aming mahabang paglalakbay sa buhay, tanglawan ang aming landas na tinatahak
upang mapayapa kaming makarating sa lugar na aming pagtutunguhan at saan man
kami maparoon.
B: Amen.

PANALANGIN SA BIRHEN NG ANTIPOLO

Namumuno:
Masintahin at milagrosang Ina, sumasamo at dumudulog kami sa iyo. Tulungan mo
kaming magpasalamat sa Panginoon sa lahat ng mga grasya at pagpapalang
ipinagkaloob Niya sa amin.

Sa tulong at awa mo, lingapin mo po ang mga naglalakbay, lalo na ang mangingibang
bansa, upang maluwalhating makarating sa kanilang paroroonan.

Kami rin pong lahat ay iyong gabayan at akayin sa aming paglalakbay sa buhay. Sa
aming pagtahak sa buhay na puno ng pag-aalinlangan at pangamba, pagkalooban po
ninyo kami ng lakas at tapang na tahakin ang landas ng iyong Mahal na Anak na si
Hesus.

Mahal na Birhen ng Antipolo, lumalapit po kami sa iyo. Dulutan mo ng mapayapang


kalinga ang aming tahanan. Tulungan mo po kami na maitaguyod nang maayos at
matuwid ang aming pamilya.

Sa aming paglalayag sa buhay, palakasin at patatagin mo ang bawat isa sa amin na


makabuo ng isang pamayanan at bansang pinaghaharian ng iyong Mahal na Anak.
ASCENSION OF OUR LORD PARISH • PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LA PAZ Y BUEN VIAJE • 14

Nawa'y sa tulong at biyaya mo Mahal naming Ina, ang buong mundo ay kupkupin ng
iyong Mahal na Anak at ilagay Niya kami sa ilalim ng Kanyang pagkakandili at huwag
kaming iwanan sa paglalakbay sa buhay, lalung-lalo na sa oras ng sakuna at kagipitan.

Sa pamamagitan mo Inang Mahal, pagpalain at tangkilikin mo po ang aming buhay


paglilingkod sa iyong Anak na si Hesus at sa Simbahan upang mabuhay kami sa
kapayapaan at katotohanan at marating namin ang kaluwalhatian ng buhay na walang
hanggan.
B: Amen.

Namumuno:
Mahal na Birhen ng Antipolo, Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay,
B: Ipanalangin mo kami.

Namumuno:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
B: Amen.

PANGWAKAS NA AWIT

Maaaring umawit ng ibang awitin ukol sa Mahal na Birheng Maria.

Birhen ng Antipolo

Birheng Maria ng Antipolo O Reyna naming kayumanggi


Kami ay dinggin mo Akayin mo kami sa aming paglalakbay
Ina naming minamahal Sa landas niyaring buhay
Bituin nami't gabay Tulutan mo kaming makarating
Tulutan mong lumaganap Ng maluwalhati sa aming nilalangit
Kapayapaan at katarungan Kaharian ng Diyos Ama.
Sa bayang Pilipinong
namimintuho sa iyo. Nuestra Señora dela Paz y Buen Viaje
Ipanalangin mo kami.

You might also like