You are on page 1of 8

Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo

SUMASAMPALATAYA
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may
gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon
nating lahat.
Nagkatawang tao Siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang
Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa karoroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na
mag-uli.
Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa
lahat.
Doon magmumulang paririto't maghuhukom sa nangabubuhay at nangamamatay
na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo,
Sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal;
Sa kapatawaran ng mga kasalanan, Sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay
na tao,
At sa buhay na walang hanggan.  Amen.

AMA NAMIN
Ama namin, sumasalangit Ka.
Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan Mo kami ng aming kakanin sa araw-araw


At patawarin Mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama
Amen.
ABA GINOONG MARIA
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman ang 'yong anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay.
Amen.

LUWALHATI
Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kapara ng unang-una, ngayon at
magpasawalang hanggan. Amen.

MISTERYO SA TUWA (Lunes at Sabado)


1. Ang Pagbati ng Anghel sa Mahal na Birheng Maria.
2. Ang Pagdalaw ng Mahal na Birheng Maria kay Sta. Isabel.
3. Ang Panganganak kay Jesus sa Belen.
4. Ang Paghahain s Templo sa ating Panginoong Jesukristo.
5. Ang Pagkakakita kay Jesus sa Templo ng Jerusalem.
MISTERYO SA LIWANAG (Huwebes)
1. Ang Pagbibinyag kay Jesus sa Ilog Jordan.
2. Ang Kasalan sa Cana.
3. Ang Pagpapahayag tungkol sa Kaharian ng Diyos.
4. Ang Pagbabagong-anyo ni Jesus.
5. Pagtatag ng Banal na Misa.
MISTERYO SA HAPIS (Martes at Biyernes)
1. Ang Panalangin ni Hesus sa Halamanan ng Getsemani.
2. Ang Paghahampas kay Jesus habang nakagapos sa haliging bato.
3. Ang Pagpuputong ng Koronang Tinik kay Jesus.
4. Ang Pagpapasan ni Jesus ng Krus.
5. Ang Pagpapako kay Jesus at ang Kanyang kamatayan sa Krus.
MISTERYO SA LUWALHATI (Miyerkules at Linggo)
1. Ang Pagkabuhay na mag-uli ni Jesukristo.
2. Ang Pag-aakyat sa langit ni Jesukristo.
3. Ang Pagbaba ng Espiritu Santo sa mga Apostoles at sa Mahal na Birhen.
4. Ang Pag-aakyat sa Mahal na Birhen sa Langit.
5. Ang Pagpuputong ng Korona sa Mahal na Birhen bilang Reyna ng Langit at
Lupa.

ABA PO SANTA MARIANG HARI


Aba Po Santa Mariang Hari, Inang ng Awa.
Ikaw ang kabuhayan at katamisan;
Aba pinananaligan ka namin.
Ikaw nga ang tinatawagan namin,
pinapanaw na taong anak ni Eva.
Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang hininga namin ng aming pagtangis
dini sa lupang bayang kahapis-hapis.
Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin,
ang mga mata mong maawain,
at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin,
ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen.
Ipanalangin mo kami, Reyna ng kasantusantuhang Rosaryo.
Nang kami'y maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristo.

MGA PANALANGIN SA KABANAL-BANALANG PUSO NI HESUS SA BANAL NA


EUKARISTIYA

N: Puso ni Hesus sa Banal na Eukaristiya, Pinupuri at Sinasamba Ka namin.


B: Kaisa ng siyam na koro ng mga anghel
Papuri sa Iyo magpakailanman

N: Puso ni Hesus sa Banal na Eukaristiya na nag-aalab sa amin ang


pagsinta,
B: Pag-alabin Mo ang aming mga puso sap ag-ibig sa Iyo.

N: Puso ni Hesus sa Banal na Eukaristiya,


B: Mapasaamin ang Kaharian Mo.

N: Puso ni Hesus sa Banal na Eukaristiya,


B: Pag-isahin Mo kami sa isip, sa puso at sa kalooban

N: Puso ni Hesus sa Banal na Eukaristiya na maamo at mababang loob


B: Gawin Mong ang aming mga puso ay matulad sa Iyo.

N: Puso ni Hesus sa Banal na Eukaristiya na inalay sa bawat misa ngayon at


hanggang sa katapusan ng panahon
B: Maawa Ka sa amin at sa buong daigdig

N: Puso ni Hesus sa Banal na Eukaristiya, salamat sa Iyo


B: Dahil sa Iyong personal na pagmamahal sa amin sa Banal na Komunyon

N: Puso ni Hesus sa Banal na Eukaristiya,


B: Buong puso Kitang iniibig

N: Puso ni Hesus sa Banal na Eukaristiya,


B: Sa Iyo ako ay lubos na nagtitiwala at umaasa.

N: Puso ni Hesus sa Banal na Eukaristiya,


B: Kapara noong una, ngayon at magpakailanman.
Amen.

LITANYA NG BANAL NA PUSO NI HESUS

N: Panginoon, maawa Ka
B: Panginoon, maawa Ka
N: Kristo, maawa Ka
B: Kristo, maawa Ka
N: Kristo, pakinggan Mo kami
B: Kristo, pakinggan Mo kami
N: Diyos Ama sa langit,
B: Kaawaan Mo kami
N: Diyos Anak na tumubos sa Sanlibutan
B: Kaawaan Mo kami
N: Diyos Espiritu Santo,
B: Kaawaan Mo kami
N: Kabanal-banalang ISATLO, ISANG DIYOS
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, Anak ng Amang walang hanggan
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, nilalang ng Espiritu Santo sa sinapupunan ng Mahal na
Birheng Maria
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Heus, kaisa ng Salira ng Diyos
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, ng walang hanggang kapangyarihan
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, namumuno
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, Banal na Templo ng Diyos
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, luklukan ng Kataas-taasan
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, buhay ng Diyos at pinto ng langit
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, nag-aapoy na sisidlan ng pag-ibig ng Diyos sa tao
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, pugad ng katarungan at pagmamahal
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, puno ng kabutihan at pag-ibig
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, balong malalim ng karunungan
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, karapat-dapat sa lahat ng puso
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, hari at sentro ng lahat nang puso
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, bukal ng kaalaman at karunungan
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, nanahan ang kaganapan ng Pagka-Diyos
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, na naparangalan ng Ama
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, kaganapan na ating tinanggap lahat
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, karurukan ng walang hanggang awa
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, matiyaga at pinakamaawain
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, nagpapayaman sa lahat ng tumawag sa Iyo
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, bukal ng buhay at kabanalan
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, nagtagumpay para sa ating mga kasalanan
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, masunurin hanggang kamatayan
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, na inulos ng sibat
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, bukal ng lahat ng kaaliwan
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, aming kapayapaan at pagkakasundo
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, biktima dahil sa ating kasalanan
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, kaligtasan ng lahat ng naniniwala sa Iyo
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, pag-asa ng mga namamatay sa Iyo
B: Kaawaan Mo kami
N: Puso ni Hesus, ligaya ng lahat ng mga Santo

KORDERO NG DIYOS

N: Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan


B: Iligtas Mo kami, Panginoon
N: Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sangtinakpan
B: Pakapakinggan Mo kami, Panginoon
N: Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sandaigdigan
B: Kaawaan Mo kami, Panginoon

MAIKLING PANALANGIN SA MAHAL NA PUSO NI HESUS

Panginoong Hesukristo, Manunubos ng sangkatauhan, sa Iyong Kabanal-


banalang Puso, kaming mga mananampalataya sa Pilipinas ay nagiging
mababang-loob at katiwa-tiwala, may pagpipitagan at pag-asa, may malalim na
pagkukusang maibigay sa Iyo ang luwalhati, pagpaparangal at pagpupuri.

Panginoong Hesukristo, Tagapagligtas ng mundo, pinasasalamatan Ka namin sa


lahat ng pagiging ikawat sa lahat ng Iyong ginawa, at patuloy na pagkilos para sa
buhay ng Iyong “maliit na kawan” dito sa lupa at para sa mga naatasang
mamuno sa aming bansa at sa mga nangunguna sa pagsulong ng katarungan,
Kalayaan at kapayapaan.

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos ng Buhay, pinupuri Ka namin, sa pag-ibig


na Iyong ipinamalas sa pamamagitan ng Iyong Banal na Puso, na inulos nang
Ikaw ay nasa krus para sa amin at naging buhay at bukal ng walang hanggang
buhay para sa tao.

Natipon ngayong sama-sama sa Iyong Pangalan, na siyang pinakamataas sa


lahat ng pangalan, inilaan namin ang aming sarili sa Iyong Kabanal-banalang
Puso, kung saan nanahan nang ganap ang Iyong katotohanan at pag-ibig.

Sa paglalaan ng aming sarili sa Iyo, binabago namin ang kagustuhang tumugon


sap ag-ibig, sa katapatan at pagbabago, sa Iyong katotohanan at pag-ibig.

Panginoong Hesukristo, Hari ng Pag-ibig at Prinsipe ng Kapayapaan, maghari


Ka sa aming mga isipan, sa aming mga puso, maghari Ka sa aming mga
tahanan, sa aming mga bayan at lungsod, maghari Ka sa sangkalupaan.
Pigilan ang kapangyarihan ng demonyo sa gitna namin, gawin Mo kaming
tagapagbigay para sa tagumpay ng Iyong Banal na Puso, sa mga puso at buhay
ng mga tao, at sa katagumpayan ng kalinis-linisang puso ng Iyong Ina sa
sangkalupaan.

Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Iyong krus at pagkabuhay na mag-uli


tulungan Mo kaming bumuo “ng sibilisasyon ng pag-ibig” sa aming pamayanan,
sa buong bansa.

Ang lahat ng ito ay aming sinasambit at gagawin, magbigay luwalhati at papuri


sa Iyo at sa Ama at sa Banal na Espiritu, isang Diyos na nabubuhay at naghahari
magpasawalang hanggan. Amen.

ANG PAGHAHANDOG NG MAG-ANAK SA BANAL NA PUSO NI HESUS

Lahat: O katamis-tamisang Hesus, kami, taglay ang kababaang-loob, ay muling


nagpapanibago ng aming pagtatalaga sa Banal Mong Puso. Ikaw ang
aming maging Hari magpakailanman. Sa Iyo ay hinahangad namin ang
buo at ganap na pagtitiwala: nawa ay lukuban kami ng Iyong Banal na
Espiritu, sa aming mga gawain. Ipagkaloob Mo sa amin ang biyaya na
makilala Ka namin ng lubusan, na mahalin Ka ng ganap, ang
mapaglingkuran Ka ng walang atubili. Tulungan Mo kaming lahat na
makabuo dito sa upa ng “Kabihasnan ng Pag-ibig.”

Sa tulong ng Kalinis-linisang Puso ni Maria, ang Reyna ng Kapayapaan,


itatag Mo ang Iyong kaharian sa aming bansa. Pumasok ka sa bawat
tahanan at bawat puso ng mga mag-anak at angkinin Mo sila na Iyong-iyo
sa pagluluklok ng Iyong Banal na Puso nang sa gayon isang tinig ang
umalingawngaw sa bawat tahanan. Saan man dako nawa ang
mapagligtas na Puso ni Hesus ay mahalin, pabanalin, at pagpalain
magpakailanman. Paggalang at pagpupuri ay mapasa Kabanal-banalang
Puso ni Hesus at Maria, kaisa ni San Jose, iniaalay namin ang taos
pusong panalanging ito: O kabanal-banalang Puso ni Hesus, manatili Ka
sa aming mga mag-anak at ipahintulot Mo sila ay maging Iyo, para sa Iyo,
at sa Iyo, ngayon at magpakailanman. Amen.

PAGPAPAALAM

Kamahal-mahalang Puso ni Hesus at kalinis-linisang Puso ni Maria,


dumating na ang sandal ng Iyong paglisan sa aming tahanan, na nagging
tahanan Mo rin sa loob ng _____ araw, na pananatili Mo sa aming piling.
Hindi kayang banggitin ng aming mga labi ang pasasalamat na nag-
uumapaw sa aming mga puso. Salamat po aming Hesus at aming Ama.
Magbalik po Kayong muli sa aming piling at dito ay hihintayin Ka namin ng
buong pananabik. Sa Iyong pansamantalang paglisan, baunin Mo ang
aming pagmamahal at huwag Ninyo pong ipahintulot na mawalay sa Inyo
magpasawalang hanggan. Amen.

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

AWIT – MAHAL NA PUSO NI HESUS

Mahal na Puso ni Hesus,


kami ay iyong kupkupin,
at akitin ang puso namin
nang grasya mo ay kamtin.

REFRAIN
O Kristo’y dinggin aming panalangin.
Laging angkinin ang puso namin.
Banal na Templo’t Tahanan,
dito ay kalangitan.
Ang aliw namin at kayamanan
ang tangi mong laan.
(REFRAIN)

Mga puso’y ipininid,


alaala’y said.
At ang sala ng tao’y hatid,
sugat sa ‘yong gilid.
(REFRAIN)

You might also like