You are on page 1of 50

PANALANGIN SA KARANGALAN NG

PITONG SAKIT AT PITONG TUWA NI


POONG SAN JOSE

Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

ANG ORASYON
Ang Anghel ng Panginoon ay nagbalita kay Santa Maria.
- At siya’y naglihi lalang ng Espiritu Santo.

Aba Ginoong Maria…

Narito ang alipin ng Panginoon.


- Maganap nawa sa akin ayon sa wika mo.

Aba Ginoong Maria…

At ang Salita ay nagkatawang-tao.


- At nakipamayan sa atin.

Aba Ginoong Maria…

Ipanalangin mo kami, O Santang Ina ng Diyos.


- Nang kami ay maging dapat makinabang sa mga
pangako ni Hesukristong Panginoon.
Manalangin tayo.

Panginoon naming Diyos, kasihan nawa ang aming


kaluluwa ng Iyong mahal na grasya, at yayamang dahilan
sa pamamalita ng Anghel ay nakilala namin ang
pakakatawang-tao ni Hesukristong Anak Mo,
pakundangan sa mahal na sákit at pagkamatay Niya sa
krus ay pakinabangin Mo kami ng Kanyang pagkabuhay
na mag-uli, sa kaluwalhatian sa langit, alang-alang kay
Hesukristong Panginoon namin. Amen.

(uulitin ng tatlong beses)


Papuri sa Ama, at Anak at sa Espiritu Santo.
- Kapara nang una, ngayon, magpakailanman at
magpasawalang hanggan. Amen.

SA ANGHEL NA TAGATANOD
Anghel ng Diyos, na dahil sa dakilang pagmamahal-ama
ay inilagay ako ng Panginoon sa ilalim ng iyong
pangangalaga; sa araw na ito ay liwanagan, ingatan,
pangunahan at patnubayan mo ako na ipinagkatiwala sa
iyong pagkakandili. Amen.

PAGSISISI

O
Diyos, sumasampalataya kami sa Iyo, umaasa at
iniibig sa lahat ng bagay; naririto kami
naninikluhod sa Iyong harapan. Hinihiling po
namin ng may kapakumbabaan ang kapatawaran sa
aming kasalanan at kung hindi Mo kami matutulungan ay
baka masadlak lalo kami. Kalakip nito ay ang matibay na
pagtitika na hindi na magkasala. Lubos ang aming
pagtitiwala at pananalig sa tulong ng Iyong biyaya. O
Diyos na maawain, batid namin na kinalulugdan Mo ang
isang pusong nagsisisi. Hindi man kami karapatdapat,
nawa’y kahabagan Mo kami at ipagkaloob ang hinihiling
na kapatawaran. Amen.

PANALANGIN SA BAWAT ARAW

O
maluwalhating San Jose, kalinislinisang kabiyak
ng Mahal na Birhen, uliran sa daan ng kabanalan,
nagpapaampon kami at dumudulog na matagpuan
ang landas ng kabanalan at manatiling tapat sa aming
katungkulan sa gitna ng kasamaan ng mundo na
nagbabadyang ibulid ang lahat sa kapahamakan. O
maluwalhating San Jose, tunghayan mo ang pag-ibig at
pamimintuho ng lahat ng dumudulog at nagnanasang
makatuklas ng aliw at tulong. Hinirang ka at sa iyo’y
ipinagkaloob ang biyaya na maiduyan sa iyong mga bisig,
maihimlay sa iyong dibdib at pusong malinis, ang
mabathalang Sanggol. Hindi ipinagkait sa iyo ang lahat
ng mga biyayang kinakailangan. Kaya kaisa ng buong
simbahan, nawa kami’y laging matulungan sa iyong
pamamagitan. Habang sinisikap

namin laging sundin ang kalooban ng Diyos sa gitna ng


sákit at tiisin sa buhay na ito, nawa’y mapasaamin ang
ligayang iyong tinatamasa sa piling ng Diyos
magpasawalang hanggan. Amen.
PITONG SAKIT AT PITONG TUWA NI
POONG SAN JOSE

UNANG SÁKIT AT TUWA

O
kalinis-linisang minamahal ni Maria,
maluwalhating San Jose, kung malaki man ang
iyong sákit at pangamba doon sa pag-
aalinlangan mong pakikipagtipan sa kabiyak ng iyong
puso, ay malaki ring ‘di masabi ang nakamtan mong
tuwa nang ipahayag sa iyo ng anghel ng kataas-taasan
ang pagkakatawang-tao ng Anak ng Diyos.

Alang-alang sa unang sákit mo’t tuwa, tulungan mo


kami, O San Jose, ang aming mga pamilya at ang aming
mga minamahal sa buhay, na mapagtagumpayan ang
lahat ng aming mga hinagpis sa buhay. Tulungan mo
kaming maging lubos ang pagtitiwala sa kabutihan ng
Diyos.

O San Jose, anak ni David, at kabiyak ng puso ni Maria,


pinararangalan ka namin, tagapangalaga ng
Manunubos, at sinasamba namin ang batang
pinangalanan mong Hesus.

San Jose, pintakasi ng banal na Simbahan, ipanalangin


mo kami, upang katulad mo’y makapamuhay kaming
may lubos na paglalaan ng sarili alang-alang sa mga
kapakanan ng Tagapagligtas. Amen.
O San Jose, Mahal na Pintakasi,
ipanalangin mo kaming napapaampon sa iyo.

IKALAWANG SÁKIT AT TUWA

O
kabanal-banalang Patriarka, maluwalhating
San Jose, na hinirang ka sa lahat na maging ama
sa turing ng Salitang nagkatawang-tao, ang
dakilang sákit na dinamdam ng iyong puso nang makita
mong ipinanganak ang Sanggol na si Hesus sa lubos na
kasalatan ay napawi niyong tuwang-langit na kinamtan
mo sa pakikinig ng pag-aawitan ng mga anghel at sa
pagkakita ng mga kahima-himalang nangyari noong
gabing yaon na lubhang maliwanag.

Alang-alang sa ikalawang sákit mo’t tuwa, idinudulog


namin sa iyo na kung matapos itong paglalakbay dito sa
lupa, ay mapakinggan namin ang maluwalhating pag-
aawitan ng mga anghel at makamtan ang kaligayahan ng
langit.

O San Jose, anak ni David, at kabiyak ng puso ni Maria,


pinararangalan ka namin, tagapangalaga ng
Manunubos, at sinasamba namin ang batang
pinangalanan mong Hesus.

San Jose, pintakasi ng banal na Simbahan, ipanalangin


mo kami, upang katulad mo’y makapamuhay kaming
may lubos na paglalaan ng sarili alang-alang sa mga
kapakanan ng Tagapagligtas. Amen.
O San Jose, Mahal na Pintakasi,
ipanalangin mo kaming napapaampon sa iyo.

IKATLONG SÁKIT AT TUWA

O
pinakamasunuring gumaganap ng kautusan ng
Diyos, maluwalhating San Jose, ang kamahal-
mahalang dugong ibinubô ng Sanggol na
Mananakop, ay naging sákit na tumagos sa iyong puso,
ngunit ang pagbibigay ng pangalang “Hesus” ay naging
bukal ng ‘di masabing tuwa.

Alang-alang sa ikatlong sákit mo’t tuwa ay pagkalooban


mo kami na maging malaya mula sa pagkakasala at sa
sandali ng aming pagpanaw ay may kagalakang bigkasin
ng aming puso at labi ang pangalang “Hesus”.

O San Jose, anak ni David, at kabiyak ng puso ni Maria,


pinararangalan ka namin, tagapangalaga ng
Manunubos, at sinasamba namin ang batang
pinangalanan mong Hesus.

San Jose, pintakasi ng banal na Simbahan, ipanalangin


mo kami, upang katulad mo’y makapamuhay kaming
may lubos na paglalaan ng sarili alang-alang sa mga
kapakanan ng Tagapagligtas. Amen.

O San Jose, Mahal na Pintakasi,


ipanalangin mo kaming napapaampon sa iyo.
IKA-APAT NA SÁKIT AT TUWA

O
pinakamatapat ang loob, maluwalhating San
Jose, ginampanan mo ang atas ng Diyos sa
misteryo ng kaligtasan, ang paghula ni Simeon
sa mararanasang sákit ni Hesus at ni Maria ay naging
hapis mong kamatay- matay, ngunit ang dulot naman
nito ay ang kaligtasan ng mga kaluluwa na siyang
naging bukal ng tuwa ng loob mo.

Alang-alang sa ika-apat na sákit mo’t tuwa ay


ipagkaloob mo sa amin na mapabilang kami sa mga
maluwalhating mabubuhay na mag-uli sa pamamagitan
ng pagpapala ni Hesus at ng pamimintuho ng Mahal na
Birheng Maria.

O San Jose, anak ni David, at kabiyak ng puso ni Maria,


pinararangalan ka namin, tagapangalaga ng
Manunubos, at sinasamba namin ang batang
pinangalanan mong Hesus.

San Jose, pintakasi ng banal na Simbahan, ipanalangin


mo kami, upang katulad mo’y makapamuhay kaming
may lubos na paglalaan ng sarili alang-alang sa mga
kapakanan ng Tagapagligtas. Amen.

O San Jose, Mahal na Pintakasi,


ipanalangin mo kaming napapaampon sa iyo.
IKALIMANG SÁKIT AT TUWA

O
pinakamaingat na tagatanod at laging kasama
ng nagkatawang-tao na Anak ng Diyos,
maluwalhating San Jose, anong laking pagod
mo’t sákit sa pag-aalaga’t paglilikas sa Anak ng Kataas-
taasan patungong Ehipto, na napalitan naman ng labis
na kagalakang kasa-kasama mo ang Panginoon at
masaksihan ang pagsadlak ng kanilang mga diyus-
diyosan.

Alang-alang sa ikalimang sákit mo’t tuwa, ay ipagkaloob


mo sa amin ang biyaya na malayô sa mga silo ng
pagkakasala, at masadlak mula sa aming mga puso ang
mga masasamang hilig nang kami’y mabuhay at
magkapalad na mamatay sa paglilingkod lamang kay
Hesus at kay Maria.

O San Jose, anak ni David, at kabiyak ng puso ni Maria,


pinararangalan ka namin, tagapangalaga ng
Manunubos, at sinasamba namin ang batang
pinangalanan mong Hesus.

San Jose, pintakasi ng banal na Simbahan, ipanalangin


mo kami, upang katulad mo’y makapamuhay kaming
may lubos na paglalaan ng sarili alang-alang sa mga
kapakanan ng Tagapagligtas. Amen.

O San Jose, Mahal na Pintakasi,


ipanalangin mo kaming napapaampon sa iyo.
IKA-ANIM NA SÁKIT AT TUWA

O
maluwalhating San Jose, anghel ka rito sa lupa,
naging kamangha- mangha ang pagsunod sa iyo
ng Hari ng langit, malaki man ang nakamtan
mong tuwa sa pag-uwi galing Ehipto, ay nahaluan
naman ng pangamba at takot kay Arkelao; ngunit sa
pagsunod mo sa atas ng anghel ay nanahan kang
maligaya sa Nazaret.

Alang-alang sa ika-anim na sákit mo’t tuwa, ipagkaloob


mo na ang aming puso ay maligtas sa nakaliligalig na
pangamba at takot upang malubos ang kapayapaan ng
aming loob, at nang mabuhay kaming matiwasay kasama
ni Hesus at ni Maria hanggang sa aming pagpanaw.

O San Jose, anak ni David, at kabiyak ng puso ni Maria,


pinararangalan ka namin, tagapangalaga ng
Manunubos, at sinasamba namin ang batang
pinangalanan mong Hesus.

San Jose, pintakasi ng banal na Simbahan, ipanalangin


mo kami, upang katulad mo’y makapamuhay kaming
may lubos na paglalaan ng sarili alang-alang sa mga
kapakanan ng Tagapagligtas. Amen.

O San Jose, Mahal na Pintakasi,


ipanalangin mo kaming napapaampon sa iyo.
IKAPITONG SÁKIT AT TUWA

O
maluwalhating San Jose, uliran ng kabanalan,
labis mong dinamdam ang hindi sinasadyang
pagkawala ng batang si Hesus sa loob ng tatlong
araw. Ngunit ang pagkatagpo mo sa Kanya ang
nagdulot ng ‘di mapantayang tuwa noong makita mo
Siya sa templo na napapagitna sa mga doktor.

Alang-alang sa ikapitong sákit mo’t tuwa, iniluluhog


namin sa iyo, na si Hesus ay huwag mawala dahil sa
mabigat naming pagkakasala, at kung kami ma’y datnan
ng gayong kasawiang palad masumpungan nawa namin
ang kanyang habag lalo na sa pagsapit ng aming
kamatayan. Upang kapiling mo, makamtan S’ya sa
langit, at doon ay mapapupurihan magpakailanaman
ang kanyang awa at kaluwalhatian.

O San Jose, anak ni David, at kabiyak ng puso ni Maria,


pinararangalan ka namin, tagapangalaga ng
Manunubos, at sinasamba namin ang batang
pinangalanan mong Hesus.

San Jose, pintakasi ng banal na Simbahan, ipanalangin


mo kami, upang katulad mo’y makapamuhay kaming
may lubos na paglalaan ng sarili alang-alang sa mga
kapakanan ng Tagapagligtas. Amen.

O San Jose, Mahal na Pintakasi,


ipanalangin mo kaming napapaampon sa iyo.
Antipona:

Sa pag-ako ng itinalagang misyon ni Hesus, ay


ipinakilala Niyang Siya’y anak ni Jose.

LITANIYA KAY POONG SAN JOSE

Panginoon, kaawaan mo kami.


Panginoon, kaawaan mo kami.
Kristo, kaawaan mo kami.
Kristo, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami.
Kristo, pakinggan mo kami.
Kristo, pakinggan mo kami.
Kristo, pakapakinggan mo kami.
Kristo, pakapakinggan mo kami.

Diyos Ama sa langit


*maawa ka sa amin.
Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan,*
Diyos Espiritu Santo,*
Banal na Santatlo na iisang Diyos, *

Santa Maria, **ipanalangin mo kami.


San Jose,**
Bunying Anak ni David,** Tanglaw ng mga Patriarka,**
Kabiyak ng puso ng Ina ng Diyos,**
Kalinis-linisang tagapangalaga ng Mahal na Birhen,**
Inaring Ama ng Anak ng Diyos,**
Mapagkalingang Tagapangalaga ni Kristo,** Púno ng
Banal na Mag-anak,**
Kabanal-banalang Jose,** Kalinis-linisang San Jose,**
Mahinahong San Jose,** Magiting na San Jose,**
Pinakamasunuring San Jose,** Pinakamatapat na San
Jose,** Salamin ng katiyagaan,**
Maibigin sa karukhaan, **
Uliran ng mga manggagawa,**
Karangalan ng búhay mag-anak,**
Tagapangalaga ng mga Birhen,**
Haligi ng mga angkan,**
Aliw ng namimighati,**
Pag-asa ng mga maysakit,**
Pintakasi ng mga naghihingalo,**
Sindak ng mga demonyo,**
Tagapagtanggol ng Banal na Simbahan,**
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan.
Patawarin mo kami, Panginoon.

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng


sanlibutan.
Pakapakinggan mo kami, Panginoon.

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng


sanlibutan.
Maawa ka sa amin.

Ipanalangin mo kami, Mahal na Poong San Jose.


Nang kami’y maging dapat makinabang sa mga pangako
ni Hesukristong aming Panginoon.

Ginawa siyang panginoon ng kanyang tahanan.


At tagapamahala ng lahat niyang ari-arian.

Manalangin tayo.

Panginoong Diyos, ayon sa iyong ‘di matatawarang


karunungan at pagpapasya, ay hinirang mo ang
pinagpalang si San Jose na maging kabiyak ng puso ng
iyong kabanal-banalang Ina. Hinihiling namin na
ipagkaloob mong siya’y maging aming tagapanalangin sa
langit, yamang iginagalang namin siya bilang
tagapagtanggol dito sa lupa. Kayo na nabubuhay at
naghahari magpasawalang-hanggan. Amen.
PANALANGIN NI PAPA LEO XIII KAY
POONG SAN JOSE

O
pinagpalang San Jose,
sa iyo kami lumalapit sa sandali ng kagipitan.
Matapos humingi ng tulong sa iyong kabanal-
banalang Kabiyak ng puso, kami rin ay tumatawag upang
iyong pangalagaan.
Sa pamamagitan ng pag-ibig na nagbuklod sa iyo at sa
Birheng walang bahid ng kasalanan na Ina ng Diyos,
pag-ibig na iyong taglay sa pagyakap kay Hesus,
hinihiling namin sa iyo nang may kapakumbabaan ng
loob na masdan ang manang nakamit ni Hesukristo
sa pamamagitan ng kanyang Dugo
at tulungan kami sa aming pangangailangan sa bisa ng
iyong kapangyarihan at lakas.
Ipagtanggol mo,
O mapagkalingang tagapangalaga ng Banal na Mag-anak
ang mga hinirang na anak ni Hesukristo.
Ilayo mo sa amin, O mapagmahal na ama, ang anumang
bahid ng kamalian
at ang pagtulad sa ikapagkakasala. Magmagandang-loob
ka sa amin, O magiting naming tagapagtanggol, at
tulungan mo kami mula sa langit
sa aming pakikibaka laban sa kapangyarihan ng
kadiliman.
Inilikas mo noon ang Batang si Hesus sa panganib na
nakamamatay.
Ipagtanggol mo naman ngayon ang Banal na Simbahan ng
Diyos sa mga silo ng kaaway at sa lahat ng paghihirap.
Ipagsanggalang mo rin ang bawat isa sa amin sa lilim ng
iyong pamalagiang pangangalaga,
upang sa tulong ng iyong halimbawa at pagkalinga,
makapamuhay kaming malapit sa Diyos,
pumanaw nang may kabanalan,
at makamit ang walang hanggang kaligayahan sa
kalangitan. Amen.

PANALANGING PANGWAKAS

O
pinagpalang San Jose, masintahing ama, tapat na
tagapangalaga ni Hesus, at kalinis-linisang
kabiyak ng puso ng Ina ng Diyos, isinasamo namin
na ialay mo sa Diyos Ama ang aming papuri sa
pamamagitan ng kanyang mabathalang Anak, na siyang
namatay at nabu hay na mag-uli, upang pagkalooban
kaming mga makasalanan ng bagong buhay. Sa
pamamagitan ng banal na ngalan ni Hesus, samahan mo
kami sa aming panalangin upang mula sa walang-
hanggang Ama, aming makamtan ang biyayang aming
hinihiling… [tumahimik sandali at alalahanin ang
kahilingan]… Hindi man naging tapat sa walang sawang
pagmamahal ng Diyos Ama, nagmamakaawa pa rin kami
ng habag kay Hesus. Sa liwanag ng mapagmahal na
presensya ng Diyos, huwag mo nawang kalilimutan ang
mga hapis ng mga taong naghihirap at tumatangis.
Isinasamo naming kalakip ng tulong ng iyong kabanal-
banalang Kabiyak ng puso, ang aming Mahal na Ina,
nawa’y tugunan ng pagmamahal ni Hesus ang aming
pagtawag na punô ng lubos na pagtitiwala. Amen.
Magsakdal tayo kay Jose!
Magsakdal tayo kasama ni Jose!

Pagpalain tayo ng Makapangyarihang Diyos, Ama at


Anak at Espiritu Santo.
Amen.
MGA AWITIN KAY SAN JOSE

BUNYING ANAK NI DAVID

Intro: Em-Bm7/D-CM7-Bm7-Em(sus)-Em
Em CM7 Bm7 Em CM7 Bsus-B
Bunying Anak ni David, ilaw na nagniningning
B7 Em CM7
Ng mga patriarka, esposo ni Maria
Am D7 Em Am D7 Em
Ikaw ay pinupuri ng langit at ng lupa
CM7 Bm7 Em CM7 Bm7 Em
Ang aming panalangin, pag-ibig tanggapin

PATRIARKANG SAN JOSE


Intro: B-F#-B
B EB
Patriarkang San Jose pintakasi
F#
Kami sa iyo'y nagbubunyi
B E B
Ang pag-ibig nami't pagtatangi
F# C# F#
Kailanma'y 'di maduduhagi

B EB
Ama nami't patron, tagatanod
F#
Kami sa'yo ay nais maglingkod
B B7/A E
Ang dasal namin at paghahandog
B F# B
Tanggapin mo sana ng lubos

SAN JOSE MANGGAGAWA


Intro: F
F CC7
San Jose! San Jose!
F C C7 F
Pintakasing dakila ng manggagawa
F/A Bb C C7
Sa simbaha'y lagi kang nagbabantay
Gm D Gm F-C/E
Amang butihin gabay sa lupa
F Bb C C7
Ni Hesukristong dinarakila
F C C7 F
Kami ay dumudulog sa 'yong pamamagitan
F/A Bb C C7
Sa Diyos ating Amang mapagmahal
Gm D Gm F-C/E
Na sana'y pagpalain at pagyamanin
F Bb C C7 F
Aming parokyang pinamayanan
C7 F C7 F
Mga manggagawa tangi sa'yo
Bb C F G C
Tiwalang tunghay ang loob sa iyo

C7 F C7 F
Na sa gawa'y tulungan at nang umunlad
G Am F GC
Ang buhay na aba at sa'yo'y matulad
F C C7 F
Sa tulo ng pawis at banat ng laman
F/A Bb C C7
Sa gitna ng hirap at kasiphayuan
Gm D Gm F-C/E
Kami magsisikap magbagong dangal
F Bb C C7 F
Sintang pintakasi kami tulungan
Bb C F C C7 F
O San Jose! O San Jose!

DALIT KAY POONG SAN JOSE


Intro: E-E7-Am
Am A/C# Dm
O Santong mapalad na iginagalang
E E7 Am
Ng tanang angheles at sangkalangitan
A Dm
Kami dumudulog na nangagdiriwang
G G7 C
Taglay ang adhikaing kayo'y ipagdangal
KORO:
C G C G
Sabay-sabay kaming ngayo'y dumudulog
Dm G Cdim7-C
Sa mahal mong harap at idinudulot

E Dm/F
Kaluluwa't buhay sampung mga kilos
C G C (F-C-E)
ng buong pagsinta't lubos na pag-irog

HYMN TO ST. JOSEPH

Let's sing the name of Joseph the father's image on


earth.
To him the Lord confided his gems of precious worth.
The son of the eternal the Virgin Mother of God.

Most privileged of fathers that ever this earth has trod.


We praise thee, best St. Joseph the perfect model of
men.
The weary work man's sunshine that brings him joy
again
How great if we are chosen another Joseph to be. To
work for Christ in silence and true humility To work for
Christ in silence and true humility.

O ST. JOSEPH
Once I have seen a child in a manger, sleeping in peace
embraced by a mother and there stood a man of great
patience watching still the child humble and mild.
Chorus
O St. Joseph humble and mild,
You gave yourself to comfort me and the child.
Angels from high singing their praises
Shepherds awakened by heavenly voices
Come and see the child in his little manger giving gifts
of love.
Proclaim him divine.

O FOSTER FATHER OF THE LORD


O foster father of the Lord, great guardian of our
Savior,
Spouse of the Virgin Mary, treasure of humility. O thou
to whom the angels sing.
O father model of the saints.
Hear, then, our supplication, deign to receive our love.
The eternal deed of charity deign to exclaim you
father, And as a Son that is docile, he obeyed all wish
of thine. The mighty and the nobles fail, the heavenly
choir extols thee.
O great Saint Joseph, with our pray'r, listen while we
sing to thee.

DEAR GUARDIAN OF MARY


Dear guardian of Mary!
Dear nurse of her child!
Life ways are full of weary,
the desert is wild.
Bleak sands are all 'round us,
no home can we see.
Sweet spouse of Our Lady, we lean safe on thee.

For thou to the pilgrim art father and guide, And Jesus
and Mary felt safe at thy side.
Ah blessed St. Joseph
how safe should I be,
Sweet spouse of our Lady, if thou wert with me!
God choose thee for Jesus and Mary,
wilt thou for give a poor exile for choosing thee now!
There is no saint in heaven, St. Joseph like thee,
sweet spouse of our Lady, do thou plead for me
IKA-UNANG ARAW
( Pananalig )

Si San Jose, dahil sa kanyang matibay na pananalig


ay siyang pinili ng Diyos na maging tagapagtanggol at
tagapag-alaga kay Maria noong kanyang
kabuntisan,hanggang sa isilang niya si Hesus, ang anak
ng Diyos, at dalhin sa Ehipto sa pag-iwas kay Herodes.
Ang mahirap na buhay sa Nazaret ay nangailangan din ng
malaking pananalig.

O kabanal-banalang San Jose, buhayin mo ang matibay


na pananalig sa aming mga puso. Nawa’y maging
batayan ito ng lahat kong gawain, maging lakas namin
sa mga pagsubok sa buhay at maging gabay namin
patungo sa buhay na walang hanggan. Amen.

(Banggitin ang tanging kahilingan.)

1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Papuri

N: Ipanalangin mo kami, mahal na Patrong San Jose.


B: Nang kami’y maging dapat sa mga ipinangako ni
Hesukristong Panginoon. Amen.

Isunod po natin ang Litaniya, Manalangin Tayo, Sa iyo po,


Maluwalhating San Jose, Panalangin ng Pamilya kay San
Jose, Pagninilay sa Ika-unang Araw, Dalanging
pangwakas sa bawat araw, susundan ng Dalit Kay Poong
San Jose.
IKALAWANG ARAW
( Pag-asa )

Ang pag-asa ay isa sa pinakamahalagang bahagi sa buhay


ng isang Kristiyano. Ilagay natin ang ating buhay sa
kamay ng Diyos at umasa tayong papatnubayan at
ipagsasanggalang ang ating kapakanan tulad ng
ginawang pagtulong ng Diyos kay San Jose.

O! Banal na San Jose, tulungan mo kaming Magkaroon ng


pag-asa sa aming puso na magbibigay ng liwanag at aliw.
Nawa’y ilayo kami sa makamundong pagnanasa at ituon
ang aming diwa at pagmamahal patungo sa langit. Amen.

(Banggitin ang tanging kahilingan.)

1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Papuri

N: Ipanalangin mo kami, mahal na Patrong San Jose.


B: Nang kami’y maging dapat sa mga ipinangako ni
Hesukristong Panginoon. Amen.

Isunod po natin ang Litaniya, Manalangin Tayo, Sa ito po,


Maluwalhating San Jose, Panalangin ng Pamilya kay San
Jose, Pagninilay sa Ikalawang Araw, Dalanging
pangwakas sa bawat araw, Memorare kay San Jose at
susundan ng Dalit Kay Poong San Jose.
IKATLONG ARAW
( Maalab na Pag-ibig sa Diyos )

Si San Jose ay nagkaroon ng maalab na pag-ibig sa Diyos


mula sa kanyang pagkabata. Bilang gantimpala, siya ang
napiling maging esposo ng Birhen Maria. May masidhing
pagmamahal siya sa batang si Hesus hanggang sa ito ay
lumaki, sapagkat talos niya na ang tunay na pag-ibig at
may kalakip na pagpapakasakit.

O! Banal na San Jose, pag-alabin mo sa aking puso Ang


mataos na pag-ibig sa Diyos. Nawa’y ang pag-ibig na
ito ang maging pangunahing adhikain ng aking buhay.
Ipagkaloob mo sa akin na huwag akong mawalay sa kanya
Sa lahat kong layunin at gawain sa buhay. Amen.

(Banggitin ang tanging kahilingan.)

1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Papuri

N: Ipanalangin mo kami, mahal na Patrong San Jose.


B: Nang kami’y maging dapat sa mga ipinangako ni
Hesukristong Panginoon. Amen.

Isunod po natin ang Litaniya, Manalangin Tayo, Sa ito po,


Maluwalhating San Jose, Panalangin ng Pamilya kay San
Jose, Pagninilay sa Ikatlong Araw, Dalanging pangwakas
sa bawat araw, Memorare kay San Jose at susundan ng
Dalit Kay Poong San Jose.
IKA-APAT NA ARAW
( Kalinisan ng Kaluluwa )

Si San Jose ay walang anumang bahid na kasalanan


sapagkat may takot sa Diyos at matimtim na tinutupad
ang mga utos ng Diyos. Pinag-ingatan niya ang kalinisan
ng puso at kaluluwa. Ang buhay sa piling ni Hesus ay
lalong nagpapasidhi ng pag-ingatan ang kalinisang ito
kaya siya ay naging ulirang tagapangalaga at kasama ni
Hesus at ng Birhen Maria.

O! Banal na San Jose, tulungan mo akong matalos ang


halaga ng kalinisan ng kaluluwa at katawan na
napakamahal sa puso ng Diyos. Tulungan mo akong
mapag-ingatan ang kalinisang ito sa pamamagitan ng
panalangin, pag-iingat at paglayo sa makamundong
pagnanasa nang makasama ni Hesus sa buhay na walang
hanggan. Amen.

(Banggitin ang tanging kahilingan.)

1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Papuri

N: Ipanalangin mo kami, mahal na Patrong San Jose.


B: Nang kami’y maging dapat sa mga ipinangako ni
Hesukristong Panginoon. Amen.

Isunod po natin ang Litaniya, Manalangin Tayo, Sa ito po,


Maluwalhating San Jose, Panalangin ng Pamilya kay San
Jose, Pagninilay sa Ika-apat na Araw, Dalanging
pangwakas sa bawat araw, Memorare kay San Jose at
susundan ng Dalit Kay Poong San Jose.

IKALIMANG ARAW
( Kababaang-loob )

Si San Jose ay uliran sa kababaang-loob. Dahil dito,


sa kanya ipinagkatiwala ng Diyos ang pinakamatayog na
misyong ipinagkaloob sa tao – ang maging ama si Hesus
sa habang panahon. Ginampanan niya ang mga
karaniwang gawain sa pag-aalaga at pagpapalaki kay
Hesus kaya naabot ang pinakamataas na kabanalan.

O! Banal na San Jose, tulungan mo akong ibigin din


ang kababaang-loob, huwag maghangad ng iba pang
kalagayan sa buhay maliban sa ipinagkaloob sa akin ng
Makapangyarihang Panginoon. Ako sana ay maging
masunuring anak ng Diyos sa lahat ng panahon. Amen.

(Banggitin ang tanging kahilingan.)

1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Papuri

N: Ipanalangin mo kami, mahal na Patrong San Jose.


B: Nang kami’y maging dapat sa mga ipinangako ni
Hesukristong Panginoon. Amen.

Isunod po natin ang Litaniya, Manalangin Tayo, Sa ito po,


Maluwalhating San Jose, Panalangin ng Pamilya kay San
Jose, Pagninilay sa Ikalimang Araw, Dalanging pangwakas
sa bawat araw, Memorare kay San Jose at susundan ng
Dalit Kay Poong San Jose.

IKA-ANIM NA ARAW
( Pagtitiis )

Ang pagtitiis ay lubhang kailangan sa buhay ni San Jose.


Dito nakasalalay ang mga bagay na magbibigay ng aliw
at kapayapaan sa kanya. Maraming tiisin ang kanyang
dinanas dahil sa mga panganib na pinagdaanan ni Hesus.
Batid niya na saan man tumungo si Hesus ay dala ang
krus at koronang tinik na tumimo sa kanyang ulo.

O! Banal na San Jose, huwaran sa pagkamatiisin,


turuan mo akong magtiis sa gitna ng mga paghihirap at
pagsubok sa malungkot na buhay. Ipagkaloob mo sa akin
ang magandang halimbawa ng iyong pagkamatiisin at
nang kay Maria na magdadala sa akin sa makalangit na
biyaya. Amen.

(Banggitin ang tanging kahilingan.)

1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Papuri

N: Ipanalangin mo kami, mahal na Patrong San Jose.


B: Nang kami’y maging dapat sa mga ipinangako ni
Hesukristong Panginoon. Amen.

Isunod po natin ang Litaniya, Manalangin Tayo, Sa ito po,


Maluwalhating San Jose, Panalangin ng Pamilya kay San
Jose, Pagninilay sa Ika-anim na Araw, Dalanging
pangwakas sa bawat araw, Memorare kay San Jose at
susundan ng Dalit Kay Poong San Jose.

IKAPITONG ARAW
( Makatuwiran at Mabait na Tao )

Si San Jose ay may malawak na kabatiran o kabaitan sa


buhay. Kailangan niyang lubha ang mga katangiang ito
sapagkat nasa kanyang pangangalaga ang
pinakamahalagang hiyas sa mundo, ang batang si Hesus.
Hinango niya ang kaalaman sa buhay na walang hanggan
sa kanyang malaking pananalig at pag-ibig sa Diyos at
hindi sa mga aklat sa paaralan.

O! Banal na San Jose, tapat na loob at mapagtiis na


alagad ng Diyos, tulungan mo akong mapaglabanan ang
aking mga kahinaan.Ipaunawa mo sa akin ang matuwid
na landas patungo sa wakas, at ipagsanggalang sa mga
panganib na maglalayo sa akin sa buhay na walang
hanggan. Amen.

(Banggitin ang tanging kahilingan.)

1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Papuri

N: Ipanalangin mo kami, mahal na Patrong San Jose.


B: Nang kami’y maging dapat sa mga ipinangako ni
Hesukristong Panginoon. Amen.
Isunod po natin ang Litaniya, Manalangin Tayo, Sa ito po,
Maluwalhating San Jose, Panalangin ng Pamilya kay San
Jose, Pagninilay sa Ikapitong Araw, Dalanging pangwakas
sa bawat araw, Memorare kay San Jose at susundan ng
Dalit Kay Poong San Jose.

IKAWALONG ARAW
( Pagkamasunurin )

Ang pagkamasunurin ay bahagi na ng buhay ni San Jose.


Hindi siya natakot na tanggaping esposa si Maria nang
sabihin ng anghel na ang pagdadalang-tao nito ay lalang
ng Espiritu Santo. Sumunod din siya na maglakbay sa
malayo upang magpatala sa census kakit malapit nang
isilang si Hesus. Sumunod din siya nang sabihin ng anghel
na dalhin ang bata sa Ehipto upang ilayo kay Herodes. Si
Hesus ay naging masunurin tulad ni San Jose, masunurin
sa kanyang magulang at naging masunurin hanggang sa
kamatayan sa Krus.

O! Banal na San Jose, tulungan mo akong maging


masunurin upang matupad ko ang kalooban ng Diyos at
ang mga ipinag-uutos sa akin nang maluwag sa puso at
sa gayon ay kalugdan ng Diyos. Amen.

(Banggitin ang tanging kahilingan.)

1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Papuri


N: Ipanalangin mo kami, mahal na Patrong San Jose.
B: Nang kami’y maging dapat sa mga ipinangako ni
Hesukristong Panginoon. Amen.

Isunod po natin ang Litaniya, Manalangin Tayo, Sa ito po,


Maluwalhating San Jose, Panalangin ng Pamilya kay San
Jose, Pagninilay sa Ikawalong Araw, Dalanging
pangwakas sa bawat araw, Memorare kay San Jose at
susundan ng Dalit Kay Poong San Jose.

IKASIYAM NA ARAW
( Paglayo sa Aliw at Tukso ng Mundo )

Ang buhay ni San Jose ay nakatuon sa diwa at


pagmamahal sa makalangit na bagay. Hindi siya
nagpapadala sa aliw at tukso ng sanlibutan. Mahal niya
ang kanyang karukhaan. Hindi naghangad ng papuri ng
kanyang kapwa. Ibinuhos niya ang kanyang isip at lakas
sa pag-aalaga, pagbuhay at pagtatanggol kay Hesus at
kay Maria.

O! Banal na San Jose, tulungan mo akong lalong


maunawaan ang kagalingan ng pagiging dukha. Huwag
akong maghangad ng kayamanan sapagkat mahal ng
Diyos ang mga may pusong wags at dalisay na sa mga
dukha lamang matatagpuan. Amen.

(Banggitin ang tanging kahilingan.)


1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Papuri

N: Ipanalangin mo kami, mahal na Patrong San Jose.


B: Nang kami’y maging dapat sa mga ipinangako ni
Hesukristong Panginoon. Amen.

Isunod po natin ang Litaniya, Manalangin Tayo, Sa ito po,


Maluwalhating San Jose, Panalangin ng Pamilya kay San
Jose, Pagninilay sa Ika-siyam na Araw, Dalanging
pangwakas sa bawat araw, Memorare kay San Jose at
susundan ng Dalit Kay Poong San Jose.
Pagninilay sa Ika-unang Araw
Si San Jose, ang Masintahing Ama

Isa sa mga hangarin ni Papa Francisco sa pagtatalaga


ng taon ni San Jose ay mapag-ibayo ng
sangkakristiyanuhan ang pagmamahal nila kay San Jose.
Paano natin ito mapagiging-ganap? Si Fyodor
Dostoyevsky, ang Rusong may-akda ng nobelang Crime
and Punishment, ay may magandang sinabi sa isa pa
niyang nobelang pinamagatang Demons. Aniya, “hindi
natin maaaring mahalin ang hindi natin nakikilala”.

Makikita natin ang katotohanang ito sa takbo ng


mga pangyayari sa buhay ni San Jose. Noong hindi pa
niya ganap na batid ang kalikasan ng pagdadalang-tao ni
Maria, naroon ang kanyang takot na pakasalan siya. At
ang kanyang damdamin para kay Maria ay maaaring
nalagay sa alanganin. Ngunit nang ipaunawa sa kanya ng
Anghel ng Diyos na ang lahat ay naaayon sa dakilang
plano ng Diyos, nanumbalik ang kanyang pagkabatid at
pagkaunawa sa plano ng Diyos ang nagbunsod sa kanyang
maging masintahin kay Maria at lalo na sa anak nitong si
Hesus.

Si San Jose ay masintahin hindi lamang bilang


kabiyak ng puso ni Maria kundi lalo’t higit bilang ama ni
Hesus. Dahil dito nakatitiyak tayong sinisinta rin siya ni
Maria at ni Hesus. Ito rin mismo ang dahilan kung bakit
tinitingala siya ng marami at pinipintakasi rin. Maraming
santo at santa, mga mistiko at papa, dalubhasa at mga
mananampalataya sa kasaysayan ang nagkaroon ng
malalim na pamimintuho sa kanya. Kung si San Jose ay
sinisinta ni Maria at Jesus ano pa kaya ang dahilan upang
hindi rin natin siya sintahin?

Sa hangarin ni Papa Francisco na mapag-ibayo ang


ating pagsinta kay San Jose, higit na makatutulong ang
pagpapalalim ng ating pagkakilala sa kanya. Bagama’t
sadyang bilang lamang ang pagbanggit sa kanya sa mga
Ebanghelyo, hindi ito nangangahulugang kakaunti rin
ang maari nating mabatid tungkol sa kanya. Bagama’t
kakaunti ang pagbanggit sa Banal na Kasulatan, hindi
naman nahuhuli sa San Jose sa mga katuruan ng mga
Papa. Ayon kay Papa Francisco, sumunod na siya sa
Mahal na Ina sa larangang ito (cf. Patris Corde).

Ang pagsinta ni San Jose kay Maria at Hesus ang


siyang naging sandigan ni Papa Pio IX upang ipahayag na
si San Jose ay Pintakasi ng buong Simbahang Katolika (cf.
Quemadmodum Deus). Dahil sa kanyang pagsinta,
inilayo ni San Jose sa maraming panganib ang mag-ina ni
Maria at Hesus. Si Hesus at Maria ay kapwa larawan ng
Simbahan, na Katawang Mistiko ni Kristo (cf. Pio XII,
Mystici Corporis Christi).Ang simbahan ay itinuturing
ding kabiyak ni Kristo (cf. CCC 796). At si Maria ay ang
Ina ng Simbahan (cf. CCC 963). Kung paanong inilayo ni
San Jose sa maraming panganib si Maria at Hesus, gayun
din naman ilalayo ni San Jose sa maraming panganib ang
Simbahan.
Nawa ang pagdiriwang ng Taon ni San Jose ang mag-
udyok sa ating mas kilalanin pa ang ating mahal na
pintakasi. At sa pagkakilala natin sa kanya, kung
paanong sinisinta niya tayo bilang Simbahan, na siya
namang larawan ni Hesus at Maria.

Pagninilay sa Ikalawang Araw


Si San Jose, ang Malambing at Mapagmahal
na Ama

Noong uso pa ang pamamalo bilang paraan ng


pagdidisiplina, madalas ikatwiran ng marami na ang
pamamalo ng mga magulang sa kanilang mga anak ay
tanda ng pagmamahal nila sa mga ito. Ngunit ang
pamamaraang ito ng pagdidisiplina man ay naging ugat
ng napakaraming pang-aabuso ng mga magulang sa
kanilang mga anak. Kaya malaking katanungan kung ang
pananakit nga ba ay anyo ng pagmamahal.

Sa mga pag-aaral sa makabagong panahon,


napatunayang hindi totoong makatutulong sa paglago ng
isang bata ang karanasan ng pananakit ng mga magulang
niya. Ngayon, nakatitiyak ang mas nakararami na ang
pagmamahal at pagdidisiplina ng mga magulang sa
kanilang mga anak ay lalong maipadarama hindi sa
pananakit kundi sa paglalambing. Sinabi ni Papa
Francisco na ang pagiging malambing ang
pinakamabuting paraan upang itama ang ating mga
kamalian (cf. Patris Corde). Sapagkat ang Diyos ng Awa,
sa maraming pagkakataon, ay malambing.
Si San Jose, bilang katumbas ng Diyos Ama sa lupa
para kay Hesus ay moog ng kalambingan sa kanyang
pagmamahal sa kanyang inaring anak. Pinalaki ni San
Jose si Hesus nang may kalambingan, Hindi ito tahasang
binabanggit sa mga Ebanghelyo. Ngunit, nakatitiyak
tayong hindi ito malayo sa katotohanan. Alam natin na
ang Diyos Ama ay hindi pipili ng tatayong ama para sa
kanyang Anak na si Hesus na malayo sa kanya mismong
larawan. Kung ang Diyos Ama ay malambing magmahal,
gayun din si San Jose. Ayon kay Papa Francisco, “Kay San
Jose nakita ni Hesus ang lambing ng Diyos”(cf. Patris
Corde).

Sa ating pakikipagkapwa-tao, napakainam na ilapat


ang pagpapahalang: pagkamalambing. Maraming bagay
na ang bumabagabag sa marami sa kapwa nating
namumuhay sa magulong mundo. Kabi-kabila ang
suliranin na mas lalo pang pinasisidhi ng kahirapan.
Marami na ang nakararamdam ng pagkapagod na minsan
ay nauuwi sa pagkasira ng bait o pagkitil sa sariling
buhay. Minsan, ang bagay na lamang na magdidikta kung
manyayari ito sa isang tao o hindi ay kung mayroong
magpapadama sa kanya ng lambing ng pagmamahal.

Si San Jose ay larawan ng Diyos na malambng magmahal.


Sa ating pagpapadama ng pag-ibig sa ating kapwa,
nawa’y matularan natin si San Jose na nagmahal nang
may lambing.
Pagninilay sa Ikatlong Araw
Si San Jose, ang Masunuring Ama

Ang pagiging masunurin ni San Jos ay hindi na bago


para sa atin; ni hindi ito mahirap patunayan sa kanyang
naging buhay. Saksi ang Ebanghelyo ni San Mateo sa
pagiging masunurin sa Diyos ni San Jose. Sinunod niya
ang tagubilin ng Anghel ng Diyos na huwag matakot na
tuluyang pakasalan si Maria (cf. Mt 1:20-25). Sinunod
niya ang utos ng Anghel ng Diyos na itakas ang mag-ina
ni Maria at Hesus patungong Ehipto (cf. Mt 2:13-15).
Bumalik siya kasama ang mag-ina ni Maria at Hesus mula
sa Ehipto patungong Nazaret sa payo ng Anghel ng Diyos
(Mt 2:19-21).

Sa ilang pagkakataong ito, lumutang ang


pagkamasunurin ni San Jose. Inihalintulad ni Papa
Francisco ang pagkamasunurin ni San Jose sa
pagkamasunurin ni Maria sa Diyos (cf. Patris Corde).
Nabanaag natin ang pagkamasunurin ni Maria sa kanyang
fiat - “Mangyari nawa (sa akin)” (Lc 1:28). Sa pagninilay
ni P. Tarcisio Stramare, OSJ ukol sa Redemptoris Custos,
sinabi niyang ang pagkamasunurin naman ni San Jose ay
mababanaag sa kanyang fecit - “Sinunod niya” (Mt 1:24).
At lalong pinatingkad ng kanyang katahimikan ang
pagkamasunurin ni San Jose. Sa bawat tagubilin ng Diyos
wala tayong narinig na pananalita mula kay San Jose;
sumunod lamang siya. Hindi man maikakaila ang
pagkamasunurin ni San Jose, ang taguring masunuring
“ama” ay humihingi naman ng mas malalim pang
pagninilay.

Ang pagiging ama ay nagtataglay ng likas na


kapangyarihan na pangibabawan ang kanilang mga anak.
Hinihingi ng likas na pagkakataon na ang mga anak ay
maging masunurin sa mga magulang. Ang ika-apat na
Utos ng Diyos ay nagbibiling “igalang mo ang iyong ama
at ina”(Ex 20:12). Sa dalawang magkahiwalay na
pagkakataon, hinimok ni San Pablo ang mga anak na
sundin ang kanialng mga magulang, sapagkat ito ang
nararapat at kalugod-lugod sa Diyos (cf. Ef 6; Col 3:20).
Malinaw na ang pagiging masunurin ay ipinakikita ang
mga anak – kaya nga madalas nating marinig ang
katagang “masunuring anak”.

Ngunit paanong si San Jose, na natungirang “ama”,


ay naging masunurin? Bagama’t siya ay may
kapangyarihang pangibabawan si Hesus bilang kanyang
Anak, naroon pa rin ang kanyang pagkilala sa
pangingibabaw ng Diyos sa kanya. At si Hesus na kanyang
inaring tunay na anak ay ang Diyos mismo. Sa pananalita
ni Papa Francisco, “Si San Jose ay hinirang ng Diyos
upang paglingkuran si Hesus at ang layunin nito sa
pamamagitan ng pagiging ama”(Patris Corde).

Tayo man ay maaaring magtaglay ng kapangyarihang


pangibabawan ang iba sa anumang larangan. Ngunit
anumang kapangyarihang taglay natin ay mananatiling
nasa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos. Nawa’y hayaan
natin laging pangibabawan tayo ng kalooban ng Diyos
nang sa gayun ay maging ganap rin tayong masunurin
tulad ni San Jose.

Pagninilay sa Ika-apat na Araw


Si San Jose, ang Masang-ayon at Matiising
Ama

Ang pagkatuklas ni San Jose sa pagdadalang-tao ni


Maria ay maaaring suliraning maituturing. Dahil dito,
maaari nating ipagpalagay na ang malalim na agam-
agam ni San Jose ay ibubunsod ng kanyang paghahanap
ng kalutasan sa suliraning ito, hindi naman dahil sa nag-
isip siya ng kung ano tungkol kay Maria. Ngunit
ipinaunawa sa kanya ng Diyos sa pamamagitan ng Anghel
na ang lahat ng ito ay hindi suliranin kundi isang
realidad, isang katotohanan, isang misteryo.

Bawat suliranin ay may kalutasan. May mga


suliranin na kahit mabigat ay mabilis namang malutas.
Minsan naman, kahit gaano kaliit ng suliranin ay mahirap
hanapan ng kalutasan. Ngunit ang isang katotohanan ay
wala. Ang katotohanan ay hindi nilulutas; sa halip, ito ay
tinatanggap, sinasang-ayunan, tulad ng misteryo, ng
hiwaga.

Minsan, may mga katotohanang mahirap nating


tanggapin. Ngunit, kung magiging bukas lamang tayo sa
udyok ng Espiritu Santo, tulad ni San Jose, ang Diyos
mismo ang magbibigay sa atin ng lakas ng loob na
harapin at mapagtagumapayan ang anumang hamon ng
mga katotohanang ito. Sa mga bagay at karanasang
mahirap para sa ating tanggapin, hinihimok tayo ni Papa
Francisco na basahin ang mga salita ni San Pablo at San
Agustin: “Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa
ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal
sa kanya”(Rom 8:28) “kahit sa mga bagay at karanasang
hindi mabuti”(cf. Ssan Agustin, Enchiridion de fide, spe
et caritate 3, 11).

Nawa, tulad ni San Jose, bukas-loob nating


tanggapin ang mga katotohanang pahatid ng Diyos sa
ating buhay. Kung ang mga ito man ay mahirap tanggapin
o makapagdulot sa atin ng ibayong pagtitiis, magtiwala
nawa tayo, na yayamang ang mga ito ay bahagi ng
dakilang plano ng Diyos, may mabuti itong kahihinatnan.
Ani San Pablo: “ang mga pagtitiis natin sa kasalukuyan
ay hindi maihahambing sa kaluwalhatiang ipahahayag sa
atin balang araw”(Rom 8:18).

Pagninilay sa Ika-limang Araw


Si San Jose, ang Malikhain at Matatag na
Ama
Sa Liham na Patris Corde, pinagtambal ni Papa
Francisco kay San Jose ang katangian ng pagiging
malikhain at pagiging matatag: si San Jose ay malikhaing
matatag. Ang dalawang katangiang ito ay sadyang
magkaugnay.

Ang pagiging malikhain ay nasusubok sa mga


karanasan ng hirap. Napakagandang pagnilayan ang
paglalarawan ni Papa Francisco sa pagiging malikhain ni
San Jose. Kinuha niya ang tagpo ng pagkapanganak kay
Jesus sa Bethlehem. Naroon ang hirap ni San Jose na
maghanap ng panganganakan ni Maria kay Jesus. Wala
siyang mapagdalhang panuluyan para kay Maria. Ang
mayroon lamang noon ay isang kwadra pirmihan ng mga
hayop. Nakita natin ang pagiging malikhain ni San Jose
nang kanyang baguhin ang anyo ng kwadra upang maging
maayos na higaan ni Maria at ng sanggol na si Hesus.

Ang pagiging malikhain ni San Jose ay may bakas ng


pagiging matatag. Ang katatagan ay isa sa mga
kagandahang-asal na pinagkakabitan ng iba pang mga
asal (cardinal virtues). Ito ay tumutukoy sa di matitinag
na kapasyahang paglabanan ang tukso at
pagtagumpayan ang mga kahirapan. Katatagan din ang
tinataglay ng isang taong laging handang harapin ang
kanyang takot, ang anumang pagsubok, o ang pag-uusig
(cf. CCC 1808).
Nakita natin ang katatagan ni San Jose sa maraming
pagkakataon. Una, sa pagtanggap ni San Jose kay Maria
bilang kanyang kabiyak ng puso. Ikalawa, sa kanyang
pag- agapay kay Maria na noon ay kagampan sa
paglalakbay mula Nazareth patungong Bethlehem.
Ikatlo, sa pagtatakas sa mag-ina ni Maria at Hesus
patungong Ehipto dahil sa banta sa buhay ng sanggol. At
ika-apat, sa kanyang pagpapalaki kay Hesus sa Nazareth
upang ihanda sa ito sa kanyang misyon.

Sa mga pagkakataong tulad nito nagiging kawangis


tayo ni San Jose, malikhain at matatag.
Pagninilay sa Ika-anim na Araw
Si San Jose, Mapaglingkod na Ama
Dalawa ang maaaring paraan ng pagkaunawa sa
pagiging mapaglingkod ni San Jose. Una, maaari itong
tingnan sa diwa ng paggawa. At ikalawa, maaari rin itong
tingnan sa literal na katuturan nito sa diwa ng pagsisilbi.
Ang dalawang ito ay magkaugnay sa katauhan ni San
Jose.

Sa Liham niyang Patris Corde, binigyang din ni Papa


Francisco sa kanyang pagninilay ang pagiging
manggagawa ni San Jose. Si San Jose ay pintakasi ng mga
manggagawa. Anupa't ang Araw ng mga Manggagawa
(Mayo 1) ay itinalaga rin ni Papa Pio XII bilang paggunita
kay San Joseng Manggagawa.

Maganda ang sinabi ni Papa Francisco tungkol sa


paggawa: "Ang paggawa ay pakikiisa sa gawaing
pagliligtas ng Diyos" (Patris Corde). Ang pagiging ama ni
San Jose ay ang kanyang ambag sa kasaysayan ng
kaligtasan. Sa katuruan ng Simbahan, malinaw na ang
misyon ni Hesus ay ligtas ang sangkatauhan. Mababanaag
natin ito sa pangalan pa lamang ng Diyos na
nagkatawang-tao-"Hesus"- na ang mababaw na ibig
sabihin ay "Tagapagligtas". At ayon kay Papa Juan Pablo
II, si San Jose ay hinirang ng Diyos upang paglingkuran si
Hesus (Tagapagligtas) at ang misyon nito (pagliligtas) sa
pamamagitan ng kanyang pagiging ama (cf. Redemptoris
Custcs, 8).

Sa mga pagkilos ni San Jose-pagtanggap kay Maria


bilang kanyang kabiyak; pag-alalay sa pangangak ni
Maria; at pagtatakas sa mag-ina papuntang Ehipto -
naipagtanggol niya ang kapakanan hindi lamang ni Maria
kundi lalo't higit ng kay Hesus. Sa paghahanapbuhay ni
San Jose sa Nazareth bilang anluwage, naitaguyod niya
ang mag-ina ni Maña at Jesus. Dahil sa paggabay ni San
Jose, "lumaki si Jesus sa pangangatawan, lumawak ang
kanyang karunungan at lalong naging kalugod-lugod sa
Diyos at sa mga tao" (Lc 2:52) at naging handa Siya sa
kanyang misyon.

Bagama't si San Jose ay may kapangyarihang


pangibabawan si Hesus bilang kanyang anak, siya pa rin
ang naglingkod kay Hesus bilang ama. Nawa'y maging
gabay natin sa ating pagkilos ang sambiting ito:
"Paglingkuran ang kapakanan ni Hesus, tulad ni San
Jose."
Pagninilay sa Ikapitong Araw
Si San Jose, ang Amang Di Hayag

Ang mga dakilang bagay ay nagaganap sa


katahimikan. Ang Diyos, sapagkat napakadakila, ay
matutunghayan sa kabanayadan ng mga pangyayari. Ito
ang karanasan, halimbawa, ni Propeta Elias nang
kanyang makatagpo ang Diyos (cf. 1 Mga Hari 19:11-12).
Wala ang Diyos sa malakas na hangin; ni sa pagsabog ng
bundok at pagkakadurog-durog ng mga bato; ni sa lindol
o sa kidlat. Nakilatis ni Elias ang Diyos sa isang banayad
na tinig". Maging ang kapanganakan ng Anak ng Diyos ay
nangyari sa katahimikan-isang payapang gabi.

Isa rin sa mga katangiang tinataglay ni San Jose ay


ang katahimikan. Nalugnay ang katahimikan sa kanya
sapagkat maliban sa kakaunti ang nasusulat tungkol sa
kanya sa Banal na Kasulatan, wala ring nawika si San
Jose na naitala doon. Sabi nga ni Papa Pablo VI: "Walang
naitala ni isa mang salita si San Jose sa Ebanghelyo; ang
kanyang wika ay katahimikan (cf. Homiliya, Marso 27,
1969). Iniuugnay rin ang kanyang katahimikan sa
kanyang natatagong buhay (interior life), at ito ang
nagpakinang kay San Jose. Ayon kay San Pedro Julian
Eymard, "Si San Jose, bagama't dakila sa lahat ng mga
banal, ay pinakaaba at pinakalingid sa lahat (of. Month
of St. Joseph, 1948).

Si San Jose ay tahimik, siya ay di lumalantad. Sa


pananalita ni Papa Francisco, siya ay isang "anino" at
palaging nasa anino" lamang. Idinagdag pa niya na "sa
kanyang kaugnayan kay Hesus, si San Jose ang naging
anino ng Diyos Ama sa lupa" (Patris Corde).

Si San Jose ay dakila, may maipagmamalaki, at


maraming maipagmamalaki. Ngunit nanatili siyang aba.
Isang magandang pagpapahalaga ang itinuturo sa atin ni
San Jose. Sa kabila ng lahat, mananatili tayong nasa
anino lamang ng Diyos. Gaano man tayo kagaling, gaano
man kalayo ang ating narating, mananatiling wala
tayong maipagmamalaki sa harapan ng Diyos. Nawa,
tulad ni San Jose, pagsumikapan nating maging dakila
nang tahimik.

Pagninilay sa Ikawalong Araw


Si San Jose, Tagapagtaguyod ng Banal
na Mag-anak

Si San Jose ang Púno ng Banal na Mag-anak. Sa


kaugalian ng mga sinaunang Judio, ang mga kalalakihan
ang nangingibabaw sa lipunan at ang mga babae at bata
ay hindi masyadong binibigyan ng pansin. Kaya naman,
ang pagiging "Púno" ni San Jose ay nagbigay sa kanya ng
kapangyarihang pangibabawan at sakupin si Maria na
kanyang kabiyak at si Jesus na kanyang anak. Ito ay
tumutugon sa magiging turo ni San Pablo pagkalaunan:
"Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa" (Ef
5:22); "Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang
(Ef 6:1). Sa ganitong diwa, maaari nating sabihing may
"karapatan" si San Jose kay Maria at Hesus.

Ngunit, ang bawat karapatan ay may katuwang na


pananagutan. Kaya naman pananagutan ng bawat
lalaking Judio na itaguyod ang kanyang asawa at mga
anak. At alam nating lalong totoo ito kay San Jose na
"isang matuwid na tao" (Mt 1:19). Hindi rin malayo sa
katotohanan na mas nangibabaw kay San Jose ang
"pananagutan" kaysa "karapatan". O marahil, sa
pagsasabuhay niya sa karapatan ay bilang karapatang
mag-alaga, at hindi ang karapatang
manakop. Sa Misa para sa karangalan ni San Jose ito ang
mga salitang dinarasal ng pari sa bahagi ng Prepasyo:
Niloob mong magpakasal kay Mariang Birheng
Mahal si SanJoseng maaasahan sa pananagutan
upang may amang lumingap sa angkang
inabibilangan ng iyong Anak. Sa kapangyarihan
ng Espiritung Banal isinilang ni Maria ang Anak
mong minamahal at para sa kanila si San Jose'y
naghanap- buhay.

Hindi lamang natin titingnan ang pagtataguyod ni


San Jose sa anyo ng paghahanap-buhay. Pati ang kanyang
paglingap sa mag-ina ay pagtataguyod ding maituturing.
Sa simula pa lamang ng pagdadalang-tao ni Maria,
nilingap na ni San Jose ang mag-ina. Muling naipamalas
ni San Jose ang kanyang paglingap sa kanyang pag-
agapay kay Maria sa panganganak sa Bethlehem at ang
pagtatakas ni San Jose sa mag-ina papuntang Ehipto.
Gayun din sa pagbalik mula doon, ay mga yugto rin ng
paglingap ni San Jose sa Banal na Mag-anak. Bahagi rin
ng paglingap ni San Jose sa kanyang anak na si Jesus ang
paggabay sa Kanya upang maging malawak ang
karunungan Niya at maging kalugod- lugod sa Diyos at sa
tao (cf. Lc 2:52).

Samakatuwid, dalawa ang mukha ng pagtataguyod


ni San Jose sa Banal na Mag-anak: paghahanap-buhay at
paglingap. Ipinakita ni San Jose sa kanyang buhay na ang
dalawang ito ay hindi mapaghihiwalay ng sinumang may
pananagutan bilang "púno" ng kani-kaniyang mag-anak.
Ito ay mahalagang aral hindi lamang para sa mga ama ng
tahanan kundi pati na rin sa mga ina. Ang sukatan ng
pagiging mabuting magulang ay hindi lamang kung
natutugunan ang mga pangangailang materyal ng
pamilya sa pamamagitan ng paghahanap-buhay. Sa mata
ng Diyos, nagiging mabuting magulang tayo kung ang
paghahanap- buhay ay may kalakip na paglingap. Kung
isasakatuparan natin ito, hindi na tayo nalalayo kay San
Jose sa kanyang ginawang pagtataguyod sa Banal na
Mag-anak.

Pagninilay sa Ikasiyam na Araw


Si San Jose,Patron ng Unibersal na
Simbahan
( Pintakasi ng Simbahang Katolika)
Ika-8 ng Disyembre, taong 1970, nang ipahayag ni
Papa Pio IX na si San Jose ay Pintakasi ng Simbahang
Katolika. Ito ay sa pamamagitan ng isang Kapasyahan
(Decree) mula sa Sacred Congregation of Rites na may
pamagat na Quemadmodum Deus.

Dalawa ang ipinahihiwatig ng kaganapang ito. Una,


sa pamamagitan ng Kapasyahan, itinaas ang kalagayan
ni San Jose sa antas na kahanay ng mga pangunahing mga
Banal ng Simbahan - kung hindi man mas mataas pa. Ang
kanyang kapistahan sa ika-19 ng Marso ay iniakyat sa
antas ng "Dakilang Kapistahan".

Ang matayog at natatanging karangalang ito na


iginawad kay San Jose ng Simbahan ay nasasalig sa
napakadakilang papel na ginampanan niya sa kasaysayan
ng kaligtasan. Siya ang hinirang ng Diyos upang maging
"panginoon ng Kanyang sambahayan at tagapamahala ng
lahat Niyang mga pag-aari" (cf. Quemadmodum Deus),
kabilang na ang Kanyang Bugtong na Anak na si Jesus.
Ang karangalan ni San Jose ay sumusunod na sa kay
Maria.

Ikalawa, ang pagkatalaga kay San Jose bilang Patron


ng Simbahang Katolika ay nangyari sa panahong ang
Simbahan ay dumaranas ng matinding pagsubok at
pagdurusa. Noong panahong iyon, laganap ang mga
maling kaisipan sa iba't ibang anyo lalo na sa usapin ukol
sa pilosopiya, relihiyon, at moralidad. Maraming erehiya
o maling turo ang laganap noon. Pinabigat pa ito ng mga
kaguluhan sa pulitika sa iba't ibang panig ng daigdig.

Ang mga pangyayaring ito ang nagtulak kay Papa Pio


IX na ilagay ang buong Simbahang Katolika sa pagkandili,
paglingap at pagtatanggol ni San Jose. Bakit kay San
Jose? Sapagkat kung paanong nilingap at ipinagtanggol
ni San Jose si Jesus at Maria sa lahat ng panganib sa
kanilang buhay, gayun din ang gagawin ni San Jose sa
Simbahan na sumasalamin naman kay Hesus at Maria.
Ang Simbahan ang Katawang Mistiko ni Kristo (cf. Pio XII,
Mystici Corporis Christi); si Jesus ang kabiyak ng
Simbahan (cf. CCC 796); at si Maria naman ang ina ng
Simbahan (cf. CCC 963).

Simula noong panahon ni Papa Pio IX, naging


takbuhan na ng mga Papa si San Jose upang humingi ng
pagtatanggol para sa Simbahan. Kay San Jose tumakbo
si Papa Leon XIII noong panahong ang Simbahan ay nasa
"kalunos-lunos na kalagayan" (cf. Quamquam Pluries)
Kay San Jose lumapit si Papa Pio XII laban sa banta sa
mundo ng komunismo. Si San Jose ang napili ni Papa
Juan XXIII na maging Patron ng Ikalawang Consilio
Vaticano (Marso 19, 1961). Maging sina Papa Juan Pablo
II at Papa Francisco ay humimok din sa atin na lumapit
kay San Jose. Sa panalangin kay San Jose na galing kay
Papa Francisco, naroon ang mga salitang ito:

"O pinagpalang San Jose, sa amin man ay maging AMA


ka namin at gabay sa landas ng Buhay
Ihingi mo kami ng biyaya, awa at tatag.
Ipagsanggalang mo kami laban sa lahat ng kasamaan".
Amen. (Patris Corde).

Sa mga panahong tayo ay dumaranas ng mga pagsubok


at dahil sa mga ito tayo ay nagdurusa, lumapit tayo kay
San Jose. Siya ay ating Pintakasi at Tagapagtanggol.

You might also like