You are on page 1of 4

PANALANAGIN SA PAGBISITA SA MGA SIMBAHAN

ANTANDA NG KRUS

Sa ngalan ng + Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

PANALANGIN KAY SAN JOSE

Kapuri-Puring San Jose,

Tumayong Ama At Tagapag-Alaga Ni Hesukristo.

Itinataas Namin Sa Iyo Ang Aming Mga Puso At Mga Kamay

Upang Hingin Ang Iyong Kakayahang Mamagitan.

Nawa’y Makamtan Namin Mula Sa Kagandahang-Loob Ni Hesus

Ang Tulong At Mga Biyayang Kailangan Namin

Pangkaluluwa At Pangkatawan.

Hinihiling Namin Ang Maligayang Kamatayan

At Ang Natatangi Kong Kahilingan Na Nais Kong Makamtan:

(Ating banggitin ang ating mga natatanging kahilingan)

Tagapangalaga Ng Salitang Nagkatawang-Tao,

Nadarama Namin Nang Buong Pananalig

Na Ang Aming Panalangin Ay Mapapakinggan

Sa Dakilang Trono Ng Diyos.

O Kapuri-Puring San Jose,

Mula Sa Pag-ibig Mong Taglay Kay Hesus,

At Sa Kaluwalhatian Ng Kanyang Ngalan,

Dinggin Mo Ang Aming Panalangin

At Makamtan Nawa Ang Aming Kahilingan. AMEN.

ANG MEMORARE

Alalahanin mo, kalinis-linisang esposo ni Maria, San Jose,

na kailan man ay di narinig na may lumapit sa iyo na hindi mo pinakinggan.

Ako na rin ang saksi na ang iyong pagtangkilik sa mga dumudulog sa iyo

ay hindi mo kailan man ipinagkait.

Dahil sa bagay na ito, tigib ng pagtitiwala sa iyong kapangyarihan kay Jesus,


ako'y humaharap sa iyo at humihingi ng iyong kalinga at saklolo.

Huwag mong siphayuin ang aking pagsamo kundi ito'y dinggin

at ihandog sa Diyos upang lalong maging kapat-dapat sa Kanyang kalooban. Amen

MGA PAGHIBIK

San Jose, turuan mo akong umibig sa trabaho at bigyan ng lakas sa gitna ng kahirapan.

San Jose, ipag-adya mo ang Santa Iglesya sa lahat ng kanyang mga kaaway.

San Jose, kupkupin mo ako bilang isang tunay na anak.

O San Jose, ipagkamit mo sa akin ang isang malinis na pamumuhay.

San Jose, maligtas nawa ako sa iyong pamamagitan.

San Jose, ipanalangin mo ako ngayon at sa oras ng aking kamatayan.

ACT OF CONSECRATION TO ST. JOSEPH


(from the book of Consecration to St. Joseph by Rev. Fr. Donald Calloway, page 235-236)

O Glorious Patriarch and Patron of the Church!

O Virgin Spouse of the Virgin Mother of God!

O Guardian and Virginal Father of the Word Incarnate!

In the presence of Jesus and Mary, we choose you this day

to be our father, guardian, and protector.

O great Saint Joseph, whom God has made the Head of the Holy Family,

accept us, we beseech you, though utterly unworthy,

to be members of your “Holy House.”

Present us to your Immaculate Spouse;

ask her also to adopt us as her children.

With her, pray that we may constantly think of Jesus,

and serve him faithfully to the end of our lives.

O Terror of Demons, increase in us virtue, protect us from the evil one,

and help us not to offend God in any way.

O my Spiritual Father, we hereby consecrate ourselves to you.

In faithful imitation of Jesus and Mary, we place all our concerns under your care and protection.

To you, after Jesus and Mary, we consecrate our bodies and souls,

with all their faculties, our spiritual growth, our homes,

and all our affairs and undertakings.

Forsake us not, but adopt us as servants and children of the Holy Family.

Watch over us at all times, but especially at the hour of our deaths.
Console and strengthen us with the presence of Jesus and Mary so that, with you,

we may praise and adore the Holy Trinity for all eternity. Amen.

LITANYA NI SAN JOSE

Panginoon, maawa ka sa amin. Panginoon, maawa ka sa amin.

Kristo, maawa ka sa amin. Kristo, maawa ka sa amin.

Panginoon, maawa ka sa amin. Panginoon, maawa ka sa amin.

Kristo, pakinggan mo kami. Kristo, pakapakinggan mo kami.

Diyos Ama sa langit, maawa ka sa amin.

Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan, maawa ka sa amin.

Diyos Espiritu Santo, maawa ka sa amin.

Santisima Trinidad na iisang Diyos at tatlo sa pagka-Persona, maawa ka sa amin.

Santa Maria, ipanalangin mo kami.

San Jose, ipanalagin mo kami.

Bunying anak ni David, ipanalangin mo kami.

Ilaw ng mga patriarka, ipanalangin mo kami.

Esposo ng Ina ng Diyos, ipanalangin mo kami.

Kalinis-linisang tanod ng Birhen, ipanalangin mo kami.

Inaring-ama ng Anak ng Diyos, ipanalangin mo kami.

Maingat na tagapagtanggol ni Kristo, ipanalangin mo kami.

Puno ng kabanal-banalang angkan, ipanalangin mo kami.

San Jose, katapat-tapatan, ipanalangin mo kami.

San Jose, kabait-baitan, ipanalangin mo kami.

San Jose na lalong mahinahon, ipanalangin mo kami.

San Jose na lalong masunurin, ipanalangin mo kami.

San Jose na lalong matapatin, ipanalangin mo kami.

Salamin ng pagtitiis, ipanalangin mo kami.

Maibigin sa kahirapan, ipanalangin mo kami.

Uliran ng mga manggagawa, ipanalangin mo kami.

Kaluwalhatian ng namamahay, ipanalangin mo kami.

Tagapagtanggol ng mga birhen, ipanalangin mo kami.

Tanggulan ng mga angkan, ipanalangin mo kami.

Aliw ng mga namimighati, ipanalangin mo kami.


Pag-asa ng mga maysakit, ipanalangin mo kami.

Pintakasi ng naghihingalo, ipanalangin mo kami.

Sindak ng mga demonyo, ipanalangin mo kami.

Tagatangkilik ng Santa Iglesya, ipanalangin mo kami.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng sala ng sandaigdigan,

Patawarin mo kami, Panginoon namin.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng sala ng sandaigdigan,

Pakapakinggan mo kami, Panginoon namin.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng sala ng sandaigdigan,

Maawa ka sa amin.

Manalangin tayo.

O Diyos na sa Iyong maibiging paglingap ay nalugod na piliin si San Jose na esposo ng Iyong
kabanal-banalang ina, ipagkaloob Mo, isinasamo namin, na kaming nagpupuri sa kanya bilang
tagapagtanggol sa lupa, ay maging dapat na ariin din siya na tagapamagitan sa langit. Alang-
alang kay Jesukristong aming Panginoon. Amen.

PANGWAKAS NA PANALANGIN
PANALANGIN KAY SAN JOSE
Mula sa Liham Apostoliko ng Banal na Papa Francisco
Patris Corde: “Taglay ang Puso ng Isang Ama”

Aba, Tagapangalaga ng Tagapagligtas, kabiyak ng Mahal na Birheng Maria. Sa iyo


ipinagkatiwala ng Diyos ang kaisa-isa niyang Anak; sa iyo nagtiwala si Maria; sa piling mo, si
Kristo ay naging tao.

Maging ama ka rin sa amin, Pinagpalang Jose, at gabayan mo kami sa landas ng buhay. Ihingi
mo kami ng biyaya, awa at tapang, at ipagtanggol kami sa lahat ng masama. Amen.

San Jose, Esposo ni Maria, Ipanalangin mo kami.

Santa Maria, Ipanalangin mo kami.

San/Santa (Patron ng Parokya), Ipanalangin mo kami.

ANTANDA NG KRUS

Sa ngalan ng + Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

You might also like