Professional Documents
Culture Documents
SUMASAMPALATAYA
1|P a g e
PANALANGIN
(AMA NAMIN….)
2|P a g e
3. Jesus ko, alang alang sa masakit na hampas na Iyong
tiniis.
4. Jesus ko, alang alang sa koronang tinik na nagsitimo sa
kasanto – santosan Mong ulo.
5. Jesus ko, alang alang sa paglakad Mo sa lansangan ng
kapaitan, na ang Krus ay iyong kababaw – babaw.
6. Jesus ko, alang alang sa kasanto – santosan Mong
mukha na naliligo sa dugo at Iyong binayaang
malarawan sa Birang ni Veronica.
7. Jesus ko, alang alang sa damit Mong tigmak sa dugo na
biglang pinaknit at hinubad sa Iyong katawan Niyong
tampalasan.
8. Jesus ko, alang alang sa kasanto – santosan Mong
katawan na napako sa Krus.
9. Jesus ko, alang alang sa kasanto – santosang paa at
kamay na pinakuan ng mga pakong ipinagdalita Mong
masakit.
10. Jesus ko, alang alang sa tagiliran Mong nabuksan
sa saksak ng matalim na sibat at binukalan ang dugo at
tubig.
3|P a g e
V: REQUIEM ETERNAM DONAIS DOMINE.
R: LUX PERPETUA LUCEAT EIS.
V: REQUIES AT EMPAZEM.
R: AMEN.
(LUWALHATI – AMA NAMIN)
(Ulitin ng sampung beses mula sa lubhang maawaing
Jesus ko…)
PANALANGIN
Katamis – tamisang Jesus ko, sa pagsakop sa
sangkatauhan ay inibig kong Ikaw ay ipanganak, tumulo
ang mahalagang dugo, inalipusta ng mga Hudio,
napasakamay niyong mga tampalasan sa paghalik ni
Hudas, ginapos ng lubid, dinala sa pagpaparipahan sa Iyo,
tulad sa Corderong walang sala, iniharap kay Anas, kay
Pilato at kay Herodes; niluran, pinaratangan at
pinatotohanan ng mga saksing sinungaling; tinampal,
naging alimura, natadtad ng sugat ang buong katawan sa
hampas ng suplina; pinatungan ng koronang tinik,
natakpan ang Iyong mukha ng isang purpura sa
pagpalibhasa sa Iyo; nalagay sa isang pagkabuhong sa
kahiya – hiya, napako sa Krus at natindig sa kanya,
napagitna sa dalawang magnanakaw na parang isa sa
kanila; pinainom ng apdong nilinahukan ng suka at ang
Iyong tagiliran ay silain ng isang sibat.
4|P a g e
Hanguin Mo na Panginoon ko, alang – alang doon sa
madlang sakit na lubhang mapait, para nang dalitain Mo
ang mga kaluluwa sa Purgatoryo, sa pagdurusa nila, iakyat
Mo silang matiwasay sa Iyong kaluwalhatian at iligtas Mo
sila alang – alang sa mga karapatan ng Iyong kasanto –
santosang pagpapakasakit at pagkamatay Mo sa Krus, sa
mga hirap sa impyerno, ng sila ay maging dapat pumasok
sa payapang kaharian na Iyong pinagdalhan sa mapalad
na magnanakaw na napakisama sa Iyong naripa sa Krus,
na nabuhay Ka nga at naghahari na kasamahan ng Dios
Espiritu Santo. SIYA NAWA.
5|P a g e
***LITANYA***
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo maawa ka sa amin.
Panginoon, maawa ka sa amin.
Hesukristo, pakapakinggan mo kami
Kristo, mahabag Ka sa amin.
Kristo, pakapakinggan Mo kami.
Diyos Ama sa langit. (Maawa ka sa amin)
Diyos Anak na tumubos sa sala ng sanlibutan
Diyos Espiritu Santo
Santisima Trinidad na tatlong Persona at iisang Diyos,
Santa Maria (ipanalangin mo siya/sila)
Santang Ina ng Diyos
Santang Birhen ng mga Birhen,
Ina ng Kristo
Ina ng grasya ng Diyos
Inang kalinis - linisan
Inang walang malay sa kahalayan,
Inang 'di malapitan ng masama
Inang wagas sa kalinisan
Inang kaibig-ibig,
Inang kataka-taka
Ina ng mabuting kahatulan,
Ina ng may gawa sa lahat
Ina ng mananakop
6|P a g e
Birheng kapaham-pahaman
Birheng dapat igalang
Birheng dapat ipagbantog
Birheng makapangyayari
Birheng maawain
Birheng matibay na loob sa magaling,
Salamin ng katuwiran
Luklukan ng karungunan
Mula ng tuwa namin
Sisidlan ng bunyi at bantog
Sisidlan ng kabanalan
Sisidlang mahal at tangi na makusaing loob na sumunod sa
Panginoong Dios
Rosang bulaklak na di malirip ng bait ng tao ang halaga
Tore in David
Toreng garing
Bahay na ginto
Kaban ng tipan
Pinto ng langit
Talang maliwanag
Mapagpagaling sa mga maysakit
Pagsasakdalan ng mga makasalanan
Mapag-aliw sa mga nagdadalamhati
Mapag-ampon sa mga Kristiyano
Hari ng mga Anghel
Hari ng mga Patriarka
7|P a g e
Hari ng mga Propeta
Hari ng mga Apostol
Hari ng mga Martir
Hari ng mga Confesor
Hari ng mga Birhen
Hari ng lahat ng santo
Haring ipinaglihi na 'di nagmana ng kasalanang orihinal
Haring iniakyat sa langit
Hari ng kasantu-santosang Rosaryo
Hari ng kapayapaan
8|P a g e
V: Ipanalangin mo po siya/sila O Santang Ina nang Diyos.
R: Ipanalangin mo siya/sila ay maging dapat magkamit na
mga pangako ni Hesukristong ating Panginoon.
9|P a g e
Birheng kalinis-linisan ng di pa nanganganak, linisin mo ang
aming pag-iisip.
(ABA GINOONG MARIA)
Birheng kalinis-linisan sa panganganak, linisin mo ang
aming pangungusap.
(ABA GINOONG MARIA)
Birheng walang dungis ng makapanganak na, linisin mo
ang aming mga gawa at nasa.
(ABA GINOONG MARIA)
10 | P a g e
V: REQUIEM ETERNAM DONAIS DOMINE
R: LUX PERPETUA LUCEAT EIS
V: REQUIES AT EMPAZEM
R: AMEN.
PAGSISISI
Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at tao namIng
totoo na gumawa at sumakop sa akin. Pinagsisisihan kong
masakit na masakit sa tanang loob ko ang dilang
pagkakasala ko sa iyo, na Ikaw nga ang Diyos ko, Panginoon
ko at Ama kong iniibig kong lalo sa lahat.
Nagtitika akong matibay na matibay sa tanang loob ko
na di na muling magkakasala sa Iyo at nagtitika naman
akong magkumpisal ng dilang kasalanan ko. Umaasa akong
patatawarin mo rin alang-alang sa Iyong mahal na Pasyon at
pagkamatay Mo sa krus ng dahil sa akin. Siya Nawa.
11 | P a g e
BENDITO
Bendito y alabado, sea al Santissima, Sacramento del Altar,
do la limpia Immaculada Concepcion, Nuestra Señora de la
Virgen Maria, Señora Nuestra, Concivida sin Macha De
Peccado, original de primer ostante, de se ser natural,
por siempre jamas, Amen Jesus.
12 | P a g e