You are on page 1of 4

NOVENA SA MAHAL NA BIRHEN NG LOURDES

(MAGSILUHOD ANG LAHAT)

SA’YO BIRHEN NG LOURDES


I
S’AYO BIRHEN NG LOURDES,
NAIS NAMING MAGMAHAL
KAYA’T NANINIKLUHOD SA HARAP
NG IYONG ALTAR
II
INA SA IYO’Y UMAASA NG
LAGING KALINGA
PAGKAT ANG KALIGTASAN
TIYAK KA NGANG SANGLA
III
SA ORAS NG KAMATAYAN
KAMI’Y BENDISYUNAN
AT SANA’Y PANGUNAHAN
SA TUNAY NA BAYAN

PAGSISISI

Panginoong Hesus-Kristo, tunay na Diyos at tunay na Tao, aming


Hari at manunubos, nananalig kami sa Iyo at umaasa. Ikaw ang aming
Mahal nang higit sa lahat ng bagay; nakaluhod kami ngayon sa harap ng
Iyong kadakilaan, upang humingi ng tawad sa lahat ng aming mga
pagkakasala, at kawalan ng utang na loob, kung saan ay nasaktan ka
namin.
Batid namin Panginoon, na kami’y hindi karapat-dapat na humarap sa
Iyong presensiya, kaya dumudulog kaming kasama ang Iyong Mahal na Ina,
na amin na ring Ina, ang Mahal na Birhen ng Lourdes, na aming pinakiki-
usapang, mamagitan upang aming makamtan ang kapatawaran, sa lahat ng
aming mga kasalanan, na amin nang pinagsisisihan ng buong puso, at may
matibay na pagpa-pasyang, di na muling babalik sa pagka-kasala, sa tulong
ng Iyong grasya. Amen
1
PAGSUSUMAMO SA MAHAL NA BIRHEN NG
LOURDES

O Inang Kalinis-linisan, Mahal na Birhen ng Lourdes, sa adhikaing


gawin ang nobenang ito, ng lubos na kataimtiman, sa pagtalima sa tawag
Mo, sa lahat ng Iyong mga anak, sa katauhan ng mapag-kumbabang si
Santa Bernardita, Lumuluhod kami sa Iyong paanan, upang dinggin ang
Iyong tinig, upang ihayag sa Iyo ang aming mga pangangailangan, at upang
hilingin ang Iyong mapag-kalingang pangangalaga.
Huwag nawa kaming tanggihan , aming Ina, dahil sa pagiging hindi
karapat-dapat: tanging masdan Mo nawa ang pagsisisi, na aming
nararamdaman, dahil sa pagka-sugat namin sa Iyong pusong – Ina, at ang
napana-nariwang hirap at sakit, ng Iyong pinaka-mamahal na na Anak.
Halina at tulungan kami, sa aming pananalangin, upang dalisayin ang
aming puso, at kamtan para sa amin, sa pamamagitan ng Iyong panalangin,
ang espesyal na biyayang aming hinihiling sa Diyos.
At mapasalamatan ang Diyos, sa lahat ng mga pag-papalang, aming
natatanggap, lalo na yaong nilalayon ng nobenang ito.

(Tahimik po nating banggitin ang ating mga kahilingan sa Diyos sa pamamagitan ng


Mahal na Birhen ng Lourdes)

Aba Ginoong Maria, napupuno ka nang grasya ang Panginoong Diyos


ay sumasa-Iyo, bukod kang Pinagpala sa babaeng lahat at Pinagpala o
naman ang Iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, Ipanalangin Mo po kaming makasalanan
ngayon at sa oras na kami’y mamatay. Amen

Mahal na Birhen Ng Lourdes, Ipanalangin Mo kami (3x)

2
PANALANGIN PARA SA MGA MAYSAKIT

O mapag-kalingang Birhen ng Lourdes, puno ng pagdurusa at


pagtangis, ay lumalapit kami sa Iyo, taga-aliw ng mga nagda-dalamhati, at
kalusugan ng mga may-sakit. Lubos kaming nagtitiwala sa Iyo, sa
nababatid naming mga marami, at mahimalang pagpa-pagaling, na ginawa
Mo sa buong mundo.
Mapag-pakumbaba po kaming nagpa-patirapa sa Iyong harapan, sa
panahong ito ng nakaba-bahalang pagdurusa, at karamdaman, at sumasamo
sa Iyo nang may kataimtiman, pananampalataya, at debosyon ng aming mga
kaluluwa, na nawa’y, dinggin Mo ang aming mga hinaing, na aming
tuwirang dinadala sa Iyo para sa minamahal naming may karamdaman:
yayamang tunay na gumawa ka, ng maraming pagpa-pagaling sa mga
namimintuho sa’Yo, mangayaring gumawa Ka ng isa pa, at iligtas itong
Mahal namin sa buhay.
Ilayo Mo po siya sa lahat ng panganib, kung ito’y hindi magiging
hadlang sa kanyang kaligtasan, at matapat po kaming nangangako sa Iyo,
na gagamitin ang mga natitira naming buhay, bilang mga mabubuti at tapat
na mga katoliko, tanda ng pasasalamat, sa mapagkalinga mong
pagtangkilik.

Maha na Birhen ng Lourdes, Ipanalangin Mo po kami


Taga- aliw ng nagda-dalamhati, Ipanalngin Mo po kami
Kalusugan ng mga May-sakit, Ipanalangin Mo po kami

Aba po, Santa Mariang Reyna, Ina ng Awa, Aba, aming buhay,
katamisan at pag-asa; sa Iyo kami nananawagan, kaming itinaboy na mga
anak ni Eva, sa Iyo namin ipinararating ang aming mga himutok, dalamhati
at pagluha sa lupang ito na kahapis-hapis, ibaling Mo sa amin, magiliw na
tagatangkilik, ang Iyong mga matang maawain. At kung matapos yaring

3
buhay, ipakita Mo sa amin ang Iyong anak na si Hesus. O maawain, mapag-
mahal at matamis na Birheng Maria.

(N) – Ipanalangin Mo po kami O Banal na Ina ng Diyos.


(L) – Upang kami’y maging Marapat na makinabang sa mga pangako ni
Hesu-Kristong aming Panginoon. Amen

PAGPUPURI

Purihin ang Diyos.


Purihin ang Kanyang Santong Ngalan.
Purihin si Jesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo.
Purihin ang Ngalan ni Jesus.
Purihin ang Kanyang Kamahal-mahalang Puso.
Purihin ang Kanyang Kamahal-mahalang Dugo.
Purihin si Jesukristo sa Santisimo Sakramento sa altar.
Purihin ang Espiritu Santo, ang Mang-aaliw.
Purihin ang Dakilang Ina ng Diyos na si Maria Santisima.
Purihin ang santa’t ‘di narungisang paglilihi sa kanya.
Purihin ang maluwalhating pag-aakyat sa langit, kay Santa Mariang
Birhen.
Purihin ang Ngalan ni Maria, Birhen at Ina.
Purihin si San Jose, ang kanyang kalinis-linisang esposo.
Purihin ang Diyos sa Kanyang mga anghel at sa Kanyang mga santo

You might also like