You are on page 1of 2

PANALANGIN PARA KAY

NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO

K atamis-tamisan naming mahal na Poong Jesus


Nazareno, Diyos at Manunubos ko, na
naglalakbay sa Kalbaryong pasan-pasan Mo
ang Krus na pagpapakuan sa Iyo.

Akong abang makasalanan, na naging dahilan ng Iyong


di masayod na hirap ay nagpupuri sa Iyo at
nagpapasalamat, na bilang maamong Kordero ay
buong hinahong tinanggap Mo sa ibabaw ng Iyong
balikat ang kahoy ng Iyong kamatayan upang doon
mawakasan ang aking mga kasalanan at ng
sandaigdigan.

Patawarin mo ako, O Butihing Jesus; inaamin ko ang


aking mga sala at ako’y nananalig na dahil sa
kabutihan Mong walang kahulilip ay hugasan Mo ng
Iyong Dugo. Iniibig Kita ng higit sa lahat ng bagay,
ipinangangako na ako’y magiging matapat hanggang
sa oras ng aking kamatayan. Patnubayan Mo ako,
Diyos ko, ng Iyong biyaya at ihatid Mo ako sa landas ng
Iyong mga Utos diyan sa Iyong Langit na Kaharian.

Siya Nawa.

You might also like