You are on page 1of 2

Panalangin kay

San Jose Manggagawa


O Maluwalhating San Jose,
huwaran ng mga manggagawa,
mangyaring kamtin mo po para sa amin ang biyaya
na tupdin namin
ang mga gawain namin nang buong husay,
inuuna ang pagtatalaga ng sarili sa tungkulin
at hindi ang mga maka-sariling hilig.
Tulungan Mo po kaming gumawa nang may pasasalamat
at kaligayahan
sapagkat isang karangalan ang gamitin at linangin
sa pamamagitan ng paggawa ang mga kaloob na tinanggap
namin mula sa Diyos.
Ipagkaloob Mo po na makagawa ako nang may kaayusan,
kapayapaan, kahinahunan at katiyagaan
nang hindi sumusuko sa kapaguran at kahirapan.
Inihahandog po namin ang aming kapaguran
at mga paghihirap
bilang sakripisyo
alang-alang sa kapatawaran ng aming mga kasalanan.
Higit sa lahat, kami po ay gagawa nang
may malinis na hangarin
at walang anumang pag-iimbot,
laging isinasa-isip ang aming pagpanaw
at ang pagsusulit na dapat naming ibigay
para sa oras na winaldas,
mga talentong sinayang, kabutihang hindi ginawa
at kalasingan sa tagumpay
na napaka mapanganib sa gawain ng Diyos.
Para kay Jesus sa pamamagitan ni Maria,
lahat bilang pagtulad sa iyo, O butihing San Jose.
Ito ang siyang magiging bukambibig ko sa buhay at
kamatayan. Amen.

You might also like