You are on page 1of 33

ANG BAGONG NOBENA

SA KARANGALAN
NG BIRHEN NG CAYSASAY

PAMBUNGAD NA AWIT
Kapag ang lahat ay natipon na, maaaring umawit ang sambayanan
bilang pambungad.

AWIT SA BIRHEN NG CAYSASAY

O Birheng Caysasay na walang katulad


O Ina ng awa, O Inang malingap,
Patnubay ng buhay, talang maliwanag,
Aming aliw sa Iahat ng paghihirap.

O Inang Caysasay, hibik namin ay pakinggan:


Sa mga panganib kami ay ingatan,
Lalo na pagsapit ng oras ng pagwalay,
H'wag mo kaming pabayaan, Inang Mahal!

ARAW-ARAW KAY MARIA

Araw-araw kay Maria. kami ay nagdarasal


Si Mariang aming Ina, ibig naming marangal
Kanyang tulong laging-lagi, kami ay humihingi.
S’ya ay aming pupurihin tuwing araw at gabi,
Kung kami’y nasa panganib, kay Maria tatakbo,
S’ya ay aming tatawagin kung lalapit ang tukso,
O Maria, tutulungan kaming nangabubuhay.
Kami ay ipanalangin kung kami'y mamamatay.

Namumuno: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.


Lahat: Amen.

Namumuno: Mapasaatin nawa ang pagpapala at kapayapaang


kaloob ng Panginoon.
Lahat: Amen.

PAGSISISI

Namumuno: Mga kapatid, natitipon tayo ngayon upang papurihan


at pahalagahan ang kabutihan at paglingap ng ating Poong Diyos
na ipinakita Niya sa pagkakaloob sa atin ng Mahal na Birhen
upang maging Ina natin sa pamamagitan ng Kanyang Bugtong na
Anak. Kaya’t bilang paghahanda at pagkilala sa awa at habag ng
Diyos, alalahanin at pagsisihan natin ang ating mga kasalanan at
pagkukulang:

Lahat: Inaamin ko sa Makapangyarihang Diyos at sa inyo, mga


kapatid, na lubha akong nagkasala sa isip, sa salita, sa gawa, at sa
aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng
Maria, sa lahat ng mga anghel at mga banal, at sa inyo, mga
kapatid, na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.
Namumuno: Kaawaan at kahabagan nawa tayo ng Panginoon.
Pagkalooban tayo ng biyaya at pagpapala upang lalo tayong
maging masigasig sa pagtugon sa Kanyang pag-ibig at maging
matapat sa Kanya tuwina.
Lahat : Amen

ARAW-ARAW NA PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG


CAYSASAY

Lahat: Aba po, kabanal-banalang Birhen Maria, maliwanag na


araw ng kalangitan, marikit na buwan, maningning na tala ng
karagatan, bukal ng tubig na buhay, tahanan ng Diyos, uliran ng
lahat na kristiyano at pintuan ng langit. Pinasasalamatan ka
namin sa pagdating mo dito sa aming nayon ng Caysasay upang
sa kabila ng aming karukhaan, kami ay makadulog sa iyo.
pinasasalamatan ka namin sapagkat minarapat mong tunghan
kami, di man kami marapat sa iyong tulong, at sa kabila ng aming
pagiging makasalanan. At sapagkat dumating ka sa amin mula sa
karagatan, at naghatid sa amin ng napakaraming pagpapala at
biyayang kaloob, ako'y nagpapatirapa sa iyong harapan,
nagsusumamo na kahabagan at tuwangan ako sa pagpupuri,
pagpaparangal at pagdakila sa di mabilang ng mga biyayang
kaloob ng Diyos sa iyo. Bilang pinagpala at pinagyaman ng Diyos
sa lahat ng nilikha ng lahat ng uri ng kabanalan at kabutihan,
magiliw mong bahaginan ako ng di mabilang na makalangit na
kayamanan, upang ang Diyos ay lalo kong makilala at sambahin
sa tuwina, at parangalan ka dito sa lupa, at sa buhay sa kabila
pasalamatan ang Diyos, at ikaw, magpasawalang hanggan. Amen.
PAGBASA AT PANALANGIN SA BAWAT ARAW

Unang Araw: Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen


Maria

Pagbasa: Lucas 1:26-28

Nang ikaanim na buwan na ng pagdadalantao ni Elisabet, ang


anghel Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, Galilea, sa isang
dalaga na ang pangala'y Maria. Siya'y nakatakdang ikasal kay
Jose, isang lalaki buhat sa lipi ni Haring David. Paglapit ng anghel
sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito. "Matuwa ka! Ikaw ay
kalugud-lugod sa Diyos," wika niya. "Sumasaiyo ang Panginoon!"

(Ilang sandali ng pagninilay.)

Awit (Tingnan sa pahina 27-30)

Panalangin: O Maria, aming Ina at Birheng kalinis-linisan,


pinupuri at pinasasalamatan namin ang Diyos na aming Ama
sapagkat ikaw ay naging kalugod-lugod sa Kanya upang hirangin
ka na maging Ina ng aming Panginoong Jesu-Kristo. Ipinahayag
Niya ito at kaagad ipinadama sa iyo at sa buong sandaigdigan sa
kalinis-linisang paglilihi sa iyo bilang patunay ng Kanyang
katapatan at paghahanda sa katangi-tanging bahagi ng iyong
gagampanan sa pagliligtas ng Diyos sa buong sanlibutan. Nawa'y
aming ikasiya ang pangyayaring ito at ikarangal sa pamamagitan
na rin ng aming pagpapahalaga sa aming karangalan at
pamumuhay sa kalinisan. Tulungan mo po ako na iwaksi ang
kasalanan, pagsisihan ang mga ito at ihingi, ng kapatawaran.
Amen.

Ikalawang Araw: Pagsilang ng Mahal na Birhen

Pagbasa: Roma 8:28-30

Mga kapatid, alam nating sa lahat ng bagay, ang Diyos ang


gumagawang kasama ang mga nagmamahal sa Kanya, ang mga
tinawag ayon sa Kanyang panukala, sa kanilang ikabubuti.
Sapagkat sa mula’t mula pa’y alam na ng Diyos kung sino ang sa
Kanya; ang mga ito’y itinalaga Niyang maging tulad ng Kanyang
Anak, at sa gayon, naging panganay natin Siya. At ang mga
itinalaga Niya noong una pa ay Kanyang tinawag. Ang mga
tinawag Niya ay Kanya ring pinawalang-sala, at ang Kanyang
mga pinawalang-sala ay Kanya namang binigyan ng karangalan.

(Ilang sandali ng pagninilay.)

Awit (Tingnan sa pahina 27-30)

Panalangin: O mahal naming Ina, ang iyong pagsilang ay tunay na


nagdulot sa amin ng ibayong kasiyahan sapagkat ito'y
nagpapatunay sa masidhing hangarin ng Diyos ng pagliligtas sa
sangkatauhan at ng Kanyang pagpapahalaga sa amin na Kanyang
mga nilikha. Natatalos namin na ang iyong pagsilang ay
nagbabadya ng bagong pag-asa at pagkakataon sa amin na iyong
mga anak upang hangarin at asamin ang aming kaligtasan.
Pinupuri at pinasasalamatan ko ang Tatlong Persona sa lisang
Diyos sa pagpapala sa iyo higit sa Iahat ng mga nilikha.
Nagsusumamo ako sa iyo na maging aking tagapamagitan sa
iyong minamahal na Anak. Palakasin mo ang aking
pananampalataya upang sundin ko ang Iahat ng ipinag-uutos sa
akin ng Ama. Amen.

Ikatlong Araw: Pagdadala sa Mahal na Birhen Maria sa Templo

Pagbasa: Mateo 12:46-50

Samantalang nagsasalita pa si Jesus, dumating ang Kanyang ina at


mga kapatid. Naghihintay sila sa labas at ibig Siyang makausap.
May nagsabi sa Kanya, "Nasa labas po ang Inyong ina at mga
kapatid, at ibig kayong makausap." Ngunit sinabi ni Jesus, "Sino
ang Aking ina, at sinusino ang aking mga kapatid?" Itinuro Niya
ang Kanyang mga alagad at sinabi, "Ito ang Aking ina at mga
kapatid! Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng
Aking Amang nasa langit ang siya Kong ina at mga kapatid."

(Ilang sandali ng pagninilay.)

Awit (Tingnan sa pahina 27-30)

Panalangin: Mahal na Birhen Maria, naging mapalad ka sapagkat


ikaw ay naging tapat at masunurin sa kalooban ng Ama sapul pa
sa iyong pagkabata, Ang pagdadala sa iyo sa templo ng iyong
mga magulang na sina San Joaquin at Santa Ana ay patunay sa
katotohanang ito. Nawa'y kami man ay matulad sa iyo sa
pagsunod sa kalooban ng Ama bilang anak mo atkapatid ni
JesuKristo. Dinarangal kita at sinasamba ang Tatlong Persona sa
lisang Diyos dahilan na rin sa di mabilang na mga biyaya na
ipinagkaloob sa iyo. Hinihiling ko sa iyo na tulungan ako na
maging masinop sa kabanalan at itakwil ang mga labis at maling
hangarin. Sa halip, nawaty wala kaming hangarin maliban sa
Diyos at ang tularan ka sa iyong kabutihan at pagkamasunurin.
Amen.

Ikaapat na Araw: Pagpapahayag ng Magandang Balita tungkol sa


Pagsisilang ng Mahal na Birhen Maria sa ating Panginoong Jesu-
Kristo

Pagbasa: Lucas 1:30-35

Kaya’t sinabi sa kanya [Maria] ng anghel, "Huwag kang matakot,


Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos. Makinig ka! Ikaw ay
maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at Siya’y tatawagin
mong Jesus. Magiging dakila Siya, at tatawaging Anak ng Kataas-
taasan. Ibibigay sa Kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng
Kanyang amang si David. Maghahari Siya sa angkan ni Jacob
magpakailanman at ang Kanyang paghahari ay walang
hanggan." "Paanong mangyayari ito, gayong ako’y dalaga?"
tanong ni Maria. Sumagot ang anghel, "Bababa sa iyo ang Espiritu
Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan, Kaya't
banal ang ipanganganak mo at tatawaging Anak ng Diyos.

(Ilang sandali ng pagninilay.)


Awit (Tingnan sa pahina 27-30)

Panalangin: Mahal naming Ina, ang pagkahirang sa iyo upang


maging Ina ng Manunubos ay karangalan namin na di
mapapantayan ng anuman kailanman. Ang pagpapahayag ng
Magandang Balita tungkol sa pagsisilang mo po sa aming
Panginoong Jesu-Kristo ay naghatid ng kagalakan sa lahat
sapagkat ito ay nagpatunay ng pagmarapat ng Diyos sa tao upang
maging daan at katuwang sa pagliligtas sa sandaigdigan mula sa
pagkalugmok sa kasalanan. Nawa’y pagsikapan namin sa aming
sariling pamamaraan na ang biyayang ito na tinanggap namin ay
aming pagyamanin at payabungin sa pang-araw-araw na buhay
namin. Nagsusumamo ako sa iyo na hil ingin saiyongAnak na
ako’y pabanalin, papagningasin sa apoy ng kasigasigan ng mga
Apostol at punuin ng diva ng panalangin at pagtitiis, upang,
katulad ng mga Apostol, ako man ay tumulong sa
pagpapalaganap ng Kanyang Mabuting Balita ng Kaligtasan at sa
pagpapanumbalik ng kapayapaan ni Kristo. Amen.

Ikalimang Araw: Pagdalaw ng Mahal na Birhen Maria kay Isabel

Pagbasa : Lucas 1:39-45

Hindi nagtagal at si Maria’y nagmamadaling pumunta sa isang


bayan Okaburulan ng Juda. Pagdating sa bahay ni Zacarias, binati
niya si Elisabct. Nang marinig ni Elisabct ang bati ni Maria,
naggagalaw ang sanggol sa kanyang tiyan. Sapuspos ng Espiritu
Santo si Elisabct, at buong galak na sinabi, "Pinagpala ka sa mga
babae, at pinagpala rin ang dinadala mosaiyongsinapupunan!
Sinoako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat
pagkarinig ko ng iyong bati ay naggagalaw sa tuwa ang sanggol
sa aking tiyan. Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang
ipinasabi sa iyo ng Panginoon!"

(Ilang sandali ng pagninilay.)

Awit (Tingnan sa pahina 27-30)

Panalangin: O Birheng Maria, kalinis-linisan sa lahat ng mga


birhen at tagapamagitan ng mga biyaya, lagi kang nakikiramay sa
mga nahahapis at nagdurusa, Ako’y nasisiyahan sa kagalakang
hatid mo sa kalangitan at sandaigdigan sa pagtanggap mo sa alok
ng Ama na maging Ina ng Kanyang Anak at sa pagpapadala sa
Kanya sa iyong sinapupunan nang buong pagkakandili at
pagmamahal. Lumuluhog ako sa iyo na punuin ang aking
kalooban ng kagalakan, maging masigasig sa pagsunod sa
Kanyang mga utos at matatag sa harap ng mga pagsubok at
pakikibaka laban sa mga kaaway ng kaluluwa. Hilingin mo po sa
iyong Anak na bihisan ako ng diwa ng pananalangin at katatagan
upang makibahagi sa kaligayahan at kasiyahang naranasan ni San
Juan Bautista nang dalawin mo si Santa Isabel na kanyang ina,
Amen.

Ikaanim na Araw: Pagsisilang ng Mahal na Birhen Maria sa ating


Panginoong JesuKristo
Pagbasa : Lucas 2:4-7

Mula sa Nazaret, Galilea, si Jose’y pumunta sa Betlehem, Judea,


ang bayang sinilangan ni Haring David, sapagkat siya’y mula sa
angkan at lahi ni David. Kasama niyang umuwi upang magpatala
rin si Maria na kanyang magiging asawa na noo’y kagampan.
Samantalang naroroon sila, dumating ang oras ng panganganak
ni Maria at isinilang niya ang kanyang panganay at ito’y lalaki.
Binalot niya ng lampin ang sanggol at inihiga sa isang sabsaban,
sapagkat wala nang lugar para sa kanila sa bahay panuluyan.

(Ilang sandali ng pagninilay)

Awit (Tingnan sa pahina 27-30)

Panalangin: O kasinta-sintahing Birhcng Maria, ang pagsisilang


mo sa aming Mananakop at Tagapagligtas ay tunay na Mabuting
Balita para sa aming Iahat sapagkat ito ay katuparan ng pangako
ng Ama ng pagliligtas sa sangkatauhan at nagdudulot ng
ibayong pag-asa at pagkakataon para sa aming mga
nangangailangan ng Kanyang pagliligtas at kapatawaran. Ang
pagsisilang mo sa Kanya ay nagdulot ng kasiyahan at kagalakan
dito sa lupa at maging sa sangkalangitan, naging pangunahin at
napakahalagang dahilan upang kamity magdiwang nang buong
kagalakan. Ang pagdatal ng Prinsipe ng Kapayapaan ay Katangi-
tanging Handog ng Ama sa buong sangtinakpan at pasalubong
mo sa aming iyong mga anak. Nawa ang kagalakan at
kaligayahan na aming nararanasan ay lalong maipahayag namin
sa aming kasigasigan na sundin ang loob ng Ama dito sa lupa
para nang sa langit upang katulad ng mga pastol kami man ay
maging tagapagpatotoo at tagapamahayag ng Dakilang
Katotohanang ito sa lahat ng tao. Amen.

Ikapitong Araw: Pagdadala ng Mahal na Birhen Maria kay Jesus


na Panginoon sa Templo

Pagbasa: Lucas 2:22-28

Nang dumating ang araw ng paglilinis sa kanila, ayon sa


Kautusan ni Moises, sila’y pumunta sa Jerusalem. Dala nila ang
sanggol upang iharap sa Panginoon, sapagkat ayon sa Kautusan,
"Ang bawat panganay na lalaki ay nakatalaga sa Panginoon." At
naghandog sila ayon sa hinihingi ng Kautusan ng Panginoon:
"Mag-asawang batu-bato o dalawang inakay na kalapati." May
isang tao noon sa Jerusalem, ang pangala’y Simeon. Matapat at
malapit sa Diyos ang lalaking ito at naghihintay sa katubusan ng
Israel. Sumasakanya ang Espiritu Santo na nagpapahayag sa
kanya na hindi siya mamamatay hangga’t hindi niya nakikita ang
Mesias na ipinangako ng Panginoon. Sa patnubay ng Espiritu,
pumasok siya sa templo. At-nang dalhin doon (ng kanyang mga
magulang) ang sanggol na si Jesus upang gawin ang hinihingi ng
Kautusan, Siya’y kinalong ni Simeon. Ito’y nagpuri sa Diyos.

(Ilang sandali ng pagninilay,)

Awit (Tingnan sa pahina 27-30)


Panalangin: Mahal naming Inang Birhen, ang katuwaan at
kaligayahang naranasan ni Simeon ay kasiyahan at kagalakan
namin na nagtanggal ng napakalaking tinik sa puso ng bawat isa
sa amin upang, katulad niya, ay purihin namin ang Diyos at
sambitin ang sinabi niya, "Kunin mo na, Panginoon, ang lyong
abang alipin, yamang nakita na ng aking mga mata ang lyong
pagliligtas na inihanda mo para sa lahat ng mga bansa…"
Tulungan mo kami na pagyamanin ang mga salitang ito upang
lagi kaming maging handa na tanggapin ang Kanyang alok ng
kaligtasan at manatiling tapat sa kalooban ng Ama, maging
masunuring mga anak katulad Niya sa tuwina at ihandog ang
aming sarili sa paglilingkod sa Kanya nang may pagpipitagan at
katapatan. Amen.

Ikawalong Araw: Pagdadalamhati ng Mahal na Birhen Maria


Pagbasa: Lucas 2:33-35

Namangha ang ama’t ina ng sanggol dahil sa sinabi ni Simeon


tungkol sa Kanya. Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria,
"Tandaan mo, ang batang ito’y nakatalaga sa ikapapahamak o
ikaliligtas ng marami sa Israel, isang tanda mula sa Diyos ngunit
hahamakin ng marami kayatt mahahayag ang kanilang iniisip.
Dahil diyan, ang puso mo’y para na ring tinarakan ng isang
balaraw."

(Ilang sandali ng Pagninilay.)

Awit (Tingnan sa pahina 27-30)


Panalangin: O pinakamamahal naming Ina, ang kagalakan at
kasiyahan namin ay di lamang katangi-tanging biyaya at handog
parasa iyo. Ito rin ay isang paghamon sa iyong katangi-tanging
katapatan at katatagan sapagkat bilang Ina ang naghihintay na
kapalaran sa iyong Anak atamingTagapagligtas ay isang
pagsubok nahindi mo na matatalikuran kailanpaman. Nakatitiyak
kami ng hirap ng kalooban at pagdadalamhati na iyong
naranasan, katulad ng ipinahayag ni Simeon, ..Ang puso mo'y
para na ring tinarakan ng isang balaraw," sa gaganapin ng iyong
Anak na paghahandog ng buhay para sa aming katubusan bilang
pagsunod sa kalooban ng Kanyang Kamahal-mahalang Ama.
Hinihiling po namin na tulungan mokaming maging masunurin
sa kalooban ng Ama katulad Niya at katulad mo rin, at maging
matatag katulad Niya at katulad mo rin sa harap ng
napakaraming tukso at pagsubok na dumarating sa amin sa araw-
araw. Tulungan mo po ako na tiisin ang mga kahirapan sa buhay
nang may kasiyahan at buong pagsang-ayon at kahinahunan, at
pagsisihan ang lahat ng mga kasalanan ng aking nagawa laban sa
Kanyang pag-ibig at kabutihan. Amen.

Ikasiyam na Araw: Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birhen


Maria

Pagbasa: Lucas 1:46-52

At sinabi ni Maria, "Ang puso ko’y nagpupuri saPanginoon, at


nagagalak ang aking espiritu dahil sa Diyos na aking
Tagapagligtas. Sapagkat nilingap niya ang Kanyang abang alipin!
At mula ngayon, ako’y tatawaging mapalad ng lahat ng salinlahi.
Dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng
Makapangyarihan Banal ang Kanyang pangalan! Kinahahabagan
Niya ang mga may takot sa Kanya, sa lahat ng salitt saling lahi.
Ipinakita Niya ang lakas ng Kanyang mga bisig, pinangalat Niya
ang mga palalo ang isipan. Ibinagsak Niya ang mga hari mula sa
kanilang trono, at itinaas ang mga nasa abang kalagayan."

(Ilang sandali ng Pagninilay.)

Awit (Tingnan sa pahina 27-30)

Panalangin: O masintahin at mapagmahal na Ina ang pag-aakyat


sa iyo sa langit, katawan at kaluluwa, ay katangi-tanging biyaya
para sa iyo at para sa amin na iyong mga anak at iyong mga
kapwa tao. Ang paghirang ng Diyos sa iyo upang maging Ina ng
Mananakop at Tagapagligtas, maging Ina ng Diyos, at ang kalinis-
linisang paglilihi sa iyo ng iyong ina na si Santa Ana ay
maliwanag na patunay ng Diyos ng pagmarapat Niya sa iyo
upang ikaw ay iakyat ng iyong Bugtong na Anak kapiling Niya sa
langit. Pinupuri at pinasasalamatm namin ang Tatlong Persona sa
Iisang Diyos sa pagpapanatili sa kalinis-linisang paglilihi sa iyo at
sa iyong pagiging dalisay na pagkaina. Sumasamo ako sa iyo na
tulungan ako, Ama at ipamagitan sa iyong Bugtong na Anak na
panatilihin ang aking puso at kaluluwa na dalisay at ligtas sa
kasalanan katulad ng pagpapanatili Niya sa kadalisayan ng mga
birhen na sumunod sa halimbawa Niya at sa iyong mga yapak.
Panatilihin mo akong malinis sa isip, sa wika at sa gawa upang, sa
pagsunod sa iyong Anak at pagtulad sa iyo dito sa lupa, purihin,
sambahin at ibigin ko ang Diyos at parangalan at igalang kita
nang walang maliw sa langit na tahanan ng lahat ng nananalig at
nagtitiwala sa Kanya. Amen.

PAGDARASAL NG SANTO ROSARYO

Mga Misteryo sa Tuwa


(Lunes, Sabado at mga Linggo ng Adbiyento)
l. Ang pagbati ng Arkanghel Gabriel kay Maria tungkol sa
pagsisilang niya kay Jesus
2. Ang pagdalaw ni Maria sa kanyang pinsang si Isabel
3. Ang kapanganakan ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si
Jesu-Kristo
4. Ang paghahandog ng Sanggol na si Jesus sa Templo
5. Ang pagkakita sa Batang Jesus nina Maria at Jose sa Templo

Mga Misteryo ng Liwanag


(Huwebes)
1. Ang pagbibinyag kay Jesus sa Ilog-Jordan
2. Ang pagpapahayag ni Jesus ng sarili sa kasalanan sa Cana
3. Ang pagpapahayag ng pagdating ng Kaharian ng Diyos
4. Ang pagbabagong-anyo ng Panginoon
5. Ang pagtatatag ng Eukaristiya

Mga Misteryo sa Hapis


(Martes, Biyernes at mga Linggo ng Mahal na Araw)
l. Ang matinding paghihirap ni Kristo sa Halamanan ng
Getsemani
2. Ang paghampas kay Jesus na nagagapos sa haliging bato
3. Ang pagpuputong ng koronang tinik sa ulo ni Jesus
4. Ang pagpapasan ni Jesus ng Krus
5. Ang pagpapako at pagkamatay ng ating Panginoong Jesu-
Kristo sa Krus

Mga Misteryo sa Luwalhati


(Miyerkules, at Linggo na hindi sakop ng Adbiyento at Mahal na Araw)
l. Ang pagkabuhay na mag-uli ng ating Panginoong Jesu-Kristo
2 Ang pag-akyat sa langit ng ating
Panginoong Jesu-Kristo
3. Ang pagbaba ng Espiritu Santo sa mga Apostol noong
Pentekostes
4. Ang maluwalhating pag-aakyat sa langit kay Maria
5. Ang pagpuputong ng korona sa Mahal na Birhen Maria bilang
Reyna ng langit at lupa

LITANYA SA KARANGALAN NG MAHAL NA BIRHEN MARIA

Panginoon, kaawaan Mo kami. Panginoon, kaawaan Mo kami.


Kristo, kaawaan Mo kami. Kristo, kaawaan Mo kami.
Panginoon, kaawaan Mo kami. Panginoon, kaawaan Mo kami.
Kristo, pakinggan Mo kami. Kristo, pakapakinggan Mo kami.
Diyos Ama sa langit, Kaawaan Ninyo kami.
Diyos Anak na mmubos sa sanlibutan, Kaawaan Mo kami.
Diyos Espiritu Santo, Kaawaan Mo kami.
Kabanal-banalang Tatlong Persona sa iisang Diyos, Kaawaan
Ninyo kami.
Santa Maria *Ipanalangin mo kami.
Santang Ina ng Diyos*
Santang Birhen ng mga birhen*
Ina ng Kristo*
Ina ng Simbahan*
Ina ng awa*
Ina ng grasya ng Diyos*
Ina ng pag-asa*
Inang kasakdal-sakdalan*
Inang walang malay sa kahalayan*
Inang 'di malapitan ng masama*
Inang kalinis-linisan*
Inang ipinaglihi na walang kasalanan*
Inang kaibig-ibig*
Inang kahanga-hanga*
Ina ng mabuting kahatulan*
Ina ng Maylikha*
Ina ng Mananakop*
Birheng kapaham-pahaman*
Birheng dapat igalang*
Birheng lalong dakila*
Birheng makapangyayari*
Birheng maawain*
Birheng matibay na loob sa magaling*
Salamin ng katuwiran*
Luklukan ng karunungan*
Simula ng tuwa namin*
Sisidlan ng kabanalan*
Sisidlan ng bunyi at bantog*
Sisidlan ng bukod-tanging kataimtiman*
Rosang bulaklak na di mapuspos ng bait ng tao ang halaga*
Tore ni David*
Toreng garing*
Bahay na ginto*
Kaban ng Tipan*
Pinto ng langit*
Talang maliwanag*
Mapagpagaling sa mga maysakit*
Tanggulan ng mga taong makasalanan*
Aliw ng mga nangingibang-bayan*
Mapang-aliw sa mga nagdadalamhati*
Mapag-ampon sa mga Kristiyano*
Reyna ng mga anghel*
Reyna ng mga Patriarka*
Reyna ng mga Propeta*
Reyna ng mga Apostol*
Reyna ng mga Martir*
Reyna ng mga Kumpesor*
Reyna ng mga Birhen*
Reyna ng lahat ng mga Santo*
Reynang ipinaglihi na di nagmana ng salang orihinal*
Reynang iniakyat sa langit*
Reyna ng Kabanal-banalang Rosaryo*
Reyna ng kapayapaan*
Reyna ng pamilya*

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan


Patawarin Mo kami, O Panginoon.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Dinggin Mo kami, O Panginoon.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Kaawaan Mo kami, O Panginoon.

ABA PO SANTA MARIANG REYNA

Lahat: Aba po, Santa Mariang Reyna, Inang Awa, ikaw po ang
aming kabuhayan at katamisan, Aba, pinananaligan ka namin.
Ikaw nga po ang tinatawagan naming mga pinapanaw na taong
anak ni Eba. Ikaw rin ang pinagbubuntuhang hininga namin ng
aming pagtangis dito sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay, aba,
pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga mata mong
maawain, at saka, kung matapos yaring pagpanaw namin, ay
ipakita mo po sa amin ang iyongAnak na si Jesus. Santa Maria, Ina
ng Diyos, maawain, maalam, at matamis na Birhen.

Namumuno: Ipanalangin mo kami, O Santang Ina ng Diyos.


Lahat: Nang kami ay maging dapat makinabang sa mga pangako
ni JesuKristong Panginoon namin.

Namumuno: Manalangin tayo.

O Diyos, na ang kaisa-isa Ninyong Anak, sa pamamagitan ng


Kanyang buhay, pagkamatay at pagkabuhay na mag-uli ay
ipinagtamo sa amin ang gantimpalang buhay na walang hanggan,
ipagkaloob po Ninyo, isinasamo namin, na sa pagninilay nitong
mga misteryo ng kabanal-banalang Rosaryo ng pinagpalang
Dirheng Maria, matularan namin ang kanilang nilalaman, at
makamtan namin ang kanilang ipinangangako. Sa pamamagitan
ni Kristong aming Panginoon.

Lahat: Amen.

DALIT SA MAHAL NA BIRHEN

Aba, bituin sa dagat


Sa karagatan sumikat
Hulugi kami ng sinag
Ningning mong walang katulad.
Ikaw nga ang paraluman
Nagturo sa lalawigan.

Kami'y iyong pakikinggan


Birheng Ina ng Caysasay.

Kami po'y iyong hinatdan


Kayamanang di mabilang
Ayon sa aming kawalan
Karukha’t kasalatan.
Yayamang iyong ginawaran
Ng kayamanan mong lulan.

Kami'y iyong pakikinggan


Birheng Ina ng Caysasay.
Sa amin ka napakita’t
Napahuli ka sa dala.
Amin kang napalakaya
Tuwang totoo’t ginhawa.
Yayamang pinagsapalaran
Birhen iyong karikitan.
Kami 'y iyong pakikinggan

Kami'y iyong pakikinggan


Birheng Ina ng Caysasay.

Sa balong mahal ng tubig


Naaninaw katt nalirip
Nang sa amin mo ilawig
Kagamutang di maiisip.
Yayamang kamity kinalugdan
Naiibig mong tahanan.

Kami'y iyong pakikinggar,


Birheng Ina ng Caysasay.

O mapagkalingang Ina
Maawain at madatna
Pintakasing mapag-adya
Sa amin kapagkaraka.
Yayamang dati mong kinawal
Kami’y kampon mo ring tunay.

Kami'y iyong pakikinggan


Birheng Ina ng Caysasay.
Ipagbunyi't ipagbantog
Ng tao sa sansinukob
Bagsik at awa mong lubos
Sa amin mo ibinuhos.
Yayamang puno ka't bukal
Kaginhawahan ng lahat.

Kami 'y iyong pakikinggan


Birheng Ina ng Caysasay.

Alulod kang kalubusan


Ng Diyos na buong kabagsikan
Pinatay at pinugutan
Buhay ay pinahiram.
Yayamang ikaw ay pinagtakhan
Inapi sa 'yong kamatayan.

Kami 'y iyong pakikinggan


Birheng Ina ng Caysasay

Ang bagay-bagay na sakit


Daig din iyong bagsik
Mapaparam napapalis
Sa taong nananalig.
Yayamang lunas ka ngang tunay
Pangugaw ng sakit at singaw.

Kami'y iyong pakikinggan


Birheng Ina ng Caysasay.
Kakulanga’y iyong punuin
Ng kapos na loob namin Iyo rin,
Poon, tanggapin Aming idinadalangin.
Yayamahg ikaw ay sakdalan
Lahat ng nakadaramdam.

Kami'y iyong pakikinggan


Birheng Ina ng Caysasay.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Namumuno: O kaibig-ibig at katamis-tamisang Birhen Maria,


mapang-aliw sa mga nagdadalamhati, mapagpagaling sa mga
maysakit, kaligayaha't katuwaan ng sangkatauhan, kasinta-
sintahing Ina naming mga pinapanaw na taong anak ni Eba, ako
po ay dumudulog sa iyo o katulad ng paglapit ng isang
naghihinagpis at nagdadalang-lumbay sa kanyang mangaaliw, ng
isang maysakit sa kanyang Ina, ng isang ulila sa kanyang
tagapagsanggalang, at nagsusumamo sa iyo sapagkat ikaw ang
aking tagapagtanggol, upang kupkupin ako sa iyong pag-iingat at
ipamagitan ako sa iyong ginigiliw na Anak, upang hatulan Niya
ako batay sa Kanyang awa at habag, at di ayon sa nararapat
lamang sa aking di mabilang na mga kasalanan. Ilingon mo po sa
akin ang iyong mga matang maawain at padaluyin sa akin ang
lahat ng mga biyaya na kinakailangan ng iyong abang alipin, na
naghahangad paglingkuran ka nang walang maliw. Amen.
PAGBABASBAS

Namumuno: Pagpalain nawa tayo ng makapangyarihang Diyos:


Ama at Anak at Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.

PANGWAKAS NA AWIT

IMNO NG CAYSASAY
O Birhen ng Caysasay, O Ina naming mahal,
Salamin ng katanrngan, Reyna ng kapayapaan
Kami'y napakukupkop nananalig na tunay
Bayang Pilipinas di mo pababayaan;
Sa kinasasadlakang dusa’t kahirapan
Bunga ng dahas at ng kasakiman,
Kami'y nagsisikap bumangon, manangan
Sa iyo, O Ina ng pagmamahal!

Mga Batangueño nawa ay manguna


Sa pagbabalik-loob at pagtatalaga
Ng sariling buhay sa Banal na Eukaristiya’t
Pagbabayad-puri sa sama at sala.
O Birhen ng Caysasay, Mahal naming Reyna,
Sa Anak mong mahal dalhin mo sana
Pagsamo at hibik ng bayang nagdurusa
Upang mapalitan ng ginhawa’t ligaya.
ANG PUSO KO’Y NAGPUPURI
Ang puso ko'y nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon
Nagagalak ang aking espiritu sa 'king Tagapagligtas.

Sapagkat nilingap N'ya kababaan ng Kanyang alipin


Mapalad ang pangalan ko sa lahat ng mga bansa
Sapagkat gumawa ang Poon ng mga dakilang bagay
Banal sa lupa't langit ang pangalan ng Panginoon.

Ang puso ko'y nagpupuri,…………

At kinahahabagan Nya ang mga sa Kanya’y may takot


At sa lahat ng salinlahi ang awa N'yaty walang hanggan
At ipinakita Nya ang lakas ng Kanyang bisig
At ang mga palalo’y pinangalat ng Panginoon.

Ang puso ko'y nagpupuri,…………

Ibinulid sa upuan ang mga makapangyarihan


Itinampok, itinaas ang mga mabababang-loob
At Kanya namang binusog ang mga nangagugutom
Pinaalis walang dala ang mayamang mapagmataas.
Ang puso ko'y nagpupuri,…………

Inampon N’ya ang Israel na Kanyang aliping hinirang


Sa dakila N'yang pagmamahal at dala ng laking awa N'ya
Ayon sa ipinangako N'ya sa ating mga magulang
Kay Abraham at lipi N'ya at ito'y sa magpakailanman.
Ang puso ko'y nagpupuri,…………

Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo


Kapara noong unang-una, ngayon at magpakailanman.

Ang puso ko'y nagpupuri,…………

INANG MINAMAHAL
Inang minamahal,
si Jesus sa iyo 'sinilang.
Inang sinisinta,
ang Diyos sa 'yo nagpala.

Inang minamahal,
kay Jesus kami Yong ialay.
Ilaan sa Kanyang kaharian
upang Diyos ay maparangalan.
Ilaan sa Kanyang kaharian
upang kapwa’y mapaglingkuran.
Inang minamahal
ni Jesus naming Mananakop,
Inang sinisinta
ng lahät mong mga anak,
Nawa’y ilawan mo
ang landas naming tatahakin
Kaligtasan namin at pag-asa
tulong ng iyong panalangin.
Sa harap ng aming kamatayan,
O Ina, kami’y Yong aliwin.

Inang minamahal,
kalingain kami’t turuan
na matularan ka
sa iyong laging paglingap.
Buksan aming kamay
sa’ming kapwang baon sa hirap.
Sa kanyang kalayaan at buhay
maialay ang pagsisikap.
At higit, kung ito'y kailangan,
katawa't buhay man itaya.

MGA AWITIN

INANG SAKDAL LINIS


Inang sakdal linis, kami ay ihingi
Sa D 'yos Ama namin awang minimithi.

Refrain: Ave, ave, ave Maria


Ave, ave, ave Maria.

Bayang tinubua’y ipinagdarasal


At kapayapaan nitong sanlibutan.
(Repeat Refrain)
O INANG KAIBIG-IBIG
O Inang kaibig-ibig,
lunas ng humihibik.
Birheng Reynang sakdal-linis,
tulong mo ay ilawit.

O Ina, 'yong damayan,


kami ay kahabagan.
Sa lahat ng kasawian,
kami ay saklolohan.

BIRHENG MAHAL
Birheng mahal, Birheng mahal
Di nais ang kayamanan
At tuwang napaparam,
O Birheng mahal, Birheng mahal,
Ang samo ko'y ito
Si Jesus na kalong mo sa bisig
Ligaya ng buhay ko.

Birheng mahal, Birheng mahal


Dagat itong buhay
Ang 'yong Anak ay itanglaw,
At nang di maligaw;
At Birheng Mahal, Birheng Mahal
Ang nais ko'y ito:
Sa hantungan nitong paglalakbay
Si Jesus ay makamtan.
ANG PAGDALAW
Binati kapagdaka ni Sabel si Maria
Aniya ay mapalad ka sa tanang dalaga
Mapalad ring totoo ang bunga mo:
Jesus Hari ng sangmundo sasakop sa tao.

Si Maria ay nagsabi: Ako'y nagagalak


Ngunit sadyang pinili ng D'yos na Poon natin
Tunay akong mapalad sa lahat ng mga salinlahi.

Puso ko'y nagpupuri, espiritu'y nagagalak


bahil sa maawaing D'yos, aking Tagapagligtas
At dahil din sa ginawang mga dakilang bagay
Pangalan ng Panginoon kabanal-banalan.

BIRHENG MARIA, TALA SA UMAGA


Birheng Maria, tala sa umaga
Noon pa man ay itangi ka.
Ang 'yong liwanag ang takdang lulupig
Kay Satanas, tao'y ililigtas.

Refrain:
lyong tunghan kaming nananambitan
At ang lupang iyong tinapakan.
Tulong mo'y ilawit sa 'min, Maria.
Ngayon at sa aming kamatayan.

Ang kalinisan mo'y iginagalang


Naming mahina't makasalanan.
Awa ng Diyos ang aming kahilingan
Birheng Maria, kami'y tulungan.
(Repeat Refrain)

ABA GINOONG MARIA


Aba Ginoong Maria
napupuno ka ng grasya,
ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
at pinagpala naman
ang iyong Anak na si Jesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos,


ipanalangin mo kaming makasalanan,
ngayon at kung kami'y mamamatay.
Amen.

IMNO NG CAYSASAY

O Birhen ng Caysasay, O Ina naming mahal,


Salamin ng katarungan, Reyna ng kapayapaan,
Kami'y napakukupkop nananalig na tunay
Bayang Pilipinas di mo pababayaan;
Sa kinasasadlakang dusa't kahirapan
Bunga ng dahas at ng kasakiman,
Kami'y nagsisikap bumangon, manangan Sa iyo,
O Ina ng pagmamahal!
Mga Batangueño nawa ay manguna
Sa pagbabalik-loob at pagtatalaga
Ng sariling buhay sa Banal na Eukaristiya't
Pagbabayad-puri sa sama at sala.
O Birhen ng Caysasay, Mahal naming Reyna,
Sa Anak mong mahal dalhin mo sana
Pagsamo at hibik ng bayang nagdurusa
Upang mapalitan ng ginhawa't ligaya.

You might also like