Professional Documents
Culture Documents
PAGSISISI
O Diyos ko ikinalulumbay ko nang buong puso ang tanang kasalanan ko, hindi lamang sapagkat dahil sa
kanila’y nawalan ako ng karapatan sa biyaya Mo at naging dapat ako sa Iyong matuwid na parusa dito at
sa kabilang buhay, kundi lalung-lalo na dahil nilapastangan kita, Ikaw Diyos na kataas-taasan, kabanal-
banalan at lubhang kaibig-ibig, na ngayon ay iniibig ko higit sa lahat ng bagay. Aking kinapopootan at
ngayo’y gumagawa ako ng isang mataimtim na pagtitika na di na muling magkakasala sa Iyo, Diyos na
kaibig-ibig, at lalayuan ko na ang anumang maaaring maging daan ng ipagkakasala. Amen.
Mahal naming Padre Pio, sa loob ng limampung taon binata mo ang mga sugat ng Panginoong
Hesukristo. Buong puso mo itong tiniis bilang handog alang-alang sa marami. Taglay-taglay ang korona
ng tinik patuloy ka pa ring nakikiramay, nangangaral at nananalangin para sa amin. Ipamagitan mo ako
sa ating Ama sapagkat kayo na rin ang nagsabi, “Kung paano ang kuwintas na perlas ay pinagdurugsong
ng sinulid, ganoon din ang kabutihan ay pinag-uugnay ng pag-ibig; at kung paano nagkakawasak-wasak
ang kuwintas ng perlas kung ang sinulid ay napatid, ganoon din ang kabutiha’y nawawala kung
nababawasan ang pag-ibig.” Amen.
O Diyos, ibinigay Mo sa Iyong Santong si Padre Pio ng Pietrelcina, isang Capuchinong pari, ang malaking
karangalang makibahagi nang katangi-tangi sa Pagpapakasakit ng Iyong Anak. Ipagkaloob Mo sa akin, sa
pamamagitan ng panalangin ni Padre Pio ang biyayang tunay kong hinihiling ... ganoon pa man, ang
tangi kong hiling ay ang mamuhay nang naaayon sa kamatayan ni Hesus at ang marating na maluwalhati
ang Kanya ring Muling Pagkabuhay. Amen.
Papuri... (3×)
1. Hesus ko, sinabi Mo: "Tunay Kong sinasabi sa inyo, humingi kayo at kayo ay bibigyan, maghanap kayo
at kayo ay makatatagpo, kumatok kayo at kayo ay pagbubuksan." Narito akong kumakatok, naghahanap
at humihingi ng biyayang...(banggitin ang mga kahilingan)
Ama Namin...
Papuri...
2. Hesus ko, sinabi Mo: "Tunay Kong sinasabi sa inyo, anuman ang hilingin ninyo sa Ama sa aking
Pangalan ay ipagkakaloob Niya sa inyo." Sa Ngalan Mo, narito akong humihiling sa Ama ng biyayang...
(banggitin ang mga kahilingan)
Ama Namin...
Papuri...
3. Hesus ko, sinabi Mo: "Tunay Kong sinasabi sa inyo, lilipas ang langit at lupa ngunit hindi ang salita Ko."
Pinasigla ng Iyong di mababaling salita, hinihiling ko ngayon sa Iyo ang biyayang... (banggitin ang mga
kahilingan)
Ama Namin...
Papuri...
Mahal na Puso ni Jesus, Ikaw na di maaaring hindi magdalang-habag sa mga nalulumbay, kaawaan Mo
kaming mga abang makasalanan at ipagkaloob Mo sa amin ang biyayang isinasamo namin sa Iyo, sa
pamamagitan ng namimighati at malinis na Puso ni Maria, ang magiliw Mong Ina, at amin ding Ina.
Sta. Maria, Ina ng lahat ng inampong anak ni Padre Pio, ipanalangin mo kami.
Ipanalangin mo kami banal na Santo Pio ng Pietrelcina, nang kami ay maging dapat makinabang sa
pangako ni Hesukristong Panginoon.
Manalangin tayo,
O Diyos naming Ama, ipinagkaloob Mo sa amin si San Pio na maging tanda ng Iyong presensya at
daluyan ng Iyong biyaya sa aming kapanahunan. Nawa kaming mga inampon niyang mga anak ay
matularan ang mga halimbawa ni Padre Pio at maging matapat na saksi sa misteryo Paskwal ni
Hesukristo na aming Panginoon. Sa pamamagitan ng kanyang mga panalangin sa aming kabutihan, itulot
Mo na kami rin ay maging kaaliwan ng mga nahihirapan, maging gabay ng mga naliligaw at matapat na
lingkod ng Iyong Simbahan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon.
Amen.
Panginoong Hesus sinabi Mo, hindi Ka naparito para sa mga walng karamdaman, bagkus naparito Ka
upang damayan kaming may karamdaman, kaming pinahihirapan ng aming kahinaan, kaming ang
katawan, puso’t kaluluwa ay sugatan.
O Hesus, batid naming walang karamdamang hindi Mo napagagaling lalo na’t ito’y Iyong loloobin. Batid
din naming gayon na lamang ang pag-ibig Mo sa amin, kung kaya kahit ang Iyong buhay ay Iyong inialay
alang-alang sa katubusan namin mula sa anumang sa ami’y umaalipin.
O Hesus, ako’y naninikluhod sa Iyong harapan, hiling ko’y aking kagalingan. Hilumin Mo ang aking
sugatang kaluluwa, diwa’t katawan.
Hesus ko, Hesus ko, matagal na akong nagdurusa, mahabag Ka sa akin. Sa isang salita Mo lamang ako’y
gagaling na.
Mahal naming Ama, masagana Mong pinagpala ang Iyong lingkod na si Padre Pio ng Pietrelcina ng mga
biyaya ng Espiritu Santo. Pinagbata Mo ang kanyang katawan ng limang sugat ng Panginoong Hesus na
napako sa krus bilang makapangyarihang saksi ng Kaligtasang dulot ng pagpapakasakit at kamatayan ng
Iyong Anak. Puspos ng biyaya ng karunungan, si Padre Pio ay walang humpay na nagpakumpisal para sa
ikaliligtas ng mga kaluluwa. Puspos ng pamimitagan, pananalig at pag-ibig sa Banal na Misa, inanyayahan
niya ang marami na lumapit kay Hesus sa banal na sakramento ng Eukaristiya.
Sa pamamagitan ng panalangin ni Padre Pio, Ama, ako ay umaasang ipagkakaloob Mo sa akin ang
biyayang ito: (banggitin ang intensyon o kahilingan). Amen.