You are on page 1of 78

Salmo 103, 1-2a. 5-6.

10 at
12. 13-14. 24 at 35k
Salmong Tugunan
Espiritu mo’y
suguin, Poon,
tana’y ‘yong
baguhin!
Pinupuri ka, Poong Diyos,
nitong aking kaluluwa
ikaw Panginoong Diyos ko, kay
dakila mong talaga!
Ang taglay mong kasuuta’y
dakila ri’t marangal pa.
Nababatbat ka, Poong Diyos,
ng liwanag na kay ganda.
Salmong Tugunan
Espiritu mo’y
suguin, Poon,
tana’y ‘yong
baguhin!
Ikaw na rin ang nagtayo ng
saligan nitong lupa,
matatag na ginawa mo’t hindi
ito mauuga.
Ang ibabaw ng saliga’y ginawa
mong karagatan,
at tubig din ang bumalot sa
lahat ng kabundukan.
Salmong Tugunan
Espiritu mo’y
suguin, Poon,
tana’y ‘yong
baguhin!
Lumilikha ka ng ilog na
patungong kapatagan,
sa gilid ng mga burol, umaagos
na marahan.
Sa naroong kakahuya’y
umaawit ng masaya,
mga ibo’y nagpupugad sa
malabay nilang sanga.
Salmong Tugunan
Espiritu mo’y
suguin, Poon,
tana’y ‘yong
baguhin!
Magmula sa kalangitan, mga bundok
ay nadilig,
ibinuhos ang biyaya’t lumaganap sa
daigdig.
Tumubo ang mga damong pagkain ng
mga baka.
Nagkaroon ng halamang masaganang
namumunga;
anupa’t ang mga tao’y may pagkaing
nakukuha.
Salmong Tugunan
Espiritu mo’y
suguin, Poon,
tana’y ‘yong
baguhin!
Sa daigdig, Panginoon, kay rami ng
iyong likha
pagkat ikaw ay marunong kaya ito ay
nagawa,
ang dami ng nilikha mong
nakalaganap sa lupa
Panginoo’y purihin mo, purihin mo,
kaluluwa!
Purihin ang Panginoon, o purihin mo
nga siya!
Salmong Tugunan
Espiritu mo’y
suguin, Poon,
tana’y ‘yong
baguhin!
Salmo 15, 5 at 8. 9-10. 11
Salmong Tugunan
D’yos ko, ang
aking dalangi’y
ako’y iyong
tangkilikin!
Ikaw lamang, Panginoon, ang lahat
sa aking buhay. Ako’y iyong
tinutugon sa lahat kong kailangan;
ang biyayang kaloob mo ay
kahanga-hangang tunay.Nababatid
ko na ika’y kasama ko oras-oras,
sa piling mo kailanma’y hindi ako
matitinag.
Salmong Tugunan
D’yos ko, ang
aking dalangi’y
ako’y iyong
tangkilikin!
Kaya’t ako’y nagdiriwang, ang diwa
ko’y nagagalak,
ang lagi kong nadarama’y hindi ako
matitinag.
Pagkat di mo tutulutang ang mahal
mo ay malagak,
sa balon ng mga patay upang doon
ay maagnas.
Salmong Tugunan
D’yos ko, ang
aking dalangi’y
ako’y iyong
tangkilikin!
Ituturo mo ang landas na buhay
ang hahantungan,
sa piling mo’y madarama ang lubos
na kagalakan;
ang tulong mo’y nagdudulot ng
ligayang walang hanggan.
Salmong Tugunan
D’yos ko, ang
aking dalangi’y
ako’y iyong
tangkilikin!
Exodo 15, 1-2. 3-4. 5-
6. 17-18
Salmong Tugunan
Poon ay ating awitan,
Poon ay ating awitan,
sa kinamtan
n’yang tagumpay!
Ang Panginoo’y atin ngayong awitan,
sa kanyang kinamtang Dakilang
tagumpay; ang mga kabayo’t kawal ng
kaaway sa pusod ng dagat, lahat
natabunan. Ako’y pinalakas niya’t
pinatatag, siya ang sa aki’y
nagkupkop, nag-ingat,
Diyos ng magulang ko, aking
manliligtas.
Salmong Tugunan
Poon ay ating awitan,
Poon ay ating awitan,
sa kinamtan
n’yang tagumpay!
Siya’y mandirigma na walang
kapantay,
Panginoo’y kanyang pangalan.
Nang ang mga kawal ng Faraon
sa Dagat ng mga Tambo ay
mangagsilusong, ang lahat ng ito ay
kanyang nilunod pati na sasakya’y
kanyang pinalubog.
Salmong Tugunan
Poon ay ating awitan,
Poon ay ating awitan,
sa kinamtan
n’yang tagumpay!
Sila’y natabunan ng alon sa dagat,
tulad nila’y batong lumubog kaagad.
Ang mga bisig mo ay walang katulad,
wala ngang katulad, walang
kasinlakas,
sa isang hampas mo, kaaway
nangalat,
nangadurog mandin sa ‘yong mga
palad.
Salmong Tugunan
Poon ay ating awitan,
Poon ay ating awitan,
sa kinamtan
n’yang tagumpay!
Sila’y dadalhin mo sa pinili mong
bundok.
Sa lugar na itinangi mo, para maging
iyong lubos
at sa santwaryong natayo ayon sa
iyong loob.
Ikaw, Poon, maghahari
magpakailanman.
Salmong Tugunan
Poon ay ating awitan,
Poon ay ating awitan,
sa kinamtan
n’yang tagumpay!
Salmo 29, 2 at 4. 5-6.
11 at 12a at 13b
Salmong Tugunan
Poong sa aki’y
nagligtas, ang
dangal Mo’y aking
galak!
O Panginoon ko,
sa iyong ginawa, kita’y pinupuri’t
ako’y iniligtas,
kaya ang kaaway ay di na nakuhang
matuwa’t magalak.
Mula sa libingang daigdig ng patay,
hinango mo ako at muling binuhay;
ako, na kasama nilang napabaon sa
kailaliman.
Salmong Tugunan
Poong sa aki’y
nagligtas, ang
dangal Mo’y aking
galak!
Purihin ang Poon, Siya ay awitan ng lahat
ng tapat na mga hinirang. Iyong gunitain
ang mga ginawa ng Diyos na Banal, ang
kanyang ginawa ay alalahanin at
pasalamatan! Hindi nagtatagal yaong
kanyang galit, at ang kabutihan niya’y
walang wakas. Ang abang may hapis at
tigmak sa luha sa buong magdamag, sa
bukang-liwayway ay wala nang lungkot,
kapalit ay galak.
Salmong Tugunan
Poong sa aki’y
nagligtas, ang
dangal Mo’y aking
galak!
Kaya’t ako’y dinggin,
Ikaw ay mahabag sa akin, O Poon, ako ay
pakinggan,
mahabag ka, Poon! Ako ay dinggin mo at
iyong tulungan.
Nadama ko’y galak nang iyong hubarin
ang aking panluksa.
Sa pasasalamat sa iyo, O Poon, ay di
magsasawa.
Salmong Tugunan
Poong sa aki’y
nagligtas, ang
dangal Mo’y aking
galak!
Isaias 12, 2-3. 4bkd. 5-6
Salmong Tugunan

May galak tayong


sumalok sa batis
ng Manunubos!
Ang Diyos ang siyang nagliligtas sa akin,
tiwalang-tiwala ako at wala munti mang
pangamba.
Sapagkat ang Poon ang lahat sa akin,
Siya ang aking awit, ang aking kaligtasan.
Malugod kayong sasalok ng tubig
sa batis ng kaligtasan.
Salmong Tugunan

May galak tayong


sumalok sa batis
ng Manunubos!
Magpasalamat kayo sa Poon,
Siya ang inyong tawagan;
ipaalam ninyo sa mga bansa ang kanyang
ginawa.
Ipahayag ninyo ang kadakilaan ng
kanyang pangalan.
Salmong Tugunan

May galak tayong


sumalok sa batis
ng Manunubos!
“Umawit kayo ng papuri sa Poon,
sapagkat kahanga-hanga ang kanyang
mga ginawa,
ipinahayag ninyo ito sa buong daigdig.
Mga anak ng Sion, umawit kayo nang
buong galak,
sapagkat nasa piling ninyo ang dakila at
ang Banal ng Israel.”
Salmo 18, 8. 9. 10. 11
Salmong Tugunan
Panginoon, Iyong
taglay ang
Salitang
bumubuhay!
Ang batas ng Panginoon ay batas na
walang kulang,
ito’y utos na ang dulot sa tao ay bagong
buhay;
yaong kanyang mga batas ay
mapagtitiwalaan,
nagbibigay ng talino sa pahat ang
kaisipan.
Salmong Tugunan
Panginoon, Iyong
taglay ang
Salitang
bumubuhay!
Ang tuntuning ibinigay ng Poon ay
wastong utos,
liligaya ang sinuman kapag ito ang
sinunod;
ito’y wagas at matuwid pagkat mula ito sa
Diyos,
pang-unawa ng isipan yaong bungang
idudulot.
Salmong Tugunan
Panginoon, Iyong
taglay ang
Salitang
bumubuhay!
Yaong paggalang sa Poon ay marapat at
mabuti,
isang banal na tungkulin na iiral na parati;
pati mga hatol niya’y matuwid na
kahatulan,
kapag siya ang humatol, ang pasya ay
pantay-pantay.
Salmong Tugunan
Panginoon, Iyong
taglay ang
Salitang
bumubuhay!
Ito’y higit pa sa gitna, na maraming
nagnanais,
higit pa sa gintong lantay na ang hangad
ay makamit;
matamis pa kaysa pulot, sa pulot na
sakdal tamis,
kahit anong pulot ito na dalisay at malinis.
Awit 50
Salmong Tugunan

D’yos ko sa aki’y
likhain tapat na
puso’t loobin!
Isang pusong tapat sa aki’y likhain,
bigyan mo, O Diyos, ng bagong
damdamin. Sa iyong harapa’y h’wag
akong alisin; ang espiritu mo ang
papaghariin.
Salmong Tugunan

D’yos ko sa aki’y
likhain tapat na
puso’t loobin!
Ang galak na dulot ng ‘yong
pagliligtas, ibalik at ako ay gawin
mong tapat. Kung magkagayon na,
aking tuturuang
Salmong Tugunan

D’yos ko sa aki’y
likhain tapat na
puso’t loobin!
Hindi mo na nais ang mga
panghandog; sa haing sinunog di ka
nalulugod. Ang handog ko, O Diyos, na
karapat-dapat ay ang pakumbaba’t
pusong mapagtapat.
Salmong Tugunan

D’yos ko sa aki’y
likhain tapat na
puso’t loobin!
Salmo 117, 1-2. 16ab-
17. 22-23
Salmong Tugunan

Aleluya!
Aleluya!
Aleluya!
O pasalamatan
ang D’yos na Panginoon, pagkat siya’y
mabuti;
ang kanyang pag-ibig
ay napakatatag at mananatili.
Ang taga-Israel,
bayaang sabihi’t kanilang ihayag,
“Ang pag-ibig ng Diyos, ay hindi
kukupas.”
Salmong Tugunan

Aleluya!
Aleluya!
Aleluya!
Ang lakas ng Poon,
ang siyang nagdulot ng ating
tagumpay
sa pakikibaka sa ating kaaway.
Aking sinasabing
di ako papanaw, mabubuhay ako
upang isalaysay
ang gawa ng Diyos na Panginoon ko.
Salmong Tugunan

Aleluya!
Aleluya!
Aleluya!
Ang batong natakwil
ng nangagtatayo ng tirahang-bahay,
sa lahat ng bato’y higit na mahusay.
Ang lahat ng ito
ang nagpamalas ay ang Panginoong
Diyos.
kung iyong mamasdan ay kalugud-
lugod.
Salmong Tugunan

Aleluya!
Aleluya!
Aleluya!

You might also like