You are on page 1of 1

MAGSISIMULA NA PO ANG PANAHON NG ADBIENTO!

Ang panahon ng Adbiyento ay tungkol sa paghihintay at paghahanda para sa Pasko.

Ang apat na Advent candle, tulad ng Advent wreath, ay may mga simbolo rin at kahulugan.

Ang unang kandila ay simbolo ng PAG-ASA bilang paghahanda sa pagdating ng mananakop at ito ay
tinatawag din na Prophet’s candle.

Ang ikalawang kandila naman ay nangangahulugan ng PAG-IBIG at tinatawag naman itong Betlehem’s
candle.

Ang ikatlong kandila na kulay rosas ay tinatawag na Sheperds’ candle na simbolo naman ng KAGALAKAN.
Ito ay sinisindihan sa ikatlong Linggo ng Adbiyento na tinatawag na GAUDETE Sunday o Linggo ng
Kagalakan. Simbolo naman ng KAPAYAPAAN ang ikaapat na kandila na tinatawag na Angels’ candle na
tumutukoy sa pagpapahayag ng kagalakan ng mga anghel sa pagsilang kay Hesus.

Ang ikaapat na Linggo ng Adbiyento ay tinatawag na LAETARE Sunday.

Sa panahon ng Adbiento, ang suot ng mga pari sa pagdaraos ng kanilang pagmimisa ay kulay violet.
Maging sa iba’t ibang ritwal sa simbahan, ang casulla ng pari violet din. Sa kanilang homily, ang mga
mananampalataya ay tinatawagan na maghanda sa pagdating ni Kristo, ang Dakilang Mananakop at
hinihiling na magbago para sa kanilang kabutihan.

Walang nakababatid kung kailan nagsimula ang liturgical Advent. Ngunit sinasabi ng Simbahan na ito’y
ibinatay sa isang synod (pagpupulong) sa Saragosa, Spain noong 380 B.C. Ang Council of Saragosa noon
ay nagsabi na ang Adbiyento ay ang paghahanda ng tatlong linggo para sa kapistahan ng Epiphany o ng
Tatlong Hari. Isang natatanging paghahanda sa mga nagbalik-loob na isinasagawa ng simbahan. At ayon
naman sa ibang historian, ang observance ng Adbiento ng mga Kristiyano ay mababasa sa mga liturgical
book sa Spain at France noong ikaapat na siglo.

You might also like