You are on page 1of 1

Koro:

Krus ng ating kaligtasan dapat nating ikarangal

Sagisag ng kalayaan at ng muling pagkabuhay ni Hesus na ating mahal

1. O D’yos, pagpalain kami’t kahabagan kami Panginoo’y iyong kaawaan, Upang sa daigdig mabatid ng
lahat ang ‘yong kalooban at ang pagliligtas

2. Purihin ka nawa ng lahat ng tao. Purihin ka nila sa lahat ng dako!

3. Kapag ako’y naitaas, aakitin ko ang lahat; nang sa akin ay makaharap upang sila ay maligtas

N. O Reyna ng Langit, magalak ka. Aleluya.

L. Sapagkat ang minarapat mong dalhin sa iyong sinapupunan. Aleluya.

N. Ay nabuhay na mag-uli na gaya ng kanyang sinabi. Aleluya.

L. Ipanalangin mo kami sa Diyos. Aleluya.

N. Matuwa ka at magalak, O Birheng Maria. Aleluya.

L. Sapagkat tunay na muling nabuhay ang Panginoon. Aleluya.

N. Manalangin Tayo

L. O Diyos, na sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ng iyong Anak na si Hesukristong Panginoon


namin, ay minarapat mong paligayahin ang mundo. Hinihiling naming sa iyo na alang-alang sa Birhen
Maria nakanyang Ina, ay makamtan namin ang kaligayahan sa buhay na walang hanggan. Sa
pamamagitan din ni Kristong Panginoon namin.

Amen.

N. Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo.

L. Kapara noong unang-una, ngayon, magpakailan man at magpasawalang hanggan. Amen.

You might also like