You are on page 1of 2

RITU NG PAGBABASBAS NG KORONANG PANG-ADBIYENTO AT PAGSISINDI NG KANDILA

Sa Unang Linggo gaganapin ang pagbabasbas ng Koronang Pang-Adbiyento. Sa susunod na


tatlong Linggo ay pagsisindi na lamang ng kandila. Gaganapin ang pagbabasbas pagkatapos ng
pagbati. Ang pagsisindi ng kandila sa mga susunod na Linggo ay pagkatapos ng pagbati na
susundan ng panalangin ng mga nakatalagang pamilya, samahan o indibidwal.

PAGBABASBAS NG KORONANG PANG-ADBIYENTO

Pari: Mga kapatid, ngayon ay maringal nating sinisimulan ang Panahon ng Adbiyento. Buksan natin
ang ating mga puso sa pag-ibig ng Diyos habang pinaghahandaan natin ang pagdating ni Kristo sa
ating buhay at mga tahanan. Ang mga kandila ng koronang ito ay nagpapa-alala sa atin na si
Hesukristo ay dumating upang pawiin ang kadiliman ng kasalanan at akayin tayo tungo sa liwanang
ng Kanyang maluwalhating paghahari. 

PANALANGIN

Pari: Panginoon naming Diyos, nagagalak ang Iyong sambayanan habang naghihintay sa pagdating
ng Manunubos, na siyang nagbibigay liwanag sa aming mga puso at pumapawi sa kadiliman ng
kasalanan. Puspusin mo ng Iyong pagbabasbas ang mga kandila ng koronang ito; ang mga liwanag
nito ay sumalamin nawa sa kaningningan ni Kristo, na aming Panginoon magpasawalang hanggan. 

Isusunod ang pagsisindi ng unang kandila na susundan ng Panalangin para sa Unang Linggo na
pamumunuan ng pamilya, samahan o indibidwal na nakatalaga.

PANALANGIN SA UNANG LINGGO

Namumuno: O Diyos, aming Ama, naghihintay kami sa Iyong Anak na dumating sa amin. Tulungan
Mo kaming Makita Siya sa Kanyang pagdating sa amin sa mga salita ng Banal na Kasulatan, sa
pagmamahalan ng aming pamilya, sa aming pang-araw-araw na gawain at sa aming paglilingkod sa
bawat isa. Amen.

PANALANGIN SA IKALAWANG LINGGO

Namumuno: O Diyos, aming Ama, pinupuno Mo ang aming mga buhay ng bawat mabuting handog.
Tulungan Mo kaming magbilang ng aming mga biyaya at matagpuan ang kagalakan sa mga
simpleng mga bagay sa aming kapaligiran, at tulutan Mo kaming maging higit na maligaya habang
ang kaarawan ni Hesus ay nalalapit na. Amen. 

PANALANGIN SA IKATLONG LINGGO

Namumuno: Pinakamamahal na Ama, ipinadala Mo ang Iyong Anak upang iligtas ang lahat ng tao.
Ikaw ay tunay na dakila. Tulungan Mo kaming makapagpatawad sa lahat ng mga nakasasakit sa
amin at maging mas maunawain sa mga taong mahirap pakisamahan. Sa ganitong paraan,
maihahanda namin ang aming mga puso upang matanggap ang aming Panginoon at Tagapagligtas.
Hinihiling naming ito sa Iyo, sa Ngalan ng Iyong Anak na si Hesus. 

PANALANGIN SA IKA-APAT NA LINGGO

Namumuno : O Maria, pinakauna kang tumanggap kay Hesus sa iyong puso. Ipanalangin mo kami
sa pagdinig sa Salita at sa pagtanggap sa Kanyang Anak sa aming mga puso. Amen.

You might also like