You are on page 1of 40

Gabay sa Pamimintuho

Maria, Mapag-ampon sa mga Kristiyano

1
Talaan ng Nilalaman
2
I. Pagtatalaga at Pag-aalay kay
Maria, Mapag-ampon sa mga Kristiyano P. 4

II. Panalangin Para Sa Paghilom P. 5

III. Palagiang Panalangin Kay Maria,


Mapag-ampon sa mga Kristiyano P. 7

IV. Pagsisiyam kay Maria, Mapag-ampon


Sa mga Kristiyano P. 15

V. Pagninilay sa Pitong Tuwa ni Maria P. 24

VI. Maikling Kasaysayan ng Debosyon


Kay Maria, Mapag-ampon P. 39

I. Pagtatalaga at Pag-aalay kay


3
Maria, Mapag-ampon sa mga Kristiyano

O Kalinis-linisang Birheng Maria, niloob ng Diyos na ikaw


ay maging Tagapag-ampon ng mga Kristiyano. Ngayon ay
itinatalaga at iniuukol namin ang aming sarili at ang aming
parokya sa iyong Kalinis-linisang Puso. Pangalagaan mo,
Inang kaibig-ibig, ang aming abang pamumuhay. Pabanalin
mo ang kami na sa iyo’y nagmamahal. Ilayo mo kami sa
anumang kapahamakan: ang bawa’t nakapipinsalang sunog,
baha, kidlat at lindol, sampu ng mga magnanakaw at
masasamang-loob. Pagpalain at patnubayan mo kami sa
lahat ng sandali. Pagindapatin mo na kaming lahat, narito
man o wala, ay maligtas sa lahat ng kasamaangpalad. At
higit sa lahat, ipag-adya mo kami sa lahat ng tukso at
kasalanan. Ikaw sana ay maging Reyna ng aming buhay, na
magmula ngayon ay iyong-iyo, magpasawalang-hanggan.
Amen.

(Tahimik na ipanalangin ang sariling intensyon)

Maria, Mapag-ampon sa mga Kristiyano,


Ipanalangin mo kami.

II. Panalangin Para Sa Paghilom

4
Pambungad na Panalngin:

Diyos Ama, mapagkumbaba kaming humihiling na kami’y


hipuin ng iyong mapagpagaling na biyaya. Ipadala po
Ninyo ang inyong banal na espiritu upanag pagalingin ang
aming isip, puso, diwa’t katawan. Ipagkaloob po ninyo nang
sa pagtanggap namin ng kaloob mong lakas at paghilom,
luluwalhatiin namin ang inyong pangalan, ipangangalat
ang inyong kaharian at kami’y magbibigay-patotoo sa
inyong pagpapagaling na habag. Hinihiling namin ito sa
pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen

Jesus Prayer

“HESUS” (dasalin nang mataimtim at malumanay ang kabanal-


banalang pangalan ni Hesus. Gawin ng sampung beses)

Tugon: Maawa ka sa amin

Pangwakas na Panalangin:

O Mahabaging Ama, sa tulong ng kamahal-mahalang puso


ni Hesus at sa kandili ng Mapag-ampong puso ni Maria,
ipagkaloob mo sa amin na paga;lingin ang aming katawan at
kaluluwa. Sa pagdadalisay na aming karamdaman at
pagtanggap ng biyaya mong kagalingan, pagsikpan nawa
naming maging inyong instrumento ng kabuuan at
kagalingan para sa kapwa. Hinihiling namin ito sa ngalan ni
Hesukristo, ang sugatang tagapagpagaling na nabubuhay at
naghahari kasama ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
magpasawalang hanggan. Amen

Pagbabasbas:

5
Pari: Tinubos na kayo ng Panginoon Mula sa kasalanan,
gawaran nawa kayo ng kagalingan, lakas at kaligtasan.

Tugon: Amen.

III. Palagiang Panalangin Kay


Maria, Mapag-ampon Sa Mga Kristiyano
6
(Dinadasal tuwing Huwebes)

Pambungad na Awit:

ARAW-ARAW KAY MARIA


Araw-araw kay Maria
Kami ay nagdarasal
Si Maria aming Reyna
Ibig naming marangal
Kanyang tulong lagi-lagi
Kami ay humihiling
pupurihin naming siya
Tuwing araw at gabi
Kung kami’y nasa panganib
Kay Maria tatakbo
tatawagin naming siya
Kung lalapit ang tukso
O, Maria tutulungan
Kaming nangabubuhay
Kami ay ipanalangin
Kung kami’y mamamatay

(Magsiluhod ang lahat)

Panimula

N: Sa Ngalan (+) ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


B: Amen!

Pagsisisi

N: Mga mamimintuho ni Maria, nagkakatipon tayo ngayon


sa ngalan ng Panginoon at sa Harapan ng banal na larawan
7
ng ating kamahal-mahalang Ina at tagapag-ampon ng mga
Kristiyano. Naparito tayo upang sa pamamagitan niya’y
humingi ng ating kailangan. Upang maging karapat-dapat
sa pagdiriwat at parangal na ito, humingi muna tayo ng
kapatawaran sa Diyos.

B: O Diyos at Ama namin, kami ay nagtitipon ngayon sa


mahal Mong harapan. Ginugunita namin at tinatanggap ang
aming mga pagkakasala, ang aming kapalaluan at
kakulangan sa pag-ibig; ang aming labis na pagpapahalaga
sa sarili at pagkukulang sa ganap na pagtitiwala at
pagpaparangal sa Iyo. Masdan, kami’y lumalapit na taglay
ang pagsisisi at kababaang-loob. Patawarin mo kami,
mapagmahal na Ama. Loobin Mong kami’y makatupad sa
lahat Mong ipinag-uutos upang balang araw ay makamit
namin ang Iyong walang katapusang kaluwalhatian.

N: Mahabaging Ama, magdalang-awa Ka sa Iyong bayang


nagsusumamo sa Iyong Harapan. Patawarin ang aming mga
kasalanan at patnubayan kami sa buhay na walang hanggan.

B: Amen.

Pambungad na Panalangin

Lahat: O Panginoon naming Diyos, hinirang Mo ang banal


na Birheng Maria upang maging aming saklolo at Inang
Mapag-ampon sa mga Kristiyano, sa pamamagitan ng
8
kanyang mga panalangin, patatagin mo ang Iyong Simbahan
upang kanyang mapaglabanan at mapagwagian ang lahat
ng uri ng kasamaan. Nawa’y malaya niyang maipahayag
ang misteryo ni Kristo sa sanlibutan. Hinihiling namin ito sa
ngalan ni Hesukristong aming Panginoon, nabubuhay at
naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, Diyos
magpasawalang hanggan. Amen

Memorare

Alalahanin mo, oh lubhang mahabaging Birhen Maria,


Na kailan ma’y di-narinig na may dumulog sa iyong pag-
aampon, humingi ng Iyong tulong at nagmamakaawa ng
Iyong saklolo, na Iyong pinabayaan.

Dala ng pag-asa na ito, Dumudulog ako sa Iyo oh Birhen ng


mga birhen, aking Ina, sa Iyo ako’y lumalapit,
Sa Iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati.

Oh Ina ng salitang nagkatawang tao,


Huwag mong siphayuin ang aking pagluhog,
ngunit, sa Iyong habag, Pakinggan at tugunin mo ako.
Amen.

Awit (Magsitayo ang lahat)

INANG SAKDAL LINIS

Inang Sakdal linis, kami ay ihingi


Sa D’yos Ama namin, awang minimithi
9
Ave, Ave, Ave Maria
Ave, Ave, Ave Maria

Bayang tinubua’y ipinagdarasal


At kapayapaan nitong Sanlibutan

Ave, Ave, Ave Maria


Ave, Ave, Ave Maria

Mga Panalangin Kay Santa Maria Mapag-ampon

(Magsiluhod ang lahat)

Lahat: O Mariang Mapag-ampon / anak na tunay ng Amang


Kamahalmahalan,/ Ikaw ang itinalaga ng Diyos upang
maging saklolo, at tagapag-ampon sa mga Kristiyano / sa
lahat ng kanilang pangangailangan. / Dahil dito’y sa iyo
lumalapit nang walang humpay ang mga maysakit, / ang
mga dukha sa kanilang kagipitan,/ ang mga
nagdadalamhati sa kanilang kapighatian, /ang mga
naglalayag sa karagatan, ang mga hukbo sa gitna ng
digmaan, /ang mga naglalakbay sa kapanganiban,/ ang
mga naghihingalo sa kinatatakutang sandali ng
kamatayan, / at silang lahat ay nagkakapalad magtamo sa
iyo ng tulong, lakas at kaginhawahan. / Kung gayon ay
tanggapin mo, kung magiging karapat-dapat ang aking mga
pagmamakaawa, O Inang mahabagin / at sa aking
pagsilong sa Iyong pagkukupkop / ay tulungan mo ako
tuwina at alalayan sa lahat ng panganib. / Iligtas mo ako sa
lahat ng masama, / at tuloy ipamagitan ako sa Panginoon /
upang makamtan ko ang biyayang kailangan / lalo na sa
aking pagpanaw dito sa lupa at sa kabilang buhay.

O Birheng Kalinis-linisan / mairuging Ina ng mahal na


Mananakop, / at Tapag-ampon sa mga kristiyano, / dahil sa
iyo ay sumuko ang mga mapang-usig / at sa lahat ng kakila-
10
kilabot na pagsubok ay nagwagi kailanman ang Santa
Iglesya. / Dahil sa iyo / ang mga tao, / ang mga angkan, /
ay nangatubos at nangaligtas sa di mabilang na
kapahamakan,/ pagkat ang mga kaaway ay nagkahati-
hati,/ lumayo ang mga sakit / at sampu ng kamatayan / ay
nagpapalugit kung tinatawagan ang iyong saklolo./
Buhayin mong lalo at papagningasin ang aking pagasa sa
iyo, O Maria, / upang sa lahat ng pangangailangan / ay
mapagkilalang tunay ngang ikaw / ang tumutulong sa mga
tumatawag sa iyo, / ang nagtatanggol sa lahat ng pinag-
uusig, / ang nagbibigay ng lakas sa mga may sakit,/ aliw ng
nalulumbay, / takbuhan ng mga makasalanan / at dahilan
ng pananatili ng mga banal.

O Mariang Mapag-ampon,/ maibiging Esposa ng Espiritu


Santo,/ Inang mahabagin at saklolo ng mga kristiyano, /
naparito ako upang magmakaawa na ako’y tulungan mo./
Iligtas ako sa kasalanan, / at sa lahat ng pakana ng mga
kaaway ng aking kaluluwa at katawan,/ ilayo mo sa akin
ang mga parusang tatanggapin ko, / dahil sa mga sala kong
nagawa / at marapatin mong tumimo sa puso / ang
kabutihan ng iyong pagmamahal at ang iyong
kapangyarihan. / O Makapangyarihan kong Ina, / gaano
ang pagnanasa kong masdan ang iyong maningning na
mukha / sa walang kahulilip na ligayang tinatamo mo doon
sa Paraiso. / Subalit isang sukab na pag-iisip ang nagsasabi
sa aking hindi ako nararapat, / dahil sa aking mga
kasalanan,/ upang matamo ko ang iyong kaligayahan./
Huwag mong ipahintulot ang ganoong kalaking kasawian, /
katamistamisan kong ina. / Ipanalangin mo ako,/ ihingi mo
ako sa irog mong anak na si Hesus / ng ganap na pagsisisi
sa aking mga sala,/ at ang biyaya na makagawa ng
mabuting pangungumpisal / at nang mabuhay ako sa
katahimikan sa tanang buhay ko, / at sa huli’y pumanaw sa
isang banal na kamatayan, / tuloy makapisan mo at ng
Diyos sa Langit / sa walang hanggang kaligayahan.

11
Panalangin Upang Humingi ng Biyaya

Inang mapagmahal / nangangailangan ako ng isang tanging


biyaya,/ at sa pag-asa ko sa iyong kabutihan, ay lumalapit
ako sa iyo, / aming saklolo at dakilang Mapag-ampon sa
mga Kristyano./ Buong kababaang-loob na ako’y nakaluhod
sa iyong harapan / at isinasamo ko nang taos sa aking
puso / na iyong lunasan ang aking kailangan /(ipahayag
nang tahimik ang biyayang ibig makamtan). Nababatid ko,
mahal kong Ina / na ako’y hindi nararapat bigyan ng
anuman, at ang ikinatatakot ko’y / baka ang mga sala ko’y
siyang nakapipigil sa iyong kabutihan. / Subalit batid kong
magagawa mo rin,/ katamis-tamisang ina, / na ako’y
hanguin sa nakahahabag na kalagayang ito, / at gawing
ako’y maglingkod sa iyo nang tapat, at sa iyong bugtong na
Anak,/ upang makamtan ang kahanga-hangang biyaya ng
iyong pagaampon.

Panalangin Para sa Maysakit

Hindi mabilang ang mga pagkakataon, O Dakilang Ina ng


Diyos, na ikaw ay naging makapangyarihang lakas ng mga
may-sakit at magpahanggang ngayon ay patuloy ang iyong
pagliligtas sa buong daigdig. Dakilang Tagapag-ingat ng
biyaya sa kalangitan, dinggin mo ang aming mga daing sa
iyo para sa ikagagaling ng aming mahal na maysakit. Kung
ito’y hindi makahahadlang sa ikaliligtas ng kanyang
kaluluwa, ipakilala mo sa pagkakataong ito ang kadakilaan
ng iyong kapangyarihan at nang lalong yumabong sa aming
mga puso ang dalisay na pamimintuho sa iyo. Hindi
mabilang na mga binyagan, O Dakilang Ina ng Diyos, ang
naninikluhod at lumuluha sa harap ng iyong larawan sa
mga sandaling pinag-aagaw ang buhay. Ang kamataya’y
nanasok sa pinto ng kanilang mga tahahan at nagbabantang
ilayo sa kanilang piling ang isang mahal sa buhay. Ang
12
aming tahanan ay pinagbabantaan din ngayon, kaibig-ibig
na Ina. O Maria Mapag-ampon sa mga Kristiyano, ilayo mo
ang aming mga kapatid sa lahat ng panganib para mo nang
awa, at ipinangangako namin sa iyo na ang mga araw na
natitira sa aming buhay ay aming gagamitin sa gawang
kagalingan at paglilingkod sa iyo bilang pasasalamat sa
iyong dakilang pagkukupkop. Hindi mabilang ang mga
maysakit na iyong pinagaling, O Kapuripuring Ina ng Diyos,
at maging ang mga nagsisiawit ng pasasalamat sa harap ng
iyong mapaghimalang larawan. Dahil sa mga luha ng
kagalakang kanilang ibinuhos at mga panalanging puno ng
taos-pusong pagmamahal, dinggin mo kami, O Mapag-
ampon sa mga Kristiyano! At sa sandaling ang aming
kapatid na maysakit ay gumaling sa kanyang karamdaman,
ang kanyang unang gagawin ay ang magsadya sa iyong
tahanan upang doon umawit ng pasasalamat kasama
naming. Dinggin mo, marangal na Ina, para mo nang awa,
ang aming mga luha at panalangin at pangangailangan.
Iligtas mo ang aming maysakit kung ito ay hindi sagabal sa
ikaliligtas ng kanyang kaluluwa. O Kabanal-banalang
Mapag-ampon sa mga Kristiyano, pakinggan mo nang may
buong pag-ayon ang tanang dumadalangin na taglay ang
tunay na pag-asa sa iyo.

Pangwakas na Panalangin

N: Dumudulog kami sa iyong patnubay, banal na Ina ng


Diyos. Huwag mong talikdan ang aming mga panalangin sa
aming mga pangangalingan, bagkus kami ay iyong iadya sa
lahat ng kasamaan. Maluwalhati at pinagpalang Birhen.
B: Amen

N: Ipanalangin mo kami, O Santang Ina ng Diyos,


B: Nang kami ay maging karapat-dapat makinabang sa mga
pangako ni Hesukristong Panginoon namin.
13
N: Manalangin Tayo,

O Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, inihanda


mo sa pakikipagkaisa ng Espiritu Santo ang katawan at
kaluluwa ni Maria, maluwalhating Birhen at Ina, upang siya
ay maging karapat-dapat na tahanan ng Iyong Anak. Loobin
Mo na sa kanyang panalangin, ay mailigtas kami sa lahat ng
kasamaan at sa kamatayang walang hanggan, yayamang
buong galak naming pinararangalan siya. Alang-alang kay
Kristong aming Panginoon.

B: Amen.

N: Sa Ngalan (+) ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


B: Amen!

IV. Pagsisiyam kay


Maria, Mapag-ampon sa mga Kristiyano

Pambungad na Awit:

ARAW-ARAW KAY MARIA


Araw-araw kay Maria
Kami ay nagdarasal
Si Maria aming Reyna
Ibig naming marangal
14
Kanyang tulong lagi-lagi
Kami ay humihiling
pupurihin naming siya
Tuwing araw at gabi
Kung kami’y nasa panganib
Kay Maria tatakbo
tatawagin naming siya
Kung lalapit ang tukso
O, Maria tutulungan
Kaming nangabubuhay
Kami ay ipanalangin
Kung kami’y mamamatay

N: Sa Ngalan (+) ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


B: Amen!

Memorare

Alalahanin mo, oh lubhang mahabaging Birhen Maria,


Na kailan ma’y di-narinig na may dumulog sa iyong pag-
aampon, humingi ng Iyong tulong at nagmamakaawa ng
Iyong saklolo, na Iyong pinabayaan.
Dala ng pag-asa na ito, Dumudulog ako sa Iyo oh Birhen ng
mga birhen, aking Ina, sa Iyo ako’y lumalapit,
Sa Iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati.

Oh Ina ng salitang nagkatawang tao,


Huwag mong siphayuin ang aking pagluhog,
ngunit, sa Iyong habag, Pakinggan at tugunin mo ako.
Amen.
Panalangin sa Araw-araw
O Mariang Mapag-ampon, aming Ina at Ina ng awa, masdan
mo ang aming mga paghihirap at magdalanghabag ka sa
amin. Tulungan mo kami alang-alang sa pagibig ni Jesus na
iyong mahal na Anak. Sa iyo namin inilalagak ang aming
15
buong pag-asa; kupkupin mo kami at tulungan sa aming
pagdadalamhati. Huwag mong tulutang magkasala kami
kay Jesus dahil sa aming kakulangan sa pagpapaumanhin.
Ikaw na siyang pag-asa ng lahat ay maging pag-asa namin
nawa. O lipos ng kabutihan! O puspos ng kaluwalhatian. O
mahabagin naming Ina at aming pag-asa, masdan mo kami
na abang makasalanan. Kung hindi mo kami sasaklolohan
ay mapapahamak kami. Sa iyo kami dumudulog. Huwag
mo kaming pabayaan kailanman. Ikaw ang nagligtas sa
lahat ng nagmakaawa sa iyo: iligtas mo rin kami. Sa ilalim
ng iyong awa kami sumisilong, ikaw na takbuhan ng mga
makasalanan. O Mariang Mapag-ampon, ikaw ang aming
Ina. Sino ang kailanma’y humingi ng iyong tulong na hindi
mo dininig? Ina ng Diyos at Ina namin, gaanong pag-asa ang
tinatamo namin pagkatapos namin magparating ng hinaing
sa iyo! Ikaw ang aming lakas! Ipagtanggol mo kami at
kupkupin; magdalang-habag ka sa amin at iligtas mo kami.
Amen.
(Ang mga panalanging nasa itaas ay dadasalin araw-araw sa loob
ng pagsisiyam.)

Unang Araw

O kamahal-mahalang Ina naming Mapag-ampon ng mga


Kristiyano! Kami’y buong pag-asang lumalapit at
naninikluhod sa Iyong awa. Dinggin Mo ang mga dalangin
ng isang makasalanang nagpapatirapa at sumasamo upang
pagkalooban ng tulong at lakas na makaiwas sa pagkakasala
at sa lahat ng panganib na ikamamatay ng kaluluwa.

(Isang Ama Namin, tatlong Aba Ginoong Maria at isang


Luwalhati)
(Magtungo sa Pahina 22 para sa pangwakas na panalangin)

Ikalawang Araw

16
O Mariang Kabanal-banalan, Ina ng Kagalingan at Awa, sa
Iyong tanging pagkalinga ay naligtas ang sambayanang
Kristiyano sa kuko ng mabangis na kaaway, iligtas Mo aking
isinasamo sa Iyo, ang aking kaluluwa sa paglusob ng
demonyo, ng mundo, at ng sariling laman; at ipagkaloob mo
sa akin sa lahat ng panahon ang ganap na tagumpay sa lahat
ng kaaway ng aking kaluluwa.

(Isang Ama Namin, tatlong Aba Ginoong Maria at isang


Luwalhati)
(Magtungo sa Pahina 22 para sa pangwakas na panalangin)

Ikatlong Araw

Lubhang makapangyarihang Reyna ng Langit Ikaw lamang


ang nangyaring makapagtagumpay laban sa mga erehiyang
nagsipagnasang umagaw sa iyong mga anak mula sa piling
ng Inang Santa Iglesya. Saklolohan Mo kami upang manatili
kaming matatag sa pananampalataya at maingatan ang
kalinisan ng puso sa gitna ng mga patibong at lason ng
masasamang aral mula sa bulaang propeta.

(Isang Ama Namin, tatlong Aba Ginoong Maria at isang


Luwalhati)
(Magtungo sa Pahina 22 para sa pangwakas na panalangin)

Ika-apat na Araw

17
Katamis-tamisan naming Ina, na dahil sa walang hanggan
mong pagtatangol sa mga Kristiyano ay tinawag Kang
Reyna ng mga Martir, ipagkaloob Mo sa amin ang tibay ng
puso at lakas na kailangan upang manatili kami sa
paglilingkod sa Iyo; bukod sa rito’y ipagkaloob Mo rin sa
amin ang biyaya ng pagmamahal sa aming mga tungkuling
mahal, tuloy maging marapat kaming tawaging iyong mga
anak hanggang sa kamatayan.

(Isang Ama Namin, tatlong Aba Ginoong Maria at isang


Luwalhati)
(Magtungo sa Pahina 22 para sa pangwakas na panalangin)

Ika-limang Araw

Minamahal naming Ina, sa pagtatagumpay ni Papa Pio VII


ay iyong ipinamalas ang kapangyarihan ng Iyong
pagsaklolo. Pangalagaan mo kami at ang buong Sta. Iglesya
Katolika, lalung-lalo na ang kanyang kataas-taasang pinuno,
ang Santo Papa; ipagtanggol mo siya sa lahat ng sandali
laban sa pang-uusig ng mga kaaway, iligtas sa mga
paghihirap, alalayan tuwina at ingatan upang
mapamahalaan niya ang daong ng Santa Iglesya at magwagi
sa mararahas na daluyong ng mga nagnanasang maglubog
sa kanya.

(Isang Ama Namin, tatlong Aba Ginoong Maria at isang


Luwalhati)
(Magtungo sa Pahina 22 para sa pangwakas na panalangin)

18
Ika-anim na Araw

O Birheng Reyna ng mga Apostol, kunin Mo at alagaan sa


ilalim ng Iyong pagkupkop ang mga pari at ang lahat ng
Iyong mga anak na bumubuo ng Santa Iglesya Katolika.
Pagkalooban Mo sila ng pagkakaisa, ng ganap na pagsunod
sa Santo Papa at ng masidhing pagsisikap tungo sa
ikaliligtas ng mga kaluluwa. Isinasamo rin namin na Iyong
ipadama ang Iyong pagkalinga sa mga misyonero upang
kanilang mapalaganap ang mga aral ng ating Panginoon sa
sansinukob at nang ang buong daigdig ay magkabuklod-
buklod sa iisa at tunay na relihiyon ng sa gayon ay
magkaroon ng iisang kawan lamang sa pamumuno ng
iisang Pastol.

(Isang Ama Namin, tatlong Aba Ginoong Maria at isang


Luwalhati)
(Magtungo sa Pahina 22 para sa pangwakas na panalangin)

Ika-pitong Araw

O birheng Ina Kaamuan at Awa, sa tulong ng Iyong


pamamagitan ay libu-libong mga Kristiyano ang nagliligtas
sa mga salot, digmaan at ibat-ibang mga kapahamakan.
Halina’t kami’y iyong saklolohan at iligtas ngayon sa
kawalan ng relihiyon at mga hidwaang gawa, na dahil sa
mga pahayagan. Mga kapisanan at paaralang walang Diyos,
ay marami ang nalalayo sa pananampalataya. Aming Ina,
tulungan mo ang mga matuwid upang sila’y manatili sa
pananampalataya, palakasin ang mahihina, akitin sa
pagbabalik-loob ang mga makasalanan at nangaliligaw, at sa
huli, kung nagtagumpay na ang katotohanan dito sa lupa, ay
lalong tumatag nawa ang Kaharian ni Hesukristo at
maragdagan ang Kanyang kaluwalhatian at ang bilang ng
maakyat sa kalangitan.

19
(Isang Ama Namin, tatlong Aba Ginoong Maria at isang
Luwalhati)
(Magtungo sa Pahina 22 para sa pangwakas na panalangin)
Ika-walong Araw
O Ina, haligi ng Sta. Iglesya Katolika at tagapag-ampon ng
mga Kristiyano, aking isinasamo sa iyo na papagkamitin ako
ng pananatili sa pananampalataya at sa kalayaan bilang
anak ng Diyos. Sa tulong ng grasya at sa aking makakaya,
ako ay nangangakong hindi ko na tutulutang madungisan
ang aking kaluluwa ng kasalanan. Ang ninanasa ko, aking
Ina, ay ang pagsunod sa Santo Papa, sa mga obispong
tumatalima sa kanya, at sa buhay at kamatayan ay huwag
akong mawalay sa Relihiyong Katolika, na siya ko lamang
inaasahang maghahatid ng kaligtasan sa aking kaluluwa.
(Isang Ama Namin, tatlong Aba Ginoong Maria at isang
Luwalhati)
(Magtungo sa Pahina 22 para sa pangwakas na panalangin)

Ika-siyam na Araw

Mahabagin naming Ina, na sa lahat ng panahon ay iniibig


mong maging Tagapag-ampon ng mga Kristiyano,
saklolohan mo kami sa pamamagitan ng makapangyarihan
mong pangangalaga sa aming tanang buhay. Lalung-lalo na
sa sandali ng aming kamatayan; at loobin mo na pagkatapos
na ika’y aming ibigin at purihin dito sa lupa ay maging
marapat kaming umawit ng iyong kaluwalhatian sa langit.

(Isang Ama Namin, tatlong Aba Ginoong Maria at isang


Luwalhati)
(Magtungo sa Pahina 22 para sa pangwakas na panalangin)

20
Pangwakas na Panalangin

Aba po, Santa Mariang Reyna, Iná ng Awà,


ikaw ang kabuhayan at katamisan;
aba, pinananaligan ka namin.
Ikaw ang tinatawag namin,
pinapanaw ng taong anak ni Eba.
Ikaw rin ang pinagbúbuntuhang-hiningá namin
ng aming pagtangis dito sa lupang bayang kahapis-hapis.
Ay! Abá pintakasi ka namin,
ilingón mo sa amin ang mga matá mong maawaín,
at saká kung matapos yaríng pagpanaw sa amin,
ipakità mo sa amin ang iyóng Anak na si Hesús.
Santa María, Iná ng Diyos,
maawaín at maalám at matamís na Birhen.

N: Marapatin mo, Birheng Kamahal-mahalan, na ika’y


aming purihin magpakailanman.
21
L: Pagkalooban kami ng lakas laban sa aming mga kaaway.

O Diyos na makapangyarihan at maawain, upang


maipagtanggol Mo ang sambayanang Kristiyano ay
kahanga-hanga Mong nilalang ang Mahal na Birheng Maria
upang magpakailanman ay maging tunay naming Tagapag-
ampon, buong awa Mong ipagkaloob sa amin na kung
nahihiyasan na kami ng ganitong sandata ay magamit
namin ito laban sa kamatayan at mga lilong kaaway ng
aming kaluluwa, alang-alang sa aming Panginoong
Hesukristo na Iyong Anak, nabubuhay at naghaharing
kasama Mo at ng Espiritu Santo, magpasawalang-hanggan.
Amen.
Maria, Mapag-ampon ng mga Kristiyano,
Ipanalangin mo kami.

Pangwakas na Awit

O MARIA AUXILIADORA

O Maria Auxiliadora, ikaw ang aming Patrona


Mabunying lingkod ng Diyos, na sa amin ay hinirang

O Maria aming Senyora, ikaw ang aming patnubay


Ikaw an gaming tangkilik sa D’yos na marangal

Mapalad ka, Mapalad ka, Mapalad ka sa tanang lahi


Dakila ka, Dakila ka, Mapag-ampon ng Binyagan

O Maria aming Senyora, ikaw ang aming patnubay


Ikaw an gaming tangkilik sa D’yos na marangal

O Maria Auxiliadora

22
V. Pagninilay sa Pitong Tuwa ni Maria
(Maaring dasalin ng palipat-lipat ng lugar na waring nag eestasyon sa
harap ng mga larawan kaugnay ng bawat misteryo)

Pambungad na Awit:

ARAW-ARAW KAY MARIA


Araw-araw kay Maria
Kami ay nagdarasal
Si Maria aming Reyna
Ibig naming marangal
Kanyang tulong lagi-lagi
Kami ay humihiling
pupurihin naming siya
Tuwing araw at gabi
Kung kami’y nasa panganib
Kay Maria tatakbo
tatawagin naming siya
Kung lalapit ang tukso
23
O, Maria tutulungan
Kaming nangabubuhay
Kami ay ipanalangin
Kung kami’y mamamatay

Panimula:

N: O Diyos, (+) kami ay iyong tulungan


B: Panginoon, magmadali ka sa iyong pagdamay

N: Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo


B: Kapara noong unang-una, ngayon at magpasawalang
hanggan. Amen

UNANG TUWA NI MARIA

Ang Pagbabalita ng Anghel tungkol sa pagsilang ni


Hesukristo

N: Pakinggan natin ang mabuting balita ng Panginoon ayon


kay San Lucas;

Nang ikaanim na buwan ng pagdadalang-tao ni Elizabeth,


ang anghel na si Gabriel ay isinugo ng Diyos sa Nazaret na
isang bayan sa Galilea, upang kausapin ang isang dalaga na
ang pangala'y Maria. Siya ay nakatakda nang ikasal kay
Jose, isang lalaking buhat sa angkan ni David. 28 Lumapit ang
anghel sa dalaga at binati ito, “Magalak ka! Ikaw ay lubos na
kinalulugdan ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon!”
Naguluhan si Maria sa sinabi ng anghel at inisip niyang
mabuti kung ano ang kahulugan ng ganoong
pagbati. 30 Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot,
Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa
Diyos.  Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng
24
isang sanggol na lalaki, at siya'y papangalanan mong
Jesus.  Siya'y magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-
taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang
trono ng kanyang amang si David upang  maghari sa angkan
ni Jacob magpakailanman. Ang kanyang paghahari ay
walang katapusan.”
“Paano pong mangyayari ito gayong ako'y isang birhen?”
tanong ni Maria.
Sumagot ang anghel, “Sasaiyo ang Espiritu Santo at
mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas-taasang
Diyos. Dahil dito, ang isisilang mo'y banal at tatawaging
Anak ng Diyos.  Hindi ba't ang kamag-anak mong si
Elizabeth ay baog? Gayunma'y naglihi siya at ngayo'y
ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalang-tao kahit na
siya'y matanda na,  sapagkat walang anumang bagay na
hindi kayang gawin ng Diyos.”
Sumagot si Maria, “Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari
 

nawa sa akin ang iyong sinabi.” Pagkatapos, umalis na ang


anghel.
(Tumahimik Sandali para sa pagninilay)

N: Mga Kapatid, hilingin natin sa unang tuwa na ito ang


biyaya ng kababaang loob at pagsunod sa kalooban ng
Diyos.

Isang Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria at isang Luwalhati

AWIT: (Sa Tono ng Inang Sakdal Linis)

Binati si Maria ng isang Anghel


Mabuting balita’y ating kaligtasan

Ave, Ave, Ave Maria


25
Ave, Ave, Ave Maria

IKALAWANG TUWA NI MARIA

Ang Pagdalaw ni Maria sa kanyang pinsan na si Sta. Isabel

N: Pakinggan natin ang mabuting balita ng Panginoon ayon


kay San Lucas;

Hindi nagtagal at si Maria'y nagmamadaling pumunta sa


isang bayan sa bulubundukin ng Juda. Pagdating sa bahay
ni Zacarias, binati niya si Elizabeth.  Nang marinig ni
Elizabeth ang pagbati ni Maria, biglang gumalaw ang
sanggol sa kanyang sinapupunan at siya ay napuspos ng
Espiritu Santo. Napasigaw siya sa galak, “Pinagpala ka sa
mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong
sinapupunan! Sino ako upang dalawin ng ina ng aking
Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong pagbati ay
gumalaw sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan.
Pinagpala ka, sapagkat sumampalataya kang matutupad
ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon!”

(Tumahimik Sandali para sa pagninilay)

N: Mga Kapatid, hilingin natin sa ikalawang tuwa na ito ang


biyaya ng pag-ibig at pagmamalasakit sa ating kapwa.

26
Isang Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria at isang Luwalhati

AWIT: (Sa Tono ng Inang Sakdal Linis)

Dinalaw ni Maria ang pinsang si Sabel


“Mapalad ka, Maria sa tanang anak ni Eva
Ave, Ave, Ave Maria
Ave, Ave, Ave Maria

IKATLONG TUWA NI MARIA


Ang Pagsilang sa mundo ng Anak ng Diyos
N: Pakinggan natin ang mabuting balita ng Panginoon ayon
kay San Lucas;

Nang panahong iyon, iniutos ni Emperador Augusto na


magkaroon ng sensus sa lahat ng nasasakupan ng Imperyo
ng Roma. Ang unang sensus na ito ay ginawa noong si
Cirenio ang gobernador ng Siria.  Kaya't umuwi ang mga tao
sa sarili nilang bayan upang magpatala. Mula sa Nazaret,
isang lungsod sa Galilea, si Jose ay pumunta sa Judea, sa
Bethlehem na bayang sinilangan ni Haring David, sapagkat
siya'y mula sa angkan ni David. Kasama rin niyang umuwi
upang magpatala si Maria na kanyang magiging asawa, na
noon ay nagdadalang-tao.

Habang sila'y nasa Bethlehem, sumapit ang oras ng


panganganak ni Maria. Isinilang niya ang kanyang
panganay, na isang lalaki. Binalot niya sa lampin ang
sanggol at inihiga sa isang sabsaban, sapagkat wala nang
lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan.
Doon ay may mga pastol na nasa parang at nagbabantay ng
kanilang mga tupa nang gabing iyon. At tumayo sa harapan

27
nila ang isang anghel ng Panginoon at nagliwanag sa
kapaligiran nila ang kaluwalhatian ng Panginoon. Ganoon
na lamang ang kanilang pagkatakot.  Ngunit sinabi sa kanila
ng anghel, “Huwag kayong matakot! Ako'y may dalang
magandang balita para sa inyo na magdudulot ng malaking
kagalakan sa lahat ng tao. Isinilang sa inyo ngayon sa bayan
ni David ang Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon. Ito
ang inyong palatandaan: matatagpuan ninyo ang isang
sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa isang
sabsaban.”

(Tumahimik Sandali para sa pagninilay)

N: Mga Kapatid, hilingin natin sa ikatlong tuwa na ito ang


biyaya ng pamumuhay ng payak at pagmamahal sa
mahihirap

Isang Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria at isang Luwalhati

AWIT: (Sa Tono ng Inang Sakdal Linis)

Isinilang sa sabsaban ni Maria si Jesus


Angeles nag-awitan, “Papuri sa Diyos”

Ave, Ave, Ave Maria


Ave, Ave, Ave Maria

28
IKA-APAT NA TUWA NI MARIA

Ang Pagsamba ng tatlong Haring Mago

N: Pakinggan natin ang mabuting balita ng Panginoon ayon


kay San Mateo;

Panahon ng paghahari ni Herodes sa Judea nang ipanganak


si Jesus sa Bethlehem. May mga pantas[b] mula pa sa silangan
na dumating sa Jerusalem. Nagtanung-tanong sila, “Nasaan
ang ipinanganak na hari ng mga Judio? Nakita namin sa
silangan ang kanyang bituin, kaya't naparito kami upang
siya'y sambahin.”

Nang mabalitaan ito ni Haring Herodes, siya'y naligalig,


gayundin ang buong Jerusalem. Kaya't tinipon niya ang
lahat ng mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan
at sila'y tinanong, “Saan ba isisilang ang Cristo?”  Tumugon
sila, “Sa Bethlehem po, sapagkat ganito ang isinulat ng
propeta:
‘At Ikaw, Bethlehem, sa lupain ng Juda,
    ay hindi pinakahamak sa mga pangunahing bayan ng Juda.

Sapagkat sa iyo magmumula ang isang pinuno


    na mamamahala sa aking bayang Israel.’”
 
Nang mabatid ito, palihim na ipinatawag ni Herodes ang
mga pantas at inusisa kung kailan lumitaw ang
bituin.  Pagkatapos, sila ay pinapunta niya sa Bethlehem na
29
ganito ang bilin, “Hanapin ninyong mabuti ang sanggol.
Kapag natagpuan ninyo siya, ipagbigay-alam agad ninyo sa
akin upang ako man ay pumunta roon at sumamba rin sa
kanya.”  Pagkarinig sa bilin ng hari, sila'y nagpatuloy sa
paghahanap. Ang bituin na nanguna sa kanila mula pa sa
silangan ay tumigil sa tapat ng kinaroroonan ng bata.

 
Ganoon na lamang ang kanilang kagalakan nang makita
ang bituin. Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling
ni Maria na kanyang ina. Nagpatirapa sila at sinamba ang
bata. Inihandog din nila sa kanya ang mga dala nilang ginto,
insenso at mira.

Nang papauwi na ang mga pantas, nakatanggap sila ng


babala sa pamamagitan ng panaginip na huwag nang
bumalik kay Herodes, kaya't nag-iba na sila ng daan pauwi.

(Tumahimik Sandali para sa pagninilay)

N: Mga Kapatid, hilingin natin sa ika-apat tuwa na ito ang


biyaya ng banal na pagkatakot sa Panginoong Diyos

Isang Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria at isang Luwalhati

AWIT: (Sa Tono ng Inang Sakdal Linis)

Mga Haring Mago sumamba kay Hesus


Kagalakang tibobos kay Maria ay lubos

Ave, Ave, Ave Maria


Ave, Ave, Ave Maria

30
IKA-LIMANG TUWA NI MARIA

Ang Pagkakatagpo sa Batang si Hesus sa Templo

N: Pakinggan natin ang mabuting balita ng Panginoon ayon


kay San Lucas;

Taun-taon, tuwing Pista ng Paskwa, ang mga magulang ni


Jesus ay pumupunta sa Jerusalem. Nang siya'y
labindalawang taon na, dumalo sila sa pista, ayon sa
kanilang kaugalian. Sila'y umuwi na pagkatapos ng pista.
Ang batang si Jesus ay nagpaiwan sa Jerusalem ngunit hindi
ito napansin ng kanyang mga magulang. Sa pag-aakalang
siya ay kasama ng pangkat, nagpatuloy sila sa maghapong
paglalakbay. Pagkatapos, siya ay hinanap nila sa kanilang
mga kamag-anak at mga kakilala, ngunit hindi nila
natagpuan si Jesus. Kaya't bumalik sila sa Jerusalem upang
doon maghanap. Pagkalipas ng tatlong araw, si Jesus ay
natagpuan nila sa loob ng Templo. Siya'y nakaupong
kasama ng mga guro. Nakikinig siya at nagtatanong sa
kanila, at ang lahat ng nakakarinig sa kanya ay hangang-
hanga sa kanyang pang-unawa at mga sagot. Namangha rin
ang kanyang mga magulang nang siya'y makita. Sinabi ng
kanyang ina, “Anak, bakit mo naman ginawa ito sa amin?
Lubha ang aming pag-aalala ng iyong ama sa paghahanap
sa iyo.” Sumagot si Jesus, “Bakit po ninyo ako hinahanap?
Hindi po ba ninyo alam na ako'y dapat mamalagi sa bahay
ng aking Ama?” Ngunit hindi nila naunawaan ang sinabi
niyang ito.
Siya'y sumama sa kanila pauwi sa Nazaret, at siya'y naging
masunurin sa kanila. Ang lahat ng bagay na ito ay iningatan
31
ng kanyang ina sa kanyang puso. Patuloy na lumaki si Jesus
sa pangangatawan, lumawak ang kanyang karunungan at
lalong naging kalugud-lugod sa Diyos at sa mga tao.

(Tumahimik Sandali para sa pagninilay)

N: Mga Kapatid, hilingin natin sa ika-limang tuwa na ito ang


biyaya ng kabanalan at ang hangarin na matagpuan si Hesus
sa ating buhay.

Isang Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria at isang Luwalhati

AWIT: (Sa Tono ng Inang Sakdal Linis)

Sa Jerusalem na templo’y naiwan si Hesus


Tuwa at hapis kay Maria ay talos

Ave, Ave, Ave Maria


Ave, Ave, Ave Maria

32
IKA-ANIM NA TUWA NI MARIA

Ang Pagkakasalubong ni Maria kay Hesus na Muling


Nabuhay

N: Pakinggan natin ang sipi hango sa kasaysayan ng


pasiong mahal ng ating Panginoong Hesukristo;

Nang malabas na sa hukay


at si Hesus ay nabuhay
ang una niyang dinalaw
ang Inang namamanglaw
inaliw sa kalumbayan. Napawi na’t nakaraan
ang unos ng kasakitan
Doon nga sa Senakulo ngayon ay ang katuwaan
ay pinaroonan ni Kristo Ina ko’y siyang kakamtan
at binati nang ganito, nitong aking pagkabuhay.
yaong Inang manglulumo
lumbay ay di mamagkano. Ang tugon ng Birhen Ina
Aba bunso ko aniya
Aba, Ina kong mapalad buhay niyaring kaluluwa,
karamay-damay sa hirap loob ko’y nagkamit saya
tingni yaring iyong Anak, sa iyo ng pagkakita.
ang loob ay nang
lumuwag Yaong mga tinataglay
sa kapighatia’t sindak. hapis at kapighatian
ng puso kong nalulumbay,
Matuwa na’t lumigaya ngayo’y agad nahalinhan
ang Poon ko’t aking Ina nang malaking katuwaan.
yamang aking naganap na
ang pagsakop ko sa sala
sa tanang anak ni Eba. Ano pa’t ngayo’y nalubos
33
ang tuwa kong di matapos bunso ng di ka makita,
oh! Anak kong sinta’t irog, sa loob ko’y di magbawa
ang sukal ng aking loob ang kalumbayang lahat na.
napawi ngayong tibobos.
Ngayon nga lamang
naibsan
puso ko ng kalumbayan
at ngayon naliwanagan,
Ikaw nga’t dili iba mata kong pinag-ulapan
ang buhay ko’t aking sinta ng dilim ng kasakitan.

Halos di nalulubos pa
ang tuwa nang Birheng Ina
sa kanilang pagkikita,
ay pumanaw kapagdaka
si Hesus na Anak niya.

(Tumahimik Sandali para sa pagninilay)

N: Mga Kapatid, hilingin natin sa ika-anim na tuwa na ito


ang biyaya ng Pag-asa at Pananampalataya.

Isang Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria at isang Luwalhati

AWIT: (Sa Tono ng Inang Sakdal Linis)

Tuwang di mamagkano, kay Maria ay dulot


Pagkabuhay ni Kristo, tagumpay ay totoo

Ave, Ave, Ave Maria


Ave, Ave, Ave Maria

34
IKA-PITONG TUWA NI MARIA

Ang Pagpuputong ng Korana kay Maria, bilang Reyna ng


Langit at Lupa

N: Pakinggan natin ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon


kay San Lucas;

Noong Panahong iyon, sinabi ni Maria;

“Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon,


    at ang aking espiritu'y nagagalak sa Diyos na aking
Tagapagligtas,
     sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin!
Mula ngayon, ang lahat ng tao'y tatawagin akong pinagpala;
    dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng
Makapangyarihan.
Banal ang kanyang pangalan!
Ang kanyang kahabagan ay para sa lahat ng salinlahing may
takot sa kanya.
Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,
    nilito niya ang mga may palalong isip.
Tinanggal sa kanilang luklukan ang mga may
kapangyarihan,
    at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.
Pinasagana niya sa mabubuting bagay ang mga kapus-
palad,
    at pinaalis nang walang dalang anuman ang mga
mayayaman.
Tinulungan niya ang Israel na kanyang lingkod,
    at hindi niya kinalimutang kahabagan ito.
Tulad ng kanyang ipinangako sa ating mga ninuno,
    kay Abraham at sa lahi nito, magpakailanman!”
(Tumahimik Sandali para sa pagninilay)

35
N: Mga Kapatid, hilingin natin sa ika-pitong tuwa na ito ang
biyaya ng pagtitiyaga, pagpapakabuti at ang pagtitiwala sa
maka-inang pamamagitan ni Maria

Isang Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria at isang Luwalhati

AWIT: (Sa Tono ng Inang Sakdal Linis)

O Reyna ng Langit, Maria aming Ina


Pagpupugay at Karangalan sa iyo’y aming alay

Ave, Ave, Ave Maria


Ave, Ave, Ave Maria

Isunod ng dalawang Aba Ginoong Maria para sa karangalan ng


Mahal na Birhen.
(Parangal sa Tradisyunal na 72 taon ng buhay ng Mahal na Birhen sa Lupa)

Panalangin Para sa Intensyon ng Sto. Papa

Isang Ama Namin at Isang Aba Ginoong Maria


(Indulhensya Plenarya ayon sa karaniwang kundisyon)

Pangwakas na Panalangin
36
N: Dumudulog kami sa iyong patnubay, banal na Ina ng
Diyos. Huwag mong talikdan ang aming mga panalangin sa
aming mga pangangalingan, bagkus kami ay iyong iadya sa
lahat ng kasamaan. Maluwalhati at pinagpalang Birhen.
B: Amen

N: Ipanalangin mo kami, O Santang Ina ng Diyos,


B: Nang kami ay maging karapat-dapat makinabang sa mga
pangako ni Hesukristong Panginoon namin.

N: Manalangin Tayo,

O Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, inihanda


mo sa pakikipagkaisa ng Espiritu Santo ang katawan at
kaluluwa ni Maria, maluwalhating Birhen at Ina, upang siya
ay maging karapat-dapat na tahanan ng Iyong Anak. Loobin
Mo na sa kanyang panalangin, ay mailigtas kami sa lahat ng
kasamaan at sa kamatayang walang hanggan, yayamang
buong galak naming pinararangalan siya. Alang-alang kay
Kristong aming Panginoon.

B: Amen.

N: Sa Ngalan (+) ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


B: Amen!

VI. Maikling Kasaysayan ng Debosyon kay


37
Maria, Mapag-ampon sa mga Kristiyano

Patuloy na nararanasan ng mga Kristiano ang bisa ng tulong


ni Maria sa lahat ng panahon at pagkakataon. Dahil dito,
patuloy rin ang kanilang pagdulog kay Maria, sa matibay na
pananalig na kanilang matatanggap ang kaniyang
pagkalinga at tulong sa lahat ng kanilang pangangailangan
at paghihirap, pangkalahatan man o pansarili. Subalit ang
makapangyarihang pamamagitang ito ay higit na
naipamalas nang may ganap na kaluwalhatian noong taong
1572, nang makamit ng hukbo ng Krus, salamat sa tulong ni
Maria, ang tahasan at ganap na tagumpay sa digmaang-
pandagat ng Lepanto laban sa hukbong dagat ng mga
Turko. Bilang paggunita sa natatanging tagumpay na ito,
itinakda ni Papa San Pio V ang pagdiriwang ng Kapistahan
ng Kabanal-banalang Rosaryo at ang pagdaragdag sa
Litaniya ng Mahal na Birhen ng panalanging AUXILIUM
CHRISTIANORUM, ORA PRO NOBIS! MAPAG-AMPON
SA MGA KRISTIYANO, IPANALANGIN MO KAMI!

Di nagtagal, ang Mahal na Birhen ay muling sumaklolo sa


hukbo ng mga Kristiyano laban sa mga Turko na malapit na
sa muog ng Vienna noong 1682. Bilang pasasalamat, itinatag
ni Papa Inocente XII ang kauna-unahang Kapatiran ni Maria
Mapag-ampon sa mga Kristiyano. At noong Mayo 24, 1814,
matagumpay na bumalik sa Roma si Pio VII pagkatapos ng
kanyang matagal na pagkabihag at pagkatapon sa ilalim ng
kapangyarihan ni Napoleon. Bilang pasasalamat sa tulong
na kanyang natanggap kay Maria na patuloy niyang
tinatawagan sa taguring AUXILIADORA, itinalaga niyang
panghabang panahon na ang araw na iyon ay ipatungkol sa
Mahal na Birhen. Sa madaling salita ay natatag ang
kapistahan ni Maria Mapag-ampon sa mga Kristiyano.
Gayunpaman, maaaring nabaon na lamang sa limot ang
maluwalhati at kalugud-lugod na debosyong ito kung hindi
38
dahil sa isang tapat na anak ni Maria na naghatid ng bagong
paningin at pagpapalaganap nito. Siya si San Juan Bosco
(1815-1888) na siyang nagtatag, sa pamamagitan ng
inspirasyon, sa ilalim ng pamamatnubay, at kasama ang
tahasang pakikipagtulungan ng Mahal na Birhen, ng isang
gawaing laganap sa buong daigdig para sa kapakanan ng
kabataan - ang apostolado ng Kongregasyon ng mga
Salesyano. Itinayo ni San Juan Bosco noong 1868 sa Torino
ang matayog na Basilica ni Maria Mapag-ampon, na naging
bunga ng napakaraming himala. Marami pa siyang
ginawang himala sa tulong ng panalangin kay Maria. At
bilang pasasalamat sa kanyang tagapag-adya sa langit,
itinatag din ni Don Bosco ang Kongregasyon ng mga Anak
ni Maria Auxiliadora para sa kababaihang handang gawin
para sa mga kabataang babae ang ginagawa ng mga
Salesyano para sa mga kabataang lalaki.

Hanggang ngayon, ang ating Ina sa langit, si Maria Mapag-


ampon sa mga Kristiyano ay patuloy na tinatawagan at
minamahal sa lahat ng dako ng daigdig. Siya naman ay
patuloy sa pagkalinga sa kanyang mga anak na sa kanya’y
namimintuho sa pamamagitan ng pagsasagawa para sa
kanila ng mga di mabilang at walang hanggang himala.

Talaan ng mga Araw ng Pagdedebosyon


Kay
39
Maria, Mapag-ampong sa mga Kristiyano

Tuwing Unang Huwebes ng Buwan:


 Banal na Misa Kalakip ang Pagpapahid ng Langis
Ika- 6 ng Umaga at Ika- 6 ng Gabi

Tuwing Huwebes
 Palagiang Pagdarasal kay
Maria Mapag-ampon sa mga Kristiyano
Bago ang Banal na Misa

Tuwing Unang Linggo ng Buwan


 Mary Help of Christians Sunday

Tuwing Ika-24 ng Buwan


 Banal na Misa Kalakip ang Pagpapahid ng Langis
Ika-11 ng tanghali

40

You might also like