You are on page 1of 18

Banal na Oras

Pambungad na Awit: (Magsiluhod)

1|Page
O SALUTARIS Hostia .
Quae caeli pandis
ostium.
Bella premunt hostilia;
Da robur, fer auxilium.

Uni trinoque Domino


Sit sempiterna gloria:
Qui vitam sine termino,
Nobis donet in patria.

Amen

Paanyaya sa Pagsamba
N: Halina at Sambahin ang Ama, na dahil sa pag-ibig niya tayong
lahat ay natubos.

B: Purihin at ipagdangal ang Diyos magpakailanman

N: Halina at Sambahin si Hesukristo, ating Hari at Manunubos.

B: Purihin at ipagdangal ang Diyos magpakailanman

N: Halina at sambahin natin ang Espiritu Santo, Panginoon at


nagbibgay buhay.

B: Purihin at ipagdangal ang Diyos magpakailanman

2|Page
Pambungad na Panalangin:
N. Panginoong Jesukristo na nasa kabanal-banalang Sakramento;
masdan mop o kaming naririto sa Iyong harapan upang tumugon sa
iyong tawag: “Hindi ba kayo makapagbantay kahit isang oras man
lang? magpuyat kayo at manalangin upang huwag kayong madaig
ng tukso” nawa an gaming pagsamba at pagtanggap ng iyong Banal
na Eukaristiya ay magbuklod sa amin bilang tapat mong mga alagad.
Hinihiling naming ito sa iyong ngalan na aming Panginoon ngayon
at magpasawalng hanggan.

B.Amen.

Unang Sangkapat:

Pagbasa: Juan 13:1-8,12-17 (Tatayo)


Tagabasa: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Bisperas na noon ng Paskwa. Alam ni Jesus na dumating na ang


takdang oras ng kanyang pag-alis sa daigdig na ito upang bumalik sa
Ama. Mahal niya ang kanyang mga tagasunod na nasa daigdig, at
sila'y minahal niya hanggang sa wakas.2 Pagsapit ng hapunan,
inilagay na ng diyablo sa isip ni Judas, na anak ni Simon Iscariote, na
ipagkanulo niya si Jesus. 3 Alam ni Jesus na ibinigay na ng Ama sa
kanya ang buong kapangyarihan; at alam niyang siya'y mula sa
Diyos at babalik sa Diyos. 4 Kaya't siya'y tumayo mula sa hapag, nag-
alis ng panlabas na balabal at nagbigkis ng tuwalya sa baywang.

Pagkatapos, naglagay siya ng tubig sa palanggana at sinimulang
hugasan ang mga paa ng mga alagad at punasan ng tuwalyang
nakabigkis sa kanyang baywang.6 Paglapit niya kay Simon Pedro,
sinabi nito sa kanya, “Panginoon, huhugasan n'yo ba ang aking mga
3|Page
paa?”7 Sumagot si Jesus, “Hindi mo nauunawaan ngayon ang
ginagawa ko, ngunit mauunawaan mo rin pagkatapos.”8 Muling
nagsalita si Pedro, “Hinding-hindi ninyo huhugasan ang aking mga
paa!” Ngunit sinabi ni Jesus, “Kung hindi kita huhugasan, wala kang
kaugnayan sa akin.” Nang mahugasan na ni Jesus ang kanilang mga
paa, muli niyang isinuot ang kanyang balabal at nagbalik sa
kinaupuan niya. Sinabi niya sa kanila, “Nauunawaan ba ninyo kung
ano ang ginawa ko sa inyo? 13 Tinatawag ninyo akong Guro at
Panginoon, at tama kayo, sapagkat ganoon nga ako. 14 Kung ako
ngang Panginoon at Guro ninyo ay naghugas ng inyong mga paa,
dapat din ninyong hugasan ang mga paa ng isa't isa. 15 Binigyan ko
kayo ng halimbawa upang inyong tularan. 16 Pakatandaan ninyo, ang
alipin ay hindi nakakahigit sa kanyang panginoon, ni ang sinugo
kaysa sa nagsugo sa kanya. 17 Ngayong alam na ninyo ito, pinagpala
kayo kung ito'y gagawin ninyo.

(Manahimik sandali para sa pagninilay)


(Magsiupo)

SALMO 72:1-11
Antipona: Si Jesukristo, ang panaganay na isinilang mula sa
kamatayan at hari ng mga hari sa lupa, ay ginawa tayong
maharlikang bayan upang maglingkod sa kanyang Diyos at Ama.

Kanan: Turuan mo po ang haring humatol nang makat'wiran,


sa taglay mong katarungan, O Diyos, siya'y bahaginan; nang
matuwid na tuparin tungkulin sa iyong bayan,
at pati sa mahihirap maging tapat siyang tunay.

Kaliwa: Ang lupain nawa niya'y umunlad at managana;


maghari ang katarungan sa lupain nitong bansa. Maging tapat itong
hari sa paghatol sa mahirap,
mga nangangailangan, pag-ukulan ng paglingap;
at ang nang-aapi ay lupigin at ibagsak.
4|Page
Kanan: Nawa sila ay maglingkod, silang lahat mong hinirang,
hangga't araw sumisikat, hangga't buwa'y sumisilang. Ang hari
sana'y matulad sa ulan ng kaparangan;
bumubuhos, dumidilig sa lahat ng nabubuhay.

Kaliwa: At ang buhay na matuwid sa kanyang kapanahunan,


maghari sa bansa niya't umunlad kailanpaman. Nawa kanyang
kaharian ay lubusan ngang lumawak,
mula sa Ilog Eufrates, sa daigdig ay kakalat.

Sa harap niya ay susuko mga taong nasa ilang;


isubsob nga sa lupa, lahat ng kanyang kaaway.

Kanan: Mga haring nasa pulo at naroon sa Espanya,


maghahandog ng kaloob upang parangalan siya.
Pati rin ang mga hari ng Arabia at Etiopia,
may mga kaloob ding ibibigay sa kanya. Ang lahat ng mga hari,
gagalang sa harap niya,
mga bansa'y magpupuri't maglilingkod sa tuwina.

Lahat: . Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kapara


noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

Antipona: Si Jesukristo, ang panaganay na isinilang mula sa


kamatayan at hari ng mga hari sa lupa, ay ginawa tayong
maharlikang bayan upang maglingkod sa kanyang Diyos at Ama.

AWIT: Anima Christi (Tatayo)

MGA PAGLUHOG (Magsiluhod)


N: Lahat ng papuri at kadakilaan ay sa Diyos, sapagkat sa dugo ni
Kristo kanyang pinagtibay ang bago at walang hanggang tipan sa

5|Page
kanyang sambayanan, at patuloy na bunubuhay sa sakramento sa
banal na hapag. Ating itaas an gating mga tinig sa panalangin:

B: BASBASAN MO ANG IYONG BAYAN, PANGINOON

N: Panginoon, gabayan mop o ang isipan at kalooban ng iyong


sambayanan lalo na ang mga naglilinkod sa pamahalaan upang
hanapin nila ang ikabubuti ng lahat.

B: BASBASAN MO ANG IYONG BAYAN, PANGINOON

N: Palakasain ang diwa ng pagtatalaga ng mga taong iniwan ang


lahat para sumonod kay Kristo, nawa’y maging maningning silang
saksi sa kabanalan ng Simbahan.

B: BASBASAN MO ANG IYONG BAYAN, PANGINOON

N: Nilikha mo ang tao na iyong kalarawan, kanila nwang panindigan


ang karangalan ng tao.

B: BASBASAN MO ANG IYONG BAYAN, PANGINOON

N: Ibalik mo sa iyong piling ang mga naliligaw, at turuan kaming


maging handa na tulungan sila.

B: BASBASAN MO ANG IYONG BAYAN, PANGINOON

N: Ama naming makapangyarihan, itinuro sa amin ng iyong bugtong


na Anak na ang tunay na pamumuno ay nasa paglilingkod. Maging
handa nawa kaming maglingkod sa aming kapwa lalo na sa mga
kapus palad at nangangailangan. Hinihiling naming ito sa
pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon, kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.

B: Amen.
6|Page
Ikalawang Sangkapat:

AWIT: Tinapay ng Buhay (Tatayo)

Pagbasa: Juan 17:1-10


Tagabasa: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Pagkasabi ni Jesus ng mga ito, tumingala siya sa langit at kanyang


sinabi, “Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak
upang luwalhatiin ka niya. 2 Sapagkat binigyan mo siya ng
kapangyarihan sa lahat ng tao upang bigyan niya ng buhay na
walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa kanya. 3 At ito ang
buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila na iisang tunay na
Diyos, at si Jesu-Cristo na iyong isinugo. 4 Inihayag ko dito sa lupa
ang iyong kaluwalhatian; natapos ko na ang ipinapagawa mo sa
akin. 5 Kaya, Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon sa iyong harapan
ang kaluwalhatiang taglay ko sa piling mo bago pa likhain ang
sanlibutan.6 “Ipinahayag ko na kung sino ka sa mga taong ibinigay
mo sa akin mula sa sanlibutan. Sila'y iyo at ibinigay mo sila sa akin,
at tinupad nila ang iyong salita. 7 Alam na nila na ang lahat ng
ibinigay mo sa akin ay mula sa iyo; 8 dahil ibinigay ko sa kanila ang
mga salitang ibinigay mo sa akin, at tinanggap nila. Natitiyak nilang
ako'y tunay na galing sa iyo, at naniniwala silang ikaw nga ang
nagsugo sa akin.9 “Idinadalangin ko sila; hindi ang sanlibutang ito
ang idinadalangin ko, kundi ang lahat ng ibinigay mo sa akin,
sapagkat sila'y sa iyo. 10 Ang lahat ng sa akin ay sa iyo, at ang lahat
ng sa iyo ay sa akin; at naluluwalhati ako sa pamamagitan nila.

(Manahimik sandali para sa pagninilay)


(Magsiupo)

SALMO 72:12-19
7|Page
Antipona: Ang Panginoon ang tagapagsanggalng ng mga api;
palalayain niya ang mahihirap mula sa kamay ng mga
makapangyarihan.

Kanan: 12 Kanyang inililigtas ang mga dukhang tumatawag,


    lalo na ang nalimutan, mga taong mahihirap;
13 
sa ganitong mga tao siya'y lubhang nahahabag;
    sa kanila tumutulong, upang sila ay maligtas.

Kaliwa: 14 Inaagaw niya sila sa kamay ng mararahas,


    sa kanya ang buhay nila'y mahalagang hindi hamak.
15 
Pagpalain itong hari! Siya nawa ay mabuhay!
    At magbuhat sa Arabia'y magtamo ng gintong-yaman;
    sa tuwina siya nawa'y idalangin nitong bayan,
    kalingain nawa ng Diyos, pagpalain habang buhay.

Kanan: 16 Sa lupai'y sumagana nawang lagi ang pagkain;


    ang lahat ng kaburulan ay mapuno ng pananim
    at matulad sa Lebanon na mauunlad ang lupain.
At ang kanyang mga lunsod, dumami ang mamamayan,
    sindami ng mga damong tumubo sa kaparangan.

Kaliwa 17 Nawa ang kanyang pangalan ay huwag nang malimutan,


    manatiling bantog hangga't sumisikat itong araw.
Nawa siya ay purihin ng lahat ng mga bansa, at sa Diyos, silang lahat
dumalanging: “Harinawa,
    pagpalain kaming lahat, tulad niyang pinagpala.”    

Kanan: 18 Ang Poon, Diyos ng Israel, purihin ng taong madla;


ang kahanga-hangang bagay tanging siya ang may gawa.
19 
Ang dakilang ngalan niya ay purihin kailanman,
at siya ay dakilain nitong buong sanlibutan!

8|Page
Lahat: . Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kapara
noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

Antipona: Ang Panginoon ang tagapagsanggalng ng mga api;


palalayain niya ang mahihirap mula sa kamay ng mga
makapangyarihan.

AWIT: In Him Alone (Tatayo)

MGA PAGLUHOG (Luluhod)


N: Pinabanal ng Panginoong Jesus ang kanyang sambayanan sa
kanyang dugo. Tumawag tayo sa kanya at sabihin:

B: PANGINOON, KAAWAAN MO ANG IYONG BAYAN.

N: Maibiging manunubos, sa pamamagitan ng iyong pagpapakasakit,


turuan kaming kalimutan ang sarili, palakasin kami laban sa
masama at kaaway, at dagdagan ang aming pag-asa.

B: PANGINOON, KAAWAAN MO ANG IYONG BAYAN.

N: Itulot mong na ang lahat ng Kristiyano, bilang iyong propeta, ay


magpahayag sa lahat ng dako ang iyong pagliligtas at maging saksi
sa wagas na pananampalataya, pag-asa at pag-ibig.

B: PANGINOON, KAAWAAN MO ANG IYONG BAYAN.

N: Bigyan mo ng lakas ang mga namimighati, at tulungan kami na


madamayan sila.

B: PANGINOON, KAAWAAN MO ANG IYONG BAYAN.

9|Page
N: Turuan mo ang mga mananampalataya na Makita ang iyong
pagpapakasakit sa kanilang mga pagdurusa at maipahayag sa iba
ang iyong pagliligtas.

B: PANGINOON, KAAWAAN MO ANG IYONG BAYAN.

N: Ama naming mapagkalinga, bigyan mo ng lakas kaming mga


mahihina upang maipakilala ka naming at ang iyong bugtong na
Anak sa sanlibutan. Maparangalan ka nawa namin sa pamamagitan
ni Jesukristo na aming Panginoon kasama ng Espiritu Santo ngayon
at magpasawalang hanggan.

B: Amen

Ikatlong Sangkapat:

AWIT: Isang Bansa (Tatayo)

Pagbasa: Juan 14:15-21


Tagabasa: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
15 
“Kung iniibig ninyo ako, tutuparin[a] ninyo ang aking mga utos.
16 
Dadalangin ako sa Ama, upang kayo'y bigyan niya ng isa pang
Patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman. 17 Siya ang
Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan
sapagkat siya ay hindi nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit
nakikilala ninyo siya, sapagkat siya'y nasa inyo at siya'y
mananatili[b] sa inyo.
18 
“Hindi ko kayo iiwang mga ulila; babalik ako sa inyo. 19 Kaunting
panahon na lamang at hindi na ako makikita ng sanlibutang ito.
Ngunit ako'y makikita ninyo; sapagkat buhá y ako, mabubuhay rin

10 | P a g e
kayo. 20 Sa araw na iyon ay malalaman ninyong ako'y nasa Ama, at
kayo nama'y nasa akin at ako'y nasa inyo.
21 
“Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad sa mga ito ang
siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama;
iibigin ko rin siya at ako'y lubusang magpapakilala sa kanya.”

(Manahimik sandali para sa pagninilay)


(Magsiupo)

PAPURING AWIT: Pahayag 11:17-18, 10b-12a


Antipona: Ang mga banal ay nakamit ang kanilang tagumpay laban
sa kamatayan sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at sa
katotohanan na kanilang sinaksihan.

Kanan: “Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, na siyang


kasalukuyan, at ang nakaraan!
Nagpapasalamat kami na ginamit mo ang iyong walang hanggang
kapangyarihan
    at nagpasimula ka nang maghari!

Kaliwa: Galit na galit ang mga bansang di-kumikilala sa iyo,


    dahil dumating na ang panahon ng iyong poot,
    ang paghatol sa mga patay,
at pagbibigay ng gantimpala sa mga propetang lingkod mo,
    at sa iyong mga hinirang, sa lahat ng may takot sa iyo,
    dakila man o hamak.
Panahon na upang wasakin mo ang mga nagwawasak sa daigdig.”

Kanan: 10 Magagalak ang lahat ng tao sa daigdig dahil sa


pagkamatay ng dalawang saksi. Magdiriwang sila at magbibigayan

11 | P a g e
ng mga regalo sapagkat ang dalawang propetang iyon ay nagdulot
sa kanila ng labis na kahirapan.

Kaliwa: 11 Pagkalipas ng tatlo't kalahating araw, pumasok sa kanila


ang hininga ng buhay mula sa Diyos. Sila'y tumayo at labis na
nasindak ang mga nakakita sa kanila. 12 Pagkatapos ay narinig nilang
nagsalita ang isang malakas na tinig mula sa langit, “Umakyat kayo
rito!” At habang nakatingin ang kanilang mga kaaway, umakyat sila
sa langit habang nakasakay sa ulap.

Lahat: . Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kapara


noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

Antipona: Ang mga banal ay nakamit ang kanilang tagumpay laban


sa kamatayan sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at sa
katotohanan na kanilang sinaksihan.

AWIT: Huwag Kang Mangamba (Tatayo)


MGA PAGLUHOG (Luluhod)
N: Ibinigay sa atin ng Panginoong Jesukristo ang bagong utos ng
Pag-ibig. Dumalangin tayo sa kanya:

B: PANGINOON, PATATAGIN MO ANG IYONG SAMBAYANAN SA


PAG-IBIG.

N: Mabuting Guro, turuan mo kaming mahalin ka sa aming kapwa at


sa paglilingkod sa kanila ay mapaglingkuran ka.

B: PANGINOON, PATATAGIN MO ANG IYONG SAMBAYANAN SA


PAG-IBIG.

12 | P a g e
N: Sa krus inihingi mo ng patawad ang iyong mga taga-usig, igyan
mo kami ng lakas na mahalin an gaming kaaway at ipanalangin ang
sa ami’y umuusig.

B: PANGINOON, PATATAGIN MO ANG IYONG SAMBAYANAN SA


PAG-IBIG.

N: Sa pamamagitan ng misteryo ng iyong katawan at dugo,


palalimin mo ang aming pag-ibig, tiyaga at pagtitiwala, palakasin
ang mahihina, aliwin ang nalulumbay at bigyan ng pag-asa ang mga
malapit ng mamatay.

B: PANGINOON, PATATAGIN MO ANG IYONG SAMBAYANAN SA


PAG-IBIG.

N: Ama naming mapagmahal, masunod nawa naming ang atas ng


iyong Anak na mahalin ang aming kapwa at sila ay paglingkuran,
hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Jesukristo na aming
Panginoon, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

B:Amen

Ikaapat na Sangkapat:
AWIT: Isang Pagkain, Isang Katawan, Isang Bayan
(Tatayo)

Pagbasa: Juan 13:31-35


Tagabasa: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
31 
Pagkaalis ni Judas ay sinabi ni Jesus, “Ngayo'y luluwalhatiin na ang
Anak ng Tao, at sa pamamagitan niya ay luluwalhatiin ang Diyos.
13 | P a g e
32 
[At kapag niluwalhati na ang Diyos sa pamamagitan ng Anak ng
Tao],[a] ang Diyos naman ang luluwalhati sa Anak, at ito'y gagawin
niya agad. 33 Mga anak, kaunting panahon na lamang ninyo akong
makakasama. Hahanapin ninyo ako, ngunit sinasabi ko sa inyo
ngayon ang sinabi ko noon sa mga Judio, ‘Hindi kayo makakapunta
sa pupuntahan ko.’
34 
“Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo ngayon: magmahalan
kayo! Kung paano ko kayo minahal, gayundin naman, magmahalan
kayo. 35 Kung kayo'y may pagmamahal sa isa't isa, makikilala ng
lahat na kayo'y mga alagad ko.”

(Manahimik sandali para sa pagninilay)


(Magsiupo)

SALMO 36:5-11
Antipona: Ang Diyos ang aking kaligtasan, nagtitiwala ako sakanya
at hindi na matatakot.

Kanan: Ang wagas na pag-ibig mo, O Yahweh, ay walang hanggan,


    at ang iyong katapatan ay abot sa kalangitan.

Matuwid at matatag ka na tulad ng kabundukan;
    ang matuwid na hatol mo'y sinlalim ng karagatan;
ang lahat ng mga tao't mga hayop na nilalang, sa tuwina'y
kinukupkop ng mapagpala mong kamay.

Kaliwa: O Diyos, ang iyong pag-ibig mahalaga at matatag,


    ang kalinga'y nadarama sa lilim ng iyong pakpak.

Sa pagkain ay sagana sa sarili mong tahanan;
    doon sila umiinom sa batis ng kabutihan.

Kanan: Sa iyo rin nagmumula silang lahat na may buhay,


    ang liwanag na taglay mo ang sa amin ay umaakay.
14 | P a g e
Kaliwa: Patuloy mong kalingain ang sa iyo'y umiibig,
    patuloy mong pagpalain ang may buhay na matuwid.
11 
Ang palalo'y huwag tulutan na ako ay salakayin,
    o ang mga masasamang gusto akong palayasin.

Lahat: . Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kapara


noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

Antipona: Ang Diyos ang aking kaligtasan, nagtitiwala ako sakanya


at hindi na matatakot.

AWIT: Awit ng Paghahangad (Tatayo)


MGA PAGLUHOG (Luluhod)
N: Noong huling hapunan, nang gabing ipinagkanulo siya,
ipinagkatiwala n gating manunubos sa kanyang simbahan ang alaala
ng kanyang kamatayan at muling pagkabuhay upang ipagdiwang
magpakailanman. Atin siyang sambahin at sabihin:

B: PABANALIN MO ANG IYONG SAMBAYANAN, NA INILIGTAS NG


IYONG DUGO.

N: Manunubos ng Sanlibutan, bigyan mo kami ng higit na


pakikibahagi sa iyong pagpapakasakit, upang kami’y makibahagi sa
kadakilaan ng iyong muling pagkabuhay.

B: PABANALIN MO ANG IYONG SAMBAYANAN, NA INILIGTAS NG


IYONG DUGO.

15 | P a g e
N: Nawa ang iyong ina, aliw ng mga nagdurusa, ay ipagtanggol kami
at damayan naming ang bawa’t isa. Tulad ng pagmamahal mo sa
amin.

B: PABANALIN MO ANG IYONG SAMBAYANAN, NA INILIGTAS NG


IYONG DUGO.

N: Sa kanilang mga pagsubok itulot mong ang mga


mananampalataya ay makibahagi sa iyong pagpapakasakit at
maipahayag sa kanilag buhay ang iyong mapaligtas na
kapangyarihan.

B: PABANALIN MO ANG IYONG SAMBAYANAN, NA INILIGTAS NG


IYONG DUGO.

N: Nagpakababa ka at nagging masunurin hanggang sa pagtanggap


sa kamatayan, kamatayan sa krus, ipagkaloob sa lahat ng
naglilingkod sa iyo ang biyaya ng kasunuran at matyagang pagtitiis.

B: PABANALIN MO ANG IYONG SAMBAYANAN, NA INILIGTAS NG


IYONG DUGO.

N: Makahati nawa ang lahat ng mga namatay sa iyong kadakilaan at


saw akas, Ikaw rin ay kanilang makapiling.

B:PABANALIN MO ANG IYONG SAMBAYANAN, NA INILIGTAS NG


IYONG DUGO.

Ama Namin (Tatayo)


N: Sa tagubin ng mga nakakagaling utos at turo ni Hesus na
Panginoon natin at Diyos, ipahayag natin ng lakas loob:

Ama Namin (Aawitin)


16 | P a g e
Panalangin kay Hesus sa Kabanlbanalang
Sakramento

Jesus, aking Diyos, sinasamba Kita, naririyan Ka sa Kabanal-


banalang Sakramento. Naghihintay Ka araw at gabi upang aming
maging aliw habang hinihintay naming Makita Ka ng harap-harapan
sa langit. Jesus, aking Diyos, sinasamba Kita sa lahat ng pook na
nakalagak ang Banal na Sakramento at sa lahat ng dakong
nilalapastangan ang Sakramento ng Pag-ibig na ito. Jesus, aking
Diyos, sinasamba Kita sa lahat ng panahon, maging noong nakaraan,
sa kasalukuyan o sa hinaharap. Sinasamba Kita sa bawat taong
nilalang at lalalangin. Jesus, aking Diyos, na nagtiis ng gutom at
ginaw, paggawa at pagod para sa amin, sinasamba Kita. Jesus, aking
Diyos na alang-alang sa aking kapakanan ay nagtiis ng kahihiyan, ng
tukso, ng kataksilan at pagtalikod ng mga kaibigan, ng paglait ng
Iyong mga kaaway, sinasamba Kita. Jesus, aking Diyos na para sa
aking kaligtasan at ng sangkatauhan ay walang awang ipinako sa
krus at nabayubay ng tatlong oras sa mapait na paghihingalo,
sinasamba Kita. Jesus, aking Diyos na dahil sa pag-ibig sa amin ay
Iyong itinatag ang Kabanal-banalang Sakramentong ito, at iniaalay
ang sarili araw-araw para sa mga kasalanan ng sangkatauhan,
sinasamba Kita. Jesus, aking Diyos na sa Banal na pakikinabang ay
nagging pagkain ng aking kaluluwa, sinasamba Kita.
Jesus, ako’y nabubuhay nang dahil sa Iyo, ako’y mamamatay
nang dahil sa Iyo. Jesus, ako’y Iyong-iyo sa buhay at kamatayan.

Pangwakas na Panalangin:
N: Manalangin tayo.

O Diyos, iniwan mo sa kahanga-hangang Sakramentong ito ang


alaala ng iyong hirap at sakit: sambahin nawa naming ang banal na

17 | P a g e
misteryo ng iyong katawan at dugo upang lagi naming madama ang
mga bunga ng iyong pagtubos sa amin. Ikaw na nabubuhay at
naghahari ngayon at magpasawalang hanggan.

B:Amen

N: Nawa’y (+) pagpalain tayo ng Panginoon, iligtas sa lahat ng


masama, at patnubayan sa buhay na walang hanggan.

B:Amen

Pangwakas na Awit: Si Kristo ay ating Hari

18 | P a g e

You might also like