You are on page 1of 31

BANAL NA ORAS

Sa mga magbabantay sa loob ng Simbahan,


PASIMULA (TUMAYO)
Namumuno:
 O Diyos, halina at ako’y tulungan.
Sasagot ang lahat:
O Panginoon, magmadali ka sa iyong pagdamay.
AWIT
BUKSAN ANG AMING PUSO
Buksan ang aming puso,
turan Mong mag-alab;
Sa bawa’t pagkukuro
lahat ay makayakap.
Buksan ang aming isip,
sikatan ng Liwanag
Nang kusang matangkilik,
tungkuling mabanaag.
Buksan ang aming palad,
sarili’y maialay.
Tulungan Mongi hanap
kami ng bagong malay.
PAMBUNGAD NA PANALANGIN (LUMUHOD)
Namumuno:

Panginoong Hesukristo na nasa Kabanal-


banalang Sakramento: masdan Mo po kaming
naririto sa Iyong harapan upang tumugon sa
Iyong tawag: “Hindi ba kayo makapagbantay
kahit isang oras man lang? Magpuyat kayo at
manalangin upang huwag kayong madaig ng
tukso.” Nawa ang aming pagsamba at
pagtanggap sa Iyong Banal na Eukaristiya ay
magbuklod sa amin bilang tapat Mong mga
alagad. Hinihiling naming ito sa Iyong
pamamagitan, Ikaw aming Panginoon ngayon at
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:
Amen.
UNANG SANGKAPAT
Tagapagbasa:
Mga kapatid simulant natin ang ating pagbabantay sa
pakikinig at pagninilay sa tagubilin ng Panginoon sa
kanyang mga alagad.
PAGBASA (TUMAYO)
Juan 13:1-8. 12-17.
Tagapagbasa:
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San
Juan.
Sasagot ang lahat:
Papuri sa Iyo, Panginoon.

Bisperas na ng Paskwa. Alam ni Hesus na


dumating na ang panahon ng Kanyang paglisan
sa sanlibutang ito upang bumalik sa Am. Mahal
Niya ang Kanyang mga tagasunod na nasa
sanlibutan, at ngayo’y ipakikita Niya kung
hanggang saan ang Kanyang pag-ibig sa kanila.

Naghahapunan si Hesus at ang mga alagad.


Naisilid na ng diyablo sa isip ni Hudas, anak ni
Simon Iscariote, ang pagkakanulo kay Hesus.
Alam ni Hesus na ibinigay na sa Kanya ng Ama
ang buong kapangyarihan; alam di Niyang Siya’y
mula sa Diyos at babalik sa Diyos. Kaya’t nang
sila’y naghahapunan, tumindig si Hesus,
naghubad ng Kanyang panlabas na kasuutan, at
nagbigkis ng tuwalya. Pagkatapos, nagbuhos
Siya ng tubig sa palanggana, at sinimulang
hugasan ang paa ng mga alagad at punasan ng
tuwalyang nakabigkis sa Kanya. Paglapit Niya
kay Simon Pedro, tumutol ito. “Panginoon,”
sabi niya, “diyata’t Kayo pa ang maghuhugas ng
aking mga paa?” Sumagot si Hesus, “Hindi mo
nauunawaan ngayon ang ginagawa Ko, ngunit
mauunawaan mor in pagkatapos.” Sinabi sa
Kanya ni Pedro. “Hinding-hindi ko po
pahuhugasan sa Inyo ang aking mga paa.”
“Kung hindi kita huhugasan, wala kang
kaugnayan sa Akin,” tugon ni Hesus.

Nang mahugasan na ni Hesus ang kanilang


mga paa, Siya’y nagsuot ng damit at nagbalik sa
hapag. “Nauunawaan ba ninyo kung ano ang
ginawa Ko sa inyo?” tanong niya sa kanila.
Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon, at
tama kayo, sapagkat ako nga. Kung akong
Panginoon ninyo at Guro ay naghugas ng inyong
mga paa, dapat ninyong tularan. Sinasabi ko sa
inyo: ang alipin ay hindi dakila kaysa kanyang
Panginoon, ni ang sinugo kasa nagsugo sa
kanya, Kung nauunawaan ninyo ang mga bagay
na ito at inyong gagawain, mapapalad kayo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Sasagot ang lahat:
Pinupuri ka namin Panginoon Hesukristo.
LIMANG MINUTONG KATAHIMIKAN PARA SA
PAGNINILAY AT MANGYARING UMUPO.
SALMO
Salmo 72:1-11
Namumuno:
Si Hesukristo, ang panganay na isinilang mula s
kamatayan at hari ng mga hari sa lupa, ay
ginawa tayong maharlikang bayan upang
maglingkod sa Kanyang Diyos at Ama.
Kanan:
Turuan Mo yaong haring humatol ng katuwiran, Sa
taglay Mong katarungan, O Diyos, siya’y bahaginan;
Upang siya’y maging tapat mamahala sa ‘Yong bayan,
At pati sa mahihirap maging tapat siyang tunay.
Kaliwa:
Ang lupain nawa Niya’y umunlad at managana;
Maghari ang katarungan sa lupain nitong bansa.
Maging tapat itong hari sa paghatol sa mahirap at ang
mga taong wala’y pag-ukulan ng paglingap; Yaon
naming nang-aapi ay malupig at bumgsak.
Kanan:
Nawa sila ay maglingkod, silang lahat Mong hinirang,
Hangga’t mayro’ng namamalas na sikat ng buwa’t
araw. Hari nila ay matulad sa ulan ng kaparangan;
Bumubuhos kung dumating sa lupain yaong ulan.
Kaliwa:
Yaong buhat na mat’wid sa Kanyang kapanahunan,
Madama ng bansa niya at umunlad habang buhay.
Yaong kanyang kaharian ay palawak ng palawak,
Mula sa Ilog Eufrates, sa daigdig ay kakalat.
Kanan:
Sa harap N’ya ay susuko yaong mga nasa ilang; at ang
mga kaaway N’ya’y mahihiga sa lansangan. Mga
haring nasa pulo at naroroon sa Espanya,
Maghahandog ng kaloob ihahain din sa Kanya.
Kaliwa:
Pati yaong mga hari ng Arabia at Etiopia, May mga
kaloob ding taglay nilang alaala. Ang lahat ng mga
hari, gagalang sa harap niya, Mga bansa’y
magpupuri’t magliligkod sa tuwina.
Yuyuko ng bahagya habang dinadasal ang papuri:
Papuri sa Ama, at sa Anak at sa Espiritu Santo. Kapara
noong una, ngayon at magpakailanman at
magpasawalang hanggan. Amen.
Namumuno:
Si Hesukristo, ang panganay na isinilang mula s
kamatayan at hari ng mga hari sa lupa, ay
ginawa tayong maharlikang bayan upang
maglingkod sa Kanyang Diyos at Ama.
AWIT (TUMAYO)
O HESUS, HILUMIN MO
Koro: O Hesus, hilumin Mo,
Aking sugatang puso
nang aking mahango,
kapwa kong kasimbigo.

Hapis at pait iyong patamisin


at hagkan ang sakit
nang maningas ang rikit.
Koro

Aking sugatang diwa’t


katawan ay gawing daan
ng ‘yang kaligtasan
Koro
MGA PAGLULUHOG (LUMUHOD)
Namumuno:
Lahat ng papuri at kadakilaan ay sa Diyos,
sapagkat sa dugi ni Kristo Kanyang pinagtibay
ang bago at walang hanggang tipan sa Kanyang
sambayanan, at patuloy na binubuhay sa
sakramento ng banal na hapag. Ating itaas ang
ating mga tinig sa panalangin:
Sasagot ang lahat:
Basbasan Mo ang Iyong bayan, Panginoon.
Namumuno:
Panginoon, gabayan Mo po ang isipan at
kalooban ng Iyong sambayanan lalo na ng mga
naglilingkod sa pamahalaan upang hanapin nila
ang ikabubuti ng lahat.
Sasagot ang lahat:
Basbasan Mo ang Iyong bayan, Panginoon.
Namumuno:
Palakasin ang diwa ng pagtatalaga ng mga taong
iniwan ang lahat para sumunod kay Kristo,
nawa’y maging maningning silang saksi sa
kabanalan ng Simbahan
Sasagot ang lahat:
Basbasan Mo ang Iyong bayan, Panginoon.
Namumuno:
Nilikha Mo ang tao na Itong kalarawan, kanila
nawang panindigan ang karangalang ito.
Sasagot ang lahat:
Basbasan Mo ang Iyong bayan, Panginoon.
Namumuno:
Ibalik Mo sa Iyong piling ang mga naligaw, at
turuan kaming maging handa na tulungan sila.
Sasagot ang lahat:
Basbasan Mo ang Iyong bayan, Panginoon.
SANDALING KATAHIMIKAN
Namumuno:
Amang makapangyarihan, itinuro sa amin ng
Iyong bugtong na Anak na ang tunay na
pamumuno ay nasa paglilingkod. Maging handa
nawa kaming maglingkod sa aming kapwa lalo
na sa mga kapuspalad at nangangailangan.
Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Kristo
na aming Panginoon, kasama ng Espirito Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:
Amen.
IKALAWANG SANGKAPAT
AWIT (TUMAYO)
BUKAL NG BUHAY
Koro: Panginoon, Ikaw ang
bukal ng buhay at aking
hantungan kailanman.
Panginoon, Ikaw ang
Aking patnubay patungo
sa batis ng buhay.
Koro
Sa paglalakbay ko
kapiling Kita ang Liwanag
Mo’y aking tanglaw.
Koro
Ang kasaganaan at
Kapayapaan hatid
Mo sa Iyong angkan
Koro
Tagapagbasa:
Ating pakinggan ang panalangin ng Panginoon para
sa Kanyang alagad.
PAGBASA
Juan 17:1-10
Tagapagbasa:
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San
Juan.
Sasagot ang lahat:
Papuri sa Iyo, Panginoon.

Pagkasabi ni Hesus ng mga pananalitang


ito, Siya’y tumingala sa langit at ang wika, “Ama,
dumating na ang oras; parangalan Mo ang Iyong
Anak upang maparangalan ka naman Niya.
Sapagkat pinagkalooban Mo Siya ng
kapangyarihan sa sangkatauhan, upang
magbigay ng buhay na walang hanggan sa lahat
ng ibinigay Mo sa kanya. Ito ang buhay na
walang hanggan: ang kilalanin Ka nila, ang iisa
at tunay na Diyos, at si Hesukristo na Iyong
sinugo. Inihayag ko rito sa lupa ang Iyong
karangalan; natapos Ko na ang ipinagagawa Mo
sa Akin. Kaya, Ama, ipagkaloob Mo sa Akin
ngayon ang karangalang taglay Ko sa piling Mo
bago pa likhain ang sanlibutan. Ipinakilala kita
sa mga taong ibinigay Mo sa Akin mula sa
sanlibutan. Sila’y Iyo; ibinigay Mo sila sa Akin,
at tinupad nila ang Iyong Salita. Ngayo’y alam na
nilang mula sa Iyo ang lahat ng ibinigay Mo sa
Akin; sapagkat itinuro ko sa kaila ang lahat ng
aking nabatid sa Iyo at tinanggap naman nila.
Natitiyak nilang Ako’y galing sa Iyo, at
naniniwala silang Ikaw nga ang nagsugo sa
Akin. Idinadalangin ko sila, hindi ang
sanlibutan kundi ang lahat ng ibinigay Mo sa
Akin, sapagkat sila’t Iyo. Ang lahat ng Akin ay
Iyo, at ang lahat ng Iyo ay Akin; at pararangalan
Ako sa pamamagitan nila.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Sasagot ang lahat:
Pinupuri ka namin Panginoon Hesukristo.
LIMANG MINUTONG KATAHIMIKAN PARA SA
PAGNINILAY AT MANGYARING UMUPO.
SALMO
Salmo 72:12-19
Namumuno:
Ang Panginoon ang tagapagsanggalang ng mga
api; palalayain Niya ang mahihirap mula sa
kamay ng mga makapangyarihan.
Kanan:
Kanya namang ililigtas ang sinumang tumatawag,
Lalo yaong nalimot nang mga taong mahihirap; Sa
ganitong mga tao Siya’y lubhang nahahabag; Sa
kanila tumutulong, upang sila ay maligtas.
Kaliwa:
Inaagaw Niya sila sa kamay ng mararahas, Sa kanya
ang buhay nila’y mahalagang di-hamak. Pagpalain
itong hari! Siya nawa ay mabuhay! At magbuhat sa
Arabia’y magtamo ng gintong-yaman; Sa tuwina Siya
nawa’y idalangin nitong bayan. Kalingain nawa ng
Diyos, pagpalain habang buhay.
Kanan:
Sa lupai’y sumagana nawang lagi ang pagkain; Ang
lahat ng kaburulan ay mapuno ng pananim at matulad
sa Libano na mauunlad ang lupain. Yaong kanyang
mga lunsod, dumami ang mamamayan, Sindami ng
mga damong, tumubo sa kaparangan.
Kaliwa:
Nawa yaong Kanyang ngalan, ay h’wag nang
malimutan, Manatiling laging bantog na katulad
nitong araw; Nawa siya ay purihan ng lahat ng mga
bansa, at sa Diyos, silang lahat dumalangin: “Hari
nawa Pagpalain kaming lahat, tulad niyang
pinagpala.”
Kanan:
Ang Poon, Diyos ng Israel, purihin ng taong madla;
Ang kahanga-hangang bagay tanging Siya ang may
gawa. Ang dakilang ngalan niya ay purihin
kailanman, At Siya ay dakilain nitong buong
sanlibutan! Amen! Amen!
Yuyuko ng bahagya habang dinadasal ang papuri:
Papuri sa Ama, at sa Anak at sa Espiritu Santo. Kapara
noong una, ngayon at magpakailanman at
magpasawalang hanggan. Amen.
Namumuno:
Ang Panginoon ang tagapagsanggalang ng mga
api; palalayain Niya ang mahihirap mula sa
kamay ng mga makapangyarihan.
AWIT (TUMAYO)
SUGAT NI KRISTO
Hirap at pagdurusa ang
Kanyang nadarama;
Ang sugat sa katawan,
pag-ibig ang dahilan
Dugong pumatak,
Tumbas ng kaligtaan
Si Kristong Anak ng Diyos,
nag-alay ng buhay

Bawat sugat ni Kristo


ay may pahayag
Ang sugat sa ulo’y
pang-unawang taglay
Sa dibdib ay pag-ibig,
sa kamay ay pagdamay
Sa paa na laging nakasubaybay.
MGA PAGLULUHOG (LUMUHOD)
Namumuno:
Pinabanal ng Panginoong Hesus ang Kanyang
sambayanan sa Kanyang dugo. Tumawag tayo sa
Kanya at sabihin:
Sasagot ang lahat:
Panginoon, kaawaan Mo ang Iyong bayan.
Namumuno:
Maibiging Manunubos, sa pamamagitan ng
Iyong pagpapakasakit, turuan kaming
kalimutan ang sarili, palakasin kami laban sa
masama at kaaway, at dagdagan ang aming pag-
asa upang maging handa kaming ipagdiwang
ang Iyong muling Pagkabuhay.
Sasagot ang lahat:
Panginoon, kaawaan Mo ang Iyong bayan.
Namumuno:
Itulot Mo na ang lahat ng Kristiyano, bilang
Iyong propeta, ay magpahayag a lahat ng dako
ang Iyong pagliligtas at maging saksi saw agas
na pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig.
Sasagot ang lahat:
Panginoon, kaawaan Mo ang Iyong bayan.
Namumuno:
Bigyan Mo ng lakas ang mga namimighati, at
tulungan kami na madamayan sila.
Sasagot ang lahat:
Panginoon, kaawaan Mo ang Iyong bayan.
Namumuno:
Turuan Mo ang mga mananampalataya na
makita ang Iyong pagpapakasakit sa kanilang
mga pagdurusa, at maipahayag sa iba ang Iyong
pagliligtas
Sasagot ang lahat:
Panginoon, kaawaan Mo ang Iyong bayan.
SANDALING KATAHIMIKAN
Namumuno:
Amang mapagkalinga, bigyan Mo ng lakas
kaming mga mahihina upang maipakilala Ka
nami at ang Iyong bugtong na Anak s sanlibutan.
Maparangalan Ka nawa naming sa
pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon kasama ng Espiritu Santo ngayon at
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:
Amen.
IKATLONG SANGKAPAT
AWIT (TUMAYO)
DAKILANG PAG-IBIG
Koro: Dakilang pag-ibig
saan man Manahan
Diyos ay naroon,
walang alinlangan.

Tinipon tayo sa pagmamahal,


ng ating Poong Hesus
Tayo’y lumigaya sa pagkakaisa,
sa Haring nakapako sa Krus.
Koro

Purihi’t ibigin ang ating Diyos,


na S’yang unang nagmamahal:
Kaya’t buong pag-ibig rin nating
Mahalin ang bawa’t kapati at kapwa.
Koro

Iwasan lahat ang pagkapoot,


Pag-aalinlanga’t yamot;
Sundin ang landasin ni Hesukristo
at ito’y halimbawa ng Diyos.
Koro
Tagapagbasa:
Atin ngayong dinggin ang pangako ng Panginoon ukol
sa pagsusugo ng Espiritu Santo.
PAGBASA
Juan 14:15-21
Tagapagbasa:
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San
Juan.
Sasagot ang lahat:
Papuri sa Iyo, Panginoon.

K ung iniibig ninyo Ako, tutuparin ninyo ang


Aking mga utos. Dadalangin Ako sa Ama, at kayo’y
bibigyan Niya ng isa pang Patnubay na magiging
kasama Ninyo magpakailanman. Ito’y ang Espiritu
ng katotohanan, na hindi matanggap ng
sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo Siya, sapagkat
Siya’y sumasainyo at nananahan sa inyo. Kaunting
panahon na lamang at hindi na Ako makikita ng
sanlibutan. Ngunit Ako’t makikita ninyo; sapagkat
mabubuhay Ako, at mabubuhay rin kayo.
Malalaman ninyo sa araw na yaon na Ako’y
sumasa-Ama, kayo’y sumasaakin, at Ako’y
sumasainyo. Ang tumanggap sa mg autos Ko at
tumutupad nito ang siyang umiibig sa Akin, ang
umiibig sa Akin ay iibigin ng Aking Ama; iibigin Ko
rin Siya, at Ako’y lubusang magpapakilala sa
Kanya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Sasagot ang lahat:
Pinupuri ka namin Panginoon Hesukristo.
LIMANG MINUTONG KATAHIMIKAN PARA SA
PAGNINILAY AT MANGYARING UMUPO.
PAPURING AWIT
Pahayag 11:17-18. 12:10-12
Namumuno:
Ang mga banal ay nakamit ang kanilang
tagumpay laban sa kamatayan s pamamagitan
ng dugo ng Kordero at sa katotohanan na
kanilang sinaksihan.
Kanan:
Panginoon Diyos na Makapangyarihan sa lahat, Diyos
sa kasalukuyan, at sa nakaraan, Nagpapasalamat
kami na ginamit Mo ang Iyong walang hanggang
kapangyarihan At nagpaimula Ka nang maghari!
Kaliwa:
Nagngingitngit ang mga di kumikilala sa Diyos ngunit
dumating na ang panahon ng Iyong poot, Ang
paghatol sa mga patay, At pagbibigay ng gantimpala
sa mga propetang lingcod Mo, At sa Iyong mga
hinirang, Sa lahat ng may takot sa Iyo, dakila ma’t
hamak. Panahon na upang lipulin Mo ang mga
ngapapahirap a sanlibutan.
Kanan:
Dumating na ang pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas
Niya ang Kanyang kapangyarihan bilang Hari!
Ipinamalas na ng Mesiyas ang Kanyang Karapatan!
Pagkat pinalayas na sa langit ang umuusig araw at
gabi sa mga kapatid natin.
Kaliwa:
Nagtagumpay sila laban sa Diyablo sa pamamagitan
ng dugo ng Kordero at ng kanilang pagsaksi sa
katotohanan; Hindi sila nanghihinayang sa kanilang
buhay. Kaya’t magalak kayo, kalangitan, At lahat ng
naninirahan diyan!
Yuyuko ng bahagya habang dinadasal ang papuri:
Papuri sa Ama, at sa Anak at sa Espiritu Santo. Kapara
noong una, ngayon at magpakailanman at
magpasawalang hanggan. Amen.
Namumuno:
Ang mga banal ay nakamit ang kanilang
tagumpay laban sa kamatayan s pamamagitan
ng dugo ng Kordero at sa katotohanan na
kanilang sinaksihan.
AWIT (TUMAYO)
HALINA’T ATING PAGSALUHAN
Halina’t ating pagsaluhan
Ang Piging ng Panginoon
Sa pinagpalang sakramento (2x)

Koro: Tinapay ay kanin at


alak ay inumin Katawan at
dugo ng Poon natin. Pagsaluhan
ang Kanyang buhay Ito’y sa’yo
ito’y sa akin Sapagkat tayo’y
iisa sa Kanyang paningin.
Halina’t ating pagsaluhan
Ang Hapunan ng Panginoon
Sa pinagpalang sakramento (2x)
Koro

Halina’t ating pagsaluhan


Ang Paghihirap ng Panginoon
Sa pinagpalang sakramento (2x)
Koro

Halina’t ating pagsaluhan


Ang Pagyao ng Panginoon
Sa pinagpalang sakramento (2x)
Koro

Halina’t ating pagsaluhan


Ang Pagkabuhay ng Panginoon
Sa pinagpalang sakramento (2x)
Koro

Halina’t ating pagsaluhan


Ang Pag-ibig ng Panginoon
Sa pinagpalang sakramento (2x)
Koro
MGA PAGLULUHOG (LUMUHOD)
Namumuno:
Ibinigay sa atin ng Panginoong Hesukristo ang
bagong utos, ng Pag-ibig Dumalangin tayo sa
Kanya.
Sasagot ang lahat:
Panginoon, patatagin Mo ang Iyong sambayanan sa
pag-ibig.

Namumuno:
Mabuting Guro, turuan Mo kaming mahalin Ka
sa aming kapwa, at sa paglilingkod sa kanila ay
mapaglingkuran Ka.
Sasagot ang lahat:
Panginoon, patatagin Mo ang Iyong sambayanan sa
pag-ibig.
Namumuno:
Sa Krus inihingi Mo ng patawad ang Iyong mga
tag-usig, bigyan Mo kami ng lakas na mahalin
ang aming kaaway at ipanalangin ang sa ami’y
umuusig.
Sasagot ang lahat:
Panginoon, patatagin Mo ang Iyong sambayanan sa
pag-ibig.
Namumuno:
Sa pamamagitan ng misteryo ng Iyong katawan
at dugo, palalimin ang aming pag-ibig, tiyaga, at
pagtitiwala, palakasin ang mahihina, aliwin ang
nalulumbay at bigyan ng pag-asa ang mga
malapit ng mamatay.
Sasagot ang lahat:
Panginoon, patatagin Mo ang Iyong sambayanan sa
pag-ibig.
SANDALING KATAHIMIKAN
Namumuno:
Amang mapagmahal, masunod nawa naming
ang atas ng Iyong Anak na mahalin ang aming
kapwa at sila ay paglingkuran. Hinihiling
naming ito sa pamamagitan ni Hesukristo na
aming Panginoon, kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:
Amen.
IKAAPAT NA SANGKAPAT AT PANGWAKAS
AWIT (TUMAYO)
ISANG PANGINOON, ISANG
KATAWAN, ISANG BAYAN
Katulad ng mga butil na tinitipon
Upang maging tinapay
na nagbibigay buhay.
Kami nawa’y magtipon din
At maging bayan mong giliw.
Isang Panginoon,
Isang katawan,
Isang bayan, isang lahi
sa ‘Yo’y nagpupugay
Katulad din ng mga ubas
na t naging alak
Sino mang uminom nito:
“May buhay na walang hanggan”
Kami nawa’y maging sangkapap
sa pagbuo nitong bayang liyag.

Tagapagbasa:
Pakinggan natin ang pagbibigay ng Bagong Utos ng
Panginoon, ang Pag-ibig.
PAGBASA
Juan 13:31-35
Tagapagbasa:
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San
Juan.
Sasagot ang lahat:
Papuri sa Iyo, Panginoon.

P agkaalis ni Hudas ay sinabi ni Hesus,


“Ngayo’y mahahayag na ang karangalan ng Anak
ng Tao; at mahahayag din ang karangalan ng Diyos
sa pamamagitan Niya. At kung mahayag na ang
karangalan ng Diyos, ang Diyos naman ang
maghahayag ng karangalan ng Anak, at gagawin
Niya ito agad. Mga anak, kaunting panahon na
lamang ninyo Ako makakasama. Hahanapin ninyo
Ako; ngunti sinasabi Ko sa inyo ngayon ang sinabi
Ko sa mga Judio, ‘Hindi kayo makapupunta sa
paroroonan Ko.’ Isang bagong utos ang ibinibigay
Ko sa inyo: mag-ibigan kayo! Kung paanong inibig
Ko kayo, gayun din naman, mag-ibigan kayo. Kung
kayo’y mag-iibigan, makikilala ng lahat na kayo’y
mga alagad ko.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Sasagot ang lahat:
Pinupuri ka namin Panginoon Hesukristo.
LIMANG MINUTONG KATAHIMIKAN PARA SA
PAGNINILAY AT MANGYARING UMUPO.
SALMO
Salmo 36:5-11
Namumuno:
Ang Diyos ang aking kaligtasan, nagtitiwala ako
sa Kanya at hindi na matatakot.
Kanan:
Ang wagas na pag-ibig mo, O Panginoon, ay walang
hanggan, at ang Iyong pagtatapat ay abot sa
kalangitan. Matuwid at matatag Ka na tulad ng
kabundukan.
Kaliwa:
Ang matuwid na hatol mo’y sinlalim ng karagatan Ang
lahat ng mga Tao’t mga hayop na nilalang, Sa
Tuwina’y kinukupkop ng mapagpala Mong kamay.
Kanan:
O Diyos, yaong pag-ibig Mo’y mahalaga at matatag,
Ang kalinga’y nadarama sa lilim ng Iyong pakpak.
Kaliwa:
Sa pagkain ay sagana sa sarili Mong tahanan; Doon
sila umiinom sa batis ng kabutihan. Sa Iyo rin
nagmumula yaong lahat na may buhay. Ang liwanang
na taglay Mo ay sa amin umaakay.
Kanan:
Patuloy Mong kalingain ang sa Iyo’y umiibig, Patuloy
mong pagpalain ang may buhay na matuwid. Ang
mga palalo’y h’wag tulutan na ako ay salakayin.
Yuyuko ng bahagya habang dinadasal ang papuri:
Papuri sa Ama, at sa Anak at sa Espiritu Santo. Kapara
noong una, ngayon at magpakailanman at
magpasawalang hanggan. Amen.
Namumuno:
Ang Diyos ang aking kaligtasan, nagtitiwala ako
sa Kanya at hindi na matatakot.
AWIT (TUMAYO)
ITO ANG AKING KATAWAN
Ito ang aking katawan, handog Ko sa inyo;
Ito ang Kalis ng bagong tipan sa aking Dugo.
Sa pagtanggap ninyo nito, tanggapin n’yo Ako
At buhay na walang hanggan dulot Ko sa inyo.
Kanin ang aking Katawang alay Ko sa inyo,
At inumin Dugong binuhos para sa inyo.
Twing gagawin ninyo ito, gunitain ako
At buhay na sa bawat tao’y kaloob Ko.
L’walhati sa Diyos sa Katawang handog sa ‘nyo,
L’walhati sa Dityos sa bagong tipan sa aking Dugo
Sa pagtanggap n’yo sa Akin, ipahayag ninyo:
Aking kamatayan hanggan sa pagparito Ko.
MGA PAGLULUHOG (LUMUHOD)
Namumuno:
Noong huling hapunan, nang gabing ipagkanulo
Siya, ipinagkatiwala ng ating Manunubos sa
Kanyang Simbahan ang alaala ng Kanyang
kamatayan at muling pagkabuhay, upang
ipagdiwang magpakailanman. Atin Siyang
sambahin at sabihin:
Sasagot ang lahat:
Pabanalin Mo ang Iyong sambayanan, na iniligtas ng
Iyong Dugo.
Namumuno:
Manunubos ng sanlibutan, bigyan Mo kami ng
higit na pakikibahagi sa Iyong pagpapakasakit,
upang kami’y makibahagi sa Kadakilaan ng
Iyong muling pagkabuhay.
Sasagot ang lahat:
Pabanalin Mo ang Iyong sambayanan, na iniligtas ng
Iyong Dugo.
Namumuno:
Nawa ang Iyong ina, aliw ng mga nagdurusa, ay
ipagtanggol kami at damayan naming ang
bawa’t isa tulad ng pagmamahal Mo sa amin.
Sasagot ang lahat:
Pabanalin Mo ang Iyong sambayanan, na iniligtas ng
Iyong Dugo.
Namumuno:
Sa kanilang mga pagsubok itulot Mong ang mga
mananampalataya ay makibahagi sa Iyong
pagpapakasakit at maipahayag sa kanilang
buhay ang Iyong mapagligtas na kapangyarihan.
Sasagot ang lahat:
Pabanalin Mo ang Iyong sambayanan, na iniligtas ng
Iyong Dugo.
Namumuno:
Nagpakababa Ka at naging masunurin hanggan
sa pagtangap sa kamatayan, kamatayan sa krus,
ipagkaloob sa lahat ng naglilingkod sa Iyo ang
biyaya ng kasunuran at matiyagang patitiis.
Sasagot ang lahat:
Pabanalin Mo ang Iyong sambayanan, na iniligtas ng
Iyong Dugo.
Namumuno:
Makahati nawa ang lahat ng mga namatay sa
Iyong kadakilaan at sa wakas, Ikaw rin ay
kanilang makapiling.
Sasagot ang lahat:
Pabanalin Mo ang Iyong sambayanan, na iniligtas ng
Iyong Dugo.
AWIT (TUMAYO)
AMA NAMIN
Ama namin, sumasalangit ka.
Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa
lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng
aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming
mga sala para nang pagpapatawad
naming sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
PANGWAKAS NA PANALANGIN
Namumuno:
Manalangin tayo.
SANDALING KATAHIMIKAN

O Diyos, iniwan Mo sa kahanha-hangang


Sakramento ito ang alaala ng Iyong hirap at
sakit: sambahin nawa naming ang banal na
misteryo ng Iyong katawan at dugo upang lagi
naming madama ang mga bunga ng Iyong
pagtubos sa amin. Ikaw na nabubuhay at
naghahari ngayon at magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:
Amen.
Namumuno:
 Pagpalain nawa tayo ng Panginoon, iligtas tayo
mula sa lahat ng kasamaan at akayin tayo sa
buhay na walang hanggan.
Sasagot ang lahat:
Amen.
PANGWAKAS NA AWIT
Mahal na puso ni Hesus
Kami ay kupkupin;
Akitin ang puso naming
Nang grasya Mo;y kamtin

Oh, Kristo’y dinggin,


Aming panalangin;
Laging angkinin,
Ang puso naming,

Banal na templo’t tahanan


Ay trono Mong mahal;
Ikaw yaring kayamanan
Nitong abang buhay

O Pusong mahal,
Kami’y pagharian;
Gawin Mong banal
Ang pamumuhay
NO MAS AMOR QUE EL TUYO
No mas amor que el tuyo,
oh Corazon Divino
El pueblo Filipino,
Te da su Corazon
En templos y en hongares,
Te invoque nuestra lengua
Tu reinaras sin mengua,
De Aparri hasta Jolo.

Ha tiempo que esperamos,


Tu imperio en el oriente
La fe de Filipinas,
Es como el sol ardiente
Como la roca firme,
In mensa como el mar
La iniquida no puede,
Ser de estas islas dueña
Que inzada en nuestros montes,
Tu celestial enseña
Las pueras del infierno,
No prevaleceran.
WALANG HIGIT NA PAGIBIG
Walang higit na pag-ibig,
O Mahal na Puso
Ang bayang Pilipino
Alay sa puso mo
Sa templo sa tahanan,
Sambit namin ang ‘Yong nglan.
Maghari kang tunay
sa Apari hanggang Jolo.

Malaon na naming pangarap


paghahari sa Silangan
Pananampalatay nami’y
singwagas ng araw
Sintatag ng kabundukan
sinlawak ng karagatan
Kailanma’y di pabibihag,
bayan mo sa kasalanan
Tanghal sa tanang dako
ang banal mong sagisag
Ang sumpa ng karimlan
di magtatagumpay.

You might also like