You are on page 1of 209

Amen.

Kami’y
nangungumpisal sa Iyo,
O Diyos na
makapangyarihan,
sa lahat ng mga Santo,
at sa isa’t-isa na kami’y
nagkasala sa aming
naisip,
sa aming nasabi, sa
aming mga nagawa, at
sa nakaligtaan naming
gawin;
at ito’y sarili naming
kamalian. Kaya
isinasamo namin sa Iyo,
O Diyos,
na kaawaan kami,
at sa lahat ng Santo na
ipanalangin kami sa
Iyo Panginoong Diyos.
Amen.
Amen.
Ang Panginoon ay
sumainyo.
At sumaiyo rin.
Amen.
Isaias 35:1-10
Ang ulilang lupaing
malaon nang tigang ay
muling sasaya,
mananariwa at
mamumulaklak ang
ilang.
Ang dating ilang ay
aawit sa tuwa,
ito’y muling gaganda
tulad ng mga Bundok
ng Libano
at mamumunga nang
sagana, tulad ng
Carmelo at Saron,
mamamasdan ng lahat
ang kaningningan at
kapangyarihan ni
Yahweh.
Inyong palakasin ang
mahinang kamay, at
patatagin ang mga
tuhod na lupaypay,
ito ang sabihin sa
pinanghihinaan ng
loob:
“Huwag kang matakot,
laksan mo ang iyong
loob,
darating na ang
Panginoon Diyos, at
ililigtas ka sa mga
kaaway.’’
Ang mga bulag ay
makakikita, at
makaririnig ang mga
bingi;
katulad ng usa, ang
pilay ay lulundag, aawit
sa galak ang mga pipi.
Mula sa gubat ay
bubukal ang tubig at
ang mga batis dadaloy
sa ilang;
ang umuusok na
buhanginan ay
magiging isang lawa,
sa tigang na lupa ay
babalong ang tubig.
Ang dating tirahan ng
mga asong-gubat, ay
tutubuan ng tambo at
talahib.
Magkakaroon ng isang
maluwang na
lansangan,
na tatawaging Landas
ng Kabanalan.
Ang mga makasalanan
at mga hangal, sa
landas na ito ay di
makararaan.
Walang leon o
mabangis na hayop na
makalalapit doon;
ito’y para lamang sa
mga tinubos.
Ang mga tinubos ni
Yahweh ay babalik sa
Jerusalem, masiglang
umaawit ng pagpupuri.
Paghaharian sila ng
kaligayahan.
Lungkot at dalamhati
ay mapapalitan ng
tuwa at galak
magpakailanman.
Ang Salita ng
Panginoon.
Salamat sa Diyos.
Sa walang hanggang
Hari, tayo’y magalak
na magpuri.
Santiago 5:7-10
Kaya nga’t magtiyaga
kayo, mga kapatid,
hanggang sa pagdating
ng Panginoon.
Tingnan ninyo ang
magsasaka.
Buong tiyaga niyang
hinihintay ang
mahalagang bunga ng
kanyang bukirin
at ang pagpatak ng una
at huling ulan.
Dapat din kayong
magtiyaga.
Tibayan ninyo ang
inyong loob,
sapagkat nalalapit na
ang pagdating ng
Panginoon.
Huwag kayong
maghinanakitan, mga
kapatid, upang hindi
kayo hatulan ng Diyos,
sapagkat malapit nang
dumating ang Hukom.
Mga kapatid, tularan
ninyo ang mga
propetang nagsalita sa
ngalan ng Panginoon.
Buong tiyaga silang
nagtiis ng kahirapan.
Ang Salita ng
Panginoon.
Salamat sa Diyos.
Ang Panginoon ay
sumainyo.
At sumaiyo rin.
Mateo 11:2-11
Luwalhati sa Iyo,
Panginoong Hesukristo.
Noong panahong iyon:
Nabalitaan ni Juan
Bautista, na noo’y nasa
bilangguan,
ang mga ginagawa ni
Kristo.
Kaya’t nagsugo si Juan
ng kanyang mga alagad
at ipinatanong sa
kanya,
“Kayo po ba ang
ipinangakong paririto,
o maghihintay pa kami
ng iba?”
Sumagot si Hesus,
“Bumalik kayo kay
Juan
at sabihin sa kanya ang
inyong narinig at
nakita:
nakakikita ang mga
bulag, nakalalakad ang
mga pilay, gumagaling
ang mga ketongin,
nakaririnig ang mga
bingi, muling
nabubuhay ang mga
patay,
at ipinangangaral sa
mga dukha ang
Mabuting Balita.
Mapalad ang taong
hindi nag-aalinlangan
sa akin!”
Pag-alis ng mga alagad
ni Juan, nagsalita si
Hesus sa mga tao
tungkol kay Juan:
“Bakit kayo lumabas sa
ilang? Ano ang ibig
ninyong makita?
Isa bang tambo na
inuugoy ng hangin?
Ano nga ang ibig
ninyong makita?
Isang taong may
maringal na kasuutan?
Ang mga nagdaramit
ng maringal ay nasa
palasyo ng mga hari!
Ano nga ba ang ibig
ninyong makita? Isang
propeta?
Oo. At sinasabi ko sa
inyo, higit pa sa
propeta.
Sapagkat si Juan ang
tinutukoy ng
Kasulatan:
‘Narito ang sugo ko na
aking ipinadadalang
mauuna sa iyo;
ihahanda niya ang
iyong daraanan.’
Sinasabi ko sa inyo: sa
mga isinilang,
wala pang lumilitaw na
higit na dakila kay
Juan Bautista;
ngunit ang pinakaaba
sa mga taong
pinaghaharian ng Diyos
ay dakila kaysa kanya.”
Ang Mabuting Balita
ng Panginoon
Papuri sa Iyo,
Panginoong Hesukristo.
Sumasampalataya
kami sa iisang Diyos,
Amang
Makapangyarihan,
na lumikha ng langit
at lupa,
at ng lahat ng nakikita
at di-nakikita.
Sumasampalataya
kami sa iisang
Panginoong Hesukristo,
bugtong na
Anak ng Diyos,
nagmula sa Ama
bago pa nagsimula
ang panahon,
Diyos buhat sa Diyos,
Liwanag buhat
sa Liwanag,
Diyos na totoo buhat sa
Diyos na totoo,
Inianak, hindi nilikha,
kaisa sa pagka-Diyos
ng Ama.
Sa pamamagitan Niya
ay nalikha ang lahat.
Na para sa ating mga
tao at sa ating
kaligtasan
ay nanaog Siya buhat
sa langit:
sa pamamagitan ng
kapangyarihan ng
Espiritu Santo
ay ipinanganak Siya ni
Mariang Birhen at
naging tao.
Ipinako sa krus
alang-alang sa atin
noong panahon ni
Poncio Pilato;
nagpakasakit, namatay,
at inilibing.
At muling nabuhay sa
ikatlong araw sa
katuparan ng mga
Kasulatan.
Umakyat Siya sa langit
at naluluklok
sa kanan ng Ama.
At muling darating na
maluwalhati
upang hukuman
ang mga buhay
at mga patay,
at ang kaharian Niya
ay walang hanggan.
Sumasampalataya
kami sa Espiritu Santo,
ang Panginoon na
Tagapagbigay ng
Buhay, na nagbubuhat
sa Ama.
Sinasamba Siya at
niluluwalhating
kasama ng Ama
at ng Anak,
nagsalita Siya
sa pamamagitan
ng mga Propeta.
Nananalig kami sa
Iglesyang Iisa, Banal,
Katolika,
at Apostolika.
Naniniwala kami sa
iisang binyag sa
ikapagpapatawad ng
mga kasalanan,
at hinihintay namin
ang muling
pagkabuhay
ng mga namatay,
at ang buhay na walang
hanggan.
Amen.
Ama ng lahat ng
kasiyahan, dinggin Mo
kami.
Panatilihin natin ang
pagkakaisa na dulot ng
Espiritu sa bigkis ng
kapayapaan.
At sumaiyo rin.
Maawaing Diyos,
ipinagkaloob Mo
sa amin ang lahat
ng bagay,
sa Iyong kasaganaan
ay ibinibigay Mo
ang lahat ng aming
pangangailangan.
Kami, na Iyong mga
mapagkumbabang
lingkod,
ay nag-aalay sa Iyo
nitong sagisag ng
aming pagtanaw ng
utang na loob
sa lahat
ng Iyong kaawaan.
Amen.
Walang hanggang
Diyos, pinatubo Mo ang
butil,
at mula rito
ay ginawa namin
ang Tinapay na ito;
iniaalay namin ito
sa Iyo upang sa amin
ay maging Tinapay
ng Buhay.
Ipagkaloob Mo
na kaming tatanggap
nito ay mabuklod sa
bigkis ng pag-iibigan.
Amen.
Makapangyarihan
Diyos,
tanggapin Mo
ang Alak na ito
na aming ginawa mula
sa Iyong mga kaloob:
ito nawa’y maging
aming inuming
espirituwal upang
kaming tatanggap nito,
ay mapasigla
at mapanibago
sa paglilingkod sa Iyo.
Amen.
Tanggapin nawa
ng Panginoon
ang ating hain,
sa ikapupuri
at ikaluluwalhati
ng Kanyang Pangalan,
sa ating ikabubuti
at ng buo Niyang
Iglesia.
Ang Panginoon ay
sumainyo.
At sumaiyo rin.
Itaas ang inyong
mga puso.
Itinataas namin
sa Panginoon.
Magpasalamat tayo
sa ating
Panginoong Diyos.
Nararapat na Siya’y
ating pasalamatan
at purihin.
Amen.
Amen.
Dumudulog kami sa
Iyong hapag, maawaing
Panginoon,
na hindi nagtitiwala sa
sarili naming
pagkamatuwid,
kundi sa Iyong
marami’t dakilang
awa.
Hindi kami karapat-
dapat na mamulot ng
mga mumo sa ilalim ng
Iyong hapag.
Subalit likas sa Iyo
ang pagkamaawain.
Ipagkaloob Mo sa
amin, kung gayon,
butihing Panginoon,
na aming tanggapin
ang Katawan ng Iyong
mahal na Anak
na si Hesukristo,
at inumin
ang Kanyang dugo,
upang kami na
pinalalakas at
pinagiging bago ng
Kanyang buhay,
ay manahan sa Kanya,
at Siya’y sa amin,
magpakailanman.
Amen.
Ang Panginoon ay
sumainyo.
At sumaiyo rin.
Makapangyarihan
at walang hanggang
Diyos,
Pinasasalamatan
Ka namin,
sapagkat kami’y Iyong
pinakain ng pagkaing
espirituwal:
ang kamahal-mahalang
Katawan at Dugo ng
aming Tagapagligtas na
si Hesukristo.
At sa mga Banal na
misteryong ito
ay tiniyak Mo na
kami’y mga buhay na
bahagi ng katawan ng
Iyong Anak,
at mga tagapagmana
ng Kanyang walang
hanggang kaharian.
Ngayon Ama, isugo Mo
kami upang gawin
namin ang tungkuling
iniatas Mo sa amin,
upang Ikaw ay ibigin at
paglingkuran at ang
aming kapwa,
bilang mga tapat na
saksi ni Kristong aming
Panginoon:
sa Kanya, sa Iyo, at sa
Espiritu Santo, ang
lahat ng karangalan at
kaluwalhatian,
ngayon
at magpakailanman.
Amen.
Amen.
Ang Panginoon ay
sumainyo.
At sumaiyo rin.
Salamat sa Diyos.

You might also like