You are on page 1of 8

MARTES SA IKATLONG LINGGO

NG PASKO NG MULING
PAGKABUHAY
PANIMULA
Matapos ang pananalangin ng Rosaryo at ng Nobena tatayo
ang lahat sa pagsisimula ng Banal na Misa. Babasahin ng
namumuno ang sumusunod:

Namumuno Magandang hapon po sa ating lahat.


Ngayong araw na ito ay nagdiriwang tayo ng
Martes sa Ikalawang Linggo ng Pasko ng
Muling Pagkabuhay.
Ngayon ay ang Kapistahan ng Ebanghelistang
si San Marcos. Sa 4 na mga manunulat ng
Mabuting Balita, si San Marcos ang pinakaikli
at ang pinakaunang sumulat tungkol sa
talambuhay ng ating Panginoong Hesukristo.
Tinatapos niya ang kanyang Ebanghelyo sa
pamamagitan ng pag-atas ni Hesukristo sa mga
Apostol na humayo at ipahayag ang Mabuting
Balita sa bawat nilalang. aging malapit siya at
ang kanyang pamilya kay San Pedro, at isa siya
sa mga disipulong nanalangin upang mapalaya
1
ang Apostol mula sa bilangguan at banta ng
kamatayan ng hari. Naging kasamahan din siya
ni San Pablo sa paglalakbay nito upang
ipangaral ang Mabuting Balita, kasama ang
kanyang pinsang si San Bernabe. Nang siya’y
nasa Roma, siya’y naging kalihim ni San Pedro.
Taong 66 A.D. nang isinulat ni San Marcos ang
kanyang Ebanghelyo kahit may pang-uusig na
ipinautos si Emperador Nero laban sa mga
Kristiyano sa siyudad. Ang pokus ng
ebanghelista sa kanyang panunulat ay ang
pagkilala ng mga tao kay Panginoong Hesus
bilang isang maawaing Tagapagligtas. Kaya ang
simbolo ni San Marcos ay isang leon sapagkat
siya’y nagkaroon ng lakas na isalaysay ang mga
itinuro at ginawa ng mahabaging Panginoon sa
kabila ng banta ng pag-uusig ni Nero. Nawa
katulad ni San Marcos ay magkaroon tayo ng
lakas at pananampalatayang ibahagi ang ating
Panginoong Hesukristo sa lahat ng nilalang ng
Diyos Ama.

Babasahin ng commentator ang sumusunod na antipona.

ANTIPONA
Purihin ninyo ang ating Diyos, lahat kayong natatakot sa
kanya, bata at matanda sapagkat sumapit na ang kaligtasan,
kabanalan at kapangyarihan ng kanyang Kristo, aleluya.
-Ap. 19:5; 12:10

Tatayo ang lahat sa pagsisimula ng Banal na Misa.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Pari/Diyakono Manalangin Tayo.

2
Binuksan mo, O Diyos, ang mga pintuan ng langit
sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu Santo.
Pagpalain mong masagana ang mga naglilingkod
sa iyo upang matapos luminis sa kanilang
kasalanan ay huwag sanang pagkaitan ng iyong
mga ipinangako.
Alang-alang sa Anak mo, si Hesukristong
Panginoon namin, nabubuhay at naghaharing
kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan. Amen.
Uupo ang lahat upang pakinggan ang mga pagbasa.
UNANG PAGBASA | 1 Pedro 5, 5b-14 |

Tagabasa Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San


Pedro.

Mga pinakamamahal, magpakababa kayong lahat at


maglingkod sa isa’t-isa, ayon sa nasusulat. “Kinamumuhian
ng Diyos ang palalo, at kinalulugdan niya ang mababang-
loob.” Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos at
dadakilain niya kayo pagdating ng takdang panahon.
Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong kabalisahan
sapagkat siya ang kumukupkop sa inyo.

Humanda kayo at magbantay. Ang diyablo na kaaway ninyo


ay parang leong umaatungal at aali-aligid na humahanap ng
masisila. Labanan ninyo siya at magpakatatag kayo sa
inyong pananalig sa Diyos. Tulad ng alam ninyo, hindi
lamang kayo ang nagtitiis ng ganitong kahirapan, kundi pati
ang inyong mga kapatid sa buong daigdig. Pagkatapos
ninyong magtiis ng maikling panahon, ang Diyos na bukal ng
lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng
kaganapan, katatagan, at isang saligang matibay at di
3
matitinag. Siya rin ang humirang sa inyo upang makihati
kayo sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian, kasama ni
Kristo. Sa kanya ang kapangyarihan magpakailanman!
Amen.

Sinulatan ko kayo sa tulong ni Silvano, isa nating kapatid na


lubos kong pinagtitiwalaan. Sa pamamagitan ng maikling
sulat na ito ay nais kong palakasin ang inyong loob at
patunayan sa inyo na ito nga ang tunay na kaloob ng Diyos.
Manatili kayo sa biyayang ito.

Kinukumusta kayo ng mga kapatid na nasa Babilonia, mga


hirang na paris ninyo; kinukumusta rin kayo ni Marcos, ang
mahal kong anak sa pananampalataya. Buong giliw kayong
magbatian bilang magkakapatid kay Kristo.

Ang kapayapaan ay sumainyong lahat, mga tagasunod ni


Kristo.

Tagabasa Ang salita ng Panginoon.


Bayan Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN | Salmo 88 |


Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.

Namumuno Pag-ibig mo, Poon, na di nagmamaliw ang


sa tuwi’t-twina’y aking aawitin; ang
katapatan mo’y laging sasambitin, Yaong
pag-ibig mo’y walang katapusan, sintatag
ng langit ang ‘yong katapatan. TUGON.

Namumuno Umawit silang nilikha sa langit, ang iyong


ginawa’y siyang dinadalit ang katapatan
4
mo, Poon, ay inaawit. Sino’ng kaparis mo
doon sa itaas? walang ibang diyos na iyong
katulad. TUGON.

Namumuno Mapalad ang taong sa ‘yo’y sumasamba, sa


pagsamba nila’y inaawitan ka at sa pag-ibig
mo’y namumuhay sila. Sa buong
maghapon, ika’y pinupuri, ang katarungan
mo’y siyang sinasabi. HULING TUGON.

Tatayo ang lahat sa Banal na Ebanghelyo ng Panginoon.


EBANGHELYO | Marcos 16:15-20 |
Aleluya! Aleluya! Ang ipinakong Mesiyas ay karunungan at
lakas ng D’yos na Tagapagligtas Aleluya! Aleluya!
- 1 Corinto 1:23a-24b

Diyakono/Pari Ang Panginoon ay Sumainyo.


Bayan At sumaiyo rin.

Diyakono/Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon


kay San Marcos.
Bayan Luwalhati sa Iyo, Panginoong
Hesukristo.

Kung may insenso, magsusuob nito.

Noong panahong iyon: Nagpakita si Hesus sa Labing-isa at


sinabi sa kanila, “Humayo kayo sa buong sanlibutan at
ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita. Ang
sumasampalataya at mabinyagan ay maliligtas, ngunit ang
hindi sumampalataya ay parurusahan. Ang mga
sumasampalataya ay magtataglay ng ganitong tanda ng
kapangyarihan: sa pangalan ko’y magpapalayas sila ng mga
demonyo at magsasalita ng ibang wika; sila’y hindi maaano

5
dumampot man ng ahas o uminom ng lason; at gagaling ang
mga maysakit na mapatungan ng kanilang kamay.”

Pagkatapos magsalita sa kanila, ang Panginoong Hesus ay


iniakyat sa langit at lumuklok sa kanan ng Diyos. Humayo
nga ang mga alagad at nangaral sa lahat ng dako. Tinulungan
sila ng Panginoon sa gawaing ito. Pinatotohanan niya ang
Salitang kanilang ipinangangaral sa pamamagitan ng
kapangyarihang gumawa ng himala, na ipinagkaloob niya sa
kanila.

Diyakono/Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon!


Bayan Papuri sa Iyo, Panginoong Hesukristo.

Isusunod ang Homilya. Luluhod ang bayan.


Kakaligtaan ang Sumasampalataya sa pang-araw-araw na
Banal na Misa.

PANALANGIN NG BAYAN

Pari Ipinahayag ni San Marcos ang Mabuting Balita


ng tunay na Mesiyas, si Hesus na Kristo.
Hilingin natin sa Ama na dinggin ang ating mga
kahilingan para sa isang mundong
nangangailangan ng pag-asang hatid ng
Ebanghelyo. Maranasan nawa namin ang
kabutihan Mo, Panginoon.

Namumuno Ang Simbahan nawa’y maging isang buhay na


tanda ng tunay na malasakit at tapat na
pangangalaga sa mga itinatakwil ng ating
lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.
Maranasan nawa namin ang kabutihan Mo,
Panginoon.
6
Namumuno Ang mga lumihis sa matuwid na landas nawa’y
marinig ang tinig ni Kristo, ang Mabuting
Pastol, na tumatawag sa kanila para magbalik
sa kanyang kawan, manalangin tayo sa
Panginoon. Maranasan nawa namin ang
kabutihan Mo, Panginoon.

Namumuno Ang mga kabataan nawa’y marinig ang tinig ng


Panginoon na nananawagan sa kanila sa
pagbabalik-loob at sa isang buhay na
nakatalaga sa paglilingkod, manalangin tayo sa
Panginoon. Maranasan nawa namin ang
kabutihan Mo, Panginoon.

Namumuno Ang lahat ng nagdurusa o may karamdaman


nawa’y makaunawa na mahal sila ng Diyos sa
pamamagitan ng pangangalaga at pansin na
ibinibigay natin sa kanila, manalangin tayo sa
Panginoon. Maranasan nawa namin ang
kabutihan Mo, Panginoon.

Namumuno Ang mga yumao nawa’y makapasok sa pintuan


ng kulungan ng mga tupa at magdiwang na
kasama ng pastol at gabay ng kanilang mga
kaluluwa, manalangin tayo sa Panginoon.
Maranasan nawa namin ang kabutihan Mo,
Panginoon.

Namumuno Tahimik nating ipanalangin ang ating sariling


mga kahilingan. (Tumigil sandali.)

Maglaan ng sandaling katahimikan.

Pari: Manalangin tayo.


7
Makapangyarihang Diyos, sa tulong ng mga
panalangin ni San Marcos, tapat na
ebanghelista, inilalapit namin sa iyo ang aming
mga kahilingan sa pamamagitan ni Kristo na
aming Panginoon. Amen.

Ipagpapatuloy sa pagbati ng kapayapaan at Banal na


Eukaristiya.

You might also like