You are on page 1of 24

KAPISTAHAN NG PAGLILIWANAG SA

BAGONG ANYO NG PANGINOON

Transfiguration of our Lord Parish


11 August 2019
Sa Simula ng Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya
Ilalahad ng commentator ang mga sumusunod sa simula ng pagdiriwang:

Magandang umaga/gabi po sa inyong lahat.


Ngayon po ay ipinagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan ng
Pagliliwanag sa Bagong Anyo ng Panginoon.
Ang mamumuno po sa ating pagdiriwang ay si Fr. N.
Magsitayo po ang lahat at magalak na sumabay
sa pambungad na awit.

PAGPASOK
Kapag natitipon na ang sambayanan, ang pari at mga tagapaglingkod ay lalakad patungo sa dambana, samantalang
ang awiting pambungad ay ginaganap.

PambungadMateo 17, 5
Sa maliwanag na ulap
Espiritu ay lumantad
Ang Diyos Ama ay nangusap,
“Ito ang mahal kong anak
lugod kong dinggin ng lahat.”
Kapag natitipon na ang mga tao, lalakad papunta sa dambana ang mga pari at lingkod habang umaawit ang lahat ng
pambungad na awitin.
Magtutungo sa kanyang upuan ang tagapamuno. Mananatiling nakatayo ang lahat. Magkukrus ang lahat habang
sinasabi ng tagapamuno

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


Tutugon ang mga tao

Amen.
Pagbati
Ilalahad ng tagapamuno ang kanyang mga kamay at babatiin ang lahat ng natitipon

Sumainyo ang Panginoon.


Tutugon ang mga tao

At sumaiyo rin.

2
Ang Obispo o diyakono o sinumang angkop na tagapaglingkod ay makapagbibigay ng maikling paliwanag tungkol sa
buod ng Misang ipinagdiriwang.

Mga minamahal kong kapatid,


Ipinagdiriwang natin ngayon
ang Dakilang Kapistahan ng
Pagliliwanag sa Bagong Anyo ng Panginoon.
Tayo ay tinatawag upang humarap sa kagandahang
dulot ng liwanag ni Hesus.
Ang kanyang liwanag na nagbibigay sa atin ng lakas.
Ang kanyang liwanag na nagbibigay sa atin ng pag-asa.
Ang kanyang liwanag na patuloy na ipinadarama sa atin ang kanyang
pag-ibig.
Ang pag-ibig na kailanman ay hindi lilipas.
Sa pagkatagpo natin sa liwanag ni Hesus sa ating buhay ay
ating alalahanin ang ating kapwa,
lalung-lalo na ang mga nagdurusa at naghihirap.
Tayo ang magsilbing liwanag sa kanila.
Ibahagi natin ang kagalakan na dulot ng kanyang Pagliliwanag sa
Bagong-Anyo.
Ang kagalakang dulot ng kanyang pag-ibig sa atin.

3
Pagsisi sa Kasalanan
Susunod na gaganapin ang pagsisisi ng kasalanan. Aanyayahan ng Obispo ang mga tao.

Mga kapatid, tinipon tayo bilang mga kaanib ng angkan ng Diyos kaya
dumulog tayo sa maawaing Panginoong nagpapatawad na lubos.
Magkakaroon ng saglit na katahimikan. Pagkatapos ihahayag ng Obispo o sinumang angkop na tagapaglingkod ang
sumusunod na pagluhog kaugnay ng “Panginoon, kaawaan Mo kami.”

Sinugong tagapagpagaling sa mga nagsisisi.


Panginoon kaawaan mo kami
Tutugon ang mga tao:

Panginoon, kaawaan mo kami.


Magpapatuloy ang pari:
Dumating na Tagapag-anyayang mga
makasalana’y magsisi,
Kristo, kaawaan mo kami.
Tutugon ang mga tao:

Kristo, kaawaan mo kami.


Magpapatuloy ang pari:

Nakaluklok ka sa kanan ng Diyos Ama


para ipamagitan kami.
Panginoon, kaawaan mo kami
Tutugon ang mga tao:

Panginoon, kaawaan mo kami.


Ipahahayag ng Obispo ang pagpapatawad:

Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos


patawarin tayo sa ating mga kasalanan
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.

4
Papuri Sa Diyos
Kapag nakatakdang ganapin, aawitin o darasalin ang awit:

Papuri sa Diyos sa kaitaasan.


At sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka namin.
Dinarangal ka namin.
Sinasamba ka namin.
Ipinagbubunyi ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos Hari ng langit.
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, bugtong na Anak, Panginoong Diyos,
Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang
aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin.
Sapagkat ikaw lamang ang banal.
Ikaw lamang ang Panginoon ikaw lamang O Hesukristo,
ang katastaasan kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.

5
Panalanging Pambungad
Pagkaraan ng awit, magkadaop ang mga kamay na ipahahayag ng Obispo:

Manalangin tayo.
Ang lahat kaisa ng Obispo ay tahimik na mananalangin nang saglit. Pagkalipas ng ilang sandali, ilalahad ng Obispo

A
ang kanyang kamay at ipahahayg ang panalanging pambungad.

ma naming makapangyarihan,
sa pagliliwanag sa bagong anyo ng iyong Anak
ang pananda ng aming sinasampalatayanan
ay iyong binigyang-patunay sa pagsaksi ng aming mga ninuno
at inihayag mong kami’y lubos na kinukupkop bilang mga anak.
Ngayong kami’y nakikinig sa iyong Anak na pinakamamahal
kami nawa’y pagindapating maging tagapagmanang kanyang katambal
sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sa katapusan nito’y sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:

Amen.

6
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS
Pagbasa IDaniel 7, 9-10. 13-14
Ipahahayag ng lector ang pagbasa
Kumikinang sa kaputian ang kanyang kasuotan.
Pagbasa mula sa aklat ni Propeta Daniel.

H abang ako’y nakatingin,


may naglagay ng mga trono.
Naupo sa isa sa mga ito ang isang nabubuhay magpakailanman.
Kumikinang sa kaputian ang kanyang kasuotan
at parang lantay na lana ang kanyang buhok.
Ang trono niya’y nagniningning.
Ang mga gulong nito ay apoy na nagliliyab.
Waring agos ng tubig ang apoy na bumubuga mula sa trono.
Ang naglilingkod sa kanya’y isang milyon
bukod pa sa milyon-milyong nakaantabay.
Humanda na siya sa paggawad ng hatol
at binuksan ang mga aklat. Patuloy ang aking pangitain.
Ang nakita mo naman ay isang tila taong nakasakay sa ulap.
Bumaba ito at lumapit sa nabubuhay magpakailanman.
Binigyan siya ng kapamahalaan,
ng karangalan at ng kaharian.
Siya ang paglilingkuran ng lahat ng tao, bansa at wika.
Ang pamamahala niya ay di matatapos,
at di babawiin at hindi mawawasak ang kanyang kaharian.
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:
Ang Salita ng Diyos.
Sasagot ang mga tao:
Salamat sa Diyos.

7
Salmong Tugunan Salmo 97, 1-2, 5-6. 9 (Tugon: 1a at 9a)
Ihahayag ng lector ang Tugon.
Panginoo’y maghahari, lakas niya’y mananatili.
Ihahayag ng lector ang taludtod:
Ang Poon ay maghahari, magalak ang kalupaan!
Lahat kayong mga pulo ay magsaya at magdiwang!
Ang paligid niya’y ulap na lipos ng kadiliman,
kaharian niya’y tapat at salig sa katarungan.
Ihahayag ng tao ang tugon:
Panginoo’y maghahari, lakas niya’y mananatili.
Ihahayag ng lector ang taludtod:
Yaong mga kabunduka’y natutunaw, parang pagkit
sa harapan ng dakilang Panginoon ng daigdig.
sa langit ay nahahayag yaong kanyan katwiran
sa lupa ay makikita ang kanyang kadakilaan.
Ihahayag ng tao ang tugon:
Panginoo’y maghahari, lakas niya’y mananatili.
Ihahayag ng lector ang taludtod:
Ikaw, Poon, ay Dakila at hari ng buong lupa,
dakila ka sa alinmang mga diyos na ginawa.
Ihahayag ng tao ang tugon:
Panginoo’y maghahari, lakas niya’y mananatili.

Pagbasa II 2 Pedro 1, 16-19


Ipahahayag ng lector The commentator says
Narinig naming ang tinig mula sa langit.
Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pedro.

M ga pinakamamahal,
ang ipinahayag namin sa inyo
tungkol sa muling pagparito ng ating Panginoong Hesukristo,
na puspos ng kapangyarihan,
ay hindi sa mga alamat na katha lamang ng tao.
Nasaksihan naming ang kanyang kadakilaan
nang ipagkaloob sa kanya ng Diyos Ama
8
ang karangalan at kapurihan.
Ito’y nangyari nang marinig ang tinig
mula sa Dakilang Kaluwalhatian ng langit.
“Ito ang pinakamamahal kong Anak;
siya ang lubos kong kinalulugdan.”
Narinig naming ito sapagkat kami’y kasama niya sa banal na bundok.
Kaya naman lalong tumibay
ang aming paniniwala sa ipinahayag ng mga propeta.
Makabubuting ito’y pag-uukulan ninyo ng pansin,
sapagkat ang nakakatulad nito
ay isang ilaw sa karimlan na tumatanglaw
sa inyo hanggang sa mamanaag ang Araw ng Panginoon
at ang sinag ng tala ng umaga’y maglagos sa inyong puso.
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:
Ang Salita ng Diyos.
Sasagot ang mga tao:
Salamat sa Diyos.
Isusunod ang Awit-Pambungad sa Mabuting Balita.

Awit Pambungad sa Mabuting BalitaMateo 17, 5c


Aleluya! Aleluya!
Sabi ng D’yos ay pakinggan
ang Anak n’yang minamahal
na lubhang kinalulugdan.
Aleluya! Aleluya!
Mabuting BalitaLucas 9: 28b - 36
Pari o Diyakuno: Sumainyo ang Panginoon.
Tutugon ang lahat: At sumainyo rin.
Pari o Diyakuno:
X Pagbasa mula sa Mabuting Balita ayon kay San Lucas.
Tutugon ang lahat: Papuri sa’yo, Panginoon.

9
Iinsensuhan ang Aklat ng Mabuting Balita. Ipahahayag ang Mabuting Balita.

N oong panahong iyon,


umakyat si Hesus sa bundok upang manalangin.
Isinama niya sina Pedro, Juan at Santiago.
Samantalang siya’y nananalangin,
nagbago ang anyo ng kanyang mukha,
nagningning ang kanyang kasuotan nanaging puting-puti.
Di kaginsa-ginsa’y lumitaw ang dalawang lalaki
- sina Moises at Elias na nagpakitang may kaningningan
- at nakikipag-usap sa kanya.
Pinag-usapan nila ang nalalapit na pagpanaw ni Hesus
na magaganap sa Jerusalem.
Tulog na tulog si Perdro at ang kanyang mga kasama,
ngunit sila’y biglang nagising at nakita nila si Hesus na nagniningning
at ang dalawang lalaking nakatayo sa tabi niya.
Nang papaalis na sa tabi ni Hesus ang mga lalaki, sinabi ni Perdo,
“Guro, mabuti pa’y dumito na tayo. Gagawa po kami ng tatlong kubol:
isa sa inyo, isa kay Moises, at isa kay Elias.”
Ang totoo’y hindi niya nalalaman ang kanyang sinasabi.
Nagsasalita pa siya nang matakpan sila ng isang ulap, at sila’y natakot.
At may isang tinig mula sa alapaap na nagsabi,
“Ito ang aking Anak, ang aking Hinirang. Siya ang inyong pakinggan.”
Nang tumigil ang tinig, nakita nilang nag-iisa na si Hesus.
At hindi muna sinabi ng alagad kaninuman ang kanilang nakita.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Tutugon ang lahat
Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.
Homiliya
Magbibigay ang pari ng homiliya.

10
Pagpapahayag ng Pananampalataya
Ipahahayag ang Sumasampalataya.

Sumasampalataya ako
sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Hesukristo,
iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.
Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit.
Naluluklok sa kanan ng Diyos
Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto
at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako
sa Diyos Espiritu Santo,
sa banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao
at sa buhay na walang hanggan. Amen.

11
Panalangin ng Bayan
Sisimulan ng pari ang Panalangin mula sa kanyang upuan:

Sa pagbabagong-anyo,
inihayag ng Ama ang kaluwalhatian ng kanyang Anak.
Hindi natin nakikita ngayon ang kanyang kaluwalhatian,
subalit sa ating paghihintay sa Kaharian,
manalangin tayo sa Ama sa ngalan niya.
Sa bawat panalangin ating itugon: Panginoon, dinggin mo ang aming
panalangin.
Ang mga luhog ay ihahayag sa ambo.
1. Sa pamamagitan ng Simbahan nawa’y maningning ang kaluwalhatian ni Kristo
habang tapat tayong nakikinig sa kanya, manalangin tayo sa Panginoon.
2. Ang mga bansa nawa’y maakay ng minamahal na Anak sa mga landas ng
kapayapaan at katarungan, manalangin tayo sa Panginoon.
3. Tayo nawa’y lumago sa biyaya at sa gayo’y mamasdan ng iba ang “liwanag ni
Kristo” sa ating buhay, manalangin tayo sa Panginoon.
4. Ang mga taong nagdurusa nawa’y makita ang kanilang hinaharap sa nagbagong-
anyong Manunubos, manalangin tayo sa Panginoon.
5. Para sa ating parokya, nawa sa pamamagitan ng pagbabagong-anyo ng Panginoon
ay ating sariwain at pagpanibaguhin ang ating pananampalataya, pag-asa at pag-
ibig sa kanya, manalangin tayo sa Panginoon.
6. Ang mga yumao nawa’y magkaroon ng bagong anyo at makatulad ng niluwalhating
Katawan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
7. Sa katahimikan ng ating puso, idalangin natin sa Panginoon ang ating mga sariling
kahilingan. Manalangin tayo sa Panginoon.
Wawakasan ng pari ang panalangin:

Ama naming makapangyarihan,


Tanggapin mo ang mga panalangin ng pamayanang ito,
Natitipon upang marinig ang iyong mga salita
At mag-alay ng sakripisyo ng iyong Anak
Na nabubuhay ay naghahari magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao.

Amen.
12
PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN
Pagkatapos, sisimulan ang Awit sa Paghahanda ng mga Alay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga
tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis, ang pall, at ang Aklat ng
Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.
Ngayon nama’y tatayo ang pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng tinapay nang
bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong.
Kapuri-puri Ka, Diyos Amang Lumikha ng sanlibutan.
Sa Iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito
para maging pagkaing nagbibigay-buhay.
Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.
Kapag hindi ginaganap ang awit sa pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang malakas ng pari at sa
katapusan makapagbubunyi ang mga tao:
Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!
Ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang pabulong.
Sa paghahalong ito ng alak at tubig
kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakn ng pari ang kalis nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang
dinarasal niya nang pabulong.
Kapuri-puri Ka, Diyos Amang Lumikha ng sanlibutan.
Sa Iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito,
para maging inuming nagbibigay ng Iyong Espiritu.
Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.
Kapag hindi ginaganap ang awit sa pag-aalay,ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang malakas ng pari at sa
katapusan makapagbubunyi ang mga tao:
Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!
Pagkatapos, yuyuko ang pari habang dinarasal niya ng pabulong:
Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan.
Tanggapin Mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami’y matutong sumunod sa Iyo ng buong puso.

13
Pagkatapos ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay samantalang pabulong niyang
dinarasal:
O Diyos kong minamahal,
kasalanan ko’y hugasan
at linisin Mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.

Panalanging Ukol sa mga Alay


Sasabihin ng tagapamuno

Manalangin kayo, mga kapatid,


upang ang ating paghahain ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.
Tutugon ang lahat

Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay,
sa kapurihan niya at karangalan,
sa ating kapakinabangan
at sa buong sambayanan niyang banal.

A
Ilalahad ng tagapamuno ang kanyang mga kamay at ihayayag

ma naming Lumikha,
ang mga hain namin nawa’y maging banal
sa liwanag ng bagong anyo ng Anak mong mahal.
Ang kadilimang dulot ng kasalanan sa amin
ay maparam nawa sa sinag niyang maningning
sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Tutugon ang mga tao

Amen.

14
Panalangin ng Pagpupuri at Pasasalamat
Ngayo’y sisimulan ng pari ang Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat. Ilalahad niya ang kanyang mga kamay
habang kanyang sinasabi:

Pari: Sumainyo ang Panginoon.


Sasagot ang tao: At sumainyo rin.
Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
Sasagot ang tao: Itinaas na namin sa Panginoon.
Pari: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
Sasagot ang tao: Marapat na siya ay pasalamatan.

A
Ilalahad ng tagapamuno ang kanyang mga kamay habang nagdarasal

ma naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon.
Ipinakita niyang siya’y maningning
habang ang mga piling alagad ay nakatingin.
Pinuspos niya sa kaliwanagan
ang katawan niyang di iba sa karaniwan.
Dito’y pinawi niya ang pangamba’t takot
ng mga alagad sa magaganap sa krus.
Dito’y inilahad niya sa kanyang sambayanan
na magliliwanag ang tanang kanyang pinangunguluhan.
Kaisa ng mga angel
na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:
Santo, Santo, Sa1nto, Panginoong Diyos na makapangyarihan...

15
katlong Panalangin ng Pagpupuri at Pasasalamat

A
Nakalahad ang kamay ng pari sa pagdarasal

ma naming banal,
dapat Kang purihin ng tanang kinapal
sapagkat sa pamamagitan ng Iyong Anak
na aming Panginoong Hesukristo
at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang lahat ay binigyan Mo ng buhay at kabanalan.
Walang sawa Mong tinitipon ang Iyong sambayanan
upang mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw
maihandog ang malinis na alay
para sambahin ang Iyong ngalan.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban niya ang mga alay habang siya’y nagdarasal.

Ama,
isinasamo naming pakabanalin Mo
sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang mga kaloob na ito
na aming inilaan sa Iyo.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang dinarasal:

Ito nawa ay maging Katawan at Dugo X


ng Iyong Anak at aming Panginoong Hesukristo
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

na nag-utos ipagdiwang ang misteryong ito.


Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag nang malinaw at nauunawaan sa
tanan ayon sa hinihingi ng mga ito.

Noong gabing ipagkanulo Siya,


Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakaangat sa ibabaw ng dambana habang patuloy na inihahayag:

Hinawakan Niya ang tinapay,


pinasalamatan Ka Niya,
pinaghati-hati Niya iyon,
iniabot sa Kanyang mga alagad
at sinabi:
16
Bahagyang yuyuko ang pari

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN NA INIHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito sa pinggan, at luluhod siya

bilang pagsamba.
Ang pari ay magpapatuloy.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang patuloy na inihahayag:

Hinawakan Niya ang kalis,


muli Ka Niyang pinasalamatan,
iniabot Niya ang kalis sa Kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang
pagsamba.
Pagkatapos, ipahahayag ng pari:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.


Ang mga tao ay magbubunyi:

Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

17
Ilalahad ng pari ang kanyang kamay samantalang siya ay nagdarasal:

Ama,
ginugunita namin
ang pagkamatay ng Iyong Anak
na sa ami’y nagligtas,
gayundin ang Kanyang muling pagkabuhay
at pag-akyat sa kalangitan
samantalang ang Kanyang pagbabalik ay pinananabikan,
kaya bilang pasasalamat ngayo’y aming iniaalay sa Iyo
ang buhay at banal na paghahaing ito.
Tunghayan Mo ang handog na ito
ng Iyong Simbahan.
Masdan Mo ang Iyong Anak
na nag-alay ng Kanyang buhay
upang kami ay ipagkasundo sa Iyo.
Loobin Mong kaming magsasalu-salo
sa Kanyang Katawan at Dugo
ay mapuspos ng Espiritu Santo
at maging isang Katawan at isang diwa kay Kristo.
Ang paring tagapagdiwang o ibang pari
Kami nawa ay gawin Niyang handog
na habang panahong nakatalaga sa Iyo.
Tulungan nawa Niya kaming magkamit ng Iyong pamana
kaisa ng Ina ng Diyos, ang Mahal na Birheng Maria,
ni San Jose na kanyang kabiyak,
kaisa ng mga Apostol, mga Martir,
at kaisa ng lahat ng mga Banal
na aming inaasahang laging nakikiusap para sa aming kapakanan.
Ama, ang handog na ito
ng aming pakikipagkasundo sa Iyo
18
ay magbunga nawa ng kapayapaan at kaligtasan
para sa buong daigdig.
Patatagin Mo sa pananampalataya at pag-ibig
ang Iyong Simbahang naglalakbay sa lupa,
kasama ng Iyong lingkod na si Papa Francisco,
ang aming Obispo si Honesto,
ng tanang mga Obispo at buong kaparian
at ng Iyong piniling sambayanan.
Dinggin Mo ang mga kahilingan ng Iyong angkan
na ngayo’y tinipon Mo sa Iyong harapan.
Amang maawain,
kupkupin Mo at pag-isahin ang lahat ng Iyong mga anak
sa bawat panig at sulok ng daigdig.
Kaawaan Mo at patuluyin sa Iyong kaharian
ang mga kapatid naming yumao
at ang lahat ng lumisan na sa mundong ito
na nagtataglay ng pag-ibig sa Iyo.
Kami ay umaasang makararating sa Iyong piling
at sama-samang magtatamasa ng Iyong kaningningang walang maliw
sapagkat aming masisilayan ang Iyong kagandahan.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang kamay.

Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo


na Siyang pinagdaraanan
ng bawat kaloob Mo sa aming kabutihan.
Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas habang kanyang ipinahahayag:

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama Niya, at sa Kanya


ang lahat ng parangal at papuri ay sa Iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Ang tao ay magbubunyi.

Amen.
19
Ang Pagpapakinabang
Panalangin ng Panginoon
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang may magkadaop na mga kamay.

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin ng lakas loob:

A
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipapahayag niya kaisa ng lahat.

ma namin, sumasalangit Ka.


Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo.
Sundin ang loob Mo. Dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo po kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin Mo kami sa aming mga sala.
Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
at iadya Mo kami sa lahat ng masama.
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin ng ganitong pagbubunyi:
Sapagkat Iyo ang kaharian,
at ang kapangyarihan, at ang kapurihan
magpakailan man! Amen.
20
Panalangin para sa Kapayapaan
Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalhad ang mga kamay:

Panginoong Hesukristo,
sinabi Mo sa Iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan Ko sa inyo.
Ang Aking kapayapaan ang ibinibigay Ko sa inyo.”
Tunghayan Mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming pagkakasala.
Pagkalooban Mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa Iyong kalooban
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


Sasagot ang mga tao:

Amen.
Ang pari’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa pagpapahayag.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.


Sasagot ang mga tao:

At sumainyo rin.
Maidaragdag, kung minamabuti, ang paanyayang ipahahayag ng pari:

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.


At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t ibang pook, ang mga nagsisimba ay magbibigayan ng kapayapaan. Ang mga
tatanggap ng banal na pakikinabang sa unang pagkakataon at ang lahat ay makapagbibigay ng pagbati ng
kapayapaan.

Paghati ng Tinapay
Aawit ang mga tao ng Kordero ng Diyos.
Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at isasawak niya ang
kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:
Sa pagsasawak na ito
ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.

21
Pansariling Paghahanda ng Pari
Magdaraop ng kamay ang tagapamuno at pabulong na darasalin
Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,
sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng masama,
gawin mong ako’y makasunod lagi sa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot na ako’y mawalay sa iyo kailanman.

Pakikinabang
Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng pinggan o kalis. Paharap sa
mga tao siyang magsasabi ng malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa Kanyang piging.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat magpatuloy sa Iyo,


ngunit sa isang salita Mo lamang ay gagaling na ako.
Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:
Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo
para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.
Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:
Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo
para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.
Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya nag tagapaglingkod kung ito’y makikinabang,
bahagyang itataas ang ostiya habang sinasabi.
Katawan ni Kristo.
Ang nakikinabang ay tutugon:
Amen.

22
Samantalang nakikinabang ang pari, sisimulan ang awit sa pakikinabang.
Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan at titipunin sa kalis na huhugasan ng pari sa maliit na
hapag na may kagamitan o iiwanan muna sa dambana. Habang ito’y ginaganap ng pari, pabulong siyang magdarasal:
Ama naming mapagmahal,
ang aming tinanggap ngayon ay amin nawang mapakinabangan
at ang Iyong ipinagkaloob ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingang magpakailan man.
Makapag-uukol ng ilang saglit na katahimikan o makaaawit ng papuri o salmo.

Panalangin ng mga Taga-Transfi


Panalangin Pagpapakinabang
Mula sa kanyang upuan, tatayo ang tagapamuno at ilalahad ang kanyang mga kamay at pagdaraupin habang
ipinahahayag

Manalangin tayo.

A
Ilalahad niya ang kanyang mga kamay habang dinarasal

ma naming mapagmahal,
ang tinanggap naming banal na pakikinabang
ay siya nawang magpabago sa amin
sa ikapagiging-kalarawan ng niloob mong magpamalas
ng pagliliwanag sa bagong anyo bilang aming Tagapamagitan
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang tao.

Amen.
Commentator: Magsi-upo po ang lahat para sa ilang paalala.

23
Paghahayo sa Wakas
Pagkatapos, gaganapin ang paghayo. Ang paring nakalahad ang kamay sa mga tao ay magpapahayag:

Sumainyo ang Panginoon.


Sasagot ang mga tao:

At sumainyo rin.
Maringal na Pagbabasbas
Magsiyuko ang lahat para sa maringal na pagbabasbas.
Pagpalain nawa kayo at ingatan ng Panginoon
ngayon at magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
Nawa’y kahabagan niya kayo at subaybayan
Ngayon at magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
Lingapin nawa niya kayo at bigyan ng kapayapaan
Ngayon at magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
Babasbasan ng pari ang mga tao habang kanyang ipinahahayag:

Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos Ama,


at Anak X at Espiritu Santo.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
Ang parin o diyakuno magkadaop ang mga kamay ay magpapahayag ng paghayo sa Sambayanan.

Taglayin ninyo sa inyong pag-alis


ang kapayapaan ni Kristo.
Sasagot ang mga tao:

Salamat sa Diyos.
Karaniwan, ang dambana ay bibigyang-paggalang sa paghalik dito ng pari at matapos makapagbigay-pitagan ng mga
tagapaglingkod, siya ay hahayo habang nagaganap ang awiting pangwakas.

24

You might also like