You are on page 1of 23

Ang Pagmimisa sa Karangalan ng

Nuestro Padre Jesus Nazareno


SA KARANGALAN NG NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO 1

PAGMIMISA SA KARANGALAN NG NUESTRO PADRE JESUS


NAZARENO NG QUIAPO
Matapos magprusisyon ng pari kasama ang mga tagapaglingkod patungo sa santwaryo, ang paghalik sa
dambana, at sa pag-iinsenso nito, magtutungo ang pari sa kanyang upuan at kanyang pangungunahan ang
banal na pagdiriwang.

Paring Tagapagdiwang:
Sa Ngalan ng Ama + at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
Paring Tagapagdiwang:
Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo,
ang pag-ibig ng Diyos Ama,
at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo
nawa’y sumainyong lahat.
Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.
Paring Tagapagdiwang:
Mga kapatid,
bilang isang pamayanan,
sama-sama nating pinapupurihan ang ating Diyos
na sa pamamagitan ng pagpapakasakit
ng Kanyang Bugtong na Anak,
ang Nuestro Padre Jesus Nazareno,
nagkaroon ng kaganapan ang kaligtasan
ng sangkatauhang natigmak sa kasalanan.
At upang tayo ay maging marapat
na magpuri at magpasalamat
SA KARANGALAN NG NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO 2

sa Banal na Pagdiriwang na ito,


aminin natin ang ating mga kasalanan
at humingi tayo sa Diyos
ng awa at kapatawaran.
Magkakaroon ng sandaling katahimikan. Pagkatapos nito, lahat ay sabay-sabay na aamin sa nagawang
kasalanan. Ito ay pangungunahan ng paring namumuno sa pagdiriwang:

Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos


at sa inyo, mga kapatid,
na lubha akong nagkasala
Ang lahat at dadagok sa dibdib.
sa isip, sa salita, sa gawa
at sa aking pagkukulang.
Kaya isinasamo ko
sa Mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga banal
at sa inyo, mga kapatid,
na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.
Ipahahayag ang pagpapatawad.

Paring Tagapagdiwang:
Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,
patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
Isusunod ang pagluhog na, “Panginoon, kaawaan mo kami.”
SA KARANGALAN NG NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO 3

Panginoon, kaawaan mo kami. B. Panginoon, kaawaan mo kami.


Kristo, kaawaan mo kami. B. Kristo, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami. B. Panginoon, kaawaan mo kami.
Aawitin ng lahat ang Papuri sa Diyos.

Papuri sa Diyos sa kaitaasan


at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka namin,
dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin,
ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin
dahil sa dakila mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.
Sapagka’t ikaw lamang ang banal
ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan,
SA KARANGALAN NG NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO 4

kasama ng Espiritu Santo


sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.
Pagkaraan ng awit, ipahahayag ng pari ang panalanging pambungad.

PANALANGING PAMBUNGAD
Paring Tagapagdiwang:
Manalangin tayo.
Ama naming makapangyarihan,
niloob Mong akuin ng Iyong Anak ang Krus at kamatayan
upang ang sangkatauha'y matubos at mabuhay.
Ang pag-ako namin sa krus at kamatayan dito sa lupa
ayon sa diwa ng pagsunod sa Iyong loob
na ginanap ng Iyong Anak
ay magpagindapat nawang aming kamtin
ang lubos na katubusan at pagkabuhay sa Iyong piling
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
SA KARANGALAN NG NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO 5

ANG PAGPAPAHAYAG NG MGA SALITA NG DIYOS


Unang Pagbasa

Pagbasa mula sa Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos


Filipos 2, 6-11
Si Kristo Hesus, bagamat siya’y Diyos,
ay hindi nagpilit na mantiling kapantay ng Diyos.
Bagkus hinubad niya ang lahat ng katangian ng pagka-Diyos,
nagkatawang-tao at namuhay na isang alipin.
Nang maging tao, siya’y nagpakababa
at naging masunurin hanggang kamatayan.
Oo, hanggang kamatayan sa krus.
Kaya naman, siya’y itinampok ng Diyos
at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan.
Anupa’t ang lahat ng nilalang na nasa langit,
nasa lupa, nasa ilalim ng lupa ay maninikluhod at sasamba sa kanya.
At ipapahayag ng lahat na si Hesukristo ang Panginoon,
sa ikararangal ng Diyos Ama.

Ang Salita ng Diyos.


SA KARANGALAN NG NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO 6

Salmong Tugunan

Tugon: Panginoon sa puso ko'y ituro Mo dunong ng puso Mo.

Pusong dalisay likhain Mo sa 'kin.


'Sang diwang matatag sa puso ko'y ihain.
Sa piling Mo sa t'wina ako'y ilapit.
Diwa Mong banal h'wag Mong ipagkait. (Tugon)

Puso'y gawaran ng kaligtasan.


Patibayin sa akin tapat na kalooban.
Landas Mo ay aking ihahayag.
May sala sa 'Yo ay mapapanatag. (Tugon)

Mag-alay man ako'g susunuging handog,


Sa 'Yong dambana'y 'di kalugod-lugod.
Pusong nagsisisi tanging sapat sa 'Yo,
Pusong nagmamahal, pusong laan sa 'Yo. (Tugon)

Koda: Dunong ng puso Mo.


SA KARANGALAN NG NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO 7

Mabuting Balita
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Juan 3, 13-17

Noong panahong iyon,


sinabi ni Hesus kay Nicodemo,
“Walang umakyat sa langit
kundi ang bumaba mula sa langit —
ang Anak ng Tao.”
At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa ilang,
gayun din naman, kailangang itaas ang Anak ng Tao,
upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya
ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan,
kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak,
upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak,
kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak,
hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan,
kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


SA KARANGALAN NG NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO 8

ANG PANALANGIN NG BAYAN


Pari: Mga kapatid, manalangin tayo sa Diyos Ama na nagmahal nang
labis sa mundo kaya’t ibinigay ang kanyang bugtong na Anak, Ang
Poong Hesus Nazareno, upang mamatay sa krus para sa atin.

PANGINOON, DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.


o kaya
SA PAMAMAGITAN NG KAPANGYARIHAN NG KRUS,
DINGGIN MO KAMI, O PANGINOON.

Lektor: Ang Simbahan sa lupa, sa pangunguna ng ating Santo Papa Francisco,


nawa’y magpatuloy sa pakikibaka patungo sa ikatatagumpay sa ilalim ng bandila
ng krus, manalangin tayo sa Panginoon. (Tugon)

Lektor: Ang mga mamamayan ng ibang bansa at kultura nawa’y makatagpo ng


kalayaan at kapayapaan sa pamamagitan ni Hesukristo na itinaas ng Diyos,
manalangin tayo sa Panginoon.

Lektor: Ang mga nangangailangan ng habag at pagpapatawad ng Diyos nawa’y


makatagpo ng pag-asa sa krus ni Kristo bilang daan sa kapayapaan at
pagkakasundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Lektor: Ang mga maysakit, lalo na ang mga tinamaan ng COVID-19, nawa’y
makita sa krus ni Kristo ang pag-asa sa lubos na paggaling at panunumbalik ng
kalusugan, manalangin tayo sa Panginoon.

Lektor: Ang mga nahihimlay kay Kristo nawa’y mapatawad sa kanilang mga
kasalanan sa pamamagitan ng dugo ng sakripisyo ni Kristo, manalangin tayo sa
Panginoon.

Pari: Ama naming mapagmahal, nasa krus ang aming pag-asa sa buhay
na ito at sa kabila. Ipagkaloob mo ang aming mga kahilingan habang
nagpupuri kami sa iyo dahil sa iyong mga awa sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon.

Bayan: Amen.
SA KARANGALAN NG NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO 9

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN


Matapos ang panalanging pangkalahatan ay pasisimulan ang pagdiriwang ng huling hapunan.
Pagkatanggap ng pari ng mga alay mula sa sambayanan, siya ay babalik sa dambana. Pagkatapos, tatayo
ang pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan kasama ang tinapay nang bahagyang
nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong.
Paring Tagapagdiwang:
Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito
Para maging pagkaing nagbibigay-buhay.
Ilalapag ng pari ang pingga’t tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.
Kung hindi ginaganap ang awit sa pag-aalay, tutugon ang mga tao matapos ang pananalangin:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!


Ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang pabulong.

Paring Tagapagdiwang:
Sa paghahalong ito ng alak at tubig
Kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
Na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng pari ang kalis na bahagyang nakaangat sa dambana
habang dinarasal niya nang pabulong.

Paring Tagapagdiwang:
Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa
ang alak na ito para maging inuming
nagbibigay ng iyong Espiritu.
Ilalapag ng pari ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.
SA KARANGALAN NG NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO 10

Kung hindi ginaganap ang awit sa pag-aalay, tutugon ang mga tao matapos ang pananalangin:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!


Pagkatapos, yuyuko ang pari habang dinarasal niya nang pabulong.

Paring Tagapagdiwang:
Diyos Amang lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan.
Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso.
Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng pari ang mga alay at ang dambana; pagkaraa’y iinsensuhan ng
diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisimba.
Pagktatapos, ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay samantalang
pabulong na dinarasal.

Paring Tagapagdiwang:
O Diyos kong minamahal,
kasalanan ko’y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.
Pagkabalik niya sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga kamay sa mga tao at muling
pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag ang mga sumusunod.

Paring Tagapagdiwang:
Manalangin kayo, mga kapatid,
upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.
Sasagot ang mga tao:

Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal.
SA KARANGALAN NG NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO 11

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY


Paring Tagapagdiwang:
Ama naming Lumikha,
sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan
maganap nawa ang paghahaing ito
na sa dambana ng krus ay siyang pumawi
sa kasalanan ng buond mundo
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
SA KARANGALAN NG NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO 12

PAGBUBUNYI O PREPASYO: ANG MALUWALHATING


PAGTATAGUMPAY SA KRUS

P. Sumainyo ang Panginoon.


B. At sumaiyo rin.
P. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
B. Itinaas na namin sa Panginoon.
P. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
B. Marapat na siya ay pasalamatan.

Ama naming makapangyarihan,


tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan.

Iyong ipinasyang sa kahoy na krus


ang sangkatauha'y tubusin ni Hesus
Sa punong-kahoy nagkapuwang ang kamatayan.
Sa kahoy na krus itinanghal ang pagkabuhay.
Sa punong-kahoy nanig ang sumuway sa Iyo.
Sa kahoy na krus siya'y nadaig
ng masunuring Anak Mo.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

Santo, Santo, Santo…


SA KARANGALAN NG NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO 13

IKATLONG PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PASASALAMAT

Nakalahad ang kamay ng pari sa pagdarasal.


Ama naming banal, dapat kang purihin ng tanang kinapal
sapagkat sa pamamagitan ng iyong Anak
na aming Panginoong Hesukristo
at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang lahat ay binibigyan mo ng buhay at kabanalan.
Walang sawa mong tinitipon ang iyong sambayanan
upang mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw
maihandog ang malinis na alay para sambahin ang iyong ngalan.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban niya ang mga alay habang siya’y nagdarasal.
Ama, isinasamo naming pakabanalin mo
sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang mga kaloob na ito na aming inilalaan sa iyo.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang kanyang
dinarasal:
Ito nawa’y maging Katawan at Dugo +
ng iyong Anak at aming Panginoong Hesukristo
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.
na nag-utos ipagdiwang ang misteryong ito.
Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag nang malinaw at
nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.
SA KARANGALAN NG NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO 14

Noong gabing ipagkanulo siya,


Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakaangat sa ibabaw ng dambana habang patuloy na
inihahayag:
hinawakan niya ang tinapay, pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon, iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.
TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:
ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito sa pinggan, at
luluhod siya bilang pagsamba.
Ang pari ay magpapatuloy.
Gayun din naman, nang matapos ang hapunan,
Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang
kanyang patuloy na inihahayag:
Hinawakan niya ang kalis
muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.
TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:
ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.


Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at luluhod siya
bilang pagsamba.
Pagkatapos, ipahahayag ng pari:
Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.
SA KARANGALAN NG NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO 15

Ang mga tao ay magbubunyi:


Si Kristo ay gunitain, sarili ay inihain
bilang pagkai’t inuming pinagsasaluhan natin
hanggang sa siya’y dumating!

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:


Ama,
ginugunita namin
ang pagkamatay ng iyong Anak
na sa ami’y nagligtas,
gayun din ang kanyang muling pagkabuhay
at pag-akyat sa kalangitan
samantalang ang kanyang pagbabalik
ay pinananabikan,
kaya bilang pasasalamat
ngayo’y aming iniaalay sa iyo
ang buhay at banal na paghahaing ito.

Tunghayan mo ang handog na ito


Ng iyong Simbahan.
Masdan mo ang iyong Anak
na nag-alay ng buhay
upang kami ay ipagkasundo sa iyo.
Loobin mong kaming magsasalu-salo
sa kanyang Katawan at Dugo
ay mapuspos ng Espiritu Santo
ay maging isang katawan at isang diwa kay Kristo.
SA KARANGALAN NG NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO 16

Kami nawa ay gawin niyang handog


na habang panahong nakatalaga sa iyo.
Tulungan nawa niya kaming magkamit ng iyong pamana
kaisa ng Ina ng Diyos, ang Mahal na Birheng Maria,
kaisa ng mga apostol, mga martir,
ni San Rafael Arkanghel,
at kaisa ng lahat ng mga Banal na aming inaasahang
laging nakikiusap para sa aming kapakanan.

Ama, ang handog na ito


ng aming pakikipagkasundo sa inyo
ay magbunga nawa ng kapayapaan at kaligtasan
para sa buong daigdig.

Patatagin mo sa pananampalataya at pag-ibig


ang iyong Simbahang naglalakbay sa lupa,
kaisa ng iyong lingkod na si Papa Francis,
ang aming Obispo Francisco,
ni Nolly, na kanyang katuwang na Obispo,
ng tanang mga Obispo at buong kaparian
at ng iyong piniling sambayanan.

Amang maawain,
kupkupin mo at pag-isahin ang lahat ng iyong mga anak
sa bawa’t panig at sulok ng daigdig.

+ Kaawaan mo at patuluyin sa iyong kaharian


ang mga kapatid naming yumao
at ang lahat ng lumisan na sa mundong ito
SA KARANGALAN NG NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO 17

na nagtataglay ng pag-ibig sa iyo.


Kami ay umaasang makararating sa iyong piling
at sama-samang magtatamasa
ng iyong kaningningang walang maliw
sapagka’t aming masisilayan ang iyong kagandahan
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.
sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo
na siyang pinagdaraanan ng bawat kaloob mo
sa aming kabutihan. +
Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas (katuwang ng isang
diyakono) habang kanyang ipinahahayag:
Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya,
ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Ang mga tao ay magbubunyi:
Amen!
SA KARANGALAN NG NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO 18

ANG PAKIKINABANG

Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang magkadaop ang mga kamay:

Paring Tagapagdiwang:

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos

at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos

ipahayag natin nang lakas-loob:

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat:

Paring Tagapagdiwang:

Ama namin, sumasalangit ka.

Sambahin ang ngalan mo.

Mapasaamin ang kaharian mo.

Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon

ng aming kakanin sa araw-araw.

At patawarin mo kami sa aming mga sala

para nang pagpapatawad namin

sa nagkakasala sa amin.

At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.

At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Nakalahad ang kamay ng pari sa pagdarasal:


SA KARANGALAN NG NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO 19

Paring Tagapagdiwang:

Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama,

pagkalooban ng kapayapaan sa araw-araw,

iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan,

samantalang aming pinananabikan ang dakilang araw

ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa ganitong
pagbubunyi:

Sapagkat iyo ang kaharian

at ang kapangyarihan at ang kapurihan

magpakailanman! Amen.

Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

Paring Tagapagdiwang:

Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga Apostol:

“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.

Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”

Tunghayan mo ang aming pananampalataya

at huwag ang aming pagkakasala.

Pagkalooban mo kami ng kapayapaan

at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.


SA KARANGALAN NG NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO 20

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Sasagot ang mga tao:

Amen.

Ang pari’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng kanyang mga kamay sa pagpapahayag:

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.

Maidaragdag, kung minamabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o pari:

Paring Tagapagdiwang (o Diyakono):

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

Matapos mabigayan ng kapayapaan, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng
pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito ng Katawan at Dugo

ng aming Panginoong Hesukristo

tanggapin nawa namin sa pakikinabang

ang buhay na walang hanggan.

Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog na ‘Kordero ng
Diyos.’

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal:

Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,

Panginoong Hesukristo,

ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom


SA KARANGALAN NG NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO 21

at parusa sa kasalanan ko.

Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig,

nawa’y aking matanggap

ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.

Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya sa ibabaw ng pinggan. Pagharap sa
mga tao siyang magsasabi nang malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.

Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.

Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

Sasagot ang mga tao:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo

ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo

para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo

para sa buhay na walang hanggan.


SA KARANGALAN NG NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO 22

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Paring Tagapagdiwang:
Manalangin tayo.
Panginoong Hesukristo,
kaming nagsalu-salo sa banal na pakikinabang
ay nakikiusap sa Iyo na ang mga nasagip
sa kahoy na krus na nagbibigay-buhay
ay iyong ihatid sa pagkabuhay sa kaluwalhatian
sapagkat Ikaw ang Panginoon magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
Aanyayahan ang lahat na maupo. Sa puntong ito, gaganapin ang mensahe ng pasasalamat at ilang
mga pabatid o paalala. Matapos nito, igagawad na ng paring tagapagdiwang ang pagbabasbas.

Paring Tagapagdiwang: Sumainyo ang Panginoon.


Bayan: At sumaiyo rin.

Paring Tagapagdiwang: At pagpalain kayo ng Makapangyarihang

Diyos Ama + at Anak at Espiritu Santo.


Bayan: Amen.
Paring Tagapagdiwang: Tapos na ang ating pagdiriwang. Humayo
kayo sa kapayapaan.
Bayan: Salamat sa Diyos.

You might also like